“…T-T*ng-ina… Siya ba… Tao ba siya o diyos…?” Nakanganga si Myles habang pinapanood ang lahat ng ito, ngunit wala siyang pakialam sa hitsura niya habang nanginginig ang boses niya nang sabihin niya iyon. Kahit ang tatlong master ay natulala sa sandaling ito. Totong makapangyarihan si Bradley, siya ay mabilis at mas mahusay kumpara sa mga regular na tao, ngunit ang kanyang kakayahan ay predictable pa rin. Ngunit si Gerald ay naiiba sa kanya. Kung tutuusin, nahati ang lupa at kahit isang malaking bato ay nahati sa pamamagitan lamang ng pagwagayway ng kanyang kamay sa hangin! Walang nag-akala na mangyayari iyon! Sumunod dito ang isang mahabang katahimikan, isa sa tatlong master ay nakatingin sa mga bakas na naiwan sa lupa at bigla siyang bumulong, “…Hindi iyon celestial technique... Iyon ay isang kakaibang martial art… Ito... Ito ay ang airbending skill...! Nasakop na ng batang iyon ang Nebula Realm at nasa kanya ang Power of the Hundred Divine Fists, kaya madali niyang mapapatay
Pagkatapos niyang magsalita, lumapit si Gerald kay Bradley bago niya tinapik ang katawan niya ng ilang beses. “...Okay, pinutol ko na lahat ng vital energy niya. Kahit pa meron siyang natitirang inner-strength, hindi niya ito magagamit ng pansamantala. Iiwan ko na siya sayo,” sabi ni Gerald. “S-Salamat, Master Crawford! Humahanga ako sa pambihirang lakas, kadakilaan, at techniques mo!" pambobola ni Rupert nang bigla siyang tumabi kay Gerald. Matatawa ang kahit sinong nanonood na makita ang lalaking nasa fifties na lumuhod sa mas batang lalaki. Paniguradong hindi nakatulong ang matinding pagbabago sa ugali niya bago at pagkatapos niyang malaman ang lakas ni Gerald! Nang marinig iyon, napailing na lamang si Gerald na may pilit na ngiti sa kanyang labi. Ang hindi alam ni Gerald ay pagkatapos makaranas ng roller coaster of emotions, matagal nang sumuko si Rupert sa pagpapanatili ng kanyang dignidad. Ang gusto lang niyang gawin ngayon ay magustuhan siya ni Gerald, at ano pa ba ang
"Mr. Crawford, ito ang oxyblood pellet at ang mga herb na hinahanap mo!"Dumating ang isang katulong at magalang na binigay ang mga kailangan ni Gerald.Tinignan mabuti ni Gerald ang lahat ng mga ito.Sinabi ni Gerald na nilason niya ito pero hindi lang para takutin siya.Nilason nga ni Gerald si Rupert ng sikretong lason.Si Rupert ay isang sakim na tao at takot siyang mamatay, bukod sa kalahati ng Cherish Herbs sa King Valley, medyo kapaki-pakinabang pa rin siya kay Gerald sa ibang kadahilanan.Hindi natatakot si Gerald na babawiin ni Rupert ang mga sinabi niya sa hinaharap basta't banta siya ng lihim na lason.Pagkatapos niyang umalis sa King Valley, hindi agad bumalik si Gerald sa tahanan ng lalaking nagligtas sa kanya.Sa halip, sinunod niya ang kasunduan nila ni Leo at pumunta siya sa kwebang pinagtataguan nito.Biglang natulala si Gerald nang makita ang eksenang nasa harapan niya pagdating sa kweba.Gumamit si Leo ng isang tumpok ng mga damo para harangin ang pasukan n
Pagkatapos nito ay nakinig siyang mabuti nang ipinaliwanag sa kanya ni Leo ang buong kwento.Noong bata pa si Leo, medyo naaalala niya na siya ay nasa isang malaking lumilipad na battleship. Hindi niya matandaan kung ilang taon na siya noong mga panahong iyon, pero naisip ni Gerald na mga tatlo hanggang apat na taong gulang siya noon.Bukod dito, maraming tao ang nakasakay sa lumilipad battleship at maraming bata ang maglalaro kasama niya.Lahat sila ay dinala sa isang lugar kung saan may nag-aalaga sa kanila at doon lumaki si Leo.Si Leo ay nakatanggap ng iba't ibang training habang lumalaki siya at siya ay lumahok sa iba't ibang mga laban mula pa noong kanyang pagkabata.Ang alam lang niya ay makipaglaban.Bukod pa dito, palaging may napakahiwagang alamat sa lugar na iyon at iyon ay ang tungkol sa deity.Ang lugar na kinaroroonan nila ay mayroong dalawang malalaking stone statues. Isa itong statue ng isang deity at isang babaeng nakaputi.Lumaki sila na alam nila ang tungkol
