“Napapansin ko, lagi kang umiiwas kapag hahalikan kita... Magkarelasyon na tayo, ‘di ba? Dapat canceled na ‘yung usapan natin na ‘no strings attached!’” reklamo ni John.“Ahm, sorry. Naninibago pa kasi ako, saka hindi pa ako handa,” palusot niya kay John. Gusto na niyang bawiin ang pagsagot dito, pero alam niyang masasaktan si John. Nakita niya kung gaano ito kasaya noong sinagot niya kagabi. Wala rin siyang maibigay na malinaw na dahilan kung bakit niya ito iiwan agad. Hindi niya puwedeng sabihin na may relasyon na sila ng kapatid nitong si James. Walang alam ang mga ito tungkol sa nakaraan nila ni James. Hahayaan na lang niya si James ang gumawa ng paraan tulad ng ipinangako nito sa kanya kanina.“Okay, sige. Pagbibigyan kita. Alam kong nabibigla ka pa. I will give you time. Basta nagpapasalamat ako na sinagot mo na ako. Finally, you’re mine, Bevs. You don’t know how happy I am today,” masayang sabi nito.“Ahm... maliligo muna ako,” sagot niya, sabay alis mula sa yakap ni John.“Sig
Pagkatapos ng breakfast nila, nagsimula na silang maghanda ng mga dadalhin para sa picnic. Gumawa siya ng sandwich at nagdala ng chips, juice, at soda. Abala siya sa pag-aasikaso ng pagkain nila samantalang si Amber ay nakaupo lang sa sofa. Abala ito sa pagse-cellphone. Mukhang wala itong balak na tumulong. Hinayaan na lang niya ito kaysa makipagplastikan pa habang nag-aayos siya. Nang matapos ang paghahanda ay naglakad siya papunta sa kwarto nya para mag-ayos na rin ng dadalhin niyang panligo sa batis.... Excited na siya! Habang dumadaan siya kay Amber na nakaupo sa sofa ay tinawag siya nito. "Beverly, can you give me juice please?" wika nito nang hindi man lang tumingin sa kanya, abala pa rin ito sa pagpi-pindot ng cellphone. "Why don’t you get it yourself?" seryosong sagot niya. Gusto niyang tarayan ito, pero ayaw niyang magsimula ng gulo. "Ang lapit-lapit mo na lang sa kitchen, eh. Ano ba naman ‘yung iabot mo lang sa akin ang juice?" sagot ni Amber, halatang inis. Humugot muna
Hindi siya nakafocus sa pangangabayo dahil ang mata niya ay nakatuon kay James at Amber. Nakayakap si Amber sa likod ni James, at ang dibdib nito ay nakadikit sa likod ng lalaki.“Ang hinayupak! Gustong-gusto naman ang paglalandi ni Amber! At si Amber naman, talagang sinasadya pang idikit ang dibdib sa likod ni James. Mga baboy!” sigaw ng isip niya.“Hey, Bevs, akala ko ba magkakarera tayo?” sigaw ni John sa kanya.Bigla siyang na-excite at sandaling banalik ang atensyon kay John. “Sige ba!” naka-ngising sagot niya sabay lapit kay John. “Ready?”“Don’t be stupid! Baka maaksidente pa kayo!” sigaw ni James sa kanila, pero hindi nila ito pinansin.Nagkatitigan sila ni John at sabay natawa. “Ready?” ulit nitong tanong.“Go!” sigaw niya, at nagsimula na silang mag-unahan sa pangangabayo. Naunahan agad siya ni John, at aminado siyang na-impress sa husay nito sa pangangabayo. Pero hindi siya magpapatalo, competitive cya kaya lahat ng bagay ay gusto nya ay mananalo cya. Binilisan pa niya ang
