HAWAK-kamay ang dalawa na dinaluhan si Raid. Dahil malayo-layo ang kinaroroonan nila sa binata kung kaya humihingal sila nang makarating sa puwesto nito. Kinakabahan pa ang dalawa sa pag-aakalang may nangyaring masama sa kasama.
“Oh, please, God...” ilang ulit pang bulong ni Cassandra habang mabilis na tumatakbo at nakasunod kay Ian.
Pagliko nila patungo sa harapan ng resthouse ay saka lang nila natanawan ang nakatayong detective. Habol pa ang hininga nitong bahagyang nakatingala habang may pumapatak na dugo sa mga kamay ng binata.
Sa paanan ni Raid ay nakabulagta ang lalaking katunggali nito na leader ng grupong umatake sa kanila kanina. Nakatutok sa noo ng lalaki ang baril na hawak ni Raid habang nakataas ang dalawang kamay bilang hudyat na suko na ito. Sa makatuwid ay panalo ang binata sa naging sagupaan ng dalawa.
Bagama’t hindi rin naging madali ang naging laban ng binata sapagkat makikita sa buong katawan ng
BUMULWAK ang dugo sa naputol na dila ng lalaki na may kasamang itim na likido. Nahihinuha nilang lason iyon kung kaya mabilis silang lumayo sa lalaki. Makalipas nga lamang ang ilang sandali ay hindi na ito humihinga habang dilat na dilat ang mga mata at malapad ang ngisi sa labi.Ilang sandaling nakapako lamang sa kinatatayuan ang tatlo dahil sa pagkagulat sa bilis ng mga pangyayari. Hindi rin sila nakahuma agad dahil hindi nila inaasahan na magpapakamatay ito sa harapan nila na animo balewala rito ang sariling buhay.Ang malaking katanungan tuloy ngayon sa dalawang binata ay kung magpapakamatay naman pala ito, bakit ipinaalam pa muna sa kanila kung sino ang mastermind ng grupo?Nag-iwan ng malaking alalahanin ang lalaki na hindi nila sigurado kung masasagot pa ba, maliban na lamang kung aamin mismo si Joshua o hindi kaya ay tuluyan nang mahanap si Don Ismael Alarcon.Sabay pang napabuga ng hangin ang dalawang binata. Samantalang hindi naman n
NAGITLA ang tatlo nang marinig nila ang malakas na pagsabog sa kabilang linya ng cellphone ni Ian na kung saan naroroon sina Manang Bell.“What’s going on there?!” malakas na tanong pa ni Ian sa mga tauhan subalit wala nang sumagot sa kaniya hanggang sa naputol na lamang ang tawag ng mga ito.“Shit! Shit!” tarantang mura pa ng binata habang ilang beses na tinawagan ang telepono sa kanilang mansyon.Samantalang hindi rin naman nagmabagal si Raid na inapakan ang selinyador ng sasakyan at pinaharurot iyon.“Let’s go straight to them, detective,” utos pa niya kay Raid.Matagal bago sumagot ang binata sa kaniya na animo nagdadalawang-isip kung susundin ba ang binata. Labis ang pag-aalala nito sa mga tauhan sa mansyon ni Ian subalit naiisip din nito ang nakaambang panganib na susuungin nila kung didiretso sila roon.
BIGLANG naimulat ni Cassandra ang mga mata dahil sa pagkagulat sa mga nakita sa kaniyang mga alaala. Agad din niyang natakpan ang bibig upang hindi makawala ang pagsinghap sa gimbal na nadarama.“How can it be? Hindi maaari ito!” ilang ulit na bulong pa ng dalaga sa sarili habang marahas na umiiling. Hindi niya matanggap ang mga nakita at ang katotohanan sa namagitan sa kanila ni Raid.Lihim pa na sumulyap ang dalaga sa natutulog pa ring binata. Mataman niyang pinagmamasdan ito habang naglalaro sa alaala ang mga nangyari sa kanila noong lango siya sa droga na ipinainom sa kaniya ni Joshua. Ang malaking ikinababahala ngayon ni Cassandra ay ang hindi niya maalala kung may nangyari sa kanila ng binata noong nasa kuweba sila.“Should I ask him?” muling tanong niya sa sarili at nagdadalawang-isip na tanungin ito.Maliban pang animo balewala lang naman sa binata ang namagitan sa kanila dahil hindi nito iyon binaba
