Share

Kabanata 19

Author: Two Ears is Bodhi
Alam ni Harper na si Gerald ay isang matapat na tao, ngunit may mga pagkakataon na hinding-hindi siya magpapatalo.

Maliban dito, alam niya na hindi magsisinungaling si Gerald sa kanyang mga kaibigan pagkatapos umalis ng mga dalaga. Ngunit hindi nila lubos na maintindihan ang mga nangyayari.

Talaga bang may kakayahan si Gerald na dalhin sila sa Wayfair Mountain Entertainment?

Paano iyon magiging posible?

Ngumiti si Gerald ng marinig ang katanungan ni Harper.

Malalaman niya ang kasagutan mamaya!

“Paumanhin na po mga Sir. Magpapatuloy pa po ba kayo na kumain dito?”

Sa mga sandaling iyon, isang magandang waitress ang lumapit sa kanilang lamesa at magalang na nagtanong.

Bagamat na magalang ang pananalita niya, hindi niya naitago ang paghamak na nararamdaman niya.

Alam niya kung sino ang magbabayad ng lahat ngayong araw.

Ngunit nakita niya din ang mga nangyari ilang sandali lang ang nakakalipas at alam niya na sinama nina Quinton at Harold na umalis ang mga magagandang dalaga.

Sa mga sandali din na iyon, ang iba pang mga tao na kumakain sa restaurant ay nakatingin din kay Gerald habang pinagtatawan nina Harold at mga kaibigan niya.

Ang sitwasyon na kinalalagyan nila ngayon ay katumbas ng maagaw ang kanilang mga girlfriend sa harap ng publiko.

Iyon din ang rason kung bakit lumapit sa kanila ang magandang waitress upang tanungin sila kung magpapatuloy ba silang kumain doon.

“Hindi, pakibalot nalang ang lahat ng pagkain. Dadalhin namin lahat sa Wayfair Mountain Entertainment at doon nalang namin kakainin!”

Nakikita ni Gerald ang pagkutya sa mga mata ng waitress.

Ngunit paano niyang hahayaan na magpatuloy na kumain sa restaurant na ito si Harper sa mga sandaling iyon?

Ngunit naisip niya na masasayang lang ang lahat ng pagkain sa lamesa.

Halos hindi mapigilan na tumawa ng magandang waitress ang ng mga tao sa paligid ng marinig nila ang sinabi ni Gerald.

“Siraulo ba ang lalaking ‘yon?”

“Sino ka ba sa inaakala mo? Nagbabalak ka na dalhin ang pagkain sa restaurant na ito sa Wayfair Mountain Entertainment bilang hapunan?”

“Hindi niya ba alam na may pagkain din sa Wayfair Mountain Entertainment? Hahaha…”

“Sa tingin ko ginagawa nalang nila ‘yan para isalba ang kanilang pagmumukha dahil sumama na umalis ang mga dalaga kasama ang dalawang lalaki kanina. Sa tingin nawalan na ng hiya ang mga kolehiyo sa panahon ngayon. Nagagawa na nila magyabang para lang hindi mapahiya.”

Patuloy silang kinukutya ng mga tao sa kanilang paligid.

Hindi mapigilan ni Harper na yumuko nalang dahil sa kahihiyan.

Inirapan ng waitress si Gerald bago sinabi, “Okay. Kung ganoon, pwede ko ba malaman sino sa inyo ang magbabayad ng lahat”

“Ako, ako, babayaran ko nadin agad,” agad na sagot ni Harper.

Nagkakahalaga ang lahat ng pagkain sa lamesa ngayong gabi ng mahigit sa walong daang dolyar.

Nagkakatumbas iyon ng mahigit sa walompung porsyento ng allowance niya para sa buwan na iyon.

Kinuha ni Gerald ang plastic bag mula sa waitress at nagsimulang ibalot ang mga pagkain sa lamesa.

Kahit na patuloy silang pinagtatawan ng mga kustomer sa mga sandaling iyon, hindi siya nagpatinag.

“Sob. Sob.”

Sa sandali din na iyon, tatlong mamahaling sasakyan ang dumating sa restaurant.

Pagkatapos ay tumigil ang tatlong mamahaling sasakyan sa harapan ng restaurant.

“Wow! Tatlong Rolls-Royce Phantom!”

“Grabe? Sino kaya ‘yun? Ang isa sa mga kotse na ‘yon ay nagkakahalaga ng one and a half million dollars!”

