CHAPTER SEVENTY-EIGHT: POPPY’s POV PART II꧁ POPPY ꧂SOBRANG kirot ng ulo ko nang magising ako. Inangat ko ang kamay ko para kapain ang noo ko dahil doon ko nararamdaman ang sakit. May nakapa akong bandage kaya unti-unti akong dumilat. Nang medyo malinaw na ang paningin ko, napansin kong nasa ospital ako base sa ayos ng kuwartong kinaroroonan ko at sa machine na nasa tabi ko. May suwero rin ako sa kamay, habang si Daddy naman ay naabutan kong nakaupo sa upuang nakapuwesto sa gilid ng kama at nadukdok ang kaniyang ulo sa tabi ko.Pilit kong inalala kung ano’ng nangyari at kung bakit ako narito. Nang maalala ko si Faith at Ate Chloe, agad nag-init ang palibot ng mga mata ko at umagos na naman ang luha ko.“Poppy, anak…” Nagising si Daddy sa pag-iyak ko kaya agad siyang nag-angat ng mukha sa ‘kin. “What happened?” Bakas ang pag-aalala sa boses niya habang hawak ang isa kong kamay. “Bakit mo sinaktan ang sarili mo? Tinakot mo ‘ko. Akala ko kung mapapa’no ka na. Ano ba’ng problema?”“D-Dad
CHAPTER SEVENTY-NINE: POPPY’s POV PART III ꧁ POPPY ꧂ Philippines, Lucio Herald’s Birthday Party. UMUWI kami sa bansa nang hindi ako nagsasabi kay Faith dahil sa matinding sama ng loob ko sa kaniya. Hindi na rin kami nag-usap mula nang matanggap ko ang email. May mga pagkakataong tumatawag siya sa ‘kin at nangungumusta, pero hindi ko siya ine-entertain at palagi kong dinadahilan na busy ako. At aaminin ko, sa isang buong buwan na dumistansya ako sa kaniya bago kami bumalik sa bansa, sobrang lungkot ng naging buhay ko. Sobra ko siyang namimiss at hinahanap-hanap ko siya lagi, pero hindi ko alam kung paano siya haharapin dahil masakit pa rin kaya tiniis ko. Pero ngayong gabi sa birthday party ni Daddy ay alam kong muli ko na siyang makakaharap. Ang masakit pa, sa kabila ng sakit na dinulot niya sa ‘kin ay itong araw na ‘to ang hinihintay ko. Gusto ko na siyang makita. Gusto ko nang marinig ang boses niya. Sana lang kayanin ko kapag narito na siya. Lumipas pa ang oras, sa bawat pag
CHAPTER EIGHTY: POPPY's POV PART IV꧁ POPPY ꧂Kinabukasan,After Lucio Herald’s party.TIRIK na tirik na ang araw nang magising ako. Kahit hindi pa naghihilamos at nagsusuklay, agad akong lumabas sa kuwarto at dumiretso sa kusina. Naabutan ko ro’n si Ate Elena, naglilinis. Nang maramdaman niya akong dumating, agad siyang lumingon sa ‘kin.“Oh, gising ka na pala, Poppy. Nanggaling dito ang asawa mo.”Agad akong natigilan at napatitig sa kaniya. “Po? Si Faith po? Nasaan po siya?”“Umalis na.”Bumilis ang tibok ng puso ko at agad akong tumalikod para sana tumakbo palabas at habulin si Faith, nang makapag-usap na kami. Pero agad din akong napigilan sa sinabi ni Ate Elena.“Hindi mo na siya aabutan, Poppy. Kanina pa siya umalis. Magtatatlong oras na.”Laglag ang balikat ko siyang hinarap. “Bakit hindi n’yo po ako ginising?”“Umakyat siya sa kuwarto mo kanina. Akala ko siya na ang manggigising sa ‘yo. Hindi mo ba namalayan?”May panlulumo akong umiling. “Hindi ko po alam. Malalim ang naging
CHAPTER EIGHTY-ONE: LAST PART OF POPPY's POV UP TO PRESENT꧁ POPPY ꧂NARITO muli ako kina Mommy Keycee kahit na alam kong wala rito si Faith. Nabalitaan kong isang linggo na siyang doon naglalagi sa Villasis Park, and again, nag-o-overthink na naman ako. Paano kasama niya ro’n si Ate Chloe?Mukhang nakahalata na rin ang pamilya ni Faith sa sitwasyon namin dahil pansin kong naging malungkot sila nitong nagdaang linggo, mas lalo na si Mommy Keycee. Ganunpaman, hindi nila binubuksan ang usapang ‘yon kahit pa nasa kanila ako, at ‘yon ang ipinagtataka ko. Napapaisip tuloy ako kung ano ang sinabi ni Faith sa kanila at parang wala silang planong komprontahin ako.Pero kahit ano pa man ‘yon, ramdam kong hindi naapektuhan ang relasyon ko sa kanila dahil welcome na welcome pa rin ako rito. Ang totoo nga ay nag-set pa kami ng outing at bukas na ‘yon. Sana lang ay sumama si Faith para maituloy na namin ang pag-uusap.Oo. Kahit ganito ang sitwasyon namin, isinama ko pa rin siya sa bilang noong pin
