Zyrille's POV
Kakagising ko lang ulit, at una kong ginawa ay buksan ang bintana. Iba talaga ang ihip ng hangin kapag bagong gising, iba ang simoy ng hangin, ang sarap sa pakiramdam, ang gaan sa loob.
Sabado rin ngayon kaya kailangan kong magpunta sa Training Center ng agency namin para mag-train bilang isang detective. Pero okay na rin 'yan, para may magawa rin ako kahit sabado ngayon at dapat ay nagpapahinga lang ako.
Bumangon na rin ako at niligpit ang pinaghigaan ko, nag-toothbrush na rin at pumunta akong kusina nguniy napansin kong walang pagkain, napa-face palm nalang ako at napahingang malalim, lagi nalang akong inuubusan ng makakain, hmph.
Mag-o-order na nga lang ako.
Ay, 'wag nalang, mamaya nalang ako kakain after training para bongga 'yung gutom ko at makalamon ako ng maraming maraming sobrang dami.
Magbibihis na muna ako, and for my beautiful outfit na kasing beautiful ko, ang susuotin ko ay Tshirt na black and jogging pants na black din, tapos rubber shoes na syempre duh, black din. Tapos nag messy bun sa buhok and pulbo lang ako. Ganu'n lang kasimple, mas simple, mas maayos, mas maganda.
Pagkatapos kong mag-ayos ng mga kailangan kong gamit at maghanda, aalis na ako bago pa ako sikatan ng pagkainit init na araw.
I'll make sure na naka-lock lahat ng dapat i-lock at walang mga tirang saksakan.
Habang naglalakad ako, maliit lang ang paa ko kaya maliliit lang ang mga hakbang ko, maya maya napagtanto kong parang may nawawala sa mga gamit ko.
Nadala ko ba ang headset ko? Hala, ma-check nga saglit.
Habang hinahanap ko ang headset ko para sana magpapatugtog, naglalakad din ako sa may daanan. At nagulat nalang ako ng may bigla akong nabangga.
"Anak ka ng ipis na nilapa ng pating! 'Di ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo ha?" galit kong sabi sa bumangga sa'kin, sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Nakabangga ako ng tila isang misteryosong lalaki.
Hmm, quick check.
Tingin sa paa, malaki ang paa niya, around 9 ang size niya.
Tingin sa katawan, hmm macho rin siya, halatang nag-gygym. maputi rin, batak ang itsura. Matikas ang katawan.
Tingin sa mukha, hmm inferness, gwapo siya, may itsura, para siyang koreano, pula ang labi, medyo matangos ang ilong, mapupungay na mata, at clear skin din siya. Medyo masungit nga lang ang awra niya, ang seryoso ng facial expression niya.
Feeling ko anak mayaman din ito. Galante siya kung pumorma.
Tapos black din halos lahat ng suot niya, gaya ng sa'kin.
"Ano, tapos ka na bang pagpantasyahan ako?" halos napaatras ako sa biglaang pagsasalita niya sa akin. Kaya napaayos ako agad ng aking sarili at tiningnan siya ng maayos.
Teka, ako? Nagpapatansya sa kanya, ang hangin din ng kumag na ito ha.
"H-ha?" nagmamaang-maangan kong tanong, na para bang gusto 'kong sabihin na 'nahihibang ka na ba?'
"Halaman. Kanina mo pa 'ko tinitingnan eh, mula ulo hanggang paa, ano pasok ba 'ko sa standards mo?" sabi niya sabay smirk sa akin. Ngumiti rin siya sa akin na parang nang-aasar.
Shet, nakakalaglag panga pala karisma nito sa simpleng ngiti lang. Totoo ngang gwapo siya at malakas ang dating sa tao.
"K-kapal naman ng mukha mo," mainis-inis kong sabi sa kanya. Medyo namumula rin ang pisngi ko dahil sa pagngiti niya sa akin kanina. Para bang bigla akong nalulunod sa sarili kong isip ng makita ng mga mata ko kung paano niya ako nginitian kanina kahit na sabihin nating sarkastiko iyon.
