"Jusmaryosep anong nangyari sayong bata ka!" Napalo ako ni Mom sa balikat pagkatapak na pagkatapak ko sa sala.
"Tss may sumugod na limang asong uloy- aray! Hinay hinay naman Mom." Hinila niya ako paupo sa sofa at at isa isang sinuri ang mga sugot ko sa muka at katawan.
Pinanood ko lang si Mom na nag hy-hysterical sa harapan ko. Napansin ko, medyo may umbok na ang tiyan niya.
"Look at your pretty face! Masyado namang marahas ang gumawa sayo niyan pinagmuka kang hello kitty Rhoegene!"
"Mom, I'd prefer if you call it Naruto style, okay?"
"Sino sumugod sayo and I will assassinate them tonight? Tignan mo o napakatagal maghilom ng sugat mo sa muka. At hindi ako tanga para di malaman to dahil tanging mga taong lobo lang na may dugong maharlika ang kayang gumawa niyan saatin."
Mom is right, injuries incurred from a werewolf with royal blood are slower to heal than bites and scratches from normal werewolves.
"Just ignore it.
"Hindi talaga kita maintidhan Rhoegene, bahala ka sa buhay mo. What the point of doing all of these?" Tumayo na si Mom at sinenyasan akong umalis na. Siksikan na ang lahat ng mga taong lobo sa harap ng pack house ng makarating ako. Di kasi kami sabay na nagpunta ni Mom to avoid any suspicions. Nilingon ko ang apat na taong nag uusap di kalayuan mula sakin, si uncle Oddie, Dad, an elder and my stupid alpha mate. Napasandal nalang ako sa puno sa tabi ko at sinubukang pakinggan ang mga pinag uusapan ng mga to. "Kailangan mo gawin lahat ng makakaya mo para mahanap ang hiyas bago ang kabilugan ng buwan, ibig sabihin nun mayroon ka pang tatlong araw para gawin ito Alpha." "Tandaan mo Lance hindi madaling hanapin ang hiyas, wag kang magpadalos-dalos sa iyong mga gagawin." "Alam ko Dad, pero anong mangyayari kapag hindi ko ito mahanap sa loob ng tatlong araw?" Natawa ako sa kinatatayuan ko dahil sa sumbat ni Lance, is he stupid? Doesn't he have any sp
Buwiset!!! Napasipa ako sa pader matapos akong mag parking ng sasakyan ko sa academy. Akala ko pa naman walang pasok ngayon dahil sa paghahanap ni Lan-err Alpha sa hiyas. Excited pa naman ako umuwi sa bahay para mag mukmok sa kwarto ko maghapon tapos bigla bigla malalaman ko tuloy pa rin pala mga klase? Panira tinatamad talaga ako.Sinubukan kong mag stretching pero agad akong nagsisi dahil masakit parin pala ang katawan ko mula sa kalokohang ginawa ng mate ko at ng apat na minions nito, those piece of shits makakabawi din ako sainyo sa susunod. Gumaling na ang mga sugat ko sa labas pero sa loob ay sariwa pa ang mga ito.“Gutom ka na din ba Monique? Should we go to the cafeteria?”“Pwede ba tayong tumakbo Rhoegene?”“Monique na sa school tayo at isa pa masyadong maraming estudyanteng makakakita satin-“ What the fuck?! Bigla akong nawalan ng balance at nadapa ng biglang may bumangga sakin.