CHAPTER EIGHTY-TWO: OUTING꧁ POPPY ꧂“F-Faith…”Pareho kaming natulala, bakas din sa mukha niya ang gulat. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito. Sa pagkakaalam ko ay hindi naman siya sasama. ‘Yon ang sab isa ‘kin ni Ate Summer at ang dahilan pa nga nito ay busy siya sa trabaho, kaya hindi na ako nag-expect. Lalo pa at lasing na lasing siya kagabi nang ihatid ko siya sa Villasis Park.‘Teka? ‘Yong suot niya… ‘yon pa ‘yong suot niya kagabi nang ihatid ko siya.’“Poppy…” mahina niyang tawag sa ‘kin, sabay talikod. Ngayon ko lang nalaman na may hila siyang suitcase. “I’m sorry. Dito ako pinapunta ni Summer. Dito raw ang kuwarto ko. I… I didn't know you were here.”‘Si Ate Summer?’ “O-Okay lang. Hindi ko rin alam na ikaw ang darating. T-Tinawagan ko kasi si Ate Summer para humingi ng tulong. Ang sabi niya papunta na siya kaya akala ko siya ang dumating,” nahihiya kong sagot.“You… need help?” tanong niya, nakatalikod pa rin siya sa ‘kin at base sa boses niya, halatang nahihiya rin s
CHAPTER EIGHTY-THREE: OUTING PART II꧁ POPPY ꧂BANDANG alas dies, noong nakapagpahinga na kami matapos kumain ay ‘tsaka kami lumusong sa dagat. Ako, si Ate Summer, Si Tita Baby, Si Sunny at Meng, kami ang magkakasama. Si Mommy Keycee naman at Daddy Ace ay may sariling mundo at medyo malayo sa amin. Ang sweet nila dahil nakasakay pa si Mommy Keycee sa batok ni Daddy Ace.Medyo malayo rin sa amin si Daddylo at Mommyla. Samantalang si Faith, Kuya Hope at Kuya Love naman ang magkaka-bonding. Kahit medyo malayo sila sa amin, nakilala ko pa rin sila base sa kanilang suot. Pare-pareho silang naka-shorts, ngunit si Kuya Hope lang ang walang pang-itaas. Si Kuya Love ay may suot na itim na rash guard, habang si Faith naman ay puting T-shirt. Manipis ‘yon kaya nang mabasa ay bakat na bakat ang katawan niya.Ang saya nila dahil pinagtitripan nila si Kuya Hope. Pinagtutulungan nilang buhatin at ibinabalibag sa tubig. Hindi ko naiwasang pagmasdan si Faith dahil may ngiti na ngayon sa mukha niya. Me
CHAPTER EIGHTY-FOUR: OUTING PART III ꧁ POPPY ꧂ “N-NASAAN si Faith?” naiiyak kong tanong kay Kuya Hope matapos niyang ipaliwanag sa ‘kin na edited ang picture ni Faith at Ate Chloe. Maging ang screenshot na pinakita ko ay sinabi niyang fake rin daw. Ini-orient niya rin ako kung ano ‘yong photoshop dahil hindi ko alam ang tungkol doon nang banggitin niya. “Nasa hotel,” sabi ni Kuya Hope, sabay inabot niya sa ‘kin ang phone ko. “Hindi siya sumamang lumabas pagkakain. Ililipat niya raw ‘yong gamit niya sa room namin ni Andreng.” Pagkasabi niya no’n, hindi na ako nakapagpaalam sa kanila. Ang bilis kong tumakbo palayo, pabalik sa hotel. Natandaan ko naman ang papunta sa room ko at nasa bulsa ko rin naman ang key card ko kaya tinungo ko agad ang elevator. Pagdating ko sa palapag na ‘yon, mabilis kong tinakbo ang room ko at binuksan sa pagbabaka sakaling maabutan ko pa si Faith. Pero wala na siya roon, maging ang suitcase niya ay wala na rin. Siguradong nakalipat na siya sa room ni Kuya H
CHAPTER EIGHTY-FIVE: OUTING PART IV - FIRST REAL KISS✧FAITH ZEICAN LEE✧As I stepped out of the bathroom, the warmth of the shower still lingered on my skin, but it did nothing to calm the unease I felt deep inside. I pulled on a plain white t-shirt and pajama pants, yet the simplicity of the clothes couldn't lighten the heaviness in my chest.Nang igala ko ang tingin sa kuwarto para hanapin si Poppy, nakita ko siya sa balcony, nakatalikod sa ‘kin. Nakasuot na rin siya ng pantulog, pajamas din at mahaba ang manggas ng pang-itaas niya. Kahit nakatalikod siya sa ‘kin at hindi ko nakikita ang mukha niya, ramdam ko ang kaba niya.I knew that feeling all too well—dahil gano’n din ang naramdaman ko kanina nang ako naman ang sumunod na pumasok sa shower room after niya. I had felt the same tension, knowing that tonight would be the first time in a year that we would share the same room, the same bed, after everything that had happened between us.Lumabas ako sa balcony kung nasaan si Poppy—