Nangunot ang noo ni Levi matapos ilapag ni Vin ang dalawang dokumento sa harap niya."Calvin and Cyprus birth certificate," anito bago umupo sa harap ng mesa niya katabi ni Joselito.Agad niyang pinulot ang mga dokumento. Gustong-gusto na niyang malaman kung sino ang ama ng kambal."Ano'ng gagawin mo kapag nalaman mo na kung sino?" inosenteng tanong ni Joselito."Strip down his wealth," tipid niyang sagot."Paano kung hindi naman pala mayaman?" Ngumisi si Joselito.Pinukaw noon ang atensyon niya. Nilingon niya si Vin. Tinuro naman ni Vin ang hawak niyang mga dokumento."Check it, Archie. Hahanapin ko kung sino man nakasulat diyan na ama nila," presinta nito.Tumango siya at hindi na pinansin ang tanong ni Joselito. Malabo naman magkagusto si Bea sa lalaking wala sa alta sosyedad.Huminga siya nang malalim at muling tinutok ang atensyon sa dalawang kulay dilaw na dokumento."Augustus Calvin Del.... Rosario," basa niya sa birth certificate ni Calvin.Nasalubong ang kilay niya. Agad na n
"Sinabi ko naman kasi sa'yong huwag ka ng maghiganti," ani Blaze mula sa kabilang linya.Galing na sila sa condo nito pero tumawag pa rin matapos niyang padalhan ito ng mesahe na nasa tapat na sila ng mansyon."Sinong bang sumuporta sa kalokohan ko? Hindi ba ikaw? Sabi mo pa, kung ikaw ako, susunggaban mo si Levi," inis niyang sagot.Dinig niyang nagmaktol ito at maaaring naalala ang sinabing iyon. Sa tantsa niya ay nangunguso pa ito."Kasi naman! Sino bang tatanggi sa yummy na lalaki? Malamang hindi ako! Pero seriously, kung mapapahamak lang kayo diyan. Bumalik na lang kayo sa condo ko. Mas safe dito kaysa sa tabi ni Alcantara."Napabuga siya nang hangin at nilingon ang kambal sa backseat. Pareho ng tulog ang dalawa. Bukod sa napagod ang mga ito sa biyahe, malungkot pa dahil hindi nakabili ng mga libro."Ah basta. Hahanap na lang ako ng paraan paano aalis dito."Muli siyang bumuntong hininga. Nalulungkot para sa mga anak niya. Pakiramdam niya, dinala niya sa isang malaking giyera ang
Namigat ang paghinga ni Bea sa bawat dampi ng labi ni Levi sa kanyang balikat. Ang malapad nitong dibdib sa kanyang likod ay sapat na upang kuhanin ang buo niyang lakas. Ang bawat himaymay ng kanyang katawan ay tila pinapaso. Kung hindi bukas ang shower ay malamang na magliliyab siya.Napapikit siya ngunit napamulat noong patayin nito shower. Nawala ang tubig na kumakalma sa katawan niya."Gusto mo talagang magtrabaho sa kumpanya ko?" maingat nitong tanong bago siya marahang hinarap. Ang mga kamay nito ay nakahawak na sa magkabilaang braso niya.Nagtama ang kanilang paningin. Ang mga kayumangging mata nito ay nagbabaga ngunit may kalakip na galit.Napasinghap siya, "Gusto ko. Pero kung ayaw mo... hindi ko ipipilit."Iba na ang gusto niya. Ang gusto niya ay makaalis na sa puder nito. Makalayo sa lalaki at tumira ng tahimik.Sumilay ang ngisi sa mga labi nito. Pagkatapos ay marahan siyang sinandal sa pader."I am not a fool, Bea. You have other plans?"Mahina ang pagkakabigkas nito pero
Pareho silang nagkatawanan ni Levi matapos iyon."I'm just kidding. You don't have to do that," pigil nito sa kanya.Himala na ito ang pumipigil sa kanya ngayon samantalang ito madalas ang nag-uudyok.Ngumisi siya, "Change mine? Natatakot ka bang mas magaling ako sa'yo?" pang-aasar niya.Ngumisi ito at ginawang unan ang parehong braso. Kitang-kita niya tuloy kung paano mag-flex ang mga muscles nito."Go on. Make sure that I will enjoy this ride," hamon nito.Napairap siya pero ngumisi rin. Huminga siya nang malalim at tumitig kay Levi bago inangat ang sarili upang simulan ang balak niya. Ngunit kusa siyang napatigil matapos mag-flash sa alaala niya ang pangyayari sa hotel. Kung saan siya rin ang nasa ibabaw.Napapikit siya noong sumakit ang ulo niya. Bumalik sa alaala niya ang buong pangyayari. Madalas niya itong mapanaginipan noon lalo na noong buntis pa siya sa kambal. Pero madalas na walang ulo ang lalaki sa kanya, pero ngayon, may ulo na ito, kaya lang ay blurred pa rin ang mukha.
