FATE'S POVTahimik kaming umuwi kanina sa bahay. Ayaw ko muna s'yang kausapin dahil sa nangyari kanina. Samantala, bilang pasasalamat sa kaniya ay ipinagluto ko s'ya ng adobong manok. Napansin ko kasing hindi n'ya ginalaw yung pagkain na pinaorder n'yang friend chicken. Wala rin naman akong makausap dahil wala rito si Sebastian, inutusan kasi s'ya ni Xavi at baka bukas pa makauwi. Dala-dala ang food tray ay tinungo ko ang opisina n'ya. Kumatok ako ng tatlong beses pero wala pa rin akong natatanggap na sagot. Kaya naman ay nag lakas-loob akong pumasok. Wala akong nadatnan.'Nasaan kaya s'ya?'Muli akong lumabas sa opisina n'ya at balak kong puntahan s'ya sa kaniyang kwarto —kaharap lang 'yon ng kwarto ko. Kumatok ulit ako ng tatlong beses at doon ay nabuhayan Ako ng marinig ko s'yang magsalita. Pumasok ako sa loob at doo'y nakita ko s'yang nakahiga sa kama n'ya."Okay ka lang?" Tanong ko at dali-daling hinawakan ang noo n'ya. Inaapoy s'ya ng lagnat."May lagnat ka. Teka lang, hintayin
JEROME'S POV"Love, breakfast ka muna dali." Sabi ng fiancee ko. Napangiti naman ako. Hindi nga ako nagkamaling minahal ko s'ya. She's caring and lovable everyday."Thanks, love." "I almost forgot ahm may new upcoming movie ako sa mga susunod na buwan. Pwede bang ihatid mo ako kapag nag simula na kaming mag taping?" No one can resist her charming...not even me haha."Sure."Pagkatapos ay pumasok na ako sa opisina. Binati nila ako then ngumiti naman ako sa kanila. Kakaturned over lang ni Daddy nitong kompanya sa'kin. Sa totoo lang, ang ate ko talaga ang namahala rito simula ng pumunta kami sa States nila Daddy. Kung ano man ang narating ng kompanyang ito it's all thanks to her.Kumatok muna ako bago pumasok, then there she is, busy na naman sa desktop n'ya. "It's too early to be workaholic ate." Napasulyap naman s'ya sa'kin at muling ibinalik ang tuon sa ginagawa n'ya."I need to work for the company." She answered. Muli akong lumabas sa opisina n'ya. Nakasanayan ko nalang siguro na
THIRD PERSON'S POVKasalukuyang nasa bahay ng mama nina Liandra at Fate silang apat—Liandra, Fate, Jerome at Xavier. Inimbitahan din kasi sila ng mama nila sa isang salo-salo. Kung alam lang ni Fate na nandito rin ang kapatid n'ya ay hindi na sila nag abalang pumunta rito. Gabi na ngayon at naririto sila sa bakuran nila. "Kumain na tayo." Pag aaya ng mama nila. Labag man sa loob na makatapat sa hapagkainan sina Liandra ay wala s'yang magagawa. Ayaw n'ya naman na mag away pa sila dahil lang sa maliit na bagay. Nag simula na silang kumain ng biglang mag salita ang papa nila Fate."Kumusta na kayo mga anak?" Tanong ng Papa nila bago kumuha ng lobster."Okay lang naman po." Sagot ni Fate."Ayos lang papa." Sagot naman ni Liandra. Hindi maiwang mapatingin siya kay Jerome na ngayon ay nag hihimay ng lobster para kay Liandra. 'Nakakainggit.' Sabi nito sa sarili."Kumusta ang career?" Tanong naman ng Mama nila pagkatapos uminom ng tubig."Good news Mama, Papa. I got a new role as the female
JEROME'S POV"Sir Jerome, Vienna Ventura is on the other line." Kinuha ko ang telepono kay Meg."Hello? Is this Ms. Ventura?" [Yes, who's this?] Tanong n'ya."This is from Lumiyo Publishing House and Compa—[I DON'T CARE. DON'T CALL ME ANYMORE BYE!]She's so aggressive. May kinalaman ba ang Lumiyo kaya nag iba ang ugali n'ya? Sinubukan ko pa s'yang tawagan pero hindi n'ya na sinasagot. I tried to call her using my own number then...[Hello?] Bungad sa kabilang linya."Please don't hang up on me, okay?" Pakiusap ko sa kaniya.[Ano bang kailangan mo?] Halata na naman sa boses n'ya ang inis."I would like to discuss something important with you. Pwede ba tayong magkita?" [Hindi mo ako maloloko. Kung may gusto kang sabihin, sabihin mo na ngayon mismo hindi yung iniistorbo mo ang break time ko!]"Please. This is really important. Mamayang lunch break n'yo. Send me the address," then she ended up the call. Muntikan na sana akong mawalan ng pag-asa pero bigla kong nakita ko ang text n'ya..
