LIANDRA'S POVWhat the h-ll is going on? I thought she's gone? Minumulto ba ako ng nakaraan o muli talaga s'yang nabuhay? Hay-p na David na 'yan, akala ko ba pinapat-y na n'ya si Fate? Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si David. Ng hindi ko s'ya makuntak ay tinawagan ko ang sekretarya n'ya."Nasaan si David?" Bungad ko sa kabilang linya.[I'm sorry Ms. Anderson but sir David's not here. Nasa kulungan po s'ya.]"WHAT?! WHY?"[I can't disclose Ms. Anderson basta nakakulong s'ya ngayon at ilang araw na s'ya roon.] Inis kong pinatay ang tawag."ARGH! H'WAG NA H'WAG MO AKONG ILALAGLAG, DAVID!" kung ano man ang dahilan kung bakit s'ya nakulong, nag aalala ako dahil baka idawit n'ya ang pangalan ko. Wala naman akong ginawa kay Fate. Hindi ko kasalanan na nabangga s'ya! Mabilis akong nag hilamos para malamigan ako. I need to think!"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa taong biglang pumasok. Nginitian n'ya ako na nakapagpadagdag ng kaba ko."Mag ccr?" Patanong na sagot
"And then, we went to the mall. He asked me if I want to visit his house next time and I said yes!" pagkukwento ng anak ko kina mama at pinsan sa ginawa nila kagabi ng umalis sila sa party. Nasa may kusina man ako ay rinig ko pa rin ang sinasabi ni Yuan dahil sa lakas ng boses nito.Napatingin ako sa cellphone ng marinig na tumunog ito. Nakita kong nag text ang aking sekretarya at sinabing nag hihintay na raw sa opisina sina Xavier at Liandra. Mabilis ko namang inubos ang kape ko at pumunta sa kinaroroonan nila mama para mag paalam."Mama, alis na po ako. Kayo na po muna ang bahala kay Yuan ha." Hinalikan ko sa pisngi si Yuan."Hatid na kita, Ley. May pupuntahan din kasi ako." Presenta ni kuya Regie. Hindi na ako tumanggi sa alok niya dahil day off din ng driver namin ngayon. Hindi pa kasi ako ganoon kagaling mag maneho ng sasakyan kaya kumuha nalang kami ng driver. Isa pa ay masyado na akong busy sa kompanya para magkaroon ng oras sa driving classes. Makalipas ang halos tatlumpong m
SOMEONE'S POVDahil sa pangamba ni Ashley na baka balikan sina Amelia ay pansamantala niya itong pinatira sa isa pang bahay na katabi nila. Hindi man ito gaano kalaki, malaking bagay na 'yon para sa mag-ina. Gustong masigurado ni Ashley na ligtas ang mga ito. Nagpadagdag na rin ng security si Mrs. Cuevas para kapanatagan ng dalawa.Kasalukuyang papunta si Ashley at ang kaniyang abogadosa presento para tingnan ang nasabing CCTV footage na 'di umanong nahagip ng kalapit na establishemento. Ng makarating sila roon ay saktong pinapanood rin ito ng isang private detective na hahawak sa kaso. Mula sa footage ay makikita roon ang pagtakbo ng apat na lalaki habang palinga-linga pa ang dalawa sa kanila sa paligid. Kumuha si David ng isang sasakyan na naka park at binasag ang bintana para makapasok. May mga aso pang nakita na tumatahol sa kanila. Ng makasakay ang mga ito ay agad na pinaharurot ng kung sino man ang sasakyan palayo."Nakikipag ugnayan na rin kami sa mga kalapit na police station
