FATE'S POVKakababa lang namin sa kotse ni Yuan. Mula rito ay nakita ko ang pamilyar na pigura ng isang lalaki na nakatalikod sa'min. Pumasok kami sa loob at dumiretso sa sinabi n'yang mesa."You have an adorable kid." Komento ng isang babae. Tiningnan ko naman s'ya at nginitian. Napatingin sa gawi namin si Jerome at iwinagayway ang kaniyang kamay."Ito na ba si Yuan?" Tanong nito ng makalapit kami sa kaniya. Pinaghila n'ya kami ng upuan at bahagyang humarap sa anak ko."Oo. Yuan meet your ninong Jerome." Inabot n'ya ang kamay ni Jerome at nagmano. Napangiti naman si Jerome dahil sa ginawa ni Yuan."Kamukhang-kamukha n'ya si..." Tumigil s'ya ng marealized n'ya yung sasabihin n'ya. "Order na tayo. WAITER!" binigyan n'ya kami ng menu at nag hintay sa order namin. Puro vegetables lang ang inorder ko dahil allergic si Yuan sa seafood— namamantal s'ya at nahihirapang huminga. Nang hindi ko pa alam na allergic s'ya sa seafood ay sobra talaga kaming nag panic. Hindi ko alam kung ano ang gag
THIRD PERSON'S POVKakalanding lang ng eroplanong sinakyan ng mag-ina. Marami ang mga guards ang nakabantay sa labas para sunduin sila. Ng nag simula na silang maglakad ay pinagtitinginan sila ng mga naroroong pasahero. Parehas silang naka itim na damit at naka eye glasses. May bitbit silang tig isang maleta—maliit lang ang kay Yuan—, at puno ng kompyansang binaybay ang daan papunta sa exit. May iilan ding guwardiya ang umalalay sa kanilang dalawa dahil naitawag pala sa kanila ang pagdating ng isang sikat at bilyonarong mag-ina. Sa kabilang banda ay may isa namang babae na aligaga. Dahil sa kaniyang presensiya, maraming mga press ang nasa paligid. May sinusundo rin kasi ito sa airport."Ms. Liandra, totoo po ba ang naririnig namin na boyfriend mo raw po ang tinaguriang KING OF BUSINESSES na si Xavier Collins?""Anim na taon na po ang lumipas simula ng sinabi n'yong wala na ang kapatid n'yo. Ano pong ibig sabihin nang wala na? Pat-y na po ba?"Iilan lang 'yan sa mga tanong nila. Nilap
FATE'S POV"WALANG KIKILOS NG MASAMA! DUMAPA KAYONG LAHAT KUNG GUSTO N'YO PANG MABUHAY!"Sabay-sabay kaming napalingon sa may entrance. Nadismaya kaming lahat ng makitang wala ng malay ang mga guwardiya at iilang police na naka assigned sa labas. Dahil sa pangamba ay napilitan kaming sumunod sa sinasabi nila. Ngunit mas higit akong nababahala para sa kaligtasan ni Yuan. Sana naman ay makalabas s'ya ng ligtas."HALUGHUGIN N'YO ANG BAWAT PALAPAG BAKA MAY NAG TATAGO!" Utos ng pinakaleader nila. May dalawang armadong mga kalalakihan din ang lumapit sa'min at kinuha ang mga camera at gadgets ng bawat isa."BOSS, WALA NG IBANG TAO RITO!" sigaw ng inutusan n'ya ng bumukas ang elevator. Paanong wala? Ibig sabihin ba ay nakatago ang anak ko? Bahagya naman akong nakaramdam ng ginhawa ng sa isiping 'yon."KAYO! ILABAS N'YO ANG MGA CARDS N'YO AT ISULAT DITO ANG CODE!""ISA-ISANG KAPKAPAN SILA!" muling utos sa kaniyang mga tauhan. Ano ba sila? Simpleng mga krimenal lang ba o mga terorista sila? Na
