Napigil saglit ang aking paghinga at nagsitaasan ang aking mga balahibo sa lugar na ito nang makapasok na kami sa mismong loob ng isla. Agad naman naming iginala ang aming mga paningin sa paligid.
Ito ay isang munting baryo.
May mga cabins at gawa sa kawayan ang aming nakikitang kabahayan. Kung titingnan, para kang nasa isang probinsya, though may iilang mga bahay naman na sementado na. Puro mga iba't-ibang puno din ang nakapalibot sa lugar. May iilan lang din ang mga tao sa labas na ginagawa ang kanilang mga usual daily routine. Ang kanilang mga kasuotan ay parang nasa makalumang panahon. Mataas na saya, blouse at may panyo sa ulo ang mga babae. Sa mga lalaki nama'y parang mga kasuotan sa magsasaka katulad ng lumang blouse, short na kupas at mga butas-butas ng mga sumbrero.Hindi naman sa pagiging judgemental pero sa tingin ko'y walang mayaman dito sa lugar na ito base na nakikita kong estado nila sa buhay.
Muntik pa kaming atakihin sa puso at bahagya pang napatalon pa nang biglang sumulpot sa aming harapan ang isang barbie. Nakikita namin ang plastic niyang anyo at fake hair.Yes, it is a literal human size barbie na mabibili o makikita natin sa mga malls.
Hindi naman siya nakakatakot tingnan, I think? Kasi iyong mga kaibigan ko, aliw na aliw sa kanya.
Si Cathy at Bea na todo picture sa kanya at yung dalawang lalake ay kanina pang hini-head to toe at sobrang manghangang-mangha na parang nakakita ng artista. Their jaw dropped in amazement at hindi mapagkakaila na pati ako namamangha sa kaniya.
Ito ay isang Black-American barbie. She looks like Moana in cartoon movies I've saw. Nakasuot kasi siya ng isang pearl na kuwentas at isang tela na parang may tribu sila dito sa isla. Mahaba at maalon ang kaniyang maitim na buhok. Katamtamak din ang tangos ng kaniyang ilong.
Nang ngumiti siya sa amin ay napamura kaming lahat. Shit, robot ba 'to?
Isa- isa niya kaming nginitian pero nang bumaling siya sa akin, kinikilabutan ako sa kanya. I don't know why again I feel this weird aura. Lumalakad at gumagalaw ito mag-isa na parang real life barbie talaga. Tumingin ako sa mga tao kung nawe-weirduhan din ba sila dito pero tuloy lang sila sa kanilang mga ginagawa. Isa yata sa kanila ang gumawa nito.
"Hello mga turista! Maligayang pagdating sa aming isla!", bungad niya na lalong tumaas ang paghanga namin. What the hell-- nagsasalita din ito! Hindi namin maitago ang paghanga that we literally made a shock face in front of her!
May medyo pink lipstick siya sa labi na parang ordinaryong manika pero yung ngipin niya, may mga butas-butas na. Confident na confident ang pagkakasabi niya ng mga katagang yun, siya ba yung mag-aasist sa amin?" Woww!! Barbiee!!", hindi maitago ang pagkamangha ni Cathy at sumigaw pa. Walang hiya siyang lumapit at hinawakan ito. Tila ini- examine niya kung totoo ba talaga ang nasa aming harapan.
Walang hiya.
Hindi naman gumalaw ang manika at tumingin lang kay Cathy. She even blink like a human being! Walang hiya ding niyakap ni Cathy ang manika.
Mygod.
Parang ayoko nang magkaroon pa ng mga manika. May plano pa naman sana akong mangoleksyon ng mga ito pero I think this time, parang nag-iba na ang isip ko.
"Oy Cathy, umayos ka nga. Para kang bata eh. Dise nuwebe anyos ka na ui!", natatawang saad ni Nicholas. Hinihila nito si Cathy papalayo sa manika. Todo kapit naman ang malantod.
"Okay lang po. Alam ko pong first time niyang makita ang katulad namin", sabat naman ng manika.
Kusa ng bumitaw si Cathy at tumabi sa akin.
" Huy! Nicholas Amadeo for your information, nineteen is a 'teen"--she used both of her hands to emphasize the word teen--" I'm still young! Not like you na marami ng kulubot na sa noo. Stress ka girl?", pag-aasar ni Cathy at nagbelat pa ang walang hiya.
