Kagaya ng sinabi ni Lester, nagsidatingan na ang mga kamag-anak nito, alas singko pa lang ng hapon. Hindi naman maiwasan ni Valeirie na kabahan kasi alam niyang ang mga ito ay nabibilang sa alta sosyedad. Unti-unti ng napupuno ang bakuran ng mansyon ng mga sasakyan. Kitang-kita niya ito mula sa bintana ng kanilang silid. Maya't maya'y pumasok si Lester sa kwarto at nakangiti itong tumingin sa kanya."Lerie, nandito na ang mga pinsan ko galing Batangas. Iyong iba paparating pa lang. Iyong mga tita at tito ko naman bukas pa raw ng umaga ang flight", sabi nito.Tumango lamang siya, saka umupo sa sopa. Umupo din ang lalaki sa tabi niya at nagpakawala ng malalim na buntung-hininga."Les, bakit may problema ba?", tanong niya rito. "Naalala ko lang ang lola Lerie. Siguro kung buhay pa siya ngayon, malamang nandito na rin 'yon ngayon", malungkot na turan ng lalaki.Bigla naman siyang nakaramdam ng awa dito at kahit na siya man ay na mi-miss din niya ang matanda. Ngunit kelangan na talagang
"Good morning, Lerie", bati sa kanya ng lalaki. Bagong ligo na ito at nakabihis na. Mas lalo itong gumwapo sa paningin niya dahil sa suot nitong checkered polo na pinarisan naman ng itim na trouser at loafer shoes. Titig na titig ang lalaki sa kanya at hindi niya alam kung ilang oras itong nakaupo sa gilid ng kama. Agad naman siyang bumalikwas nang malaman niyang pasado alas syete na ng umaga. Ngayon lang siya natagalan ng gising kung kailan may mahalagang okasyong gaganapin sa mansyon."Dios mio! Ba't ang tagal kong nagising!", usal niya."Kanina ka pa Les?""Just 15 minutes ago. Okay lang naman, Lerie. Mamayang 9:00 pa naman magstart ang program", tugon ng lalaki."Maliligo muna ako Les", aniya sabay kuha ng tuwalya at mabilis na nagtungo sa banyo."Hihintayin kita dito Lerie", sabi ng lalaki at pumasok ito sa karugtong na silid.Nang matapos na siyang maligo, nagmamadaling kinuha niya ang hair blower upang patuyuin ang kanyang buhok. Matapos ang ilang sandali, kinuha niya ang dami
"This is totally shit! You cannot expect me na ganu'n lang kadaling matanggap ko na may kapatid ako sa labas! And the worst is, bunga pa ng pagtataksil mo kay daddy!", galit na wika ni Lester nang pumasok siya sa kwarto ng kanyang mommy, kinaumagahan pagkatapos ng reunion. Nagsiuwian na ang mga kamag-anak pati na rin ang kapatid niya na si Ivan, Hindi nga siya nakatulog sa kakaisip at kung hindi lang siya pinigilan ni Valerie, malamang sinira na niya ang okasyon kahapon."Lester, alam na ito ng daddy mo noon pa. In fact, gusto ko ng makipaghiwalay sa kanya ngunit patuloy niyang iginiit ang kanyang sarili sa akin. Alam niya na hindi ko siya minahal at si Fernan ang mahal ko", pagpapaliwanag ng kanyang ina."Hindi mo alam na nag-utos ang daddy mo na patayin ang ama ni Ivan. At inilalayo niya sa akin ang anak ko at pinaniwala niyang namatay ito matapos kong ipanganak!""And do you think I believe you? Napakabait ni daddy and he is the perfect father for me! Alam ko kung gaano ka niya kam