THIRD PERSON'S POV"Ms., it's been 37 mins and 15 seconds. May I know where's mommy?" Tanong ni Yuan habang umayos ng upo sa swivel chair. Napagod kasi ito kakaikot."Ms. Cuevas is on meeting at the ground floor. Don't worry young master, she'll be back soon." "But how long is that 'soon'?" Bahagyang nag isip ang sekretarya."Hmm maybe an hour or two?" Patanong nitong sagot. Hindi n'ya rin kasi alam kung gaano katagal ang meeting dahil lalo pa't may drill pang gagawin."Young Master, please stay here for a while. I need to go to the comfort room." Pagpapaalam nito. Sinundan naman s'ya ng tingin ni Yuan. Ng masigurado n'yang nasa loob na ito ng comfort room ay mabilis n'yang tinungo ang pintuan at sumakay sa elevator. Pinindot n'ya ang ground floor. Pinagtitinginan naman s'ya ng mga taong nakakasabay n'ya sa elevator."Hello cutie. Sinong kasama mo rito? Nasaan ang mga magulang mo?" Tanong ng isang babae na nakasabay n'ya sa elevator. Nanatili s'yang walang imik dahil naalala n'ya ang
THIRD PERSON'S POV"Babe, where have you been?" Tanong ni Liandra ng muling makita si Xavier. Pinulupot n'ya naman ang kaniyang kamay sa braso nito."Men's comfort room." Tipid nitong sagot at muling ibinaling ang mga mata sa kabuuan ng building."So, what do you think about this new company?" Tanong muli ni Liandra at pa simpleng dumikit kay Xavier dahil may nakita s'yang mga camera sa paligid. Kailangan n'yang malaman ng publiko na sweet s'ya sa lalaki."Interesting. I ain't expected that they'll come up with this design." Sagot nito. Nag simula na silang maglakad palabas sa exit ng..."MR. COLLINS!" sabay silang napalingon at doon nga ay nakita nila si Yuan na tumatakbo sa direksiyon nila. Humahabol naman sa kaniya ang sekretarya ni Ashley."What are you doing here, kiddo? Are you looking for your Mommy again?" Tanong ni Xavier at tinanggal ang pagkakakapit ni Liandra sa kaniya. Lumuhod si Xavier para pumantay s'ya sa bata. Hindi n'ya maintindihan kung bakit magaan ang loob n'ya ri
"Sigurado akong dahil 'yon sa pera. Usap-usapan sa base na ang bagong kliyente raw natin ang kakompetensiya sa negosyo ng lalaking target mo.""Iba talaga ang nagagawa ng pera.""Alam mo nag tataka talaga ako sa'yo minsan. Kapag kasi normal na araw lang ay ang daldal mo at parang ang bait mo tingnan pero kapag may misyon, naku...nagigising ang pagkahalimaw mo hahaha!""Ganoon talaga. Kailangan sa trabaho, eh. Anyway, may test na naman daw tayo sa susunod na araw, totoo ba 'yon?""Hindi pa ako sigurado. Pero sure ako na ikaw na naman ang magiging pinakamataas sa lahat. Super duper talino mo kaya!")Naalimpungatan ako dahil sa panaginip kong 'yon. Sigurado akong alaala 'yon ng kakambal ko. Akala ko ay hindi ko na mararanasan 'yon pero mali pala ako. Marami akong pinagdaanang pag subok mentally dahil sa mga memories n'ya. Ang isang bahagi ng katawan ko ay masaya kasi kahit papaano ay nakilala ko s'ya bilang kakambal ko at hindi bilang mamamatay tao. Ngunit ang isa rin (na) bahagi ng akin
THIRD PERSON'S POVBandang ala una nakarating sa L. Academia ang mag-ina. Kagaya kahapon ay pinagtitinginan pa rin sila ng mga taong nakakakita sa kanila. Ng makatapak sila sa building—na kung saan gaganapin ang exams ni Yuan—, ay sumalubong sa kanila ang isang matandang lalaki. Pinapasok sila sa loob ng isa sa mga classrooms na naroroon. May iilan naman na nakiusisa dahil alam ng lahat na ang building na 'to ay para lang sa may possible high IQ.Nasa pinakagitna ng silid si Yuan samantalang ang kaniyang ina ay nasa gilid (na) nakaupo. Mabilis lumipas ang mga oras at nag sidagsaan na ang mga coordinator ng academia pati na rin ang tatlong psychologist na mag a-assist sa kaniya. Bago mag simula ay pinatayo muna s'ya ng isa sa mga coordinator na naroroon at kinapkapan. Ng masiguradong wala itong dalang kahit ano na maaaring maging sanhi ng cheating ay agad na isinara ang mga bintana at pintuan ng silid.Ipinaliwanag sa kaniya na ang exam ay may dalawang bahagi; oral at written exam. Sa