Para akong nahulog nang 'di ko namalayan.
"Tss, kunwari ka pa, tabi nga r'yan." At sabay no'n umalis na siya, at ampochi! Binangga pa niya ako sa balikat, tokneneng lalaking 'to. Hindi porket nakabibighani siya kung ngumiti ay mababangga na lang niya ako nang basta basta, kainis!
Umayos ako ng aking awra at agad agad ko siyang hinabol at sinabayan ang lakad niya, kala niya makakalagpas siya sa'kin bwisit siya.
Hindi niya ako madadaan sa ngiti, ano ako marupok? Ngek ngek niya bulok.
"Hindi ka man lang ba magso-sorry?" tanong ko sa kanya, habang patuloy siyang naglalakad at ako nama'y patuloy siyang hinahabol. Nakatingin din ako sa kanya habang patuloy kaming lumalakad.
"Ba't ako magso-sorry sa sarili mong katangahan, miss?" prankang sagot niya sa akin. Tingnan niya pa ako ng masama sabay lakad niya ulit.
Aba't, loko 'to ah, 'di kaya ako tanga, siya itong bumangga rin sa'kin, alam niyang babangga siya sa'kin edi siya na sana nag-adjust! Iba rin ang kayabangan nito.
Binilisan niya ang lakad niya kaya binilisan ko rin, aba hindi ako papayag na ganu'n ganu'n nalang ang mangyari. Mag-sorry muna siya.
Nakakapagod din pala kapag mataas ang pride 'no, hindi mo basta basta mahihingan ng tawad.
Pero habang hinahabol ko siya, nagulat nalang ako ng may biglang tumutok ng baril sa ulo niya galing sa isang sulok.
Sa gulat ko nabitawan ko ung dala kong tumbler at napatingin sa'kin ng may hawak ng baril. Napatingin din sa akin ang lalaking hinahabol ko.
Bwisit, kung mamalasin ka nga naman oh, hays!
Pero duhz, marunong naman ako makipaglaban kahit papa'no. Kaya 'di ako nag-react nu'ng tumingin siya sa 'kin, kinuha ko nalang ang tumbler ko at itinikom ang bibig. Hays Zyrille, ano ba 'tong pinasok mong gulo. Imbes kasing nananahimik ka na lang at hinayaan nalang 'tong lalaking ito, edi sana okay ka na, at naka-alis ka na pero wala masyadong mataas ang pride mo, nakakaloka ka self.
"Nandito ka lang pala matatagpuan," sabi ng lalaking may hawak ng baril. May itsura ito, pero halatang hindi mabuting tao. Halatang may balak na masama kaya medyo dumistansya ako sa kanila. Iba rin ang nararamdaman ko sa taong ito parang hindi siya pwedeng pagkatiwalaan o maski samahan.
Hindi rin ako tatakbo o aatake, makikichismis lang ako, hindi ako gagawa ng kahit anong hakbang dahil baka mayari pa ako ng wala sa oras.
"Tigilan mo'ko Leo, wala akong panahon makipaglokohan sa'yo, nagugutom na'ko, kaya tumabi ka d'yan kung ayaw mong ipakain ko sa 'yo 'yang baril mo," inis niyang sabi, ang cool din ng lalaking ito, hindi man lang siya lumilingon, para bang hindi siya takot mabaril. Nakaka-curious tuloy ano bang meron sa dalawang ito?
Tumingin tingin ako sa paligid at wala masyadong tao, kung may tao lang ay sa pinakakanto ito dadaan kaya tanging kami lang ang tao rito at wala ring makakakita.
Nice, talagang wala akong palag. Paano kaya kung bigla akong pinagtulungan ng dalawang ito? Mabubuhay pa kaya ako? Hay, lead me Lord!
"P'wede mo namang kainin mga bala ng baril ko kung gusto mo," matigas na banggit sa kanya ng lalaki.
Shems mukhang hindi maganda ang mangyayari ha, ramdam ko ang mainit na tensyon sa pagitan nilang dalawa. Halatang kahit anong oras maari silang magpatayan.
