68Kinabukasan ay wala pa rin siya at para akong tanga na iniisip na paano kung magustuhan niya iyong ka date niya? Nag-ooverthink ako na baka ang sinabi niyang pag-iisapan niya ay ‘yung kung anong kami ngayon? Naninikip ang dibdib ko, pero wala naman ibang pwedeng sisihin doon, kung hindi ako lang, hindi ba?Sa tingin ba niya ayos lang talaga sa’kin ang makita siyang makipagdate sa iba? Sa tingin ba niya ayos lang sa’kin na kahit na ako ang girlfriend niya sa iba siya makikipagdate?Wala ako sa sarili habang iniisip ko ang mga posibleng mangyare. Pati sa kalse ko ay wala na ako sa sarili dahil wala pa akong natatanggap na text o tawag niya galing sa kanya.“Ang sakit pa rin ng ulo ko. Ayoko na uminom,” si Cresia habang naglalakad kami papunta sa Cafeteria. “Kapag ba uminom, pati labi namamaga?” Napasulyap ako sa kanya sa tanong niya.Galing sa pag-iisip ay hindi ko maiwasang mapatawa sa sinabi niya. Mukhang hindi niya maalala na tudo ang paghila niya kay Denver para halikan ito. At a
69Nanginginig ang kamay ko habang sinusubukang tawagan si Yrony. Nagbabakasakali ako na sasagutin niya iyon dahil nasa kanya naman na talaga iyong phone niya, eh. Nakita ko kanina sa letrato na nakuhanan yung phone niya at nasa mesa ito sa tabi niya, so I’m sure na kapag tatawag ako sa kanya, makikita niya iyon.“30 minutes lang ang break natin, Affeya,” malumanay na sambit ni Cresia sa’kin. Imbes na sa cafeteria ako pumunta ay sa rooftop ako tumungo at agad na dinial ang number ni Yrony.“Pwede ka ng mauna, Cresia,” malumanay na sambit ko naman sa kanya nang hindi siya tinitignan. Pinipigilan kong huwag maiyak. Sinubukan kong maging mahinahon at ayokong mag-isip ng kung ano-anu. Gusto ko lang marinig yong boses niiya ngayon.Picture lang naman iyon, eh. Tama, letrato lang naman iyon, walang ibig sabihin lang iyon. Wala lang iyon. Hindi naman sila naghahalikan o ano sa letratong iyun kaya wala lang iyon. Pumunta lang naman siya sa date na iyon kasi inutos ko sa kanya.Ako naman ang n
70Simula noong nagin kami, palagi niyang pinaparamdam sakin na ako lang. Na akin siya at sa kanya ako, pero pagkatapos kong makita ang picture na iyon, hindi ko na maiwasang mapaisip at mapatanong kung totoo ba?Ayokong pagdudahan yung pagmamahal niya sa’kin kasi palagi niya akong pinapasaya at palagi niyang pinaparamdam kung gaano niya ako kamahal. Ginagawa niya lahat para pasayahin ako na isang iyak ko nag lang sa kanya, kinabukasan napawi na iyon kasi nasa harap ko na si papa.Huminga ako ng malalim at subukang kalmahin ang sarili ko sa nakita, pero hindi ko na talaga kayang pakalmahin iyong sarili ko kasi pakiramdam ko na sa simpleng letrato na iyon, naduroga na ako.Biglang sumikip ang dibdib ko at halos mahirapan na sa paghinga. Napahawak pa ako sa dibdib ko at tuluyan kong nalaglag ang phone ko sa sahig dahil hindi ko na mahawakan iyon ng maayos. Kung hindi ako nahawakan at naalalayan ni Cresia ay baka tuluyan na akong mapapaupo sa panghihina ng paa at tuhod ko. Para akong tan
70 Napatitig ako kay papa na hanggang ngayon ay tulog na tulog pa rin at ang tanging machine lang ang nagbibigay buhay sa kanya. Kahit na sabihin nila na malabo na at isang himala na lang ay hinding-hindi pa rin ako titigil na umasa na magigising siya. Kinabukasan ay agad akong pumunta rito sa hospital dahil may pinuntahan ulit si lolo kasama sila Ivo at ang daddy niya. Sa daming bagay at tanong na tumatakbo sa isip ko, mababaliw ako kung mananatili pa roon kaya naisipan kong pumunta na lang dito kahit saglit lang. Sabado ngayon at walang klase. Binilin ni Lolo na huwag muna ako aalis sa bahay, pero gusto ko talagang puntahan si Papa ngayon. Gusto kong makita si papa at kahit na tulog ay gusto kong maglabas ng sama ng loob sa kanya. Napabuntong hininga ako ng malalim at tumayo para ayusin ang bedsheet ni Papa. Sira na ang phone ko kaya hindi ko alam kung nag text ba o tumawag din kalaunan si Yrony sa’kin. Hindi ko din naman tinignan ang laptop ko para mag online sa social media acc