THIRD PERSON'S POV"YOU HAVE TO CLEAN THIS MESS! YOU'RE UNDER MY COMPANY KAYA KUNG ANONG GINAGAWA MO AY MAG REREFLECT SA KOMPANANYA KO!" sigaw at sermon ni Jessica. "Hindi ko alam kung saan 'yan galing. Wala akong kinalaman sa kung ano man ang laman ng video na 'yan!" pagtatanggol n'ya sa kaniyang sarili."Don't lie, David. Both of us knew that you're capable to do that kind of shit. You assaulted a teenage girl? Kapag makalabas 'to sa social media, paniguradong madadamay ang kompanya namin... ang mas malala ay ikaw pa ang pasimuno na Vice President ka!"May natanggap kasing video si Jessica hinggil sa ginawa ni David sa isang teenager, ilang taon na ang nakalilipas. Kapag lumabas 'yon sa publiko ay siguradong masisira ang kompanya nila pati na rin ang tiwala ng magulang n'ya."I promise that I'll clean this mess. Aayusin ko 'to! Just give me some time. Kailangan ko lang mahanap ang batang 'yon at makipag-usap sa kaniya.""Then what? Paano kung hindi s'ya pumayag na makipag ayos sa'y
Just a normal day for everybody. Nasa opisina na naman ni Ashley si Xavier—kadarating lang nito kaya hindi niya muna ito inistorbo. Kumuha si Xavier ng tissue paper sa mesa niya at pa simpleng pinunasan ang ilang butil ng pawis na nasa mukha nito. "You're late Mr. Collins," wika niya habang nag titipa sa kaniyang laptop—palipat-lipat ang tingin niya sa computer at laptop na ginagamit niya."Mr. Collins? Why is that?" Sa nakalipas kasi na isang buwan ay hindi maipagkakaila na mas lalo sila naging close sa isa't-isa. Ashley called him by his name and not by his surname. Kaya nagtataka ito kung bakit bumalik na naman ito sa dating tawag niya."We're in the office," sagot ni Ashley. Hindi man kumbinsido ay hindi na muling nag pumilit si Xavier tungkol sa bagay na 'yon."I'd like to congratulate you for the success of our project Connect The Dots. Dahil tapos na ang project na 'yon, ito na rin ang magiging katapusan ng agreement natin," saad ni Ashley habang hindi pa rin inaalis ang tingi
Habang nasa hapagkainan, tahimik lang silang kumakain. Nag palitan naman ng tingin si sina Ashley at ang kaniyang ina."May problema ka ba, anak?" tanong ni Ashley. Inilapag naman ni Yuan ang kubyertos na hawak niya at nag paalam na aakyat sa kwarto niya."Sige na, kausapin mo siya." Tumango naman si Ashley tsaka sumunod rin sa itaas. Dahan-dahan niyang pinihit ang pintuan at bahagyang sumilip sa loob. Doon ay nakita niyang nakatalikbong si Yuan at naririnig niya ang mga hikbi nito. She's hurt for his son."Yuan, you can talk to mommy. 'Diba sabi ko sa'yo na nandito lang ako?" Nilapitan niya ang anak at tinanggal ang kumot sa buong katawan nito. Nakita nga niyang umiiyak ang kaniyang anak kaya mabilis niya itong niyakap at hinagod ang likuran."What's wrong, baby?" pagpapatahan niya sa anak."Aren't you sad, mommy? Daddy will have a family. How about us?" Napapapikit nalang siya dahil sa sinasabi ng anak niya. Mahirap naman talaga 'yon para kay Yuan. Tanging kagustuhan nito ay makilal
