Share

Chapter 1: Meeting the Other Characters

  "Sumi's POV"

"Sumi."

I smiled then faced her. 

Jellah! My best of friend.

Jellah Marie Augustus.

18 years of age.

Grade 12 student.

Strong type.

Party destroyer and also a b*tch defeater.

She hates party.

Whenever she sees people having fun, she destroys their party.

When you say Killjoy that's her.

"I've missed you."

'Whew'

"Yeah! I've missed you too. Cuz you know, we haven't seen each other for a week." I said sarcastically. And as usual, she didn't get it.

"Luh! Nagkita kaya tayo kahapon. Araw araw nga tayong nagkikita e." I just rolled my eyes at her. Of course araw-araw talaga kaming magkikita, we stays in a one condo.

Napailing na lang ako dahil sa pagiging high niya.

I forgot to include, may pagkaslow din pala ang kaibigan kong to.

But still, I love her.

Duh! Baka mamaya isipin ninyo, babae type ko ah! Nahhh! I just love her, since siya lang ang totoo kong kaibigan dito sa La Llera University.

La Llera University.

A school for warfreak people. Basta lahat ng taong mas lamang ang negative kesa positive side ay napapadpad sa paaralan na to.

There are four different kind of students here.

Strong, weak, b*tch and king/ queen type.

Strong type.

Sila yung mga palaban na tao. 

Obviously, me and Jellah are one of the strong type.

Weak type.

Palaging nabubully at minsan nagtatapang-tapangan na lang, pero madalas kaawa awa talaga sila.

But no one dares to care, tho. Pero minsan nakikisali na kami kapag naaawa na talaga kami.

B*tch type.

Sila yung mga b*tches na pagala-gala sa school na to.

One example is Heleyra. Meron pang dalawa. Makikilala ninyo din mamaya.

King/Queen Type.

Sila yung naghahari-harian sa paaralan na to.

Since patapong school nga to dahil patapon din ang mga estudyante, hindi na nakikialam pa ang mga guro. Takot malamang.

"Tara sa canteen." 

As usual, nagpahila na naman ako sa kanya.

Pagdating sa canteen, naabutan naming nagkakagulo.

Wala na bang bago? 

Psh!

"Ayan na naman sila! Mga warfreak talaga." Iiling-iling na sabi ni Jellah.

Napatingin ako sa dalawang babaeng nagkakagulo.

Trisha Aina Canete.

19 years of age.

1st year college.

B*tch #2.

Warfreak.

Loves war and fighting.

Pikonin.

Napatingin ako sa babaeng kaaway niya.

Angela Grace Libay.

19 years of age.

1st year college.

Isa pang warfreak.

Mahilig mang asar.

Kahit sino pinapatulan, walang inuurungan.

"Hay naku! Malamang nang asar na naman tong si Angela at ito namang si Trisha ay pikunin, ayun napikon," maya-maya'y bulong sakin ni Jellah.

"Ano pa nga bang aasahan mo? E, kaya nga sobrang nababagay ang mga b*tches sa paaralan na to e," yamot kong sagot.

"Kaya nga nagtataka ako, kung anong ginagawa natin dito e."

Napatingin siya sakin ng taasan ko siya ng kilay.

"H-hahaha," awkard siyang napatawa. "Oo nga pala. Patapon na rin yung buhay natin kaya tayo nandi----" agad siyang napatigil nang mas samaan ko siya ng tingin.

Napako ang paningin ko sa ngayo'y nagtatalo pa ring mga b*tches.

"Mang aagaw ka," sigaw ni Trisha.

"Ha! Mang aagaw? E, napikon ka lang kaya ka ganyan e. Pinanindigan mo talaga ang pagiging pikunin mo no?" pang aasar naman ni Angela sa kanya.

"Dahil nakakaasar ka na at ang mga biro mo, hindi na maganda." 

"Syempre! Hindi biro ko ang maganda, kundi ako mismo."

"Ah! Talaga! Pwes, sisiguraduhin kong mawawala na yang ganda mo."

At mas lalo na silang nagkagulo.

"Naku awatin ninyo."

"Wala ba talagang aawat diyan?"

"Hayaan ninyo nga sila magpatayang dalawa."

"Venus, kanino ka?"

"Kay Angela ako, ikaw ba Lexa?"

"Kay Trisha syempre."

"Naku pikunin naman yang bias mo."

"Kesa naman sa'yo, mahilig mang asar."

At tulad ng kanilang mga bias, nagkagulo din ang dalawa.

"Hay! Stup*d life" napapailing na si Jellah.

"What do you expect? Their life are mess and so this school."