Ang mga bwisit, sa harap ko pa talaga naglalampungan! At makapagpanggap naman itong si Amber, akala mo siya ang gumawa ng sandwich, eh wala namang ambag! Natuon ang buong atensyon ni James kay Amber habang nakikipag-usap dito. Lalo tuloy siyang nairita at tumindi ang selos niya. “Hey, Bevs. Come, let’s swim!” tawag ni John habang lumapit sa kanya. “Sige... Kanina pa ako nate-tempt na maligo. Ang linaw kasi ng tubig! ” sagot niya, saka tumayo at dahan-dahang tinanggal ang kanyang cover-up nya. Kitang-kita niya kung paano lumuwa ang mata ni James nang makita siya. Napaka-daring kasi ng swimsuit na suot niya...halos kita na ang mga bahagi ng katawan na madalas tinatago. Bukod dito, mas pansinin pa ang bawat kurba ng kanyang katawan. Napatulala si James. Lihim cyang napangiti dahil nakuha nya ang atensyon ng nobyo. Maglaway ka ngayon sa kaseksihan ko! wika nya sa isip. "Ang sexy naman ng mahal ko," komento ni John habang hindi maalis ang ngiti sa kanyang mukha. Napahagikhik siya, p
Napansin niyang napatingin si James sa kanya ng saglit pero agad ding bumalik ang atensyon nito kay Amber nang magsalita ito. Inaagaw ulit ni Amber ang atensyon ni James. Parang walang epekto tuloy ang ginagawa nyang papapansin! Nagsimula na siyang maghinanakit. Ang akala niya ay sapat na ang ginawa niyang effort, pero tila mas interesado si James kay Amber. sino ba namang lalaki ang aayaw sa malaking hinarahap ng babae di ba? Maging si James ay hinid exempted doon! Napakagat-labi siya habang iniisip kung ano pa ang dapat niyang gawin. Maya-maya, napansin niyang papunta sa tabi nya si John, may dala itong sandwich na ginawa nya kanina. “Kain ka muna, Bevs” alok nito sa kanya Ngumiti siya at kinuha ang sandwich. Kahit paano ay na-appreciate niya ang ginagawa ni John. “Salamat,” sagot niya nang mahina. “Alam mo, para kang fairy dito sa batis, Bevs” Bulong ni John habang nakatitig sa kanya. "Ang ganda mo na talaga.” Natigilan siya sa sinabi nito. Si John ang nakapansin sa mga pa
Ngayon pa lang ay parang pumapalakpak na ang petchay niya. Excited na ito sa mangyayari mamaya. Pakiramdam niya tuloy ay nagiging adik na siya.Simula nang maging okay na sila ni James, gusto niya itong laging kasama. Gusto niyang ibalik ang dating samahan nila... katulad noong nasa Baguio sila na silang dalawa lang at walang iniintinding ibang tao. Napakasaya nun para sa kanya.Kapag umaalis si James, hinihintay niya ito na parang isang butihing asawa at may nakahanda nang pagkain sa hapag-kainan. Pagkatapos nilang kumain ay diretso na sila sa kwarto. Minsan ay siya pa ang pinapaliguan ni James. Magkasama silang naliligo at walang mintis iyong lagi siyang aangkinin nito habang nasa banyo sila. Pagkatapos maligo ay lilipat naman sila sa kama at muling magsasalo sa init ng gabi. Pagkatapos nun ay magkayakap silang matutulog. Para sa kanya, it's a perfect life with James. Wala na sana siyang mahihiling pa."Huy! Bakit parang nagde-daydreaming ka diyan? Ano bang iniisip mo?" tanong ni Jo
"Ano, Bevs? Karera tayo ulit?" pukaw ni John sa kanya. "Kailangan kong bumawi. Hindi ako papayag na matatalo mo ulit ako!" natatawang wika ni John."Sige ba," seryosong sagot niya ngunit galit pa rin ang isip niya kaya wala siyang gana. Pinagbigyan niya lang si John para hindi nito mahalata na nagagalit siya. Pinuwesto nilang dalawa ang mga kabayo nila."There you go again! Baka madisgrasya kayo!" muling saway ni James sa kanila."Hahaha! Napakatatakutin mo talaga, Kuya! Kanina nga wala namang nangyari, 'di ba?" sagot ni John sa kapatid. Binalewala niya lang ang sinabi ni James at hindi siya tumingin dito para iparamdam na hindi siya susunod sa mga sinasabi nito... ayaw niyang maging sunod-sunuran!"Ready, Bevs?" muling tanong ni John sa kanya. Tumango lang siya."Okay... ready... GO!" sigaw ni John saka mabilis na pinatakbo nila ang kanilang mga kabayo. Nauna siya kay John. Ang bilis ng kabayo niya dahil sa gigil niya. Parang binuhos niya ang lahat ng galit niya sa pagpapatakbo ng ka
