[Grant] Nanatiling tikom ang labi niya at hinayaan si Bea na saktan siya. Hindi niya inakala na may taong nakakaalam ng sekreto niya six years ago. Alam niyang mali ang ginawa niya. Pero dahil sobra siyang nasaktan at bulag sa pagmamahal niya kay Kiara ay hindi na siya nakapag isip ng tama. Nang makita n'yang ngumingiti 'to kay Cyrus ay kinain siya ng selos. Gusto niyang balikan siya ni Kiara! Nang makita niya ang dalaga na mag isang pumasok sa kwarto ay tila na-demonyo ang utak niya. Naghalo-halo ang nararamdaman niya. Selos at galit. Pero ng mahimasmasan siya ay nagsisi din siya sa nagawa niya. Pero huli na Nagawa na niyang kunin ang dangal nito. Nang umalis siya ng tuluyan sa Pilipinas ay pilit niyang binaon ang ginawa niya at sinabi na hindi na siya babalik ng Pilipinas. Pero nagbago lahat 'yon ng malaman niya ang nangyari kay Kiara ng magkwento ang kaibigan niyang si Kier sa kanya ng bisitahin siya nito sa America. Hindi niya inakala na nagbunga ang ginawa niya at si Kia
[Kiara] BORACAY. Tuwang-tuwa ang mga tauhan niya sa flower shop ng makarating sila sa Boracay. Pagkagaling nila sa hotel kung saan sila nagpabook ay agad na humanap sila ng restaurant na pagkakainan. "Ma'am, ang ganda dito, pwede bang dito nalang tayo?" Biro ni Lyca. Bakas ang saya sa mukha nito, katulad ng iba pang mga kasama. "Pwede naman eh, kung gusto mo iiwan ka nalang namin dito." Birong sagot ni Willy, kaya inirapan 'to ni Lyca. "Mi, pwede na ba tayong magswim?" Tanong ni Kian sa kanya. "After natin kumain, anak. But for now let's enjoy our food." Aniya. "Sinabi mo pa, Ma'am. Hindi ako tatayo rito hangga't hindi ko nauubos 'tong mga seafood! Mag eenjoy ako sa pagkain ng mga 'to!" May laman pa ang bibig na sabi ni Noel na ikinatawa ng mga kasama. Napatigil siya sa pagkain ng makita ang lalaki na kapapasok lang sa restaurant. Ang liit nga naman ng mundo. Nasa iisang lugar lang sila ni Grant. "OMG, Ma'am! 'Yong sikat na Filipino singer na sumikat sa America, narito siya!"
[Kiara] "Pumapayag na ako na magpakasal tayo at maging ama ka ni Kian, Grant." Agqd na sabi niya kay Grant. Nakapag desisyon na siya. Hindi na siya magdadalawang isip pa dahil para naman sa anak niya ang gagawin niya. Napangiti si Grant ng marinig ang sinabi niya. "Mabuti naman at pumayag ka na." Tumango siya. "Oo pumapayag na ako. Basta para sa anak ko, Grant. Alam ko na magiging masaya siya sa desisyon ko." Pinahid niya ang luha sa mata. Alam niya na tama ang desisyon niya. "May kondisyon ako, Grant...." Bumuga siyq ng hangin. "Huwag mo sana masamain pero pwede ba na wag muna natin isama ang pagse-sex sa kontrata natin? H-hindi ko pa kaya gawin ang bagay na 'yon. Pasensya ka na..." Tumango-tango si Grant na para bang naiintindihan ang sinabi niya. "Naiintindihan kita, Kiara. Huwag kang mag alala. Hindi kita pipilitin sa bagay na hindi mo gustong gawin. Ang mahalaga sa ngayon ay pumayag ka na makasal sa akin at maging asawa ko. I'll promise, I will take care of you both."
