Share

Chapter XI

Author: Koolkaticles
last update Last Updated: 2021-07-06 06:00:00

LOVELY’S POV~

Matapos ang araw na yun, hindi ko na alam kung ano na bang sunod kong gagawin. Patago pa rin kaming mga nagkikita.patago pa rin kami naguusap-usap

*School bell ring*

"Hey!"

Halos mawindang naman ako ng pagkalabas ko ng classroom ay bumungad sa akin si Jake na tila nagiintay ito sa akin. Napatingin lang ako sa kanya at sa totoo lang, ito ang unang beses ko siyang matingnan ng ganito kalapit. Ang tangkad pala talaga niya at -- at ang bango! Amp!

Kaagad naman din umiwas sa akin si Agnes at sinenyasan ako dahil sabay kaming lumabas ng classroom at nakita niya ang paglapit sa akin ni Jake.

Oh my God! This is it! He's going to talk to me!

Act normal Lovely, act normal!

"Hi, I'm Jake." bati naman niya kaagad as he also walks with me. Shit! I know right!

I'm counting three seconds....

"So, you must be new?" saad niya kaagad ng hindi pa natatapos ang pagbibilang ko. Mukhang tama niya si Irma tungkol rito.

Okay, three seconds ulit.. 1.. 2..

"Not new, new here at school. I mean, new sa cheering squad."

Again, 1.. 2..

"You know what, you don't have to answer me. Maybe we could talk about this outside? You know, I'm captain of the basketball team, and you are the new at the cheer. I think I'm obligated to buy you a dinner."

Grabe, mabilis pa sa alas kwarto talaga itong babaerong ito ah? Date kaagad?

Napansin ko si Irma na pasimpleng kinukuhaan kami ng video mula sa mga locker area. I don't think napansin siya ni Jake dahil alam kong nakatingin lang ito sa akin habang ako ay patay malisya lang sa kanya. But deep inside, parang gusto ko ng maihi sa kaba!

"Ahm, that's nice of you but I gotta pass." Whew! Finally!

"Ahm, why? Are you busy or what?"

"Yes! I'm busy. Nice to meet you. Bye!"

Mabilis ko lang na saad sa kanya at nauna na ko sa paglalakad. Wheeeeew!

"What?" rinig ko pang saad ni Jake pero hindi ko na lang talaga siya nilingon

Success Lovely! Naipasa mo ang first encounter with Jake Carter!

For sure sobrang magtataka na yun dahil hindi ako basta pumayag sa kanya. I think this is a good start. Doesn't it?

NARITO na ko ngayon sa science lab para sa sunod kong klase. I'm having a dilemma again with this Jake’s best friend na siyang lab partner ko naman.

"Alam mo, hindi sa nahihilig ako sa ganung rap music, pero I like Linkin Park and Evanescence too." pa-cool namang saad sa akin ni Blake.

"Me too! I mean, random thoughts pero I like listening to their songs too."

"Really? Hindi halata sayo ah?"

Pabiro ko naman siyang inirapan.

Sa totoo lang, mas enjoy talaga akong kausap itong si Blake. Parang hindi kapani-paniwalang mag-best friend sila ni Jake kasi kung tutuusin, mas may sense siya. What, what?

"Hey? Who are you, kiddo? You weren't supposed to be in my class!" rinig ko naman pagsita ng Prof namin kaya napatingin kami kung saan siya nakatingin.

"Ahh, hindi nga po sir, pero may nagpapabigay lang po nito." tila natataranta ito at biglang -- biglang inabot sa akin ang isang bouquet of white flowers. Is this peonies? Alright, what's going on?

Nagkatinginan naman kami ni Blake pero pareho kaming walang ideya sa nangyayari kaya nagkibit balikat lang din ako sa kanya.

  "Ah, excuse me? Who are you?" takang tanong pa ng Prof namin at tila may dala ring white flowers itong bagong pasok na lalaki diretsong abot sa akin.

Sunod-sunod na may mga nagpasukan mga hindi ko naman kilalang lalaki at lahat sila ay may dalang bouquet of white peonies at inaabot sa akin. Hindi ako makapaniwala sa dami nila, hindi ko na rin kayang hawakan ang lahat ng ito kaya nakatapat lang sila sa akin ngayon.