After a month...Nasa opisina na si Ashley ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Liandra. Nakangiti itong nag lakad papalapit sa kaniya. "Himala yata at napadpad ka rito. May kailangan ka ba?" tanong niya at binalingan ng tingin si Liandra."Gusto ko lang sabihin na you should stay away from Xavi." sagot ni Liandra. Kasabay niyon ay ang pagkawala ng mga ngiti sa kaniyang labi. Sa nakalipas na isang buwan ay naging mas malapit din sina Ashley at Xavier sa isa't-isa. Halos tatlong beses sa isang linggo ang pagbisita ni Xavier sa kanila kaya hindi naman maiwasan ng ibang tao na mag bigay sa kani-kanilang mga opinion. May iilan na nag sasabi na baka raw may nabubuong pag tingin na ang dalawa at ang iba naman ay ginagawa lang nila 'yon dahil sa trabaho. Sa mga may alam sa past nilang dalawa ay naiisip nila na bumabalik na naman sila ulit sa dati."I can't do that. He's my business partner after all kaya normal lang na halos araw-araw kaming may ugnayan sa isa't-isa." sagot niya hab
THIRD PERSON'S POV Nag punta si Xavier sa opisina n'ya na medyo wala sa sarili. Iniisip niya kung talaga bang may nangyari sa kanilang dalawa ng gabing iyon. Ang tanging naaalala niya lang kasi ay sabay-sabay silang umuwi nina Sebastian. Si Sebastian din mismo ang nag maneho ng sasakyan. Ng makapasok sa mansion ay agad niyang tinungo ang kuwarto niya. "Boss okay ka lang? Hindi ka lang dapat muna pumasok.""I'm fine." sagot niya sabay hinilot ang kaniyang sentido. Umupo naman si Sebastian sa sofa at sinimulang mag scroll sa tablet na hawak niya."Sebastian..." tawag niya rito."Bakit boss?" Nag aalangan siya kung dapat niya bang itanong ang tungkol doon o hindi."Did you remembered everything that happened last night when we came home?" Saglit namang nag-isip ito at kalaunan ay tumango."Dumiretso ka na agad sa kuwarto mo." "Then? Is there anything unusual to me or Liandra?""Habang papasok ka sa kuwarto mo ay nakita kong nakatingin sa'yo si Liandra. Sinabi ko sa kaniya na matulog n
"CHEERS!" sigaw ni Sebastian kaya mas lalo akong napangiti. After all this years, Sebastian became my friend kahit na wala kaming masyadong interactions. Sa ginawa niya ngayon ay ni release niya ang tension between us. While Jericho is still protecting me kahit na mismo sa kapatid ko."CHEERS!" sabay-sabay naming tugon at tinungga ang alak na nasa mga baso namin."So, Xavier, ilang taon na kayo ni Liandra?" tanong ni Jerome. Bahagyang tumingin muna si Liandra kay Xavier bago sumagot."We are four years of being together." sagot ni Liandra."How come? I mean, nanligaw ba siya sa'yo?""N-no! But we fall in love with each other." Hindi naman halata."Is it true, Xavier?" tanong ni Jerome sa kaniya. But he refused to answer the question. Instead, uminom lang ito ng alak."Of course, it is." sagot ni Liandra."Ikaw Sebastian, did you believe that both of them are in love? Or it's just a one sided love?" Napunta ang atensiyon namin kay Sebastian."Haha wala akong alam diyan. Ang dami ko ng
FATE'S POV Nag sisidatingan na ang mga bisita para sa kaarawan ng anak ko. Childrens party ang ginawa namin dahil gusto kong ma enjoy ni Yuan ang pagkabata niya. May iilan din namang adults ang invited sa party kagaya nina Teacher Aeris, Mr. Collins, Sebastian and some of my employees like Giselle and Jennica. Kasalukuyan ng nag sisimula ang show ng mga clowns at magicians kaya naman busy ang anak ko sa kanonood at halatang nag eenjoy siya. Seeing him happy is enough for me.Mula sa gate ay nakita ko ang sabay-sabay na pagpasok nina Xavier, Sebastian at... Liandra? Bakit siya nandito? Wala akong natatandaan na inimbeta ko siya, ah."Here's a gift for Yuan." Inabot ko naman 'yon."Thank you. Please help yourselves." sabi ko sa kanila at tinungga ang wine na nasa loob ng baso ko."Babe, pakikiha ako ng pagkain. Kaunti lang ha, h'wag mong damihan kasi diet ako." Hindi ko alam pero medyo natawa ako sa kaunti lang daw tapos h'wag damihan. Tsaka bakit kaya hindi nalang siya sumama roon at