“Diyos ko po! Tignan niyo yung plaka ng sasakyan!”

Ang mga plaka ng tatlong mamahaling sasakyan ay 689. Ang numero palang na iyon ay nagkakahalaga na agad ng ilang daang libong dolyar!

Hindi mapigilan ng lahat ng nasa restaurant na tumingin sa labas pati na ang waitress ay napatunganga ng oras na iyon.

Kung nagpunta dito sa restaurant para kumain ang may-ari ng mga mamahaling sasakyan, agad siyang lalabas para salubungin at baka sakaling makuha niya ang pabor nito.

Madaling inayos ng waitress ang kanyang kasuotan bago siya naglakad papunta sa pintuan.

Gusto niyang malaman kung nagpunta ba dito ang may-ari para kumain.

Sa mga sandaling iyon, tatlong tao ang lumabas sa mga sasakyan. Ang tatlong lalaki ay nakasuot ng itim na suit at pare-parehas silang may suot na salamin at Bluetooth headset sa kanilang tenga. Mukha silang mga bodyguard na madalas na nakikita sa mga pelikula.

Sobrang tahimik ng restaurant sa mga sandaling iyon.

“Gentlemen, maari ko ba malaang kung…”

Agad na lumapit sa kanila ang waitress para batiin sila.

Ngunit, hindi man lang siya tinignan ng tatlong lalaki at nagdire-diretsong maglakad patungo kay Gerald na abala na magbalot ng pagkain sa sandaling iyon.

“Mr. Crawford!”

Binati ng tatlong bodyguard si Gerald habang yumuko sa harapan niya upang magbigay respeto.

“Ano? Mr. Crawford?”

“Tama ba ang narinig ko? Tinawag na Mr. Crawford ng tatlong bodyguard ang mokong na ‘yon?”

Labis na nabigla ang lahat ng nasa restaurant.

Mas lalong nagulat sina Harper at mga kaibigan niya ng oras na iyon.

Anong nangyayari?

Talaga bang si Gerald iyon?

Sa sandaling iyon, natapos na din na magbalot ng pagkain si Gerald.

“Pre, bakit hindi pa kayo sumakay sa mga sasakyan para makapunta na tayo sa manor?”

“Mr. Crawford, kami na po ang magbubuhat ng pagkain para sa inyo.”

Agad na lumapit ang mga bodyguard at pagkatapos ay kinuha nila ang nakabalot na pagkain mula sa kamay ni Gerald.

Sinundan nina Harper at mga kaibigan nila si Gerald palabas ng restaurant, at para bang nananaginip lang sila.

“Mr. Crawford, dahan dahan lang po sa paglalakad…”

Namumutla na ang mukha ng magandang waitress sa mga sandaling iyon habang magalang na binati si Gerald, at tumango lang si Gerald bilang sagot.

Sa mga sandali ding iyon, nakaramdam ng hiya si Gerald. Hindi siya sanay na may nakatitig sa kanyang mga tao.

Agad silang dumeretso siya mga mamahaling sasakyan at nagsimula na silang magtungo sa manor.

Habang patungo sa manor, hindi mapigilan ni Harper na tanungin si Gerald tungkol sa nangyari.

“Gerald, ano… anong nangyayari?”

Naisip ni Gerald na masyado pang maaga para sabihin niya ang lahat ng katotohanan sa kanila. Kaya ang sinabi niya lang, “Brother Harper, ipapaliwanag ko sayo ang lahat sa susunod. Lagi mo lang tatandaan na magkaibigan tayo at kahit anumang problema mo ay problema ko din. Sisiguraduhin ko na hindi ka mapapahiya ngayong araw!”

Tumango si Harper at hindi na tinanong pa si Gerald.

Pagkatapos ng ilang sandali, nakarating din sila sa manor.

Noong umpisa, inatasan din ang mga bodyguard na dalhin si Gerald at kanyang mga kaibigan sa paligid at siguraduhin na mag-e-enjoy sila sa lahat ng pagkain at mga aliwan sa Wayfair Mountain Entertainment.

Ngunit alam ni Gerald na hindi sila magagawang mag-enjoy kapag kasama ang mga bodyguard.

Sa katunayan, hindi din komportable si Gerald na napapalibutan ng mga bodyguard.

