“…Sino ang mga taong ito, Mr. Crawford?” bulong ni Ray habang umiiling si Gerald at makikita ang malalim na simangot sa kanyang mukha. Sa totoo lang, wala rin siyang ideya kung sino sila. Kasunod nito, isang lalaking may buzz cut ang lumapit habang tinititigan nito si Gerald at ang kanyang grupo bago siya nagtanong, "Sino kayo?" "Sir, kami ay mga merchants at nandito lamang kami bilang mga turista!" sagot ni Gerald. “…Mga merchants? Dito sa gitna ng kawalan? Sinong sinusubukan mong lokohin?" ganti ng lalaki habang nakatitig kay Gerald. "Bahala ka kung maniniwala ka sa akin. Anong ginagawa mo at ng iyong mga tauhan sa lugar na ito?” sagot ni Gerald. "Nandito kami para hanapin ang teritoryo ng mga bampira!" sabi ng lalaking may buzz cut dahil wala siyang nakitang dahilan para magsinungaling. “…Oh? Nandito ka rin para hanapin ang kanilang teritoryo?" gulat na tinanong ni Gerald. Hindi niya inasahan na pareho ang kanilang layunin sa pagpunta dito. “Hmm? Pareho pala tayo ng la
Dahil doon, kinuha ni Lech at ng kanyang mga kasamahan sa koponan ang kanilang mga pala kasama ang ilang kagamitan bago nila sinimulang maghukay. “Maging mapagmatyag kayo habang naghuhukay tayo! Makakapagpahinga tayo kapag nakarating na tayo sa kabilang side!" sabi ni Lech. Walang problema dito si Gerald dahil alam niyang hindi madaling maghukay ng daanan at matatagalan pa bago matapos si Lech at ang kanyang mga tauhan. Tumango siya at bumalik sa sarili niyang grupo para magsimulang magbantay. Nang makitang bumalik na si Gerald, nag-aalalang nagtanong si Ray sa kanya, “…Nagtitiwala ka ba sa mga taong ito, Mr. Crawford…?” Sumagot si Gerald dahil alam niya kung ano ang inaalala ni Ray, “Huwag kang mag-alala, nararamdaman ko na siya ay isang mabuting tao!” Nang marinig iyon, mabilis na nawala ang pag-aalala ni Ray. Naniniwala siya sa judgement ni Gerald sa lahat ng bagay. “Ano, Old Flint? Anong tingin mo kay Lech at sa mga tauhan niya?” tanong ni Gerald habang nakatingin sa
Nang marinig iyon, nagulat si Gerald at ang iba pa. Pagkatapos ng kanilang pagsisikap, sa wakas ay nakapasok na sila sa vampire territory! “...Base sa itsura ng kaninang mga bangkay, ang ibig sabihin lamang nito ay buhay pa ang mga bampira! Ang mga ito ay mga mapanganib na mga kalaban kaya dapat lang mag-ingat ang lahat!" dagdag ni Old Flint. Ang mga bampira ay isang independent race na halos hindi kailanman nakipag-ugnayan sa mga tao mula sa outside world. Ito ang dahilan kung bakit galit sila sa mga tao. Ito rin ang dahilan kung bakit madalas nilang inaatake ang sinuman na hindi bampira. Ang mga bampira rin ay likas na mabilis at madali nilang patayin ang mga taong gusto nila. “Huwag kang mag-alala, sir! Hindi nila tayo kayang kalabanin dahil mahusay tayo sa pakikipaglaban! Dahil dito, naniniwala ako na hindi mangangahas ang mga bampira na kalabanin tayo!" confident na sinabi ni Lech. Hindi sumagot si Old Flint nang marinig niya iyon... Pagkatapos ng halos sampung minuton
Hindi nagtagal bago muling tumahimik ang buong lugar... Dahil wala nang arrow na bumabaril, naisip ng lahat na ang machine na nagpapagana nito ay natapos na... Nakahinga ng maluwag si Lech bago niya takot na takot na sinabi, "Mukhang maraming death traps dito, Mr. Crawford...!" Hindi ito inasahan ng kahit sinuman… pero hindi pa rin mawawala ang katotohanan na ang tauhan ni Lech ang nagpasimula nito. Ang salarin ay tinamaan ng dose-dosenang mga arrows at kasalukuyang nakahandusay sa kanyang mga dugo na dahan-dahang umaagos... Ito ang napakasamang paraan para mamatay... Gayunpaman, nangyari ito dahil random na hinawakan ng mga tao ang mga bagay dito. Dahil doon, tiningnan ng masama ni Lech ang kanyang mga tauhan bago niya sinabi, “Makinig kayo! Kayong lahat ay hindi pinapayagang gumalaw hangga't hindi ko sinasabi!" Nang marinig iyon, lahat ng mga tauhan ni Lech ay tumango lang at nanatiling nakatayo sa kanilang kinaroroonan... Kahit sinuman sa kanila ay hindi naglakas-loob na h