Kinurot ko ang tagiliran niya. Nakakahiya 'tong mga 'to. Dito pa nag-asaran.
"Aray Shy, bakit ka ba nangungurot ha?", naiinis niyang tanong sa akin.
"Don't you find her creepy?", bulong ko sa kaniya. Agad namang nagpang-abot ang kilay niya sa aking tanong. "Hindi sa pagiging praning pero may something sa kaniya na I find her creepy. Don't you feel the same?", dagdag na tanong ko pa.
Humugot siya ng malalim na hininga na parang nauubusan na siya ng pasensya sa akin.
"Stop being praning Shy, nasobraan lang tayo sa pagiging judgemental nitong lugar nila. Nakakahiya. Maganda naman dito at maayos ang welcome nila sa atin. Kung ang problema mo ay ang signal, itatanong ko iyan", she said.
Kinakausap o iniinterview pa nila Lawrence, Bea at Nicholas na para silang mga broadcasters ang barbie na parang totoong tao ,hindi ba nila alam na 'di dapat 'yan nagsasalita? Its not human like us.
"May gumawa ba sayo? I mean, a scientist or an inventor or something?" hindi ito sumagot sa tanong ni Lawrence. Habang nag-uusap sila, napasulyap sa akin ang manika at ngumiti ng nakakaloko, smirk ata ang tawag 'don.
'Di ata nila napansin ang ginawa ng manika dahil sa kaaliwan.Parang gusto ko ng bumalik sa bahay."Secret", matagal bago siya nakasagot.
"Uhh excuse me, puwede bang magtanong?", singit ni Cathy sa kanilang usapan.
"Wala bang signal or connection dito sa lugar niyo? May ko-kontakin lang sana kami. Its important", she said.
Nakita kong tumaas ang kilay ng manika na parang nagtataray." Is it your Dad, Cath?, tanong naman ni Bea.
"May boyfriend ka na?, pang-uusisa naman ni Nicholas.
"Bagsak ba grades mo" pang- aasar ni Lawrence kaya hinampas siya ni Cathy sa tanong niya.
"Mga baliw. Kokontakin ko si Manong at si Daddy. Baka kasi hindi na tayo makabalik mga hunghang", natatawa niyang sagot sa mga agam- agam nila.
Bumaling kaming lahat sa manika. Nag -aantay ng maayos na sagot sa kaniya. Pero ngumiti ulit ito.
"Pasensya na po kayo pero wala po talagang signal dito. Walang cellphone o mga gadgets kasi bawal po. Kapag nakapasok na po kayo, kukumpeskahin 'yang mga gadgets niyo. Ibibigay niyo po lahat doon sa front desk ng hotel na tutuluyan ninyo", mahaba niyang saad."Bakit kailangang kumpeskahin pa eh wala namang signal dito?", tanong ko sa manika. Agad naman siyang tumingin sa gawi ko pero ngayon, ang ulo lang niya ang kaniyang pinagalaw.Creepy."Gusto po naming maramdaman ninyo ang kapayapaan ng lugar at maparamdam na para kayong bumalik sa sinaunang panahon na wala pang polusyon at hindi pa gaanong gamit ang teknolohiya. Hindi niyo yata nabasa lahat tungkol dito sa isla?", sabi niya na parang nang-aasar pa na wala kaming alam sa pinasok namin. She even smirked at us. What a rude plastic creature!This barbie grl is so scary, she laughs and talks like a real, normal human being. Ineexpect kong English ang lengguwahe niya kanina , buti nalang pala hindi, kundi nosebleed kahahantungan."May pangalan ka ba?", tanong ni Lawrence sa kaniya. Bumaling siya kay Lawrence at lumapit pa."Pasensya na kayo't nakalimutan kong magpakilala. Ako si Barbara ng La Isla de las Monecas", she said and offered a hand shak
"Two rooms please""Ang room niyo po is number 9 and 10 ", sabi ng receptionist sa amin. Manika din siya pero gawa sa tela.Mga limang minuto din kaming nag- asaran bago dumating ito. May ginagawa daw kasi siya. Ewan, may receptionist bang iniiwan yung trabaho niya?Dumating siya na parang wala siyang trabahong iniwan. Ngumingiti pa siya bago pumunta sa front desk. Mukhang si Anabelle, literally. Pero may mga uunting dugo akong. nakita sa kaniyang paanan. Weird.Kitang- kita ang pin sa kaniyang dibdib. 'Jessica' ang pangalan niya."Pasensya na po kayo't natagalan. Pinatawag po kasi ako ng manager. Heto po ang room key", sabi niya at nilapag sa aming harapan ang dalawang susi na may manika na key chain."Wala bang ibang tao dito miss bukod sa amin?", hindi ko na napigilang itanong. Bumaling siya sa amin at ngumiti. "Wala po. For now, wala pang ibang turista na nags- stay in. Ilang araw po ba kayo dito?"Nagkatinginan