FATE'S POVNapag desisyunan kong makipagkita kay Jerome but this time, hindi na ako nag paalam kay Xavi. Tsaka pag gising ko kaning umaga ay wala na s'ya sa bahay. Siguro ay may pinuntahan s'yang importante.Nandito na ako sa playground kung saan kami magkikita; wala pa s'ya. Maraming mga bata ang nandito at naglalaro. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil parang kami lang dati. Umupo ako sa swing. May iilang bata ang lumapit sa'kin."Ate, bakit ka po nandito?" Tanong ng isang batang babae. Sira ang ngipin n'ya sa itaas but she's a cutie for me hehe."May hinihintay lang ako. Gusto n'yong sumakay?" Tumango naman sila. Inalalayan ko sila na makasakay sa swing at tinulak ko 'yon ng medyo mahina lang."Boyprend mo po yung hinihintay mo, ate?" Tanong ulit ni kulit. I pinched her cheek."Nope. Kaibigan ko lang." "Hoy Ana, h'wag mo ng tanungin si ate. Hindi mo ba ayam ang shayitang pyaybasi?" Halaaa ang cutie rin mag salita ng kasama ni kulit. Bulol pa s'ya pero ayos lang hehe."Oops! Bawal
THIRD PERSON'S POVKinagat ni Fate si Liandra kaya nabitawan s'ya nito. Gulong-gulo ang buhok n'ya dahil sa ginawang pag sabunot ni Liandra. "ANO BANG PROBLEMA MO, LIANDRA?!" Sigaw ni Fate.Nasa daan pauwi si Jerome ng makita n'ya sina Liandra at Fate na nag aaway. Agad n'yang iginilid at inihinto ang sasakyan at agad na tumakbo papalapit sa kanila.Nakita ni Liandra ang paglapit ni Jerome kaya'y nakaisip s'ya ng mas magandang idea upang makuha ang simpatya ng lahat. May mga iilan kasing tao ang nanonood at natatakot na umawat. Nakilala kasi nila na artista ang isa sa kanilang dalawa. Ng itulak s'ya ni Fate ay sinadya n'yang ihulog ang sarili sa tulay."MANG-AAGAW KA!" Pabalik na sigaw ni Liandra habang hinahabol ang kaniyang hininga."WALA AKONG INAGAW LIANDRA. KUNG MAY MANG-AAGAW MAN SA'TIN, IKAW YUN!" Sinugod s'ya ulit ni Liandra. "B-BITAWAN MO A-AKO." Pag susumamo ni Fate sa kapatid. Sinasakal s'ya nito at sinusubukang ihulog sa tulay. "KUNG MAGIGING SAGABAL KA SA KALIGAYAN NA
"I'm her boss. I'll take care of her." Saad ni Xavier na kalalabas lang sa sasakyan. Hindi naman nakipagtalo ang mga officer patrol dahil kilala nila ito. Inalalayan at pinasakay ni Xavier sa kotse si Fate na ngayon ay parang lantang gulay. Mabilis naman na pinaandar ni Sebastian ang kotse pauwi sa mansiyon ng amo.Mahimbing na natutulog si Fate ngayon habang may benda ang halos buong katawan nito. Medyo maputla rin s'ya dala ng takot kanina at sa mga sugat na natamo n'ya.Nasa meeting sina Xavier at Sebastian sa mga possible investors kanina ng biglang nakita ni Sebastian ang video na in'upload ng isang netizen. Agad naman namukhaan ni Sebastian ang dalawang babae na 'yon. Sakto namang patapos na ang meeting kaya'y pinakita n'ya ito kay Xavier. Natigilan naman si Xavier. Mabilis n'yang tinapos ang meeting at muling pinanood ang video.Hindi mapigilang magalit ni Xavier dahil mahigpit n'yang ipinag-utos na h'wag ng makipagkita kay Jerome dahil nga sa posibleng maraming hindi magandang
