Nasa kasarapan sila ng kanilang pagroromansahan nang biglang may kumatok sa kwarto niya. Mabilis silang naghiwalay!... Para silang mga binatilyo at dalagita na natakot mahuli ng mga magulang."Anak, andito na ang mga pinamili mo. Lulutuin ko na ba?" sigaw ng nanay niya sa labas ng kwarto."Ahm, ako na ang magluluto, Nay. Susunod na ako sa baba." sagot niya.Agad siyang bumaba sa kama, pero bago siya lumabas ay binalikan niya si Clark, na nasa kama pa at muling dinampian ng halik saka dali-daling lumabas.Napapangiti na lang siya sa ginawa niya.Pagbaba niya, nasa harap ng TV ang nanay at tatay niya at nanonood ng balita. Dumiretso siya sa kusina saka inumpisahan nang magluto. Habang hinihiwa ang mga ingredients, napapangiti na lang siya sa naganap sa kanila ni Clark kani-kanina lang.Maya-maya, nakita niyang pababa ng hagdan ang kanyang mag-ama. Ahhh... ang sarap banggitin ang "mag-ama." Tila natanggap na niya talaga si Clark sa buhay niya."Andito na pala ang apo kong pogi!" masayang
*************CLARK'S POV:Kasalukuyan na siyang nasa airport. Hinatid siya ng mga kaibigan niya kasama ni Fe. Hindi niya maipaliwanag kung gaano siya kasaya sa mga oras na iyon. Kung hindi lang talaga importante, ay hindi siya uuwi ng Manila. Mas gusto niya na lang sa Iloilo kasama si Fe at si Clarkson. Sa ilang araw ng pananatili niya doon, ay narealize niyang pwede naman pala siyang magkaroon ng tahimik na buhay.Pero pinapangako niya, matapos lang ang lahat ng ito ay babalikan niya ang mag-ina niya. Magpo-propose siya kay Fe at sana ay pumayag itong magpakasal sa kanya.Napapangiti siyang maalala ang mga tagpo nila ni Fe. Sa tantiya niya ay parehas naman sila ng nararamdaman. Alam niyang mahal pa siya ni Fe at ganoon din naman siya. Hindi naman agad nawawala iyon. Halos magkadikit na ang bituka nila dahil naging mag-bestfriend muna sila bago naging lover.Nang marinig ang announcement ng piloto na nakarating na sila sa Manila airport, ay naghanda na siyang bumaba. Kailangan niyang
"Fe? Huhuhu… si Clark!""Tita, ano po ang nangyari kay Clark?" Agad siyang kinabahan. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari."Fe, makinig kang mabuti. Si Clark… binaril siya! Huhuhu!"Parang gumuho ang mundo niya sa narinig niyang balita. Nanginginig siyang napahawak sa dibdib niya. Hindi agad siya nakapagsalita. Tila iniisip pa niya ang sinabi ng mommy ni Clark."A-Anong ibig mong sabihin, Tita?!" muli niyang tanong. Kailangan niyang makasigurado na tama ang narinig niya. Baka bigla na lang nitong sabihin na prank lang iyon at wala talagang nangyaring ganoon."Hindi ko pa alam ang buong detalye, pero tinambangan siya sa airport. Si Bryan ang may pakana!..."Napaupo siya sa sahig, nanginginig ang buong katawan at nawzlan ng balance. Ang takot at pangamba ay bumalot sa kanya. "C-Clark..." bulong niya habang nagsisimulang tumulo ang kanyang luha."Tita… kamusta na po si Clark? Gusto ko pong pumunta diyan… saan po siya dinala? Huhuhu…" Hindi na niya napigilan ang pag-iyak."Kritikal an
