"Walang pinagkaiba ang aking tanong. Napakalaki ng naitulong mo sa amin at inilagay isinakripisyo mo pa ang sarili mong buhay. At saka, nasaktan mo pa ang pamilyang Kanagawa at Hanyu. Kahit na napakalakas mo, hindi mo kailangang ilagay ang iyong sarili sa napakaraming problema. Gusto ko lang malaman kung bakit mo ito ginagawa. Ano ang iyong dahilan? O para ba ito kay Fujiko?"Pinunasan ni Takuya ang kanyang mga kamay at nahihiyang nagtanong. Ang tanong na ito ay matagal nang bumabagabag sa kanyang isipan. Ilang beses na niya itong pinag-isipan, pero wala pa rin siyang mahanap na sagot. Kaya hindi na niya napigilan ang kanyang sarili at diretso siyang nagtanong.Napatingin si Fujiko kay Gerald."May rason kung bakit ko ito ginagawa." Napatingin sa kanila si Gerald at nag-alinlangan siya ng sandali, pero sa huli ay sinabi pa rin niya sa kanila ang totoo."Hindi problema 'yan. Basta sasabihin mo ito at tutuparin ko ang kahilingan mo.” naramdaman ni Takuya na normal lamang magkaroon ng
Naglalakad sila papunta sa parlor habang nag-uusap sina Gerald at Aiden.Makikita na mas maayos ang security ng manor matapos makapasok ng napakaraming tao dito. May nakikita pa siyang mga security guard na naka-uniporme. Dahil nag-aalala si Takuya na baka maaksidente ang mga taong ito sa manor, kumuha siya ng mga security guard mula sa isang security company sa labas.Kung tutuusin, miyembro pa rin sila ng pamilyang Futaba kahit matagal na silang umalis sa kanilang pamilya. Mahihirapan siya kung may makatagpo silang panganib."Hindi ba ikaw si Futaba Suke?" Pagpasok ni Gerald sa pinto, nakita niya ang isang binata na nakatayo sa looban. Siya ang binata na nagbanta sa kanya sa garden pagkatapos ng meeting noong nakaraan. Hindi na magkukunwari si Gerald na hindi siya nakita sa pagkakataon na ito at handa na siyang kausapin ang binata.“Swerte ka talaga!” Alam ni Suke ang nangyari kay Gerald kamakailan, at bumulong siya na may malungkot na mga mata.Kung hindi lang nakaharang si Ger
Inaasahan na ni Takuya na maraming sasalungat sa kanya at pinaghandaan na niya ito, pero lalo siyang nabalisa habang nagsisimula silang magtalo. Siya pa rin ang patriarch, ngunit maging ang kanyang mga salita ay kinuwestiyon at tinanggihan ng mga miyembro ng kanyang pamilya. Wala itong pinagkaiba kung humawak siya sa posisyon bilang patriarch o hindi."Ano ang dahilan kung bakit mo kami pinatawag ngayon?""Hindi na namin kailangang pumunta pa dito kung para ito sa isang maliit na bagay. Pwede mo kaming tawagan at ipaalam sa amin ang gusto mong sabihin. Hindi ka pa rin naman makikinig sa aming mga opinyon!"Nanatiling tahimik na ang mga miyembro ng amilya nang makita nilang nagagalit na si Takuya. Sa kabila ng katahimikan sa parlor, sinabi ni Masaru ang mga salitang ito gamit ang kanyang paos na boses. Siya pa rin ang tito ni Takuya, at pwede niyang hindi pansinin ang mga salita ni Takuya.Nang sabihin iyon ni Masaru, tumango naman ang lahat para sumang-ayon sa kanya.“Pinapunta ko
Nabigla ang lahat sa biglaang outburst ni Takuya, at hindi sila nangahas na magsalita. Kahit na wala silang paggalang sa patriarch na ito, hindi ito nangangahulugan na ang kanyang kapangyarihan ay wala na sa kanya.Batay sa Japanese rules, kung ang isang tao sa isang pamilya ay lumabag sa utos ng patriarch, kailangan na pasanin ang mga kahihinatnan ng parehong batas ng pamilya at pati na rin ang legal aspects.Nagkaroon sila ng lakas ng loob na iwan ang pamilya at gamitin ang pangalan ng pamilya upang makakuha ng ilang mga benefits ay dahil nakita nila si Takuya bilang isang down-to-earth na tao, at wala siyang gagawin sa kanila dahil sila ay bahagi ng pamilyang Futaba.“Takuya, alam kong anak mo si Fujiko, kaya gusto mo ang best para sa kanya, pero bilang patriarch, kailangan mong unahin ang buong pamilya! Kailangan pa rin natin ang tulong ng pamilyang Kanagawa. Kung sisirain natin ang marriage contract, hindi na tayo tutulungan ng pamilyang Kanagawa, kundi baka talikuran nila tayo