FATE'S POVUnti-unti ng nag hihilom ang mga natamo kung sugat—sana gano'n din ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam kung anong nangyari kay Liandra dahil hindi ko rin matawagan sila mama. Isa pa ay nahihiya akong magpakita sa kanila. Sinabi ko rin sa sarili ko na hinding-hindi ako hihingi ng tawad kay Liandra dahil wala naman akong kasalanan. It's all her fault after all.Hindi pa ako pinapalabas ng bahay ni Xavi kasi hindi pa raw ako tuluyang magaling at mas delikado raw sa labas. Sinabi ko sa kaniya na "paano ako makakapagtrabaho kung nasa bahay lang ako?", then sabi n'ya ay naka leave raw ako. Ipinagtataka ko nga yun eh. Iniisip ko nalang ay siguro nga tinulungan ako ni Xavi.Kahit na wala ako sa trabaho ay nag iisip pa rin ako ng mga maaaring gawin para tuluyan siyang maging CEO ng kompanya Hindi ko talaga gusto ang David na 'yon. Para s'yang si Liandra, mapagkunwari sa harap ng maraming tao. Napatingin ako sa laptop ko ng may matanggap akong email galing sa editorial d
Just a normal day for everybody. Nasa opisina na naman ni Ashley si Xavier—kadarating lang nito kaya hindi niya muna ito inistorbo. Kumuha si Xavier ng tissue paper sa mesa niya at pa simpleng pinunasan ang ilang butil ng pawis na nasa mukha nito. "You're late Mr. Collins," wika niya habang nag titipa sa kaniyang laptop—palipat-lipat ang tingin niya sa computer at laptop na ginagamit niya."Mr. Collins? Why is that?" Sa nakalipas kasi na isang buwan ay hindi maipagkakaila na mas lalo sila naging close sa isa't-isa. Ashley called him by his name and not by his surname. Kaya nagtataka ito kung bakit bumalik na naman ito sa dating tawag niya."We're in the office," sagot ni Ashley. Hindi man kumbinsido ay hindi na muling nag pumilit si Xavier tungkol sa bagay na 'yon."I'd like to congratulate you for the success of our project Connect The Dots. Dahil tapos na ang project na 'yon, ito na rin ang magiging katapusan ng agreement natin," saad ni Ashley habang hindi pa rin inaalis ang tingi
Habang nasa hapagkainan, tahimik lang silang kumakain. Nag palitan naman ng tingin si sina Ashley at ang kaniyang ina."May problema ka ba, anak?" tanong ni Ashley. Inilapag naman ni Yuan ang kubyertos na hawak niya at nag paalam na aakyat sa kwarto niya."Sige na, kausapin mo siya." Tumango naman si Ashley tsaka sumunod rin sa itaas. Dahan-dahan niyang pinihit ang pintuan at bahagyang sumilip sa loob. Doon ay nakita niyang nakatalikbong si Yuan at naririnig niya ang mga hikbi nito. She's hurt for his son."Yuan, you can talk to mommy. 'Diba sabi ko sa'yo na nandito lang ako?" Nilapitan niya ang anak at tinanggal ang kumot sa buong katawan nito. Nakita nga niyang umiiyak ang kaniyang anak kaya mabilis niya itong niyakap at hinagod ang likuran."What's wrong, baby?" pagpapatahan niya sa anak."Aren't you sad, mommy? Daddy will have a family. How about us?" Napapapikit nalang siya dahil sa sinasabi ng anak niya. Mahirap naman talaga 'yon para kay Yuan. Tanging kagustuhan nito ay makilal
