HALOS ilang linggo na rin ang lumilipas at sa loob ng mga araw na iyon ay hindi ko alam kung tama bang matuwa ako na hindi pa muling nagpaparamdam sa akin si Angel. Hindi siya tumatawag, nagtetext o kahit bisita man lang dito sa opisina ko.
Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit hindi ako makapagfocus sa trabaho. Nandito nga ako at nakaupo sa opisina ko pero ang utak ko naman ay kung saan-saan na napupunta. Nandyan 'yong napapaisip ako na paano kung biglang hinanap na pala ni Angel si Shella tapos sinabi iyong nangyari sa amin o baka naman bigla palang may nabuo tapos pupunta dito si Angel at pipiliting ipaako sa akin ang batang dala-dala.
Pinindot ko ang intercom at inutusang pumasok dito sa loob si Lawrence. Ilang segundo lang ang lumipas at nasa harapan ko na siya agad.
"Yes sir Jolo? Anything you want or need? May mali po ba sa files na pinasa ko? How about reports po? Do you want me to send you another copy or make a new-"
"La
"WHAT did you say Angel? What the actual fuck did you say?" tanong ko paulit-ulit. Hindi ako mapakali. Paikot-ikot na ang ginagawa kong paglalakad dito sa harapan niya. She's just crying and sobbing. Ni ayaw niya rin mismo magsalita. Sumasakit na ang ulo ko sa nangyayaring ito.Shit, hindi pwede 'to. Ibang usapan na pag may inosenteng batang involve. Lalo na kung anak ko pa iyon. Pero hindi pa naman ako nakakasigurado na buntis nga talaga si Angel."Jolo I'm pregnant. I'm three weeks pregnant now-""How could you say that you are pregnant? At paano ka nakakasiguradong akin nga 'yang batang dinadala mo kung sakali?"Shock was visible in Angel's eyes. Bigla itong napatayo mula sa pagkakaluhod at mabilis pa sa alas-kwatro akong sinampal. Masakit. Mahapdi sa pisngi. Pero maigi na rin ito, para magising ako sa katotohanan at maniwalang nangyayari ito ngayon."Oh my god Jolo! I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Nadala lan
SHELLA POVMagdadalawang buwan na ang lumipas magmula nang umuwi si Jolo sa Maynila. At walang araw na lumipas na hindi ko ito naisip. Araw-araw at gabi-gabi, sa tuwing wala akong ginagawa, lagi ang binata ang laman ng isip ko.Pilitin ko man ang sarili na iwaksi at iwasan ang pag-iisip sa binata ay hindi ko magawa. Kahit na ba wala man lang akong balita na naririnig o nalalaman tungkol dito ay patuloy pa rin akong umaasa. Umaasa na babalik siya dito para sa akin.Kahit na alam ko naman sa sarili ko na hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap ay umaasa pa rin ako at kumakapit sa mga pangakong binitawan niya bago siya tuluyang umalis at lumayo sa akin."Oh Shella? Nagsuka ka na naman ba? Aba ilang beses na 'yan nangyayari ngayong linggo ah," agad akong napalingon kay nanay Leoning nang marinig itong nagsalita.Mabilis akong nagmumog at nagpunas ng bibig bago lumingon sa kinatatayuan nito. Nagmano muna ako nang tul
HINDI ko alam kung dahil ba sa alog ng jeep kaya ako nahihilo o dahil na naman 'to sa walang mintis na umagang pananakit ng ulo ko, mabuti na nga lang at hindi ako naduduwal ngayon. Sadyang mabigat lang ang ulo ko at nakakaramdam ako ng malubhang pagkahilo.Minabuti kong pumikit na lamang para kahit papaano ay mawala sa isipan ko ang hilo na iniinda. Medyo malayo-layo pa ang babaan ko. Siguro ay mga dalawang oras pa ang hihintayin ko.Nasa bandang dulo ako ng parte ng jeep. Nakasumbrero ako at nakatakip ng panyo ang mukha. Napapadilat ako ng mga mata sa tuwing humihinto ang jeep.Akmang ipipikit ko na sana muli ang mga mata ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Tiningnan ko lamang ito sa gilid ng mga mata ko at pilit na kinikilala ang mukha at kung sino ba ito. Halos lumuwa ang mga mata ko nang mapagsino ang taong tumawag sa akin."Shella? Ikaw ba 'yan? Ikaw nga!Kamusta ka naman? At saka saan ka pupunta?" tila maligayang-mali
