Nanlilisik ang mga mata niyang tinititigan si Shiela na wala nang buhay sa ibaba ng bangin.Nang masiguradong wala na itong buhay ay muli siyang sumakay sa kotse. Mabuti na lang at tulog pa ang anak ni Beverly at James, hindi siya mahihirapan sa pagmamaneho.Bilib din naman siya sa batang ito at hindi naman ito sakit sa ulo. Tulog lang ito nang tulog, di tulad ng ibang baby na iyak nang iyak.Pinaandar niya ang kotse at iniwan doon si Shiela. Kailangan niyang makaalis agad doon. Kahit pa alam niyang walang makakakita sa kanya dahil masukal ang daan ay mabuti na yung sigurado.Tiningnan niya ang nasa front seat na mga gamit ni Tyler. Kumpleto naman doon... andoon na ang mga diaper at gatas nito. May mga damit na rin na pamalit si Tyler. Napangiti siya, kahit papaano ay concerned naman pala si Shiela kay Tyler. Kung siya lang kasi ay hindi niya ma-iisip na dalhan ng gamit ang batang kinidnap niya.Mga isang oras pa siyang nag-drive papunta sa bahay-bakasyunan niya. Sinigurado niyang mal
******************JAMES' POV:Awang-awa na siya kay Bebe. Nasa kwarto na lang ito at nakatulala, minsan ay bigla na lang itong iiyak. Magda-dalawang linggo na pero hindi pa rin nila nakikita si Amber at ang anak nilang si Tyler. Maging siya ay napanghihinaan na rin ng loob pero kailangan niyang magpakalakas para kay Bebe. Kung magpapakita siyang kahinaan, ano na lang ang mangyayari sa kanilang dalawa?Nakakalabas na rin ang mommy niya sa ospital. Kinuwento nito na si Shilea na private nurse ni Tyler nga ang may gawa kung bakit ito nawalan ng malay sa garden. Pinainom daw ito ng inumin na may pampatulog kaya ito nawalan ng malay para maitakas si Tyler.Mabuti na lang at nakita ni Logan na nakabulagta si Mommy sa garden, pero wala na si Shiela at si Tyler. May sumundo daw dito na isang puting kotse na ang hinala nila ay si Amber. Napagplanuhan talaga ng dalawa ang gagawin para makidnap si Tyler. Tamang-tama naman sa araw na iyon na wala sila ni Bebe, at pinagsisisihan niya iyon dahil h
Napabuntong-hininga na lang siya... "Officer, ano po ang pakay niyo? Bakit kayo pumunta dito?" tanong ni Bebe sa mga pulis. "Ipapaalam lang po namin na nakita na namin si Shiela, ang private nurse ng anak niyo." "Huh? Saan niyo siya nakita? Nakita niyo din ba ang anak ko? Nahuli niya ba siya?" sunod-sunod na tanong ni Bebe. "Ikinalulungkot ko pong ibalita na wala nang buhay si Shiela nang matagpuan namin sa bangin. May saksak siya sa tagiliran, at mukhang doon ginawa ang krimen para hindi mahanap kaagad. Ang hinala po namin ay si Amber ang may gawa nun sa nurse." "Diyos kooo! Huhuhuh... si Tyler... saan na naman si Tyler? Baka wala na din buhay ang anak ko katulad ni Shiela, huhuhu..." hagulgol ni Bebe. Maging siya ay humagulhol na rin. Hindi niya lubos maisip na wala na ang anak nila. "Hindi pa naman tayo sigurado, Madam Beverly. Wala po kaming nakitang ibang katawan doon bukod kay Shiela. May posibilidad na buhay pa ang anak niyo at kasama ni Amber ngayon sa pagtatago." "Plea
