Lysander's POV
I felt uneasy because of what happened yesterday and all those unmeant words I said to her. Ewan ko ba pero gusto ko na maranasan din niya ang tinamo kong sakit pero at the same time, gusto kong kamuhian ang sarili dahil sa ginagawa ko sa kanya. Preoccupied by the thoughts of her, I decided to jog to clear out my mind. Mind that's still affected by her presence no matter how many times I deny it. Pero nakailang ulit na akong paikot-ikot sa pagtakbo, scenes of the other nights is crystal clear the more I try to divert.
A curse escaped from my mouth when I saw a bunch of girls giggling while looking at my direction. They're staring at me and I'm so aware what they're looking at. Kasabay kasi ng mga pangyayaring naglalaro sa isip ko ay nasali rin ang mga gabing may nangyari sa amin. Alam kong dapat ay sa nangyari lang kahapon ng tanghali ang kailangan kong isipin pero sadyang hindi ko kontrolado ang sarili. I'm having a hard on while thinking of how L
"What's my schedule today?" Agaw pansin niya sa sekretarya na tila lutang at nakatingin lang sa kawalan habang nakasunod sa kanyang likuran. Nabunggo tuloy ito at naging mailap ang mga mata nang makitang nilingon niya ito at nakatingin siya rito.Kakapasok niya pa lamang sa building nang makita niya itong papunta sa kanyang direksyon na tila sadyang inaabangan talaga ang kanyang pagdating. Medyo na late kasi siya ng kaunti dahil hindi niya alam na nakasilent mode pala ang alarm ng cellphone niya.Hinintay niya na ibuka nito ang bibig para magsalita pero ilang segundo pa muna ang lumipas bago nito nahamig ang sarili."Si Miss Leilani po kasi, narito siya ngayon!" sabi nito at napayuko. "Sorry po talaga sir. Eh kasi po, idol ko po talaga siya at hindi ko po alam kung anong magiging reaksyon nang makaharap ko siya kanina at nagtanong kung nasaan po ang opisina ninyo."Siya naman ngayon ang biglang hindi makapagsalita agad nang marinig ang s
Ilang oras na siyang nakahiga sa kama pero ayaw pa ring lubayan ng isip niya ang nangyari kanina. Sa halip ay parang naroon pa rin siya sa photo shoot at ramdam na ramdam pa niya ang presensya ni Leilani.Her scent, her smile, the way she flip a strand of her hair, tumatatak pa rin 'yun sa isip niya. Tila isa iyong nakasalang na plaka na walang planong huminto. Tuloy-tuloy lang ang daloy nito. Walang ibang bumabagabag. Ni kahit sino siguro ay mahihiyang pakialaman at ihinto ang nasimulan na nitong pag-ikot.Tumagilid siya ng higa. Kanina pa siyang pabaling-baling sa kama. Hindi na nga yata niya mabilang kung pang-ilang beses na ba. Okupado ni Leilani ang isip niya. Napahawak siya sa kabilang bahagi ng espasyo ng kama at bahagyang naipikit ang mga mata pero sinuway din ang sarili."Why am I even thinking that she's here with me?" Napasabunot siya sa sarili dahil sa isiping iyon. Napakalaking katangahan na pagpantasyahan niya na naroon ngayon si
Kahit late na siyang nakatulog kagabi, maaga pa rin siyang nagising kinaumagahan. Nakasanayan na kasi ng kanyang mga mata kaya awtomatiko ang mga itong nagmumulat pag pitada ng ikaanim ng umaga. He prefer being the first to come to work than be last one to enter the building before his employees kaya siguro terror ang tingin ng iba sa mga ito sa kanya. Hindi naman kasi kaila sa kanya ang usap-usapan ng iba niyang mga empleyado mula sa iba't ibang department pero wala naman kasi siyang balak sitahin ang mga ito at ituwid ang impression nilang ganoon sa kanya. Mas mabuti pa nga 'yun para maging alisto ito sa kanya-kanyang mga trabaho.Habang lulan siya ng elevator at papaakyat ito sa palapag ng kanyang opisina ay yumuko s'ya para dukutin sa bag ang inilagay na cellphone roon. Balak n'ya kasing hanapin ang numero ni Pierce para tawagin ito. Parang nakini-kinita niya kasi na nakadapa pa rin ito ngayon sa kama nito habang sapo ang noo dahil sa hangover. 7:30 na ng umaga. Sa