HABANG pauwi ay nakatulala pa rin ako. Simula ng sumakay ako ng jeep hanggang ngayon na naglalakad na ako papunta sa bahay namin ay parang nililipad ng hangin ang utak ko. Para akong naglalakad na papel, magaan at walang buhay!Maigi na nga lang din at hindi ko na nakasabay ulit sa jeep pauwi si Mario eh, isa pa iyong taong 'yon na dagdag pa sa isipin ko.Katatapos lang ng tanghalian kaya inisip ko na baka tulog at namamahinga na ulit sila tatay Ruben at nanay Leoning sa kwarto nila.Pero ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang madatnan ko silang nagkekwentuhan dito mismo sa kusina at sabay pa silang dalawa na napalingon sa akin."Oh nandyan ka na pala Shella, kamusta naman ang lakad mo?" tanong ni nanay Leoning sabay tayo sa kinauupuan. Agad naman akong lumapit sa kanila at mabilis na nagmano sa mga ito. Ibinaba ko na din muna sa isang tabi ang ilang gamit ko.Inabot ko ang binibigay na isang basong tubig ni nanay L
"MABUTI nalang at nakahiram tayo ng tricycle kanila pareng Andres! Ipagdadrive pa niya ako pahatid kay Shella sa terminal," maligayang anunsyo ni tatay Ruben sabay lapit sa akin para bitbitin na ang mga bag kong naglalaman ng ilang mga gamit ko.Halos kaunti lang din ang dala ko. Ilang piraso ng damit at gamit na kakailanganin ko para sa aking sarili."Maraming salamat po 'tay Ruben. Pasensya na din po at biglaan tayong nakapagbenta ng kalabaw para lang may maipamasahe ako papuntang Maynila," nahihiya kong turan sabay ngiti ng tipid.Noong nakaraan pagtapos namin mag-usap-usap tungkol nga sa pagluwas ko pa-Maynila ay agad na ngang naghanap ng mapagbebentahan ng kalabaw si tatay Ruben. Kahit mababa kumpara sa normal na presyo ng bentahan ng kalabaw ay pinatos na lamang din niya, aniya'y kailangang-kailangan ko na daw. Hayaan nalang daw at mas importante ang apo niya sa akin kumpara sa kalabaw namin."Ano ka ba naman Shella apo, kikitain n
SA SOBRANG tagal ng byahe ko papuntang Maynila ay wala akong ibang ginawa kung hindi matulog at kung magising man ay tanging si Jolo lang ang laging laman ng isip ko.Nang tuluyan na nga akong makababa mula sa bus ay mabilis akong naghanap ng maaring pagbilhan ng cellphone. Iyong keypad phone lang sana dahil hindi naman ako maalam pagdating sa mga cellphone na katulad nang kay Jolo."Excuse me po lola, saan po kaya may bilihan dito ng cellphone?" agad kong tanong sa isang matandang babae na nagtitinda ng mga candy malapit lang din dito sa binabaan ko.Mariin niya muna akong tinitigan na tila ba buong pagkatao ko na ang sinisiyasat niya. Ako nalang tuloy ang naiilang sa ginagawa niyang pagtitig."Bago ka lang ba dito ineng?" kapagkuwan ay masungit niyang tanong. Saglit akong napatingin sa kanya at hindi ko malaman kung sasagutin ko ba ang tanong nito o hindi."Ineng?" usal ulit nito kaya naman wala na akong nagawa kung hindi saguti
"TAMA po ba 'tong lugar 'nay Tasing? Bakit parang ang laki naman yata at ang taas?" mangha kong tanong sa kasama kong matanda habang hindi na magkandaugaga sa pagtingala para siyasatin ang kabuuan ng lugar.Hanggang ngayon ay bitbit-bitbit ko pa rin ang mga gamit ko at sa tuwing naglalakad si nanay Tasing ay siya rin namang higit ko sa mga dala ko."Aba'y oo naman, Shella. Hindi ako pwedeng magkamali," usal naman ni nanay Tasing habang palinga-linga sa paligid ko.Hindi ko alam kung may hinahanap ba siyang tao o sadyang namamanghaan din siya dito sa lugar."Parang hindi ko naman po nakikita si Jolo, 'nay Tasing. Baka po maling lugar ang nabababaan natin-""Ano ka ba naman Shella, sino ba sa ating dalawa ang mas matagal na dito sa Maynila? Hindi ba't ako? Magtiwala ka lang at sigurado akong tama ang pinuntahan natin!" saad ulit ni nanay Tasing at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitigil kakalingon sa paligid.