"Ano ba'ng kailangan mo?" tanong naman nitong lalaking nakabangga ko, halatang naiinis na ito. Halatang pikon na ang kanyang boses at tila nagpipigil na lang ng kanyang sarili na h'wag mapatulan itong lalaking may baril.
Nakakahilo naman ito, palipat-lipat ang ulo ko sa kanina, kung sino magsasalita du'n ako lilingon, ta's palipat-lipat. Jusko, ang mabuti pa umalis na lang ako rito.
Sa una palang naman ay dapat hindi ko na sinundan pa ang lalaking 'yan, kung ayaw niyang mag-sorry sa akin, edi 'wag. Marami pa akong kailangang gawin at baka mamaya tuluyan kong hindi magawa iyon dahil sa pagiging chismosa ko rito.
"Ang buhay mo.." rinig kong sabi ng lalaki.
Patalikod na'ko at handa nang umalis pero isang hakbang ko palang at narinig ko ulit na nagsalita ang lalaki,
"...at ang buhay ng kasama mong babae," sabi nito.
Agad akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig ko iyon, bakit naman ako nadamay? Hays, ano ba itong pinasok kong gulo.
"Hindi ko siya kilala, 'wag mo siyang idamay," seryosong sabi ng lalaking nakabangga ko. Ayan tama, ipagtanggol mo'ko, wala akong kinalaman dito.
Pero bakit nga ba ako matatakot 'di ba? May alam ako sa pakikipaglaban, kaya bakit ako matatakot sa kagaya niya. Ayoko sa lahat ang pinagbabantaan ang buhay ko eh. Imbes na nananahimik ako, lalaban nalang ako.
Dali dali akong humarap sa kanya ng taas noo, at unti-unting lumapit sa kanya. Agad din niyang inilipat ang baril niya mula sa lalaking bumangga sa akin patungo sa akin. Great, isang putok ng baril niya patay na agad ako, ano ba, Zyrille.
"Una sa lahat, hindi kita kilala, hindi mo rin ako kilala, at wala akong balak na kilalanin ka. Pangalawa, ang pinaka-ayoko sa lahat ang pinagbabantaan ang buhay ko pero ang pinaka kinaayawan ko talaga ay ang mustard sa burger ko but anyways, wala kang karapatang pagbataan ako kahit wala naman akong ginagawang kahit ano," seryosong sabi ko sa kanya habang nanlalaki ang mata at seryosong nakatingin sa kanya. Hindi ako takot sa baril, liban nalang kung i-putok niya iyan.
Nagulat naman ako ng bigla niyang sipain 'yung lalaking nakabangga ko, kaya bigla nalang itong napatumba Tss, siya pala 'tong mahina, bwisit
Kung sino pa itong lalaki siya pa itong duwag. Tiningnan ko saglit ang lalaking nakabangga ko at sinusubukan siyang kausapin gamit ang mata na parang nais kong sabihin na 'hoy bumangon ka r'yan at tulungan mo ako rito piste ka' dahil may armas siya at ako wala.
"Ang tapang mo rin eh 'no," matawa-tawang sabi ng lalaki sa akin. Oo matapang ako, bakit papalag ka? Makatawa rin ito akala mo kung sino siyang matapang, siguro dahil alam niyang kapag ipapaputok ko ang baril niya may makaririnig nito at maari siyang mahuli nang mga pulis.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya, pero 'di ko inalis ang tingin ko sa mata niya. Tila napatitig na rin siya sa akin at hindi na makagalaw sa sobrang seryoso ko kung tumitig sa kanya. Dahil du'n nabitawan niya ang baril niya, agad naman akong napangiti, lumapit ako sa tapat niya at hinawakan ang kamay niya upang hindi siya makakilos at siniguradong maririnig niya ang sasabihin ko.
"Magbabanta ka na nga lang ng buhay ng tao, 'yung 'di mo pa kayang tapatan," malamig kong bulong sa kanya. Lumayo ako nang kaunti upang tingnan siya sa mata at kinindatan ko siya.
"Nice try, but try harder," sabay tapik ng balikat niya.
