CHAPTER 2910 P. M. na nang magising si Frances. Kahit ganoon na siya ka-late nagising ay naramdaman pa rin niya ang bigat sa kaniyang katawan. Magkakasakit pa nga siguro yata siya. Kahit ganoon man ay pinilit na lamang niyang bumangon. Naisip din niyang kung magpapatuloy siya sa pagmumokmok at damdamin ng husto ang pagkakaroon niya ng amnesia ay wala ring mangyayari.Umupo muna siya sa paanan ng kama. She caresses her tommy. She looked at it.“I’m sorry, baby. I made you sick,” sabi niya dito. Muli niya itong hinamas-himas.Pumunta na siya sa kusina para maibsan ang gutom na kaniyang naramdaman. Nag-alala rin kasi siya ng sobra sa kaniyang baby. Bagaman wala pa man siya sa kusina ay may naamoy na siyang pagkain. It smells good, really. Pero ang pinagtataka niya ay kung sino ang nagluto. Siya lang naman ang nag-iisa rito.Kumuha siya ng maaari niyang paghapas sa kung sino man ang nag-tresspasing sa bahay niya. Hindi siya nag-ingay. Nang matunton niya ang kusina at makita ang likod ng
CHAPTER 30CHESCKA is finally back. She is finally back in the Philippines. Ang dahilan ng kaniyang pagbabalik? Wala namang mas importante pa sa panggugulo sa buhay ni Jony. After what Jony did to her, kailangang maghiganti. Nothing else close to that. Hindi niya ito titigilan. Well, in matter of fact, she is happy. Lalo na siya ang dahilan no’n kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkabalik si Jony at Frances. She knew it. May binayaran siyang tao para alamin ang buhay ng mga ito. Ngayon nandito ulit siya sa Pilipinas ay hindi niya hahayaang magkabalikan ang dalawa. Sa nalalaman din niyang impormasyon ay mayroong amnesia si Frances. And that’s great to start her revenge. Yes. It is called revenge. Dahil sinaktan siya ni Jony ng sobra.“Hindi matatahimik ang buhay niyo,” litanya niya. Nakalabas na siya ng Manila International Airport. At pa lihim siyang ngumiti.Oo. Gumastos ng malaking pera si Chescka para lang dito. Hindi niya sa matanggap ang ginawa ni Jony sa kaniya marami
CHAPTER 31NASA salas lang si Frances buong maghapon. Hinintay niya si Jony na dumating sa kaniyang bahay. Pero ilang oras na ang lumipas at malapit na rin ang pagsapit ng gabi ay hindi pa rin ito dumating.Kahit papaano ay nakaramdam naman siya ng kaba baka ay hindi nito natanggap ang kaniyang text. Gayunpaman, ayos lang din sa kaniya na ipagbukas na lang ang pag-uusap nila dahil malapit na rin namang gabi. Baka ay bisi ito sa kung ano man ang trabaho nito. Wala siyang magagawa kung ganoon nga. Liban na lang kung umiwas na ito sa kaniya dahil noon pa man ay may nagawa na siya nitong bagay na maaaring ikakaiwas nito sa kaniya.Napatigil si Frances nang marealize niya iyon. Bakit parang gusto pa niyang nandito ito? Kunsabagay, kailangan niya si Jony dahil marami pa naman siyang itanong dito. Marami pa rin ang bumabagabag sa kaniyang isipan. Ang nais niyang mangyari ay maliwanagan sa lahat kahit wala pa siyang maalala sa nakaraan niya.Dahil hindi siya nawalan ng pag-asang dadating din
