Hindi nga nakapasok si Valerie kinabukasan sa bangkong kanyang pinagtrabahuan dahil hindi pa maayos ang kanyang paglalakad. Masakit pa ang kanyang paa at namamaga pa rin ito kaya wala siyang magawa kundi ang manatili muna sa bahay ni Lester. Kahit gustuhin man niyang umalis na ngunit ayaw din siyang payagan ng binata. Medyo na bored na nga siya sa kakapanood ng t.v. sa kwarto. Kaya kapag may pumapasok na katulong sa loob ng kwarto ay nakikipag-usap na lamang siya sa mga ito para hindi siya gaanong ma bored. Sa kabilang dako naman, nagpaalam muna sa kanya si Lester na pumunta muna sa pabrika dahil may aasikasuhing importante. Hindi na rin nagtatanong si Valerie dahil unang-una wala naman siyang karapatan para manghimasok sa personal na buhay nito. Isa pa, ayaw na niyang makikipagtalo pa dito at baka bigla na lang siyang magkaroon ng sakit sa puso. Mas mabuti na rin na wala si Lester sa bahay at hindi niya muna ito nakakausap para kahit naman papano tumahimik naman kahit saglit ang buha
"Val, ,may tawag ka sa telepono sa receiving section", sabi ng isang teller na kasamahan niya sa bangko. Nagtataka si Valerie kung sino ang maaaring tumawag sa kanya gayong oras naman ng trabaho. Hindi naman ito pamilya niya dahil kadalasan naman sa cellphone tumatawag ang nanay at mga kapatid niya. At mas lalong hindi si Lester dahil alam naman nito ang number niya at hindi rin iyon tumatawag kapag oras ng trabaho. "Hello, good morning", sagot ni Valerie sa telepono. "Hello, Valerie Sandoval?", boses ng isang medyo may edad ng babae. Agad na kinabahan si Valerie dahil parang pamilyar sa kanya ang boses ng taong kausap niya ngayon. Ang mommy ni Lester! HIndi nga siya nagkamali nang magpakilala ito sa kanya. "Gusto kong makipag-usap sa iyo mamayang ala singko ng hapon sa Annabelle's restaurant. May mahalaga akong sadya sa iyo kaya hihintayin kita. Mahalaga ang bawat oras ko kaya huwag mo akong paghintayin ng matagal", wika ng babaeng kausap ni Valerie. Nagtataka man siya kung anon
Araw ng linggo at walang trabaho sa bangko kaya hindi pa bumabangon si Valerie. Nakahiga lang muna siya sa kama ngunit bigla niyang naalalang tawagan ang kanyang ina sa probinsya. Kinapa niya ang kanyang cellphone sa ibabaw ng drawer at nagsimulang mag dial. Sa Martes na ang schedule ng operation ng kanyang ama kaya kailangan niya itong kumustahin. Medyo nalulungkot nga siya dahil hindi man lang siya makakauwi sa kanila. Aasikasuhin pa kasi nila ang kanilang kasal ni Lester ngunit pagkatapos ng kasal ay magpa file siya ng isang linggong bakasyon para mabisita niya ang kanyang pamilya sa kanila. "Hello nay, kumusta po kayo? si tatay?", tanong ni Valerie. "Okay naman anak. Maayos na rin ang lahat na kakailanganin sa operasyon. "Kumusta ka naman Lerie? Tinatanong nga pala ng itay mo kung makakauwi ka raw", sabi ng ina ni Valerie. "Maayos naman po ako nay, pero sa ngayon po hindi muna ako makakauwi. Siguro sa susunod na buwan na po", sagot ni Valerie. Medyo nakokonsensiya siya dahil
