"What are you saying, Bea?" tanong ni Hunter sa kanya.Hindi naman ito mukhang galit na sinampal niya ito. Mas mukha itong nalilito at hindi makapaniwala sa ginawa niya.Umaakto ba ito?Tinaas niya ang kilay, "Ano, itatanggi mo pa?! Bakit mo kasama ang babaeng iyon?!" sigaw niya pa rin na umani na ng tingin mula sa guwardiya at paparating na mga magulang."Naku, nangabit yata si Mister. Dinala pa sa eskwela ang kabit," dinig niyang bulong ng isang Mommy.Napatigil siya at doon lang na-realize kung ano'ng sinabi niya. Namula ang mga pisngi niya habang si Hunter ay napayuko at napakamot sa kilay nito."Hindi kita maintindihan. Ano bang kinakagalit mo?" nalilitong tanong nito. Hindi makatingin sa kanya, marahil ay nahihiya sa ibang nagbulungan doon.Napapikit siya nang mariin. Mukhang napahiya niya pa ito. Bakit kasi hindi muna siya nag-isip?!"Bakit mo ba kasi kasama iyong babae kanina?" may inis pa rin na tanong niya bago minulat ang mga mata.Napakurap ito, "Sinong babae?"Marahas na
"Ano'ng ibig mong sabihin, Vin?" may kabang tanong niya rito mula sa kabilang linya."She has no record at all, Bea. That Isa Del Rosario has no record. Dalawa lang iyan, pwedeng hindi talaga siya rehistrado o pwede ring pekeng pangalan ang ginagamit niya ngayon," mabigat nitong sagot.At malamang na pareho nilang alam kung alin doon ang posible. Malaki ang tsansa na pekeng pangalan ang gamit nito."Sinadya ba niyang makitulad ng pangalan sa Ate ko? Pati mukha ginaya niya!" may gigil na bigkas niya."I can't answer you yet. I still need to find out."Hindi pa siya nakasasagot ay pinatay na nito ang tawag. Napapikit na lang siya at napahawak sa d*bdib niya. Ni sa hinagap hindi niya naisip na magiging rollercoaster ang buhay niya ng ganito. Wala siyang maalalang nakaka-inggit sa kanya.Napailing siya pero muntikan ng mapasigaw noong pagmulat niya ay pumara ang isang motorsiklo sa harap niya. Nahigit niya ang hininga at malamang na magwawala kun'di nito inalis ang helmet na suot."Miggy?
Abot-abot ang kaba ni Bea. Hila-hila ni Hunter ang palapulsuhan niya pero pareho silang natigilan noong pigilan din ni Miggy ang palapulsuhan niya."Nag-uusap pa kami," anitong halos magtagis ang bagang.Mapaklang natawa si Hunter, "You want Levi to kill you? Ayaw mo na yatang sikatan ng araw," may inis na bigkas nito.Humigpit ang hawak ni Miggy sa palapulsuhan niya. Maging si Hunter ay ganoon din ang ginawa kaya't hinarap na niya si Miggy at inalis ang hawak nito."I'm sorry, Miggy, sa ibang araw na lang," pakiusap niya rito.Hindi nga siya sigurado kung may ibang araw pa ba. Malamang na kung galit si Levi ngayon ay siguradong hindi na siya makakaalis pa."Kahit isang minuto lang, Bea. Pakinggan mo lang ako, please," pagmamakaawa nito at tila ayaw talaga siyang paalisin.Napapikit siya nang mariin. Pagmulat ay agad niyang binawi ang kamay kay Hunter at hinarap na ng buo si Miggy."Fine, may isang minuto ka," nagtitimping sagot niya."Bea, this is not good. We should go back now to t
Walang ampat ang pagluha ni Bea. Nanginginig ang kamay niyang may hawak ng baso. Hindi siya makainom ni halos hindi na makahinga kakaisip sa kambal. Idagdag pa ang galit ni Levi sa kanya. Pero hindi niya iyon iniintindi, ang isip niya ngayon ay nasa kambal. Hindi na nga niya maramdaman ang puso niya sa sakit niyon. Hindi niya alam kung ano'ng mangyayari sa kanya kapag hindi na makita ang mga anak niya."What the h*ll happened?! Nasaan ang mga apo ko?!" malakas na sigaw ni Don Alex sa tauhang naiwan doon upang magbantay sa mansyon."Sir, hinahanap na po—""At nasaan si Levi?!" putol nito sa sinasabi ng tauhan."Sir, naghahanap po sila—""Hanggang ngayon ay naghahanap pa rin sila?! Madilim na sa labas!" galit na sigaw nito.Sobrang dilim na sa labas pero hindi pa rin bumabalik sila Levi. Siya lang ang pinahatid nito sa mansyon matapos niyang mag-break down at walang tigil na umiyak sa eskwela. Ayaw nga niyang umalis doon kanina. Ayaw niya sanang umuwi na hindi kasama ang mga anak pero b