Kaya nang makarating sila sa harapan ng manor, sinabihan ni Gerald ang mga bodyguard na ibaba na lang sila doon at na gusto nila na magikot-ikot at magsaya ng hindi kasama ang mga bodyguard.

“Grabe! Ikaw na talaga Gerald! Hindi ako makapaniwala na magagawa talaga natin na makapasok dito sa manor ngayong araw!”

Napakasaya ni Benjamin habang nagiikot-ikot sila sa manor.

“Kilala ko kasi yung boss dito! Ano na ang gusto niyong gawin ngayon? Sabihin niyo lang sakin kung anong gusto niyong gawin!”

Sabi ni Gerald habang nakangiti.

“Ahh! Gerald, yung boss ba na sinasabi mo ay yung taong nagbigay sayo ng shopper’s card noong nakaraan?”

“Ah, siguro masasabi na may kaugnayan iyon dito…”

Meron itong katunayan dahil ang kanyang kapatid na si Jessica ay ang nagbigay sa kanya ng mga card at siya din ang nagpakilala sa kanya kay Zack.

Agad na tumango si Harper.

Sa mga sandaling iyon, iniisip ng mga kalalakihan kung ano ang gagawin nila sa manor.

Malaking malaki ang buong manor at sinasakop nito ang kalahati ng bundok. Kahit na napakaganda ng tanawin sa labas ng manor, walang nakaka-aliw na gawin sa labas.

Ang hot spring at ang kainan ang sentro at kilalang pinupuntahan sa manor.

Dahil medyo pamilyar na si Gerald sa lugar, sinabi niya, “Tara na, pumasok na tayo sa manor at kumain muna tayo bago tayo magpunta sa hot spring.”

“Uhm, Gerald, nakita ko sa internet na may bayad sa pagpasok ng manor at sa paggamit ng hot spring ‘diba?” Tanong ni Benjamin sa mga sandaling iyon.

Sa katunayan, masayang-masaya na siya na makapaglibot sa labas ng manor.

Bonus na kung magagawa nilang makapasok ng manor!

“Wag mo ng intindihin ‘yon!”

Ngumiti si Gerald. Kahit na ang kanyang kapatid ang nagbukas ng manor, si Gerald ay isa para sa mga nagmamay-ari ng manor.

Agad na kumalma ang lahat.

Maliban dito, kinailangan nila dumaan sa isang kakaibang tulay bago sila makarating sa inner periphery mula sa outer periphery.

Nakita nina Gerald sina Alice at mga kaibigan niya habang naglalakad sila sa loob ng manor.

Lahat sila ay kumukuha ng litrato nila sa loob ng manor sa mga sandaling iyon.

“Tingnan niyo! Si Gerald at mga roommate niya! Paano sila nakapasok?” Laking gulat ni Jacelyn nang makitang papasok sina Gerald at mga kasama niya.

Sa mga oras na iyon, abala si Alice na makipag-usap kay Quinton. Nang marinig ang sinabi ni Jacelyn, sumimangot si Alice bago siya tumalikod upang tignan ang direksyon na pinagmulan nina Gerald at kanyang mga kaibigan.

Walang alinlangan, sila nga talaga.

“Paano nilang nagawang makapasok dito?” Gulat na tinanong ni Alice.

Related chapters

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 20

    “Damn it! Huwag sabihin sa akin na palihim silang pumasok?"Si Harold ang nagsabi niyan.Nakatitig siya kay Gerald at sa natitirang mga lalaki na may kasuklam-suklam na ekspresyon sa mukha.Sa katunayan, ito ang parehong tanong na tumatakbo sa isip ng ilang mga batang babae ngayon.Pag-isipan lamang ito-anong uri ng lugar ang Wayfair Mountain Entertainment? Posible ba para sa kahit sino na pumasok sa lugar na ito kahit kailan nila gusto? Kahit na ang isang mayaman at makapangyarihang tulad ni Quinton ay kailangang tawagan ang kanyang ama nang maraming beses bago tuluyang mailabas ng kanyang ama ang isang tao upang ayusin ang mga bagay at tanungin ang mga security guard na papayagan sila.Gayunpaman, kahit na makapasok sila, maaari lamang silang manatili sa ang panlabas na paligid ng Wayfair Mountain Entertainment."Oh aking diyos. Gaano kahihiyang ito kung talagang nakapasok sila dito? ”“Oo, nakakahiya talaga yan! Kung malaman ng mga security guard ang tungkol sa kanila at ma

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 21

    Sa ilalim ng mga ulap, nakaupo sila Gerald, Harper, Naomi at ang iba nilang kaibigan sa micro dining pavilion.Hinahangaan nila ang magandang tanawin sa loob ng manor. Sinabi ulit ni Gerald kay Naomi ang mga sinabi niya kanina sa mga kaibigan nila, noong tinanong siya kung paano niya na-afford na makapasok sa lugar na ito. Gayunpaman, hindi inakala ni Gerald na gagawin ni Zack ang lahat ng ito. Naisip niya na masyadong mahal para kumain sila ngayon sa micro dining pavilion.Naisip pa rin niya na natural lang para kay Zack na gawin ito para sa kanya, dahil si Gerald at ang ate niya nga naman ang may-ari ng manor. May naramdaman tuloy si Gerald na kakaibang sabik sa kanyang puso. Sa oras na ito, nasa micro dining pavilion na rin si Alice at ang iba niyang kaibigan. Makikita ang pandidiri sa mukha ni Alice sa pagkakataon na iyon. Sabagay, hindi nawawala sa kanyang isip na si Gerald ay isang mahirap lamang at mababa ang tingin niya sa lalaking ito. Gayunpaman, naramdaman niya n

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 22

    Huli na ang lahat. Nasira na ang oil painting. One hundred and fifty thousand dollars!Napalunok na lang ang lahat dahil hindi sila makapaniwala sa pangyayaring ito.Si Quinton at Harold lang ang natatawa sa oras na ito. Hindi nila naiwasang mapaisip kung paano mababayaran ni Gerald ang oil painting na nagkakahalagang one hundred and fifty thousand dollars. Kahit na may utang na loob sa kanya ang manager ng Wayfair Mountain Entertainment, hindi niya kailanman maipaliwanag ang kanyang sarili sa nangyari sa oil painting!Hehehe!"Gerald, gusto mo nang umalis? Halos tapos na rin tayong kumain," maingat na sinabi ni Naomi kay Gerald.Kung mananatili pa sila dito, hindi kailanman mababayaran ni Gerald ang oil painting!"Hala! Mukhang may mangyayaring masama. Parang may lalapit na sa atin!"Tinuro ni Jacelyn ang hagdan at tiningnan niya si Gerald. Sa oras na ito, palapit na sa kanila si Zack at may kasama siyang mga waitress, may dala silang bote ng mamahaling wine.Lumapit siya

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 23

    Pagbalik nila sa dormitoryo, nasurpresa si Alice at ang ibang mga babae.Kung talagang mahirap si Gerald at kung nanalo siya ng daan-daang libong dolyar mula sa lottery, hindi sana sila magiging mahihirapan ngayon.Gayunpaman, talagang nakabili pa siya ng mamahalin na limited edition luxury bag at nagawa pa niyang ilibre silang kumain sa pinakamahal na lugar sa manor.At saka, kung pag uusapan ang oil painting, kinaya talaga ni Gerald na-persuade niya si Zack na hayaan na lang ang pangyayaring iyon.Paano nangyari 'yon?"Alice, anong masasabi mo sa nangyari ngayong araw?"Nakaupo si Alice sa kanyang kama habang nakikinig siya kay Jacelyn, na nagtatanggal ng kanyang makeup.Pagkatapos nito, sumimangot siya bago niya sinabi, "Hindi ko alam. Siguro masyado lang akong nag-iisip. Hindi ba tinawagan na ni Hayley si Harper para tanungin at kumpirmahin ang sitwasyon sa kanya? Kung tutuusin, ang dahilan kung bakit tinatrato ng mabuti ni Zack si Gerald ay dahil nailigtas ni Gerald ang buh

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 24

    Gusto ni Gerald na i-withdraw ang kanyang pera sa lalong madaling panahon para makaalis agad siya sa bangko. Kaya nagpasya siyang kunin agad ang thirty thousand dollars.Mabilis niyang binigyan ng instructions ang babaeng banker sa likod ng counter.Ang babaeng banker ay nagdududa. Gayunpaman, ginamit niya ang computer para i-proseso ang withdrawal at direktang ipinakita ng kanyang computer na matagumpay withdrawal!Nanlaki agad ang mga mata ng babaeng banker dahil nabigla siya sa kanyang nakita. Thirty thousand dollars!Oh my god. Ang estudyante na ito ay mayaman talaga! "Sir, lumabas na ang iyong withdrawal!"Pagkatapos ay inayos ng babaeng banker ang kanyang buhok bago siya tumayo at ipinahayag ang kanyang paggalang kay Gerald. Kinuha niya ang bundle ng cash bago niya nilagay sa counter ng pera.Buzz buzz…Agad na maririnig ang tunog mula sa machine.Pera ang lahat ng lumabas mula dito!Ang mga estudyante na nakapila sa bangko para mag-withdraw ay biglang nanigas sa k