“Wow! May underground palace! Mas malaki ito kumpara sa kaninang palasyo!" sigaw ni Ray. “Mag-ingat po kayong lahat! At huwag kang gagawa ng kalokohan!" babala ni Gerald, umaasa siya na matututo na ang lahat mula sa kaninang pagkakamali. “Masusunod! Ano ang mga bagay na iyon, Mr. Crawford...? Mukhang luxurious ang mga iyon!" tanong ni Ray habang naglalakad patungo sa isa sa mga platform para mas makita ito ng mabuti. “Iyan ay mga Treasure Glaze Platform. Ginagamit ang mga ito para sindihan ang mga kandila na ginagamit para sa mga sacrifice rituals. Ang apoy mula dito ay kayang tumagal magpakailanman!" paliwanag ni Old Flint nang makita niyang hindi sumagot si Gerald. Nagulat si Ray nang marinig niya iyon. May mahiwagang bagay pala na makikita sa mundong ito... Naputol ang kanyang pagkamangha nang biglang marinig ng lahat ang isa sa mga tauhan ni Lech na sumisigaw na parang hirap na hirap siya! Nang lumingon sila, nakita nila na nasusunog na ang buong katawan niya! Ang kanya
“…Salamat sa Diyos na dinala mo ang babaeng ito, si Gerald…! Kung hindi, malamang patay na tayong lahat…!” takot na takot pa rin na si Lech habang nagpapasalamat siya kina Juno at Gerald. Kung hindi lang dinala ni Juno ang insecticide na iyon, paniguradong namatay sila ngayon... Kasunod nito, binasag ni Gerald ang lata bago pinahiran ng liquid nito sa loob ng kanyang damit. “Ipahid mo sa katawan mo ang liquid na ito! Sana kahit papaano ay lalayo ang mga gagamba kapag naamoy nila ito!" bilin ni Gerald. Nang marinig iyon, ginawa ng lahat ang kanyang utos at siniguro nila na maipapahid nila ang napakaraming insecticide hangga't maaari sa kanilang mga damit at sapatos. Umaasa sila na iiwasan na sila ng mga gagamba... Ngayong tapos na ang krisis, biglang may binahagi si Old Flint, “...Sa tingin ko ang mga bampira ang nagpalaki ng mga gagambang iyon. Kung tama ang aking obserbasyon, anumang dugo na sinipsip ng mga gagamba ay makukuha ng mga bampira para maging pagkain nila…” “Nap
Gayunpaman, hindi nagtagal bago napansin ni Gerald at ng iba na may isang problema; ang malaking pinto ng bahay ay naka-lock. Mabilis na nag-utos si Lech nang makita niya iyon, "Buksan niyo ang pinto mga kalalakihan!" Nang marinig iyon, mabilis na kinuha ng isang espesyalista mula sa team ni Lech ang ilang tool mula sa kanyang fanny pack at sinimulan niya ang kanyang trabaho... Hindi nagtagal, isang kalampag ang maririnig at pinapahiwatig lamang nito na nagtagumpay siya! Dahil doon, tinulak ni Lech ang pinto at pinasunod niya sa kanyang likuran ang iba. Nang makapasok sila, mabilis nilang napagtanto na ang loob ay walang laman bukod sa isang malaking disc sa gitna ng bahay na napapalibutan ng apat na pillars... “Ano kaya iyon…” curious na sinabi ni Gerald. Sumagot naman si Old Flint, “…Dito siguro nililinang ng mga bampira ang kanilang sarili. Base sa itsura ng disc, malakas ang kutob ko na ang pinuno lamang ng mga bampira ang pinapayagang umupo doon!" Habang tumatango si
Kinailangan ni Gerald na ulitin ang sinabi ni Old Flint para lang bigyang-diin kung gaano kadelikado kahit pa hawakan lang ang kayamanan sa lugar na ito. Walang limitasyon ang kasakiman sa puso ng mga tao, kaya ang pagpigil sa sarili ang susi para makapag-survive sila sa kanilang kasalukuyang sitwasyon... Pagkatapos ng halos kalahating oras ng paglilipat ng lahat ng uri ng kayamanan palabas ng lugar na iyon, si Lech at ang kanyang mga tauhan ay nakaipon ng sapat na kayamanan para mapuno ang hindi bababa sa dalawang malalaking sasakyan... Nang makita kung gaano karaming kayamanan ang naroroon, hindi na nakapagtataka ang dahilan kung bakit si Lech at ang kanyang mga tauhan ay naakit sa lugar na ito... Sa huling pagkakataon na pumasok si Lech na lugar na iyon, nakangiti siyang lumapit kay Gerald bago niya sinabing, “Ito ang mga yaman na nakuha natin sa secret room na iyon, Gerald! Dahil malaki ang naiambag ng dalawang grupo natin para makarating dito, handa akong ibahagi sayo ang ilan
Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat
‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k
Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”
“…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma
Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord
"Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu
Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral
Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si
Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,