Nagkibit balikat si Gerald at mabilis siyang pumayag. "Pero kung sila nga ay mga tauhan ng pamilyang Yamashita...""Gagapang ako sa ilalim ng crotch mo at lalabas ako rito!" Nang hindi na hinintay na matapos ni Gerald ang kanyang mga salita, agad namang nagsalita si Suke. Naniniwala siyang nagyayabang lang si Gerald. Hindi pa siya nakakakita ng sinumang miyembro ng pamilyang Yamashita sa buong buhay niya, pero alam niya na hindi siya magkakaroon ng koneksyon sa kanila."Walang problema!" Agad namang sumagot si Gerald.Hindi nagtagal, sinundan ng ilang lalaki si Aiden sa kwarto at ang lahat ng mga tao ay nakatingin sa kanila."Kuya Gerald." Tumango si Aiden kay Gerald bago siya pumwesto sa likod.“Brothers, ang mga lalaking ito ay nagdududa sa katotohanan na kayo ay mula sa pamilyang Yamashita. Mayroon ba kayong anumang bagay para patunayan ang inyong identity?" Tanong ni Gerald na nakatingin sa kanila."Meron kaming identification." Kinuha ng lalaking nakatayo sa harapan ang kany
“Tama. Kung may nakaalam na ibang tao na hindi mo ginawa ang iyong pinangako, ito ay isang malaking kahihiyan sa ating pamilya!"“Gawin mo na lang! Huwag mo kaming pahintayin. Hindi ka maituturing na isang lalaki kung puro ka tahol at walang kagat!"Kumampi na rin ang iba kay Gerald. Wala pang dalawang minuto, ngunit nakalimutan na nilang lahat kung ano ang pinaglalaban nila kanina.Gayunpaman, habang nasa harapan si Gerald ng mga taong ito, walang sinabi na anumang komento si Gerald. Hangga't kaya niyang tulungan sina Takuya at Fujiko, ang mga lalaking ito ay walang kinalaman sa kanya.“Sige!”Dahil pressure ng napakaraming tao, alam ni Suke na hindi makakatulong ang kahit anong sabihin niya.Sinara niya ng mahigpit ang kanyang mga ngipin habang dahan-dahan siyang yumuko sa lupa at gumagapang patungo kay Gerald, nanginginig ang buong katawan habang ginagawa niya ito. Alam niyang pagkatapos gumapang sa ilalim ni Gerald, hindi na niya kayang magmayabang muli sa harap ng kanyang pa
"Hindi mo talaga siya pakakasalan, 'di ba?"Lumapit si Aiden sa likuran ni Gerald at nagtanong ng pabulong.“Hindi, palabas lang ito para sa kanila. Aalis pa rin tayo pagkatapos malutas ang problema ng pamilya nila.” Umiling sa kanya si Gerald. Ang kanyang puso ay nakay Mila Smith lamang, at si Gerald ay hindi interesado kahit na talagang napakaganda ni Fujiko at siya ay isang mabuting tao.“Hindi naman ito mahalaga. Maraming bansa na sumusuporta sa mga lalaking may dalawang asawa nang sabay. Nakikita mo naman na interesado si Ms. Fujiko sayo, bakit hindi mo na lang siya tanggapin!" Nakangiti si Aiden habang nagsasalita."Sisipain kita palabas dito kung magsasalita ka pa." Kumunot ang noo ni Gerald.Nilabas ni Aiden ang kanyang dila pero nanatili siyang tahimik."Totoo pala talaga ito. Hindi naman masamang magpakasal si Fujiko kay Gerald. Pero Gerald, kailangan mo kaming tulungan sa pagkakataong ito! Alam mo rin ang kasalukuyang sitwasyon ng aming pamilya, kaming lahat ay mahihir
Sa kwarto na makikita sa pinakadulong parte sa bahay ng pamilyang Hanyu.Sa sandaling iyon, si Hanyu Suijin ay nakaupo sa loob kasama ang kanyang prostitute. Kahit na matanda na siya at hindi na gumagana nang maayos ang kanyang katawan tulad ng dati, nagagawa pa rin nito ang dapat niyang gawin nang makita niya ang isang babae na may maselan na balat na nakahiga sa kanyang kama.Slam!Susugod na sana si Suijin pagkatapos niyang makita ang babae nang biglang bumukas ang pinto.Pagkatapos nito ay maririnig ang boses ng guwardiya mula sa labas ng pinto, “Team Leader, may ginagawa ang patriarch sa loob! Hindi pwedeng pumasok ng basta-basta!"Nagmamadali na si Ryugu sa sala at hindi niya pinansin ang sinabi ng guard."Patriarch, may kailangan akong i-report sayo." Inilibot ni Ryugu ang kanyang mga mata sa paligid at nakita niya si Suijin na hubo't hubad sa kama at isang magandang babae na nagmamadaling nagsuot ng kanyang damit sa tabi ng kama.Kilala ni Ryugu ang babaeng ito. Siya ang
Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat
‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k
Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”
“…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma
Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord
"Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu
Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral
Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si
Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,