"Saang lugar ka napunta, Leo? Parang nanggaling ka sa parehong lugar kung saan nagmula ang deity at ang babaeng nakaputi. Malamang isa ka sa mga taong nakuha ng Sun League!" Sabi ni Gerald.Habang nag-uusap sila, ang lahat ng mga description ni Leo ay tila tumutugma sa maraming mga clues na nakuha ni Gerald mula sa mga mural kasama ang mga ebidensya na nakuha ni Gerald mula sa palasyo ng hari ng karagatan, pati na rin ang palasyo sa ilalim ng lupa sa disyerto.Halos sigurado si Gerald na maraming nakuha ang Sun League na mga tao at isa lang si Leo sa kanila.Bukod dito, ang Sun League ay may hindi mapaghihiwalay na koneksyon sa babaeng nakaputi at sa deity.Sa ganitong paraan, sigurado na ngayon si Gerald na nasa tamang landas siya. Si Queena ay nanggaling din sa parehong lugar. Kung kaya niyang mabuhay sa anyo ng isang kaluluwa, malaki ang tsansa na ganito rin ang gagawin ng babaeng nakaputi.Ang mga karanasan sa buhay ni Chester bilang isang bata ay patunay na ang babaeng nakapu
“Ayan pala ang totoo! Sa simula pa lang, noong nasa underground na palace siya sa disyerto, isang misteryosong tao ang nagpaalala sa kanya na hanapin ang kabaong ng babaeng nakaputi para magkasama niya silang mailibing. Ang ibig sabihin pala nito ay hindi ilipat ang kanyang bangkay, kung hindi ilipat ang kanyang consciousness sa ibang form!" sabi ni Leo.Naintindihan na rin ito sa wakas ni Gerald."Leo, alam mo ba kung paano makahanap ng angkop na katawan para sa kanya? Alam mo ba kung paano siya palabasin?" nagmamadaling tinanong ni Gerald.“Ayon sa legend, sinasabi na pareho siya ng deity, nililinang at sinasanay niya ang Thunder Eruption technique. Meron palang thunder essential qi sa kanyang katawan at ang kanyang kaluluwa ay nag-transition din. Kailangan mong humanap ng taong eksperto sa Thunder Eruption para magamit ang Thunder Godly Pupil upang makahanap ng angkop na adaptable body para sa kanya. Pagkatapos makahanap ng angkop na adaptable na katawan, dapat ding ilabas ng tao
Talagang hindi inaasahan ni Gerald na magagalit talaga si Leo dahil gusto niyang ipaghiganti si Gerald.Naantig si Gerald nang makita niya ang aksyon nito.“Bago natin gawin iyon, gagamitin ko ang mga halamang gamot para iligtas ang isang tao! Kaya umalis muna tayo!" Sabi ni Gerald habang nakangiti.“Okay, Mr. Crawford!” Sabi ni Leo habang nagkakamot ng ulo.Pagkaalis nila sa kweba, pareho silang dumiretso sa shantytown.Hindi na pwedeng maaantala ang problema sa braso ni Sierra. Kung hindi, paniguradong may masamang mangyayari pa sa susunod.Bukod pa dito, kailangang mag-focus si Gerald sa paghahanap ng angkop na adaptable body para sa babaeng nakaputi pagkatapos niyang gawin ito. Napakaraming tao sa mundong ito. Kaya saan mahahanap ni Gerald ang perfect at tamang adaptable body para sa babaeng nakaputi?!Hindi alam ni Gerald kung nagkataon lang o hindi, pero habang naglalakad silang dalawa palabas ng bundok, biglang naramdaman ni Gerald na lumakas ang kanyang spiritual sense.