Nagkatinginan sina Ken, James, Jonie, at Bebe. Kita sa kanilang mga mata ang galit at pag-aalala.“Kailangan nating mapuntahan si Clark!” mariing sabi ni Ken. “Hindi natin alam kung may kasabwat pa si Bryan na nagmamanman dito.”Tumango siya habang humihikbi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nababawasan ang takot niya kahit pa nahuli na ng mga pulis ang gustong kumuha sa kanya.“Hindi ako titigil hanggang hindi ko siya nakikita… kailangan kong malaman kung ligtas siya. Huhuhu bestie, tulungan mo ako. Ano'ng gagawin ko? Huhuhu! Si Clark!” hagulgol nya habang nakayakap kay Jonie.“Wag kang mag-alala, bestie. Tutulungan ka namin. Kaibigan din namin si Clark. Magpapasundo tayo sa private plane namin. Sabay-sabay tayong umuwi ng Manila.”“Thank you, bestie. Huhuhu.”Agad na silang nag-ayos ng kanilang mga gamit. Pinasundo niya na rin ang mga magulang niya sa kabilang barangay para isama sa Maynila, kasama ang anak niya. Hindi siya mapapanatag kapag maiiwan si Clarkson doon. Tanging sina Tot
Doon niya nakumpirma na may kasama nga si Tita Felicia doon, dahil hindi pa naman niya binanggit si Clarkson dito. Ang gusto sana niya ay si Clark ang magsasabi sa pamilya nito tungkol sa anak nila. Paanong nalaman ni Tita ang tungkol kay Clarkson?Lalo siyang kinabahan para sa kaligtasan ni Clark. Kung andoon nga si Bryan sa ospital, posible na nitong patayin ang nobyo niya. Hindi lang si Clark… pati na rin si Tita Felicia. Naiyak na siya, wala pa man.Nakita niyang sinenyasan siya ni Ken na kausapin pa si Tita Felicia. Tumikhim siya para tanggalin ang bara sa kanyang lalamunan.“Sige po, Tita… pupunta na kami diyan ni Clarkson.”“Sige, iha, bilisan niyo ha…” Hindi na ito nakapagpigil at umiyak na.“Opo, Tita. Pupunta kami ni Clarkson. Mag-ingat po kayo diyan.” Seryoso siya. Alam niyang takot na takot na si Tita Felicia sa mga oras na ‘to.Pagkatapos nilang magpaalaman ay pinatay na niya ang telepono saka binuhos ang lahat ng kaba sa pamamagitan ng pag-iyak.“Huhuhuhu… guys, paano na
Pinunasan niya ang luha, saka dahan-dahang bumaba ng kotse.Humugot muna siya ng malalim na hininga saka pumasok ng ospital. Mukhang normal lang naman ang mga tao sa ospital, ni walang kaalam-alam ang mga ito na nanganganib ang buhay ni Mayor Clark sa inuukopa nitong kwarto.Pero hindi pa rin mawawala sa dibdib niya ang kaba... baka may mga nakaabang sa pagdating niya.Dumaan siya sa information counter. “Hi, nurse… Saan po ang kwarto ni Mayor Clark?”Tiningnan muna siya nito mula ulo hanggang paa. “Ma’am, mahigpit pong bilin na bawal pong tumanggap ng bisita si Mayor dahil may banta po sa buhay niya.”Parang gusto niya itong kutusan. Dahil sa kapabayaan ng mga ito ay nakapasok na ang kriminal nang wala man lang kaalam-alam ang mga ito.“Nobya niya ako...” pakilala niya.“Ah, pasensya na, Ma’am. Eto po ang pulis. Sasamahan ka niya sa kwarto ni Mayor.”Ngumiti siya, tiningnan nang maigi ang pulis... baka kasi tauhan din ito ni Bryan. Pero hindi siya nagpahalata na natatakot siya.“Dito
“Fe... anak! Huhuhu...” sigaw ni Tita Felicia habang pilit din siyang hinihila pabalik, pero sadyang malakas si Bryan kaya hindi nagtagumpay si Tita Felicia.“Gigil na gigil na ako sa’yo, Fe. Kahit pa bagong panganak ka, napaka-sexy mo pa rin... kaya siguro patay na patay din si Clark sa’yo...”Naninindig ang balahibo niya sa pagbulong nito sa kanya. Akmang hahalikan siya nito nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mga NBI at pulis na nag-disguise bilang mga civilian kanina. Ang dalawang pekeng pulis na nakabantay sa pinto kanina ay mga kasamahan nga ni Bryan at nakahandusay na sa sahig.“Bitawan mo siya, Bryan!” sigaw ng pulis habang tinutukan ito ng baril.Agad naman siyang mahigpit na niyakap ni Bryan at ginawang hostage.“Sige, patayin niyo ako para isasama ko itong si Fe! Hahahaha!” bumunot ito ng kutsilyo sa tagiliran at tinutok sa bewang nya. Nakita niyang andoon na rin ang mga kaibigan niyang nag-aalala sa pag-hostage ni Bryan sa kanya. Nasasakal na siya dahil ang kama