CHAPTER 32RAMDAM NA RAMDAM ni Frances ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa ni Jony nang makaupo na kaagad ito sa upuan.Tumitig siya dito. Ganoon din ito.“I don’t know where should I start,” sabi nito, halata sa boses ni Jony ang nerbyos.Hindi rin niya alam kung paano ba ito. Kung dapat ba siya itong magtanong. It leaves her to not to speak. “Ah, yeah. I know,” sabi nito na parang alam na kaagad kung saan magsisimula. “Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula, itong amnesia mo,” panimula sa paliwanag nito.She just stayed still. Hindi na siya nakatitig dito. Gusto lang niyang makinig.Pero habang hindi pa nito nasundan ang sasabihin nito ay may nag-pop up na tanong sa kaniyang isipan“Bakit nga ba tayo nagkahiwalay? Kung totoo nga ba tayong mag-asawa no’n. Ano ang nangyari, Jony?” aniya. It was an intriguing question that leaves horror on his face.Jony did not speak quickly. Nakikita niya sa mukha nito na kung sasabihin nito ang totoong sagot, ikakawindang niya iyon. Bagaman sa k
CHAPTER 33APAT NA araw na ang lumipas. Sinabihan ni Frances si Jony na huwag na muna itong pumunta sa kaniyang bahay dahil ayaw niyang nakikita niya ito. Ayaw niyang kapag nakita niya ito ay iiyak siya at maalala lang niya ang journal, photo album, at ang mga dahilan kung bakit sila naghiwalay. Wala siyang magawa kundi sundin ang gusto niyang mangyari dahil ayaw niyang mapabayaan niya ang kaniyang kalusugan dahil baka ano pa ang mangyari sa kaniya at sa kaniyang dinadala sa sinapupunan. Alam naman niyang makakatulong sa kaniya si Jony, pero hindi na muna ngayon. She knew it took enough time. Sa ngayon, aalahanin na muna niya ang kaniyang sarili. Sa loob ng kaniyang bahay, nagbisi-bisihan siya para makalimutan ang dahilan ng kaniyang pagkalungkot. Nagawa na niyang linisin ang buo niyang bahay, manuod ng telebisyon, mag-scroll sa mga social media account niya, mag-reach out sa kaniyang kaibigan, at kumain nang kumain.Nababagot na rin siya sa paulit-ulit na pangyayaring iyon sa ka
CHAPTER 34NASA salas na silang dalawa ay hindi pa rin makapaniwala si Frances sa sinabi ni Jony sa kaniya. Anibersaryo nila ngayong araw? Kaya ba ay naka-tuxedo ito? Kaya ba dahil binigyan siya ng bulaklak. Bagaman hindi niya alam kung maniniwala talaga siya. “Alam kung mahirap paniwalaan na anibersaryo nating dalawa ngayon pero iyon ang totoo. Kaya din ay natagalan ako ng kaunti dahil may sorpresa rin ako sa ‘yo,” paliwanag nito kanina nang makaupo na sila.Magkaharap silang dalawa ngayon na tahimik lang. Ngunit hindi pa man magsawa sila sa katahimikang namamayani ay nagsalita Jony.“Tungkol do’n nagpapadala ng misteryosong mga mensahe sa ‘yo?” tanong nito. Gusto niyang magsumbong dito. Gusto niyang makinig ito sa kaniya patungkol do’n. Pero nahihiya siyang gawin iyon.“Hindi pa rin ba tumigil?” muling tanong nito dahil hindi siya nakasagot.Hawak niya sa kaliwang bahagi ng kamay ang ibinigay nitong bulaklak. Kung magpapatuloy lang siya sa pananahimik ay mawawalan ng sa
WALANG mapagpipilian si Frances kundi ang manatili sa hospital nang ilang araw. Pinaliwanag ng private doctor niya na hindi siya dapat ma-stress at mag-alala. Naintindihan niya naman ang sinabi nito dahil para sa kaniyang kasulusugan at sa kaniyang anak.Pero kahit hindi niya isipin ang malungkot ay kusang nararamdaman niya iyon. She could not move on from what Lyka’s tragedy. Nahihirapan siyang hindi mag-alala sa kung ano na ang nangyari sa labas ng hospital.Umupo siya sa gilid ng kama. Hinanap niya si Jony. Hindi niya mahagilap ito. Kusa niyang kinuha ang orange sa table na katabi lang ng kama niya. Pagkatapos niyang balatan ay bumalik siya sa paghiga. Kinuha niya sa tabi niya ang cell phone. Nag-text siya kay Jony.“Busy ka ba?” text niya dito.Hindi na niya hinintay ang reply nito. Nag-scroll siya sa music playlist niya. Una niyang pinatunog ang paborito niyang kanta. Nilakasan niya ang volume ng music. Binalik niya ito sa tabi niya.Bumuntonghininga si Frances. She realized some