Muling lumapit sakin si Alpha Czarina at tinapakan ako sa dibdib. Para akong binagsakan ng gintong buddha sa bigat ng paa niya, tangina bathala ng buwan gusto ko lang naman mag miryenda kanina bakit naman ang lupit mo sakin. I was about to claw her legs pero biglang tumahimik ang paligid. Inilibot ko ang paningin ko, bakit parang bumagal ang takbo ng oras? “Relax” Inalis ni Alpha Czarina ang pagkakatapak sakin at iniabot ang kamay nito para tulungan akong bumangon. Tinabig ko ang kamay niya at tumayo ako ng mag isa. “Anong ginawa mo?” I know she did something. “I casted an illusionary spell, tignan mo. Ang nakikita ng lahat ay naglalaban parin tayo.” Sinundan ko ang tinuturo niya at tama nga siya. Di ko napansin na ang kaninang naka slow motion na mga estudyante ay muli ng nakakagalaw. Sa gitna ng school ground ay ako at si Alpha Czarina, nagpapatayan. Napansin kong papalapit siya sakin kaya awtomatikong napalayo ako sakanya. “Chill ka
Bumalik na ako sa hospital bed dahil bigla nalang akong inantok matapos makaalis ni Calton. Buong buhay ko ngayon lang ako natuwa sa pamamalagi ko sa hospital, why the heck am I so weird today? Ipinikit ko ang mga mata ko at dahan dahang nagpagapi sa antok. When I opened my eyes, dinaig ko pa ang pakiramdam ng nanalo sa lotto. Hindi ko alam pero I feel great, I feel really invincible. I rolled in my bed at niyakap ang unan sa tabi ko. Wait, muli kong inilibot ang paningin ko sa paligid at agad akong napabalikwas ng mapagtanto kong nasa loob na ako ng kwarto ko. Tumalon ako at nag unat-unat pero wala akong naramdamang sakit. I check my self in front of my mirror at naghilom na din ang mga malalaki kong sugat sa katawan. What the hell? Akala ko I will recover within one month? That fucking Calton must be messing with me. Tsk hindi talaga siya mapagkakatiwalaan. Paano kaya ako nakauwi? Was it Mom and Dad? That's weird, hindi man lang ako nagising. Nagtun
"How did this happen. I saw it with my own eyes Dad, that was the rarest stone inside." Kahit pagbalikbaliktarin ni Lance ang lugar sa memorya niya, tanging ang hiyas na inuwi niya ang nagmumukang espesyal. "Tell me, anong ginawa mo sa loob ng kweba?" Sinenyasan ni Oddie si Lance para umupo. "Hindi ko talaga matandaan ng buo dad. The only thing that I remember was that weird woman I saw on that cave." *Flashback* Sinunggaban ni Lance sa leeg at ginutay ang katawan ng huling Dabe na nakalaban nito sa daan papuntang kuweba ng Lorenzo. Ang dabe ay isang halimaw na maihahalintulad sa isang aso. Ang pinagkaiba lang ng mga ito ay ang pangil nilang kagaya sa elepante. Sila ang tagapag bantay ng kweba ng Lorenzo, kaya naman ay sigurado si Lance na malapit na ito sa lokasyon. Nagpatuloy siya sa paglalakad ng biglang may umagaw sa atensyon ni Rogue. "Did I just saw a
Nanatili akong nakapikit at marahang pinapakiramdaman ang paligid. Ramdam ko ang mga nasa paligid ko at may isang nangingibabaw sa kanilang lahat. I can feel a pair of eyes intently looking at me. Hindi ko lang matukoy kung sino ito. "What Ma'am Gene, are you afraid of me?" Maarteng sabi niya habang pabebeng pinipunasan ang kamay nito. Hindi ko maipagkakaila na sobrang ganda ni Crystallene. Pero kung gaano kaganda ng pagmumuka niya, ganun din naman kaitim ang budhi nitong babaeng to. Hindi na ako nag-abala pang sumagot sakanya dahil masasayang lang din ang laway ko. Panibagong sampal ang natanggap kong muli pero pinanatili kong nakasara ang mata ko. Ayaw kong makita ng lahat ang kulay ng mata ko. "Remind me to buy contact lenses after this Monique." Naglakad na ako papalayo dahil ayaw ko ng palakihin ang gulo. Pero hindi pa ako nakakalayo, sinubukang hawakan ni Crystallene ang suot kong hoody. Sa sobrang taranta ko ay malakas ko