Hinawakan siya ni John sa kamay at ginabayan papunta sa kwarto niya. "Ikaw naman kasi, Bev! Ano ba ang pumasok sa kokote mo? Bakit ka naman gano’n kabilis magpatakbo ng kabayo? Para kang nagpapakamatay, ah! May problema ka ba?" Paninisi ni John sa kanya, pero halatang nag-aalala din. Hindi siya sumagot.Nang makapasok na sila sa kwarto, tinulungan siya nitong makahiga sa kama. "Magpahinga ka na. Papunta na ang family doctor namin para ma-check ka.""No need. Wala naman akong bali, maliban dito sa mga gasgas ko," sagot niya."Tell that to Mom! Napagalitan na nga ako dahil sa katigasan ng ulo mo, 'di ba? Sumunod ka na lang para hindi na madagdagan ang init ng ulo niya. Alam mo namang mahal ka nun at ayaw niyang may mangyaring masama sa’yo."Bigla siyang nakonsensya sa sinabi ni John. Ramdam nga niya ang pag-aalala ni Tita Evelyn sa kanya.Tumayo si John, inayos ang kumot niya, at muling umupo sa may ulunan niya. Hinimas-himas nito ang buhok niya."You got me scared, Bevs. Hindi ko akal
"Callum... May sarili kang pamilya, di ba? Bakit hindi sila ang alagaan mo? Di ka ba naaawa sa anak mo? May sarili kang anak pero ang anak namin ni Fe ang pinupuntirya mo? Sumuko ka na bago pa mahuli ang lahat, Callum. Kung mapatay mo man ako ngayon dito, hindi ka rin makakatakas sa mga awtoridad. May isang milyong nakapatong sa ulo mo. Marami ang maghahangad na mapatay ka!... Bumalik ka na sa Scotland kasama ang asawa mo at mamuhay ng tahimik," mahabang litanya niya kay Callum."Hindi mo ako kailangang diktahan, Clark! Alam ko ang ginagawa ko, at hindi ako magiging masaya hangga't hindi ako makakabawi sa'yo!" sigaw nito saka biglang bumunot ng kung ano sa bewang.Pero bago pa man iyon mangyari, isang malaking kahoy ang tumama sa likod ni Callum."Agghh!" sigaw ni Callum sa sakit. Napahiga ito sa sahig."Callum, sumuko ka na! Itigil mo na ang kalokohang ito!" sigaw ni Ken. Bigla siyang nagkaroon ng pag-asa nang makita ang mga kaibigan. Si Ken ay may hawak na dos por dos sakaling makab
**********CLARK'S POV:"Anong sabi?"Tanong ni Ken nang tumawag si Callum. "Magkita daw kami at magtutuos..." malungkot na wika niya."Wag kang pumunta, Clark! Alam mo ang kapasidad ni Callum. Baka saktan ka niya." sabat ni Jonie"Pero wala akong magagawa dahil hawak niya ang anak ko! Kung di naman ako pupunta, baka di ko na makita ang anak namin ni Fe. Kailangan kong maibalik ang bata kay Fe... She's gonna be devastated." tila nawawalan na cya ng pag-asa."Magdala ka ng mga pulis... O di kaya sasamahan ka namin! Siguradong sasaktan ni Callum!" si James naman ang nag salita. Umiiling siya. "No!... Aalis akong mag-isa. Ayaw kong ilagay sa kapahamakan ang mga kaibigan ko. Kung gusto niya akong patayin, tatanggapin ko. Total, wala na rin naman silbi ang buhay ko. Wala na akong ginawang tama. Malamang ito na ang kabayaran sa lahat ng pagkakasala ko kay Fe." maluha-luhang sambit nya. Mukhang doon na nga sila magtatapos. "Mapapatawad na siguro niya ako kapag naibalik ko ang anak namin sa
"Alagaan mo muna hangga't hindi ako makakabalik.""Bakit? Callum, why are you doing this?" humihikbing wika nito. "Alam mo bang may reward na isang milyon ang sinumang makahanap sa'yo? Sumuko ka na lang, Callum, at magbagong