Share

Kabanata 1222

“Hah! Kung gusto niya akong bugbugin, hahayaan ko siyang suntukin ako ng isang beses!" Ngumisi si Zacky habang tumatayo at nagsimula siyang maglakad papunta kay Gerald.

Desidido na si Gerald sa susunod niyang gagawin, kailangan niya pang hanapin muna si Noelle.

Pero bago pa man siya makaalis, bigla niyang narinig na may tumawag sa kanya, “Hoy, bata! Saglit lang!”

Naramdaman niya na may matigas na kamay na nagtatangkang humawak sa kanyang balikat, ngunit kusang gumalaw ang kanyang katawan bago pa man niya makita kung sino ang taong iyon.

Ilang dangkal na lang ang layo ng kamay ni Zacky nang biglang nilihis ni Gerald ang kanyang balikat at tumalsik si Zacky dahil sa flying kick ni Gerald!

Tuluyan lang tumigil si Zacky nang matumba siya sa ilang dosenang lamesa at upuan!

“P*ta!” sigaw ni Zacky, naramdaman niya na parang nakaranas siya ng matinding pagkatalo habang nakakapit siya sa braso niyang namamanhid.

Ang kaninang boss at ang isa pang lalaki ay biglang napatayo sa punto
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status