Binuksan niya ang email na dumating kaninang umaga. Ngayon niya palang matitingnan kasi may tinapos siyang mga papeles na nireview. Nang makita na photoshoot ang title ng document ay agad niya itong binuksan. Bumungad roon ang lahat ng kuha nilang dalawa ni Leilani noong nagdaang araw. Isa-isa niyang binuksan ang bawat larawan at pinag-aralan ang bawat detalye ng ekspresyon sa mukha ni Leilani. "Anggaling ng anggulo ninyo diyan." Muntik na siyang mapalundag sa gulat nang may biglang bumulong sa kanyang likuran. Kung hindi lang ito nakailag agad ay siguradong sapul ito ng bolpen na awtomatikong naihagis niya rito.Kumulo bigla ang dugo niya nang makitang si Pierce iyon. Hindi niya pa rin makalimutan ang hiya na naramdaman dahil sa ginawa nitong pagbitag sa kanya. "Sino ang nagsabi sayo na pwede kang pumasok ng basta nalang sa opisina ko?" aniya rito. "Hindi ka ba nasabihan ng sekretarya ko na pinagbabawal kong pumasok ang mga babaero sa loob ng linggong ito?" Tila walang
Malawak ang ngiting kanina pa nakapaskil sa labi ni Leilani habang nag-iimpake siya ng mga gamit na dadalhin nila sa bakasyon. Gabi na pero hindi pa rin maampat ang galak sa kanyang puso. Nagtatalon ito sa sobrang tuwa at hindi na siya magtataka kung sumabog man ito sa sobrang emosyon. Nakapagtatakang dahil sa nangyari, sa isang iglap lang ay nawala lahat ang bigat sa kanyang loob at mga pasan sa balikat. 'Yung mga panahong para siyang pinagsakluban ng langit at lupa, 'yung pakiwari niya ay huminto na ang mundo sa pag-ikot at tila dinadaya siya ng kapalaran, nawala ang lahat ng mga iyon ng isang bagsakan. Sunod niya na inabot ang mga laruan ng anak na nasa gilid ng kama nito. Mas mabuti na dalhin niya rin ang mga 'yon dahil baka magwala pa ito. Wala pa sa ayos ang mga iyon dahil kasalukuyan itong naglalaro kanina nang dumating ang driver ni Don Armando para sunduin si Trixie. Gusto yata nito na sulitin ang oras na kasama ang apo bago siya bumalik sa pag tour sa
Ang bigat-bigat na ng mga talukap ng mata ni Leilani. Hindi dahil sa antok kundi dahil sa walang tigil na pag-agos ng kanyang mga luha. Naguguluhan pa rin siya sa lahat ng nangyayari. Una ay kung bakit namalayan na lang niya na nakahubad sa ilalim ng kumot pagkagising niya kinaumagahan at nawawala pa ang kanyang mga damit. Tanging ang damit nalang ng doktor ang naroon. Nahiya pa siya na tumawag ng receptionist sa hotel at nakihiram pa siya ng pantalon sa babaeng staff na dumating. Mabuti na lang at in-offer nito ang extra underwear nito na hindi pa daw nito nagagamit. Nilunok niya ang hiya at nagpasalamat sa babaeng nagpakilala na isa sa kanyang tagahanga. Habang sakay ng taxi ay laman pa rin ng kanyang isip ang nagsusulpotang mga katanungan. Sila lang naman dalawa magkasama ni Dr. Yugi kagabi sa hotel. Napasobra ba ang inom niya kagabi at nag pass out siya sa kalasingan? Kumusta kaya ang surpresa nito sa girlfriend nito? Maganda ba ang naging resulta? Hindi ba siya na
Sobrang gaan ng pakiramdam ni Lysander pagkagising kinaumagahan kaya maaga rin siyang bumangon at nag-ayos ng sarili. Ngiting-ngiti na sinisipat niya ang kanyang ayos sa salamin. Ngayon ang araw na makakasama niya ang kanyang mag-ina. Ito ang pinakaunang beses na makakasama niya ang dalawa kaya nag-uumapaw ang saya sa dibdib niya. Ngayon pa lang ay nakini-kinita na niya kung gaano sila mag-eenjoy sa lugar na kanilang pupuntahan.Nilingon niya ang aparatong kanina pa nambubulahaw sa pagtunog. Nagpang-abot ang kanyang kilay nang makitang si Pierce iyon. Bakit para yatang ang aga-aga ay aasarin na naman yata siya ng pinsan. Dahil ayaw niyang masira ng kahit kunti ang araw niya, hinayaan niya na lang ang lalaki hanggang sa magsawa ito. Total ang kabisadong-kabisado niya naman na sisirain lang naman nito ang araw niya sa walang tigil na pang-aasar. Pataghoy-taghoy na inayos niya ang munting gusot sa kama at maya-maya ay napalingon sa pintuan nang may kumatok roon.