(Attention fellow students! This is not a drill! Miss Lovely, kung nandyan ka man sa lab room, my number is 09552415511.)

Tila kinabigla ko rin ang narinig ko. Kaya napatingin ako kay Blake na tila hindi naman maipinta ang itsura.

"It's Jake."

Hindi ko alam pero may pagkadismaya sa tugon niya.

Napansin ko namang sinulat ng iba kong kaklase ang number na sinabi ni Jake pero ako, hindi ko yun naintindihan.

"I'm captain of the basketball team, and you are the new at the cheer. I think I'm obligated to buy you a dinner."

Rinig ko namang pini-play ni Irma ang video na nakuhaan niya samin kaninang umaga ni Jake.

Inaayos ko na lang itong mga peonies na binigay sa akin ni Jake dito sa secret hideout namin sa journalism room. Sayang naman din kasi kung itatapon ko na lang. Hindi ko rin naman pwedeng iuwi sa amin. Dumaan kaya akong sementeryo tapos i-distribute ko per nitso? Chos!

"Ah, anong gagawin mo dyan?" tanong ko naman sa kanila pagkapalit ko sa monitor. Pinanood kasi nila ng paulit-ulit.

"Ahm, well I'm just documenting your efforts." sagot naman sa akin ni Irma.

"Great! Then let's make another videos!" saad naman ni Agnes at lumapit samin. "Balang araw makikita ni Jake at mare-realize niya ito, at malalaman din ng buong mundo kung gaano siya kagago!"

"Right. It's our exposé!  We will gonna show the world the real Jake Carter!" pagtapat pa sa amin ni Irma ng kanyang video cam recorder. "And, how we'll gonna broke his heart too!" saktong tapat naman niya sa akin ng camera.

"It gonna be like, prime time Carter. Asta la vista motherfu --"

"Stop! With the rhyming Agnes." pagsuway naman ni Irma sa kanya.

"Indeed. Or more like this." tinapat naman ni Irma ang camera kay Prim. "Jake, there's only one guy out there for me." tila pagarte pa nito sa camera.

"And you are not him!" sabay-sabay namang saad nilang tatlo pero sina Prim at Agnes lang ang nasa tapat ng camera habang sinasabi ito.

"We're so gonna crash him!" tila panggigigil pa ni Prim. "Alright Lovely, ikaw naman dali!"

Tumapat naman din kaagad sa akin ang camera ni Irma. Well, what shall I do?

"Ah, Jake. There's only one guy out there for me. And you are not him." prente kong paggaya sa mga sinabi rin nila habang nakatingin sa camera.

"Noo! Don't hold back! Paano ka magiging magaling na cheerleader nyan kung wala kang attitude?" saad pa ni Agnes.

"Pero, ayaw ko naman talagang maging cheerleader eh." 

"Lovely, lahat ay gustong maging cheerleader. Com'on, you gotta sell it!"

Sumenyas naman si Prim na wag ng kontrahin si Agnes. Kaya tumapat ulit ako sa camera ni Irma.

"Okay, Jake. There's only one guy out there for me, and you’re not him!" saad ko pa na with attitude like a cheerleader daw. Hindi ko na talaga alam ang ginagawa ko.

"No. That's awful." komento naman ni Prim.

"Love, this is for every guy out there that ever lied to any girl. Not just Jake to us. But also to every Intro that made your mom heart broken." saad pa sa akin ni Irma na tila napagtanto ko na. "Okay?" itinapat niya ulit sa akin ang camera niya.

"Jake Carter, there's only one guy out there for me. But you are not him!" saad ko pa na tila natutuwa sa una pero tumapang ang reaksyon kalaunan. Isa lang ang nasa isip ko ngayon, si mama. Para sa mga lalaking nanakit sa kanya. Para sa mga lalaking kagaya ni Jake Carter na walang ibang alam kundi paglaruan ang mga feelings ng mga babae. I think they deserve to get hurt too.

Saglit silang natigilan at tila napatingin sa akin na hindi na nila kilala kung sino na akong nasa harapan nila.