Bumwelo ako at malakas na nilundag ang bakod ng academy. Tinungo ko ang kakahuyan at nagtago sa isang malaking puno ng narra para alisin ang mga damit ko at magpalit ng anyo. Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa galit. Maging ang mga ugat sa sentido ko ay randam ko na. "I'm starting to understand the fear that you were talking about years ago Rhoegene." Natahimik ako sa sinabi ni Monique. I was hoping that our bond with Lance would work, pero I shouldn't have gotten my hopes up. I am disappointed. Naupo ako sa damuhan at pinakiramdaman ang pag haplos ng hangin sa balahibo ko. Inanatay kong kumalma ang galit ko, lalong lalo na si Monique. I can feel na sobrang nasaktan siya. Akala ko he will be asking me to be with him for real. Naisip ko na din naman na I can't stay alone forever, alam kong kakailanganin namin ang isat-sat. Pero tuwing naiisip ko ang mga sinabi at inasta niya sa harapan ko kanina ay di ko mapigilang
Naglakad na ako papalayo pero, bakit kahit ilang beses na akong lumiko at magpaikot-ikot sa kakahuyan ayaw pa rin niya ako tantanan? "Czarina wala ka na bang ibang magawa sa buhay mo?!" I shouted at her dahil kanina pa niya ako sinusundan. Naglihis lang siya ng tingin at kunwaring hindi ako naririnig.Padabog kong binuksan ang pinto at tumambad sakin ang galit na muka ni Dad at ang nagaalalang si Mom. “Rhoegene you’ve gone to far this time.” Medyo nangilabot ako dahil tinawag ako ni Dad gamit ang pangalan ko. Hindi ako makasagot dahil seryosong-seryoso ang muka nilang dalawa. Wala rin akong magandang dahilan sa pagkawa ko ng mahigit dalawang araw ng walang paalam sakanila. Inalis ni Dad ang suot kong hoodie at mas lalong nagdilim ang muka nito. “Ano to Rhogene, is this a sign for you to show that you are rebelling to us? Rhoegene masyado ka ng matanda para dito.” Nilingon ko si Mom dahil katagal tagal na ng issue na to hindi pa din niya n
Anim na buwan na ang nakalilipas simula ng umalis ako sa mundo ng mga lobo at nanirahan kasama ang mga mortal. Mabuti na lamang at walang nakasunod saaking mga bampira. Tahimik ang naging pananalagi ko sa lungga ni Czarina. Hinaplos ko ang umbok ng tiyan kong ngayon ay malaki na. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang mga bagay na nangyari saakin. Sa totoo lang hindi ko din alam ang gagawin ko paglabas ng nasa sinapupunan ko. Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang bumalot nanaman sa katawan ko ang pamilyar sakit. Tila sinusunog ang laman ko at tila tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko. Inalalayan ako ni Miguel at pinaupo sa hapag kainan. Ito na ang kinaugalian namin tuwing umaga. Almusal, training, dinner, tulog. Sa apat na aktibidad lang na ito umikot ang mundo ko. "Rhoegene, when we have the time samahan mo akong bisitahin ang walang kwenta mong mate at tuturuan ko ng leksyong hindi niya makakalimutan." Gigil at madiin na sabi
"Bumangon ka na diyan Rhoegene!" Halos sirain na ni Czarina ang pinto para lang gising ako. Alam naman niya kung paano ako nahirapan kagabi eh, alam kong pinapanood niya ako magdamag at paniguradong alam na din niya na I got rejected already. So why is she still being harsh on me? "Rhoegene!" Binuksan ko ang pinto at imbes na ang pinto, ang muka ko ang tinamaan ng kamao ni Czarina. Walang buhay ko siyang tinignan, kahit kailan talaga Czarina. Hindi ko alam kung aksidente yon o pasadya na. "Hindi ka ba nagsasawa sa paulit ulit mong pananamit? Seryoso ka you're wearing a hoodie and a sun glasses inside the house?" "Not now Czarina mas marami kang pwedeng problemahin bukod sa klase ng pananamit ko." Wala akong ganang makipag bangayan sakanya ngayon. Dinala ako ni Czarina sa basement ng bahay saka kami pumasok sa isang underground tunnel. Maluwang ang tunnel at mukang matibay ang pagkakagawa nito. Yun nga lang hindi kaaya-aya ang amoy ng lugar dahil