"You're joking?" walang tuwang tanong ni Levi kay Vin.Ayaw niya sa sinabi ng kaibigan. Hinding-hindi niya iisipin na wala na ang mga anak niya."I don't also want to think that way but—""Shut the f*cking up, Vin!" malakas niyang sigaw at hindi mapigilan kun'di higitin ang kwelyo nito."Calm down, Archie!" asik na ni Joselito. Pilit nitong inaalis ang kamay niya sa kwelyo ni Vin ngunit lalo lamang siyang nanggagalaiti."Gusto niyo kong kumalma sa ganitong pagkakataon?!""No, but f*ck! Paano ka matutulungan ni Vin kung aawayin mo siya ng ganyan?!" galit na ring tugon sa kanya ni Joselito.Natigilan siya at lumipad ang tingin kay Vin. Blangko lamang itong nakatingin sa kanya at mukhang wala naman balak na labanan siya."I understand you. Go, beat me up," utos pa nito sa kanya ngunit inis niya lang itong binitiwan.Doon ito nakahinga nang maluwag at binalik ang atensyon sa laptop nitong nilagay na lang sa kandungan nito."Bea, wake up!"Napabaling siya kay Hunter at halos magngalit ang
Agad silang nag-ayos pagkatapos nilang matanggap ang mensahe na pinadala ni Isabella. Ayaw niyang magsayang sila ng oras lalo pa't wala talagang pakialam si Isabella kahit pa kadugo nito ang mga bata.Hindi pa rin makapaniwala si Levi na buhay nga ang kapatid ni Bea, iyon nga lang ay masama ang balak sa mismong kapatid nito. Hindi niya maiwasang madismaya at magalit. Animo'y kinalimutan nito ang pagiging ate kay Bea. Doon niya rin napagtanto na simula pa lang ay may galit na ito sa kapatid. Naalala niya kasing tinutulungan nito si Madel noon sa pagbebenta ng sarili nilang kumpanya."She's crazy, right? Imbis na magpakita kay Bea at magpaka-ate, nilalagay niya pa sa alanganin ang kapatid," dismayadong komento ni Joselito.Lulan na sila ng sasakyan at si Vin ang nagmamaneho. Katabi nito si Joselito samantalang sa likod sila ni Hunter kahit pa ayaw niya itong katabi. Hindi ngayon ang oras para kainisan niya ang mangangaso sa tabi niya.Maliit na ngumisi si Vin, "Selfishness and greedines
"F*ck me then, I would love that."Sabay-sabay silang natigilan at napalingon sa bumukas na gate. Niluwa noon ang nakangising si Isabella at may mapang-akit na tingin sa kanya. Sa oras na iyon, gusto na lang itong sakalin ni Levi."Saan mo ba gustong gawin, Mr. Levi Archer Alcantara? Sofa? Cr? Bed? Or on the floor?" senswal na tanong nito.Kumuyom ang mga kamao niya. Huwag mong sabihing may pagnanasa ito sa kanya?"Baliw na nga yata siya, Archie," bulong ni Joselito."I'm not crazy," agad na sagot ni Isabella, maaaring narinig si Joselito, "In fact, nakaka-inggit si Bea. Gabi-gabi ka niyang natitikman," bulgar na bigkas nito, diretso ang tingin sa kanya.Nagdilim ang tingin niya, "Kahit magh*bad ka pa sa harap ko, hindi kita papatulan," maanghang niyang sagot."Oh, that's so sad to hear." Maliit pa itong ngumuso."Why don't you just f*ck with me then?" biglaang tanong ni Hunter kay Isabella.Bumakas ang gulat sa mukha ng babae at tila nawala sa pokus ngunit agad ding kinunot ang noo.
