Nagtaka ang binata, kaya naglakad siya papunta kay Gerald bago siya bumulong, "Alam mo na ayaw ni master na pumapasok ang ibang tao sa ating bahay, miss..." Bumulong man ang lalaki, narinig naman ni Gerald ang bawat salitang sinasabi niya. Dahil dito ay napangiti siya. Base sa sinabi ng lalaking iyon, mas malaki ang pagkakataon na ang pamilyang Futaba ang parte ng Seadom Tribe. Kumunot ang noo ni Fujiko habang sumasagot, “Inatake ako ng isang miyembro ng pamilyang Hanyu noong nakaraan! Kung hindi pumasok ang lalaking ito para iligtas ako kanina, patay na sana ako ngayon!" Agad na nanlaki ang mga mata ng binata nang marinig niya iyon. Gayunpaman, mabilis siyang natauhan bago siya lumingon kay Gerald at magalang na sinabing, “Ganun ba! Please, pasok ka sir!" Pagbaba ng sasakyan, naudyukang magsalita si Gerald, "Mukhang napakataas ng rank mo sa iyong pamilya..." Awkward na ngumiti si Fujiko saka sinabi, "Tatay ko ang master ng aming pamilya..." Sa totoo lang, iyon ang dahilan
“Kaya pala parang pamilyar ang pangalan mo! Ikaw pala ng taong nag-iisang pinabagsak ang tatlong malalaking pamilya sa Yanam! Kung tama ang alaala ko, gumawa ka rin ng kaunting kaguluhan sa Yanam military!" sabi ng ama ni Fujiko. Nag-iba ang tingin ni Fujiko kay Gerald nang malaman ito. Napagtanto niya rin na parang pamilyar ang pangalan nito noong una niyang nalaman ito. Ito pala ang Gerald na naghasik ng lagim sa Yanam! Napagtanto ng tatay ni Fujiko na awkward ang bagay na sinabi niya, kaya tumahimik siya bago niya iwinagayway ang kanyang kamay habang sinasabi, “...Hindi mo na kailangang magpaliwanag kung bakit mo ginawa iyon. Wala akong kahit anong interes sa mga nangyari sa Yanam at sigurado ako na mayroon ka ring mga dahilan para gawin iyon. Regardless sa lahat ng iyon, ang mahalaga ay nailigtas mo ang aking pinakamamahal na anak na babae... Kung hindi ka pumasok sa laban, malamang ang aking anak ay... Mula ngayon, ikaw ay isang benefactor ng aking pamilya! Kung sakaling kaila
Dahil hindi ito pinipilit ni Takuya, natapos agad ang meal nang walang anumang sagabal. Hinanda ni Takuya na manatili si Gerald sa isa sa mga main guest house ng manor. Nagpaalam si Gerald kay Fujiko bago sumunod sa isang butler sa kanyang guest house... Pagdating nila doon, hindi napigilan ni Gerald na sumipol. Simple lang ang bahay pero luxurious ang decorations ng mga ito... Sinuri niya ang kanyang paligid at nakita niya na may dalawang hall at tatlong kwarto sa buong bahay, kasama ang lahat ng mga basic living facilities. Matapos isara ang pinto ng kanyang kwarto sa likod niya, inilapag ni Gerald ang kanyang bag at tinawagan si Aiden… Nang kumonekta ang tawag, agad namang tinanong ni Gerald, "Kumusta ang pagbalik sa hotel?" Mabilis na naglakad si Aiden sa may bintana bago tumingin sa ibaba at bumulong, "Maraming nagpa-patrol sa hotel natin... Malakas ang kutob ko na ikaw ang hinahanap nila." Tumango lang si Gerald nang marinig niya iyon. Katulad nga ito ng inaasahan niya.