It's been three days mula nang mangyari sa kanila doon sa ospital at wala pa ring malay si Clark. Siya na lagi ang nagbabantay sa nobyo. Tatlong araw na rin niyang hindi nakikita si Clarkson. Sa video call lang niya ito nasisilayan.Simula kasi nang mangyari kay Clark, hindi pa siya nakabalik ng Pampanga. Mas mabuti pa rin na doon muna ang anak niya para masigurong ligtas ito. Baka kasi may mga galamay pa si Bryan at balikan sila, lalo na’t namatay ito. Ang balita niya ay hindi matanggap ng pamilya ni Bryan na patay na ang lalaki.Kasalukuyan siyang nasa ospital. Nakaupo lang siya doon sa tabi ni Clark at nakahawak sa kamay nito. Unconscious pa rin ito dahil sa natamong bala sa katawan.Ang unang tama ng baril kay Clark ay nasa ulo, pero daplis lang iyon. Ang pangalawa ay sa tiyan. Tila gusto pa ata ni Bryan pahirapan si Clark bago ito mamatay, kaya sa tiyan lang ito binaril sa pangalawa. Pero malakas din ang pagkakapalo nito sa ulo ni Clark, dahilan para magkaroon ito ng skull fractu
"Guys, I want you to meet Rosabel. She’s a transferee. This is Justine, Emilio, and Gray. Mga kasamahan ko sila sa basketball team." Pakilala ni Peter sa mga kaibigan.“Hi Rosabel,” nakangiting bati ni Emilio at Justine sa kanya, pero tiningnan lang siya ni Gray."Volleyball player siya sa dati niyang pinapasukang university. Ipapakilala ko siya kay coach baka para ipasok sa team."“Great! Sana makapasok ka, Rosabel, para may maganda naman kaming mapapanood sa volleyball team. Fans mo na kami!” biro ni Justine. Mukhang mga pilyo ang mga ito. Nakita niyang kumunot ang noo ni Gray, pero hindi pa din ito nagsasalita. Papanindigan nito na hindi sila magkakilala.“Guys, ’wag niyong bastusin si Rosabel. Baka hindi na ito sumama sa atin. Baka sabihin niya na katulad ko kayong mga walang kwentang lalaki.”“AHAHAHA… Mukhang nagpapagood shot ka kay Rosabel, bro, ah.”Nahiya siya sa biruan ng mga ito sa harap niya.Maya-maya ay may dumating na isang magandang babae.“Hi Gray!” Malapad ang ngiti
ROSABEL’S POV: Hmmp! Bad trip. Sinama-sama pa ako dito, hindi naman pala ako tutulungan. Akala ko ba ifa-familiarize ko daw ang lugar. ’Yun pala, ako lang mag-isa! Kanina lang, ang taas ng tingin niya kay Sir Gray. Nagpabago pa ang tingin niya dito dahil mabait ito sa kanya kahapon. Pero ngayon ay nag-change mind ulit siya. Masama pala talaga ang ugali ng kalalaki. Ayaw na nitong malaman ng iba na magkakilala sila. Baka nahihiya dahil katulong lang siya sa bahay ng mga ito. Sabagay, nakakahiya nga naman iyon. Imagine, puro mayayaman ang mga kaibigan nito tapos may kasama itong isang anak ng yaya? Naiintindihan niya si Gray sa parteng iyon pero kahit papaano ay nasasaktan pa din siya. "Ooops!" “Ay, sorry po…” nahihiyang wika niya nang mabangga ang isang estudyante. Sa inis niya kay Gray ay hindi niya nahalata ang lalaking makakasalubong niya. Dagdag pa, hindi niya alam kung saan siya pupunta. “It’s okay…” nakangiting wika ng isang gwapong lalaki na nabangga niya. Sandaling natig