"Mr. Collins what are you doing here? Tapos na ang office hour 'diba?" tanong ni Ashley ng makita ang pagpasok ni Xavier sa loob ng kaniyang opisina. Kasalukuyan na siyang nag liligpit ng mga gamit niya."Since our partnership was successful, why don't we celebrate?" pag-aaya nito sa kaniya."Medyo busy kasi ako. Malapit na ang birthday ni Yuan. Ikaw, baka gusto mong sumama sa bahay kung wala kang gagawin. Siguradong matutuwa si Yuan.""That's a good idea." sagot nito at hinintay na matapos si Ashley sa ginagawa niya. Pagkatapos ay sabay na silang lumabas sa kompanya. Hindi naman sila nakaligtas sa mga mata ng iilan."Boss", tawag ni Sebastian"I'll be with Ms. Cuevas." Tiningnan naman siya ni Sebastian na puno ng pagtataka. Ilang segundo lang ay ngumiti ito dahil sa naiisip."Go home." utos sa kaniya ni Xavier."Boss saan ka—"Her house." tipid nitong sagot at iniwan nila si Sebastian na nakangiti pa rin.Dumiretso sila sa sasakyan ni Fate."Good evening madam, good evening Mr... ano
Lumipas ang mga araw at tinutupad nga ni Jericho ang kaniyang mga pangako. Kapag nag mamaneho ito ay puno ng ingat. Minsan ay nag pepresenta rin ito na maglinis ng bakuran o 'di kaya ay mag trim ng mga halaman sa kanila. Tinupad rin ni Ashley ang kaniyang sinabi na tutulungan niya ito sa operasiyon ng kaniyang ina. Bukas na ang itinakdang araw para sa operasiyon. Galing pa sa ibang bansa ang mga Doctor at nurses na gagamot dito. Naka enrolled na rin ang kaniyang ama sa TESDA at kasalukuyang umaattend na sa training. Sinigurado niya rin na pagkatapos nito mag-aral ay siguradong may papasukan na siyang trabaho. Samantala ang dalawa niyang mga kapatid ay nag-aaral din ng mabuti. Ipinakita nga rin sa kaniya ang mga grado ng mga ito at sobra siyang natuwa dahil with highest honor ang dalawa. Sa tingin niya ay hindi nga siya nagkamali ng tinulungan. God sent Jericho to save him and now, he's using her to save Jericho and his family. God really moves in mysterious.Sa mga nagdaang mga araw a
THIRD PERSON'S POVKinabukasan...Sa kabila ng nangyari kay Fate ay maaga pa rin siyang pumasok sa opisina. Hindi lang dahil sa may inaasahan siyang bisita kun'di may meeting din siya sa mga investors nila na kailangan paghandaan. Paniguradong pupunta rin si Xavier dahil kasali siya sa proyekto ng kompanya."Good morning Ms. Cuevas!""Good morning ma'am Ashley!""Magandang umaga madam!"Bati sa kaniya ng mga empleyadong nadadaan niya. Dumiretso siya sa kaniyang opisina at agad na inihanda ang kaniyang computer. Binuksan din niya ang laptop na dala-dala niya para e transfer ang mga files sa computer. Bago mag simula ay tinanggal niya muna ang sapatos niya; medyo namamaga pa rin ang kaniyang paa matapos ang nangyari kahapon. Advised ng Doctor sa kaniya ay h'wag munang pumasok at mag pahinga muna sa bahay subalit hindi talaga siya mapakali kapag manatili lang siya roon lalo na't pupunta ang mga investors ngayon.Nalilibang siya sa pag titipa sa kaniyang computer ng marinig niyang may tum