"Pero iba pa rin tayo sa kanila no!" 

Binigyan ko lang siya ng nagtatakang tingin.

"For some, maybe patapon ang buhay natin. But we both know, na hindi ganun yun. We have a different reason kaya tayo nandito sa patapong school na to."

"Yeah right!" tanging nasabi ko na lang dahil ayaw kong maungkat pa ang nakaraan.

Mabilis na lumipas ang oras at hapon na. Uwian na rin.

"Condo na ba tayo ngayon?" tanong ni Jellah.

Kasalukuyan na kaming dalawa nasa parking lot ngayon habang nagsusuot ng helmet.

We're riding our own motor. Pink yung sakin, while yellow ang sa kanya.

"Mauna ka na don. May dadaanan muna ako."

"Okay," at nauna na siyang umalis.

We headed in an opposite way.

I directly went to kuya Carl's bar.

Friday naman ngayon at walang pasok bukas.

He's not really my kuya, but my cousin.

Nang makarating doon ay sinalubong niya agad ako ng yakap.

"I've missed you, Glay," saka ginulo ang buhok ko.

"Wag mo ngang guluhin, kuya."

Tumawa siya. "Hindi na kailangang guluhin, kasi magulo na. Kaskasera ka talaga kahit kailan. Kawawa naman si Bunny," tukoy niya sa motor ko. Bunny kasi ang pinangalan ko dito.

Napailing na lang ako.

Nagpaalam siya saglit dahil marami daw customers.

Carl Martin Perez.

22 years old.

One of my favorite cousin.

Mahilig mang asar at madalas ding mangprank.

At ako ang madalas niya kung biktimahin.

I remember one time, sobrang seryoso nang usapan namin.

Pinag usapan kasi namin ang pang iiwan sa kanya ni Ate Bella 'kuno.' 

Dahil iyak siya ng iyak, napaniwala ako. 

Yun pala, prank lang.

Psh!

Speaking of...

Agad kong natanawan ang nakangiting si ate Bella.

Kumaway siya nang makita ako at nakangiting lumapit.

Bella Gail Santiago.

22 years of age.

Kuya Carl's Ultimate Girl for six consecutive years.

Akalain mo yun, mula highchool hanggang ngayong pareho na silang may trabaho.

Dalawang taon na silang graduate habang kami ay naextend pa sa high school dahil sa K-12.

Graduating na kami sa highschool this year.

"Hi Glay. Andiyan ba pinsan mo?" 

I smiled. "Yes ate! Mukhang abala dahil maraming customers ngayon."

"Tara. Kwentuhan muna tayo."

Naupo kami sa dalawang bakanteng upuan.

May dumaang waiter at sinabi lang namin ang order namin.

Gustuhin man naming si kuya ang magserve, sigurado namang busy yun kaya si kuya Boy na lang ang nagserve sa amin.

Marami kaming napagkwentuhan ni ate Bella.

Kung ano-ano na nga at napunta pa kami sa kapatid niya.

"Matagal ko nang nababanggit ang kapatid ko sa'yo pero hanggang ngayon hindi mo pa rin siya namemeet," nakangusong sabi niya.

Napangiti na lang ako.

"Makikilala ko din naman yan ate."

"I think you're right. Lilipat na siya sa school mo this coming monday."

Nanlaki ang mata ko.

"Ate, you know what kind of school our school is. Bakit dun ninyo pa siya paaaralin?" mahinahong tanong ko.

I do respect people, pero yung mga respectful lang syempre.

Natawa siya sa sinabi ko.

"He deserves to be in your school para na din tumino siya."

"Baka mas lalo lang po yung lumala." 

"Haha. Don't worry, I know you can handle him," then she winked.

Matapos naming mag usap ay nanatili pa ako dun ng ilang oras saka nagpaalam.

After a few minutes ay nakarating na din ako sa condong tinutuluyan namin ni Jellah.

"Inabutan ka ata ng dalawang oras sa labas," sarkastikong salubong sakin ni Jellah pagkarating ko.

Napatingin ako sa orasan. 7:00 pm.

Napakatiming ko naman talaga oh!

"Nagluto na ako, since alam kong tatamarin ka na naman sa pagluto."

Habang kumakain ay panay din ang kwentuhan namin.

Nakwento ko sa kanya ang mga napag usapan namin nina kuya Carl at ate Bella.

"Sayang! Sana sinabi mo na doon ka pupunta, edi sana sumama na ako," pagmamaktol niya.

"Nabanggit kong babalik ako dun bukas kaya sumama ka."

Biglang nagningning ang mga mata niya.