"Damn! You are gonna be a legend!" saad naman ni Agnes na tila kinatuwa naming lahat.

Related chapters

  • Jake Carter Must Die   Chapter XII

    THIRD PERSON'S POV~Kinabukasan, habang naglalakad si Lovely at nakasubsob sa libro mula sa klase niya, tila inaabangan na naman siya ni Jake sa sulok at nang makita siya nitong dumaan ay kaagad na kumuha ito ng libro para kunwari ay nagbabasa at sinasabayan si Lovely sa paglalakad."Hey!" bati kaagad ni Jake sa kanya ng matapat niya nito."Hey." bati lang din ni Lovely na hindi inaasahan ang paglapit sa kanya ni Jake na iyon."Enjoyed the flowers?" preskong tanong naman nito sa kanya."Ahm, oo. Maganda naman. Muntik ko na ngang makalimutang hindi nga pala ako puntod." pa-cool lang din sagot ni Lovely at tumigil siya sa paglalakad para makausap si Jake.Tila hindi malaman ni Jake kung gusto niyang matawa o mahiya sa sinabi ni Lovely sa kanya. "Talaga? Nakuha mo ba yung number ko? Kasi -- I didn't get a text or a phone call." patay malisya na lamang din niyang tanong."Wala akong ballpen." sagot naman ni Lovel

    Last Updated : 2021-07-07
  • Jake Carter Must Die   Chapter XIII

    LOVELY’S POV~"Sorry, never done this before." saad pa ni Agnes habang kinakabit sa strap ng bra ng ko ang wire ng boob cam."Bakit sa bra mo kinabit yan?" tanong pa ni Prim at napatingin naman kami sa kanya. "Guys, makikita niya kaagad yan in the next five minutes!" tila nanganamba pang saad nito at sinamaan naman siya ng tingin nila Agnes at Irma sabay nagbagsak balikat. "O baka naman hindi. Kayo naman, masyadong judgmental!" pagbawi pa niya sa sinabi niya at nakibit balikat lang din at nginitian na lang kami.Narito na naman kami ngayon sa kwarto ko at tinutulungan nila akong maghanda safirstdatekuno daw namin ni Jake. Hay susme! Ano ba talaga itong pinasok ko?"Prim, dali. Try mong magsalita dyan sa boob cam." saad pa ni Irma na nakatingin sa tablet na monitor nitong boob cam niya. Hindi ko alam kung paano siya nagkakaroon ng mga ganitong gadget. Kulang na lang kabitan niya rin ako ng tracking

    Last Updated : 2021-07-08
  • Jake Carter Must Die   Chapter XIV

    NANG MATAPOS ANG paghahanda ng tatlo kay Lovely, kaagad na rin itong nagtungo ng beach kung saan siya inimbitahan ni Jake para sa sunset watching and bonfire kasama ang mga ka-team nito at ilang mga ka-schoolmates nila.Kinakabahan man si Lovely dahil ngayon pa lamang siya makikipag-date kahit pa hindi ito totoong date, napatingin naman din siya sa mga taong naroon at tila nabawasan ang pangamba niya."Lovely!" pagtawag naman ni Jake sa kanya ng makita itong naglalakad. Nilapitan siya nito at inakbayan kaagad. "Glad you made it.""Hmm yeah." pagngiting tugon lang din ni Lovely sa binata."Hi Lovely!""Ganda natin, Love ah?""Hello Lovely!"Nabigla naman si Lovely dahil binabati siya ng mga ka-schoolmate niya ngayong kasama niya si Jake. HIndi niya mawari kung maganda ba ito pero natutuwa siya ngayon sa atensyon na nakukuha niya na kung dati ay hindi siya napapansin."Hi Lovely, I'm Roxy. Yung sa student council." pagsalubong na

