Share

Chapter Three

Author: author_mj17
last update Last Updated: 2020-10-25 08:51:59

Chapter 3

Nagising ako dahil sa malakas na tunog mula sa aking cellphone. Huh? Alas otso na.

"Brielle, nasusunog na yung bacon!"

Mabilis akong tumayo para magpunta sa kusina. Teka, pinatay ko yung kalan kanina kasi tumunog yung doorbell. Nag-usap kami ni Caden at dinala niya ako sa isang lumang bahay. Sabi pa niya sa 'kin hindi na raw ako babalik dito.

Maya-maya pa ay dumating si Grace.

"I thought we would meet at the cemetery? We have been waiting for you for over an hour." inis na sabi ni Grace.

"Sorry. Sumama kasi bigla yung pakiramdam ko kanina." sabi ko.

Nagmadali na akong kumilos para maabutan namin si Leo. Hindi na sana maulit yung nangyari kanina, ayaw ko nang bumalik sa lugar na 'yon. Nakakatakot.

****

Habang nasa kotse kami ay hinahawakan ko ang aking labi. Totoo kayang hinalikan ako ni Caden? Totoo kaya ang mga nangyayari sa tuwing nagpupunta kami sa ibang lugar? Teka! Naalala ko yung babae, pati yung sinabi niya sa akin tungkol sa mga magulang ko.

Nakaramdam na naman ako ng kakaibang kaba.

"Okay ka lang ba talaga, Brielle?" tanong sa akin ni Rex.

"Uh- oo naman. Okay lang ako." sabi ko.

"Sure ka ha? Baka mamaya mawalan ka bigla ng malay." sabi naman ni Grace.

Umiling lang ako.

"Kaya kong magtrabaho. Para rin 'to sa ikalilinaw ng kaso ni Leo." saad ko.

Hindi na sila nagsalita pa.

Nakarating na kami sa sementeryo at sakto namang nagkukumpulan na ang mga tao, mayroong pulis at mga media. Nauunang maglakad sila Rex at Grace habang ako naman ay dahan-dahan pa ang paglalakad dahil inaayos ko yung device.

Napatigil ako sa paglalakad dahil may lalaking nakaharang sa daan. Mula sa paa ay tinaas ko ang aking tingin hanggang sa kaniyang ulo. Napaatras ako ng bahagya. Tiningnan ko ang aking mga kasama, nandoon na sila sa puntod.

"Hanggang dito ba naman?" sabi ko.

"Bakit? Ah, hindi mo pa pala alam." saad ni Caden atsaka ipinakita ang isang maliit na box sa akin.

"Ano yan?" inis kong tanong sa kaniya.

"Hmm— proposal." nakangiti niyang tugon.

Natawa naman ako dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ako na-inform na joke pala ang isang 'to.

"Ano'ng nakakatawa doon?" tila naiinis niyang tanong sa akin.

Hindi na ako sumagot at nilagpasan ko na lamang siya. Walang patutunguhan 'tong pag-uusap namin. Proposal? Pfft! Nakakatawa. Hindi pa man ako nakakalayo ay nakaramdam na naman ako ng pagkahilo, dahilan para mapaupo ako sa sahig.

Iminulat ko ang aking mga mata. Hays! Sinasabi ko na nga ba. Dinala na naman ako ni Caden sa ibang lugar. Teka— wala kami sa gubat. Hindi madilim, hindi nakakatakot at hindi rin maingay. Tumayo ako at pinagmasdan ang paraiso kung saan ako dinala ni Caden.

Naglakad ako patungo sa dalampasigan.

"Ang ganda." sabi ko sa aking sarili.

"Maganda ba?"

Napalingon ako. Isang maaliwalas na Caden ang nakatayo sa aking harapan. Naka-white polo shirt, simpleng pantalon at may hawak pang bulaklak. Napangiti naman ako. Wow! Mas gwapo siyang tingnan at mas malinis.

"O-Oo naman, maganda rito." sabi ko.

Lumapit sa akin si Caden para ibigay yung bulaklak na dala niya.

"Gusto mong maupo?" tanong niya sa akin.

Tumango naman ako at naupo kaming dalawa sa sahig na puno ng white sand. Maganda ang view, asul ang kalangitan at ganun din ang dagat. Sariwa ang hangin, paraiso nga talaga. Matataas ang mga puno, at maraming magagandang bulaklak sa paligid.

First time kong mapangiti ng ganito. This is the best day of my life.

"Bakit dito mo ako dinala?" tanong ko kay Caden.

"Naisip ko kasi na palagi kang umiiyak kapag nakikita mo ako. Kaya heto bumabawi ako sayo. Okay ba?" saad niya.