After a month...Nasa opisina na si Ashley ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Liandra. Nakangiti itong nag lakad papalapit sa kaniya. "Himala yata at napadpad ka rito. May kailangan ka ba?" tanong niya at binalingan ng tingin si Liandra."Gusto ko lang sabihin na you should stay away from Xavi." sagot ni Liandra. Kasabay niyon ay ang pagkawala ng mga ngiti sa kaniyang labi. Sa nakalipas na isang buwan ay naging mas malapit din sina Ashley at Xavier sa isa't-isa. Halos tatlong beses sa isang linggo ang pagbisita ni Xavier sa kanila kaya hindi naman maiwasan ng ibang tao na mag bigay sa kani-kanilang mga opinion. May iilan na nag sasabi na baka raw may nabubuong pag tingin na ang dalawa at ang iba naman ay ginagawa lang nila 'yon dahil sa trabaho. Sa mga may alam sa past nilang dalawa ay naiisip nila na bumabalik na naman sila ulit sa dati."I can't do that. He's my business partner after all kaya normal lang na halos araw-araw kaming may ugnayan sa isa't-isa." sagot niya hab
THIRD PERSON'S POV Nag punta si Xavier sa opisina n'ya na medyo wala sa sarili. Iniisip niya kung talaga bang may nangyari sa kanilang dalawa ng gabing iyon. Ang tanging naaalala niya lang kasi ay sabay-sabay silang umuwi nina Sebastian. Si Sebastian din mismo ang nag maneho ng sasakyan. Ng makapasok sa mansion ay agad niyang tinungo ang kuwarto niya. "Boss okay ka lang? Hindi ka lang dapat muna pumasok.""I'm fine." sagot niya sabay hinilot ang kaniyang sentido. Umupo naman si Sebastian sa sofa at sinimulang mag scroll sa tablet na hawak niya."Sebastian..." tawag niya rito."Bakit boss?" Nag aalangan siya kung dapat niya bang itanong ang tungkol doon o hindi."Did you remembered everything that happened last night when we came home?" Saglit namang nag-isip ito at kalaunan ay tumango."Dumiretso ka na agad sa kuwarto mo." "Then? Is there anything unusual to me or Liandra?""Habang papasok ka sa kuwarto mo ay nakita kong nakatingin sa'yo si Liandra. Sinabi ko sa kaniya na matulog n
"CHEERS!" sigaw ni Sebastian kaya mas lalo akong napangiti. After all this years, Sebastian became my friend kahit na wala kaming masyadong interactions. Sa ginawa niya ngayon ay ni release niya ang tension between us. While Jericho is still protecting me kahit na mismo sa kapatid ko."CHEERS!" sabay-sabay naming tugon at tinungga ang alak na nasa mga baso namin."So, Xavier, ilang taon na kayo ni Liandra?" tanong ni Jerome. Bahagyang tumingin muna si Liandra kay Xavier bago sumagot."We are four years of being together." sagot ni Liandra."How come? I mean, nanligaw ba siya sa'yo?""N-no! But we fall in love with each other." Hindi naman halata."Is it true, Xavier?" tanong ni Jerome sa kaniya. But he refused to answer the question. Instead, uminom lang ito ng alak."Of course, it is." sagot ni Liandra."Ikaw Sebastian, did you believe that both of them are in love? Or it's just a one sided love?" Napunta ang atensiyon namin kay Sebastian."Haha wala akong alam diyan. Ang dami ko ng
FATE'S POV Nag sisidatingan na ang mga bisita para sa kaarawan ng anak ko. Childrens party ang ginawa namin dahil gusto kong ma enjoy ni Yuan ang pagkabata niya. May iilan din namang adults ang invited sa party kagaya nina Teacher Aeris, Mr. Collins, Sebastian and some of my employees like Giselle and Jennica. Kasalukuyan ng nag sisimula ang show ng mga clowns at magicians kaya naman busy ang anak ko sa kanonood at halatang nag eenjoy siya. Seeing him happy is enough for me.Mula sa gate ay nakita ko ang sabay-sabay na pagpasok nina Xavier, Sebastian at... Liandra? Bakit siya nandito? Wala akong natatandaan na inimbeta ko siya, ah."Here's a gift for Yuan." Inabot ko naman 'yon."Thank you. Please help yourselves." sabi ko sa kanila at tinungga ang wine na nasa loob ng baso ko."Babe, pakikiha ako ng pagkain. Kaunti lang ha, h'wag mong damihan kasi diet ako." Hindi ko alam pero medyo natawa ako sa kaunti lang daw tapos h'wag damihan. Tsaka bakit kaya hindi nalang siya sumama roon at