At dali dali na'kong umalis du'n, bago pa niya maisipang pulutin ang baril niya at paulanan ako ng bala.
Well, gumagana pa rin ang style ko, kaya agad kong nalihis ang atensyon niya.
Kakaiba ang mga mata ko. Masyadong maganda ang mata ko, at kulay itim ito na mag halong ibang kulay. Pero ang nagpa-unique rito ay may halo itong gray. Hindi ito basta basta contact lens pero isa itonh natural born eye. Nakuha ko raw ito sa mata ng aking lolo na gray at ang nanay ko naman ay gray at tatay ko ay black. Kaya kung titingnan mo ang mata ko nakaka-adik ito kung titigan na para bang hindi mo na lang gustuhin gumawa nang kahit na ano kundi ang titigan ang mga mata ko.
At noong bata ako, nag-training ako kung paano kumausap ng mata sa mata, at kung paano luminlang at baliin ang atensyon ng isang tao, gamit lamang ang pagtitig.
Dahil masyadong seryoso ang mata ko kanina, natakot siya. Nabaling ang atensyon niya at masyadong nabighani sa aking mga mata at nabitawan niya ang baril niya dahil sa nararamdaman niyang tensyon at pagka-adik.
Ang saya naman ng simula ng araw ko, nanalo nanaman ako. Feeling ko tuloy may super powers ako at parang may espesiyal sa akin na ako lang ang meron sa buong mundo.
Dominic's POV
Sino ang babaeng 'yun? Ako ang nakabangga niya kanina. Kakaiba ang babaeng iyon, parang hindi siya basta normal na teenager lang. Parang hindi nga siya normal na tao eh.
Isa 'yan sa dahilan kung bakit noong sinipa ako ni Leo, hindi agad ako pumalag at nagpanggap akong lampa, kahit isang suntok ko lang, tulog na agad iyon. Pero nagulat ako ng kaharapin niya ng salita at titig si Leo at nabitawan niya agad ang baril niya.
Nang tiningnan ko ang mata niya, black and gray ang mata niya.
Aaminin ko na ang ganda ng mga mata niya. May kakaibang nakaka-bighaning kung ano man du'n, talagang mapapatitig ka na lang sa ganda ng kanyang mata.
Bago pa bumalik sa realidad si Leo. Kinuha ko ang baril niya at sinipa iyon saka itinulak siya sa pader. Umalis na rin ako dahil may pupuntahan pa 'ko. Itinago ko sa pantalon ko ang baril ni Leo upang wala na rin siyang masaktang iba. Sagabal at sayang lang sa oras kung papatulan ko pa siya, he's not worth my time.
Hahanapin ko rin ang babaeng 'yun. Kung sino man siya, magtutuos ulit kami ng landas, nararamdaman ko iyon.
Zyrille's POVSa rami ng nangyari, nag-training lang ako at nagpapawis pagkatapos kumain at umuwi na rin ako pagkatapos. Masyadong nakakapagod ang araw na ito, nagpapawis lang ako, nagsisipa na lang ako ng punching bag at pinanggigigilan iyon sa sobrang inis ko sa nangyari sa akin kanina. Nagpapagod lang ako at umuwi na rin, wala rin ang trainor ko kaya saktong makakapagpahinga ako sa sobrang daming naganap ngayong araw, literal na gusto kong matulog. Nakatulog din naman ako agad dahil may pasok pa ako.- FAST FORWARD -Kakagising ko lang ngayon at nawiwindang ako sa alarm clock ko. Sinet ko ito ng 4am pero tumunog na ng 3:47am, grabe talaga parang nananadya, gusto ko pang matulog eh.Napa-face palm na lang ako at agad na bumangon. Isa itong araw na ito sa mga pinaka pinaghahandaan ko.Mag-aayos na ako para maghanda para sa eskwelahan ko. Mga gamit at mga susuotin ko sa aking bagong eskw