buhay na tayo sa Scotland kasama ang mga anak natin.""Wag ka nang madaming tanong!" Kumuha siya ng tig-lilibong pera at ibinigay iyon kay Victoria."Babalik ako. Alagaan mo ang bata, kundi ikaw ang mananagot sa akin!" sigaw niya.Agad itong napahawak sa tiyan at umupo sa kama habang hiid binibitawan ang anak ni Fe at Clark.. Alam niyang buntis din si Victoria."Di mo ba talaga ako kayang mahalin, Callum?" umiiyak na wika nito. Tila lumambot naman ang puso niya kay Victoria."Lagi mo sinasabi na wala akong kwentang babae, dahil palamunin lang ako sayo pero hindi mo ba naiisip na inaalagaan ko ang anak mo kaya di ako makapagtrabaho? Nag-iisa lang ako doon at walang pamilya. How do you expect me to work?"Di siya nakapagsalita. Ngayon niya lang narinig ang rason ni
Hindi siya mapakali. Habang nagda-drive ay iniisip niya kung bakit biglang tumawag si Victoria. Dati ay hindi naman siya nito kinukulit.Pagdating nila sa resort ay hinayaan niyang si Fe ang kumausap sa engineer nito at lumayo muna siya ng kaunti para tawagan si Victoria. Ang iniisip niya kasi ay baka may nangyaring masama sa anak niya."Hello, Victoria! Why did you call?""Callum, can you come back here in Scotland?""Why? Di ba nag-usap na tayo? Hiwalay na tayo at sustentuhan ko na lang si Curt!""But I'm pregnant again with our second child!"Sandali siyang natameme. Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis. Hindi naman siya nagduda sa ipinagbubuntis ni Victoria dahil ilang beses ding may nangyari sa kanila noong umuwi siya ng Scotland.Humugot muna siya ng malalim na hininga. "Ano ang gusto mong mangyari, Victoria?""Hindi ba pwedeng magkabalikan na lang tayo? Para sa mga anak natin?""I-I can't...""But why? Huwag mong sabihing pipiliin mo pa rin ang babae mo diyan? Iiwan mo
CALLUM'S POV:Kaka-baba niya lang ng telepono. Tinawagan niya si Clark at sinabing nasa kanya ang bata. Gusto niyang makipagkita ito sa kanya dahil papatayin niya ang lalaki. Galit na galit siya. He has never been humiliated in his entire life! Kasalukuyan siyang nasa kotse dahil tinakbo ang anak ni Fe nang walang nakakaalam. Ngayon ay itsapwera na siya kay Fe kung kailan dumating na si Clark. Plinano niya ang lahat... ang pag-propose dito sa araw ng opening ng resort. Excited cya sa plano nya. He tought it would be a perfect day for him and Fe. Ginawa niya iyon para maraming makasaksi ng kanyang pag-propose. Pero hindi niya inakala na mapapahiya siya bacause Fe rejected his offer dahil sa muling pagpakita ni Clark. Isa pang nagpa-bulilyaso sa plano niya ay ang pagsulpot ni Victoria. Ang inakala nyang masayang pagpo-propose ay naging isang bangungut sa kanya. Ni sa hinagap ay hindi niya akalain na darating si Victoria. Kaya siya umuwi ng Scotland dahil pinagbabantaan siya nitong sis
"Bro!" tawag-pansin ni Ken sa kanya na kakapasok lang ng kwarto. Galing ito sa security department para i-check ang CCTV."Lumabas si Callum sa ospital, dala-dala nga si baby. Walang humarang sa kanya dahil kilala siya dito sa ospital. At saka kilala natin si Callum, isa siyang private investigator at pulis, alam niya ang gagawin!""Damn!" sigaw niya. Hindi niya lang sinabi para hindi muling mag-alala ang pamilya ni Fe, pero sa palagay niya ay mahihirapan silang hanapin si Callum. Alam niya ang kapasidad nito. Magaling ito sa larangang iyon, pero ang panalangin niya lang ay huwag saktan ni Callum ang bata habang hindi pa nila nahahanap.Narinig niyang muling umiyak ang nanay ni Fe habang yakap-yakap ito ng asawa."Huwag po kayong mag-alala, Tita. Marami na ang naghahanap sa kanya. Liliit na ang mundo niya. Gagawin ko po ang lahat para maibalik lang nang ligtas ang anak namin ni Fe." Pinatatatag niya ang loob ng pamilya ni Fe, pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay natatakot din siya. H