Kahit dinig ni Bea ang pagtutol at pagmumura ni Levi ay hindi siya natinag sa desisyon niya. Wala rin namang saysay ang buhay niya kung mamamatay ang kambal. Kayang-kaya niyang ibuwis ang sarili niyang buhay para sa mga anak niya."Bea, makakaisip pa ng ibang paraan," dinig niyang bulong ni Hunter ngunit hindi siya nakinig.Lumapit siya at tumitig sa Ate Isabella niya. Matigas ang tingin nito sa kanya pero kahit na masama ito ngayon, para sa kanya ito pa rin ang ate niya. Oo at sinabi niya noon na kahit ito pa ang kapatid niya ay kaya niya itong ipakulong. Pero ngayong kaharap niya ito? Nanghihina siya at tila ayaw itong masaktan ng sobra kahit pa hinihingi na nito ang buhay niya."Will you be happy if I die?" halos manakit ang lalamunan niya matapos itanong iyon.Bahagyang kumibot ang labi ng Ate Isabella niya. Bahagyang dumaan sa mga mata nito ang alinlangan pero mukhang namalikmata lang siya dahil tumikwas ang kilay nito."That's really what I want. Pineke ko na nga ang pagkamatay
"This will be a baby girl, I can sense it," mahinang bulong ni Bea kay Levi habang haplos ang umbok nitong tiyan.Napangisi siya at dinantay rin ang palad sa baby bump nito, "It's a baby boy for me, My love."Kita niyang umirap ito at inis na inalis ang palad niya sa tiyan nito, "Abusado ka naman kung lalaki ito."Tinalikuran siya nito ng higa kaya't mahina siyang humalakhak. Sumiksik siya sa likod nito at niyakap ito sa bewang."We will know the gender of the baby later. Wanna bet if it is a boy or a girl?" hamon niya kay Bea.Ramdam niyang sumimangot ito kaya't sinilip niya. Hindi talaga siya magsasawang titigan ito kahit ano pa man ang reaksyon ng mukha nito. Mas hinapit niya ito at pinatakan ng h*lik sa balikat."Ayoko. Doon ka na nga, tutulungan ko silang mag-ayos sa garden." Umakma itong babangon ngunit agad siyang gumapang sa itaas nito. Sapat lang upang hindi maipit ang baby bump nito. Namilog pa ang mga mata nito kaya't mabilis niyang kinurot sa pisngi."Levi, naman! Hindi a
Marahan siyang humiwalay mula sa malalim nilang paghah*likan. Hinihintay niyang maging agresibo si Levi ngunit napakasuyo ng h*lik nito."Is there something wrong?" naguguluhan niyang tanong.Mabini ang titig na binigay nito. Humigpit din ang yakap sa bewang niya para hindi sila mahulog sa swivel chair."Akala ko ba ako ang dessert?" Napalabi siya noong ngumisi ito."Na-huh, I'm thinking..."Nangunot ang noo niya roon, "A-no namang iniisip mo?"Baka mamaya ay iniisip na nitong hiwalayan siya kahit kakakasal pa lang nila kagabi! Hindi siya papayag no!"Do you still want to talk to Miggy?"Napaawang ang mga labi niya sa tanong nito. Tinitigan niya pa ito nang matagal, naninigurado kung nananaginip ba siya o hindi.Mabigat itong bumuntong hininga, "I want to settle everything. I want us to live a peaceful life with no hatred, no enemies, no doubts, and no extreme jealousy."Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung ano'ng dapat sabihin."I do