Zyrille's POV "Magandang umaga po," bati ko sa aking guro. Ngiting ngiti ako dahil unang klase ko ito, dapat magpa-impress ako, dapat marami akong maging kaibigan dito, pero dapat focus pa rin sa misyon. Wala dapat akong katakutan. Pero agad din iyong napawi nang batiin ko na sana ang mga kaklase ko, pumukaw agad sa mga mata ko ang pinaka-ayaw kong makasalamuha. "Ikaw na naman?" inis kong sabi sabay nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang tingin namin. "Ikaw na naman?!" inis din niyang tanong sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Pati ba naman dito makikita ko siya? Shems, feeling ko kilala na niya ako ngayon. Baka sabihin pa niya na sinusundan ko siya. Aba, kapal ng mukha niya kung gano'n, tss. Baka maghinala ito agad. "Good morning din Ms?" tanong ng guro namin para mabaling ang atensyon ko sa kanya. Uma
Dominic's POV Nakatitig ako sa tatlong malaking bag habang naka-cross arms. "Ito na ba lahat 'yun?" tanong ko sa isang tauhang nasa harapan ko. Gagamitin ko ang mga ito para linlangin ang isang grupong kakausapin namin mamaya. Nagbebenta sila ng illegal na mga gamit at ginagamit iyon upang pagkakitaan at ibenta sa mga inosenteng mga tao. Kinukuha nila ito sa illegal na paraan kaya hindi ito tama. "Yes sir, all cases ay may kanya kanyang mga laman for exchange," tugon ng isang tauhan. Napansin ko ring habang nagsasalita siya ay nakatitig siya sa may lupa dahil nandito kami sa parking area, tumaas ang kilay ko dahil dito. Mukha ba akong lupa? Sino bang kausap ng hunghang na ito. Ganu'n ba ako kagwapo para hindi niya tingnan at baka maski siyang lalaki ay ma-inlove sa akin? Nakakapanghina naman. "Good, make sure na hindi 'yan madadaya 'pag pinadala 'yan doon, a
Zyrille's POV Matapos ang mga nangyari kagabi, mabilis ang naging pangyayari at ito na naman ako pra kaharapin ang panibagong araw, buti na lang at maganda ako kundi hay nako talaga. Nandito kami ngayon sa isang laboratory sa school dahil may experiment kami. Practical Exam ito for Chemistry. Although isa itong assesment kung may natutunan ba kami for our review lessons these past few days at i-apply ang mga natutunan namin before kung nare-recall pa ba namin iyon. Sa loob ng Laboratory, may walong table, iyong mga table na ito ay malalaki at mahahabang table, sa tiles ito gawa at hindi basta bastang table. Sa bawat table naman ay may lababo at mga kaunting kagamitan. Mayroon ding mga pamunas. Sobrang organisado ng bawat gamit sa loob ng laboratory, lahat ng equipments ay nakalagay sa isang safe na aparador at lahat kami ay naka laboratory gown o laboratory suit. Lahat kami required magta
Zyrille's POVDahil kabisado ko ang lugar na ito, dumaan ako sa isang shortcut na kung saan tatagos ako sa kabilang kanto. Paikot lang na parang lagusan. Kailangan kong malaman kung sino iyong sumusunod kay Dominic. Kailangan ko ring mag-ingat ng todo.Matapos akong mapunta ako sa kabilang kanto, sinigurado kong abot tanaw ko pa rin si Dominic. Sa bawat kilos ko nakatutok pa rin ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko siya maaring pabayaan.Agad kong hinanap kung sino ang nagmamasid sa kanya. Nakatago ako ngayon sa isang malaking poste. Nahihirapan akong magtago at hindi magpahalata dahil kakaunti lang ang mga dumadaan na tao, hindi ako kaagad makapagtago nang hindi nahahalata, kaya kailangan kong maki-blend ng todo sa mga dadaanan ko.Nakita ko ang isang lalaking around 5'8-6'0 ang height, nakatingin siya kay Dominic, tinansya ko lamang ang height niya dahil ang height ko ay 5'6 at medyo mata