“Sino 'to?!”Nag-react ang iba pang apat na lalaki sa sandaling ito.Masyadong mabilis na nakarating dito ang lalaking ito at ang grupo ng mga tao na ito ay hindi man lang makita kung ano ang nangyayari.Kaya naman, sunod-sunod nilang inilabas ang kanilang mga dagger."Sinabi ni Mr. Crawford na karapat-dapat kayong mamatay!"Tama iyan. Ang taong ito ay walang iba kundi si Leo.Sinundan nila Gerald at Leo ang aura at sinundan nila ito hanggang dito para lamang masaksihan ang eksenang namumuo sa kanilang harapan.Doon nagpasya si Leo na kumilos.“Sino si Mr. Crawford?! Kami ay mula sa pamilyang Sime! Gusto mo na bang mamatay?! Bitawan mo 'yan!" Sabay-sabay na sinabi ng mga lalaki."Sinabi ni Mr. Crawford na ang mga tao mula sa pamilyang Sime ay karapatdapat lang mamatay!"Pagkatapos niyang magsalita, nagpakawala ng kaunting puwersa si Leo. Pagkatapos nito, ang taong nasa kanyang kamay niya na kasing taas ng dalawampung metro sa langit.Pakiramdam ko ay naghahagis lang ng manok
Galit na pinapanood ni Daryl ang kanyang itim na air blade na tuluyang mawala, bago siya sumigaw ng malakas, "Na-Napakalakas...!" Hindi nakagalaw si Daryl dahil sa sobrang galit, kaya sinamantala ni Gerald ang pagkakataong sumigaw, "Atake...!" Kasunod ito ay isang naglalagablab na liwanag ang nagliwanag sa buong kalangitan...! Sumabog ang energy sa lahat ng direksyon at ang devilish formation ni Daryl ay naging alikabok sa loob ng ilang segundo! "Hindi pwede…!" Sigaw ng hirap na hirap na si Daryl nang masira ang ang lupa sa ilalim niya at ang mga ulap ng alikabok sa buong lugar! Siya ay isang kaguluhan na nagkatawang-tao... ngunit ilang sandali pa, ang paligid ay tumahimik. Si Gerald ay sumuka ng maraming dugo, at nanlamig ang kanyang katawan hanggang sa mawalan na siya ng malay... Mabilis na lumipas ang tatlong taon.Ang Mayberry Commercial Street ay naging masigla gaya ng dati... "Darling, araw ng kasal ng kapatid mo... Hindi ba dapat mas maaga tayong pumunta doon? Dapat
‘Si Daryl ay sinapian ng Supreme Devilish Lord sa loob ng maraming taon, at ang lord na ito ay ginagamit ang katawan ng lolo mo para subukan ang kanyang resurrection! Ang cycle na ito ay paulit-ulit sa loob ng maraming taon, at ang Supreme Devilish Lord ay nakakuha na ng maraming tao na Yin physiques ngunit buti na lang ay nabigo siya! Sa sobrang dami ng mga nakuha niyang tao, naalerto ang Soluna Deus Sect, o Sun League kung tawagin mo ang mga ito, at sinusubukan nila ang lahat para mapalabas ang Supreme Devilish Lord!' 'Para mapigilan ang pagsisikap ng Supreme Devilish Lord, kinikidnap pa nila ang mga taong may Yin physique! Nakikita mo na ba ang buong larawan ngayon, bata?’ paliwanag ni Finnley. ‘…’Yan pala ang katotohanan... Pero kamusta naman si Mila?’ tanong ni Gerald. ‘Okay lang siya, pero depende pa ito kung mapapatay natin siya ngayon!’ sagot ng isa sa mga babaeng nakasuot ng puti. Gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ito... Lumalabas na ang Sun League ay hindi mga k
Parang sasabog ang dibdib niya, at hindi nagtagal ay sumuka siya ng sugo. Napakatindi ng devilish power na ito...! Ngumisi ang Nirvadevil sect master, bago niya mapanuya na sinabi, "Alam kong tumaas ang level of cultivation mo dahil gusto mong matuto nang higit pa tungkol sa Sun League, pero kailangan mong malaman na ang mag devilish cultivators ay mas malakas! Naisip mo ba talaga na ang pagkakaroon ng angelic inheritance ay magbibigay sayo ng matinding kapangyarihan? Nakakatawa ka! Hindi ka ililigtas ng iyong Herculean Primordial Spirit sa pagkakataong ito!" Kumunot ang noo ni Gerald saka niya sinabi, “…Sino ka ba? Paano mo ako nakilala? Paano mo nalaman ang tungkol sa aking Herculean Primordial Spirit?" Tumawa ang sect master saka niya sinabi, “Oh, malapit mo nang malaman kung sino ako! Pero bago iyon, hayaan mo akong agawin ang iyong Herculean Primordial Spirit! Kailangan kong wasakin ito para maging mas makapangyarihan ang aking sacred Primordial Devilish Internal Pellet...!”
