CHAPTER TWELVE: HOPE PICK-UP LINE✧FAITH ZEICAN LEE✧HANGGANG ngayon ay nakaawang pa rin ang bibig ni Poppy habang nakamasid sa aming tatlo. Dahan-dahan siyang tumayo at pinagmasdan niya ang mga suot namin. Siguro ay nagbase siya sa suot namin dahil kanina niya pa kami kasama ni Love simula nang mag-almusal. Kaya kay Hope siya bumaling. Dahan-dahan niyang nilapitan si Hope, inangat niya ang kamay niya at bahagyang tinusok ng hintuturo niya ang pisngi ni Hope, na lalo niyang ikinagulat. Dahil para bang nakumpirma niya na totoo si Hope.“Ang galing ko, ‘di ba? Ngayon naman, aalisin ko ‘yong isa. Magiging dalawa na lang ulit sila. Pikit ka, Poppy.” Si Summer. Bahagya niyang inilayo si Poppy sa harap ni Hope at inutusan ulit itong pumikit.Sumunod siya.Noong nakapikit na si Poppy, maingat at natatawang hinila ni Summer si Hope papunta sa likod ng couch at doon niya pinayuko para magtago. Napapailing na lang si Love habang pinanonood ang bunso namin.Bumalik ulit si Summer sa tabi ni Poppy
CHAPTER THIRTEEN: SUGAR-POPS✧FAITH ZEICAN LEE✧BANDANG alas dies ng tanghali noong hinatiran kami ni mommy ng meryenda sa sala. Kasama pa rin namin si Poppy dahil wala pa si Chloe, hindi pa ito nag-u-update sa ‘kin kung pabalik na ba siya. Kahit papaano, nagiging komportable na si Poppy sa amin.Kasalukyan kaming nanonood ng K-drama series sa Netflix sa malaking flatscreen TV nang ilapag ni mom ang tray sa coffee table sa gitna namin. Naroon ang dalawang klase ng pastries na bineyk niya kaninang umaga. Pero ‘yong cream puff lang ang pamilyar sa ‘kin. Kasunod niya si Ate Emy, na siya namang may bitbit naman ng tray ng drinks namin.“Mom, ano ‘yong isa? Bakit hindi namin ‘yan nakita kanina?” Tinuro ni Summer ‘yong katabi ng cream puff.Napangiti si Mom at kumuha ng isa, inabot niya ‘yon Summer, sunod ay inabutan niya rin si Poppy. Then she said, “Baklava ‘yan.”“Ewan. ‘Di ko sure.” Si Hope, na natatawang umabot naman ng cream puff.“Hindi kita tinatanong, Hope. Ang ibig kong sabihin, ‘
CHAPTER FOURTEEN: MISSING✧FAITH ZEICAN LEE✧“PANLALAKI po ba, sir? Para po ba sa inyo?” tanong sa ‘kin ng saleslady na siyang nag-a-assist sa ‘kin habang iniikot ko ang tingin ko sa mga naka-display na phone cases. Katatapos ko lang bumili ng bagong phone, at ngayon, phone case ang hinahanap ko.I shook my head. “Hindi. Pambabae ang kailangan ko. Ano ba ang design na sa tingin mo p’wede sa isang . . . uh, seventeen years old? Ipangreregalo ko kasi.” Nabanggit ko naman na sa kaniya ang unit na kailangan ko kaya hindi na siya mahihirapan mag-isip. Design na lang ang iisipin niya.“Depende po kasi, sir, eh. Ano po ba ang hilig n’ya?”Natahimik ako at napaisip, kasunod ang pag-iling ko. “I don’t know.”“How about color po? Gusto n’yo po bang sa color na lang po tayo magbase? Baka po alam n’yo ang favorite color n’ya?”Hindi rin ako sure sa bagay na ‘yon, pero naalala ko na kulay pink ang suot niyang lumang T-shirt noong una kaming nagkita sa party. “Pink na lang,” I told her.Tumango siy
CHAPTER FIFTEEN: WHERE'S POPPY?✿ SUMMER ✿ISANG oras pa lang mula nang makaalis sina Kuya Faith at Ate Chloe nang dumating si Tito Ryan at Tita Wynter sa bahay para ihatid si Meng at Sunny.“Uy! Narito na pala ‘yong pinsan naming Disney Princesses!” Natatawa si Kuya Hope na sumalubong sa kanila. Kasama rin nila Tito Ryan si Moy, pero ‘yong dalawang girls lang ang nakagayak dahil for girls only ang lakad namin ngayon. Pumayag sila dahil alam nilang kasama rin namin si Tita Baby. Pero wala pa ito, papunta pa lang.“Kuya Hope, lumayo-layo ka muna. Maaga pa para manghiram ka ng mukha sa aso. Ganitong ka-a-attend ko lang ng Krav Maga lesson ko kahapon, sinasabi ko sa ‘yo. Kahit ikaw ang pinakapaboritong pamangkin ni Daddy, hindi kita sasantuhin,” lakas-loob na sabi ni Meng sa kaniya kaya natawa si Moy at ang parents niya.“Ito naman! Gusto ko lang naman kayong ipakilala sa bago naming kapatid. Kay Sugarpops pampiyam-piyam!” Binalingan niya si Poppy sa tabi ko. Lahat sila ay nakatingin kay