    Last Updated : 2021-07-09
  • Jake Carter Must Die   Chapter XV

    MAY KUMATOK-KATOK sa may bintana ng kotse ni Jake at kaagad naman ibinaba ni Lovely ito."Hi!"Pagbungad ni Prim rito na tila nai-excite sa gagawin niya."So paano na toh? Ihahatid niya ko samin? Anong ibig sabihin nito? Anong gagawin sa akin ni Jake? Anong gagawin ko?" natatarantang mga tanong pa ni Lovely."Wait! Chillax ka lang okay? Just breathe!" sinunod naman siya ni Lovely na nag-breathe in and out para kumalma pero hindi pa rin maiwasang hindi kabahan. "Eto na yung moment na kailangan siya ang mahulog sa spell mo.""Do you think he's gonna make a move? Mamanyakin na ba niya ako?""Girl, no! Unless gusto mong magpamanyak?!""No!" tila nandidiri na nagaalala naman si Lovely."Baka i-kiss ka lang niya, pero kung gusto mo ng rated SPG kaagad abah bahala ka na dyan!" saad pa ni Prim rito.Natameme naman si Lovely rito."Good kisser ka ba?" tanong pa ni Prim."Ewan ko, paano ba malalaman yun?"

    Last Updated : 2021-07-10
  • Jake Carter Must Die   Chapter XVI

    NAHINTO NA NI Jake ang kotse niya sa tapat ng bahay nila Lovely. "I'm glad we did this. I really had a great time." saad naman ni Jake."Hmm, me too.” pagtanggal na sana ni Lovely ng seatbelt niya pero nakita niya si Prim na sinisenyasan siyang lumabas sila ni Jake ng kotse. "Ahm, pwede mob a kong ihatid sa may pinto?" tanong naman niya kay Jake bilang pagbabakasakali."Sure." pagalis na rin ni Jake ng seatbelt niya at bumaba na sila ng kotse nito.Saka naman ding dating nila Irma at Agnes na huminto at pumarada sa hindi kalayuan, at kaagad na nagtago sa likuran ng kotse.Naglakad sina Jake at Lovely hanggang sa may tapat ng bahay nila Lovely. "Ahm, Lovely. Gusto pa sana kitang ihatid hanggang sa makapasok ka sa gate niyo kaso -- I'm attempting to kiss you. And, I don't want to ruin anything just to take a risk of rushing things." paliwanag pa nito sa dalaga. Ngunit si Lovely ay pasimpleng lumilingon sa kotse ni Jake na nakikita niya kung nakakalaba

    Last Updated : 2021-07-11
  • Jake Carter Must Die   Chapter XVII

    LOVELY’S POV~"Alam mo, advise ko lang. Wag niyo ng ipagpatuloy yan.” pahabol pa ni mama dahil papaakyat na sana ako sa kwarto ko pero natigilan ako at hinarap siya."Ma, alam mo maraming bagay akong kailangan ang mga advice mo, pero hindi dito sa bagay na ito." napatingin naman sa akin si mama ng seryoso at lumapit din ako sa kanya. "Sorry ma, pero sa totoo lang, ilang Jake Carter na ba ang nagdaan at sinaktan ka?""That's not fair? Nakakilala naman ako ng mga mababait na lalaki -- neto lang.""Hmm right, yung drummer? Yung vet? O yung galing rehab? na muntik na namang bumalik doon?""Where did you get all of these?" tila mas sumeryoso ang reaksyon ni mama. Napasobra kaya ako sa mga sinabi ko? Napatingin lang naman ako sa kanya din ng diretso. "Nakaraang buwan lang hindi naman ganyan yung Lovely na pinalaki ko. Parang hindi na ikaw yan.""Noong nakaraang buwan lang din, wala namang may gusto sa ak

    Last Updated : 2021-07-12
  • Jake Carter Must Die   Chapter XVIII

    LOVELY’S POV~*Kriiing... Kriiing...Rinig naming pag-ring ulit ng phone ko kaya napatingin kaming lahat rito."Si Jake kaagad yan? Ang bilis ah?" usisa pa ni Prim.Nagkibit balikat naman ako kasi unknown number eh. Tila umusod silang lahat papalapit sa akin para marinig kung sino ito."Hello?" pagsagot kong muli.(Hi! Lovely, right? This is Stephen. Irma's friend. Is she there?) diretso nitong sagot sa akin na tila pinagtaka ko naman. Si Stephen? Yung ka-team mate ni Jake?Inilayo ko ang phone ko sa tainga ko at inabot kay Irma. Tila nagtaka naman silang lahat. "It's yours. Friend mo daw.""Huh?" hindi naman makapaniwala si Irma. Inabot din niya ang phone ko at tinapat na sa tainga niya. "Hello? -- Hey! Ikaw pala yan. Oh bakit ka napatawag?"Nagtinginan naman kaming tatlo at lumapit-lapit kay Irma nang kausapin niya yung Stephen sa phone."Ah, oo kasi alam mo na, group stu