"Tumahan ka, Evelyn! Hindi makakatulong ang pag-iyak mo. Ang dapat nating isipin ay kung ano ang gagawin para lalo mapabilis ang paghanap sa baliw na Amber na 'yun at sa apo natin!" matigas na wika ni Tita Beth. Sandaling tumigil ang mommy niya sa pag-iyak. Nagpunas ito ng mga luha bago magsalita. "Tama ka, Beth. Magbabayad ang babaeng 'yun kapag nahuli natin siya. Sisiguraduhin kong liliit ang mundo niya. Hindi na siya makakalabas pa ng kulungan!" galit din na wika ng mommy niya. "Iho, tawagan mo ang mga magulang ni Amber. Gusto ko silang makausap." utos ng mommy niya. Kinuha niya ang cellphone at dinayal ang number ni Leo Moray, ang ama ni Amber. "Iho, kamusta? Napatawag ka?" Sa tono ng pagsagot nito, parang wala itong alam sa mga nangyayari. "Mom wants to talk to you..." sambit niya saka pinasa ang telepono sa mommy niya. "Leo! Where is your daughter?" galit na sabi ng mommy nya "What do you mean where is my daughter? Di ba nasa mental facility siya?" "Nakatakas siya at k
'Iho... ang pinakaimportante ngayon ay mahanap natin si Tyler. Kapag nakita na siya ay saka natin harapin ang iba pang mga problema. Kung talagang mahal mo ang mag-ina mo ay ipakita mo sa kanila at ipaglaban mo ang pamilya mo." Tumango siya at tila nabuhayan ng pag-asa, nagpapasalamat siya at andiyan palagi ang mommy niya na nakasuporta sa kanya. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang isang kaibigan na imbestigador. Bakit nga ba hindi niya naisip 'yun dati pa? Napuno kasi ng pag-aalala ang utak niya sa anak at hindi niya naisip na tawagan ang kaibigang imbestigador. "Hello, bro." Bungad niya ng sagutin ni Froilan ang tawag niya. "What up, bro?" "I need your help. Kinidnap ang anak ko ni Amber Moray." "What? Was she supposed to be in a mental facility?" "Yes, pero nakatakas siya at kinidnap niya ang anak ko." "Damn!" mura ni Froilan nang marinig ang kwento niya. "Bigyan mo ako ng detalye at ng mapag-aralan ko ang kaso niya. Hihingi ako ng tulong sa mga kaibigan kong i
AMBER'S POV:Nagmamaneho siya papunta ng siyudad. Nabibingi na siya sa iyak ni Tyler, paubos na kasi ang gatas nito. Hindi niya naman akalain na malakas pala itong dumede kaya mabilis lang maubos ang gatas na dala ni Shiela. Kailangan nilang lumabas para bumili ng gatas at pagkain. Tumigil muna siya sandali para padedein ito. Hindi naman ito titigil sa kakaiyak dahil gutom, kaya wala siyang magawa kundi tumigil muna para padedein ito.Ngayon niya lang narealize na mahirap pala ang maging ina. Pero okay lang, dapat masanay na siya dahil inako niya na ang maging anak si Tyler. Nang tumigil na ito sa kakaiyak at nakatulog na ay muli niya itong nilagay sa passenger's seat. May ginawa siyang harang na unan doon para hindi mahulog si Tyler sakaling nagmamaneho siya.Pinaandar niya ang maliit na TV para malibang naman siya habang nagda-drive. Sakto naman na balita ang nabungaran niya."Kita mo nga naman... nakita na pala ang bangkay ni Shiela?" aniya habang nanonood ng TV. Nakita na ng mga p
Hindi niya alam kung matutuwa o malulungkot sa nalaman na hindi naman pala siya totoong anak ng mga magulang niya. Sabagay, okay na din iyon para hindi siya makonsensya sakaling ipasara ng mga Blacksmith ang mga negosyo nito at maghirap dahil sa kanya.Muling nag-ring ang cellphone niya. Si Douglas na ang tumawag. Agad niyang sinagot ang tawag nito."Hello, honey! Where are you?""Andito lang ako sa labas. Sigurado ka bang safe diyan?""Oo naman. Maingat ako, noh.""Sige, punta na ako. Sabik na ako sa'yo." Humalakhak pa ito na parang demonyo bago patayin ang telepono.Inayos niya ang sarili. Nilipat niya si Tyler sa sofa para hindi ito madistorbo sa gagawin nila mamaya ni Douglas.Maya-maya ay narinig niyang may kumatok sa pinto. Agad siyang lumapit at pinagbuksan iyon, pero napalis ang ngiti niya nang makitang hindi ito nag-iisa. Marami itong kasamang mga bodyguard."B-bakit ka pa nagdala ng bodyguard?" nagtatakang tanong niya. Nakakatakot ang mga bodyguard nito."Mahirap na... Alam