CHAPTER SIXTEEN: FOUND POPPY✧FAITH ZEICAN LEE✧I DIDN’T have difficulty requesting the security department for a temporary lockdown because they recognized me when I showed my ID. Nalaman nilang anak ako ng may-ari ng mall, so they also granted my request to review the CCTV footage to find Poppy. Pinili ko muna na ipa-lockdown ang mall para masigurong hindi makakalabas si Poppy. And since they didn't know Poppy, I joined them in monitoring the screens to search for her.Habang nakatutok ang mga mata ko sa screen, patuloy ko rin pinag-ri-ring ang phone ni Poppy dahil naka-save naman na sa ‘kin ang number niya. Pero maging ako ay hindi niya rin sinasagot.After a few moments, I spotted Poppy's familiar figure on the screen. I knew it was her because of what she was wearing. White jeans, blouse with collar na kulay cream at sneakers. Kasama niya si Sunny na pumasok at lumabas sa women’s restroom.“Ito s’ya.” Tinuro ko si Poppy sa mga kasama kong security para matulungan nila akong sundan
CHAPTER SEVENTEEN: NEGLECTED CHILD✧FAITH ZEICAN LEE✧NAPATITIG ako kay Poppy matapos ang sinabi niya. Hindi siya marunong magbasa? Kaya pala. Ngayon, malinaw na sa ‘kin kung bakit tila wala siyang ideya kanina na ako ang tumawag sa kaniya. Malinaw na kung bakit hirap din siyang gumamit ng cell phone. Dahil ang isang taong marunong bumasa, kayang sundan at i-explore ang isang gadget kung nababasa niya ang mga dapat pindutin. Pero si Poppy, wala siyang ideya sa mga nakasulat doon.‘Yon din ang nakikita kong dahilan ngayon kung bakit siya naligaw kanina. Dahil hindi niya kayang basahin kung nasaang palapag na siya, gayong mayroon namang mga signages na matatanaw sa taas. Pero bakit? Bakit hindi siya marunong magbasa? Hindi ba siya pinag-aral ng parents niya?My chest tightened as I pondered that thought. It felt like I wanted to confront Chloe right then about her sister's situation. Kung bakit hinayaan nila ito na hindi matutong bumasa gayong seventeen years old na ito. Another troubli
INTRODUCTION:Para po sa mga bago kong mambabasa, ang istoryang ito po ay second generation nina Prof Lee at Keycee. Si Faith po ay isa sa kanilang anak na triplets. Sa mga hindi pa po nakakabasa ng kuwento nila, kindly search ninyo po sa D****e app ang MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND (iyon pong may 1.8M reads ay tagalog) para po kahit papaano ay magkaroon kayo ng idea sa mga characters na babanggitin sa story na 'to at para magkaroon din po kayo ng idea sa personality ng mga characters kasi hindi ko na po iyon masyadong idedetalye rito since ang triplets po ay nasa book ng parents nila hanggang sila ay thirteen taong gulang. Malalaman ninyo rin po sa book ng parents nila kung bakit Faith, Hope at Love ang pangalan nila at kung sino sa kanila ang isang gala na hindi na-detect noon sa ultrasound dahil gumagala pa sa labas ng mundo para sumagap ng tsismis. Haha.Ang tito po nila na tinatawag ditong Tito Betlog ay si Ryan, na mayroon din pong bukod na story sa D****e app, na ang title ay
CHAPTER TWO: ENGAGEMENT HAS BEEN DECIDED ✧THIRD PERSON's POV✧ "Hi, darling!" Sunud-sunod na b****o si Stephanie sa kaniyang mga guwapong apo, sa triplets, habang malapad ang ngiti. Ganoon din kay Summer. "Kumusta kayo?" Nasa likuran nito ang mister na si Carlo Vivar, kilala ring businessman, at ang bunso nilang anak na si Amethyst, na kung tawagin ng triplets at ni Summer ay Tita Baby. Twenty-three na ngayon si Amethyst dahil isang taon lang naman ang age gap nito sa triplets. "We're fine, Mommyla. Pero si Faith, not so fine." Bumungisngis pa si Hope kaya napukol ito nang masamang tingin ng kanilang Daddy na si Ace. Pisting yawa kasi itong si Hope. Kinakabahan na nga ang kapatid na si Faith, lalo pa itong hindi mapanuto dahil sa kaniyang panunukso. Alam na kasi nila ang rason ng pagpunta ngayon dito ng kanilang Mommyla. Ipinagpatuloy nila ang kumustahan habang patungo sila sa dining area. Nauuna ang dalawang mag-asawa, habang nasa likuran naman ng mga ito ang kanilang mga bagets.