Wala rin nagawa si Bea kun'di sumunod kahit pa gusto niyang umayaw sa lakad na iyon. Paano ba naman siya kokontra kung tuwang-tuwa ang kambal? Pakiramdam niya nga ay nagtatampo ang mga ito at puro si Levi lang ang kinakausap. Para siyang hangin sa gilid kahit pa hawak-hawak niya sa kamay si Cyprus kahit nasa loob ng Mall. Mabuti na lang ay ibang Mall iyon kun'di ay magpapanic siya at baka makita ulit sila ni Miggy."Pwede po bang sa bookstore na agad tayo?" tanong ni Calvin kay Levi.Hawak ito ng lalaki sa kamay. Ni hindi nga lumapit sa kanya ang anak sa sobrang kasabikan."Sure. Buy what you want young boy." Ngumiti ito at ginulo ang buhok ni Calvin.Lumawak ang ngiti ni Calvin. Patakbo itong pumasok sa bookstore."Uhm, can I buy books too?" nahihiyang tanong ni Cyprus kay Levi.Dumukwang si Levi at ngumiti kay Cyprus, "Yes, Little girl. Bilhin mo lahat ng gusto mo. My treat."Sunod na lang niyang namalayan ay kumawala sa hawak niya si Cyprus at patakbo ring pumasok sa bookstore."Cy
Hindi siya nakasagot kay Calvin pero tumakbo ito sa kinaroroonan nila Levi kaya naman tahimik siyang sumunod roon. Kumakalabog pa rin ang d*bdib niya sa request ng anak."Daddy!" sigaw ni Calvin kay Levi.Natigil ito mula sa pagkuha ng lobo at gulat na napalingon kay Calvin. Kahit si Cyprus ay naguguluhang tiningnan ang kakambal.Kinabahan siya lalo. Baka kasi biglang magalit si Levi. Alam niyang dati ay ni-request nito na tawagin siyang Daddy ng kambal pero baka nag-iba na ang gusto nito."Uhm, is it okay if we call you Daddy, Uncle Levi?" may kaba ang boses ni Calvin.Maging ako ay nahigit ang hininga sa paghihintay ng sagot nito. Kita niyang bahagyang kumibot ang mga labi ni Levi. Tahimik nitong binitiwan ang lobo bago ngumiti kay Calvin."Yes, if that will make you comfortable and happy. Why not?" Kumibit balikat ito at ang ngiti ay nangisi.Ginulo nito ang buhok ni Calvin at mahinang kinurot naman ang pisngi ni Cyprus na ngiting-ngiti na rin."May Daddy na ako!" Tumalon-talon pa
Natigalgal siya at nanatiling nakatingin sa likod ng babaeng dumaan. Ang damitan nito ay kamukhang-kamukha kung paano manamit ang Ate niya. Hapit na hapit ang pants nito maging blouse."Ate Isabella!" muling tawag niya sa atensyon nito ngunit hindi ito lumingon.Nanginginig ang mga tuhod niya. At kung walang sumalo sa bewang niya ay malamang na natumba na siya sa sa kinatatayuan."Are you alright? Did you see someone you know?" masuyong tanong ni Levi na tinulungan siyang tumayo nang maayos.Hindi niya ito pinansin. Ang mga mata niya ay nanatili sa babaeng papalayo at mukhang papalabas na ng Mall. Gusto niya itong habulin at yakapin pero paano niya gagawin iyon kung hindi naman ito lumingon sa kanya? Pero malinaw ang pagngisi nito kahit hindi siya tinapunan ng tingin. Ang bawat parte ng mukha nito ay kilalang kilala niya."Mommy, you look as if you've seen a ghost," dinig niyang komento ni Cyprus.Ghost?Tila piniraso ang puso niya matapos maalalang limang taon ng patay ang Ate niya.