GRAY'S POV: Pabagsak siyang humiga sa kama niya. Galing siya sa kwarto ni Lilly. Alam niyang nandoon si Rosabel kaya naghahanap siya ng paraan at rason na makapasok doon na may dahilan. Magtataka ang kapatid niya kapag wala siyang sasabihing dahilan dahil hindi naman siya pumupunta doon. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit gusto niyang laging nakikita si Rosabel. Alam niyang maganda ito at matagal na niya 'yong napansin pero ang na-realize niya ay ang mapag-pakumbaba nito at pagkahilig sa sports at lalo iyong nagpa-interes sa kanya. Ang gusto niya sa babae ay hindi maarte, parang one of the boys lang. At nakikita niya sa ugali ni Rosabel 'yon. Nagkaroon siya ng interes sa dalaga. Naalala pa niya kanina 'yung aksidenteng nahawakan niya ito sa bewang. Damn! sigaw ng isip niya. Ramdam niya ang kurba ng katawan nito. I like touching her curves. Masarap siguro si Rosie sa kama... habang kinakabayo siya at hinahawakan niya ito sa bewang at balakang. I want her lips touching
“Thanks, Rosie…” wika nito pagkatapos uminom. “Can I call you Rosie?”“Ah, eh ikaw ang bahala, Sir... kahit ano itawag mo sa akin, okay lang.”“Babe"... pwede? Hahaha.”Tumaas ang kilay niya sa pagka-presko nito. Is he hitting on me? Pero winaksi niya ang mga naiisip. Masyado naman makapal ang mukha niya. Paano siya magugustuhan ni Sir Gray kung anak nga lang siya ng katulong doon?“Ahm, excuse me, Sir. Hinihintay na kasi ni Lilly ang sandwich niya.” paalam niya nang hindi pa din ito umaalis sa harap niya. Wala siyang madaanan. Na-corner siya nito.Binigyan naman siya nito ng konting espayo para makadaan. Bitbit niya ang sandwich at juice ni Lilly nang muli siyang tawagin nito.“Rosabel...” tawag nito. Napalingon siya.“Bukas... may lakad ka ba?”Nagtaka siya. “Wala naman. Bakit?”“Pupunta ako ng school. Gusto mo sumama? Para ma-familiarize ka na sa lugar.”Nagulat siya. Hindi siya nakasagot. Hindi niya inasahan ang paanyayang ’yon. Nagdadalawang-isip pa siya.“Libre kita ng milk tea.
Nagsimula silang lumangoy, paunahan hanggang sa dulo ng pool. Ramdam niyang nauuna na si Gray kaya lalo niyang binilisan ang paglangoy. Hanggang sa hindi na niya maramdaman ang presensya nito sa kanyang likuran. Napangiti siya, akala niya’y naiiwan na si Gray.Ngunit pag-ahon niya sa dulo ng pool, agad napalis ang ngiti sa labi niya nang makita si Gray na naroon na, naghihintay sa kanya."You have to practice more, kid!" wika nito sabay gulo ng kanyang buhok. Tinawag pa talaga siyang "kid"!Napasimangot siya. “Paano mo nagawa ’yon?! Nasa likod lang kita kanina, ah?!” Hindi siya makapaniwalang natalo siya ni Gray. Ayaw na ayaw pa naman niyang natatalo.Pero sa kabila ng pagkatalo, kahit paano’y naging at ease siya rito. Hindi naman pala ito gano’n kasuplado. Konti lang.“Mukhang nagkakasayahan kayo diyan, ah,” narinig nilang sabi ni Tita Jonie na papalapit kasama si Sir Ken.Muntik siyang ma-out of balance pero maagap siyang nahawakan ni Gray sa bewang. Bawas-bawasan ko na nga siguro a
“Stop it, kuya. Wag mo takutin si Ate Rosabel. Baka hindi na niya ako samahan next time!” saway ni Lilly sa kapatid. “Kung gusto mo ay maligo ka na lang ulit at sabayan mo kami!” dagdag pa nito.Walang ano-ano’y umalis naman ito. Nakahinga siya ng maluwag nang makaalis na si Gray. Hindi siya komportable sa presensya nito. Bumalik siya kay Lilly.“Lilly, nagalit ata ang kuya mo. Pwede bang umalis na ako? Baka sabihin niya kabago-bago ko dito tapos nagmimihasa na ako...” nag-aalalang wika niya. Alam niya kung saan siya lulugar. Kahit mabait si Lilly sa kanya, ay amo pa rin ito ng nanay niya. Isa lang siyang anak ng katulong doon at wala siyang karapatang makihalubilo sa mga ito. She knows where she stands.“Let him get mad, Ate Rosabel. I get to decide kung sino ang gusto kong kasama maligo dito. As if naman hihigupin mo ang lahat ng tubig nito kung umaasta siya.”“P-pero pwede ba umiwas na lang tayo sa gulo kung pwede? Ayaw ko din naman maligo… pinipilit mo lang ako…” pagsisinungaling