Ilang oras na niyang kuyom ang ballpen sa pagkakahawak. Oo nga at nasa opisina siya ngayon pero ang utak niya ay naglalakbay sa nangyayaring kaguluhan tungkol kay Leilani. Pang-ilang beses nang tumatawag si Leilani sa cellphone niya pero pang-ilang beses na rin niya iyong hinahayaan lang hanggang matapos ito sa pagtunog. Kung maaari ay hindi na muna niya ito kakausapin lalo na ngayon na gulong-gulo pa ang isip niya kung ano ba talaga ang dapat niyang paniwalaan. Mahal niya si Leilani pero aminado rin siya na hindi nagtutugma ngayon ang iniisip ng kanyang puso at utak. Ayaw niyang magpadalos-dalos dahil alam niya mismo sa sarili niya kung gaano siya kasakit bumitaw ng mga salita. Oo nga at ilang beses na siya nitong pinatawad sa kabila ng mga nangyari at ginawa niyang masasama rito pero ayaw niyang sumugal dahil ayaw na niya na maghiwalay sila muli sa parehong dahilan. Sa mga maling akala at kakulangan sa pagtitiwala. Ilang minuto lang ay huminto rin ang k
Lysander's POVNaalimpungatan ako dahil sa mahinang kalabit sa 'king balikat. Akala ko pa nga ay mahuhulog na ako sa kinahihigaang sofa. Pilit kong ibinuka ang mga mata nang maaninag na si Leilani ang nasa harap ko ngayon.Alas dos y medya na ng madaling araw pero mulat pa rin ito kaya bumangon na ako sa pagkakahiga. Kung siguro ay unang beses lang ito nangyari ay baka napatalon na ako sa gulat dahil hindi na naman siya nagbukas man lang ng kunting ilaw bago ako kinalabit pero dahil medyo nasanay na ako na ganito siya simula nang paglilihi niya ay parang normal na lang ang nangyayari. Ang hindi lang siguro normal ay pati ang amoy ko, kinaiinisan niya kaya heto at sa sofa lang ako pinapatulog."Babe, ano ang gusto mong kainin?" tanong ko nang makatayo at tinungo na ang mga pagkaing inilagay ko sa mesa.Tinitigan lang nito isa-isa ang mga pagkaing naroon pero wala itong sinabi kaya malamang ay wala ni isa sa mga naroong pagkain ang gusto nitong
Lysander's POVFlashback"Why am I not allowed to enter his room?" Rinig kong tanong ni Leilani sa nurse na kakalabas lang mula sa room na inookupa ko sa ospital. Nang magising ako ay narito na ako at ang nabungaran ko ay ang mukha ni Grandpa. Nakatulog pa ito habang hawak ang kabilang kamay ko. Gusto ko sanang takbuhin at buksan ang pintong nakapagitan sa amin ngayon pero kinakain ako ng konsensya ko. Kaya nga nang nagkamalay ako kanina pagkatapos ng operasyon dahil sa tama ng balang natamo ko sa pagsagip kay Leilani ay nag-utos ako na walang papapasukin na kahit sino maliban kay Grandpa. Alam kong umalis lang ito sandali pauwi sa bahay para kunan ako ng maisusuot."Teka nga lang. Bakit n'yo nga ba kasi ako hinaharangan? Kakilala ko ang pasyente. Hindi n'yo ba ako nakita na lumabas mula riyan kanina?" may pagtitimpi sa boses na tanong nito."Ma'am, it's the hospital's regulation po kasi na hindi pwedeng papasukin ang hindi kaano-ano ng pasyen
Good day everyone! I'm so overwhelmed for all the love and supports I received since I started writing and updating the chapters of my novel. Sa araw na 'to, finally, mararating na natin ang epilogue ng storya nina Leilani at Lysander. Maraming salamat sa pagsubaybay. Sana nakuha ninyo ang iba't ibang aral katulad ng dapat ay alamin mo muna ang totoo bago magpadalos-dalos sa desisyon dahil kung hahayaan mo lang ang misunderstanding, habambuhay na itong magiging malabo. Chapter 40 will be the special chapter and I'll update it tomorrow! Again, sobrang thank you sa lahat ng suporta. I love you my gems...