Hindi siya nakapagbigay ng sagot kay Levi. Gusto naman talaga niyang ipa-imbestiga si Miggy, pero hindi niya maintindihan kung bakit pati ang Ate Isabella niya ay nadadamay.Kinabukasan huli na naman siyamg nagising. Agad siyang nag-ayos at naghanda para sa opisina. Siguro naman ay papasok na sila sa opisina ngayon.Pagbaba niya ay nandoon na si Manang Lisa at ang kambal na nakasalampak sa sofa. Nanonood ng cartoons sa malaking TV."Twins, will you be alright here?"Lumapit siya sa kambal. Napansin niya ang mesa na may pinagkainan ng sandwhich."Yeah, Mommy. But we want some ice cream later," ani Cyprus na tutok na tutok ang mga mata sa TV screen."Take care, Mommy," tipid na sagot ni Calvin.Nag-init ang puso niya dahil doon. Noon pa man ay madalas na niyang naiiwan ang kambal dahil sa trabaho. Mukhang naiintindihan naman ng mga ito.Ngumiti siya at binalingan si Manang Lisa. Nakangiti ito nang malawak sa kanya."Ako na po ang bahala, Ma'am. Tatawag po ako kapag may nangyaring hindi
"This will be a baby girl, I can sense it," mahinang bulong ni Bea kay Levi habang haplos ang umbok nitong tiyan.Napangisi siya at dinantay rin ang palad sa baby bump nito, "It's a baby boy for me, My love."Kita niyang umirap ito at inis na inalis ang palad niya sa tiyan nito, "Abusado ka naman kung lalaki ito."Tinalikuran siya nito ng higa kaya't mahina siyang humalakhak. Sumiksik siya sa likod nito at niyakap ito sa bewang."We will know the gender of the baby later. Wanna bet if it is a boy or a girl?" hamon niya kay Bea.Ramdam niyang sumimangot ito kaya't sinilip niya. Hindi talaga siya magsasawang titigan ito kahit ano pa man ang reaksyon ng mukha nito. Mas hinapit niya ito at pinatakan ng h*lik sa balikat."Ayoko. Doon ka na nga, tutulungan ko silang mag-ayos sa garden." Umakma itong babangon ngunit agad siyang gumapang sa itaas nito. Sapat lang upang hindi maipit ang baby bump nito. Namilog pa ang mga mata nito kaya't mabilis niyang kinurot sa pisngi."Levi, naman! Hindi a
Marahan siyang humiwalay mula sa malalim nilang paghah*likan. Hinihintay niyang maging agresibo si Levi ngunit napakasuyo ng h*lik nito."Is there something wrong?" naguguluhan niyang tanong.Mabini ang titig na binigay nito. Humigpit din ang yakap sa bewang niya para hindi sila mahulog sa swivel chair."Akala ko ba ako ang dessert?" Napalabi siya noong ngumisi ito."Na-huh, I'm thinking..."Nangunot ang noo niya roon, "A-no namang iniisip mo?"Baka mamaya ay iniisip na nitong hiwalayan siya kahit kakakasal pa lang nila kagabi! Hindi siya papayag no!"Do you still want to talk to Miggy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Tinitigan niya pa ito nang matagal, naninigurado kung nananaginip ba siya o hindi.Mabigat itong bumuntong hininga, "I want to settle everything. I want us to live a peaceful life with no hatred, no enemies, no doubts, and no extreme jealousy."Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano'ng dapat sabihin."I do