I envy Cathy sometimes kasi hindi siya matatakutin at gusto niya yung mga bagay na may thrill. Well, its the opposite for me.Pero kung matapang ka at hindi mo iniisip ang maaaring posibleng mangyari is another story. May part na sa akin na nagsisisi na sumama ako sa kanya. Hindi naman masamang huminga sa araw- araw na away ni Mom at Dad pero hindi yung ganito. Hindi yung posibilidad na makalabas kami dito.Hindi natatakot si Cathy na matrap dito. Kailangan lang daw kaming kumalma, huwag magpanic at antayin si Manong bangkero sa miyerkules. We couldn't stop our emotions knowing that we don't have any assurance that he will come back to save us.Bitbit pa rin ni Cathy ang manikang pinakita nya sa' min kanina. Hindi ba siya natatakot diyan? Kasi naman, tuwang-tuwa at sabik-sabik siya dito. Niyayakap pa niya na parang ngayon lang siya nagkamanika.Gusto kasi ni Cathy ay yung mga bagay na kahit marumi o nakakatakot, basta bet niya, go. Sobrang babaw lang talaga
"'Asan diyan yung manika natin?", nabatukan ko ng malakas si Nicholas dahil na tanong niya."Baliw ka ba? Yun ba yung iniisip mo bago ang kaligtasan nating lahat ha?", galit na sabi ko sa kaniya."Alam naming praning ka na simula noon pa, Shy pero huwag mo namang bigyan ng malisya lahat. Wala namang ginagawang masama yung mga manika sa atin ah? Ba' t ka ganiyan?", lakas- loob niya akong hinarap. Tumahimik si Cathy kasi alam niya kung saan nanggagaling ang pagka- praning ko. "Bakit ang kj mo?""Nicholas, Nicholas huwag ka munang lumabas!" tinawag siya nina Bea, Nicholas at Lawrence dahil bigla nalang itong nagwalk- out at malakas na sinarado ang pintuan."Ikaw kasi eh, bida- bida ka!", malakas na sigaw naman ni Bea sa harapan ko at sinundan si Nicholas.Napahilamos nalang kami sa aming mga mukha. Frustration and fear run in our system at this moment.
Agad- agad kaming kumaripas nang tumakbo palayo sa cottage dahil sa nakakakilabot na nasaksihan. Napakabrutal ang paraan ng pagpatay nito. Bahagya pa itong tumatawa habang pinapaulanan niya ito ng saksak at ang pagputol. Demonyo. Baka kami pa ang isunod sa nakakaawang manok."Sumusunod siya sa atin! Bilisan niyo!", sigaw ni Cathy na nagpakabog sa aming mga dibdib.Hindi namin namalayan na nawala ng parang bola ang mga malisyosong tumingin na mga manika sa paligid , loob ng hotel pati na rin si Barbara at ang receptionist ng hotel. Ewan, 'di namin alam kung paano nangyari iyon.Hinahabol pa din kami ng manikang putol ang isang kamay habang bitbit pa rin niya ang kutsilyong ginamit sa pagpatay sa kawawang hayop. Mabuti nalang at mabagal ito maglakad at hindi agad-agad ito nakahabol sa amin.Nasa entrance pa lang siya ng hotel at papasok kami sa nakabukas na elevator kaya imposible na niya kaming mahabol. Tahimik kami sa loob habang abot- abot an
"Hey mga turista!", bungad niya at tumingin sa aming mga dala.Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ngumiti ito sa amin na parang nang-aasar at umikot ang kanyang ulo. Ang buhok niyang nakalugay kanina ay bumuhaghag. Lalo siyang nagmumukhang nakakatakot na demonyong nilalang.Ang mga mata niyang plastic ay nanglilisik. Para itong luluwa sa kaniyang mga mata. At ang kanyang kamay ay mahigpit na nakahawak sa isang matulis na itak."Saan kayo pupunta? Uuwi na ba kayo? Hindi pa tayo nagsasaya ah?", nakakatakot niyang sabi at akma kaming tatagain sa hawak niyang bagay.Napasigaw kaming lahat sa takot. Buti nalang ay nakadistansya si Nicholas kaagad. Siya kasi ang malapit sa puwesto niya.Medyo may kahabaan at napakatulis na itak ang dala ni Barbara habang kaharap kaming lahat na handa na sanang lumikas at pumunta sa safe na lugar."Aalis na kami Barbara, ang pangit nang isla niyo", pang-aasar ni Cathy na hinarap ang nakakatakot na manika