Papadilim na nang marating namin ang isla. Tanaw mula sa aming kinaroroonan ang nag-iisang bahay na nakatayo roon. Malayo ang naturang isla and it's still a remote area. Mukhang pinaplano pang palaguin o di kaya ay gawin lang bakasyunan. Tumunog ulit ang cellphone ni Lysander at sinagot naman nito ang tawag."We're already here, sir. Nakapwesto na ang lahat," sabi ng nasa kabilang linya."Kakarating lang din namin. Wala muna kayong gagawin. I don't want to take a risk. My daughter's life is at stake here.""Copy, sir."Nagpatiuna na si Lysander sa pagbaba sa bangka na inarkila namin bago niya nilingon ang gawi ko."Dito ka muna. Hayaan mo munang malaman ko ang sitwasyon sa loob bago ka sumunod. Baka mapahamak ka," ma-awtoridad nitong ani.Tumalikod na ito pagkasabi niyon saka marahang tinungo ang bahay. Dumoble ang kaba ko nang marating ni Lysander ang pinto at binuksan iyon. Hindi ako nakatiis at sumunod ako sa kanya
"Sige na, baby. Hug mo na si Lola Berta mo," utos ko kay Trixie habang dala ko sa kabilang kamay ang isa pa naming bagahe. Natawa nalang kami nang para itong nagsusumbong at humihingi ng saklolo kay Aling Berta habang mahigpit itong nakayakap sa matanda para hindi siya patuluyin sa pag-alis. Natapos na kasi ang isang linggo naming bakasyon sa isla. Mamula-mula na nga ang balat ko at pati na rin kay Trixie dahil halos araw-araw nalang kaming nagbababad sa dagat at kung hindi naman ay nagpapaaraw habang nagpapaaraw sa Batarya. Nakasanayan na rin namin na sa gabi lang may kuryente kahit nung una ay hirap talaga mag-adjust."Naimpake mo na ba ang lahat?" tanong ni Lysander sa akin na galing sa paghatid ng iba pang mga bagahe sa bangka. Tumango ako sa kanya bago ininguso si Trixie na wala pang balak na lisanin ang isla. Pati ito ay natawa na rin sa inasta ng anak."Aling Berta, pano po. Uuwi na po kami. Salamat po sa pag-aasikaso sa amin dito." Pagpapaalam ni Ly
Leilani's POVMahigit apat na oras ang binyahe namin patungo sa bayan para marating ang islang tinutukoy ni Lysander. Akala ko ay iyon na mismo ang lugar pero pagkarating namin sa pantalan ay kinailangan pa naming maghintay ng isang oras para daw hindi na maabala sa paghahanap ang matalik na kaibigan ng ama ni Lysander pagkadating ng bangka nito sa daungan. Nilingon ko si Trixie na mahimbing na natutulog habang yakap-yakap ang dala nitong manika. Siguradong kahit ilang beses pa itong yugyugin para gisingin ay hindi man lang nito iindahin yun. Panigurado kasi na puyat pa ito dahil antagal nitong nakatulog kagabi dahil nakiusyuso pa ito sa pag-eempake ko para sa dadalhin sa bakasyong ito. Punan pa na maaga ko itong ginising kanina para maligo dahil baka mahuli pa kami sa byahe.Mabuti nalang at maganda ang panahon. Mayamaya lang ay may nakita akong dumaong at kumakaway sa direksyon namin. Namukhaan pala nito agad si Lysander. Pagkatapos ng kamustahan at pagpapakila