    Last Updated : 2021-07-13
  • Jake Carter Must Die   Chapter XIX

    NANG NAKAHANAP NAMAN din ng maliit na speedboat ang tatlo at kaagad na sumakay roon para makasunod sa boat ng dalawa."Com'on! Kailangan makalapit pa tayo sa kanila para makasagap ng signal sa boob cam ni Lovely!" - Pagmamadali pa ni Irma."I can't! This motor sucks! Alangang magsagwan ako di ba?!" - Sagot naman ni Prim na siyang nagpapatakbo ng speedboat ngunit mabagal ito dahil may kalumaan na."Wala na bang ibibilis ito? Ako ng magsasagwan baka mas mauna pa tayo sa boat nila!" - Inis pang saad ni Irma."Eh di kunin mo yung sagwan at umpisahan mo na!" - Sagot rin ni Prim sa kanya."Teka nga!" - Nagtungko si Agnes sa tabi ni Prim sa likuran ng speedboat kung saan si Prim ang nagpapatakbo nito. "Akin nga yan!" - Hinatak niya ang controller at pinaandar ng mabilis. Bumilis nga ang takbo nila ngunit saglit lamang."Ahh!"Biglang nahinto ang motor ng speedboat nila at tumigil sila sa pagandar."Nice one, Agnes." - Sarcastic namang

    Last Updated : 2021-07-14

Latest chapter

  • Jake Carter Must Die   Epilogue

    LOVELY’S POV~I still can't believe that night was so epic-ly heartbreaking yet turned out a little fun. At least after a long time of pretending being someone I never was, I finally breakout from my shell. I have told Jake my dirty little secret and I know it was still hard for him to believe it. After he walked out from his own party, we also left from there as well.But I know even Jake made fun with us after the revelation, I can sense his devastation and disappointment on what happened. I feel so sorry for him.Habang iniisip ko pa rin ang mga nangyari noong nakaraang araw, hindi ko rin naman inaasahang makita si Jake ngayong pagpasok namin sa school."Jake! Wait!" pagsigaw ko pa at pumatakbo papalapit sa kanya."Hey!" bati naman niya ng lingunin ako at nakitang papalapit sa kanya. Huminto rin siya sa paglalakad.Nahinto rin ako sa harapan niya at sa totoo lang, parang hindi ko alam kung anong mukha pa an

  • Jake Carter Must Die   Chapter XXX

    “LOUDER”"What are you talking 'bout?!"Sigaw pa ng mga tao sa lugar.Napabuntong hininga naman muna si Lovely. "We tried to break your heart para malaman mo ang pakiramdam nun." dagdag niya pa."We?" takang tanong pa ni Jake.Napatingin naman si Lovely sa tatlo at gayun din si Jake. Umiwas-iwas naman ng tingin si Irma pero sina Agnes at Prim ay tila proud pa rito."O -- okay, I get it." napagtanto ni Jake ito ng makita ang tatlong babaeng dati nga niya naka-date. "Well, hey! You girls pull it off!" dismayadong tugon naman ni Jake sa mga ito. Humarap siya ulit kay Lovely. "Yeah. It worked." malungkot namang tugon nito kay Lovely. "I did really fell for you, and now it broke my heart."Pag-iling pa sa kanya ni Lovely. Hinubad nito ang relos ni Jake na binigay sa kanya at inabot sa binata."I'm so sorry.""HOY! Ano bang nangyayari dyan? ""Nagbi-break ba kayo?!"