"Hmm- oo naman. Isang tanong pa." sabi ko sa kaniya.

Tumingin ako kay Caden. Ang ganda ng mga mata niya, kulay asul.

"Ano 'yon?" tugon niya sa akin.

"Bakit mo 'to ginagawa sa tuwing nagkikita tayong dalawa? May kasalanan ba ako sayo?" lakas-loob kong tanong sa kaniya.

Umusog ako ng bahagya palayo sa kaniya. Baka kasi magalit siya, mahirap na. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya at naghihintay ng kasagutan.

"Hindi ko pa pwedeng sabihin." sagot ni Caden.

"Huh? Bakit naman?" nagtataka kong sabi.

Hinawakan niya ang aking kamay at niyaya niya akong maligo sa dagat. Nakangiti si Caden, masaya at tila walang dalang problema.

"Are you happy now?" tanong ko sa kaniya.

Ngumiti si Caden atsaka ako sinabuyan ng tubig. Syempre bumawi ako sa kaniya, sinabuyan ko rin siya ng tubig na naging dahilan ng paghaharutan naming dalawa. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to, basta ang alam ko'y napapasaya ko si Caden ngayon.

Hindi muna niya iniisip ang mga problemang kinahaharap ng pamilya niya ngayon. Sana'y nakatulong ako sa kaniya, sana nabawasan ko yung bigat ng pakiramdam niya, sana napasaya ko siya. At sana rin ay tigilan na niya ako sa pangungulit.

Marahil ay ito lamang ang gusto niyang gawin ko. Tumigil ako sa pakikipag-harutan sa kaniya, tinitigan ko siya ng maigi. Hindi normal na tao si Caden, hindi ilusyon ang mga nakikita ko kundi KATOTOHANAN. Anong klaseng nilalang siya? Saan siya nagmula? Ano'ng pakay niya?

Bigla kong naalala ang tungkol sa interview ni Leo doon mismo sa sementeryo sa puntod ng kaniyang mag-ina. Nagmamadali akong umahon atsaka pinulot ang aking bag.

"Caden kailangan ko nang bumalik!" saad ko.

"Bakit? May problema ba?" biglang naging itim ang kulay ng kaniyang mga mata.

Heto na naman ang takot sa dibdib ko.

"Kailangan ko nang bumalik sa sementeryo. Please, pagbigyan mo ako." pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Akala ko ba okay na tayo?" nagsalubong na ang kaniyang kilay.

Umiling naman ako. Kasabay nito ang aking pagkahilo at pagbagsak sa sahig. Aish! Ito ang isa sa pinaka-ayaw kong mangyayari kapag nasa harapan ko si Caden.

"Brielle!"

"Hoy, Brielle!"

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Sementeryo. Nandito na ulit ako!

"Nawalan ka na naman ng malay. Sabi kasi namin sayo magpahinga ka na lang." sermon ni Grace sa akin.

"Namumutla ka." sabi naman ni Rex habang kinakalikot ang isang box na maliit.

Inagaw ko sa kaniya yung box. Ano ba ang laman nito? Huh? Pendant? A small bottle pendant. Ano naman ang gagawin ko rito? Tss! Tapos sabi ni Caden kanina proposal daw. E bote lang naman pala ang laman.

Tinago ko na lang muna yung box sa bag ko at bumalik na kami sa lugar kung saan nagaganap ang interview kay Leo. Nang marating na namin ang puntod, tumigil si Leo sa pagsasalita atsaka siya tumingin sa akin.

"Mag-iingat ka." sabi niya dahilan para mapalingon ang mga tao sa akin.

Nagtaka naman ang mga kasama ko.

"Bakit ka mag-iingat? Nakikita ba niya ang future mo?" biro ni Rex sa akin.

Kakaiba na naman itong nararamdaman ko.

"Siya! Siya ang susunod na target ng Rhett Family." nakaturo pa rin si Leo sa akin.

What?

Ako?

Imposible!

"Ano po ang ibig ninyong sabihin?" tanong ng isang babae.

"Hindi ninyo maiintindihan ang totoong motibo ng pamilya ng mga halimaw na 'yon! Mamamatay-tao sila, mga walang puso't kaluluwa." tila nanginginig sa galit si Leo.

Palagi na lang niyang sinasabi na halimaw ang pamilya ni Caden. Gusto kong magsalita, pero natatakot ako. Lalo pa't palaging sumusulpot si Caden saan man ako magpunta.

"Bakit ninyo nasabi na ang babaeng ito ang susunod na biktima?" dagdag pa ng reporter.