"Wow perfect!!! The most beautiful bride of the year!", nakangiting sambit ng baklang si Georgia. Natupad nga ang pangarap nito na siya ang mag-aayos kay Valerie sa araw ng kanyang kasal. Samantalang si Valerie ay hindi alam kung ano ang mararamdaman sa mga sandaling iyon habang tinitingnan niya ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Ang araw na ikakasal siya ang isang bagay na pinakamimithi niya sa kanyang buhay. Bata pa lamang siya ay pinapangarap na niya ang makapagsuot ng traje de boda. Bagama't dumating nga ang araw na ito sa buhay niya, ngunit hindi naman makatotohanan. Kung hindi lang sana siya niloko ni Ivan, siguro nga'y masaya siya ngayon habang nakasuot ng bridal gown. "Ma'am? Ba't para hong malungkot kayo?", nagtatakang tanong ni Georgia. "Ah, siguro nalungkot kayo ma'am dahil ilang sandali na lang at tuluyan na po kayong mamamaalam sa inyong pagkadalaga, di po ba?', nakangiting wika ng bakla. "Ah, eh..parang ganu'n na nga Georgia", pagsisinungaling ni Valerie. "Na
"Ah, Lester--Di ba pwedeng sa kabilang kwarto ka na lang matutulog?", nag-aatubiling tanong ni Valerie. Hindi kasi talaga siya komportable na makakasama niya sa loob ng kwarto ang lalaki. At kahit pa sinabi nitong trabaho lang ang lahat, ngunit hindi pa rin siya mapapalagay kapag kasama niya si Lester sa loob. "Wala ka ba talagang tiwala sa akin Valerie?", nagsimula na namang tumigas ang tono ng boses ni Lester. "Hi--hin-di naman sa ganoon, kaya lang---", utal-utal na wika ni Valerie. "Ah, basta dito ako matutulog. Diyan ka sa kama, at dito ako sa sofa bed", mariing sabi ng binata. "Hindi pwedeng sa ibang kwarto ako matutulog. Baka may makakakita pa at magtaka kung bakit sa ibang silid ako humiga gayong unang gabi ngayon ng kasal natin", dagdag na katwiran ni Lester. Wala ng nagawa pa si Valerie at sumunod na lamang siya sa kagustuhan ng lalaki. Tumayo siya at tinungo ang banyo upang makapaghilamos. Habang nasa loob siya ng banyo, ay saglit niya munang tinititigan ang kanyang sar
Ah iha, kumusta? Pinatulog ka ba ng apo ko kagabi?", nanunuksong tanong ni Donya Lucita kay Valerie habang kumakain sila ng almusal. Ngumiti lang tipid ang dalaga dahil hindi naman niya alam kung anong isasagot niya. Hindi naman niya maaaring sabihin sa lola ni Lester na hindi sila nagsiping ng apo nito."Uhm, iha sana mabubuntis ka na kaagad para naman mas magiging masaya kayong mag-asawa. Alam mo bang gusto ng apo ko ang maraming mga anak, dahil nga nag-iisa lang siya", nakangiting wika ni Donya Lucita.Biglang nabilaukan si Valerie sa kanyang narinig. Nais ng lola ni Lester na magkaanak sila? Oh my God!!! Paano naman mangyayari 'yon gayong wala namang nangyari sa kanila ng apo nito?"La, sa ngayon po hindi muna namin iniisip ng asawa ko ang ganyang mga bagay kasi gusto pa po naming sulitin ang panahon namin sa isa't isa. Eh, di ba po pag nagkakaanak na, mahahati na po ang oras?", depensang sagot ni Lester.Biglang tumawa ng malakas si Donya Lucita."Hay naku, ikaw talaga apo. Pero
Narinig ni Valerie ang papaalis na sasakyan ni Lester. Alam niyang nagagalit ito at isa lang ang dahilan—si Scarlet. Natitiyak niyang mahal pa ni Lester ang kanyang dating nobya dahil hindi ito maapektuhan ng ganoon kung hindi na niya ito mahal. At sa hindi rin malamang kadahilanan ay nakaramdam ng pagkainis si Valerie. Kaya lumabas siya ng kwarto at doon na lamang muna siya sa silid ni Faye. Ngunit paglabas niya ay nasalubong niya si Nena ang anak nina Aling Sepa at Mang Kanor na katulong din sa bahay.“Ah ma’am, pinapatawag po kayo ni Donya Lucita. Gusto raw po niya kayong makausap ma’am”, mahinahong wika ni Nena.“Hmm, Okay Nena, bababa na ako”, tugon ni Valerie. Nagmamadali siyang bumaba ng hagdan dahil nasa unang palapag ang kwarto ni Donya Lucita.Nang makarating na siya sa may pintuan ng silid, marahan siyang kumatok.“Ikaw ba yan iha? Tumuloy ka”, sabi ng matanda.Pumasok si Valerie at nakita niyang nakaupo sa gilid ng kama si Donya Lucita. Pinauupo siya sa tabi nito at buong