"Have a seat Mr. Collins." Saad ni Ashley. "I'm accepting your proposal. Thus, the fifth floor will be assigned to you. It's unused kaya ikaw na ang bahala roon." Dagdag nito."Thank you Ms. Cuevas. Anyway, here's the contract, I want you to sign it as our agreement." Kinuha naman 'yon ni Ashley at binasa ang laman nun. "What's the first project thing?" Tanong nito."My company developed a necklace and I want to know your feedback." Inilabas niya ang necklace na nasa isang maliit na box at ibinigay 'yon kay Ashley."Oh, okay! Actually, I already heard some rumors about this but it's actually exist haha. So, what's special on this one?" Tanong nito at sinusuri ng maayos ang necklace."It can detect if the person who has the pair of that necklace is in danger. The pendant will turn into red for 5 mins then it will be back to it's normal color." Paliwanag ni Xavier. Na amazed naman si Ashley sa narinig. Wala talaga siyang hilig sa mga advance technologies o hindi sumagi sa isip niya na
Nasa daan ngayon si Ashley papunta sa Ladesma Academia—mayroong gaganapin na parent meeting. Si Mrs. Cuevas at ang pinsan niya muna ang kasama ni Yuan sa bahay. Pagkarating niya sa gate ay agad siyang pumasok sa campus dahil malapit ng mag simula ang meeting."Ms. Cuevas, right? The mother of Yuan Cuevas?" Napahinto siya ng marinig 'yon."Hi! Opo, ako po 'yon. Are you the class adviser of my son?" Tanong niya habang nakangiti. "Yes po Ms. Cuevas. Ako nga pala si Aeris Pascual." Inabot naman ni Ashley ang kamay nito at nakipag shake hands."You have a nice name hehe." Komento ni Ashley."Thank you! Also, thank you so much for giving us some of your precious time. I know you're a busy person but here you are hehe." "Okay lang po 'yon Teacher Aeris. My son matter the most kaya gagawin ko ang lahat para sumaya siya." Sagot nito habang sabay silang naglalakad papunta sa classroom."Tama nga ang sinabi ni Yuan sa'min. You're ended a loving and a caring mother to him." Napangiti naman siya
FATE'S POVYesterday, we celebrated my birthday together. Most of my employees gave me a greetings card. Alam kasi nila lalong-lalo na yung nga matagal ng nag tatrabaho sa'kin na sapat na ang greetings card bilang regali sa'kin. Hindi naman kasi ako materialistic. Sa totoo lang ay mas pinapahalagahan ko pa ang mga simpleng bagay na puno ng effort kesa nakatanggap ng mamahaling regalo.My son gave me a hand made photo album and a greeting card. Nagpatulong daw siya kay mama sa paggawa nun. Si mama kasi ay isang creative designer sa mga panahong dalaga pa s'ya. Gift naman ni kuya Regie sa'kin ay isang napakagandang painting. Sabi nya ay galing pa raw 'yon sa auction kaya hindi na ako nag abalang mag tanong sa presyo.Hindi ako papasok ngayon dahil masakit pa ang ulo dahil sa hangover. Late na rin kaming natulog kagabi kaya sobrang inaantok pa ako ngayon. Narinig ko ang mga ingay na nagmumula sa sala na para bang may sabong at nangingibabaw ro'n ang boses ng anak ko. Dahil sa ingay ay na
I was stunned by his words. Maging ang reaksiyon ni mama ay hindi ko rin mabasa. Gano'n na ba ako kapabayang ina para hindi malaman ang mga ginagawa niya? His tears started to fall again."Did d-daddy knew that I'm his son mommy?" Umiling naman ako."No. Ayaw kong sabihin sa kaniya kasi ayaw kong masira ang relasiyon nila ng taong itinuring kong kapatid. You're too young to understand the truth, Yuan. Kaya sa susunod ko nalang ipapaliwanag sa'yo, okay?" "I know that I'm too young but mommy I'll try to understand the situation. I know you had a reason why you chose to hid me from my father." Napabuntong hininga naman ako bago mag salita. Kumpara kanina ay hindi na siya umiiyak ngunit ang hikbi ay naroroon pa rin. Binuhat ko siya papunta sa sala at umupo sa sofa. Iniwan muna kami ni mama para makapag-usap kaming dalawa. Naisip ko rin na bata pa nga siya pero alam kung maiintindihan niya ako, siguro ay natakot lang ako kanina sa kung ano ang maaring isipin niya tungkol sa'kin o 'di kay