  • Jake Carter Must Die   Chapter XXIX

    NAGMAMADALI NA RIN si Lovely na sumakay ng kotse niya at nag-drive paalis ng bahay nila.Kailangan na niyang maayos ngayon ang sinimulan niyang problema mula sa kanila ni Jake at sa mga kaibigan niya.Sa kabilang banda, nauumipsa na ang party ni Jake para sa kanyang kaarawan. Tila nasa isang malaking bar club sila at maraming taong nagpunta roon, may banda, free drinks, mga nagsasayawan, maraming pagkain at iba pa. Tila isa itong malaking frat party o parang concert na ang lahat ay wiling makisaya."Happy birthday, Jake!""Happy birthday!"Kada bati kay Jake ng mga kaibigang namamataan siya. Sumampa pa siya sa stage at tumatanaw-tanaw sa buong lugar na tila may hinahanap. Pagkainom niya ng beer niya ay bumaba na rin siya at nakita ang best friend na si Blake."Happy birthday, bro.""Thanks, bro."Pagyakapan pa nilang dalawa."Napansin mo na ba si Lovely?" tanong pa ni Jake pagkakalas niya rito.Umling muna si Blak

  • Jake Carter Must Die   Chapter XXVIII

    PAGKALABAS NI LOVELY ng journalism room, hindi niya napansin si Blake na nasa audio area at nakikinig ng sounds kasama ang kaibigan niya. Nagtaka si Blake kung anong ginagawa ni Lovely roon at bakit siya galing journalism room.Ilang sandali pa ay sabay-sabay ring lumabas sina Irma, Agnes at Prim kung saan galing si Lovely at tila may kakaibang napagtanto si Blake kaya tumayo siya kaagad para sundan ang mga ito palabas.Naglakad si Lovely sa hallway at mabuti ay wala masyadong estudyanteng naroon na. Sa isip-isip niya, hindi siya makapaniwala na aabot talaga sila sa ganito sa mga ginawa nila. Hindi naman din niya gustong magkasiraan sila, pero tila nalulungkot siya dahil tingin niya ngayon ay nawala na sa kanya ang mga tinuring niyang mga kaibigan."That's a nice watch. Seems familiar." bungad nito sa likuran ni Lovely na pabukas sana sa locker niya. Napahinto naman ito at tingin sa kanya."Blake? Look, i - it's not -- what it looks like." tila depe

  • Jake Carter Must Die   Chapter XXVII

    "OH""My""God!"Hindi naman din makapaniwala ang tatlo ng pinakita ni Lovely ang relos ni Jake na pinasuot sa kanya. Hawak-hawak pa ito ni Agnes at nakatitig rito na hindi pa rinmakapaniwala."We'll totally gonna crash him!" nakangisi pang saad ni Irma at bumalik sa harap ng laptop niya."It's kill time! Baaam! Happy Birthday little Carter!" panunukso pa ni Prim at sumunod na rin kay Irma.Samantalang si Agnes naman ay tila masama pa rin ang tingin sa suot niyang relos kaya binawi na niya ang kamay niya dahil parang alam na niyang hindi nito nagugustuhan ang nangyayari."Ahm, girls. Para kasing ang weird na nitong ginagawa natin." saad ni Lovely at nagtakang napatingin naman sa kanya ang tatlo."Huh?" hindi naman din makapaniwala si Prim."Love? Sabi mo if ever man may makarelasyon ka ring lalaking kagaya ni Jake, you'll get even?" paliwanag pa ni Irma pagkaharap niya rito habang nakaupo sa swivel chair niya.

  • Jake Carter Must Die   Chapter XXVI

    NAPANSIN NAMAN NI Irma na tila kapapasok lang ni Stephen sa court room na tila nagtataka bakit ang daming tao rito. Hinatak niya ito palayo sa ilang tao. Tila nagulat naman si Stephen sa ginawa niya pero sumunod lang din siya kay Irma."Don't tell me naka-T back ka rin?!" diretsong tanong ni Irma."Ha?!" buong pagtataka naman nito sa tanong ng kaibigan.Napatingin naman si Stephen kina Jake at sa mga ka-team niya, napagtanto na niya kung bakit tila ang daming tao ngayon rito sa court room nila. Hindi naman na niya napigilang matawa dahil hindi siya makapaniwala na mga naka-suot pala ang mga ito ng thongs kaya siguro madami biglang nanonood."Aren't you proud that it made more popular now than people shaming him?" sarcastic namang tugon ni Stephen kay Irma. Inirapan naman siya nito at tumingin sa ibang direksyon."Ugh.." nagpaikot pa ito ng kamay niya sa harap."Don't worry, hindi ko ipapahiya ang sarili ko para lang suportahan yang si Carter