INILAPAG ni Paul ang isang envelope na naglalaman ng mga impormasyon sa harap ng kanyang kapatid na si Graciela. "Narito na ang mga impormasyon tungkol kay Miss Kiara Somana, ate Graciela. Nag iisa pala siyang anak na babae ng mga Somana, ngunit itinakwil siya ng pamilya ng siya ay mabuntis ng hindi kilalang lalaki." Paliwanag ni Paul sa kapatid. "Nagkaroon siya ng nobyo, si Cyrus Bautista. Nakapagtataka na hindi daw ito ang ama ng anak ni Miss. Kiara, samantalang ito palang ang naging nobyo ng dalaga." Lalo lang nagngitngit sa galit si Graciela sa nalaman. "Isa palang puta talaga ang babaeng 'to! Isang kahihiyan sa pamilya kung hahayaan ko na maikasal ang anak kong si Grant sa disgrasyadang babae na 'yan!" "Hindi naman ganyan ang narinig ko tungkol kay Miss Kiara ate Graciela, hindi naman siya isang malanding babae-" "Tumahimik ka, Paul! Wag kang magmarunong! Kung hindi siya isang puta, bakit siya nagpabuntis sa murang edad? Hindi lang iyon, wala pang ama ang kanyang anak! Sayang a
[Kiara] Bumuga ng hangin si Grant bago inihinto ang kotse sa gilid ng kalsada. Nasa tapat na sila ng maliit na apartment kung saan sila nakatira mag ina. Nang papasok na siya sa bahay ay hinila siya ni Grant. Mabilis na pumaikot ang braso nito sa balingkinatan niyang katawan. "I must apologize for what my mother's said, Kiara. I'm really sorry." Nagsimulang manubig ang mata niya. Dahil sa pag ungkat ng Ginang sa pamilya niya ay naalala niya ang lahat. Nabuhay ang galit niya sa pamilya niya. Ang sakit at pait sa dibdib niya ay muli niyang naramdaman. Pero tama ang Mama ni Grant. Isa siyang kahihiyan... "Ako dapat ang humingi ng sorry, Grant." Lumayo siya kay Grant at pinahid ang luha. "Sorry kasi magpapakasal ka sa isang tulad kong disgrasyada. Pero Grant maniwala ka hindi ko ginusto na mangyari sa akin 'to. Hindi ko ginusto na mapunta sa sitwasyong 'to." Nang maalala ang nangyari sa kanya ay lalo siyang napaluha. Lumayo siya kay Grant. Niyakap niya ang sarili at nagyuko ng ulo.
[David] (David FLASHBACK) Nang bayaran niya ang bill ng babae na Kiara ang pangalan ay palagi na siyang nakasubaybay rito. Nalaman niya na may dengue ang anak nitong lalaki at walang ibang pamilya na dumadalaw rito. "Salamat po Diyos ko. Kung sino man po ang taong 'yon pagpalain ninyo siya ng doble at bigyan ng umaapaw na biyaya. Hinding-hindi ko po makakalimutan ang tulong niya!" Umiiyak at nakaluhod na dasal ng babae sa loob ng chapel ng hospital. Sinundan niya si Kiara hanggang dito. Sumilay ang ngiti niya sa labi sa sinabi ng babae. Hindi siya sigurado kung dalaga pa ba 'to o may asawa na. Pero sa napapansin niya na wala itong kasama o dumadalaw na lalaki rito o maski isang kaibigan. Isang araw ay bigla nalang siya nilapitan ni Kiara. "Mister, maraming salamat po sa tulong mo." Umiiyak na saad ni Kiara. "Salamat po talaga!" Nagulat siya. Paano nito nalaman ang ginawa niya? Gayong confidential ang bagay na 'yon? "Napansin ko kasi na palagi kayong nakatingin at nakasunod s
[Kiara] "Ma'am, pasensya na pero nasa garden si Senyora nagpipinta. Gusto ko man kayo dalhin sa kanya ay hindi muna sa ngayon. Hintayin ho muna natin siya na matapos sa ginagawa niya." Ani ng isang kasambahay ng mga Saavedra sa kanya. Narito siya ngayon sa mansion ng mga Saavedra para kausapin ang ina ni Grant. "Sige ayos lang. Maghihintay nalang ako sa kanya hanggang sa matapos siya." Aniya. Alam niya na nasa opisina si Grant. Sinadya niya magpunta dito ng hindi alam ng binata. Hindi niya gusto malaman nito ang tungkol sa ginawa sa kanya ng Mama nito. Paano kung magalit ito sa sariling ina? Eh kung paano sa kanya 'to magalit at isipin na nagsisinungaling siya? "Ma'am, ayos lang sa'yo na maghintay ng mga tatlong oras?" Tanong ng kasambahay. "Tatlong oras?" Di makapaniwala na tanong niya. Nasa garden ang ina ni Grant ng tatlong oras para lang magpinta? Nagpipinta ba talaga ito o nagdadamo? "Ah... kasi ho..." Alanganin ang mukha na bumulong ang babae sa kanya. "Ganyan na tal