Kaya pala nakalimutan nito ang pangakong lunch date nila! Paanong hindi siya magagalit? Idagdag pa na kanina pa nito kausap si Crystal?"Ma'am Bea, sandali lang naman." Dinig niyang pagsunod sa kanya ni Minerva."Kumalma ka, Ma'am Bea," pagmamakaawa pa nito.Tumigil ito noong tumigil siya sa tapat ng pinto. Sinulyapan niya ito at nakitang naka-peace sign pa."Sana kasi sinabihan mo ko agad," hindi niya mapigilang bigkas."Sorry po, ang busy mo po kasi kanina, Ma'am."Hindi siya sumagot. Tinapat niya ang tainga sa pinto para marinig kung ano'ng ginagawa nila sa loob. Gusto niya sanang sugurin pero kinakabahan siya."Ma'am, pinsan niyo naman iyan—""Shut it, Minerva. Kahit sarili mong pamilya pwede kang traydurin."Nanahimik ito kaya't pinokus niya ang pakikinig. Namilog ang mga mata niya matapos makarinig ng kaluskos. Napalayo siya sa pinto at agad na pinihit ang door knob. Binundol pa siya ng kaba noong makitang nakadukwang si Cyrstal sa mesa paharap kay Levi. Lumipad ang tingin niya
Agad na pinatay ni Bea ang tawag kahit na may sasabihin pa si Minerva. Nanginginig ang kamay niyang binalik ang cellphone sa dashboard."What's wrong, hm?" si Levi na pinisil ang kabilang kamay niyang hawak nito. Sinulyapan pa siya nito bago binalik ang tingin sa daan.Umiwas siya ng tingin, "P-wede bang mag-date na lang tayo ngayon?""Huh? I thought you don't want to?" nagtatakang tanong nito.Kinagat niya ang ibabang labi. Ayaw niya lang naman na magkita si Levi at Crystal. Pipigilan niyang mangyari na maagaw ang asawa niya hangga't kaya niya."I have a meeting this morning," paliwanag nito, "Maybe we can have a lunch date later, my love. How's that?"Napatango siya. Wala naman siyang choice. Nagpadaan na lang siya sa drive thru para bumili ng breakfast. Sinadya niyang tagalan na pumili para lang magtagal sila. Nagdadasal siya na wala na sana si Crystal sa opisina."Mauubos mo lahat ito?" natatawang puna nito sa mga inorder niya noong nasa kumpanya na sila.Napalabi siya at sinulyap
"Shhh," natatawang paalala sa kanya ni Levi matapos niyang hindi mapigilan ang pag-ungol nang malakas.Inirapan niya ito bago kumapit sa mga balikat nito upang paghandaan ang muling paggalaw nito."As if they will hear me. Ang ingay nila sa labas," mabigat niyang bulong, pinipigilan ang sariling muling sumigaw.Dinig niyang mahina muli itong tumawa sa reaksyon niya kaya't mahina niyang hinampas ang balikat nito. Kanina pa siya nito inaasar gayong nasa kwarto naman sila. Iniwan nila ang swimming pool kanina ng walang paalam. Mukhang hindi naman din sila hahanapin lalo pa't maingay na sila sa baba at nagkakasiyahan."Oh, Levi!" Napaliyad siya napapikit matapos bumilis ang galaw nito.Umakyat ang mga kamay niya sa batok at ulo nito noong siniksik nito ang mukha sa pagitan ng leeg niya."You're so noisy, My love," bulong nito bago h*likan ang leeg niya.Imbis na sumagot ay kinawit niya ang isang binti sa bewang nito. Sinalubong ang galaw nito."Kiss me then, so I will stop m-oaning, ahh"
"I'm ready..."Na-excite siya bigla at hindi na makapaghintay. Dumiin ang hawak niya sa braso ni Levi. Dinig niya pang mahina itong tumawa sa reaksyon niya."Cute," bigkas nito.Napalabi siya at magsasalita pa sana ngunit inalis na nito ang kamay na nakatakip sa mga mata niya. Namilog ang mga mata niya at napatakip sa bibig matapos makitang nakaayos ang buong paligid ng swimming pool. Puno ng lobo na iba't ibang kulay at bulaklak. Pati ang tubig ng swimming pool ay puno ng petals ng red roses."Welcome back, Bea! And Congratulations!" sigaw ng mga naroon.Nakagat niya ang labi at napapaypay sa mga mata sa takot na baka maiyak siya."Oh my," mahinang bigkas niya at hindi talaga mapigilan ang maiyak.Nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya. Naramdaman niya pa ang pagyakap ni Levi sa likod niya pero siya ay nakatingin pa rin sa harap niya. Lahat yata ng katulong ng mansyon at guwardiya ay naroon. Naroon din si Blaze at Minerva, maging si Ava. Pati rin ang Lolo Alex, ang kambal, at si Austin na