Araw ng sabado at walang pasok sa trabaho ngunit maaga pa ring nagigising si Valerie, palibhasa'y nasanay na siyang gumising ng maaga. Bumangon siya at nag-unat ng kanyang mga braso, at nagtungo sa banyo para maghilamos at magtootbrush. Mamaya na lamang siya maliligo, tutal wala naman siyang trabaho ngayon.Pagbukas niya ng pintuan ng banyo, nakatayo na doon si Lester at may tuwalya ng nakasampay sa balikat nito."Good morning Les, may lakad ka ba?", tanong niya."Ah..oo. may aasikasuhin ako sa pabrika, pero magha-half day lang ako,", tugon nito.Tinanguhan lang niya ito kasi alam naman niya kung gaano ito ka busy sa pagpapatakbo ng factory lalo na ngayong isa na itong CEO. Pagkaraan ng ilang minuto, lumabas na ang lalaki na nakatapis ng tuwalya at naghahanap ng maisusuot sa kanyang closet. Pagkatapos pumasok sa karugtong na silid para magbihis. "Kumain ka muna Les", aniya."Magkakape lang ako. Kumain ka na lang mamaya ha. Aalis na ako.", sabi nito."Sige, ingat ka"Ngumiti lang ito
"Anong ginawa niyo kay Valerie mommy?", galit na tanong ni Lester nang makapasok siya sa silid ng kanyang ina. Nabigla naman si Madam Elena sa pagpasok niya dahil hindi na siya kumatok pa sa pinto. "Buti at nandito ka! Dahil hindi ko maintindihan kung paano ka nakikipagkasundo dyan sa babaeng 'yan!", bulyaw nito sa kanya."Mom, shut up! Hindi niyo alam ang sinasabi niyo! Wala kang karapatan para saktan si Valerie!!!""At mas kinakampihan mo pa siya ngayon kaysa sa sarili mong ina! You're impossibe Lester! Hindi ko alam kung anong pumapasok dyan sa kukute mo at kailangan mo pang gumastos ng malaking pera para may maipakilala lang na fiancee sa lola mo! At ngayong hindi na man pala totoo ang kasal niyo at ng babaeng 'yan, bumalik ka na kay Scarlet siya ang nababagay sa iyo!"Mommy please lang, h'wag niyo ng pakialaman ang personal kong buhay. Ako ang mamimili kung sino ang gusto ko! Mananatili si Valerie sa pamamahay na ito hangga't hindi pa tapos ang kontrata!""Gaano mo na ba ka kil
"Ano po mommy? Hindi totoo ang kasal ni Valerie at ng kapatid ko?", tanong ni Ivan nang minsang magkita sila ng kanyang ina sa isang restaurant. Tinawagan kasi siya nito dahil may mahalaga daw itong sasabihin sa kanya."Oo anak, kaya ang ibig sabihin niyan, maaaring maalis sa pagiging CEO si Lester sa pabrika. And it's your time to shine anak!", nakangiting sabi ni Madam Elena."Mommy, hindi naman po ako intresado sa pabrika eh! Hayaan niyo na lang po na ang kapatid ko ang mamahala sa factory. Tutal may trabaho naman po ako", mahinahong tugon niya."Isa lang naman ang nais ko mommy", dagdag niyang sabi.Tumingin sa kanya si Madam Elena at bahagyang kumunot ang noo nito. "Mommy, dati kong girlfriend si Valerie ngunit nakagawa ako ng malaking kasalanan sa kanya. Ngayon ko lang narealize kung gaano ko siya kamahal and I want her back!""What? Ano bang nangyayari sa inyong dalawa ni Lester? Bakit sa dinami-dami ng babae at sa Valerie pa na iyon pareho kayong nagkakagusto?", wika ng kanya
Maagang nagising si Valerie, dahil sa magkasunod na tunog ng kanyang cellphone. Dali-dali niya itong kinuha sa ibabaw ng bedsie table. Napangiti siya nang mabasa ang pangalan ng nanay niya sa screen."Hello po nay, good morning po. Ang aga niyo po!", sabi niya."Anak, happy birthday!!!", bati sa kanya. Pagkatapos, narinig niya ang boses ng tatay niya na tuwang-tuwa na bumabati sa kanya. Sumunod naman ang mga kapatid niya."Happy birthday ate!!!", nagkasabay-sabay ang mga ito.Oo nga pala nakalimutan niyang birthday niya ngayon. Isang taon na naman ang nadagdag sa buhay niya at ipinagpapasalamat niya ito sa Panginoon, dahil sa kabila ng hirap na pinagdaanan niya, patuloy niya itong nalalampasan. "Marami pong salamat nay, tay, Aises, Bela. Nakalimutan ko nga eh! Buti pinaalala niyo sa akin!", nakangiti niyang sabi. Nagkatawanan silang lahat."Kung nandito ka lang sana anak, mag-iihaaw tayo ng baboy. Eh kaso malayo ka naman! May exam din mga kapatid mo. At ako rin abala na rin sa ating