Unti-unting iminulat ni Leilani ang nga mata nang maramdamang tila may humahaplos sa kanyang buhok pero mukhang guni-guni niya lang iyon nang makitang himbing na himbing pa sa tulog ang lalaking kaharap. Napunta ang kanyang tingin sa kamay niyang nakapaloob sa kamay ni Lysander. Hindi niya alam kung paano at kailan nangyari 'yon pero napag-isip-isip niya na umalis na bago pa ito magising kaya dahan-dahan ang ginawa niyang pag-alis sa kanyang kamay. Muntik pa siyang mapalundag sa gulat nang iangat niya ang tingin sa mukha nito at nakitang mulat na mulat na ang lalaki. Titig na titig ito sa kanya na kanyang ikinalunok. Naasiwa siya sa klase ng pagkakatitig nito kaya mabilis na siyang tumayo para sana makalayo rito pero mas mabilis ang galaw nito. Nahigit nito agad ang kanyang kamay dahilan para mawalan siya ng balanse at napadagan siya sa katawan nito. Nahigit niya ang paghinga. Paniguradong damang-dama ni Lysander kung gaano kabilis ang pagwawala ngayon ng kanyang puso.
Natitigilang napatingin na lamang si Leilani sa magkalapat na ngayon na labi nina Xyrille at Lysander. Nakapikit ang mata ng binata kaya sandali niyang inakala na ginusto nito ang nangyayari. Dahil sa nagtatalong kalooban kaya ilang sandali niya pa munang hinayaang kolektahin na muna ang sarili saka siya naglakas-loob na humakbang na papasok na ikinalingon ni Xyrille. Mukhang ngayon pa lang siya nito napansin kung hindi pa siya humakbang palapit sa pwesto nito. Biglaan kasi ang tawag ng nagpakilalang Dan na kaibigan daw ni Lysander sa kanyang cellphone kanina habang sakay pa siya sa taxi pauwi kaya hindi na siya tumuloy papunta sa condo niya at doon na lang siya nagpadiretso sa address na ibinigay ng lalaki. Pabulong pa nitong sinabi na 'wag siyang mag-alala dahil alam ni Lysander ang katotohanan kaya kinutsaba siya nito na papuntahin siya sa unit ni Lysander para surpresahin ito pero 'di yata at siya itong nasurpresa sa nadatnang tagpo. "Anong ginagawa m
Naalimpungatan si Lysander sa mararahang katok na nagmula sa kanyang pinto. Marahan lang 'yon pero naglikha iyon ng ingay sapat para mabulabog siya sa kanyang pamamahinga. Nakatulugan na pala niya ang pag-iisip kay Leilani. Mabigat ang katawan na hindi na siya nag-abala pa na suotin muli ang T-shirt at ang pantalon na lang ang minadali niyang isuot. Wala naman siyang inaasahang bisita kaya posibleng mails o bills lang iyon na inihatid ng security sa labas. Tinungo niya ang pinto habang inaayos pa ang pagkaka-zipper ng pantalon pero napatda siya nang tuluyan na niyang mabuksan ang pintuan. Sumalubong sa kanya ang pares ng kayumangging mga mata ni Xyrille. Lumawak pa ang pagkakangiti nito habang naglalakbay ng malaya ang paningin nito sa exposed niyang katawan. Umigting ang panga niya sa biglaang pagbugso ng galit. Sa lahat ng taong pwedeng dumating ay wala ito sa listahan ng mga inaasahan niya. Ipipinid niya na sana ang pinto pasara dahil wala siyang plano