"Fuck! Napakasarap mo pala talaga, Amber... Kaya pala patay na patay si Alastair sa'yo! Pero hindi ako tutulad sa kanya... Hindi ako mahuhulog sa bitag mo... Ammhhh... Ammhhh... Aammhh..."Halos masubsob na siya sa kama sa pagkadyot nito sa kanya, pero wala siyang magawa. Hawak siya nito sa leeg, at kung mapatay niya man ito doon, siguradong hindi rin siya makakaligtas dahil marami itong bodyguard sa labas.Lihim siyang humahagulgol. Ano ba itong ginagawa niya sa sarili niya?"Ahhh...hhh..." mahabang ungol ni Douglas nang nilabasan na ito sa loob niya. Diring-diri siya, pero hindi niya maipakita dito.Nang makahuma ay tumayo ito at nagsara ng zipper. "Magbihis ka na at sasama ka sa akin," utos nito."S-saan?" tanong niya habang tinatakpan ng kumot ang hubad niyang katawan. Nandidiri siya sa mga titig ni Douglas sa kanya."Sasama ka sa bahay ko. Doon ka na titira simula ngayon."Napayuko siya. Ito ba ang gusto niya? Ang plano niya kanina ay hindi umayon sa kanya. Ang akala niya ay mauu
"Bro!" tawag-pansin ni Ken sa kanya na kakapasok lang ng kwarto. Galing ito sa security department para i-check ang CCTV."Lumabas si Callum sa ospital, dala-dala nga si baby. Walang humarang sa kanya dahil kilala siya dito sa ospital. At saka kilala natin si Callum, isa siyang private investigator at pulis, alam niya ang gagawin!""Damn!" sigaw niya. Hindi niya lang sinabi para hindi muling mag-alala ang pamilya ni Fe, pero sa palagay niya ay mahihirapan silang hanapin si Callum. Alam niya ang kapasidad nito. Magaling ito sa larangang iyon, pero ang panalangin niya lang ay huwag saktan ni Callum ang bata habang hindi pa nila nahahanap.Narinig niyang muling umiyak ang nanay ni Fe habang yakap-yakap ito ng asawa."Huwag po kayong mag-alala, Tita. Marami na ang naghahanap sa kanya. Liliit na ang mundo niya. Gagawin ko po ang lahat para maibalik lang nang ligtas ang anak namin ni Fe." Pinatatatag niya ang loob ng pamilya ni Fe, pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay natatakot din siya. H
**********CLARK'S POV"Ano pa ang ginagawa mo dito, Mayor Clark? Di ba nasabi ko na sa inyo na tantanan niyo na ang anak ko? Di ba kayo naaawa kay Fe? Nanahimik na kami dito sa Iloilo, pero kayo naman ang nanggugulo. Maawa kayo sa anak ko, huhuhuh!... Ang dami na niyang pinagdaanan sa sakit sa buhay. Hanggang kailan ba 'to matatapos, huhuh..." iyak ng nanay ni Fe na nagmamakaawa sa kanya."Tita... di po ako pumunta dito para muling saktan si Fe... Pumunta po ako dito at nagbabakasakali na baka pwede pa naming ibalik ang dati naming pagmamahalan. Inaayos ko na ang pagsasawalang-bisa ng kasal namin ni Cindy. Blinak-mail po ako ni Gov. Santiago na pakasalan si Cindy, pero si Fe po talaga ang mahal ko. Ngayon nabunyag na ang lahat at nakulong na din si Gov, nandito ako para humingi ng tawad kay Fe at nagbabakasakali kung tatanggapin pa niya ako sa buhay niya..." mahabang paliwanag niya sa pamilya ni Fe.Namasa ang mga mata niya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago magsalita ulit
"Ang bilis mo naman magdesisyon?! Porket ba bumalik na si Clark, eh, etsapwera na ako? Hindi mo man lang naisip ang mga sakripisyo ko para sa'yo?" panunumbat ni Callum."Hindi kita pinilit, Callum. Ikaw ang nagpresenta ng sarili