Tinignan ko muli ang address na ibinigay ni Mom at eto na nga yon. Sitio Nuris? The heck I didn't know this place even existed I mean nababasa ko lang ito sa mga story book ng mga bata. This is the place where the werewolves and vampire's war ended "Looking for me?" napalayo ako at napatakip ng ilong damn this woman smells like corpse. "Your father told me everything" "Dad did?" "Yes come on follow me" Sinundan ko naman siya. Paano nalaman ni Dad? Akala ko ba nasa misyon siya sa malayong lugar? "Rhoegene why are they looking on us?'" Monique Oo nga kanina ko pa napapansin bakit nila ako tinitignan na para akong hayop sa loob ng zoo? Lahat ng taong nadaraanan naming ay may hindi maipaliwanag reaksyon mula sa mga muka nila. "Where are we going?" I asked, damn this place is giving me creeps. Hindi lang ang lugar ang nakakatakot, maging ang mga tao sa paligid. "Dora's house!" What did she say? Hindi ko nain
"Nagtago ako ng ilang taon para maiwasan itong pangyayari pero sa huli nangyari pa rin ang pinakatatakutan ko Monique. Ihinanda ko na ang sarili ko para sa mga oras na ito, akala ko kaya ko na, pero it hurts a thousand more than what I expected it to be." Para akong tinanggalan ng kalahati ng kalulwa ko. Ayaw tumigil ni Monique sa pagwawala sa loob ko. Galit, inis, pagkasuklam daig pa namin ang namatayan dahil sa nangyari. Pakiramdam ko aya nawalan na ng saysay ang buhay ko. Sinubukan ko siyang pakalmahin pero hindi ko siya maabot, ayaw niya akong kausapin. Tinalon ko ang bintana ng kwarto ko to enter my room dahil ayaw kong pumasok sa pinto. Siguradong si Mom and Dad ang bubungad saakin doon. "Rhoegene saan ka naggaling?! Hinanap kita sa academy!" "What the fuck?!" Halos lumundag ang puso ko dahil pagkatapak ko sa bintana ay bumungad saakin ang muka ni Mom. "I kept on mind linking you pero hindi kita makausap anong problema mo?" Palakas ng pa
"Tanggalin mo na kasi yang hood at shades mo ilang beses pa ba kitang pagsasabihan para ka namang baliw eh!" Tuloy tuloy na akong pinapagalitan ni Calton habang pinapaypayan ako. Pagpasok ko ng academy hindi ko lubos inakala na ang bubungad saakin ay si Lance at Crystallene. They invited me to their office at doon ako pinagsabihan tungkol sa mga bagay na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung saan galing ang mga sinsabi nila saakin. They are acusing me of things that I didn't do. Halatang halatang nagsisinungaling si Crystallene kay Lance pero hindi bakti hindi niya ito makita? What the fuck anong klaseng alpha ito? Kayang kaya siyang paikutin ng isang lobo na mas mababa ang uri sakanya. Hindi ko kinaya ang sama ng loob ko and the sight of those two being intimate to each other made me feel really bitter and hurt. Laking pasalamat ko talaga dahil sumunod si Calton saamin at siya ang tumulong saakin ng mawalan ako ng malay. "Is this your