“Routine ko na ito,” nakangiting sinabi ni Gerald. “Gusto mo bang magkaroon uminom ng tsaa sa aking tea room? Ang tsaa ay delivered dito mula sa Mount Wellyork sa Weston. May mga updates rin ako sayo,” sabi ni Takuya habang itinuro ang tea room sa hindi kalayuan. Hindi tumanggi sa kanya si Gerald, at maya-maya, pareho silang naupo sa tea room... Habang inihahanda ni Takuya ang tsaa, sinabi niya kay Gerald na nag-report ang mga tauhan niya sa kanya at kasunod nito ay sinabi niya, "Pagkatapos kong sabihan ang aking mga tauhan na pumunta sa kung saan mo iniligtas ang aking anak kagabi, nalaman nila na naghahanap ng impormasyon tungkol sayo ang Hanyu. Dahil doon, suggestion ko na manatili ka muna sa amin dito hanggang sa mawala ang panganib…” Humigop muna ng tsaa si Gerald bago siya sumagot, “Ganun ba… salamat sa update. Pero bakit gustong patayin ng Hanyu si Miss Fujiko…?” Ayaw ni Gerald na lalo pang mag-provoke ng isang assassin family, pero matapos itong pag-isipan noong nakar
Habang patuloy na umiinom sina Gerald at Takuya ng kanilang tsaa, ang mga Hanyu ay abala sa kanilang trabaho pabalik sa kanilang headquarters. Kahit na buong gabi silang nag-imbestiga, wala pa rin silang nakuha na mga clues. May dalawang lalaki ang makikitang nakatayo sa Hanyu headquarters' hall at nakayuko ang kanilang mga ulo. Ang isa sa kanila ay nagngangalang Hanyu Saburo, at siya ang umatake kay Fujiko noong isang gabi. Para sa isa pang lalaki, siya ay isang main disciple ng pamilyang Hanyu—na ipinadala para mag-imbestiga noong nakaraang gabi—at ang kanyang pangalan ay Hanyu Ryugu... Nakaupo sa main seat sa harap nila ay si Hanyu Suijin, ang head ng pamilyang Hanyu. Kahit na hindi pa niya naririnig ang kanilang report, pwede niyang hulaan kung ano ang kanilang mga natuklasan dahil wala pa siyang natatanggap na balita mula sa kanila hanggang sa puntong ito. Dahil dito ay nagtanong siya, "Ano na ang sitwasyon?" “…Pumunta agad ako doon pagkatapos ipaalam sa akin ni Saburo ang
Alam na hindi niya malalaman kung sila ang tunay na descendant ng Seadom Tribe, kaya hindi niya malalaman ang tungkol sa mga sikreto ng Yearning Island, kung hindi siya nagkusang magtanong. Pagkatapos ng ilang sandali ay tinanong ni Gerald, "Parang espesyal ang pendant mo, Miss Fujiko." “Oh? Ito ba ang tinutukoy mo?" tanong ni Fujiko habang tinuturo ang kwintas niya. “Oo. Ang mga symbol ay kakaiba kumpara sa iba pang mga pendants na nakita ko dati. Nagtataka ako kung ito ay isang ancestral pendant ng iyong pamilya…” nakangiting sinabi ni Gerald, pinanatili niyang relaxed ang tono ng kanyang pananalita. Ngumiti si Fujiko bago niya sinabi, "Mayroon kang matalas na mata... Sa totoo lang, ang pendant na ito ay-" "Ito ay isang ancestral pendant ng aming pamilya, tama ka. Pero walang kakaiba dito," sabi ni Takuya bago pa matapos ng kanyang anak ang sinasabi nito. “Ah, ganun ba...” sagot ni Gerald habang patuloy siyang nakangiti. Mukhang ayaw itong pag-usapan ni Takuya, at doon naka
Habang nagpapatuloy sila sa kanilang paglalakbay, nalaman ni Gerald mula sa pamilyang Futaba na sinusubukan ng kanilang pamilya na magkaroon ng alliance sa pamilyang Kanagawa, isang ancient Japaneses family na nagmamay-ari ng humigit-kumulang twenty percent ng mga bahagi mula sa ilang Japanese companies, isa sila sa pinakamalaking association sa bansa. Si Kanagawa Kai ang blind date ni Fujiko, at siya ang bunsong anak ng pamilyang iyon. Mula sa sinabi sa kanya ng mga Futaba, nalaman din ni Gerald mahilig abusuhin ni Kai ang mga babae gamit ang kapangyarihan ng kanyang pamilya. Mula sa mga tauhan ng mga kumpanya hanggang sa mga estudyante sa kanyang university, wala ni isa sa kanila ang nakatakas sa kanyang mga hawak na demonyo. Kahit pa alam ito ni Fujiko, wala talaga siyang ibang pagpipilian kundi ipagpatuloy ito. Kahit papaano ay umaasa siya na ito ay magiging isang nominal marriage. Kung tutuusin, ayaw niyang hawakan ang maruming katawan ni Kai. Matapos marinig ang lahat ng iy
Pagpasok nila sa parlor, nagsimulang magbuga ng sigarilyo si Gerald na ibinigay ng butler sa kanya, bago siya humigop ng tsaang inihain sa kanya. Si Fujiko naman ay mukhang hindi kinakabahan. Narinig na niya ang mga tsismis tungkol kay Kai mula sa kanyang ama at sa ilang iba pang mga tao na kakilala niya, pero ito ang unang pagkakataon na makilala niya ito. Maya-maya pa, narinig nila ang isang mayabang na boses na sinasai, “Nandito pala ang young mistress ng pamilyang Futaba! Bakit ka pumunta sa Kanagawa manor?" Paglingon sa pinanggalingan ng boses, nakita nilang dalawa ang isang payat na lalaki na may payat na mukha at goatee. Base sa itsura niya, mukhang madali siyang mapatumba ng isang ordinaryong tao gamit ang isang suntok. Masasabi na ang kanyang katawan ay masyadong na-damage ng alak at sex... Sa kasamaang palad, ito ay walang iba kundi ang young master ng pamilyang Kanagawa, siya si Kanagawa Kai… Kumunot ang noo sa sinabi ni Kai at umiling naman si Fujiko bago niya sin
Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat
‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k
Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”
“…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma
Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord
"Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu
Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral
Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si
Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,