Hindi maintindhihan ni Lester kung bakit biglang uminit ang kanyang ulo nang marinig niya na ang tumawag kay Valerie ay ang ex-boyfriend nitong si Ivan. Buong akala kasi niya ay ni restrict na ng dalaga ang number ng kanyang dating nobyo ngunit ano pa't may contact pa rin ito sa kanya. Dahil ayaw na niyang magtatalo na naman sila ni Valerie, lumabas na lang muna siya ng kwarto at nagtungo sa terrace. Medyo sumasakit nga ang kanyang ulo dahil nakaubos siya ng apat na boteng beer. Pagkatapos kasi siyang tawagan ni Scarlet kaninang umaga ay na bad trip siyang bigla at si Valerie ang kanyang napagbuntunan ng galit. Para makaiwas sa kanilang pagtatalo ng dalaga ay umalis siya at bumiyahe papuntang Maynila. Tinawagan niya si Leandro dahil ito lang naman ang nakakaalam ng sikreto niya at doon niya inilabas ang kanyang sama ng loob. Naalala pa niyang tinanong ng kanyang kaibigan kung mahal pa nga ba niya si Scarlet. Ngunit ang isinagot lang niya ay hindi niya alam dahil gulong-gulong ang kany
THE FINALE Dumating na rin sa wakas ang araw na pinakahihintay nilang dalawa ni Lester---ang araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Alas kwatro pa lang ng umaga ay nagising na siya, at kahit gustuhin man niyanag matulog ulit, ayaw na talaga niyang dalawin ng antok. Inaamin niyang excited na talaga siyang humarap sa altar at mangako ng habang-buhay na pagmamahal sa lalaking pangarap niyang makasama habang buhay. Isang totoong kasalan na ang magaganap kaya hindi na niya masasabing magiging bride lang siya, ngunit hindi magiging asawa. Kasalukuyan silang nag-stay muna sa hotel kasama ng kanyang pamilya at iba pang kamag-anak na dumating kahapon mula sa iba't ibang probinsya. Ipinag-booked niya ng room ang mga ito dahil hindi naman magkasya sa bahay nila kung doon niya patutulugin. Nasa ibang room ang kanyang mga magulang at ang kasama lang niya sa kwarto ay si Faye. Sa kabilang silid naman nag-stay ang kanyang mga bridesmaids kasama na rito ang kanyang mga kapatid. Kinuha niyang maid of h
Magkahalong saya at excitement ang nararamdaman ni Valerie habang hinihintay niya ang araw ng kanilang kasal ni Lester. Kung pwede nga lang niya hilahin ang mga araw upang dumating na kaagad ang kanilang pag-iisang dibdib.Bagama't naghire sila ng wedding coordinator ngunit nagiging abala pa rin sila dahil nais ng lalaki na magiging enggrande ang kanilang kasal. Kahit ayaw naman niya ng ganu'n pero mapilit naman ito dahil minsan lang daw itong mangyayari sa buhay nila. "Babe, tapos ka na ba at aalis na tayo!", wika ni Lester na naghihintay sa kanya sa labas ng kwarto. "Yes babe, malapit na!""Mars, ready ka na ba?", tanong niya kay Faye."Saglit lang mars ha, at parang may email ako. Wait lang at basahin ko muna", sagot nito. Ngunit, bigla niyang narinig ang pagtili nito na parang nanalo ng lotto."Mars!!! Seryoso ka ba?", sabi nito at sinugod siya ng yakap."Ang alin mars?" "Ito oh!", ipinakita sa kanya ni Faye ang email."Mars, sobrang touch naman ako nito. Isang milyon talaga?"
Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang ina ay parang nabunutan siya ng tinik sa puso. Akala niya hindi na darating ang panahong magkakasundo sila ng mommy niya. Worth it naman ang apat na araw niyang pagbabantay sa ospital dahil mabilis naman itong nakakarecover. Salitan silang dalawa ni Ivan sa pag-aalaga sa mommy nila kaya dahil dito'y mas lalong napalapit ang loob niya sa kanyang kapatid."Bro, tapos ka na ba sa daily rounds mo sa mga pasyente?", tanong niya rito nang makitang nakasuot ng uniporme ang kanyang kapatid."Oo bro, katatapos lang. Mamaya na naman ulit. Ang mommy?""Ayun, nakatulog kaya lumabas muna ako", sagot niya."Uhm, by the way bro, pinuntahan mo na ba si Valerie sa probinsya nila?", curios na tanong ni Ivan nang makaupo sila sa mahabang upuan sa labas ng private room ng kanyang ina. "Yes bro, na-meet ko na rin ang pamilya niya. At---inalok ko na siya ng kasal!", masayang sabi niya."That's great bro! I'm happy for the two of you. Please, mahalin at alagaan mo si
Hindi niya maiwasang ngumiti nang una niyang masilayan sa kanyang paggising ang mukha ng lalaking labis niyang minamahal. Mahimbing pa itong natutulog habang yakap-yakap siya nito. Tumingin siya saglit sa orasan at pasado alas dyes na pala ng umaga. Dahan-dahan niyang pinalis ang kamay nito na nakayapos sa kanya at maingat na bumangon. Kumuha siya ng tuwalya at nagtungo sa banyo upang magshower.Pagkaraan ng fifteen minutes, lumabas na siya at nakatapis lamang ng tuwalya. Sinulyapan niya ang lalaki at natutulog pa rin ito.Habang nagbibihis siya'y biglang tumunog ang cellphone nito kaya nagising ito at dali-daling kinuha ang cellphone na iniligay sa ibabaw ng bedside table."Yes bro---""What? Oh, God! Nasaan siya ngayon bro?", narinig niyang sabi nito. Biglang sumeryoso ang mukha ni Lester kaya nag-aalala siya kung sino ang kausap nito sa cellphone."Babe, ano 'yon?", tanong niya nang matapos na itong makipag-usap."Si Ivan. Nasa ospital daw si mommy. Bigla daw itong hinimatay kahapo
Pasado alas dyes na ng gabi ngunit nasa roof top pa rin sila ng SJ Mansion Hotel. Nakaupo silang dalawa ni Lester sa mahabang upuan habang nakatingin sa kalawakan. Maraming bituin sa langit na animo'y masayang nagkikislapan na parang sumasabay din sa kaligayahang lumulukob sa kanilang mga puso. Nakahilig siya sa balikat ng lalaki habang buong higpit nitong hawak-hawak ang kanyang mga kamay."Babe?", buong pagsuyong sambit ni Lester."Uhm, ano iyon?", mahina niyang sagot."Napansin ko lang kasi eh. Bakit 'di mo na suot ang kwintas?", tanong nito.Bigla siyang kinabahan sa tanong nito. Oo nga pala ang kwintas! Naiwala niya ito nu'ng pumunta sila ni Faye ng Isabela. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya. "Ah..eh..", nauutal niyang tugon."Hey, are you okay? Ba't parang kinakabahan ka?"Hindi pa rin siya makasagot. Iniisip niya na sabihin nalang ang totoo kay Lester. Hindi naman niya talaga sinadyang mawala ito. "Uhm,..ang totoo---kasi--Le
Hindi pa rin siya makapaniwalang kasama na niya ngayon ang lalaking tanging laman ng kanyang puso't isipan. Parang isang panaginip lang ang lahat, kaya kinukurot pa niya ang kanyang pisngi, dahil akala niya nanaginip lamang siya ngunit totoo talaga ang lahat. Hindi niya maipaliwanag ang saya na kanyang nararamdaman habang nakahilig siya sa balikat ni Lester. Nasa ganu'ng tagpo sila nang biglang bumukas ang pinto at tumambad mula doon ang nakangiti niyang mga magulang at kapatid, kasama na rin si Faye."Nay, tay, nandito po si Lester!", mangiyak-ngiyak na sambit niya.Lumapit ang mga ito sa kanila at naupo sa mahabang sopa. "Naku, anak kanina pa nandito 'yan at sinabi na niya ang lahat sa amin", wika ni Aling Melba."Ate, ang gwapo nga po pala ni Kuya Lester!", bulalas ni Aises."Kaya pala iyak ng iyak ka po ate, kasi ang gwapo pala nitong jowa mo. Parang artista!", dagdag na sabi nito saka bumungisngis ng tawa."Aises, ano ka ba! Nakakahiya sa kuya Lester mo!", saway ng kanyang ina.