"M-May bakas ng halik ng isang halimaw ang kaniyang labi." seryosong tugon naman ni Leo.

Napaatras ako ng bahagya. Hindi ko na kayang ipaliwanag pa ang mga nangyayari. Paano nalaman ni Leo 'yon? Paano niya nakita? Normal pa ba siya? O mayroon din siyang abilidad na makapunta sa ibang dimensyon?

Napalunok ako sa kaba. Tila pinaniniwalaan siya ng iilan. Pero kailangan kong depensahan ang aking sarili upang hindi masira ang aking imahe bilang journalist. Ayaw kong mapahiya si Papa, at mas lalong ayaw kong madismaya si Mama sa akin.

"Hindi totoo 'yan." depensa ko.

"Totoo! Binalaan na kita noon." saad ni Leo.

Magaling siya. Alam niya kung ano'ng ginagawa ni Caden. Pero bakit ako?

"Mr.Leo, ang isang normal na tao ay hindi magsasalita ng ganyan." sabi ko.

"Tama."

"Tama."

"Oo nga."

"Tama siyan"

Napatingin si Leo sa mga media na sumasang-ayon sa aking sinabi.

"Paano mo nasabi 'yan? Samantalang nakikita ng dalawa mong mga mata ang buong katotohanan. Ang magkapatid na Rhett ang pumatay sa mag-ina ko! Alam mo 'yan. Huwag kang magsisinungaling!" tumayo si Leo atsaka lumapit sa akin.

Buti na lamang at naka-posas siya, kundi ay baka sinaktan na niya ako. Inawat agad siya ng mga pulis dahil napipikon na siya. Wala naman akong sinasabing masama tungkol sa kaniya. Bagkus ay gusto kong tulungan siya.

"Thalia—"

Tinakpan ko ang aking tenga. Narinig ko na naman ang pangalang 'yon! Lumingon ako sa likuran, walang tao. Muli kong ibinalik ang aking atensyon kay Leo na ngayon ay nagwawala na. Nagagalit, at kung anu-ano ang sinasabi tungkol sa Rhett Family.

Hindi siya natatakot na maaari siyang puntahan ng isa sa miyembro ng Rhett Family at baka patayin siya. Ano ba'ng kakayahan niya? Bakit madami siyang nalalaman? It's an another mystery. I need an answer to this.

"Patunayan mong halimaw kami!"

Napatigil kaming lahat sa pagsasalita, ganun din si Leo at napatingin kami sa lalaking naglalakad patungo sa kinauupuan ni Leo. Si Caden, naka-puting suit siya at may dalang payong na itim.

"Tingnan ninyo!" tumayo si Leo.

Umatras ako ng kaunti. Nararamdaman kong may hindi magandang mangyayari. Niyaya ko sila Rex at Grace na lumipat ng pwesto.

"Leo, Leo, Leo. Ang lakas naman ata ng loob mong siraan ang pamilya namin matapos mong patayan sila Lolo't Lola." saad ni Caden.

"Kakaiba siya! Tingnan ninyo!" malakas na saad ni Caden.

Mukhang normal na tao lang si Caden, mukhang inosente. Ang hirap nito!

Nagpaalam si Grace na may kukunin lang siya sa kotse, at naiwan naman kami ni Rex para i-record ang diskusyon nila Leo at Caden.

"Aaaahhhh!"

Awtomatiko akong napatakbo para puntahan si Grace. Nanginginig siya at namumutla. Tinuturo niya sa akin ang compartment ng kotse, marahan ko itong sinilip ang isang hindi inaasahang bagay ang aking nakita. Maski ako ay napaatras din.

Yung batang babae sa balita, nasa compartment siya! Nakaupo, duguan, pero buhay at humihinga pa. Tumingin ako kay Caden, sabay ibinalik ko ang aking tingin sa batang babae. This is insane!

"O-Okay ka lang ba?" kinakabahan kong tanong sa kaniya.

Dahan-dahan nitong inangat ang kaniyang ulo at mas nakakatakot pa pala ang aking masasaksihan. Namumuti ang bilugan niyang mga mata at may tahi ang kaniyang labi. Hinawakan ko ang kamay ni Grace at niyaya siyang bumalik kung nasaan kami kanina.

Binigay ko sa kaniya yung rosary na palagi kong dinadala kahit saan ako magpunta.

"Kalma ka lang, huwag kang magpapahalata na may nakita ka." bilin ko kay Grace.

Tumango naman siya kasabay ng kaniyang paghikbi.

"Alam kong may isang babae rito na nagugustuhan mo at plano mong dalhin sa mundo ninyong mala-impyerno!" galit na saad ni Leo.