Dalawang araw na ang nakalilipas matapos ganapin ang Family Day sa school nina Yuan and I must admit that I really enjoyed the time that we spent together. Lalo na nang magsimula na kaming magpakain ng mga bata sa lansangan at magbigay ng mga gamit sa mga homeless. I know it's just a small act but it helped them a lot. Ngayon ay nasa opisina na naman ako at tinitingnan ang progress report ng mga na market na'min. Busy rin ang lahat sa paghahanda dahil sa susunod na Linggo gaganapin ang unang hakbang para sa Connect The Dots project. I've contacted some of the small publishers within NCR and I discussed my plans with them. Sumang-ayon naman sila dahil tiyak na marami raw ang mga writers na mag seself-publish ng kanilang books. Nag post na rin kami ng kaniya-kaniyang captions sa mga social media platforms. Bukod kasi sa mga small publishers at publishing house, napag desisyonan namin na mag tanghal ng contest para sa mga gustong mapasama sila sa traditional publishing—kami ang magbabay
Just a normal day for everybody. Nasa opisina na naman ni Ashley si Xavier—kadarating lang nito kaya hindi niya muna ito inistorbo. Kumuha si Xavier ng tissue paper sa mesa niya at pa simpleng pinunasan ang ilang butil ng pawis na nasa mukha nito. "You're late Mr. Collins," wika niya habang nag titipa sa kaniyang laptop—palipat-lipat ang tingin niya sa computer at laptop na ginagamit niya."Mr. Collins? Why is that?" Sa nakalipas kasi na isang buwan ay hindi maipagkakaila na mas lalo sila naging close sa isa't-isa. Ashley called him by his name and not by his surname. Kaya nagtataka ito kung bakit bumalik na naman ito sa dating tawag niya."We're in the office," sagot ni Ashley. Hindi man kumbinsido ay hindi na muling nag pumilit si Xavier tungkol sa bagay na 'yon."I'd like to congratulate you for the success of our project Connect The Dots. Dahil tapos na ang project na 'yon, ito na rin ang magiging katapusan ng agreement natin," saad ni Ashley habang hindi pa rin inaalis ang tingi
Habang nasa hapagkainan, tahimik lang silang kumakain. Nag palitan naman ng tingin si sina Ashley at ang kaniyang ina."May problema ka ba, anak?" tanong ni Ashley. Inilapag naman ni Yuan ang kubyertos na hawak niya at nag paalam na aakyat sa kwarto niya."Sige na, kausapin mo siya." Tumango naman si Ashley tsaka sumunod rin sa itaas. Dahan-dahan niyang pinihit ang pintuan at bahagyang sumilip sa loob. Doon ay nakita niyang nakatalikbong si Yuan at naririnig niya ang mga hikbi nito. She's hurt for his son."Yuan, you can talk to mommy. 'Diba sabi ko sa'yo na nandito lang ako?" Nilapitan niya ang anak at tinanggal ang kumot sa buong katawan nito. Nakita nga niyang umiiyak ang kaniyang anak kaya mabilis niya itong niyakap at hinagod ang likuran."What's wrong, baby?" pagpapatahan niya sa anak."Aren't you sad, mommy? Daddy will have a family. How about us?" Napapapikit nalang siya dahil sa sinasabi ng anak niya. Mahirap naman talaga 'yon para kay Yuan. Tanging kagustuhan nito ay makilal