[Kiara] "Daddy!" Agad na yumapos si Kian kay Grant ng dumating ito. "Aalis na po tayo?" "Yes. I miss you, son. Excited ka na ba?" Tanong ni Grant. "Opo, daddy! Pero saan po tayo pupunta? Wala naman daw po akong Lola saka Lolo at saka mga tito sabi ni Mi." Tumingin si Grant sa kanya dahil sinabi ng anak. "Kian, mamaya pa tayo aalis. Mag uusap pa kami ng daddy mo." Sabi niya sa anak at saka tumingin ng seryoso kay Grant. "Mag uusap tayo, Grant." Hinintay muna niya na makalayo ang anak bago nagsalita. "Balak mong dalhin ang anak ko sa mga Somana?" Halata ang pagkabigla sa mukha ni Grant. Well, inaasahan na niya 'yon. "Somana?" Takang ulit nito. Hindi siya sumagot. Tumango-tango si Grant na tila ba nakaunawa. "Dahil ikakasal na tayo. Naisip ko na ipaalam sa pamilya mo ang tungkol sa kasal natin—" "Hindi na kailangan, Grant. Hindi nila kailangang malaman. Hindi sila kailangan na imbitahan at lalong hindi sila kailangan na makilala ng anak ko." Matigas ang tinig na wika niya n
Magkakasama sina Tyler, Dimitri, Brix at Grant, sa malaking bahay nila Brix. Nagsisimula na silang uminom ng alak ng dumating si Kier. Saglit na natigilan si Grant habang nakatingin sa dalagita na kasama ni Kier. "Kier—I.. I mean, Kuya pala." Tabingi ang ngiti sa labi na sabi ni Bea na agad sumalubong kay Kier. "Kuya, dito ako matutulog ngayon. Ipaalam mo 'ko kay daddy, please." Kumapit sa braso ni Kier ang kasama nito. Kuya? Wait, may kapatid si Kier na ganito kaganda? Damn, Grant! Nagagandahan ka sa isang bata? Mukhang seventeen years old palang ito, pero maganda na ang hubog ng katawan. "Ano ka ba, Kiara, ako ang mag-i-sleep over sa inyo, di'ba?" Singit ni Bea. "Ayos lang ba, K-Kuya?" Parang sinilihan sa mukha na tanong ni Bea kay Kier. Hindi sumagot si Kier rito at sumulyap lang sa kapatid. "No, Kiara. Sasabay ka rin sa akin pag uwi." "Sungit." Bulong ni Bea ng hindi ito pansinin ni Kier. Tinuon niya ang atensyon sa pinag uusapan nilang magkakaibigan at inalis sa isip an
[Kiara]Puno ng saya ang dibdib niya habang nakatingin sa Yatch na tanaw niya mula sa hindi kalayuan. Alam niya na ito na ang Kuya Kier niya. "I'm glad that you made it, Kiara." Nakangiting bungad ni Kier ng makababa. Nawala ang ngiti sa labi nito ng sumulyap kay Grant. "Bastard." Ani nito bago nilapitan si Walter.Kumunot ang noo niya. Teka, magkagalit ba si Grant at ang Kuya Kier niya? "Mukhang may something sa inyo ni Kuya Kier, ah." Galit ba ang kapatid niya dahil sa pag iwan sa kanila ni Grant? Pero hindi naman iyon ang nakita niya noong hinatid siya dito ng Kuya niya."He's mad because of what I did to you and to him." Natuptop niya ang bibig ng marinig ang pag amin nito. "Nagawa niyo 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Marahan na tumango si Grant sa kanya."I was desperate that time, Mahal. I'm sorry." Ani Grant.Namewang siya. "Hindi ka dapat sa akin manghingi ng sorry, Mahal. Doon ka sa kanya humingi ng sorry. Kahit ako ang nasa kalagayan niya magagalit din ako." Bumunt
[Kiara]Ramdam niya ang pagdampi ng mainit na bagay sa kanyang mukha. Nakapikit man ay alam niya na ang asawa niya ito. Napangiti siya. "Hi." Paos ang boses niya. Agad na binawi ni Grant ang kamay ng marinig ang boses niya kaya naman napasimangot siya. "Ibalik mo, mahal." Utos niya. Gusto niya kasi maramdaman ang mainit nitong palad.Nakatulog na siya bago pa ito makabalik. Kung wala lang siyang sakit ay niyakap na niya ito ng mahigpit, pero dahil may sakit siya ay naglagay siya ng unan sa gitna nila.Dumilat siya. "Gusto kitang yakapin." Aniya habang nakatagilid ng higa katulad ni Grant. Tulad niya ay nakatingin din ito sa kanya."You can hug me if you want." Ani Grant bago nag iwas ng tingin. "Kung kailan naman ako may sakit saka ka naman naging mabait. Di sana ay niyakap na kita gabi-gabi kung hindi mo 'ko sinusungitan." May pagtatampo na sambit niya kunwari."I'm sorry." Halos bulong lang na sabi ni Grant pero umabot iyon sa pandinig niya. "I'm sorry dahil naging makasarili ako."