Kahit anong pilit niyang maging masaya lagi pa ring may kulang sa buhay niya. Oo nga kasama niya ang kanyang pamilya at tanggap na ng mga ito ang kalagayan niya, ngunit hindi pa rin kumpleto ang kaligayahan niya. Sa kaibuturan ng kanyang puso'y may malaking kahungkagan at iisang tao lang ang tanging makapagpupuno nito---si Lester!"Anak, hindi ka ba maliligo? Tingnan mo ang mga kapatid mo oh! nag-eenjoy habang nagtatampisaw sa tubig na parang mga bata", nakangiting wika ng kanyang ina habang nakatingin ito kina Aises at Bela. "Dito na lamang po ako nay, masaya naman po ako habang tinitingnan ko sila.""Mars!!! Halika nga dito, magswimming tayo!", tawag sa kanya ni Faye, habang tuwang-tuwa ito sa pakikipaghabulan sa kanyang mga kapatid.Ngunit wala talaga siyang gana, matamlay ang kanyang pakiramdam. Paborito pa naman niyang maligo sa dagat. Naalala niya noong nasa elementarya pa lamang siya, umiiyak talaga siya kapag hindi siya nakakaligo sa dagat. Kaya lagi silang nagpi-picnic tuwin
Pangatlong araw na ni Lester sa France at nararamdaman na niya ang sobrang pagkabagot. Hindi kasi siya sanay nang walang ginagawa. Bigla niyang naisip ang pagbrika. Bagama't mapagkakatiwalaan naman ang kanyang assistant ngunit hindi pa rin niya maiwasang mag-alala sa kalagayan nito ngayong nasa ibang bansa siya. Upang hindi siya gaanong ma-bored sa hotel sumasama na lamang siya kay Zha zha sa mga modeling rehearsals nito. Kaya tuloy napagkamalan siyang boyfriend ng babae. "Les, okay ka lang ba?", tanong ni Zha zha sa kanya nang mag lunch-break ito. "Okay lang ako Zha, naisip ko lang ang pabrika" "So anong plano mo ngayon, uuwi ka na ba ng Pilipinas?" "Maybe next week Zha. Wala din naman kasi akong magawa dito eh!", matamlay niyang sabi. "O sya, kakain muna tayo Les, nagugutom na ako eh. Babalik pa kami mamayang ala una, kaya doon lang tayo sa malapit na restaurant kakain. Nasa tabi lang naman nitong building kaya lalakarin lang natin", sabi nito sabay hila sa kanyang kamay. "U
"Tay, nay, sorry po. Hindi ko po sinasadya eh!", tuluyan ng nalaglag ang kanyang mga luha. Hindi niya mapigilang umiyak lalo na't kaharap niya ang kanyang pamilya. "So anong ibig mong sabihing umalis 'yong lalaking nakabuntis sa iyo? Tinakasan niya ang kanyang responsibilidad?", galit na wika ng kanyang ama, habang nakakuyom ang mga palad nito. Ang kanyang ina't mga kapatid naman ay tahimik lang na nakikinig sa kanila. "Tay, hindi naman po kasi alam ni Lester na buntis ako eh! Tay, nay, sorry po patawarin niyo ako kung nagiging kahihiyan ako ng pamilya natin", tuluyan na siyang humahagulgol. Si Faye naman na katabi niya sa upuan ay patuloy lang sa pag-apuhap sa kanyang likod. "Mars, tama na, makakasama 'yan sa baby mo!", sabi nito. "Tay, nay, nagmahal lang naman po ako. Hindi ko naman naisip na mangyari ito. Naging kumplikado lang ang lahat. Wala pong kasalanan si Lester nay!!!" "Diyos ko namang bata ka!", wika ng kanyang ina at sinugod siya ng yakap. Mas lalo tuloy siyang napah