Kahit na sinabi niya iyon, si Lindsay ay dinakip pa rin dahil sa kanya. Kung nawala sa bait si Maddox at pinatay niya ang babae, meron pa rin siyang kinalaman sa kanyang pagkamatay… Magsisisi si Gerald buong buhay niya kapag nangyari iyon at hindi na niya kayang harapin pa si Aiden…Nang marinig ang pangalan ni Lindsay, biglang kinuha ni Lucian ang kanyang cellphone bago niya sinabing, "Dahil nabanggit mo si Lindsay, tatawagan ko kaagad ang aking butler para malaman kung nakuha niya ang mga baril." Nang marinig iyon, mabilis na lumapit si Aiden kay Lucian. Maya-maya lang ay nabuo ang ngiti sa mukha ni Lucian habang masigla niyang sinasabi, "Mukhang nakakuha ang butler ko ng ilan mula sa ilang mga dealer! Pero sa tingin ko ay hindi ito sapat para sa iyong kaligtasan dahil ang kalaban mo sa pagkakataong ito ay ang military department…” “Huwag kang mag-alala, Uncle Grubb! Ililigtas ko si Miss Lindsay, kahit na kailangan kong isakripisyo ang sarili kong buhay!" sabi ni Aiden habang na
Ipinaliwanag nito kung bakit hindi masyadong matao ang lower floor kumpara kahapon. Ang lahat ng mga grupo ay nanatili ang isang distansya mula sa isa't isa, talagang nag-aalala na sila ay susunod na ma-target. Habang mataas ang tensyon sa ibaba, medyo kalmado pa rin ang mga bagay sa higher floor. Kung tutuusin, ang mga may kakayahang makapunta sa mga viewing box ay mula sa mga sikat na pamilya o cultivating sect. Ang ibig sabihin nito ay hindi nila kailangang makipag kompetensya para sa mga ganoong klaseng bagay. Nang matapos ang auction ng halos kalahating oras, hindi maiwasan ni Aiden na tumingin sa pinto saglit bago siya nagtanong, "...Hindi ba sasali si Yaacob sa atin...?" "Malamang may mga bagay siyang dapat asikasuhin," sagot ni Gerald, alam niyang hindi na siya kailangang bantayan ni Yaacob pagkatapos ng engkwentro nila ni Walter. "Tungkol pala sa lalaking iyon... Ang kanyang pamilya ay sapat na makapangyarihan para mabigyan tayo ng access sa higher floor... Pero lalo l
Hindi nagtagal natapos ang morning session ng auction at si Gerald ay naglalakad palabas ng auction house kasama sina Aiden at Lucian… Gayunpaman, lingid sa kaalaman ng tatlo, isang lalaking nakasuot ng suit ang nakatayong sa gitna ng mga naglalakad na mga tao, ang kanyang mga mata ay nakatutok kay Gerald. Kahit na maraming tao ang sumimangot sa kanya dahil sa pagharang sa kanilang daan, hindi pa rin sila pinansin ng lalaki. Maya-maya pa ay lumapit sa kanya ang isa pang lalaki, na nag-udyok sa lalaki na magtanong "...Si Gerald ba iyon?" “Sa tingin ko siya nga. Pero nagtataka kung siya ay karapat-dapat na makibahagi sa auction sa unang lugar. Hindi ko kilala ang dalawang lalaki sa tabi niya...” sagot ng isa pang lalaki habang nakatitig sa likuran ni Gerald. “Kalimutan mo na ang dalawa, ang target natin ay si Gerald. Hindi ko inasahan na dito natin siya makikita... Kahit ang diyos ay nasa tabi ko!" nakangiting sinabi ng lalaki... Ang lalaking pinag-uusapan ay walang iba kundi si
Kung tutuusin, buong hapon na nilang hinahanap si Gerald—sa auction house— pero hindi pa rin nila ito nakita. Dahil dito, nabalisa si Will habang iniisip ito. Nakita ba sila ni Gerald at nagmamadaling umalis sa isla...? Pagkatapos niya itong pag-isipan ng ilang sandali, naalala ni Will na hindi pa siya nakilala ni Gerald, gayundin si Finch. Dahil dito ay hindi magkakaroon ng dahilan si Gerald para tumakas! Dahil dito ay sinuri muli ni Will ang lugar sa huling pagkakataon upang matiyak na wala si Gerald sa lugar bago siya bumulong kay Finch, “...Maghanap ulit tayo mamaya. Kung makikita mo siya, siguraduhin mo na hindi siya mawawala sa paningin mo, naiintindihan?" "...Pero... Paano kung matuklasan tayo?" tanong ni Finch. “Kailan pa natin siya papatayin? Tandaan, kahit sinabi ng patriarch na gusto niyang patayin si Gerald, hindi niya ito pinatay kahit na nakatanggap siya ng dalawang malinaw na pagkakataon na patayin siya noon! At saka, pinadala lang niya ako noon para imbestigahan a