[Kiara]"Go back now, Kiara. Ako na ang bahala na maghanap kay Grant."Umiling siya. "Hindi ako babalik hangga't hindi nakikita ang asawa ko." Pagmamatigas niya.Bumuntong-hininga si Walter. "Look, alam kong nag aalala ka kay Grant, baby. Pero—Kiara!" Malakas na tawag nito sa pangalan niya ng mauna siyang maglakad.She need to find her husband. Paano kung katulad niya kanina ay nasa panganib pala ito?Mas lalong bumilis ang paglakad niya dahil sa naisip. Ang takot na nararamdaman niya ngayon ay hindi na para sa sarili kundi para na sa asawa niya ngayon."Mahal!" Malakas na tawag niya."Kiara!" Hinawakan siya ni Walter sa braso. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Kahit si Grant ay tiyak na hindi ka hahayaan na hanapin siya mag isa rito sa gubat. Kaya bumalik ka na." Tila nauubusan na ng pasensya na sabi nito. Hinila niya ang braso at masama itong tiningnan. "Hindi mo naiintindihan, Kuya. Paano kung nasa panganib ngayon ang asawa ko? Baka mamaya ay... a-ay napapaligiran pala siya ng mga ma
[Kiara]"P-Please, Kiara... Let me go...." Ang malamig na ekspresyon ni Grant kanina ay napalitan ng sakit. Nakatingin ito sa kanya ng puno ng pagsamo. "H-Hindi mo ako dapat patawarin... Hindi dapat—""Shh," Hinarang niya ang daliri sa labi nito, pero agad ding inalis. "Kasama sa pagmamahal ang pagpapatawad, Mahal. Pinapatawad na kita kaya wala ng dapat pumigil sa'yo na balikan kami ng anak mo." Agad na pinahid niya ang luha na tumulo galing sa mata. "Lolokohin ko lang ang sarili ko kung ikakaila ko na galit pa rin ako sa'yo. Ramdam mo naman, di'ba?" Kinuha niya ang kamay ng asawa at inilagay sa dibdib. "Mahal na mahal kita, Grant. Hindi ako magiging masaya ng wala ka sa buhay ko."Tumulo ang luha ni Grant at tuluyang napahagulhol ng hindi napigilan ang nararamdaman. "You don't understand, Kiara." Tumayo siya at binaba ang ulo para idikit ang noo niya sa noo ng asawa niya. Pumikit siya. "Paano kita maintindihan kung hindi mo pinapa-intindi sa akin ang lahat? Wag mo sarilinin ang nas
[Grant]He's crying every day and night since he got an accident. Hindi dahil sa nangyari sa kanya kundi dahil sa pangungulila sa mag ina niya. Until one day he realized that he deserved everything happened.Natanggap niya ang karma na para sa kanya.Ilang buwan na siyang naghihirap sa sobrang sakit at pangungulila sa mag ina niya ng bigla nalang dumating si Kiara sa isla kung nasaan siya.Halo-halo ang nararamdaman niya. Masaya siyang makita ito, masayang-masaya.Pero wala siyang karapatan na maging masaya! Noong panahon na nagising siya mula sa aksidente ay na-realized niya na hindi niya deserve ang babaeng katulad ni Kiara....Hindi siya karapat-dapat rito dahil sa napakabigat na kasalanang nagawa niya. Nakikita niya na nasasaktan ito sa tuwing titingin ito sa kanya gaano man siya nito kamahal. Tumingin siya kay Kiara na nakayukyok ang ulo sa gilid ng kama na kinahihigaan niya. Nagising nalang siya na narito na si Kiara at nakatulog na nga sa posisyon nito.Kumuyom ang kamay niya.