Alas onse na ng gabi natapos ang kasayahan sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. At ngayo'y pauwi na sila ng mansyon. Naihatid na rin sa apartment ang kaibigan niyang si Faye kaya sila nalang dalawa ni Lester sa loob ng kotse."Masaya ka ba Lerie?", tanong ng lalaki habang ang mga mata ay nakatuon sa kalsada."Yes, sobrang happy Lester. Thank you so much. Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa iyo", tugon niya."Uhm, hindi mo pa binuksan ang regalo ko sa iyo", sabi nito."Mamaya na sa bahay. Thank you ha!""Wala 'yon!"Nang makarating na sila ng mansyon."Happy birthday ma'am Valerie!" sabay-sabay na bati ng katulong. Hinihintay pala sila ng mga ito, at tunay ngang nakakataba ng puso na may mga taong binibigyan siya ng sapat na importansya."Ma'am may mga pagkain pong nakahanda sa mesa", sabi ni Aling Martha."Sabi kasi ni sir maghanda daw eh!""Uhm, actually po, kumain na kami sa labas. Sinorpresa din ako ng sir niyo eh! Kayo na lang po ang kumain manang. Di bale po sasamahan
THE FINALE Dumating na rin sa wakas ang araw na pinakahihintay nilang dalawa ni Lester---ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Alas kwatro pa lang ng umaga ay nagising na siya, at kahit gustuhin man niyanag matulog ulit, ayaw na talaga niyang dalawin ng antok. Inaamin niyang excited na talaga siyang humarap sa altar at mangako ng habang-buhay na pagmamahal sa lalaking pangarap niyang makasama habang buhay. Isang totoong kasalan na ang magaganap kaya hindi na niya masasabing magiging bride lang siya, ngunit hindi magiging asawa. Kasalukuyan silang nag-stay muna sa hotel kasama ng kanyang pamilya at iba pang kamag-anak na dumating kahapon mula sa iba't ibang probinsya. Ipinag-booked niya ng room ang mga ito dahil hindi naman magkasya sa bahay nila kung doon niya patutulugin. Nasa ibang room ang kanyang mga magulang at ang kasama lang niya sa kwarto ay si Faye. Sa kabilang silid naman nag-stay ang kanyang mga bridesmaids kasama na rito ang kanyang mga kapatid. Kinuha niyang maid of h
Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ni Valerie habang hinihintay niya ang araw ng kanilang kasal ni Lester. Kung pwede nga lang niya hilahin ang mga araw upang dumating na kaagad ang kanilang pag-iisang dibdib.Bagama't naghire sila ng wedding coordinator ngunit nagiging abala pa rin sila dahil nais ng lalaki na magiging enggrande ang kanilang kasal. Kahit ayaw naman niya ng ganu'n pero mapilit naman ito dahil minsan lang daw itong mangyayari sa buhay nila. "Babe, tapos ka na ba at aalis na tayo!", wika ni Lester na naghihintay sa kanya sa labas ng kwarto. "Yes babe, malapit na!""Mars, ready ka na ba?", tanong niya kay Faye."Saglit lang mars ha, at parang may email ako. Wait lang at basahin ko muna", sagot nito. Ngunit, bigla niyang narinig ang pagtili nito na parang nanalo ng lotto."Mars!!! Seryoso ka ba?", sabi nito at sinugod siya ng yakap."Ang alin mars?" "Ito oh!", ipinakita sa kanya ni Faye ang email."Mars, sobrang touch naman ako nito. Isang milyon talaga?"
Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang ina ay parang nabunutan siya ng tinik sa puso. Akala niya hindi na darating ang panahong magkakasundo sila ng mommy niya. Worth it naman ang apat na araw niyang pagbabantay sa ospital dahil mabilis naman itong nakakarecover. Salitan silang dalawa ni Ivan sa pag-aalaga sa mommy nila kaya dahil dito'y mas lalong napalapit ang loob niya sa kanyang kapatid."Bro, tapos ka na ba sa daily rounds mo sa mga pasyente?", tanong niya rito nang makitang nakasuot ng uniporme ang kanyang kapatid."Oo bro, katatapos lang. Mamaya na naman ulit. Ang mommy?""Ayun, nakatulog kaya lumabas muna ako", sagot niya."Uhm, by the way bro, pinuntahan mo na ba si Valerie sa probinsya nila?", curios na tanong ni Ivan nang makaupo sila sa mahabang upuan sa labas ng private room ng kanyang ina. "Yes bro, na-meet ko na rin ang pamilya niya. At---inalok ko na siya ng kasal!", masayang sabi niya."That's great bro! I'm happy for the two of you. Please, mahalin at alagaan mo si
Hindi niya maiwasang ngumiti nang una niyang masilayan sa kanyang paggising ang mukha ng lalaking labis niyang minamahal. Mahimbing pa itong natutulog habang yakap-yakap siya nito. Tumingin siya saglit sa orasan at pasado alas dyes na pala ng umaga. Dahan-dahan niyang pinalis ang kamay nito na nakayapos sa kanya at maingat na bumangon. Kumuha siya ng tuwalya at nagtungo sa banyo upang magshower.Pagkaraan ng fifteen minutes, lumabas na siya at nakatapis lamang ng tuwalya. Sinulyapan niya ang lalaki at natutulog pa rin ito.Habang nagbibihis siya'y biglang tumunog ang cellphone nito kaya nagising ito at dali-daling kinuha ang cellphone na iniligay sa ibabaw ng bedside table."Yes bro---""What? Oh, God! Nasaan siya ngayon bro?", narinig niyang sabi nito. Biglang sumeryoso ang mukha ni Lester kaya nag-aalala siya kung sino ang kausap nito sa cellphone."Babe, ano 'yon?", tanong niya nang matapos na itong makipag-usap."Si Ivan. Nasa ospital daw si mommy. Bigla daw itong hinimatay kahapo
Pasado alas dyes na ng gabi ngunit nasa roof top pa rin sila ng SJ Mansion Hotel. Nakaupo silang dalawa ni Lester sa mahabang upuan habang nakatingin sa kalawakan. Maraming bituin sa langit na animo'y masayang nagkikislapan na parang sumasabay din sa kaligayahang lumulukob sa kanilang mga puso. Nakahilig siya sa balikat ng lalaki habang buong higpit nitong hawak-hawak ang kanyang mga kamay."Babe?", buong pagsuyong sambit ni Lester."Uhm, ano iyon?", mahina niyang sagot."Napansin ko lang kasi eh. Bakit 'di mo na suot ang kwintas?", tanong nito.Bigla siyang kinabahan sa tanong nito. Oo nga pala ang kwintas! Naiwala niya ito nu'ng pumunta sila ni Faye ng Isabela. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. "Ah..eh..", nauutal niyang tugon."Hey, are you okay? Ba't parang kinakabahan ka?"Hindi pa rin siya makasagot. Iniisip niya na sabihin nalang ang totoo kay Lester. Hindi naman niya talaga sinadyang mawala ito. "Uhm,..ang totoo---kasi--Le
Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama na niya ngayon ang lalaking tanging laman ng kanyang puso't isipan. Parang isang panaginip lang ang lahat, kaya kinukurot pa niya ang kanyang pisngi, dahil akala niya nanaginip lamang siya ngunit totoo talaga ang lahat. Hindi niya maipaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman habang nakahilig siya sa balikat ni Lester. Nasa ganu'ng tagpo sila nang biglang bumukas ang pinto at tumambad mula doon ang nakangiti niyang mga magulang at kapatid, kasama na rin si Faye."Nay, tay, nandito po si Lester!", mangiyak-ngiyak na sambit niya.Lumapit ang mga ito sa kanila at naupo sa mahabang sopa. "Naku, anak kanina pa nandito 'yan at sinabi na niya ang lahat sa amin", wika ni Aling Melba."Ate, ang gwapo nga po pala ni Kuya Lester!", bulalas ni Aises."Kaya pala iyak ng iyak ka po ate, kasi ang gwapo pala nitong jowa mo. Parang artista!", dagdag na sabi nito saka bumungisngis ng tawa."Aises, ano ka ba! Nakakahiya sa kuya Lester mo!", saway ng kanyang ina.