Ano ba'ng sinasabi niya?! Inilibot ni Caden ang kaniyang mga mata, saktong nakita niya ako at hindi ko na naman maintindihan ang aking nararamdaman. Lagot na!

Ngumiti si Caden atsaka ibinalik ang atensyon nito kay Leo.

"Ang galing mo naman." natatawang sabi ni Caden.

"Hindi mo alam kung anu-ano ang mga nalalaman ko, Caden Rhett." nagsimula nang manlisik ang mga mata ni Leo.

Inawat na sila ng mga pulis dahil kailangan nang bumalik ni Leo sa kulungan. Nagkaniya-kaniya na rin kami ng daan paalis.

Muli kong nilingon si Caden, pero mabilis itong nawala. Hays! Hindi pa natatapos ang mga problema ko, marami pa akong dapat ayusin.

****

Nakabalik na kami sa publishing house at kasalukuyan kong pinapakalma si Grace. Hanggang ngayon kasi ay tulala pa rin siya at tila na-trauma doon sa batang babae.

Ayon sa balita, nailibing na ang bangkay ng bata. Pero yung nakita namin kanina, kakaiba at sobrang nakakatakot. Sino naman ang may kagagawan 'nun? Tao? O halimaw? Rhett Family? Aish! Hindi dapat ako nambibintang basta.

****

|Charlene's POV|

This mansion is no longer happy! Simula 'nung namatay ang grandparents ko ay nawalan na ng sigla itong mansyon. Palaging tahimik, minsan pa'y nag-aaway kami ni Caden dahil sa walang kwentang bagay. Sobrang na-mimiss ko na sila Lolo't Lola. Silang dalawa lang naman kasi ang parati kong kasama when I'am craving on human's blood and flesh.

Kaya sa sobrang gutom ko ay lumabas ako mag-isa nang hindi nagpapaalam kahit kanino.

Hmm- saan ako kaya pupunta? Aha! Nakakita ako ng isang batang babae na naglalakad papasok sa isang subdivision. Syempre sinundan ko. Bata pa ang isang 'to, sariwa pa ang laman. Tumakbo ako ng mabilis para harangan siya.

"S-Sino po kayo? Paano ka nakapasok dito sa subdivison namin?" nagtatakang tanong ng bata sa akin.

"Hindi mo ako kilala? Okay, I'm Charlene Rhett. At alam mo ba kung bakit ako nandito?" lumapit ako sa kaniya.

Umaatras siya sa tuwing lalapitan ko siya. Tinitigan ko ng maigi yung bata, maya-maya pa ay sinakal ko na siya. Hindi na ako makapagpigil, gutom na gutom na talaga ako. Sinimulan kong dukutin ang puso niya, tumitibok pa ito. Ibinalik ko ang tingin ko sa kaniya. Umiiyak siya.

"Masakit ba?" pang-aasar ko pa sa kaniya.

Ngumiti ako sabay kinain ang kaniyang puso.

"Uhm! Umiibig ka na? Hays. Huli na ang lahat, pasensya ka na't gutom ako." dinidilaan ko pa ang kaliwa kong daliri.

Muli akong lumapit sa kaniya para sipsipin ang sariwa't malinamnam niyang dugo. Wala nang magagawa ang isang 'to dahil wala na siyang buhay. Waaah! Ang sarap. Ngayon na lang ulit ako nakatikim nito.

"Craving satisfied!" huli kong sabi atsaka ako nagmadaling umalis.

Dumeretso na ako sa Amazing Wines. As usual madami pa rin tao. Yung iba sa kanila ay naghahanap lang ng tsismis na maikakalat nila tungkol sa pamilya namin.

Naaamoy ko kung sino sa kanila ang totoo at hindi. Wala akong dapat ipag-alala. Kaya kong protektahan ang pamilya ko mula sa mga taong mapanakit at mapanamantala.

Mukhang maayos naman ang restaurant kaya nag-decide na akong umuwi.