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 25

    "Ano?"Nagulat ang mga classmates niya.Si Danny, na nangangasar kay Gerald at nakatayo sa harap ng classroom, ay may hindi makapaniwalang ekspresyon sa kanyang mukha. Bakit ang yaman ni Gerald?Gulat na gulat din si Cassandra at naramdaman niya na parang hinihingal siya sa oras na ito.Kahit si Xavia ang nagulat rin sa oras na ito.Ang mga pera na ito… humigit kumulang thirty thousand dollars ang nandito!"Gerald, saan mo nakuha ang napakaraming pera na ito?" Hindi napigilan ni Cassandra na magtanong kay Gerald.“Oo nga, Gerald. Sa tingin ko parang hindi bababa sa twenty o thirty thousand dollars ang lahat ng 'yan, di ba? ”Hindi napigilang magtanong ng mga babaeng estudyante. "Well, oo, thirty thousand dollars ang lahat ng ito. Kung saan ito nanggaling? Galing ito sa... Loto! Nanalo ako sa lotto! ”Sumagot agad si Gerald. Hindi niya masabi sa sinuman na nakuha niya ang pera na ito dahil naglagay ng minimum withdrawal limit na thirty thousand dollars ang ate niya sa kan

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 26

    "Iniisip ko kung gusto ba tayong ilibre ni Gerald ng dinner, Gerald? After all, halos tatlong taon na rin naman tayong magkaklase," ang ilan sa mga batang babae sumabad sa usapan.Napaisip si Gerald. Dahil nasabi na niya na nanalo na siya sa lotto, maiinis ang mga tao kung hindi niya inalok na ilibre ang mga ito.Sa katunayan, binalak na ni Gerald na ilibre ng dinner sila Naomi at ang mga roomates niya. Pero ngayon…Simpleng sumagot si Gerald, “Sige na nga. Ilibre ko na kayo ng dinner ngayong gabi. Kung sinong may gusto pwedeng sumama. ”Sa katunayan, ang kahulugan sa likod ng mga salita ni Gerald ay ang mga taong na malapit lang sa kanya ay pwedeng sumama para ilibre niya ng dinner.“Yay!”Ang lahat ng kanyang mga kaklase ay nagsimulang magsaya at marami rin silang natutunan sa lessons nila ng araw na iyon. Bukod dito, maraming tao ang nagtitipon sa paligid ni Gerald dahil gusto nilang malaman kung magkano ang pera na napanalunan ni Gerald mula sa lotto. Gayunpaman, tumanggi s

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 27

    “Gerald, gusto mong mag-book ng isang room para mag-dinner dito? Kaya mo ba? Oh my god. Alam mo ba kung magkano ang gastos mo dito pag dito ka mag-dinner? ” Tumingin si Whitney kay Gerald na may nakakatakot na ekspresyon sa kanyang mukha na parang nakatitig sa isang tanga.Akala niya baliw ang lalaking 'to. Bakit niya naisip na makakaya niyang kumain sa Homeland Kitchen? "Beauty, kilala mo ba ang lalaking ito?" tanong ng manager habang nakatingin kay Whitney na may ngiti sa kanyang labi.Sa totoo lang, kung titingnan ang pananamit ni Gerald, hindi naisip ng manager na makakaya ni Gerald na kumain dito. Ang mga presyo na pagkain dito ay umaabot ng one hundred fifty dollars hanggang two thousand dollars kada tao.Two thousand five hundred dollars ang presyo para sa mag-book ng isang private room sa restaurant, hindi pa kasama ang gastos para sa pagkonsumo ng pagkain at inumin. Ito ay dahil sa nasa Mayberry Commercial Street ang restaurant, ang Homeland Kitchen ay kilala sa las

Latest chapter

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2513

    Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2512

    ‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2511

    Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2510

    “…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2509

    Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2508

    "Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2507

    Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2506

    Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si

  • Isa pala akong rich kid?!   Kabanata 2505

    Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status