Kahit anong pilit niyang maging masaya lagi pa ring may kulang sa buhay niya. Oo nga kasama niya ang kanyang pamilya at tanggap na ng mga ito ang kalagayan niya, ngunit hindi pa rin kumpleto ang kaligayahan niya. Sa kaibuturan ng kanyang puso'y may malaking kahungkagan at iisang tao lang ang tanging makapagpupuno nito---si Lester!"Anak, hindi ka ba maliligo? Tingnan mo ang mga kapatid mo oh! nag-eenjoy habang nagtatampisaw sa tubig na parang mga bata", nakangiting wika ng kanyang ina habang nakatingin ito kina Aises at Bela. "Dito na lamang po ako nay, masaya naman po ako habang tinitingnan ko sila.""Mars!!! Halika nga dito, magswimming tayo!", tawag sa kanya ni Faye, habang tuwang-tuwa ito sa pakikipaghabulan sa kanyang mga kapatid.Ngunit wala talaga siyang gana, matamlay ang kanyang pakiramdam. Paborito pa naman niyang maligo sa dagat. Naalala niya noong nasa elementarya pa lamang siya, umiiyak talaga siya kapag hindi siya nakakaligo sa dagat. Kaya lagi silang nagpi-picnic tuwin
Pangatlong araw na ni Lester sa France at nararamdaman na niya ang sobrang pagkabagot. Hindi kasi siya sanay nang walang ginagawa. Bigla niyang naisip ang pagbrika. Bagama't mapagkakatiwalaan naman ang kanyang assistant ngunit hindi pa rin niya maiwasang mag-alala sa kalagayan nito ngayong nasa ibang bansa siya. Upang hindi siya gaanong ma-bored sa hotel sumasama na lamang siya kay Zha zha sa mga modeling rehearsals nito. Kaya tuloy napagkamalan siyang boyfriend ng babae. "Les, okay ka lang ba?", tanong ni Zha zha sa kanya nang mag lunch-break ito. "Okay lang ako Zha, naisip ko lang ang pabrika" "So anong plano mo ngayon, uuwi ka na ba ng Pilipinas?" "Maybe next week Zha. Wala din naman kasi akong magawa dito eh!", matamlay niyang sabi. "O sya, kakain muna tayo Les, nagugutom na ako eh. Babalik pa kami mamayang ala una, kaya doon lang tayo sa malapit na restaurant kakain. Nasa tabi lang naman nitong building kaya lalakarin lang natin", sabi nito sabay hila sa kanyang kamay. "U
"Tay, nay, sorry po. Hindi ko po sinasadya eh!", tuluyan ng nalaglag ang kanyang mga luha. Hindi niya mapigilang umiyak lalo na't kaharap niya ang kanyang pamilya. "So anong ibig mong sabihing umalis 'yong lalaking nakabuntis sa iyo? Tinakasan niya ang kanyang responsibilidad?", galit na wika ng kanyang ama, habang nakakuyom ang mga palad nito. Ang kanyang ina't mga kapatid naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. "Tay, hindi naman po kasi alam ni Lester na buntis ako eh! Tay, nay, sorry po patawarin niyo ako kung nagiging kahihiyan ako ng pamilya natin", tuluyan na siyang humahagulgol. Si Faye naman na katabi niya sa upuan ay patuloy lang sa pag-apuhap sa kanyang likod. "Mars, tama na, makakasama 'yan sa baby mo!", sabi nito. "Tay, nay, nagmahal lang naman po ako. Hindi ko naman naisip na mangyari ito. Naging kumplikado lang ang lahat. Wala pong kasalanan si Lester nay!!!" "Diyos ko namang bata ka!", wika ng kanyang ina at sinugod siya ng yakap. Mas lalo tuloy siyang napah