“…Ang formation… parang pamilyar ito,” sabi ni Sanchez. “Ganyan rin ang naisip ko. Sa tingin ko ito ang Septelic Perishment Formation ng sinaunang Black Dragon Sect!" sagot ni Gerald. "Ah, kaya pala parang pamilyar ito... Pero hindi ba nawala na noon ang formation na ito? Paano mo ito natutunan?" nagulat na tinanomg ni Sanchez. Ang legendary formation na ito, gaya ng sinabi ni Sanchez, ay nawala noong sinaunang panahon. Sa pangalan pa lang nito, maiisip na ng isang tao na ang napakalakas na formation ay ginamit laban sa mga miyembro ng Deitus Realm. Ngunit sa huli, nilipol ng mga ka-alliance ng Deitus Realm ang Black Dragon Sect, na humantong sa pagkawasak ng iba pang misteryoso at kakaibang formation ng sekta... Siniguro nilang patayin ang lahat ng miyembro para masiguro na wala sa mga ito ang makakapagbanta sa kanila sa parehong paraan... Kasunod nito ay mabilis na sumagot si Gerald, “Nabasa ko ito noon sa isang lugar. Pero hindi binanggit ng libro kung paano masira ang forma
Nang marinig ang tanong ni Gerald, ipinakita ni Lord Ethern ang ilang sample ng mga herbs na hinahanap nila... at hindi nagtagal ay kumibot ang mga mata ni Gerald sa nakita niya. Kung tutuusin, ang mga sample na iyon ay mga herbs minana ng mga ancient witches... at ang mga ito ang hinahanap rin ni Gerald. Mabilis itong na-recognize ni Marcel, at agad niyang sinabi, “…Ito…” Bumulong si Darkwind nang mapansin niyang nakatingin ang dalawa sa mga herb, "...Sa tingin ko, ang herbalist na hinahanap nila ay si Ms. Phoebe, Mr. Crawford?" “…Hindi magiging madali na masabi kung siya nga ito dahil sinabi na ni Marcel na hindi tama ang timing... pero ito ang pinakamagandang clue na nakuha natin. Ikaw si Lord Ethern, hindi ba? Pwede mo bang ipaliwanag nang kaunti pa ang iyong master?" sabi ni Gerald habang nakaharap muli sa lalaki. "Hindi ko talaga masabi...! Ang master namin ay nagpapakita sa pamamagitan ng shadow form, kaya wala ni isa sa amin ang nakakita sa kanyang mukha!” sagot ni Lord
"Flaxen, isa ka talagang taksil...!" galit na sumigaw ang tatlong lords hanggang sa puntong namula na ang mga mukha nila! Gayunpaman, wala silang panahon para manatiling galit dahil gumawa na ng move ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez laban sa kanila! Gaya ng inaasahan, isang round lang ang kinailangan para gumuho sa lupa ang tatlong lords na ito. Nauutal, nakadilat ang mga mata ni Lord Ethern habang sinasabi niya, “Sino… Sino ba kayo…?!” "Hindi mo kailangang malaman ang impormasyong iyon. Gusto naming malaman kung ano ang pinaplano niyong apat,” mapanuyang sinabi ni Gerald habang dahan-dahang lumapit sa tatlong talunang lalaki. “…Sino ka ba sa tingin mo? Sa tingin mo ba ay madali akong sumunod?" sabi ni Lord Ethren. Itinaas ni Gerald ang kanyang kamay nang marinig iyon... at sa loob ng ilang segundo, si Lord Ethern ay nagpakawala ng isang nakakatakot na hiyaw sa sobrang sakit. Pinutol ng mga Blancetnoir Double Lords sa magkabilang braso ng kawawang lalaki! “Kung gu
