Hindi nagtagal bago pumasok sa manor ng pamilyang Zahn ang isang matandang nakasuot ng mahabang damit. May gold badge na naka-pin malapit sa kanyang dibdib at ang taong ito ay walang iba kundi si Master Chace Hunt mismo, isang Second-rank Talisman Master sa Talisman Union... "Oh, andito ka pala, Chace!" sabi ni Yoshua habang mabilis siyang naglakad para batiin ang matanda nang makita niya ito. "Bakit gusto mo akong makita, Yoshua?" tanong ni Chace nang diretso.. Base sa kaswal na pag-uusap ng dalawa, masasabi na ang dalawang ito ay malapit at matagal nang magkaibigan. "Gusto kong ipakilala sayo ang isang taong may interes sa pag-aaral kung paano gumawa ng mga secret techinque talismans. Naisip ko na mas maganda kung pag-uusapan ito ng personal, kaya inimbitahan kita dito!" nakangiting sinabi ni Yoshua. Medyo nagulat si Chace nang marinig niya iyon, "Huwag mong sabihin sa akin na sinusubukan mong gawing disciple ko ang iyong pinakamamahal na anak!" Tumawa si Yoshua at sina
Pagkalipas ng ilang segundo, ibinaba ni Chace ang kanyang brush bago niya itinapon ang talisman sa langit... Sa oras na iyon, ang talisman ay naging isang golden phoenix na lumipad palayo. "Ang talisman na ito ay tinatawag na Soaring Golden Phoenix!" paliwanag ni Chace habang sumesenyas na magsimula na si Gerald. Nakita ni Gerald ang kanyang senyas at ipinikit niya ang kanyang mga mata bago niya maingat na inalala ang bawat movement ni Chace. Nakita ni Chace na hindi nagsusulat ng kahit ano si Gerald kaya sinabi niya, "Alam mo, sumuko ka na lang hangga't kaya mo!" ‘Sumuko...?’ naisip ni Gerald nang makaramdam siya ng sama ng loob. Kailan pa siya umamin ng pagkatalo? Wala sa kanyang diksyonaryo ang pagsuko! Makalipas ang ilang segundo, biglang idinilat ni Gerald ang kanyang mga mata bago niya kinuha ang brush at nagsimulang gumuhit ng talisman na katulad ng kay Chace. Parang tubig ang kanyang galaw na parang tinutulak ni Gerald ang tubig sa ilog habang gumuhit siya. Napaka-f
Nang makarating sila sa Talisman Union, dinala ni Chace si Gerald sa main hall.Sumalubong sa kanila ang isang lalaking nakasuot ng damit na tulad ni Chace, at meron siyang kasamang binata."Master Hunt, mukhang nakakuha ka na ng disciple!"Sinalubong ng lalaki si Chace na may abot tengang ngiti."Master Griffin, saan ka pupunta?"Ang kanyang pangalan ay Llyod Griffin. Tulad ni Chace, isa rin siyang Two-rank Talisman Master sa Talisman Union. Masasabi na sila ay magkapatid.Gayunpaman, si Lloyd ay nakakuha na ng mga disciples kumpara kay Chace."Haha, Master Griffin, saan ka pupunta?"Ngumiti si Chace at sumagot siya kay Lloyd.“Master Griffin, ang disciple ay nakagawa ng isang middle-quality talisman. Dadalhin ko siya para makilala ang Great Master paea hilingin sa kanya na ipagkaloob sa kanya ang titulo ng One Rank Talisman Scribe!"Medyo proud na sinabi ni Llyod kay Chase.Ang hierarchical na structure ng Talisman Union ay nahahati sa apat na structures na, mula sa ibaba
Napanganga si Gerald nang makita niya ang makintab na badge.Sa wakas, naging miyembro na siya ng Talisman Union at siya rin ang disciple ni Master Chace Hunt. Ngayon, matututo na siya kung paano gumawa ng mga secret technique talisman.“Gerald, mananatili ka dito sa akin sa loob ng ilang araw. Ituturo ko sayo ang ilang basic knowledge tungkol sa mga secret technique talismans at ang mga paraan kung paano gumuhit ng mga strokes. Napakatalino mo pero may mga bagay na kailangan mo pa ring matutunan ang mga skills. Inborn advantage ang talent ngunit kailangan mo pa ring matuto ng maraming bagay. Wag kang masyadong magmalaki, naiintindihan mo?"Tumingin si Master Hunt kay Gerald habang taimtim niya itong pinayuhan."Opo, Master Hunt. Naiintindihan ko. Gagawin ko ang sinabi mo at magsisikap sa pag-aaral kung paano gawin ang secret technique talismans. Hindi kita ipapahiya!”Desidido na tumingin si Gerald kay Chace at tumango.Napakataas ng expectations ni Master Hunt sa kanya, kaya ma