  • Jake Carter Must Die   Chapter XXV

    "OH STEPHEN! Nandyan ka pala!" pasimpleng saad pa ni Agnes at kaagad na tumakas at nanakbo sa hallway palayo doon."Hehe.. Bye!" saad lang din ni Prim at nanakbo na kasunod ni Agnes palayo.Tila hindi naman malaman ni Irma kung saan babaling ang tingin. Alam niyang nakatingin sa kanya si Stephen pero hindi niya magawang lingunan ito."Good night!" pagmamadali pa nito at kaagad na tumalikod kay Stephen para umalis na ngunit hinarangan siya nito ng braso at na-corner siya sa pader. HIndi pa rin matingnan ni Irma ito ng diretso."Care to share something?" pagkulong na ng tuluyang ni Stephen kay Irma sa loob ng dalawang braso niyang nakatukod sa pader. "Ha Irma?” paglapit pa niya ng mukha kay Irma na lalong inilihis ni Irma ang tingin sa kanya."Ahm -- ehem!" tila nag-clear throat naman ito muna. "Ahm, wala naman. Alam mo na group study. Hehehe" pagpapalusot pa nito."Its game finals Irma, I don’t think na may klase kayong hababulin

  • Jake Carter Must Die   Chapter XXIV

    LUMABAS NGA SI Jake at dumaan sa bintana niya para makatagos sa balcony at makatawid mula sa gilid ng hotel building na tila akala mo siya si Spiderman. Mabuti't wala naman nakakita sa kanya dahil gabi naman.Maingat itong tumatawid sa bawat balcony dahil konting pagkakamali niya ay maaari siyang mahulo roon. Halos hindi naman din siya makatingin sa baba dahil sa taas ng kinalalagyan niya. Hindi niya rin maunawaan ang sarili bakit pinapahirapan niya ng ganito ang sarili para lang sa isang babae.Nang makarating siya sa balcony ni Lovely, napansin niyang patay na ang ilaw sa kwarto nito at tila wala ito roon. Napansin niya kaagad ang ilaw sa banyo ng kwarto at inaakalang naroon siguro ito. Dahan-dahan niyang binuksan at pumasok sa pinto ng balcony.Tinanggal naman niya ang towel na nagsilbing tapis niya at suot nga niya nag thongs na binigay nila Prim. Palundag naman siyang nahiga sa kama nito at pumuwesto kung saan makikita kaagad siya kung sakaling lumabas na i

  • Jake Carter Must Die   Chapter XXIII

    MATAPOS NILANG ma-briefing si Lovely sa gagawin, kaagad din naman na itong pumuwesto sa tapat ng laptop at sinumulang tawagan si Jake thru video call."Aba! Lovely M.is requesting a video call to Jake C.!" saad pa ni Tommy na tila nangaasar ng lumitaw sa laptop ni Jake ang tawag ni Lovely. Nakikigamit kasi ito dahil naglalaro.Kaagad namang lumapit doon si Jake mula sa banyopara tingnan nga kung totoo ito. "Alright, labas ka muna dun pre." utos naman ni Jake sa kaibigan ng makita nga ang request call ni Lovely. "Sara mo pinto ah.""He-he! Hinay-hinay lang pre ah." pangaasar pa nito at tapik sa balikat ni Jake bago tuluyang lumabas ng kwarto.Kaagad ring pumuwesto si Jake sa mesa katapat ng laptop niya. Inayos pa niya ang buhok niya bago sagutin ang tawag."Hey there." nakangisi namang bati kaagad nito kay Lovely sa kabilang linya."Hi." bati naman din ni Lovely. "You alone?" tila binago ni Lovely ang tono ng boses niya para mas m

DMCA.com Protection Status