"May... may gusto ka pa bang malaman? Sasabihin ko ang totoo sayo!" sagot ni Amare habang nararamdaman niya na si Gerald ang taong inaakala niya noong una. Naisip niya noong una na si Gerald ay isang masama at walang awa na tao na gagawin ang lahat para makapasok sa pamilyang Crawford at pagsamantalahan ang kanilang kapangyarihan kapag naging patriarch na siya. Pagkatapos ng kanilang maikling kontak, naramdaman niya ngayon na si Gerald ay talagang isang magiliw na tao, hindi tulad ng nauna niyang inakala. Totoo na pinatay pa rin niya ang assassin noon, pero may karapatan si Gerald na gawin iyon dahil siya ay na-ambush-attack... Gayunpaman, niligtas ni Gerald ang kanyang buhay dahil lamang pareho ang kanilang apelyido. Naantig si Amare sa ginawa nila sa totoo lang... Naputol ang pag-iisip ni Amare nang mahinahong sumagot si Gerald, "Iyon lang ang kailangan kong malaman." "Tulad ng pinangako ko, pwede mo nang tanggalin ang cultivation at uuwi ako kaagad..." sabi ni Amare habang n
“Sa totoo lang... Si Will ay ampon ng patriarch pero siya ang may pinakamataas na posisyon sa pamilya, ang patriarch ay nagbabantay sa kanya... Sa katunayan, tiniyak ng patriarch na parating may nakabantay kay Will mula nang pumasok siya sa ilang mahahalagang lugar sa isla, kabilang ang backyard kung saan nakatira ang patriarch. Ako mismo ay hindi ko nakita na pumasok si Will sa lugar na iyon…” sabi ni Amare habang nakasimangot. "…Ganoon ba... Ang importante ngayon ay ligtas sila... Kahit papaano ay magaang ang loob ko na ligtas sila..." sabi ni Gerald habang bumubuntong-hininga, nawala na ang bumabagabag sa kanyang puso. Ilang sandali pa, lumingon si Gerald kay Amare bago niya sinabing, “…Pwede ka nang umalis. Kung gusto mo pang mabuhay, tandaan mo na hindi mo pwedeng sabihin ang nangyari dito ngayong gabi. Naiintindihan?” "Naiintindihan ko. Kung tanungin ako ni Will tungkol dito, sasabihin ko na lang na nabigo akong hanapin ka sa Japan,” sagot ni Amare sabay tango. “Nagtitiwa
"Hinayaan mo lang siya na humingi ng tulong sa iba kapag nakarating ka na siya sa isla...?" tanong ni Master Ghost. "Ginawa ko iyon dahil sa totoo lang ay ayaw kong pumatay ng isa pang Crawford," sagot ni Gerald habang umiiling. Mas mahalaga ngayon na iligtas niya ang kanyang mga magulang, kaysa magtiwala sa isang Crawford 'cultivator.' “…Hindi ba parang pinalaya mo ang isang tigre pabalik sa mga bundok…?” tanong ni Master Ghost na medyo nag-aalala. Kahit na hindi niya sinabi kay Gerald ang tungkol dito, si Master Ghost ay palihim na hinuhulaan ang mangyayari kay Gerald noong nakaraan, at nalaman niya na si Gerald ay mapupunta sa mapanganib na sitwasyon na posibleng pumatay sa kanya sa sandaling dumating siya sa isla… “Hindi siya masyadong malakas at hindi siya tinuturing sa threat. Papatayin ko na lang siya kung sinubukan niya muling sumugod sa akin,” walang pakialam na sinabi Gerald habang winawagayway ang kanyang kamay. Nakita ni Master Ghost na confident si Gerald, kaya s
“Sige,” sagot ni Gerald. Mabilis na lumipas ang kalahating oras at bumalik si Aiden na may dalang pagkain mula sa malapit na convenience store. Pagkatapos nito, umupo ang tatlo sa paligid ng mesa at sabay silang kumain. Pagkatapos nilang makakain ng napakaraming Japanese food, medyo nagustuhan na nila ang lasa na ito. Medyo malaki pa rin ang agwat sa pagitan ng pagkain dito at ng masarap na Westoner delicacies… Pagkatapos nilang kumain, bumalik ang tatlo sa kanilang mga kwarto upang magpahinga... Nang sumapit ang umaga, pumunta sina Gerald at Master Ghost sa entrance ng training ground para maghintay at tumakbo naman si Aiden para hanapin si Fujiko. Ilang sandali pa, ang nakasalubong ng dalawa ay si Ichiro at ang kanyang secretary. Napagtanto ni Ichiro na si Gerald ay nakaimpake na para umalis, sinabihan ni Ichiro ang kanyang secretary na maghintay sa gilid habang mabilis itong naglakad patungo kay Gerald bago niya sinabing, “Oh? Aalis ka na, brother Gerald?” “Oo. Tapos nang