"YOU'RE PREGNANT?!" halos hindi yata makapaniwala itong si Vincent sa sinabi ko.Ano bang akala niya sa kaibigan niya, santo para hindi makagawa ng kasalanan? Hindi naman sa sinasabi kong kasalanan itong magiging baby ko ha, ang sa akin lang baka iniisip ni Vincent ngayon na paano ako nabuntis gayong may naiwang kasintahan si Jolo dito sa Maynila.Hindi ko din alam at wala naman akong balak alamin pa. Basta ang sabi ni Jolo, hihiwalayan niya si Angel sa oras na makabalik siya dito. Aba tatlong buwan na ang lumilipas at hanggang ngayon ay walang Jolo'ng nagpupunta sa akin sa Baguio."Kung ayaw mo maniwala, eh 'di wag. Hindi naman ikaw si Jolo para pagpilitan kong maniwala ka," saad ko at muli na itong tinalikuran.Nakakailang hakbang pa lamang ang nagagawa namin ni nanay Tasing nang maulinagan kong tila may binubulong-bulong si Vincent."That's why he broke up with Angel. That explains why he is so eager and doesn't hesitate
"GO honey, give the flowers now to your lola Lydia and don't forget to kiss her," nakangiti kong utos sa anak namin ni Shella na si Miracle. Agad nga itong tumalima at masayang naglakad kasabay pa na kaunting pagtalon-talon papunta kay auntie Lydia. "Mukha kang masaya ah, may nangyari bang maganda?" napalingon ako sa tabi ko nang marinig ang tanong ni Shella. Mabilis akong tumango at niyakap ito nang sobrang higpit ngunit may kasama pa ring pag-iingat. "You don't have to ask me that, love. Makasama lang kita palagi, sapat na'ng dahilan iyon para maging masaya. And also aside from that... dumating na pala ang mga wedding invitations na ipamimigay natin sa mga guest, aren't you excited about that? Hindi ba't personal choice mo ang piniling template doon?" tanong ko rito habang sinusulyapan ang kanyang mga mata. Agad na sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ko nang makita kong ngumuso si Shella. She's been doing that for almost a week now! Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabiha
NAUNA nang pumasok sila lola Tatiana at Shella sa loob ng kwarto ni auntie Lydia. Hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin ako kung susunod ba ako rito o babalik nalang sa kwarto kung saan naiwan sila Rusty. I am longing to my daughter, parang mas gusto ko nang umuwi nalang ngayon kaysa makipag-usap sa taong ayoko nang makita pa at pag-aksayahan ng oras. I was about to walk away from the door of auntie Lydia's room when it suddenly opened, halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang makitang ang iniluwa noon ay ang asawa kong naniningkit ang mga matang nakatitig sa akin. "At saan mo balak pumunta Mr. John Louis Raymundo? Hindi ba't sinabi mo kay nanay Tasing na sasamahan mo siyang makipag-usap sa tiyahin mo? Aba'y ilang minuto na kaming nandito sa loob ay wala ka pa rin. Tapos ngayon mahuhuli pa kitang aalis-""I'm not going anywhere, pupuntahan ko lang sana sila Rusty-""At bakit?!" nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumaas ang boses ni Shella at mas lalo lang naningkit ang mga