Dominic's POVSino ang babaeng iyon? Kakaiba siya sa mga babaeng kilala ko. Hindi siya basta basta kayang talunin ha. Palaban siya at matapang. Parang pamilyar din ang istilo niya kung lumaban ngunit ko alam kung saan at kung kailan ko iyon nakita at naranasan.Takip na takip din ang mukha niya, pero bakit naman? Para matago ang identity niya, gano'n ba iyon? Pero nakakapagtaka naman kung gano'n.Mabango rin siya sa totoo lang, pamilyar nga rin ang amoy niya eh hindi ko lang talaga maalala kung saan ko iyon naranasan. Mamaya pag-iisipan ko kung sino at kung saan ko iyon nakita at naamoy.Hanga rin ako sa babaeng iyon, hindi siya basta bastang babae lamang. Nakakamangha siya, sana'y magkita ulit kami.May nakuha ako sa kanya, hindi ito gaano kahalaga pero tingin kong balang araw makakatulong ito sa akin para malaman kung sino ba siya. Re
Zyrille's POV Feeling ko tuloy nananaginip ako. Mahimbing ang tulog ko at alam kong natutulog pa ako ng may naramdaman akong parang humahawak sa 'kin. Alam kong nakatulog ako dahil pagod ako kahapon. Feeling ko nasa isang romantic story ako ngayon dahil may nararamdaman akong humahawak sa aking bewang. Pero ang nakakapagtaka ay, bakit ang raming kamay na humahawak sa akin, apat ata o tatlong kamay ito, wow alien kaya itong lover boy ko? Pero sana naman ay gwapong alien ito kung alien nga siya. Unti-unti kong binuksan ang mata ko dahil medyo nakikiliti na rin ako at feeling ko rin na hindi ako nananaginip talaga. Pagkamulat ng aking mga mata, isang matalim na kutsilyo ang bumungad sa 'kin. Nanlaki agad ang mga mata ko at hinigpitan nila ang hawak sa akin upang hindi ako makagalaw. Dalawang lalaki silang parang nagbihis ala ninja sa kanilang mga suot na b
ZYRILLE'S POVKakatapos ko lang kumain at ngayon nag-iikot ako rito sa lungga nila, naglalakad-lakad at nagmumuni-muni lang saglit. Kahit na lungga ito ng hindi normal na mga nilalang, hindi ko pa rin maikakaila ang ganda ng paligid nito. Maaliwalas ang paligid at hindi naman gano'n na nakakatakot kumpara sa mga kadalasang napapanood sa TV.Patuloy ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa isang glass door at nakakita ako ng maraming mga magagandang halaman at isa itong open area kaya naman agad akong namangha. Sa lahat siguro ng area rito ay ito ang pinakamaayos na view na makikita ko.Iba't ibang mga halaman ang nandito at nakahelera silang maayos. May kanya kanyang column ang mga bulaklak. Ang iba rito ay pamilyar sa akin, kagaya na lang ng Rose, Tulips, Daisy at Bougainvillea flowers.Pagpasok ko sa loob mapapansing walang katao tao na siyang nakakapagtaka, isa itong garden area at
Dominic's POVHabang nandito ako at busy, sinusubukan kong i-hack ang tracker para malaman ko kung nasaan ba talaga si Zyrille, then I receive someone's message. Pansin mong gaya sa ibang mga nagtext sa aking mga unknown numbers, iba rin ang isang ito. Hindi ko ba alam kung iba't ibang tao ba talaga ang nagte-text sa akin or still the same person pero iniiba lang ‘yung number just to trick me. Pero may kutob din akong trip lang akong paglaruan ng kung sinong may pakana nito, akala niya o nila siguro na madali lang akong mauto at hindi ako nag-iisip.Zyrille's father got an email yesterday at nalaman din naming pati din pala ang Detective Organization ay pinadalhan din ng message na nawawala si Zyrille.I couldn't believe na aabot sa lahat ang nangyayari ngayon, pero hindi ako nagsisisi. Hindi ko pinagsisisihan na pinili ko si Zyrille, na mahalin ko siya, no matter what happen, I will still love her until death. I will still love her until my last breath. "Do you miss your precious