Kinabukasan nga ay bumalik kami sa Bar ni kuya.

'Martz Bar Greeze' ang pangalan ng kanilang bar.

"Hi Jellah. Buti sumama ka." 

Binati siya nina kuya at ate pagkarating namin.

"Opo! Bored po kasi sa condo."

Ang dami naming napag usapang apat. Dito na din kami kakain, since mapilit ang magjowa at hindi namin tinatanggihan ang grasya. Haha.

"Magkaklase kayo ni Glay diba?"

Napatango si Jellah sa tanong sa kanya ni ate Bella. Glay kasi talaga ang tawag nina ate at kuya sa akin.

"Nabanggit ko sa kanyang lilipat sa school ninyo ang kapatid ko sa lunes."

"Oo nga po! Salbahe din ba ang ugali nun, ate?" natatawang tanong ni Jellah at napatawa naman silang dalawa ni kuya.

"Sobra," si kuya ang sumagot. "At siguradong magkakasundo kayo nun," dagdag niya habang nasa akin ang paningin.

Natatawa na animo'y nakikilig si ate Bella.

"Bagay din kayo. Pogi din yun e." 

Napailing na lang ako sa panunukso nila.

Maging si Jellah ay nakisali na rin.

Masayang natapos ang araw na yun. Tumulong din kami at dahil sabado ngayon, mas dumami ang customers. Nagsisimula kasing dumami ang customers tuwing friday nang gabi at humihina tuwing linggo ng hapon, since may pasok kinabukasan.

Binigyan nila kami ng pera dahil daw sa pagtulong namin. Tinanggihan namin nung una pero dahil mapilit sila at dahil masamang tanggihan ang grasya, wala kaming choice kundi ang tanggapin na lang ito.

Nasa condo na kami ngayon. Sina Jellah ang may ari nito. Niregalo sa kanya nang daddy niya nung debut niya. Kaming dalawa lang ang tumitira dito. Tatlong kwarto ang meron dito pero nagdecide kami na sa isang kwarto na lang kami.

May dalawang master's bedroom naman kaya okay lang. May veranda din, garage, meron ding swimming pool at iba pa.

Tumatagiktik at umaapaw na din ang pera namin sa bangko. Bukod sa pinag ipunan namin ang karamihan dun ay hindi din kami gaanung magasto at dahil pareho kaming mahilig sa arts, pinaganda pa namin lalo ang condo. Kung ano anong designs na ang nilagay namin na sa tingin namin ay babagay at lalong gaganda.

"Mamasyal tayo bukas," nakangiting sabi niya.

"Sige! Goodnight Jellah."

"Goodnight Sumi."

And the room was filled with darkness.

πŸ’€

πŸ’€

πŸ’€

KINABUKASAN.......

Sunday.

Nagising ako sa bango ng amoy na niluluto ni Jellah.

Dahil dun, dali-dali akong naligo at naghanda saka bumaba.

"Good morning. Breakfast ready."

"Goodmorning," nakangiting bati ko.

Maya-maya lang ay nagsimula na din kaming kumain. Napansin ko agad ang suot niya. It's a yellow dress. Simple lang siya na may kunting glitterings design. Para siyang pangparty actually. Nagtataka nga ako kung paano niyang inaayawan ang party, samantalang pangparty naman halos lahat ng damit niya.

"Hindi ka naman niyan excited lumabas?" sarkastikong tanong ko na ikinatawa lang niya.

"Hindi ba halata? Duh!" Tinignan niya ang kanyang suot saka ako inikutan ng mata.

"Dukutin ko mata mo e."

Kunyaring natakot naman siya. "Wag naman! Wala pa akong forever na nahahanap e."

"Dahil walang forever." 

Umakto siyang nasaktan. 

"Grabe! Tagos na tagos ang sakit oh! Umabot dito sakin." Umasta siyang tatayo. "Saan ka?" tanong ko.

Namilog ang mga mata niya. "Kukuha ng ampalaya. Pang umaga mo!"

Namilog din ang mga mata ko.

"You know what? I'm better, not bitter."

"Ewan ko sa'yo! Mag move on ka na kasi."

"Kung ganun lang sana kad-----" she cutted me.

"Edi inamin mo rin?"

"Ang alin?" takang tanong ko.

"Na hindi ka pa nakakamove o----" agad ko siyang pinutol.

"I didn't say that."

"Well, that's how it is to me."

"Well then, it's not my fault kung yan ang nagiging dating sa'yo." I stood up. "Bilisan mo na diyan."

"Kanina pa ako ready. Ikaw na lang ang hinihintay ko."