**********CLARK'S POV"Ano pa ang ginagawa mo dito, Mayor Clark? Di ba nasabi ko na sa inyo na tantanan niyo na ang anak ko? Di ba kayo naaawa kay Fe? Nanahimik na kami dito sa Iloilo, pero kayo naman ang nanggugulo. Maawa kayo sa anak ko, huhuhuh!... Ang dami na niyang pinagdaanan sa sakit sa buhay. Hanggang kailan ba 'to matatapos, huhuh..." iyak ng nanay ni Fe na nagmamakaawa sa kanya."Tita... di po ako pumunta dito para muling saktan si Fe... Pumunta po ako dito at nagbabakasakali na baka pwede pa naming ibalik ang dati naming pagmamahalan. Inaayos ko na ang pagsasawalang-bisa ng kasal namin ni Cindy. Blinak-mail po ako ni Gov. Santiago na pakasalan si Cindy, pero si Fe po talaga ang mahal ko. Ngayon nabunyag na ang lahat at nakulong na din si Gov, nandito ako para humingi ng tawad kay Fe at nagbabakasakali kung tatanggapin pa niya ako sa buhay niya..." mahabang paliwanag niya sa pamilya ni Fe.Namasa ang mga mata niya. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago magsalita ulit
"Ang bilis mo naman magdesisyon?! Porket ba bumalik na si Clark, eh, etsapwera na ako? Hindi mo man lang naisip ang mga sakripisyo ko para sa'yo?" panunumbat ni Callum."Hindi kita pinilit, Callum. Ikaw ang nagpresenta ng sarili mo sa akin!""That's because I love you! Ni hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon?! Wala man lang ba akong kahit katiting diyan sa puso mo?!" wika ni Callum saka hinawakan siya sa braso. Napangiwi siya sa sakit."Callum! Nasasaktan ang anak ko!" sigaw ng nanay niya. Naalarma na ang mga kaibigan niya kaya lumapit ang mga ito kay Callum."Callum, huwag kang gumawa ng gulo dito. Pwede n'yo namang pag-usapan ni Fe ito kung parehas nang malamig ang ulo n'yo..." wika ni James sa lalaki."No! Alam kong hindi na magbabago ang isip niya dahil bumalik na si Clark! Si Clark lang naman ang importante sa kanya, eh!""Lumabas ka na muna, Callum. Hindi ka ba naawa kay Fe? Kakapanganak lang niya!" matigas na wika ni Ken. Tiningnan muna siya nito nang masama saka binit
**********FE'S POV:"N-nay..." sambit niya nang magising siya."Anak, gising ka na? Kamusta na ang pakiramdam mo?""Saan po ang anak ko?" tanong niya sa halip na sagutin ang tanong ng ina."Nasa nursery, anak... Mamaya, dadalhin siya ng nurse dito para padedein sa'yo." nakangiting wika ng nanay nya pero alam nyang hinid lubos ang saya nito dahil sa nangyari sa kanya."Bestie!" tawag-pansin ni Jonie habang papalapit sa kanya kasama si Bebe. "Kamusta na ang pakiramdam mo? Ang cute ng anak mo... makuha ni ---" Hindi na itinuloy ni Jonie ang sasabihin dahil tinulak ito nang bahagya ni Bebe at tila napa-isip kung dapat niyang sabihin iyon.Nginitian niya ang mga ito nang tipid. Nilibot niya ang paningin sa loob ng kwarto, naroon ang lahat ng kanyang kaibigan at pamilya, tanging isang tao lang ang wala roon.... si Clark."Love, kamusta ka na?" Nagulat siya nang marinig ang boses ni Callum. Hindi niya namalayang nasa tabi lang pala ito. Hindi nya inaasahan na magpapakita pa ito sa kanya sa