Darius' POVAfter a while, I decided to check Zyrille.Dito na magsisimula ang plano ko.Ang planong matagal ko ng pinaghandaan, matagal ko ng isinantabi para gamitin para sa takdang panahon, at ngayon na ang panahon na iyon.Hindi ko mawaring isipin na hahantong ako sa ganito, isa lang naman akong normal na tao, but anger made me to do this.Pagkatapos kong mag-drive, nandito na ako sa isang abandonadong building, kung nasaan ang isang babae lubos na makakatulong sa akin para mapabagsak si Dominic.Pagkapasok ko sa loob, as usual na sasalubungin ako ng mga tauhan ko.Pagkapunta ko kay Zyrille, nakita ko siyang nanghihina ng sobra at natutulog.Pansin sa mukha niyang sobrang namamaga at halos namumula pa rin.Alam ko na kung sino ang may gawa niyan. Napangisi na lang ako habang pinagmamasdan ang itsura niya. She's so damn hopeless. Well, hindi ko rin naman masisisi si Amaryllis, masyadong maraming kasalanan si Zyrille sa kan'ya.At kung balak niyang patayin si Zyrille, then go. Hindi
Amaryllis' POVLike I've said, its payback time.Pagkapasok ko sa loob sinalubong ako ng mga tauhan ni Darius, I make sure na may distances kami between me and the so called 'tauhan' ko. Masyadong precious ang katawan ko at masyadong mataas para dumikit sa mga hampas lupang utusan, para bayaran. Pagkapasok ko, unang hinanap ng mata ko ang pagmumukha ni Zyrille and yeah, I found the bitch who destroyed my life. Natutulog siya at nakagapos, nasa sahig at nanghihina. Deserve mo 'yan. Pinag-gloves ko ang mga tauhan ko para hawakan ang shades at bag ko. Ayokong madumihan ang mga 'yun, dahil mas mahal pa'yon kaysa sa buhay nila.Natutulog ang munting prinsesa kaya gigisingin din natin siya the way she deserves.Nagpakuha ako ng mainit at bagong kulong tubig mula sa mga tauhan ko.And when it's done. Kumuha ako ng isang baso, ng umuusok at mainit na kumukulong tubig.Time to wake the bitch.Lumapit ako sa pagmumukha niya at umupo, pinagmasdan ko muna ang pagmumukha ng taong sumira sa buhay
Darius's POVCalling Amaryllis..."Hey sweetie? Did you forget to check your email? Sinend ko ang informations na kailangan mo to hack the mafia's hacker, including the codes you needed," Isang ngisi ang lumapat sa aking mga labi. Once na mapasaakin ang codes na kailangan para ma-hack ang hacker, mahihirapan na sila na makita at ma-locate ang isa't isa. Mas mapapadali ang magpapatumba ko sa dalawang istorbo sa aking buhay. "Yes sweetie, I already did that at 'di na nila kayo ma-tatrack," sagot ko. "So, wanna see the snake here? Natutulog nga lang siya," sunod kong sabi. "Oh sure, gustong gusto ko makita, at panggigilan," seryosong sagot ni Amaryllis. Amaryllis is on her way here to check the if everything is fine. Hindi pa rin niya naaalis sa sarili niya ang pagka-bitter ng dahil sa nangyari sa kanila ni Dominic, making her hate Zyrille even more.Ayaw na niya kay Zyrille una pa lang.Amaryllis is one of the detective trainee's. Si Amaryllis ang laging pinupuri noon dahil sa ga
DOMINIC'S POVMatapos ng malayo layo kong pagtakbo sa tumigil muna ako para ayusin ang sarili ko. Hinahabol ko pa rin ang hininga ko dahil tinakbo lang ang pagpunta sa lugar na ito.Nandito ako ngayon sa isang abandonadong lugar kung saan 'yung sinend na address sa akin ni Luna.May mga bakal na nakaharang sa mismong dalawang malaking pintuan nito. Tila pinaghandaan nilang darating talaga ako kaya hindi nila hahayaang basta na lang akong makapasok dito. Ang talino rin naman pala ng kalaban ko.Pero sana hindi tanga ang tingin niya sa akin dahil gagawin ko ang lahat para warakin ito. Kinuha ko ang baril ko at kutsilyo at agad na pinaputukan ang bawat sulok ng bakal para mabali at mawasak ito. Ginawa ko lahat, kumuha rin ako ng mga bakal dito at pinaghahampas ang kadena.May silencer din naman ang baril ko kaya hindi rinig ang pagputok ng bala. Ngunit alam kong ma