After a month...Nasa opisina na si Ashley ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Liandra. Nakangiti itong nag lakad papalapit sa kaniya. "Himala yata at napadpad ka rito. May kailangan ka ba?" tanong niya at binalingan ng tingin si Liandra."Gusto ko lang sabihin na you should stay away from Xavi." sagot ni Liandra. Kasabay niyon ay ang pagkawala ng mga ngiti sa kaniyang labi. Sa nakalipas na isang buwan ay naging mas malapit din sina Ashley at Xavier sa isa't-isa. Halos tatlong beses sa isang linggo ang pagbisita ni Xavier sa kanila kaya hindi naman maiwasan ng ibang tao na mag bigay sa kani-kanilang mga opinion. May iilan na nag sasabi na baka raw may nabubuong pag tingin na ang dalawa at ang iba naman ay ginagawa lang nila 'yon dahil sa trabaho. Sa mga may alam sa past nilang dalawa ay naiisip nila na bumabalik na naman sila ulit sa dati."I can't do that. He's my business partner after all kaya normal lang na halos araw-araw kaming may ugnayan sa isa't-isa." sagot niya hab
THIRD PERSON'S POV Nag punta si Xavier sa opisina n'ya na medyo wala sa sarili. Iniisip niya kung talaga bang may nangyari sa kanilang dalawa ng gabing iyon. Ang tanging naaalala niya lang kasi ay sabay-sabay silang umuwi nina Sebastian. Si Sebastian din mismo ang nag maneho ng sasakyan. Ng makapasok sa mansion ay agad niyang tinungo ang kuwarto niya. "Boss okay ka lang? Hindi ka lang dapat muna pumasok.""I'm fine." sagot niya sabay hinilot ang kaniyang sentido. Umupo naman si Sebastian sa sofa at sinimulang mag scroll sa tablet na hawak niya."Sebastian..." tawag niya rito."Bakit boss?" Nag aalangan siya kung dapat niya bang itanong ang tungkol doon o hindi."Did you remembered everything that happened last night when we came home?" Saglit namang nag-isip ito at kalaunan ay tumango."Dumiretso ka na agad sa kuwarto mo." "Then? Is there anything unusual to me or Liandra?""Habang papasok ka sa kuwarto mo ay nakita kong nakatingin sa'yo si Liandra. Sinabi ko sa kaniya na matulog n
"CHEERS!" sigaw ni Sebastian kaya mas lalo akong napangiti. After all this years, Sebastian became my friend kahit na wala kaming masyadong interactions. Sa ginawa niya ngayon ay ni release niya ang tension between us. While Jericho is still protecting me kahit na mismo sa kapatid ko."CHEERS!" sabay-sabay naming tugon at tinungga ang alak na nasa mga baso namin."So, Xavier, ilang taon na kayo ni Liandra?" tanong ni Jerome. Bahagyang tumingin muna si Liandra kay Xavier bago sumagot."We are four years of being together." sagot ni Liandra."How come? I mean, nanligaw ba siya sa'yo?""N-no! But we fall in love with each other." Hindi naman halata."Is it true, Xavier?" tanong ni Jerome sa kaniya. But he refused to answer the question. Instead, uminom lang ito ng alak."Of course, it is." sagot ni Liandra."Ikaw Sebastian, did you believe that both of them are in love? Or it's just a one sided love?" Napunta ang atensiyon namin kay Sebastian."Haha wala akong alam diyan. Ang dami ko ng
FATE'S POV Nag sisidatingan na ang mga bisita para sa kaarawan ng anak ko. Childrens party ang ginawa namin dahil gusto kong ma enjoy ni Yuan ang pagkabata niya. May iilan din namang adults ang invited sa party kagaya nina Teacher Aeris, Mr. Collins, Sebastian and some of my employees like Giselle and Jennica. Kasalukuyan ng nag sisimula ang show ng mga clowns at magicians kaya naman busy ang anak ko sa kanonood at halatang nag eenjoy siya. Seeing him happy is enough for me.Mula sa gate ay nakita ko ang sabay-sabay na pagpasok nina Xavier, Sebastian at... Liandra? Bakit siya nandito? Wala akong natatandaan na inimbeta ko siya, ah."Here's a gift for Yuan." Inabot ko naman 'yon."Thank you. Please help yourselves." sabi ko sa kanila at tinungga ang wine na nasa loob ng baso ko."Babe, pakikiha ako ng pagkain. Kaunti lang ha, h'wag mong damihan kasi diet ako." Hindi ko alam pero medyo natawa ako sa kaunti lang daw tapos h'wag damihan. Tsaka bakit kaya hindi nalang siya sumama roon at
