Ayaw ni Blossom na hayaan ang mga bagay na ganun lang, ngunit hinila siya ni Cherry para umalis.Samantala, may biglang ilaw ng kidlat at may kulog, kasama nito ang mga nakakaawa na sigaw sa isang tagong sulok.Pagkatapos, mabagal na naglakad palayo si Wilbur habang nakangiti.Hindi niya alam kung saan nalaman ng mga lalaking yun ang tungkol sa kanya, ngunit hindi siya makapaniwala na nagsinungaling sila tungkol sa pagtatrabaho sa ilalim niya upang maging mayabang sa iba. Kailangan niyang turuan ng leksyon ang mga ito.“Multo! May multo!”“Hindi! Siya si Master Penn, God of Thunder!”Sumigaw sila ng takot.Ngumiti si Wilbur, pagkatapos ay tumawag siya ng isang taxi at dumiretso siya sa Sealake Island.Nagpahinga siya ng konti pagkatapos bumalik sa Sealake Island. Pagkatapos nito, pumasok siya sa demiplane niya.Ang flame serpent ay tahimik na nagpapahinga sa tabi ng Dragon’s Altar. Tila masaya ito.Ang flame serpent ay agad na lumapit nang makita nito si Wilbur. Kinuskos nito
Sa ibang lugar, may isang tao na mabagal na naglakad palabas ng isang canyon, sa malalim na lugar ng Mount Orient.Ang taong yun ay may silver na buhok ay may suot na gray robes. Mukha siyang isang foreigner baso sa itsura niya. Tumingin siya sa paligid ng canyon para sa mga senyales ng paglalaban.Mabagal siyang pumikit makalipas ang ilang sandali. May isang hindi makitang pwersa na pumalibot sa canyon.Nakita niya ang isang malaking paglalaban mula sa isip niya. Medyo naging malabo ang paningin niya, ngunit alam niya kung ano ang nangyari.Dumilat siya makalipas ang ilang sandali at dinilaan niya ang mga labi niya. Ngumiti siya at sinabi niya, “Makapangyarihan silang lahat. Mukhang malaking hamon ito, at nawawala ang Blood Embryo. Ano ang gagawin ko?”Nag isip siya ng matagal bago siya bumaba ng mabagal.Samantala, si Constantine ay ginagamot ang isang sugatan na reindeer gamit ang holy light sa malalim na parte ng kabundukan. Bigla siyang lumingon at tumingin sa direksyon ng k
Tumingin si Wilbur kay Eileen. Bigla siyang ngumitin makalipas ang ilang sandali at sinabi niya, “Pasok ka.”Pagkatapos, pumasok sila sa kwarto ni Wilbur. Sumandal si Eileen sa sofa at sinabi niya, “Ang sariwa naman ng hangin dito!”“Salamat. So, ano ang sikreto na gusto mong sabihin sa akin?” Gumawa ng tsaa si Wilbur para kay Eileen at umupo siya sa tabi nito.Uminom ng tsaa si Eileen at tumango siya bago niya sinabi, “Maganda ang kapaligiran dito. Nandito rin ang mga magulang mo, tama ba?”“Hindi. Nawala ang mga magulang ko noong bata pa lang ako. Lumaki ako kasama ang lolo ko,” Ang sagot ni Wilbur.“Ah, pasensya na at nabanggit ko,” Ang sabi ni Eileen.Tumawa lang si Wilbur at sinabi niya, “Sa tingin ko ay hindi naman ito isang sikreto.”Sinabi niya, “Wag mo na masyadong pag isipan ang tanong. Basta, may nag espiya sa atin nitong nakaraan. Alam mo naman na siguro yun, tama?”“Tinutukoy mo ba ang taong gumamit ng Time Reverse?” Ang tanong ni Wilbur.“Tama.”Sinabi niya ng w
Makalipas ang ilang sandali, nagbuntong hininga si Eileen at sinabi niya, “Sayang, pero tutuparin ko ang layunin nila at magpapatuloy ako sa pakikipaglaban.”Wala nang sinabi na iba pa si Wilbur, uminom lang siya ng tsaa.“Base sa sitwasyon, baka makipaglaban tayo ng magkasama. Pwede ba ako manatili dito ng pansamantala? Tutal, mahal ang magpatuloy sa isang hotel,” Ang tanong ni Eileen ng nakangiti.Tumingin si Wilbur kay Eileen at sinabi niya, “Sige, pero ang lahat ay mananatiling isang sikreto dito.”“Syempre. Susunod ako ng seryoso sa mga patakaran dito,” Ang sagot ni Eileen.Tumango si Wilbur at sinabi niya, “Marami akong mga kwarto dito. Pwede kang pumili mismo ng isa.”“Salamat. Kailangan ko ng beauty sleep, kung hindi ay magiging pangit ang itsura ng kutis ko. Goodbye.” Tumayo si Eileen at dumiretso sa labas para maghanap ng isang kwarto.Huminga siya ng malalim at pinanood niyang umalis si Eileen. Binulong niya sa sarili niya, “Ang kulit nilang lahat. Ano ba ang gusto ni