mo sa akin!""That's because I love you! Ni hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon?! Wala man lang ba akong kahit katiting diyan sa puso mo?!" wika ni Callum saka hinawakan siya sa braso. Napangiwi siya sa sakit."Callum! Nasasaktan ang anak ko!" sigaw ng nanay niya. Naalarma na ang mga kaibigan niya kaya lumapit ang mga ito kay Callum."Callum, huwag kang gumawa ng gulo dito. Pwede n'yo namang pag-usapan ni Fe ito kung parehas nang malamig ang ulo n'yo..." wika ni James sa lalaki."No! Alam kong hindi na magbabago ang isip niya dahil bumalik na si Clark! Si Clark lang naman ang importante sa kanya, eh!""Lumabas ka na muna, Callum. Hindi ka ba naawa kay Fe? Kakapanganak lang niya!" matigas na wika ni Ken. Tiningnan muna siya nito nang masama saka binit
**********FE'S POV:"N-nay..." sambit niya nang magising siya."Anak, gising ka na? Kamusta na ang pakiramdam mo?""Saan po ang anak ko?" tanong niya sa halip na sagutin ang tanong ng ina."Nasa nursery, anak... Mamaya, dadalhin siya ng nurse dito para padedein sa'yo." nakangiting wika ng nanay nya pero alam nyang hinid lubos ang saya nito dahil sa nangyari sa kanya."Bestie!" tawag-pansin ni Jonie habang papalapit sa kanya kasama si Bebe. "Kamusta na ang pakiramdam mo? Ang cute ng anak mo... makuha ni ---" Hindi na itinuloy ni Jonie ang sasabihin dahil tinulak ito nang bahagya ni Bebe at tila napa-isip kung dapat niyang sabihin iyon.Nginitian niya ang mga ito nang tipid. Nilibot niya ang paningin sa loob ng kwarto, naroon ang lahat ng kanyang kaibigan at pamilya, tanging isang tao lang ang wala roon.... si Clark."Love, kamusta ka na?" Nagulat siya nang marinig ang boses ni Callum. Hindi niya namalayang nasa tabi lang pala ito. Hindi nya inaasahan na magpapakita pa ito sa kanya sa
Napayuko siya. Totoo nga ba ang sinabi ni Callum na hindi siya ang ama? Pero bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya kanina nang makita ang bata? Para iyong lukso ng dugo."Paano ang babaeng nagpakilalang asawa mo kanina? Asawa mo din siya, di ba?""M-matagal na kaming hiwalay. Si Fe na ngayon ang mahal ko. May divorce sa Scotland kaya kapag mapawalang-bisa na ang kasal namin ni Victoria, malaya na ulit ako at puwede na kaming magpakasal ni Fe."Muli siyang nalungkot. Sa parte niya, matatagalan pa niyang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Cindy dahil wala namang divorce sa Pilipinas."Umalis ka na, Clark. Huwag ka nang magpakita kay Fe dahil galit siya sa'yo. Ang asawa mo na lang ang asikasuhin mo."Aalis siyang hindi pa nasabi kay Fe na hiwalay na din sila ni Cindy, pero hindi pa legal. Tatanggapin kaya siya ni Fe?Ang sakit-sakit ng puso niya... Ang babaeng pinakamamahal niya ay may anak na sa iba. Siguro, babalik na lang siya sa Maynila at tatanggapin ang kanyang pagkabigo. Laglag a
**********CLARK'S POV:Hindi siya mapakali habang nasa operating room si Fe. Paroo't parito siya sa paglalakad."Will you calm down? Sumasakit ang ulo ko sa'yo!" saway ni Jonie sa kanya.Naroon na silang lahat na magkakaibigan, pati ang pamilya ni Fe. Si Callum ay naroon din. Hindi niya alam kung bakit pa ito nag-stay doon, samantalang may naghihintay ang asawa nito. Tiningnan niya ito nang masama nang napatingin din sa kanya.Maya-maya ay lumabas na ang doktor. Agad siyang lumapit dito."Doc, kamusta na po ang pasyente?""Okay na po siya. Successful ang panganganak niya... It's a baby boy!" masayang