Sa kanyang ikatlong pagsubok, binago ni Gerald ang paraan ng kanyang mga stroke.Hindi pangkaraniwan ang pattern ng gintong dragon na ito. Ang pagsisimula ng mga stroke sa iba't ibang mga lugar ay magdadala ng iba't ibang mga resulta. Kapag natagpuan niya ang tamang lugar upang simulan ang mga stroke, makakagawa siya ng perfect quality talisman.Makalipas ang ilang minuto, natapos na ni Gerald ang pagguhit sa ikatlong pagkakataon.Sa pagkakataong ito, marami na siyang improvement sa kanyang skill.Kahit pa hindi siya nakagawa ng perfect quality talisman, matagumpay siyang nakagawa ng rare quality talisman.Isang makintab na silver dragon na napapalibutan ng gintong liwanag ang lumabas mula sa talisman at umikot ito kay Gerald."Gerald, kamusta ang practice mo?"Maya-maya lang ay bumalik na si Chace mula sa trabaho at naglakad siya papunta sa garden habang tinanong niya si Gerald.Sa sumunod na segundo, idinilat ni Chace ang kanyang mga mata at ang kanyang mukha ay nagkaroon ng
Sumasakit ang ulo ni Chace sa tuwing magkikita sila ni Llyod dahil ang lalaking ito ay nakakainis at paminsan-minsan ay kinukutya niya ito. Parati niyang ipinagmamalaki ang kanyang sarili at talagang nakakainis ang kanyang ugali na iyon."Ang Talisman Great Master ay nasa seclusion mula noong ilang araw ang nakalipas. Kaya naman hindi pa nakukuha ng aking disciple ang kanyang title. Nabalitaan kong lalabas siya ngayon, kaya nagmadali akong pumunta sa kanya. Master Hunt, dinala mo ba ang iyong disciple para makakuha din ng titulo?"Paliwanag ni Lloyd kay Chace bago siya nagdududang nagtanong."Tama iyan! Napakatalented ng disciple ko. Napakabilis ng kanyang development kaya dinala ko siya dito para makuha ang kanyang titulo!”Confident na sinabi ni Chase.Medyo natigilan si Lloyd sa kanyang narinig. Alam niyang ngayon lang nakakuha si Chase ng disciple at ngayon ay kukuha na ito para kumuha ng titulo. Naisip niya na masyadong mabilis ito dahil ang kanyang disciple ay gumugol ng hal
Nang marinig ito, napatigil si Lloyd at ang kaniyang disciple na paalis na.Mabilis na tumalikod si Lloyd at hindi makapaniwalang tinitigan si Chace."Anong sinasabi mo? Ang disciple mo ay nakagawa ng high-grade talisman?!" Naghihinalang tinanong ni Lloyd. Hindi siya naniwala sa sinabi ni Chace.Sa pagkakaalam niya, ilang araw pa lang na nag-aaral ang disciple ni Chace. Paano magiging posible na makakagawa siya ng high-grade middle quality talisman? Sa katunayan, ang kanyang disciple ay nakagawa lamang ng isang middle-quality talisman pagkatapos ng halos dalawang buwang pag-aaral.Ganunpaman, hindi ito kayang gawin ng kanyang disciple kaya hindi ibig sabihin na hindi rin ito magagawa ni Gerald."Chace, gaano katagal mo nang tinuturuan ang iyong disciple?" tanong ni Chadrick."Limang araw, Great Master."Matapat na sinabi ni Chace."Imposible!""Great master, imposible ang sinasabi niya. Paniguradong nagsisinungaling si Chace sayo. Paano nakagawa ng high-grade talisman ang iyon
"Sige, simulan na natin!"Tumango si Chadrick at sumenyas na magsimula na si Gerald.Pagkasabi niya nito, mabilis na kinuha ni Gerald ang brush at nagsimulang magdrawing sa paper talisman.Iginuhit ni Gerald ang mga pattern mula sa kanyang memorya. Naisip niyang bigyan ng isang malakas na sampal ang mga mukha nina Lloyd at Nolan para maipagmalaki niya ang kanyang tutor.Samakatuwid, hindi isang high-grade talisman ang gagawin ni Gerald. Sa katunayan, nagplano siyang gumawa ng isang higher-quality na talisman at iyon ang rare-quality secret technique talisman, na walang iba kundi ang golden dragon talisman na matagumpay niyang ginawa kanina.Gayunpaman, meron siyang isang alalaahanin. Nagtagumpay lamang siya sa pagguhit ng gintong dragon talisman pagkatapos magpraktis ng ilang beses. Hindi siya sigurado kung magtatagumpay siya sa pagkakataong ito.Kaya alam ni Gerald na kailangan niyang makipagsapalaran para dito.Sa totoo lang, hindi naging problema kay Gerald ang paggawa ng hig
Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat
‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k
Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”
“…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma
Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord
"Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu
Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral
Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si
Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,