"Seriously, Alcantara? Dis-oras ng gabi manggigising ka para ikasal kita?" inaantok na tanong ni Attorney Carancho kay Levi.Siya na ang nahiya rito. Hindi naman niya alam na ganito ang balak ni Levi. Ngayon nga ay nasa bahay pa sila ni Attorney Carancho."It's not yet the middle of the night, Carancho. This can't wait," tipid lang na sagot ni Levi.Napangiwi siya habang ang Attorney ay binigyan ito ng masamang tingin. Pero agad itong tumikhim at umayos ng upo sa sofa noong pumasok ang asawa nitong si Savannah na may bitbit na tray ng kape."Have some coffee first while discussing the wedding." Ngumiti ito nang maluwang bago nilapag sa mesa ang mga tasa."You should sleep, Baby," dinig niyang bulong ni Attorney Carancho sa asawa."Huh? Later. I will volunteer as their witness," magiliw na sambit nito.Napangiti siya noong ngumiti ito sa kanya. Iyon nga lang ay nangiwi siya matapos makitang hindi pabor doon si Attorney Carancho."His friends are coming over. They are both men," mapait
Mabilis na kinawit ni Bea ang mga kamay sa balikat ni Levi. Mas diniin nito ang sarili sa kanya na halos ikasinghap niya kung hindi lang siya nito hinah*likan. Dinig niya pa ang pagsara ng pinto ng sasakyan na malamang ay paa nito ang ginamit para isara iyon."Ahh..." mahina siyang dumaing noong kagatin nito ang ibabang labi niya.Napaliyad siya matapos maglakbay ang h*lik nito sa kanyang panga patungo sa punong tainga niya."Have you already remembered what we did here inside the car before?" madiin nitong bulong.Doon siya napasinghap. Nabitiwan niya ang balikat nito matapos maalala na mainit na pagsasalo sa loob ng sasakyan ang sinasabi nito."Move," nanghihina niyang utos dito.Mabigat siyang huminga noong hawakan nito ang bewang niya pababa sa hita niya."What kind of move? Move aside or move... inside?"Napaawang ang mga labi niya noong bumaba ang kamay nito at balak na paghiwalayin ang mga hita niya. Nailagay niya ang kamay sa d*bdib nito at walang lakas niya itong tinulak."No
"What? No thanks, uuwi ako—""Shh. Levi probably tasted another girl while you were not here. It's your time to taste another gorgeous Greek guy, dear. Come on, just one night."Humagikhik muli ito. Muntik na siyang mapasigaw noong itulak siya nito papunta sa lalaking kausap nito kanina. Namilog ang mga mata niya matapos maramdaman ang kamay nito sa bewang niya."You smell so good," bulong nito.Nanindig ang balahibo niya roon. Hindi naman ito mukhang manyak pero wala siyang balak na patulan ito. Maling desisyon pa lang sumama kay Miss Rosales."Sh*t! Don't smell me—""Come on, Dear. Loosen up! You should be celebrating that you're still alive!" yakag pa nito.Sinamaan niya ito ng tingin noong tinulak tulak sila nito patungo sa dance floor. Kung hindi siya hawak ng lalaki ay malamang na tumumba na siya. Mas lalo siyang nainis noong mapunta sila sa gitna at masiksik sa ibang sumasayaw."Sh*t I need to go home!" sigaw niya.Nagulat siya noong bigla na lang siya nitong hilahin sa kabilan