Napansin ni Gerald na silang lahat ay mga devilish cultivators. Kung tutuusin, ibang-iba ang kanilang mga aura kumpara sa mga regular cultivator tulad ni Gerald at mga demonic cultivator na tulad ni Sanchez. Nabasa na niya ang tungkol sa mga devilish cultivator dati sa isa sa mga libro ni Uncle Zeman, ngunit ito ang unang beses niyang makita ang mga ito. Maya-maya pa ay bumulong si Sanchez na nakasimangot, "Gusto nilang sugurin ang isang herb lady... Hindi kaya siya ang hinahanap namin?" Nakasimangot si Sanchez sa buong paglalakbay kasama si Gerald. Ang tanging pag-asa niya sa ngayon ay mahanap ni Gerald ang taong hinahanap niya sa lalong madaling panahon. Kung hindi, hindi niya alam kung hanggang kailan kokontrolin ng batang iyon ang kanyang buhay! Dahil dito ay agad na sinabi ni Marcel, "Pareho tayo ng iniisip, Mr. Crawford. Kung tutuusin, hindi lamang expert sa pharmacology si Phoebe, kundi pati na rin sa lahat ng uri ng mga special techniques at formation!" Tumango si Geral
Mayroong dalawang dahilan sa paglalakbay na ito. Ang una ay para mahanap si Phoebe, ang descendant ng mga sinaunang witches. Sa pamamagitan ng paghahanap sa kanya, magkakaroon si Gerald ng pagkakataong mahanap ang hideout ni Daryl... Umaasa siya na matutulungan siya ng Yinblood pellet na nasa kamay na niya ngayon... Para sa pangalawang layunin, umaasa siyang makuha ang inheritance ayon sa mga tagubilin ni Zearl. Pagkatapos ng lahat, magkakaroon lamang siya ng pagkakataong makipaglaban kay Daryl at sa Soluna Sect pagkatapos niyang makuha ang inheritance. Ang level ng cultivation ni Gerald ay kasalukuyang isa sa pinakamataas sa lahat ng cultivation realm, ngunit si Daryl ay nagsagawa pa rin ng devilish cultivation, at ang mga mula sa Soluna Deus Sect ay nasa Deitus Realm na. Sa madaling salita, isa lang siyang langgam para sa kanila, kaya sinisiguro niyang ihanda ang sarili bago harapin ang mga ito. Nararamdaman niya na hindi pa rin siya handa kahit na nasa ilalim na niya ngayon si
Dahil sinakop na sila ng Nineraid Band, ang iba pang mga big shot cultivator ay napatitig kay Gerald, alam nila na hindi nila kailanman makukuha ang kanyang mga angelic artifact. Kung tutuusin, anong laban nila kung kaya niyang ibagsak ang Blancetnoir Double Lords at si Sanchez? Sa puntong ito, kahit papaano ay nakatayo si Sanchez nang buong pagsisikap. Hindi na siya naglakas-loob na gumawa ng anumang padalus-dalos na galaw laban kay Gerald. Sa halip ay sinabi niya, “Iba ka talaga, Gerald…! Hindi ko alam kung bakit kailangan mo ang tulong namin. Pagkatapos ng lahat, hindi lamang ikaw ang tanging tao na nakakaalam ng mga sikreto sa puntod ng general, pero hawak mo na rin ang maraming angelic artifacts!" “Huwag 'kang mag-alala. Sa sobrang lakas ninyong tatlo, kailangan ko kayong gawing disciples habang papunta tayo sa North Desert para hanapin ang isang tao! Kung ako sayo, hindi ko susubukang makipaglaban sa akin para lang makawala mula sa aking kontrol." "Sa sandaling mamatay ako,