"Aaaaahhhhhhhhhh!!!"Mabilis kong inayos ang aking shorts at napalakas ang aking pagkasigaw dahil sa pagkabigla. Tumawag naman ito ng atensyon sa aking mga kaibigan na agad akong nilapitan."Anong nangyari, Shy?", pag-aalalang tanong ni Cathy."May masakit ba sa' yo?", tanong din ni Lawrence na iginagala ang mata sa akin upang hanapan ako ng sugat. Tumigil lang siya ng makitang wala siyang kahit isang makita."May manika na naman ba?", tumango ako sa tanong ni Bea at agad na tinuro ang babae na manikang nakalambitin sa puno.Medyo malaki ang manika. Sobrang buhaghag ang itim na buhok. Malalalim, maiitim at nanlilisik ang kaniyang mga malalaking mata. Nakalambitin ito sa isa sa mga baging at nakangisi sa amin. Marumi ang kaniyang damit na may mga bahid ng dugo. At ang kaniyang leeg na may kinakalawang ng kadena.Nginitian niya kami ng nakakaloko kaya agad kaming napahugot ng hininga at napaatras ng magsimula itong g
Walang tigil at malalaki ang subo niya sa binigay naming kanin at ulam. Pinainom din namin siya ng tubig dahil hindi na siya halos huminga kada subo niya.Sobrang payat niya na parang isang hawak mo sa kaniyang balikat ay mafe- feel mo na ang mga buto sa kaniyang katawan. Actually, nakikita na namin ang mga buto niya na parang walking skeletal system. Napaisip tuloy ako, ilang araw o buwan kaya siyang walang kain?"Dahan- dahan lang po", concern na saad ni Bea sa kaniya. Tumingin siya sa amin at parang nagsink- in sa kaniyang utak na may mga tao pala sa paligid niya. Napayuko siya sa kahihiyan at normal na subo lang ang ginawa.Ang suot niyang barong ay kupas na at ang daming dumi. Ang kaniyang slocks na itim ay punit-punit na kita na namin yung legs niyang mapayat .Ang buhok niyang parang binagyo at parang alambre na sa sobrang tigas, ilang araw o buwan na kaya 'tong walang suklay? Ang mukha din niyang makikita mo ang kapayatan, mataas na balbas at madam
NICHOLAS' POV Ilang minuto na akong naglalakad, nasuyod ko na ang mga kakahuyan pero 'di ko pa rin maaninag maski anino nina Shylah at Lawrence. Napahawak ako sa aking tuhod dahil sa hingal. ‘'Wag kang sumuko, Lawrence. Kailangan mo silang mahanap sa abot ng iyong makakaya para makalabas na kayong lahat dito. Babalik ang lahat sa dati. Babalik lahat' Pinatatag ko ang aking sarili at naghanap muli. Taas noo akong naglibot kahit na tagakgak na ang pawis sa buo kong mukha at katawan. Napahinto ako sa paghakbang ng may naaninag akong babaeng nakaupo sa ugat doon sa ilalim ng puno. Kasabay ito ang pagdaan nang mabaho na hangin na dumaan sa aking ilong. Nangunot ang aking noo at naramdaman na nagsalubong ang aking kilay. Kinilatis ko ito ngunit hindi ito sa Shylah. May ibang tao pa pala bukod sa amin dito sa isla! Naka- side view siya ng kaunti sa kinaroroonan ko kaya naman ay kitang- kita ko ang mahaba niyang itim na buhok na han
“B- buhay siya”“B- bakit nabuhay pa siya?” “B- buhay si G- Gilberto?”, naiiyak nilang mga tanong. 'Di ko alam kung natutuwa ba sila o ano dahil buhay si Tito. Something's off with their reactions based on their voices. “Bakit po parang 'di kayo masaya na nabuhay si Tito?”, si Lawrence na ang nagtanong. He also noticed something with their questions."A- ah wala, hijo", rinig naming sagot ng isa sa kanila."May problema po ba sa pagligtas namin sa kaniya?", tanong ko naman."K- kayo ang nagligtas s- sa kaniya?" "Opo. Mukha ngang matagal- tagal na siyang ginapos doon sa kaniyang bahay. I mean sa kwarto pala niya. Bakit po? Nagkamali po ba kami ng nailigtas?" Katahimikan ang sumagot sa akin. Mukhang wala silang balak na sabihan kami.