“…Kailangan natin itong sabihin kay papa. Masyadong malaki na ang problema hanggang sa punto kung saan kumuha si Kai ng mga international assassin, mas gugustuhin kong hindi ako ang gumawa ng huling desisyon…” sabi ni Fujiko habang umiling-iling, at ito ang nag-udyok kay Gerald na tumahimik... Bandang tanghali nang makarating silang apat sa Futaba manor. Mabuti na lang at walang naramdaman si Gerald na mayroong nagtatago na mga tao malapit sa kanila. Nang bumaba sila sa sasakyan, nakasalubong ng grupo ang secretary ni Takuya na naghihintay sa kanila sa labas mula pa kanina. Nang makita sila, mabilis na hinawakan ng sekretary ang mga dala ni Fujiko bago niya sinabing, “Miss Fujiko! Mr. Crawford! Pumasok kayo! Hinihintay na kayo ni master!" Tumango sila at pumasok ang grupo sa mansyon... at maya-maya pa, nakita nila si Takuya na kanina pa naghihintay sa kanila sa parlor. Tumayo si Takuya nang makita sila saka siya tumingin kay Aiden at Master Ghost, bago siya tumingin kay Gerald
“Understood!” Tumango ang secretary bago mabilis na lumabas ng parlor... Mabilis na inihain ang mga pagkain at nasa harapan nilang lahat ay hindi bababa sa isang dosenang mga Weston delicacies. Bukod sa manok at isda, ang natitira lang ay mga ordinaryong lutong bahay. Gayunpaman, ang amoy lamang ng mga pagkain at ang presentation nito ay ipinapakita na ito ay gawa ng isang nangungunang chef... Dahil dumating na ang lahat ng pagkain, ngumiti si Takuya at sinimulang mamigay ng chopsticks habang sinasabi niya, “Kumain na tayo habang mainit pa, at sabihin sa akin kung nagustuhan mo ito! Simula nang dumating si brother Gerald, lalo akong nahilig sa Weston food! Sa totoo lang, hindi ako sigurado kung nasanay na ba ako sa Weston food noong nakiusap si Fujiko sa akin na subukan ang mga ito!" “Nakita mo? Sinabi ko naman ito sayo!" natutuwang sinabi ni Fujiko. Nag-enjoy ang lahat sa kanilang mga pagkain nang walang sinasabi habang patuloy silang ngumunguya. Nang matapos na ang lahat sa k
Nang marinig iyon, mabilis na umiling si Takuya bago siya sinabing, “…Nagbibiro ka, hindi ba…?” Totoo na hindi makatao ang lakas ni Gerald, pero imposible na patumbahin ng isang lalaki ang isang malaki at makapangyarihang pamilya, tama ba...? “Oh, gagawin ko ang lahat ng sinabi ko, patriarch Takuya. Hindi ka ba naniniwala sa akin?” tanong ni Gerald nang seryoso, pinapakita nito na hindi siya nagbibiro tungkol sa bagay na ito. Kung tutuusin, ang pagpatay sa pamilyang Futaba sa krisis na ito ay ang kanyang one-way ticket para malaman ang mga sikreto ng Seadom Tribe. Inisip ni Takuya ang lahat ng pagkakataong pinrotektahan ni Gerald ang kanyang anak—at inisip niya ang seryosong pananalita ni Gerald—hanggang kalaunan ay sumagot si Takuya, “...Naniniwala ako sayo!” “Bigyan mo lang ako ng oras para patayin ang pamilyang Kanagawa. Para naman kay Endo at Izumi, suggestion ko na patayin mo sila sa lalong madaling panahon,” nakangiting sinabi ni Gerald. "Kung wala sa kanila ang imporma
"…Sige, magpahinga muna kayong dalawa. Sabihin niyo lang sa akin kung may kailangan kayo,” sagot ni Takuya, hihintayin na lang niya ang pagbabalik ni Gerald kung gusto niya man makakuha ng sagot. Kasalukuyan naman kayla Gerald at Fujiko, mabilis na sumakay ang dalawa sa isa sa mga kotse ng pamilyang Futaba at nagsimulang magmaneho papunta sa tirahan ng pamilyang Yamashita... Habang papunta sila doon, hindi napigilan ni Fujiko na tumingin kay Gerald habang siya ay nagtatanong, “Wala ka talagang alam tungkol sa matandang iyon…?” Para kay Fujiko, si Gerald ay parang isnag rubik's cube. Kahit na nakatira siya sa kanyang manor at halos isang buwan na niya itong kilala, naramdaman niya na parang kakaunti pa lamang ang alam niya tungkol kay Gerald... “Fujiko, ikaw at ang iyong pamilya ay mga lokal dito at halos wala kang alam tungkol sa kanila. Paano mo naisip na may alam ako tungkol sa mga Yamashita? Pupunta ako doon para matuto ng higit pa tungkol sa matandang iyon,” sagot ni Gerald
Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat
‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k
Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”
“…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma
Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord
"Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu
Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral
Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si
Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,