“Ate, I heard from Mommy na dito ka na daw titira sa amin? Eeiiihhh! I’m very excited! Pwede bang doon ka ma-stay sa kwarto ko?”“Ahm… hindi pwede, Lilly. Baka pagalitan tayo ng Mommy mo… pupuntahan na lang kita doon palagi, okay?”“Okay, Ate… Sabi din pala ni Mommy kukuha ka daw ng mga gamit mo sa Baguio this Saturday? Pwede ba akong sumama?”“No, Lilly, you can’t join us!” agad na sabi niya.“Why, Kuya?”“Mababagot ka lang doon. Saka reklamador ka pa naman.” pagdadahilan niya, pero ang totoo ay gusto niyang masolo si Rosabel.“No, Kuya! Hindi ako mababagot kapag kasama ko si Ate Rosabel. Saka kung ayaw mo akong isama, magpapadrive na lang kami kay Manong Berting. Kami na lang ang pupunta ng Baguio to get her stuff.”“No... ako na ang magdrive” agad na sagot niya.“Sige, pero sasama ako!” may pinal na sagot ng kapatid niyang brat. She hates Lilly. Simula nang pinanganak ito at nahati na ang atensyon ng mga magulang nila sa kanya. Kompetensya ang tingin niya sa kapatid niya. Ngayon ay
"Tandaan mo ang sinabi ko, Gray! Kapag nalaman ko lang na pinabayaan mo si Rosabel sa school niyo, ay ikaw ang mananagot sa akin!" Matigas na paalala nito saka tumayo at naglakad papunta ng pinto.“And one more thing…” Sandaling tumigil ito at humarap sa kanya. “Samahan mo siya sa Baguio this weekend para kunin ang mga gamit niya doon. Ipag-drive mo siya para hindi na siya mag-bus pa.”“Mom, may practice kami ng basketball sa Sabado!”“Wala akong pakialam. Tatawagan ko lang si Coach at sasabihin na hindi ka makaka-practice. Mas importante ang inuutos ko sa’yo kaysa sa basketball mo. Dapat maging responsable ka na, at responsibilidad mo si Rosabel. Kung ayaw mong sabihin ko kay Coach na tanggalin ka sa team, ay gawin mo ang gusto ko.”Tumahimik siya. Bina-blackmail siya ng sarili niyang nanay. Muli siyang nito'ng tiningnan ng masama saka tuluyan nang lumabas ng kwarto.“Fuck!” sigaw niya saka hinampas ng malakas ang bola na nasa tabi niya.“Bakit ba kasi naisipan ng mommy niya na papun
GRAY'S POV:Sshhit! Mura niya sa isip habang papasok ng kwarto niya. Nakita na naman niya ang crush niyang anak ng katulong nila.Lihim siyang napangiti. So... Rosabel pala ang pangalan nya? Anak ito ng Yaya Cynthia nya. Paminsan-minsan ay pumupunta ito sa kanila kapag break nito sa school sa Baguio. Pero hindi pa niya ito nakakausap kahit minsan dahil ilag ito sa kanya. Kapag nakikita siya ay agad itong pumapasok sa kwarto o di kaya tumatago.Aaminin niyang nagagandahan siya sa dalaga. Kakaiba ang beauty nito kumpara sa mga babaeng naka-fling niya. Kahit morena ito, ay hindi naman magpapahuli ang ganda nito. Ayon sa mommy niya ay Black American daw ang tatay ni Rosabel, kaya ganoon na lang ang kulay ng skin tone nito.Kapag tinititigan niya ito, naaalala niya ang mga magagandang Black American na sina Beyoncé, Zendaya o Rihanna. Ganoon ang level ng ganda ni Rosabel. Dagdag pa na matangkad ito... mukhang namana sa ama nitong Black American. Payat lang si Rosabel pero mabibilog ang ba