[Kiara]"Ano na naman bang ginagawa mo rito?" Walang buhay na tanong ni Grant habang nakahiga sa kama."Paliliguan kita—""What?!" Mabilis na umupo si Grant sa kama at hindi makapaniwala na nakatingin sa kanya. "Sabi ko naman sayo di'ba umalis ka na. Bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa rin." Hindi niya sinagot si Grant. Lumapit siya rito para alalayan itong sumakay ng wheelchair. Kinausap niya ang Kuya Walter niya na simula ngayon ay siya na ang mag aasikaso rito sa lahat."Kaya ko ang sarili ko—""Shut up, Grant!" Kunwari ay inis na bulyaw niya. Aba hindi lang ito ang pwedeng umatas ng gano'n no! Nakakarindi kaya sa tenga ang palaging pagtataboy nito sa kanya.Pigil niya ang ngiti ng mapansin na natigilan sa Grant at marahan na napalunok.Kumunot ang noo niya ng pagkapasok nila sa malaking bathroom ay pinindot ni Grant ang button sa wheelchair nito para huminto iyon."K-Kaya kong maligo mag isa."Hindi man niya kita ang mukha ni Grant ngayon dahil nasa likuran siya ng wheelchair n
[Kiara]"Ano na naman?!" Hindi maipinta ang mukha ni Grant ng pagbuksan siya. Tumingin ito sa panibagong pagkain na dala niya. "You cooked again?" Hindi makapaniwala na tanong nito.Nakangiti na sunod-sunod siyang tumango. "Ah, oo. Hindi ka pa kasi kumakain. Kaya kung ako sa'yo kakain na ako. Kapag tinapon mo kasi ito ulit ay magluluto lang ulit ako para sayo at magdamag kang kukulutin hanggang sa kumain ka." Pinigilan niya ang mapangisi ng makita kung paano nalukot ang mukha ni Grant.Inikot niya ang daliri sa dulo ng buhok n'yang nakalugay. Bago siya naghatid ng pagkain ay naligo muna siya at nagsuot ng kulay pulang nighties dress niya. Naglotion pa siya, nagpabango! Aba, tingnan nalang niya kung hindi ma-akit si Grant sa kanya ngayon! Sana lang ay mabawasan man lang ang kasungitan nito ngayon!"Nanginginig ka ba?" Pilit na ngumiti siya at umiling. "H-Hindi no!" Tanggi niya.Bakit naman kasi ang lamig-lamig dito! Parang may kasamang yelo ang hangin sa islang ito! Nakapatay naman ang
[Kiara]Masama ang tingin na binato niya kay Walter ng ibaba siya nito."Ano ang gusto mong kainin? Just say it and I will cook it for you." Ani nito habang sinusuri ang laman ng refrigerator.Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin rito ng masama. Kung umasta ito ay parang walang ginawa sa kanya.Kumuyom ang kamay niya. Oo, inaamin niya na gusto n'yang umalis agad sa Islang ito ngayon. Paano niya naman kasi matatagalan rito kung nandito ang Kuya Walter niya?! Kung hindi lang talaga sa asawa niya ay hindi siya mag-i-stay rito."I'm sorry." Tumingin siya kay Walter. Nakatayo na ito ngayon sa harapan niya."I know that I'm jerk, but you can't blame me, Kiara. Talagang mahal na mahal lang talaga kita." Sa tuwing sinasabi nito ang katagang 'mahal' ay hindi niya maiwasan ang makaramdam ng pagkailang. Lumaki siyang nakatatandang kapatid ang tingin rito kaya naman sinong hindi maiilang sa tuwing maririnig iyon sa mismong labi nito."I'm really sorry, baby. Nabulag ako ng pagmamahal ko