JOLO POVKUNOT na kunot ang noo kong hinabol ng tingin si Shella na ngayon ay palayo na nang palayo sa akin.Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung ano iyong mga pinagsasasabi niya kanina. Bantayan ko daw sila ni Miracle kahit hindi ko na sila makakasama like what the fuck right? I am fucking alive and breathing fine.Inubos ko na muna ang kape na binili ko bago ko napagdesisyunang sumunod kay Shella. Hindi naman siguro iyon aalis at pupunta kung saan. I know that she was just roaming around the area.I was about to pull the doorknob of the door when it suddenly opened. Si Rusty na nakahawak sa kanyang pisngi ang iniluwa noon."What the hell Domingo? Ano na namang kabaliwan ang ginawa mo?" naniningkit ang mga matang tanong ko sa kaibigan.Rusty just smiled awkwardly that makes my doubt even worst. Siguro ay may kinalaman ito
HINDI ko na alam kung anong mga gamit ang isinilid ko sa maliit na bag na nahablot ko kanina. Nagmamadali akong nagbihis habang tuloy-tuloy pa rin ang pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata ko. Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay nahihirapan ako huminga sa bawat pagdaan ng oras. Nanghihina ako at parang gusto ko nalang hayaan ang katawan kong matumba at umiyak nang umiyak. "Shella apo, tatagan mo ang loob mo. Huwag mong kalimutan na nandito lang kaming pamilya mo-""Hindi, 'nay Leoning. Hindi patay si Jolo. Hindi patay ang asawa ko. Magkikita pa kami... magkakasama pa kami..." saad ko habang umiiling-iling. Mabilis akong niyakap ni nanay Leoning kasabay ng paghaplos niya sa likod ko. Ngunit imbes na gumaan ang loob ko ay lalo lang akong pumalahaw ng iyak. Hindi ko na kayang magkunyari pa. Nasasaktan ako nang sobra-sobra at hindi ko na alam kung paano ko pa patitigilin ang sarili sa matinding pag-iyak. Agad kong tinuyo ang
SHELLA POV"RUSTY, sumagot na ba si Jolo?"Hindi ko na napigilan pa ang sarili na hindi mapangiwi nang dahan-dahan lamang na umiling bilang kasagutan sa akin si Rusty. Hindi ko alam kung nakailang beses na ba akong nagtanong sa kanya tungkol kay Jolo para sa araw na ito.Ilang oras na rin kasi ang lumipas magmula noong umalis kami sa Maynila. Hindi ko na nagawa pang itanong kay Rusty ang eksaktong lugar na pinagdalhan niya sa amin basta ang sinabi niya lang ay isa ito sa mga private property ng pamilya niya. Hindi ko alam kung gaano kalayo ito dahil nakatulog rin ako kanina sa biyahe. "Nasabi mo ba sa kanya kung saan ang lugar na ito? Kung paano pumunta dito?" muli kong tanong. Mariin lamang na tumango s Rusty sa akin bilang sagot at marahas na nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Hindi ko alam kung nakukulitan na ba ito sa akin o naaawa. Naririnig at nakikita ko naman kasi kanina na maya't maya ay tinatawagan niya ang numer
JOLO POV"JOLO..."Mabilis kong nilingon si Shella sa tabi ko nang mahimigan ko ng matinding pag-aalala ang boses nito. Wala na rin sila Lawrence dito sa bakuran ko at sa hula ko ay nasa labas na sila para tingnan at alamin kung saan nanggaling ang putok ng baril na narinig namin kani-kanina lang.Alam kong narinig niya ang narinig ko. Kinakabahan ako sa maaaring makita ko sa labas. Sobra-sobra nang dahas ang nakikita ko para sa araw na ito. Nag-aalala ako kay Shella pati na rin sa pamilya niya dahil naiisip ko palang ngayon na baka magdulot na naman kakaibang trauma sa kanila ang narinig nilang malakas na putok ng baril."J-jolo... si A-angel... n-nasaan si Angel..."Marahan kong hinigit palapit sa akin ang dalaga at kinulong sa mga bisig ko. Ramdam ko ang takot sa katauhan nito dahil pansin na pansin ko ang pangangarag ng boses niya.