“Ano pong ibig niyong sabihin?” Tanong ko at patuloy sa pagkukunwari na hindi ko pa rin alam ang tinutukoy niya. Hindi ko lang kasi matanggap na ngayon pa niya binuksan ang usapan na iyon, gayong hindi kami maayos ni Yrony.“I want you to marry Ivo, Apo. I want you to fulfill my promise to your Tito,” malumanay na sambit niya sa’kin kaya napayuko na lang ako dahil galing na sa kanya ang mga salitang iyon.Mukhang talagang gusto niyang ikasal ako kay Ivo.He wants me to fulfill his promise to Tito. Grabe, Ano ako? Pambayad ng utang na loob? Heto na ba talaga? Huminga ako ng malalim bago iangat ang tingin sa kanya. I tried to smile to him, pero alam kung malungkot na ngiti ang naibigay ko sa kanya.“Hindi po ako magpapakasal dahil sinabi mo,” matapang na sambit ko kahit na subra na akong kinakabahan. Tinapangan ko ang sarili ko dahil napaghandaan ko naman na ang araw na ito, na kung sasabihin na nya ang tungkol roon, tatanggi ako. Gagawin ko ang lahat para tumanggi sa kanya.“But you ca
73"Just like what I want you to say, I want you to marry him. If you don't marry Ivo, I will use my influence to get your father out of the hospital, but if you say yes about marrying Ivo, then I promise to take care of everything about him. You and Ivo will get married abroad, and I will also agree if you ever want to take him with us abroad. I will promise to put him in one of the good hospitals there." seryosong dugtong pa niya.Hindi ako nagsalita at parang napako na ang paa ko sa kinatatayuan ko.Mahal ko si Yrony, pero mas mahal ko si papa. Kahit na sinasabi nilang lantang gulay na si papa at hinihintay na lang ang pasya ko kung isusuko ko na ba siya o hindi, ang sagot ko lang ay hindi. Walang pagdadalawang isip kong sasabihin na hindi ko siya isusuko kahit na katiting na lang na tyansa ang kakapit ko. Hinding-hindi ko siya isusuko kasi siya ang papa ko.Mahal ko si Yrony at kaya ko siyang ipaglaban, kaya-kaya kong panindigan ang kung anong meron kami kasi mahal na mahal ko siy
74Muli kong tinignan ang pwesto nila at nang makita ko na wala na siyang kausap ay tinapangan ko ang sarili para tumayo at lapitan siya. Napasulyap sa’kin si Lolo at magsasalita sana, pero mukhang naalala nito ang usapan namin kaya nag-iwas din naman ng tingin, lalo na nang tignan ko siya ng seryoso, pero natigilan na ako sa paglalakad papalapit sa kinaroroonan ni Yrony nang marinig ko ang usapan sa kabilang lamesa."They are good together. I have a feeling that the engagement will be next. High school sweetheart really has something, huh?” Sambit ng isa sa nasa mesa kaya napasulyap ako roon. Saka ko lang napansin na iyong mga kaibigan pala ni Janica iyon.They are good together. Pang-ilang beses ko na ba iyon narinig mula noong dumating ako rito?“Sana nga. Our family is really a close friend at kung may engagement na magaganap, edi mabuti. Tiyak magsasaya ang dalawang pamilya kung nagkataon,” si Janica na nakatalikod sa’kin kaya hindi niya nakikita na nandito ako sa likod niya.“I
74Ilang beses kong kinurot ang sarili ko nang kaming dalawa na lang ang natira rito sa pool. Subra akong kinakabahan ngayon lalo na at kaming dalawa na lang. Gusto ko ng magsalita. Gusto ko na siyang kausapin ngayon, pero natatakot ako. Takot na hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ngayon.Subrang tahimik ng paligid at hindi ko alam kung paano magsisimula. Kanina lang ay hindi na ako makapaghintay para kausapin siya, pero ngayon, para akong napipi. Napatitig ako sa likod niya. Hindi niya ba ako matignan nakita ko iyong kanina? Gusto ko siyang yakapin at hayaan ang sariling ubusin ang oras para makasama siya.Naglakad ako papalapit sa kanya at alam kong narinig niya ang bawat yapak ko papalapit sa kanya. Hinawakan ko ng mariin ang bag ko para magkalakas ng loob para magsalita.“Harapin mo naman ako,” sambit ko at parang tangang pinasaya ang boses ko dahil nanginig din naman iyon sa huli. Hinintay ko siyang harapin ako, pero hindi siya humarap o nagsalita man lang.“Yrony,” tawag ko