Chapter 36 MATAPOS magpaalam si Maxwell kay Frances ay saka lang din siya nakaramdam ng relief. Bawat minutong lumilipas ay ang kagustuhan niyang umalis na kaagad ito. Mabuti na lang talaga ay hindi ito nagtagal. Hindi rin naman nagtagal si Maxwell kaya mabuti na rin iyon dahil hindi niya gustong makita ito. Iyon ang totoo. At isa pa, nagtataka siya kung bakit nandito ito. Ayaw niyang malaman ang rason nito at ayaw niya ding masundan pa ang pagbisita nito. Hindi naman siya galit sa lalaki. Hindi lang talaga siya komportable. Lalo pa na anak nito ang ipinagbubuntis niya. Sa isip niya, alam siguro ni Maxwell na anak nito ang nasa sinapupunan niya. Sana nga lang ay hindi para hindi na siya ng ikakaproblema niya. That will be hard to deal with. Habang kinakausap siya nito kanina, hindi nag-si-sink in sa utak niya ang mga salitang lumalabas sa bibig nito. Wala naman itong proper connection sa kaniya. Wala rin itong alam tungkol sa kanilang anak. It made her think deeply. Again. Sa ilang
CHAPTER 48NAGMADALI siyang pumasok at nagtanong sa nurse kung saan dinala si Jony. Ngunit biglang gumuho ang kanyang mundo ng sinabi ng nurse na na morgue daw ang katawan ni Jony. Nasampal pa niya ang nurse dahil niloloko lang siya nito. Mabilis niyang tinunton ang morgue. Sa oras na makompirma niyang wala sa morgue ang katawan ni Jony papatayin niya ang nurse na iyon. Mula sa sulok ng morgue ay may kaisa-isahang patay na katawan. Kasing haba ito ni Jony. Ayaw niya sana itong tingnan pero parang may tumulak sa kanya para tingnan ito. “Jony?” hindi makapaniwalang sambit niya. Ngunit sa pagbukas niya sa kumot na nakatuklob nito ay hindi si Jony ang nakita niya.Nasaan si Jony?Pabaling-baling si Frances sa loob ng morgue. Wala siya ni isang makitang katawan ni Jony.Tila naguguluhan siyan. Saan si Jony? Kung patay na ito, bakit wala rito?“Sino’ng hinahanap mo?” Isang malamig na boses ang kanyang narinig mula sa kanyang likuran pero alam na alam niya kung kanino iyon galing
CHAPTER 47MAGKATABI silang dalawa at magkaharap. Titig na titig sila sa isa’t isa. “About yesterday night, is that true?” malumanay ang pagkakatanong niya dito.She would listen to everything he needed to explain. Iyon ang nakikita niyang paraan para maliwanagan siya sa lahat na nangyari kahapon. “No, that woman!” tila galit ito. “Hindi ko alam ang mga pinagsasabi no’n, hindi ko siya asawa. Kailanman ay hindi ako nagpakasal sa kaniya. Sa ’yo lang ako nagpakasal,” saad nito. Hinawakan ang kamay ni Frances.Hindi siya umalma. Sa naririnig niyang litanya mula rito, alam niyang sensero ito. “Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa ’yo. Nasaktan ako at hindi ko alam kung totoo iyon,” yumuko siya at ang luha ay pinipigilan na tumulo. Nais niya i-test ang asawa. Sana nga lang ay magiging successful ito. “Nasaktan ako ng sobra. Bawat nalalaman ko ay sumasampal sa akin at parang paniniwalaan ko na ito.” Tumingin siya kay Jony.“I love you Jony but sometimes kailangan kong m