Kaya pala nakalimutan nito ang pangakong lunch date nila! Paanong hindi siya magagalit? Idagdag pa na kanina pa nito kausap si Crystal?"Ma'am Bea, sandali lang naman." Dinig niyang pagsunod sa kanya ni Minerva."Kumalma ka, Ma'am Bea," pagmamakaawa pa nito.Tumigil ito noong tumigil siya sa tapat ng pinto. Sinulyapan niya ito at nakitang naka-peace sign pa."Sana kasi sinabihan mo ko agad," hindi niya mapigilang bigkas."Sorry po, ang busy mo po kasi kanina, Ma'am."Hindi siya sumagot. Tinapat niya ang tainga sa pinto para marinig kung ano'ng ginagawa nila sa loob. Gusto niya sanang sugurin pero kinakabahan siya."Ma'am, pinsan niyo naman iyan—""Shut it, Minerva. Kahit sarili mong pamilya pwede kang traydurin."Nanahimik ito kaya't pinokus niya ang pakikinig. Namilog ang mga mata niya matapos makarinig ng kaluskos. Napalayo siya sa pinto at agad na pinihit ang door knob. Binundol pa siya ng kaba noong makitang nakadukwang si Cyrstal sa mesa paharap kay Levi. Lumipad ang tingin niya
Agad na pinatay ni Bea ang tawag kahit na may sasabihin pa si Minerva. Nanginginig ang kamay niyang binalik ang cellphone sa dashboard."What's wrong, hm?" si Levi na pinisil ang kabilang kamay niyang hawak nito. Sinulyapan pa siya nito bago binalik ang tingin sa daan.Umiwas siya ng tingin, "P-wede bang mag-date na lang tayo ngayon?""Huh? I thought you don't want to?" nagtatakang tanong nito.Kinagat niya ang ibabang labi. Ayaw niya lang naman na magkita si Levi at Crystal. Pipigilan niyang mangyari na maagaw ang asawa niya hangga't kaya niya."I have a meeting this morning," paliwanag nito, "Maybe we can have a lunch date later, my love. How's that?"Napatango siya. Wala naman siyang choice. Nagpadaan na lang siya sa drive thru para bumili ng breakfast. Sinadya niyang tagalan na pumili para lang magtagal sila. Nagdadasal siya na wala na sana si Crystal sa opisina."Mauubos mo lahat ito?" natatawang puna nito sa mga inorder niya noong nasa kumpanya na sila.Napalabi siya at sinulyap
"Shhh," natatawang paalala sa kanya ni Levi matapos niyang hindi mapigilan ang pag-ungol nang malakas.Inirapan niya ito bago kumapit sa mga balikat nito upang paghandaan ang muling paggalaw nito."As if they will hear me. Ang ingay nila sa labas," mabigat niyang bulong, pinipigilan ang sariling muling sumigaw.Dinig niyang mahina muli itong tumawa sa reaksyon niya kaya't mahina niyang hinampas ang balikat nito. Kanina pa siya nito inaasar gayong nasa kwarto naman sila. Iniwan nila ang swimming pool kanina ng walang paalam. Mukhang hindi naman din sila hahanapin lalo pa't maingay na sila sa baba at nagkakasiyahan."Oh, Levi!" Napaliyad siya napapikit matapos bumilis ang galaw nito.Umakyat ang mga kamay niya sa batok at ulo nito noong siniksik nito ang mukha sa pagitan ng leeg niya."You're so noisy, My love," bulong nito bago h*likan ang leeg niya.Imbis na sumagot ay kinawit niya ang isang binti sa bewang nito. Sinalubong ang galaw nito."Kiss me then, so I will stop m-oaning, ahh"
"I'm ready..."Na-excite siya bigla at hindi na makapaghintay. Dumiin ang hawak niya sa braso ni Levi. Dinig niya pang mahina itong tumawa sa reaksyon niya."Cute," bigkas nito.Napalabi siya at magsasalita pa sana ngunit inalis na nito ang kamay na nakatakip sa mga mata niya. Namilog ang mga mata niya at napatakip sa bibig matapos makitang nakaayos ang buong paligid ng swimming pool. Puno ng lobo na iba't ibang kulay at bulaklak. Pati ang tubig ng swimming pool ay puno ng petals ng red roses."Welcome back, Bea! And Congratulations!" sigaw ng mga naroon.Nakagat niya ang labi at napapaypay sa mga mata sa takot na baka maiyak siya."Oh my," mahinang bigkas niya at hindi talaga mapigilan ang maiyak.Nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya. Naramdaman niya pa ang pagyakap ni Levi sa likod niya pero siya ay nakatingin pa rin sa harap niya. Lahat yata ng katulong ng mansyon at guwardiya ay naroon. Naroon din si Blaze at Minerva, maging si Ava. Pati rin ang Lolo Alex, ang kambal, at si Austin na