"Mga hayop" Sobrang basa na ng luha ang aking mukha. Pati yata sipon ay sumasabay na din sa agos. 'Di ako makahawak sa aking mukha dahil sa higpit ng pagkakahawak nila sa magkabila kong braso. Nagmukha na tuloy akong batang hamog nito. Si Lawrence naman ay hindi nagsasalita. "Papahid muna, tulo na sipon ko eh", reklamo ko pero para lang silang mga bingi. Mga 30 minutes kaming naglakad. Dinala nila kami dito sa kagubatan na may maraming barb wire at matatayog na kahoy. May mga nakakatakot din na mga sirang manika ang nakabitay sa kada sanga ng mga ito. Luminga-linga ako sa paligid pero wala akong makitang sign kung saan kami dumaan kanina. Nakakalito dahil pare- pareho lang ang mga kahoy pero nakakapagtataka lang dahil napakatahimik ng paligid. Wala man lang paro- paro o ano mang kulisap na humuhuni,
Walang emosyon ang mukha ni Bea habang tinutok niya ang matulis na kutsilyo sa bandang dibdib ni Manong. "Wala ka man lang bang mensahe sa mga kaibigan mo sa maaaring gagawin mo? Baka nanonood sila ngayon dito?", demonyong saad pa ng babae. "Wala, wala naman akong kaibigan", malamig na sagot naman ng aming kaibigan. Sheyt! 'Di ko nakayanan ang nangyayari kaya agad- agad akong gumalaw sa pinagtataguan namin upang pigilan ang maaaring pagpatay niya kay Manong. Sisigawan ko sana ang aming kaibigan baka matauhan siya sa ginagawa niya.Ngunit nabigo ako sa gusto kong gawin dahil mabilis ulit tinakpan ni Lawrence ang aking bibig at hinila ako pabalik sana sa pinagtataguan namin kanina. Pero 'di ko talaga napansin na natapakan ko pala ang kaniyang paa kaya napaupo tuloy ako sa kandungan niya. Nawindang ako lalo dahil nawalan siya ng balance. Kaya ang nangyar
"Hays, halika na nga", napipilitan man, sumang- ayon na din si Lawrence na isama ako. Katulad ko ay binalewala niya din ang gusto naming sabihin sa isa't- isa at tyaka nalang ito iisipin pagkatapos nitong bangungunot na ito. Gusto ko mang sabihin ang totoo kong nararamdaman sa kaniya, masyado pang magulo ang sitwasyon namin. Basta huwag muna ngayon. Itabi nalang muna ito at mag- focus ngayon sa aming kaligtasan. "Wait lang, kukunin ko muna yung mga dala ni Manong. Baka magamit pa natin", pakiusap ko sa kaniya. "Huwag na, Shy. Sobrang delikado. Baka may dumating pang mga manika at madamay pa tayo", pag- aalala niya. "Edi bantayan mo ako, 'di mo naman ako ipapahamak right? I- se- secure lang pati na 'tong kahoy na nakuha natin, baka maging evidence pa na nandito tayo tyaka natin sundan sila manong at siguraduhing ligtas siya", panghihikayat ko naman. "O sige. Kunin
Hindi talaga namin inakala na mas maganda pa sa expectation namin yung sinasabing bahay ni Tito.Malaki-laking bahay 'tong pinasukan namin ngayon. Bago pa ang mga gamit sa loob.Sabi ni Tito, iilan lang daw ang nakakaalam sa bahay na ito. Parang extra house daw ng pamilya nila eh.Nasa tago itong bahagi ng kuweba at ewan ko lang kung may manika pang magtatangkang pumunta dito. Malayo pala ito doon sa entrance na kuweba."Marami po ba talagang mga kuweba dito sa isla?", tanong ko."Iilan lang hija", diretsong sagot naman ni Tito."Bakit po mga mukhang bago lang itong mga kagamitan niyo dito, Tito?", tanong naman ni Cathy."Iyan ang hindi ko alam. Siguro may pansamantalang namalagi dito para linisin ito. Ewan ko lang kung manika ba o tao""Sana naman walang magtatangkang manika ulit dito para makapagpahinga naman tayo", pah