"Okay."

Saka ko tinungo ang kwarto at maya-maya lang ay papunta na kaming mall.

Hindi naman big deal samin ang kanina. Sanay na kami sa ugali ng isa't isa. Saulo na nga namin ultimong pag ikot ng bituka ng bawat isa. We're friends since grade school.

Nang makarating sa mall, agad naglikot ang mata ni Jellah.

"Ano ba yan? Wala bang pogi dito?" pagmamaktol niya.

Napailing na lang ako.

"Maghahanap muna ako ng iba pang pwedeng gawing designs sa condo. Mag ikot ikot ka muna diyan," tumango lang siya sa sinabi ko.

We separated.

I went to a boutique. Hindi naman ako nahirapan dahil nahanap ko agad ang ilan sa mga hinahanap ko. After I pay, I went out of boutique and dialed Jellah's number.

["Bathroom muna ako then, babalik na ako diyan."]

"Okay," then I hang up.

Natanawan ko na si Jellah kaya naman naglakad na ako patungo sa kanya.

Pero sa kamalas-malasan.

Nahulog yung mga binili ko dahil sa isang lalaking nakabangga ko or should I say binangga ako.

"What the hell is your problem?" Inis na sabi ko habang pinupulot ang mga nalaglag sa gamit ko.

Natanawan ko sa di kalayuan si Jellah na tumatakbo papunta sa gawi ko pero sa halip na pansinin, tinuon ko sa lalaki ang paningin ko.

βŠ™οΉβŠ™

S-------h*t! Ang gwap--------

"Wag ka kasing tanga, miss."

Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko.

"What did you just say?" nanggagalaiting tanong ko. Ngayon ay katabi ko na talaga si Jellah.

"I said, don't be stup*d!" Ha! What the h*ck? 

"E, kung hindi ka ba naman isa't kalahating tanga. Ikaw yung bumangga sakin e. Kahit anong iwas ko, kung sasadyain mo ang pagbangga mo, hindi ako makakaiwas."

"Ha! Look what you did to me!" galit niyang sigaw sa mismong pagmumukha ko saka tinignan ang damit niya na ngayon ay nabuhusan ng whatever ang pangalan. 

"Buti nga sa'yo. Sinadya mo ata talaga yun e," inis na sabi ko.

"Hep! Hep! Hep! Tama na yan! Kayong dalawa naman ang may kasalanan. Magpakumbaba na lang kayong dalawa," biglang awat ni Jellah.

"I'm not done with you." Tinuro nang bastos na lalaki ang dalawang mata niya saka yung akin na parang sinasabing magtutuos pa tayo saka kami nilayasan.

"Kainis yung lalaking yun. Siya na nga itong bumangga sakin e."

"Pero infairness, pogi yun ah!" 

Hindi ako makakontra sa kanya dahil paano kong kakalimutan na natulala pa ako sa kanya kanina.

Psh!

Kawalang gana.

Hindi kami gaanong nagtagal sa mall at hindi rin ako gaanong nag enjoy dahil talagang nabadtrip ako.

"Kainis naman. Nag eenjoy pa nga ako, bigla ka nang nagyaya," nakabusangot na mukha ni Jellah.

"Edi bumalik ka dun." 

"Kung kelan nasa condo na tayo?" sarkastikong tanong niya.

Psh!

Alam naman pala niya, nagrereklamo pa!

"Bakit naman kasi sinira pa nang gwapong yun ang mood mo e," maktol niya.

Napairap na lang ako sa kawalan.

"Babalik lang ang mood ko kapag nakaganti ako sa taong yun."

Napataas ang kilay niya sa sinabi ko.

"So, hahanapin mo ang gwapong yun?"

"Bakit ba gwapo ka nang gwapo diyan?" naaasar kong tanong sa kanya.

"Kasi gwapo naman talaga siya," nakapamewang niya akong hinarap saka tinaasan ng kilay. "Baka kaya hindi tumatalab sa'yo ang pagiging gwapo niya dahil tomboy ka?"

"E, kung upakan kaya kita diyan?" inis kong tanong.

"Kita mo na! Ang hardcore mo talaga!" 

Hindi ko na lang siya pinansin at nagfocus sa pagtingin-tingin sa i*******m account ko.

"Gaganti talaga ako dun kapag nakita ko ulit siya," maya-maya ay yan ang nasabi ko habang nagtitingin tingin nang mga litrato sa i*******m ko.

"Sus! Kunyari ka pa! Gusto mo lang ulit makita ang poging yun e."

Hindi ko siya pinansin. Malamang mang aasar lang yan e.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status