Darius' POVA long time ago, there was this boy and his brother, playing together, eating together, laughing together, having fun together.Not until their mother died. Which is soon to be the successor of the Mafia. Then, an organization starts to think that they need someone to take the position of leader. So then, their father decided to choose between the two siblings. The other sibling said, "I nominate my kuya! Because he's strong, he can do that," and the older brother thought that because he's the older one, he's going to be the leader. And as the older brother assumed that he was going to be the successor of the organization, the opposite happened.The younger one won the position. The father said that "I choose the younger one because he's more capable and responsible than the older one."The older brother feels broken and starts to cry every night. He is very envious and jealous of his bro
DOMINIC'S POVDahil sa taranta ko, una kong tinawagan si Luna.*Calling Luna*"Oh, ano 'yun?" bungad nito sa akin, halatang bored na bored sa kan'yang buhay."Di ko alam gagawin, someone message me a death threat pero bigla na nilang mini-mention si Zyrille. Sinabi pa nila na 'Ang ganda pala ni Zyrille 'no'. What should I do?" sunod sunod kong sabi sa kan'ya. Natahimik siya ng mga ilang segundo at nagsalita na rin."Una sa lahat, kumalma ka, 'di ka makakapag-isip ng maayos pag nagpaligoy ligoy at nagtataranta ka r'yan, I'll contact Zyrille. Papa-locate ko siya sa hacker," sabi nito."Okay," Iyan na lang ang tangi kong naging sagot.Then I ended the call.F*ck, why her?Agad agad kong hinanap si Zyrille sa contacts ko pero wala akong number niya, maski social media hindi ko
Dominic's POVLately hindi ko ma-gets sarili ko.I don't usually believe in LOVE, hindi ako naniniwala sa kahibangan na 'yan una pa lang, after I saw my parents cry for each other dahil lang sa lintik na pag-iibigan nila. Nakita ko kung paano sila nagpakatanga para sa pag-ibig nila halos pati lahat ng tao nadamay para lang sa pagmamahalan nila, pathetic.Not until Zyrille came, and suddenly entered my f*cking life.I don't know. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin, hindi ako sigurado, at gusto kong siguraduhin, gusto kong malaman.Gusto kong linawin, dahil ako, sa sarili ko, ayokong may masaktan. Yes, na-fall in-love na'ko sa iba, pero nag-fail eh, that's why im scared to do that again. Kagaguhan lang naman dinudulot ng pagmamahal eh.Kaya ako nagpakamanhid at pinasok ang mafia kahit ayoko naman talagang makielam sa mga business ng magulan
Zyrille's POVSa loob ng ilang araw, nag-stay pa ako sa ospital at nagtiis sa mga masusungit na nurse at doktor doon.Maarte na, ang susungit pa, nanggigil ako! Sabi nga-nga, 'pag ngumanganga dapat exaggerated, like duh? Titingnan niyo ba buong ngala ngala ko? Pati ba halaga ko makikita sa gano'n?Ang OA, parang ewan.After ko maka-alis, pumunta muna ako sa Headquarters ng Mafia para kunin ang mga gamit ko, at uuwi muna ako. Grabe, gusto ko na talaga ng literal na pahinga.Palakad na'ko pauwi dahil sa bwisit na mag-cocommute sana ako at ready na akong pumara ng sasakyan ng mapagtanto kong wala pala akong pera na pambayad.Kaya eto, bagong labas ng ospital tapos maglalakad ng pagkahaba-haba, nakakagigil naman.'Di ko masyadong kabisado ang daan pero kaya ko naman magtanong tanong na lang.