balita ng doctor "Congratulations po, Daddy!" bati ng doktor sa kanya pero nag-alangan siya. Hindi naman talaga niya alam kung siya nga ang ama ng bata. Sa tagal nilang hindi pagkikita ni Fe, baka nga kay Callum iyon."He is not the father, Doc." pagtatama ni Callum sa doktor."Ay, sorry po... Kamukha niya kasi ang bata." Nahihiyang sabi ni doc. "Anyway, I have to go. Ililipat na ang pas
Ang daming nangyari sa mga oras na 'yun. Hindi na niya alam ang unang iisipin. Una, ang hindi niya inaasahang pagdating ni Clark. Pangalawa, ang pag-propose ni Callum na hindi na rin niya inaasahan. At eto ngayon, manganganak na siya!"Bilisan mo! Huhuhu..." sigaw niya sa driver. Ngayon niya lang napansin na si Callum pala ang nagda-drive. Si Clark naman ang nasa tabi niya at dinadaluhan siya. Tatlo lang sila sa iisang sasakyan. Siguradong nakasunod din sa kanila ang mga kaibigan at pamilya niya, pero bakit siya iniwan ng mga ito sa dalawang lalaki?!"Hang on, love... Malapit na tayo!..." natatarantang sambit ni Callum habang nakatingin sa rearview mirror habang nagda-drive."This is all your fault, Callum! Niloko mo si Fe!? Nag-propose ka pa sa kanya samantalang may asawa at anak ka naman pala?!" sisi ni Clark kay Callum habang niyayakap siya."Look who's talking! Hiwalay na kami ni Victoria. At saka, bakit? Ikaw din naman, kasal, ah! Ano ba ang ginagawa mo dito? Bakit ka pa nagpakit
"You deserve it, bestie. I'm sure dudumugin itong resort natin! Ang ganda! Feels like paradise! Hindi ito magpapatalo sa ibang sikat na beaches dito sa bansa natin!"Kinikilig siya sa lahat ng sinasabi ni Jonie. Tinatanggap niya ang lahat ng parangal na iyon dahil deserve niya iyon. Pinaghirapan niya ang resort na mapaganda.Naputol ang pag-uusap nila nang tumunog ang cellphone ni Callum. Napakunot ang noo nito."Who is it?" tanong niya."Ah, eh, wala..." Agad na sagot nito sa kanya saka pinatay ang telepono at binalik sa bulsa."Aalis muna ako, love. May kukunin lang ako sa kwarto. May sorpresa ako sa’yo." Matamis na ngiting wika nito saka hinalikan ang kanyang kamay.Pag-alis ni Callum ay agad namang lumapit si Clark sa kanya na parang nag aabang ng pagkakataon."Fe... can we talk?" diretsahang tanong nito."Ah, eh..." Umiikot ang mata niya. Naghihingi siya ng tulong kay Jonie na huwag siyang iwan doon. Natatakot siya sa anumang itatanong ni Clark sa kanya."Jonie... pwede bang bigy
Parang tumigil ang mundo niya sa sandaling iyon. Hindi siya agad nakapagsalita, hindi rin siya nakagalaw. Ang tanging naririnig niya ay ang malakas na kabog ng kanyang puso, tila gustong kumawala sa kanyang dibdib.Si Clark... Hindi siya maaaring magkamali sa nakikita. Nakatayo ito sa harapan niya, nakatingin sa kanya nang diretso, tila may gustong itanong ngunit pinipigil ang sarili.“Bestie...” Si Jonie ang unang lumapit at niyakap siya. “Buntis ka? Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin?” May halong panunumbat sa boses nito, pero ramdam niyang mas nangingibabaw ang tuwa at pagkabigla.Napangiti siya at yumuko. Hindi niya matagalan ang titig ni Clark. Hindi niya inakalang darating ito. Ang buong akala niya ay hindi na sila magkikita pang muli.“Ano ba yan, Fe! Ang tagal mong itinago sa amin ito!” reklamo ni Bebe, pero nakangiti rin ito habang hinihimas ang tiyan niya.Si Callum naman ay tahimik lang sa tabi niya, pero ramdam niya ang bahagyang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya.