“…Mukhang nakilala na ni Gerald sina Yalinda at Levi, young master!” sabi ng isa sa mga lalaki na nakasuot ng magagarang damit sa lalaking nakatayo sa tabi niya. Ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Clyde! Matinding kahihiyan ang naramdaman niya mula nang pabagsakin siya ni Gerald gamit ang isang move at ang sama ng loob niya kay Gerald ay walang hangganan! Ngayon lang siya nakaranas ng matinding kahihiyan kaya tuturuan niya ng leksyon si Gerald kahit ano pa ang mangyari! “Wala akong pakialam! Ihanda mo ang four great envoys! Gusto kong mamatay si Gerald! Hindi na siya makakasali sa susunod na competition kapag nangyari iyon!" galit na galit na sinabi ni Clyde at makikita ang masamang ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa lalaking nakatayo sa tabi niya. "Masusunod, young master!" sagot ng lalaki sabay tango bago siya mabilis na umalis sa eksena... Hindi alam nila Gerald at Yalinda kung ano ang mga panganib na malapit na nilang harapin... Makalipas ang ilang sandali a
Naudyukan na magsalita si Gerald nang marinig niya ito, “Salamat, Young Master Homewood!” Inakala ni Gerald na medyo magdadalawang isip si Levi. Kung tutuusin, ito ang una nilang pagkikita. Pero sa katunayan, si Levi ay isang mapagbigay na tao! “Masyado kang magalang, kuya Crawford! Bilang kapalit, may isang maliit na kahilingan sana ako para sayo!” sagot ni Levi. “Sige, Young Master Homewood!” "Gusto ko sana na hindi mo gagawing madali ang magiging duel nating dalawa sa competition!" “Deal!” sagot ni Gerald na ganoon ang kanyang plano sa umpisa pa lang. Kung tutuusin, gusto niyang matikman kung gaano talaga kalakas ang Homewood Sword Technique. Dahil si Levi na mismo ang nanghigi nito, alam ni Gerald na hindi na niya kailangang pigilan pa ang kanyang sarili... Ito ay magiging isang win-win situation iyon. Silang tatlo ay nagpatuloy sa kanilang masayang pag-uusap hanggang sa matapos ang kanilang pagkain. Gaya ng ipinangako ni Levi, dinala niya ang dalawa sa smithery ng ka
Dahil sa mapagbigay na ngiti ni Levi habang nakaturo sa mga espada, walang nakitang dahilan si Gerald para hindi sumunod. Ngunit nadismaya si Gerald dahil ang mga espada ay hindi kasing ganda ng inilarawan ni Levi. Totoo na silang lahat ay maganda, ngunit malamang ay perpekto lamang sila sa paningin ng mga karaniwang tao. Sa madaling salita, wala sa kanila ang sapat para sa mga standard ni Gerald. Gayunpaman, hindi niya pwedeng tanggihan ang alok pagkatapos niyang pagdaanan ang lahat ng ito. Dahil doon, sinimulan niyang maingat na pagmasdan ang mga espada... Pagkalipas ng ilang minuto, sa wakas ay nakahanap siya ng isang medyo mas mahusay na espada kumpara sa ibang espada sa pile. At least, magagamit niya ito bilang pansamantalang sandata... Pagkatapos nito ay itinaas niya ang espada bago niya ito ipinakita kina Levi at Yalinda at sinabing, "Ito ang pipiliin ko!" “Napakaganda ng choice mo, kuya Gerald! Sana ay gamitin mo ang mismong espadang iyon sa araw ng ating laban!" sagot
Bumuntong-hininga si Yalinda saka sinabi, “Natalo ako kay Levi sa first match ko! Ayokong pag-usapan ito... Pero sana nakita mo kung gaano kalakas si master, pa! Pinatumba niya si Clyde sa isang move lang, alam mo ba ‘yon?" Ngumiti si Tanner nang marinig niya iyon saka siya sumagot, “Oh? Napaka-angas! Ang pagkatalo ay bahagi lamang ng proseso ng pag-aaral, kaya hindi ito big deal! At saka, sumali ka lang naman para magsaya, di ba?” Tumango si Yalinda saka niya sinabi, "Oo nga pala, pa! Kailangan ko ang tulong mo." “Hmm? Ano ito?” nagtatakang tinanong ni Tanner. "Simula bukas, gusto kong turuan mo si Yale ng martial arts!" “…Huh? Bakit biglaan? At bakit ako?” gulat na tinanong ni Tanner, makikita na hindi niya inaasahan ang kahilingan ng kanyang anak. "Noon pa gustong matuto ni Yale, pero wala kaming oras ni master para turuan siya! Kaya… ayun,” sagot ni Yalinda habang nagkikibit-balikat. Pagkaraan ng ilang sandali, tumingin si Tanner kay Yale bago siya nagtanong, “Handa k
Tumalon muli si Gerald nang mapagtanto niya iyon at lumapag siya sa field sa ibaba. Sumunod rin sa kanya ang apat na mamamatay-tao at hindi nagtagal ay pinalibutan nila si Gerald... Tinitigan sila ni Gerald saka sinabi, “Tatanungin ko ulit kayo. Sinong nagpadala sa inyo dito?" Kahit pa nakakatakot ang kanyang pananalita, wala ni isa sa kanila ang nagsalita... Sa halip, itinaas lang nila ang kanilang mga machete at sumugod ng diretso kay Gerald! Doon napagtanto ni Gerald na hindi magiging option sa kanya ang makausap ang mga taong ito... Mahusay sa combat coordination ng mga lalaki at ang bawat isa sa kanila ay may kani-kaniyang attack style na bumabagay sa bawat isa at paniguradong malilito ang kanilang mga target kapag ginawa nila ito, ngunit sa kasamaang palad, ang kanilang kalaban ay si Gerald... Bago pa man sila makapag-atake sa kanya, inihagis na ni Gerald ang napakaraming silver needles na itinatago niya sa ilalim ng kanyang damit at ang bawat isa sa kanila ay kasing bili
“Makinig kayong apat. Sabihin mo ang totoo sa mga tanong ko at baka iligtas ko ang buhay mo. Tumango ka kung totoo ito, at umiling kung hindi, naiintindihan mo ba?" sabi ni Gerald habang nakatitig sa mga assassin. Tumango lang ang lalaki nang marinig niya iyon. “Good. Una, taga-Gower family ka ba?" tanong ni Gerald nang matuwa siya sa nakuha niyang reaksyon. Nag-alinlangan ng saglit ang lalaki bago siya tumango. "Si Clyde Gower ba ang nagpadala sayo?" tanong ni Gerald bago naningkit ang mga mata ng assassin at tumango. Naintindihan na ngayon ni Gerald ang buong pangyayari, kaya lumingon si Gerald kay Tanner habang sinabing, “Pakisabi muna sa mga tauhan mo na itali sila, Captain Juans. Irereport ko ito kay General Lucarl bukas!" Balak ni Gerald na harapin si Clyde sa harapan ng hari, reyna, at sa harap ni Kay bukas. Naramdaman ni Gerald na hindi niya muna kailangang patayin ang mga lalaking ito dahil kailangan niya ang mga ito bilang ebidensya. Hindi nagtagal ay dumating a
Sumimangot si Kay pagkatapos marinig iyon. Pagkatapos mag-isip tungkol dito ng ilang sandali, naglakad siya patungo sa hari at reyna na nakaupo sa kanilang mga trono... Matapos bumulong sa kanila, bumalik siya sa kanyang kaninang pwesto, "Sinabi ng kanyang kamahalan na ito ay isang karumal-dumal na krimen! Dahil dito ay isasagawa kaagad ang isang investigation! Ngayong pinag-uusapan natin ito, alam mo ba kung sino ang nagpadala sa mga assassin na iyon, Miss Juans?" Tumango si Yalinda bago siya sumagot, “Alam ko kung sino! Mga Kamahalan, si Clyde Gower ang nagplano ng assassination kagabi!" Natulala ang lahat nang sabihin niya iyon. Napagtanto ni Clyde na nakatingin sa kanya si Kay kaya tumayo siya bago sumagot, "Kalokohan!" “Ayan ang sinasabi mo, Young Master Gower! Sigurado akong alam mo kung sino ang totoong tao na nagsasabi ng kalokohan dito! Kung sakaling hindi mo ito alam, hinuli namin ang mga assassin, at sila ay nasa labas ng city gates! Gusto kong hilingin na papasuki
Matapos huminto ng sandali, ang apat na assassin ay tuluyang umiling! Nagalit talaga si Yalinda nang makita iyon kaya sinabi niya, "Ikaw...!" Napagtanto ni Clyde na may pagkakataon pa siyang makatakas sa sitwasyon na ito, kaya makikita ang isang nakakalokong ngiti sa kanyang mukha. Pagkatapos nito ay nagkunwari siyang na-agrabyado habang sinasabi niya, “Nakikita mo, General Lucarl? Inosente ako! Pakilinis ang aking pangalan!" Base sa kasalukuyang mga pangyayari, iniisip ngayon ni Gerald kung dapat ba niyang hayaan si Yalinda na magsalita... Pagkatapos ng lahat, pipi ang mga assasin dahil nakatahi ang kanilang bibig, ngunit hindi ibig sabihin nito ay hindi talaga sila nagsasalita. Naisip siguro nila na walang magagawa sa kanila si Gerald sa harap ng napakaraming tao. Dahil pinili nilang magsinungaling, hindi lang ang buhay ni Clyde ang maliligtas, kundi pati na rin ang buhay nila! Tumahimik si Kay ng ilang sandali bago mahigpit na nagtanong, "Gusto ko lang kumpirmahin kung hin
Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat
‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k
Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”
“…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma
Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord
"Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu
Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral
Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si
Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,