CHAPTER 46HINDI alam ni Frances kung paano niya pahupain ang galit na namumutawi sa kaniyang katawan. Paanong naloko na naman siya ng kaniyang asawa? At bakit? Habang iniisip ang mga bagay na iyon ay dumaos-os sa mata niya ang mga luha. Ang luha na noon din ay kaniyang nailabas; noong niloko at pinagtaksilan siya ng kaniyang asawa at ng kaniyang matalik na kaibigan. Kahit hindi niya maalala iyon, parang ngayon, dito sa loob ng kaniyang bahay ay naramdaman na lamang niya iyon. Gusto niyang hindi umiyak pero kapag naisip niya ang nangyari ay parang may sariling buhay ang mga luha niya. Ang akala niya’y tapos na ang problemang iyon. Hindi pa pala. Akala niya’y magiging masaya na siyang muli sa piling ng asawa. Nais siya at galit. “Manloloko ka talaga!” hinampas niya ang unan habang patuloy sa pag-iyak. “Akala ko mahal mo talaga ako!” parang naghihinayang siya na muli niyang pinagbigyan si Jony. Sinubsob niya ang mukha sa unan at umiyak nang umiyak. Para siyang binaril sa puso. N
CHAPTER 45MASKI si Frances ay nagulat sa kaniyang ginawang pagsampal kay Jony bagaman dahil lamang iyon sa hindi siya makapaniwalang magagawa ito ni Jony sa kaniya. Hindi naman talaga siya ganitong klaseng tao na gusto ang sinosorpresa ng ibang tao. Pero hindi niya naman masisisi si Jony sa ginawa nito. Nais lang nitong pasiyahin siya sa effort nito. She would not deny it at all. Nagustuhan naman niya ang sorpresa nito. Sa una lang talaga hindi dahil sa ginawa nitong paraan sa sopresa nito. Hindi niya mapigil ang kaniyang sarili na maantig sa ginawa nitong sorpresa sa kaniya.But now, she guessed she loved him. Ito na yata ang hudyat na muli niyang minahal ang kaniyang asawa kahit pa na hindi niya pa naalala ang lahat. Hindi man niya pa ito naalala, ngayon, sa kaniyang harapan ay masasabi niyang napatunayan ni Jony na mahal na niya ulit ito. Napatunayan nito na may hanggan ang paghihintay nitong muli sa kaniyang muling pagmamahal. Siguro sapat na rin para sabihin kay Jony na mahal
Chapter 44WALANG NAGAWA si Frances kundi ang sumama na lang sa mga lapastangan na mga pulis. Habang nasa loob sila ng kotse, panay ang kaniyang iyak. Iniisip din niya kung pa’no ito nangyari sa kaniya.Nais niyang tumawag kay Jony. Nais niyang ipagbigay alam dito na may mga pulis na kumuha sa kaniyang hindi niya alam kung nagsasabi ba ang mga ito ng totoo. Kinakabahan na rin siya. Baka ay mangyari na naman ang nangyari sa kaniya noon. Baka ay kagagawan na naman ito ng sino man may galit sa kaniya.“Palawalan niyo na nga ako!” aniyang sigaw.Tila naman parang walang narinig ang mga ito.“Hindi niyo ba ako naririnig?” galit niyang sabi. Hindi niya alam kung paano na ito.Ilang sandali ang lumipas, bumaling sa kaniya ang isang pulis. “Sa presinto na kayo magpaliwanag, ma’am. Nandoon na rin ang may ari ng lupa at bahay.”Dahil sa sagot ng mga pulis ay mas lalo siyang napaiyak. Magkahalong iyak at galit ang kaniyang naramdaman na parang hindi yata mawawala sa kaniyang katawan kung
Chapter 43TATLONG araw na ang lumipas ay patuloy pa rin ang pagbabantay ni Jony sa wala pang malay na katawan ni Frances. Hindi siya kampante sa paglipas ng mga oras.Sabi ng doktor sa kaniya na binigyan muna ng sleeping pill si Frances para tuluyang makapagpahinga ito kahit papaano. Dahil sa desisyon ng doktor, hindi na siya umalma dahil alam niyang ikakabuti iyon ni Frances. Panay din ang kaniyang bantay sa cell phone sakaling may update na galing sa kaniyang attorney. Dalawang araw na rin kasing hindi nag-update sa kaniya ang mga ito. Baka ay napano na at hindi niya alam ang pangyayari.Umupo siya sa sofa. Gusto niyang lumabas pero ayaw naman niyang gawin iyon dahil baka may mangyayari na namang masama kay Frances kapag wala siya. Kaya minamabuti na lamang niyang huwag nang lumabas.Habang bisi si Jony sa kaniyang cell phone, hindi niya napansin ang paggising ni Frances. NAGISING si Frances na para bang may malaking nawala sa kaniya. Humagod ang kaniyang tingin sa buong pali