~

🖊 author_mj

Related chapters

  • KIDNAPPED BY THE VAMPIRE PRINCE   Chapter Four

    Chapter 4|Brielle's POV|Nakatanggap ako ng email mula kay Dylan Rhett. Inaanyayahan niya ako na dumalo sa isang dinner kasama ang kaniyang mga anak. Hindi na naman maganda ang kutob ko. Pupunta ba ako? Paano kung may masama na namang binabalak si Caden sa akin? Paano kung tuluyan na akong hindi makabalik dito sa amin? Mawawala ang lahat. Si Papa, si Mama at ang lahat ng pangarap ko.Nagpunta ako sa aking kwarto. Binuksan ko ang aparador para pumili ng maisusuot. Hindi dapat ako magpaka-elegnate, baka kasi may binabalak lang sila na masama sa akin. Bumalik ako sa aking computer table at isang email na naman ang natanggap ko."From: Amanda Rhett/I can't wait to see you.\"Argh! Kinakabahan talaga ako. I decided to wear a casual clothes. Kung pagpipiyestahan lang din naman nila ang laman ko, hindi na ako magbibihis ng maganda. Bahala na si batman!Nagsuot ako ng

    Last Updated : 2020-10-25
  • KIDNAPPED BY THE VAMPIRE PRINCE   Chapter Five

    Chapter 5( the 18-year-old ME )I was famous at our school. Not because I'am beautiful, but because I'am a top student. All the teachers here are impressed with me. I have won many school competitions. Hindi sa nagyayabang ako, pero ito talaga ako e. Proud sa akin sila Mama at Papa, kaya nag-desiyon sila na mag-donate ng pera sa school kung saan ako nag-aaral.At dahil sa kilala nga ako sa buong academy ay hindi rin mawawala ang mga manliligaw. Isa na rito ang lalaking nagngangalang Charlie. People usually bullied him because of his appearance and sense of fashion.Charlie Lopez. The nerdy boy alive. He's quite, may braces, k-pop hairstyle, medyo old-fashion din kung manamit, palaging naka-sweater, kung minsan naman ay simpleng t-shirt. Hindi ko siya masisisi kung ganiyan ang itsura niya. Pero infairness cute siya.Close kami. Yeah, friendly naman kasi ako. Teammates kasi kami sa chess at sa math q

    Last Updated : 2020-10-26
  • KIDNAPPED BY THE VAMPIRE PRINCE   Chapter Six

    Chapter 6Wow, ito pala ang opisina ng mahal ko! Malinis, maayos at mabango. Pero kahit nandito ako ay hindi manlang ako magawang pansinin ni Brielle. Nakikipag-usap lang siya sa mga kasamahan niya habang ako ay nakaupo lang at naghihintay ng atensyon. Nakatitig lang ako sa maamo nitong mukha. Mukhang inosente, pero marami siyang nalalaman tungkol sa mga kagaya ko.Hindi ako aalis dito hangga't hindi siya nakakauwi, in short ay babantayan ko siya."Pwede ka nang umuwi Caden." seryosong sabi ni Brielle sa akin."Today is my boyfriend duties." tugon ko.Tinukso na naman siya ng mga kasamahan niya."Boyfriend? Asa ka, Caden Rhett." pagsusungit ni Brielle sa akin."Tutal nandirito ka rin lang naman, pwede ba kaming magtanong sayo?" saad naman ng kaniyang kasama.Tumango lang ako.

    Last Updated : 2020-10-26
  • KIDNAPPED BY THE VAMPIRE PRINCE   Chapter Seven

    Chapter 7|Kent Frayler's POV|Hindi magiging magulo ang buhay ko kung hindi pinairal ng mga magulang ko ang pagiging hapit sa pera. Business partners ang mga magulang namin ni Caden, pero magkaiba kami ng lahi. We're humans, and they are vampires. Oo nakakatakot, pero wala naman silang masamang ginawa sa amin.Hindi nila sinaktan ang mga magulang ko, pero pinilit ni Tita Amanda na maging kalahi ko sila dahil ako ang nakatadhanang ikasal kay Charlene. Masakit sa kalooban kong namatay ang parents ko ng wala ako sa tabi nila. Nalugi ang negosyo nila kung saan nag-share ang Rhett Family ng pera, at upang mabayaran nila Mommy at Daddy ang kanilang utang ay pinasalinan ako ng dugo ng mga bampira. Kasama sa ginawang ritwal ang pagkagat ni Charlene sa aking leeg.Pero habang tumatagal at habang tumatanda ako ay maraming bagay akong naiisip. Una, hindi ito ang mundo na para sa akin. Pangalawa, hindi ako kagaya nila. At pang