“Salamat po, sir. Hihintayin ko po kayo.” Ang sabi ni Gage ng halatang may magaan na loob.Ibinaba ni Wilbur ang phone at suminghal. Sino ang may lakas ng loob para i-confiscate ang ari-arian niya?Pagkatapos, lumabas siya at nag drive patungo sa Eastern Sun District.Ang Eastern Sun District ay isang district na malapit sa Seechertown na may layo na hindi aabot sa one hundred kilometers, kaya mabilis niyang mararating ang lugar.Tumawag si Wilbur kay Gage nang makarating sa district at nagtanong siya sa lokasyon, pagkatapos ay sumunod siya sa direksyon nito hanggang sa destinasyon.Dumating siya sa gate ng chemical factory sa Eastern Sun District at nakita niya ang higit sa sampung mga lalaki na nakasuot ng security uniform. Magkakasama sila sa gate, nag uusap at tumatawa.Bumaba si Wilbur ng sasakyan at lumapit siya sa mga ito.“Sandali lang. Ano ang kailangan mo?” May security guard na nasa kanyang thirties na lumapit at sumigaw kay Wilbur.Sumagot si Wilbur, “Ako ang may ar
Tumingin sila kay Wilbur at umupo siya ng nag aatubili.Uminom ng tsaa si Buff bago niya ipinaliwanag ng kalmado, “Iho, hindi mo siguro alam ito. Naglalaban kami para umakyat sa tuktok, pero ngayon at matanda na ako, ayaw ko nang pumatay ng kahit sino. Kaya, dapat kang magpakabait. Pwede natin itong pag usapan sa mapayapang paraan. Wag mo akong pilitin na gumamit ng karahasan.”Tumawa si Wilbur at sinabi niya, “Sige. Pero humihingi ka sa akin ng ten million dollars bilang kabayaran. Hindi ba’t sobra ito?”“Sobra?” Tumawa si Buff at sinabi niya, “Bayad lang ito. Hindi ko sinasabi sayo na bilhin ang factory. Nagiging mabait lang ako dahil hindi ka makakaalis ng hindi nagbabayad ng at least thirty million dollars kung ito ay nangyari noon.”Tumahimik ng ilang sandali si Wilbur bago niya sinabi ng mabagal, “Mukhang isa kang malupit na boss dito.”“Hindi naman, pero nirerespeto ng mga tao ang pangalan na Buff, hindi ba?”Sinabi ni Wilbur, “Tingnan ko muna ang mga tauhan ko. Pwede tayo
Hindi nagtagal, may isang sports car na mabagal na lumapit sa chemical factory. May isang middle-aged na lalaki na nasa kanyang thirties ang lumabas ng kotse.Mukhang parisukat at nakakatakot ang mukha niya kapag hindi siya nakangiti.Si Buff at ang dalawang kasama niya ay agad na binati ang lalaki noong lumabas ito ng kotse.“Mr. Denmark, kailangan niyo po akong tulungan. Sinaktan po nila ako sa teritoryo natin. Isa po itong pambabastos sa inyo,” Ang sabi ni Buff ng may umiiyak na tono.Ang lalaki na tinatawag na Mr. Denmark ay tila naiirita. Tinanong niya, “Bakit hindi mo kayang gawin ng maayos ang trabaho mo? Kailangan ko bang linisin ang gulo mo lagi?”“Mr. Denmark, sinira po nila ang factory room at equipment ko, pero ayaw po nila magbayad, at binugbog pa po nila kami. Paano po kami maghahanap-buhay kung hindi po kayo makikialam?” Ang nakakaawa na reklamo ni Buff.Kumunot ang noo ni Mr. Denmark at sinabi niya, “Sobra na yun. Tara. Ipakita mo sa akin kung sino siya.”Si Buff
Tumingin si Wilbur kay Zimmer at kumunot ang noo niya. Tinanong niya, “Kilala ba natin ang isa’t isa?”“Sir, dumalo po ako sa party na hinost ng Owens clan, kaya nasaksihan ko po ang kadakilaan niyo,” Ang maingat na sinabi ni Zimmer.Isa itong laban na hindi makakalimutan ni Zimmer.Si Wilbur ay parang isang diyos na pumatay ng isang malademonyo na Saint level cultivator, si Jeremy Owens. Makapangyarihan talaga siya.Nahirapan si Zimmer na abutin ang tagumpay ng ganitong makapangyarihang indibidwal. Hindi niya makakamit ang ganitong level ng kapangyarihan sa buong buhay niya, at buong buhay lang siyang titingala kay Wilbur.Tumango ng mabagal si Wilbur. May daan-daang mga tao noon, kaya hindi niya maalala ang lahat.“Mukhang pinapunta ka ni Buff Lestrade.”Mabilis na sinabi ni Zimmer, “Hindi po! Nabalitaan ko lang po mula kay Buff na may taong sumira sa factory equipment at nanakit sa kanya. Humingi po siya ng tulong sa akin, kaya pumunta po ako para alamin kung ano ang nangyari