Chapter 42NAGULAT si Jony sa kaniyang natanggap na tawag mula sa hospital kung nasaan si Frances. Hindi pa man siya tuluyang nakapasok sa kuwarto ay iyon kaagad ang kaniyang natanggap.Napabalik siya sa salas. Dumiretso ng upo sa sofa at tinanong kung ano ang nangyari. Tinanong niya din kaagad kung may problema bang kay Frances o ayos lang ito sa silid.“I would like to know th—” natigil siya.Sa kaniyang narinig mula sa kabilang linya ay umapaw sa kaniyang puso ang sobrang galit. “What? Hindi niyo binantayan ng husto ang asawa ko?” gusto niyang pag-uumpugin ang mga ulo nito. “Paanong may nakapasok diyan na mga tao at pati kayo ay nabugbog din?” Gusto ni Jony na barilin na lang din ang dalawang pulis. Matapos ang tawag, inihagis niya sa lamesa ang cell phone ng padabog.Saglit lang din ay kinuha niya ito, tumawag siya sa attorney niya para gawin na kaagad ang kanilang plano.Matapos siyang tumawag tumungo siya sa hospital. Hindi klaro sa detalyeng ibinigay ng taga-hospital a
Chapter 41NAIWANG nakatulala lamang si Frances sa silid na iyon pagkatapos siyang asikasuhin ng mga nurse. Wala sa isip niya ang magpatuloy pa sa araw na ito.Para saan pa? Wala nang saya ang naramdaman ng kaniyang puso. Mula pa noong nalaman niyang wala ang kaniyang anak, tila nawala na rin ang buong buhay niya. All of her strength, wala na. Hindi niya alam kung saan pa siya kukuha ng lakas ng loob. Nakatulala lang siya. Naghalu-halo sa kaniyang isip ang lahat. Pati kung ano nangyari kay Jony. Bakit kay bilis mangyari ang lahat? Sino ang may gawa nito? She wanted to be heard. Gusto niyang sumigaw nang sumigaw. Iiyak na parang walang bukas. Galit siya sa kaniyang sarili for not being a good mother to her baby. Sinisisi niya ang sarili. Natatakot siyang mangyayari ulit sa kaniya. Ang daming mga bagay ang bumabagabag sa kaniya. Dahil sa wala siyang alam kung ano ang gawin, nakatulala na lamang siya. Sa isang iglap lang, tumulo ang kaniyang mga luha. Hinihimas-himas niya ang kaniya
CHAPTER 40YUMAYAKAP kay Jony ang lamig sa buo niyang katawan. Tuluyang nagising siya dahil sa wala na pala siya pinanggalingan niya. Wala na ring piring ang kaniyang mga mata. Kaya inilibot ng kaniyang paningin ang buong paligid. Sa kaniyang nasaksihan, nasa isang liblib siyang lugar. Nasa gitna siya ng daan. Doon lang din niya namalayan na nakahubo at hubad pala siya. Minamadali ni Jony na tumayo para umalis sa gitna ng daan. Bunaling-baling siya sa kahit saan, nagbabasakaling may makatulong sa kaniya. Pero wala siyang makita. Ngayon, alam na ni Jony kung sino ang may gawa ng bagay na ito sa kaniya at kay Frances. Talagang pagsisisihan nito ang lahat.“Hindi ko kayo titigilan!” aniya, sumigaw siya ng malakas sa lugar na iyon. Hanggang sa, mula sa malayo pa, nakikita ni Jony ang isang kotseng patungo sa kaniyang direksyon. Kaagad siyang naalarma. Kailangan niyang humingi ng tulong.Pumagitna ulit si Jony sa daan. Kinaway-kaway niya ang kaniyang kamay sa ere. Wala siyang pakiala