    Last Updated : 2020-10-27
  • KIDNAPPED BY THE VAMPIRE PRINCE   Chapter Eight

    Chapter 8Sa wakas ay nagkaroon na ng malay si Brielle at kasalukuyan siyang nagpapahinga sa kwarto ko. Buti na lang at nahabol ko rin ang last shoot kaya wala na akong dapat problemahin. Sa ngayon ay iintindihin ko muna ang kalagayan ni Brielle, namumula ang leeg niya at medyo hirap pa siyang huminga. Kaya naisip ni Daddy na bumili ng personal oxygen para sa kaniya.Natutulog pa si Brielle, pero stable na ang lagay niya ngayon. Masama lang ang loob ko dahil naabutan siya ni Leo at umabot pa sa ganitong punto."Sinabihan na kita Charlene. Bakit mo kasi siya iniwan?" inis kong sabi sa aking kapatid."Hindi ko naman ineexpect na maaabutan siya ng murderer doon! Wala akong kasalanan sa nangyari Caden." katuwiran naman niya."Kahit mag-away pa kayong dalawa diyan, wala na kayong magagawa dahil nangyari na." sabi naman ni Daddy sa amin.Correct

    Last Updated : 2020-10-30
  • KIDNAPPED BY THE VAMPIRE PRINCE   Chapter Nine

    Chapter 9|Caden's POV|Nakatayo ako malapit sa bahay nila Brielle at pinapanood si Leo kung paano siya makakapasok sa loob nito. Tama si Brielle, idadamay nga ng lalaking ito ang kaniyang pamilya. Masama ang epekto sa kaniya ng banal na dugo ng aking Lola Amira. Kaya't mas naging halimaw pa siya sa amin.Bukod pa rito, nananatili siyang may dugong tao kung kaya't iba talaga ang epekto sa kaniya. Tinititigan ko lang si Leo at inaabangan ang mga susunod niyang gagawing. Panay ang silip niya, at pilit nitong binubuksan ang gate.May lumabas na babae, sa tingin ko ay nanay 'yon ni Brielle. Bago pa man siya makalapit kay Leo ay mabilis ko na itong pinigil. Nagtangka siyang itulak ako, pero pinilit ko siyang labanan. Pinaulanan ko ng suntok si Leo, panay naman ang sigaw ng nanay ni Brielle."Umalis na po kayo rito!" sabi ko sa kaniya.Nagtaka naman siya at nakatitig

    Last Updated : 2020-11-06
  • KIDNAPPED BY THE VAMPIRE PRINCE   Chapter Ten

    Chapter 10Dahan-dahan kong inikot ang door knob, sobrang kinakabahan talaga ako. Binuksan ko na ng tuluyan ang pintuan, si Charlene pala. May dala siyang mga damit at binigay ito sa akin."Naglinis kasi ako, sa tingin ko naman ay magagamit mo ang mga 'yan." sabi nito."S-Salamat." nginitian ko siya.Hindi naman siya nagtagal at umalis din. Muli kong ni-lock ang pintuan. Akala ko may nakahuli na sa akin, buti na lang hindi si Caden yung kumatok.Itinuloy ko ang pagtingin sa mga dokumento na nakuha ko. Bukod sa passbook ni Leo at sobre, mayroon ding maliit na notebook. Una kong binuksan ang selyadong sobre na nakalakip sa mga dokumento ni Julieta."P-Pera?" binilang ko pa ito.Pera. Madaming pera. May sulat sa likod ng sobre.'Julieta; Maraming salamat sa pagsisilbi mo sa amin. Maligay

    Last Updated : 2020-11-16
  • KIDNAPPED BY THE VAMPIRE PRINCE   Chapter Eleven

    Chapter 11Nagpatuloy ako sa paghahanap ng biktima. Kung saan-saan na ako napadpad, at sa tingin ko'y benteng babae na ang nakuha namin. Sapat na bilang na 'yon ngayong araw, kaya babalik na ako sa venue ng interview.Kasalukuyang sumasagot ang aking anak sa mga tanong na ibinabato sa kaniya. Naupo ako sa gilid, pinanood ko lang siya."Bukod sa pagiging businessman, ano pa ba ang iba mong gustong propesyon? Pwede kang mag-artista."Napangisi akong mag-isa. Pinoprotektahan ko ang totoong pagkatao ni Caden dahil ayaw kong maging sentro na naman siya ng pangungutya at issue. Minsan nang nasangkot sa bullying ang anak ko, at hindi ko na hahayaang mangyari pa ulit 'yon.Kahit sadista at strikta akong ina, sobrang mahal na mahal ko sila Charlene at Caden. Ginagawa ko lang naman ang mga bagay na ito upang mas mahubog sila bilang bampira. Gusto ko silang maging malakas at matapang, dah