"Wala kang alam sa pinagdadaanan ko, Nicholas", may tapang sa tonong sabi ni Cathy."Oo, pero huwag ka munang magpapakamatay ngayon, dapat makakita muna ng bangkay yung pamilya mo. Hindi yung uubusin yung buto mo' t laman dito na walang evidence na pinatay ka man lang", sagot naman ni Nicholas."So, you're saying na puwede na akong magpakamatay after nito?""Puwede"Hindi pa rin sila tapos magtalo. Namimilit kasi si Cathy na puntahan si Bea at aalamin kung siya pa ba ang kaibigan namin. Sobrang delikado yung plano niya."What if hindi na talaga siya ang Bea na ating nakilala? Na imbes ipagtanggol tayo, hahalakhak lang kapag napuno na tayo ng mga dugo? ", I interrupted. Ang lakas naman kasi ng tiwala ni Cathy kay Bea. Sobrang lakas din ng fighting spirit ng babaeng 'to."Bahala kayo! Pupuntahan ko talaga si Bea", pamimilit ulit niya. "Puro
Hindi pa rin mawala sa aking isipan ang mukha ni Bea na tumatawa lang sa katawan ng pusa na pugot ang ulo. Sobra akong nangilabot kasi parang 'di na siya ang Bea na aming kababata.Humahalaklak pa rin sila hanggang ngayon. Ilang minuto na silang tumatawa.Walang tigil.Iilan din sa kanila ang pumapalakpak pa na parang may bentang- benta na joke.Kinuha no'ng isa ang ulo ng pusa sa lupa at hinahagis- hagis pa sa ere pati na din ang katawan nito. Para silang nagf- fiesta. Mababakas naman sa mukha ni Bea ang kasiyahan katulad noong mga araw na kasama niya pa kami.Ngumingiti siya, tumatawa."They're insane!", sigaw ni Cathy habang wala pa ring tigil ang luha na bumubuhos sa kaniyang mga mata."Everything's happen for a reason, Cathy", sabi naman ni Lawrence. Hinimas ko ang kaniyang likod as a comfort. May rason si Bea kaya nangyari ito ngayong aming n
Lahat tayo ay nalinlang na ng ating mga nakikita. Hindi kasi lahat ng nasa paligid natin ay totoo. May iba na nagbabalat- kayo o maling akala mo lang pala iyon. Basta ang importante, huwag kang basta- basta humusga. Alamin muna ang katotohanan bago ka maglabas ng reaksyon.Lumapit kami sa may butas at isa -isa namin itong sinilip. Nang turn ko na, nashock ako ng makita ko si Bea na kasama ang mga manika. Medyo may kalayuan man kami sa kinauupuan niya ngayon, alam na alam namin na si gagang Bea iyon. May mga bahid man siya ng dugo sa katawan at ang kaniyang buhok na nabuhaghag..ibang-iba siya sa Bea na kilala namin, walang expression ang kanyang mukha."ANONG nangyari kay Bea? Bakit parang tulala siya?", tanong ni Cathy sa amin pero maski kami hindi rin alam ang sagot sa kaniyang mga katanungan.Hindi ko alam kung ano pa ang mararamdaman ko kapag isa na naman sa amin ang dadanas ng kalagayan katulad ng kay Bea."Baka may pinakain or somet