Ang lahat ay muling nagbigay galang sa bagong pares ng mamumuno sakanila sa pack. Napatingin naman si Calton kay Rhogene dahil para itong natuod sa kinatatayuan niya. MAging pagbigay galang o saludo man lang sa Alpha at Luna ng pack ay hindi niya ginawa. Masama ang tingin nito sa dalawa at patuloy na nag mamantra ng kung anu-ano. Hindi nito maintindihan ang mga binubulong ng dalaga kaya hindi nalang nito pinag tuunan ng pansin. Well di mo siya masisis kasi hindi naman talaga maganda ang relasyon niyalang dalawa ni ma'am Crystallene, lalong lalo na sa huling alitan nila. Nagkibit balikat nalang si Calton at ipinagpatuloy ang pagyuko. Bigla nalang itong umalis sa lugar. Ilang beses siyang tinawag nila Brody at Jeyden ngunit nag dire-diretyo lang ito ng lakas at hindi na muling nilingon ang mga kaibigan. What's her problem? Matapos magsalita ni Lance, di nagtagal ay agad ding natapos ang maikling programa. "Lance dito!" Kinawayan nila Calton ang
"Tanggalin mo na kasi yang hood at shades mo, muka kang tanga ang init init naman kasi eh." Nakipaghilaan pa ako kay Calton dahil pilit niyang inaalis ang suot kong hoodie. I gave him a light chop on his adam's apple at dun lang siya natigilan sa pangungulit. "Ano bang pake mo?" Napahilot ako sa sentido ko habang gumagawa ng lesson plan. Hanggang ngayon ay di pa rin naalis ang hangover ko kagabi. Now I regret going out with these idiots. "Eto try mo munang magkape baka makatulong sa sakit ng ulo mo." Tinulak papalapit saakin ni Calton ang kape na agad ko namang tinanggap at humigot. Pagkalapat pa lamang ng kape sa dila ko ay agad ko naidura pabalik sa baso ang nainom ko. "What the fuck Calton ang pait!" "Mapait? Bake nakalimutan kong lagyan ng asukal." Akmang kukunin na sana niya ang kape pero hindi pa man niya naabot ang baso ay sinalubong ko na siya ng sapak gamit ang record book na hawak ko. "Wag ako ang pinag titripan mo Calton dahil hindi
Pagkatapos kong maligo ay agad akong bumaba para tignan ang apat kung ano na ang ginagawa nila sa sala. Nadatnan ko silang may hawak na baso at tahimik na umiinom ng juice. "At san kayo kumuha niyan?" I raised a brow at nagpamewang sa harapan nila. "Grrr Rhoegene!" Lumingon ako sa likod ko at bumungad saakin ang galit na galit na si Dad. "Hehe D-Dad." "Dad?" Agad napatayo ang apat ng makita ang taong nasa likod ko at mabilis na yumuko. "Beta!" Sabay sabay silang nagbigay galang. "Nalaman ko ang nangyari sa academy, how dare you accept that challenge?!" Naghalong gulat at takot ang naramdaman ko dahil buong buhay ko ngayon lang niya ako sinigawan at pagalitan ng ganito. "It's not my fault Dad-" Sinubukan kong makipag rason kay Dad ngunit hindi niya ako hinayaang magsalita. I awkwardly look at Calton at sa iba para humingi ng tulong pero para silang mga tuta na siniksik ang katawan sa sofa at umastang tila walang nari
"Who the fuck is that?" Yan lamang ang nasabi ni Jeyden matapos nito abutin ang contact lens na ibinigay ni Rhogene sakanya. Napanganga ang lahat ng manonood maging sila Calton at ang mga kaibigan niya ay pwede ng kargahan ng itlog ng manok sa ang kanilang mga bunganga. Bumati sakanila ang napaka itim na mata ni Rhoegene na tila hihigupin ka ng buo kapag tinitigan mo ng matagal. Hindi man sabihin ng mga saksi ngunit alam ng lahat na iisa lamang ang nasa isipan ng bawat isa, 'napakaganda'. Mas lalong namangha ang mga ito ng bumulaga sakanila ang dahan-dahang bumagsak na puting buhok ng dalaga. Mahaba ang buhok nito at umabot ng hanggang baywang. Mas lalong nagkagulo ang mga manonood ng hawiin ni Rhoegene ang buhok na humarang sa muka niya at tuluyang makita ng lahat ang angking ganda ng dalaga. Sinong mag aakala na sa likod ng tomboy na asta at pananamit ng kanilang guro ay isang mala diwatang taong lobo. "Oh, Crystallene, you'll fucking