    Last Updated : 2020-11-26

Latest chapter

  • KIDNAPPED BY THE VAMPIRE PRINCE   Chapter Thirty-Six

    Brielle continues her plan to seduce the vampire prince, and if Caden finally trusted her, she's able to know about Leo's case. "Caden," she approached the prince. Caden couldn't help but to feel nervous around her. "Do you need something?" he asked. "Would you mind if we walk around the mansion?" Caden's expression changed. He stare at Brielle, knowing if she is planning something or what. He approached Brielle and pinned her on the wall. "Who are you?" he asked. Brielle laughed, "What? It's me, Brielle!" "Why do you want to walk around the mansion?" he asked again. She gulped.Caden's sharp gaze followed Brielle as she strolled through the dimly lit corridors of the ancient mansion. His instincts, honed over centuries, whispered a warning of potential danger. The subtle rustle of her footsteps echoed in the silence, amplifying his suspicion. As the vampire prince, Caden couldn't ignore the nagging feeling that Brielle harbored secrets that could disrupt the delicat

  • KIDNAPPED BY THE VAMPIRE PRINCE   Chapter Thirty-Five

    Brielle's breath caught in her throat as Caden Rhett, the enigmatic vampire prince, guided her into the dimly lit room."Caden, what... what just happened?" she stammered, her eyes wide with both confusion and a hint of curiosity.His crimson gaze met hers, a sly smile playing on his lips. "My dear Brielle, I merely used a touch of my powers to make this encounter more... memorable," he whispered, his voice sending shivers down her spine.As the room's atmosphere thickened with tension, Caden closed the distance between them. "You have a unique energy, Brielle, one that intrigues me," he murmured, his velvet tone wrapping around her like a silk thread. Brielle, torn between fear and fascination, couldn't deny the magnetic pull of his presence. "What are you?" she asked, her voice barely audible. Caden chuckled softly, his breath brushing against her ear, "I am a creature of the night, and you, my dear, are now part of this nocturnal dance."Brielle struggled to conceal the burgeoning

  • KIDNAPPED BY THE VAMPIRE PRINCE   Chapter Thirty-Four

    I know that my plans are risky, but this is the only way to escape from this hell. Hindi na maganda ang mga nangyayari sa pagitan naming dalawa ni Caden. Ayaw kong umabot sa punto na maging seryoso ang nararamdaman ko para sa kaniya. I hate him! He killed my father and my best friend.Isa lang naman ang dahilan kung bakit nag-krus ang landas naming dalawa."Bakit nandito ka sa kwarto ni Caden?"Mabilis akong napalingon sa babaeng nagsalita mula sa pintuan. Teka– bakit nga ba ako nandito? What the f*ck!"Elaine?" ani ko.Tumango naman siya."Maglilinis sana ako." saad ni Elaine.Magsasalita na sana ako ngunit biglang dumating si Caden."What are you doing here?" inis nitong tanong kay Elaine."Maglilinis lang po." tugon naman niya.Napalunok ako. Nararamdaman kong nag-iinit ang katawan ni Caden, mukhang may masasaktan na naman ngayong araw. Lumapit si Elaine kay Caden dahilan nang pag-atras nito kaya naipit ako.Is she seducing Caden?She's wearing a white silk dress, tapos maiksi pa.

  • KIDNAPPED BY THE VAMPIRE PRINCE   Chapter Thirty-Three

    |Brielle's POV|Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Caden kanina. Girlfriend niya raw ako?! And I saw Charlene's reaction, mukhang mag-aaway na naman kami. Umupo muna ako sa harap ng malaking vanity mirror dito sa kwarto kung saan ako natutulog.May sugat ang labi ko.What happened?Biglang nag-flashback sa utak ko ang ginawa kong pang-aakit kay Caden. SH*T!Tumayo ako at dumeretso sa shower room."No, no, no! Never! Yuck!"I'm rubbing my body with a lot of liquid bath soap.I can't believe I kissed him and we had s*x! I'm out of my mind right now while taking a bath. Why did it have to happen at this very moment? I need to stop thinking and just let my hair down.I hope I don’t regret anything. When will I be able to look at myself in the mirror again? Ugh, I feel horrible! It's all my fault. My stupid hormones and my stupid body.How can I get rid of these feelings? It feels as if I've been hit by a truck! I know Caden's going to ask me why I slept with him, but I don't know what

  • KIDNAPPED BY THE VAMPIRE PRINCE   Chapter Thirty-Two

    "Girlfriend?"Charlene was about to attack me when we went to my room. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko kanina tungkol sa amin ni Brielle. Tinatawanan ko lang siya dahil halos magwala na siya sa inis."Alam mo namang ayaw ko sa babaeng 'yon." inis na sabi ni Charlene.I just laughed at her.I don't care about how Charlene feels. I'm going to do what I want with who I want, and no one is going to stop me or stand in my way. I'm not interested in any of them.They're all so shallow.All the vampires in the world are shallow. The only person who matters is the one I am dating. And she isn't shallow. She's kind. Sweet. kind, like the sun. Bright, beautiful, like the flowers I find at night. But she also has secrets. Secrets that scare her. Secrets that keep her from being happy.She keeps secrets that keep her from letting anyone get close enough to be friends. I need more than friends. I need people who care, who aren't afraid to look at me. People who want to see this side of me too