"PAANONG... a-anong..."Hindi ko alam kung anong mga salita ang dapat kong bitawan ngayon. Tila hindi ko mawari o mahanap ang mga tanong na sasabihin ko kay Angel. Nagtataka ako. Paanong siya ang nagdala pauwi kay baby Miracle dito ganoong ang tiyahin ni Jolo na si Lydia ang nakunan ng surveillance camera na siyang kumuha sa anak ko."Don't know the right words you want to say? That's okay, Shella. Kahit ako ay hindi ko naisip na gagawin ko 'to. Na ako pa mismo ang magbabalik sa inyo ng anak niyo-""Paanong napunta sayo si Miracle ganoong ang tiyahin ni Jolo ang nakunan sa camera na siyang kumuha sa anak namin? Imposible namang tinaya mo ang buhay mo para kay Miracle-""Simple lang..." maarte nitong pagkakausal sabay lagay ng kanyang mga kamay sa kanyang harapan. "... Vincent only wants Jolo's company. Ang nanay niya lang naman ang nagbalak ng masama sa anak niyo. Vincent and I don't have any care to your sw
SHELLA POVINIWAN ko na muna saglit si nanay Tasing sa ospital at nagpaalam na uuwi muna sa bahay ni Jolo. Kakamustahin ko na muna ang pamilya ko roon at kukuha ng ilang gamit dahil nakikini-kinita ko na parang aabutin pa ng ilang araw ang pagpapahinga ni nanay Tasing sa ospital. Agad na kumunot ang noo ko nang mapansin na bukas ang gate ng bahay ng binata at may iilang malalaking taong nakasuot ng panggwardya ang mga nakatayong nakapalibot paikot sa lugar. Hindi ko nalang iyon inisip pa at naglakad na patungo sa loob ng kabahayan. Tumaas ang isang kilay ko nang hindi ko pa man naitatapak ang mga paa ko para makapasok sa loob ng bakuran ng bahay ni Jolo ay agad nang may humarang na lalaki sa daraanan ko. Matalim ang mga matang pinukulan ko ito ng isang titig. "Ma'am kailangan ko na po munang mahingi ang pangalan niyo at-""Ako ang asawa ng may-ari ng bahay na ito. Ako si Shella at ako lang din naman ang ina ng anak ni Jolo," buong tapa
AGAD akong dumapa nang makitang kakalabitin ni Vincent ang baril niyang nakatutok sa akin. Pinagpapawisan ako ng malamig.Mabilis akong umikot at nagtago para kunin ang nakatagong baril na ibinigay sa akin ni Rusty kanina. I thought I would never be able to hold a thing like this that could take someone's life, but experiencing this kind of scenario makes me realize that you will be put in a situation that you never in your life imagined would happen.Kailangan mong lumaban katulad na lamang kung paano ka nila labanan.Pinakiramdaman ko ang buo kong katawan kung may masakit ba o may tama na pala ako ng baril na hindi ko pa alam pero marahas akong nagpakawala ng isang buntong hininga nang matiyak kong hindi ako. Hindi ako ang tinamaan ng bala.Kung ganoon... huwag niyong sabihin na si Vincent ang..."Vincent anak ko!"Mabilis akong napalinga sa paligid at malakas na sinip