Sa totoo lang, kung pinili ni Finch na bumalik nang mas maaga, maghahanap ng paran si Will para patayin siya. Pagkatapos ng lahat, anong silbi ng isang tao na hindi makakasunod sa mga simpleng utos? At saka, masyadong maraming alam si Finch. Kung hindi nila mapapatay agad si Gerald, magdudulot ito ng mas maraming problema sa kanila. Pagkaalis ni Finch, huminga ng malalim si Will. Kailangan niyang patayin si Gerald sa pagkakataong ito... Hindi na pwedeng maging banta sa kanyang posisyon ang lalaking iyon...! Pagsapit ng gabi, hinanap muli ng ilang Zeman clansmen si Gerald. Nagsalita sila nang makita nilang nakaupo siya sopa, “Ah, andyan ka pala Mr. Gerald. Inimbitahan ka ng aming patriarch para sa hapunan." Tumango bago tumayo si Gerald bago siya sumunod sa kanila palabas. Paglabas pa lang niya ng kwarto, nakasalubong niya sina Lucian at Aiden. Pagkatapos sabihin sa kanila na lalabas siya ng saglit, sumunod si Gerald sa mga Zeman clansman pababa. Habang pinapanood ni Lucian si G
Di-nagtagal, nakatanggap si Walter ng isang maliit na booklet mula kay Yaacob. Kasunod nito, inabot ito ni Walter kay Gerald bago sinabing, “Kung may bagay na interesado kang makuha, sabihin mo lang sa akin!” “Wala akong gustong bilhin! Kung talagang interesado ako sa isang bagay, ako mismo ang magbi-bid para dito! Bukod dito, labag sa rules kung kukuha ako ng item sa ganoong paraan!" bulalas ni Gerald habang winawagayway ang mga kamay para tumanggi. Imbes na magalit, tumawa lang si Walter habang sinasabing, “Nakakatuwang makita na mahigpit ka sa iyong prinsipyo! Pag-usapan natin ang mas seryosong topic... Napag-isipan mo na ba ang tungkol sa anak ko? Kailangan mong malaman na hangga’t kaya mong tanggalin ang cold poison ni Mia, ipinapangako kong ibibigay ko sayo ang anumang kahilingan mo!" Bago pa makasagot si Gerald, sumugod si Third elder sa kwarto habang sumisigaw ng, “Patriarch! May nagtangkang pumasok!" Napakunot si Walter nang marinig niya iyon, bago siya tumingin kay Ge
Nang marinig iyon, ang isa sa mga disciple ni Walter ay mabilis na lumapit. Biglang naramdaman ni Finch na seryoso ang mga taong ito nang sabihin ni Walter na papatayin siya, kaya agad siyang nagpaliwanag, “T-teka…!” Sinenyasan ni Walter ang kanyang alagad na huminto, bago siya tumingin ng diretso sa mga mata ni Finch at mahinahon, ngunit mabagsik, niyang sinabi, “Tatanungin ulit kita. Sino ka, at sino ang kakampi mo ? Bakit hindi ka na lang umuwi pagkatapos ng auction? Para lang sa kaalaman mo, kami ang pamilya ng organizer!" Napalunok si Finch saka niya tiningnan si Gerald bago siya bumuntong-hininga. Wala siyang choice kundi sabihin ang totoo... Umiling si Finch bago siya nagpaliwanag, "Ako... Ako ay mula sa pamilyang Crawford... Ako ay pumunta rito para sundan si Gerald..." “…Oh? Ikaw ay isang Crawford? Kilala mo ba siya, Gerald?" tanong ni Walter habang nakatingin sa bata. Mahigpit na nakasara ang mga kamao ni Gerald nang marinig iyon, nakatingin siya ng masama kay Finch
Maya-maya pa ay makikita na si Will na akyat-baba sa kanyang sala, ang kanyang mga kamay sa kanyang likod. Saan pumunta si Finch? Sigurado siyang inutusan lang niya si Finch na sundan si Gerald. Kung tutuusin, kayang patayin ni Finch si Gerald! Pero bakit napakatagal bago siya makauwi…? Talagang hindi na mapakali si Will, pero alam niya talaga na hindi niya ito teritoryo, kaya hindi siya pwedeng lumabas para lang hanapin si Finch dahil delikado na magmukhang kahina-hinala. Sa kalaunan, sumuko siya at nagpasya na tumingin na lang sa paligid... Hindi nagtagal ay nagtaka si Will, bigla niyang binuksan ang pinto at nakita ang ilang tao na nakatayo roon, parang hinihintay siya ng mga ito. Naramdaman niya pa na ang lahat ng ito ay mga advanced cultivator...! Huminto siya ng sandali bago siya nagsalita ng malamig, “…Sino kayong lahat?” “Hah! Dapat kami ang nagtatanong sayo, Mr. Will Crawford. Hindi ang kabaligtaran,” mapanuyang sinabi ng leader ng grupo. “…P-paano mo nalaman kung si
Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat
‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k
Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”
“…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma
Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord
"Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu
Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral
Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si
Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,