  • KIDNAPPED BY THE VAMPIRE PRINCE   Chapter Thirty-One

    Hindi namin namalayan na nakatulog kami nang magkatabi sa aking kama. We're still naked and covered with my black blanket. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari, sobrang bilis. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ganitong klase ng saya.It feels like I'm on a cloud nine right now.I was staring at Brielle's face. Maganda siya, at aaminin kong mas matapang siya sa akin. Hindi ko akalain na aabot kami sa ganitong punto."Son of a monster!"Biglang nagising si Brielle dahil sa malakas na sigaw ni Mommy."Mom! Bakit ba bigla ka na lang pumapasok?" inis kong tanong sa kaniya."I was about to call you because we have an important guest. H-Hindi ko naman alam na magkasama pala kayong dalawa." saad naman ni Mommy.This is embarrassing. My mom saw Brielle sleeping on my bed. She's probably thinking I'm a pervert now, and she's right to think so.How would anyone believe me, though? It was just one time! I'm sure she'll be fine with it after all.Besides, even if this was something more, wha

  • KIDNAPPED BY THE VAMPIRE PRINCE   Chapter Thirty

    "Maayos na ang lagay ko. H-Hindi ko lang maintindihan na kung bakit nangyari 'yon." lumapit si Brielle sa akin."Wala kang naaalala?" I asked her.Hindi sumagot si Brielle. Bakit ganito ang epekto sa kaniya? Tila pinapahirapan pa ang katawan niya, buti na lang at lumalaban siya. Ang hirap makita na nagkakaganito si Brielle, hindi ko rin kasi alam kung ano ang patutunguhan nito.Brielle's life is in danger. She needs to be strong enough to fight with our enemies someday. She can't give up now when she barely has enough energy left to get through one day. The only way to help her is for her to drink the blood of a human, and they are the ones currently causing all this destruction on the earth. Her only option is the most dangerous and dangerous thing in existence."You need to live like us." I whispered.Nakatingin lang si Brielle sa akin, hindi siya nagsasalita. Hindi ako makagalaw, hanggang sa tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Hinawakan niya ang aking magkabilang baywang at niyaka

  • KIDNAPPED BY THE VAMPIRE PRINCE   Chapter Twenty-Nine

    Naiinis na talaga ako. Paano ko ba makukuha ang simpatya ng kapatid ko? Tila napako na siya sa babaeng 'yon. Nagtungo ako sa pool area upang mag-relax at pakalmahin ang aking sarili.Maya-maya naman ay dumating si Mommy na abot-tenga ang ngiti."Where have you been?" I asked her."Galing ako sa restaurant, and guess what?" tugon niya.I was so confused because my mom brought someone in our mansion. And she's not a vampire like us, but human. She's tall, her hair is long and black. She's wearing an eyeglasses.I thought that she would be like the people at school, and she would say something stupid to try and piss me off. But she didn't do that at all, and instead she looked around nervously.She seemed really nervous about going in our house. I don't know why. I didn't know who she was. My mom told me she's my new maid. When we got inside the mansion, I immediately saw my mom talking to her. I think she was trying to figure out if she likes it here or not. She kept talking to her whi

  • KIDNAPPED BY THE VAMPIRE PRINCE   Chapter Twenty-Eight

    "Stop being so kind, Brielle." I told her.I saw the color of her eyes changed from black to red. She really now a vampire! Caden is the only reason why this human became a vampire like us. That's right he is also the reason she was able to become a monster!"Wait–" parang nahihilo si Brielle.Hindi ko alam kung tutulungan ko ba siya o hahayaan ko siyang bumagsak sa sahig. Napalunok ako, dahan-dahang napahiga si Brielle sa sahig habang dumudugo ang kaniyang bibig.I panicked."Help!" I shouted.Caden helped me to bring Brielle to her room. She fainted when the color of her eyes changed. Caden caress her hair .Brielle's eyelashes flutter open, but she can't quite make out anything clearly. Her head hurts, and her chest feels tight."Just stay there." saad ko."What happened?" she curiously asked me.Hindi niya alam ang mga nangyari kanina. Isa lang ang ibig sabihin nito, hindi aware si Brielle sa mga pagbabago sa kaniyang katawan at blood circulation. She doesn't even know that she's s

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status