"Mr. Collins what are you doing here? Tapos na ang office hour 'diba?" tanong ni Ashley ng makita ang pagpasok ni Xavier sa loob ng kaniyang opisina. Kasalukuyan na siyang nag liligpit ng mga gamit niya."Since our partnership was successful, why don't we celebrate?" pag-aaya nito sa kaniya."Medyo busy kasi ako. Malapit na ang birthday ni Yuan. Ikaw, baka gusto mong sumama sa bahay kung wala kang gagawin. Siguradong matutuwa si Yuan.""That's a good idea." sagot nito at hinintay na matapos si Ashley sa ginagawa niya. Pagkatapos ay sabay na silang lumabas sa kompanya. Hindi naman sila nakaligtas sa mga mata ng iilan."Boss", tawag ni Sebastian"I'll be with Ms. Cuevas." Tiningnan naman siya ni Sebastian na puno ng pagtataka. Ilang segundo lang ay ngumiti ito dahil sa naiisip."Go home." utos sa kaniya ni Xavier."Boss saan ka—"Her house." tipid nitong sagot at iniwan nila si Sebastian na nakangiti pa rin.Dumiretso sila sa sasakyan ni Fate."Good evening madam, good evening Mr... ano
Lumipas ang mga araw at tinutupad nga ni Jericho ang kaniyang mga pangako. Kapag nag mamaneho ito ay puno ng ingat. Minsan ay nag pepresenta rin ito na maglinis ng bakuran o 'di kaya ay mag trim ng mga halaman sa kanila. Tinupad rin ni Ashley ang kaniyang sinabi na tutulungan niya ito sa operasiyon ng kaniyang ina. Bukas na ang itinakdang araw para sa operasiyon. Galing pa sa ibang bansa ang mga Doctor at nurses na gagamot dito. Naka enrolled na rin ang kaniyang ama sa TESDA at kasalukuyang umaattend na sa training. Sinigurado niya rin na pagkatapos nito mag-aral ay siguradong may papasukan na siyang trabaho. Samantala ang dalawa niyang mga kapatid ay nag-aaral din ng mabuti. Ipinakita nga rin sa kaniya ang mga grado ng mga ito at sobra siyang natuwa dahil with highest honor ang dalawa. Sa tingin niya ay hindi nga siya nagkamali ng tinulungan. God sent Jericho to save him and now, he's using her to save Jericho and his family. God really moves in mysterious.Sa mga nagdaang mga araw a
THIRD PERSON'S POVKinabukasan...Sa kabila ng nangyari kay Fate ay maaga pa rin siyang pumasok sa opisina. Hindi lang dahil sa may inaasahan siyang bisita kun'di may meeting din siya sa mga investors nila na kailangan paghandaan. Paniguradong pupunta rin si Xavier dahil kasali siya sa proyekto ng kompanya."Good morning Ms. Cuevas!""Good morning ma'am Ashley!""Magandang umaga madam!"Bati sa kaniya ng mga empleyadong nadadaan niya. Dumiretso siya sa kaniyang opisina at agad na inihanda ang kaniyang computer. Binuksan din niya ang laptop na dala-dala niya para e transfer ang mga files sa computer. Bago mag simula ay tinanggal niya muna ang sapatos niya; medyo namamaga pa rin ang kaniyang paa matapos ang nangyari kahapon. Advised ng Doctor sa kaniya ay h'wag munang pumasok at mag pahinga muna sa bahay subalit hindi talaga siya mapakali kapag manatili lang siya roon lalo na't pupunta ang mga investors ngayon.Nalilibang siya sa pag titipa sa kaniyang computer ng marinig niyang may tum