"Mr. Collins what are you doing here? Tapos na ang office hour 'diba?" tanong ni Ashley ng makita ang pagpasok ni Xavier sa loob ng kaniyang opisina. Kasalukuyan na siyang nag liligpit ng mga gamit niya."Since our partnership was successful, why don't we celebrate?" pag-aaya nito sa kaniya."Medyo busy kasi ako. Malapit na ang birthday ni Yuan. Ikaw, baka gusto mong sumama sa bahay kung wala kang gagawin. Siguradong matutuwa si Yuan.""That's a good idea." sagot nito at hinintay na matapos si Ashley sa ginagawa niya. Pagkatapos ay sabay na silang lumabas sa kompanya. Hindi naman sila nakaligtas sa mga mata ng iilan."Boss", tawag ni Sebastian"I'll be with Ms. Cuevas." Tiningnan naman siya ni Sebastian na puno ng pagtataka. Ilang segundo lang ay ngumiti ito dahil sa naiisip."Go home." utos sa kaniya ni Xavier."Boss saan ka—"Her house." tipid nitong sagot at iniwan nila si Sebastian na nakangiti pa rin.Dumiretso sila sa sasakyan ni Fate."Good evening madam, good evening Mr... ano
Lumipas ang mga araw at tinutupad nga ni Jericho ang kaniyang mga pangako. Kapag nag mamaneho ito ay puno ng ingat. Minsan ay nag pepresenta rin ito na maglinis ng bakuran o 'di kaya ay mag trim ng mga halaman sa kanila. Tinupad rin ni Ashley ang kaniyang sinabi na tutulungan niya ito sa operasiyon ng kaniyang ina. Bukas na ang itinakdang araw para sa operasiyon. Galing pa sa ibang bansa ang mga Doctor at nurses na gagamot dito. Naka enrolled na rin ang kaniyang ama sa TESDA at kasalukuyang umaattend na sa training. Sinigurado niya rin na pagkatapos nito mag-aral ay siguradong may papasukan na siyang trabaho. Samantala ang dalawa niyang mga kapatid ay nag-aaral din ng mabuti. Ipinakita nga rin sa kaniya ang mga grado ng mga ito at sobra siyang natuwa dahil with highest honor ang dalawa. Sa tingin niya ay hindi nga siya nagkamali ng tinulungan. God sent Jericho to save him and now, he's using her to save Jericho and his family. God really moves in mysterious.Sa mga nagdaang mga araw a
THIRD PERSON'S POVKinabukasan...Sa kabila ng nangyari kay Fate ay maaga pa rin siyang pumasok sa opisina. Hindi lang dahil sa may inaasahan siyang bisita kun'di may meeting din siya sa mga investors nila na kailangan paghandaan. Paniguradong pupunta rin si Xavier dahil kasali siya sa proyekto ng kompanya."Good morning Ms. Cuevas!""Good morning ma'am Ashley!""Magandang umaga madam!"Bati sa kaniya ng mga empleyadong nadadaan niya. Dumiretso siya sa kaniyang opisina at agad na inihanda ang kaniyang computer. Binuksan din niya ang laptop na dala-dala niya para e transfer ang mga files sa computer. Bago mag simula ay tinanggal niya muna ang sapatos niya; medyo namamaga pa rin ang kaniyang paa matapos ang nangyari kahapon. Advised ng Doctor sa kaniya ay h'wag munang pumasok at mag pahinga muna sa bahay subalit hindi talaga siya mapakali kapag manatili lang siya roon lalo na't pupunta ang mga investors ngayon.Nalilibang siya sa pag titipa sa kaniyang computer ng marinig niyang may tum