"Seriously, Alcantara? Dis-oras ng gabi manggigising ka para ikasal kita?" inaantok na tanong ni Attorney Carancho kay Levi.Siya na ang nahiya rito. Hindi naman niya alam na ganito ang balak ni Levi. Ngayon nga ay nasa bahay pa sila ni Attorney Carancho."It's not yet the middle of the night, Carancho. This can't wait," tipid lang na sagot ni Levi.Napangiwi siya habang ang Attorney ay binigyan ito ng masamang tingin. Pero agad itong tumikhim at umayos ng upo sa sofa noong pumasok ang asawa nitong si Savannah na may bitbit na tray ng kape."Have some coffee first while discussing the wedding." Ngumiti ito nang maluwang bago nilapag sa mesa ang mga tasa."You should sleep, Baby," dinig niyang bulong ni Attorney Carancho sa asawa."Huh? Later. I will volunteer as their witness," magiliw na sambit nito.Napangiti siya noong ngumiti ito sa kanya. Iyon nga lang ay nangiwi siya matapos makitang hindi pabor doon si Attorney Carancho."His friends are coming over. They are both men," mapait
Mabilis na kinawit ni Bea ang mga kamay sa balikat ni Levi. Mas diniin nito ang sarili sa kanya na halos ikasinghap niya kung hindi lang siya nito hinah*likan. Dinig niya pa ang pagsara ng pinto ng sasakyan na malamang ay paa nito ang ginamit para isara iyon."Ahh..." mahina siyang dumaing noong kagatin nito ang ibabang labi niya.Napaliyad siya matapos maglakbay ang h*lik nito sa kanyang panga patungo sa punong tainga niya."Have you already remembered what we did here inside the car before?" madiin nitong bulong.Doon siya napasinghap. Nabitiwan niya ang balikat nito matapos maalala na mainit na pagsasalo sa loob ng sasakyan ang sinasabi nito."Move," nanghihina niyang utos dito.Mabigat siyang huminga noong hawakan nito ang bewang niya pababa sa hita niya."What kind of move? Move aside or move... inside?"Napaawang ang mga labi niya noong bumaba ang kamay nito at balak na paghiwalayin ang mga hita niya. Nailagay niya ang kamay sa d*bdib nito at walang lakas niya itong tinulak."No
"What? No thanks, uuwi ako—""Shh. Levi probably tasted another girl while you were not here. It's your time to taste another gorgeous Greek guy, dear. Come on, just one night."Humagikhik muli ito. Muntik na siyang mapasigaw noong itulak siya nito papunta sa lalaking kausap nito kanina. Namilog ang mga mata niya matapos maramdaman ang kamay nito sa bewang niya."You smell so good," bulong nito.Nanindig ang balahibo niya roon. Hindi naman ito mukhang manyak pero wala siyang balak na patulan ito. Maling desisyon pa lang sumama kay Miss Rosales."Sh*t! Don't smell me—""Come on, Dear. Loosen up! You should be celebrating that you're still alive!" yakag pa nito.Sinamaan niya ito ng tingin noong tinulak tulak sila nito patungo sa dance floor. Kung hindi siya hawak ng lalaki ay malamang na tumumba na siya. Mas lalo siyang nainis noong mapunta sila sa gitna at masiksik sa ibang sumasayaw."Sh*t I need to go home!" sigaw niya.Nagulat siya noong bigla na lang siya nitong hilahin sa kabilan