NASA timing din naman talaga ang paggising ni Raid ng mga sandaling iyon kung saan hindi nila kasama si Ian.“What?” paos ang boses na tanong nito. Nakakunot pa ang noo nitong hindi naintindihan ang sinabi niya.“D-don’t mind me,” impit na wika niya rito at mabilis itong tinalikuran.Animo hindi na rin naman na siya napansin ng binata at nag-inat-inat pa ng katawan. Pagkatapos ay sinuri nito ang mga tinamong sugat sa katawan kung tuluyan nang nagsara iyon.Awkward siyang nakaupo sa tabi nito at hindi gumagalaw man lang. Mahina lang din ang paghinga niya upang hindi siya mapansin nito. Nagulat pa nga siya nang bigla itong pumaling ng tingin sa gawi niya na animo biglang naalala ang dalaga.“Oh, good morning, Cass,” friendly na bati pa nito at bahagya siyang nginitian.“Ack! Please, ignore me!” biglang bulalas niya rito.“Ha?&rdqu
HINDI na namalayan ni Cassandra kung paano siya nakalabas ng sasakyan at nakapasok sa loob ng mansyon nina Ian. Paulit-ulit niyang naririnig ang sinabi ni Raid sa kaniya.Bagama’t alam niya sa sarili na nakita na nito ang buong katawan niya ay pilit pa rin iyong itinatanggi ng kaniyang isipan. Subalit nang tinumbok iyon mismo ng binata ay animo huminto ang mundo niya.Gustuhin man niyang magalit sa binata ay alam ni Cassandra na kasalanan niya ang mga nangyari.“No worries, nothing happened to us,” habol na bulong pa ni Raid sa kaniyang likuran bago sila maghiwalay ng mga sandaling iyon.Marahil ay iyon na lamang ang tanging maipagpapasalamat niyang walang nangyari sa kanila ng binata dahil hindi na niya alam kung ano pa ang mukhang ihaharap niya kay Ian na nagbukas ng puso at pinagkatiwalaan siya.“Oh, Hija, mabuti at ligtas ka,” mangiyak-ngiyak na salubong ni Manang Bell sa nakatulala pa ring dalaga
ANIMO hindi humihinga si Cassandra ng mga sandaling iyon. Ang lakas din ng tibok ng kaniyang puso sa isiping galit at disappointed ang binata sa kaniya. Hindi niya kayang tanggapin ang galit na ibibigay nito sa kaniya.“Please, don’t leave me again,” mahinang bulong pa ng dalaga habang hilam ng luha ang mga mata.Napamulat lang siya ng mga mata nang maramdaman ang pagdantay ng kamay ni Ian sa kaniyang mga balikat. Nanlalabo ang mga mata dahil sa luha na napatitig siya sa binata.“I trust you, Darling. And what happened to you is not your fault, okay?” assurance ni Ian sa dalaga. Napatulala na lamang siya sa pag-aakalang galit ito sa kaniya.Nang makahuma sa pagkabigla ay pinunasan na niya ang luha sa mga mata. Hindi siya makapaniwala na pinag-isipan niya ng hindi maganda ang binata. Ngayon ay nasisigurado na niya na kahit na anong mangyari ay hindi siya iiwan ni Ian.“Are you sure?” kapagd
SAMANTALA, nang makalabas na si Raid galing sa terrace ay naraanan pa ng binata ang nakatayong si Ian habang nakasandal sa hamba ng pintuan. Nakakrus ang dalawang braso nito habang seryoso ang mukha.“Are you done?” tanong pa ni Ian sa binata.Hindi naman lumingon si Raid kay Ian. “Yeah,” ang tipid nitong sagot bago nagtuloy-tuloy na sa paglalakad palabas ng mansyon.Ilang minuto muna ang pinalipas ni Ian bago muling nilapitan ang dalaga na nakatulala pa ring nakatayo sa gitna ng terrace.“I-Ian?” nagulat pa si Cassandra nang makita ang pagdating ng binata sa kaniyang harapan.“Hi, Darling, I woke up nang hindi kita makita sa tabi ko,” nakangiting saad pa ng binata at matamis na ngumiti sa dalaga.Nang tuluyan itong makalapit sa kaniya ay ginawaran siya nito ng damping halik sa mga labi bago nagganyak nang muling bumalik sa kanilang silid.&ldquo
MAGKATABI ang dalawa sa mahabang sofa sa sala nina Cassandra. Ilang minuto na silang nakaupo lamang doon at walang imikan sa isa’t isa, gaputok man lang. Samantalang ang kanilang mga magulang na sina Manuel at Dolores ay animo walang alam sa tumatakbo sa kanilang mga isipan na masaya pang sa wakas ay nagkita na ang magkapatid.Sa pakiwari din ni Cassandra ng mga sandaling iyon ay huminto ang pagtakbo ng utak niya sa mga natuklasan—at alam niyang ganoon din si Ian na doble pa ang nasa isipan ngayon dahil sa nalamang may anak na ang dalaga.“Mabuti naman, Anak, at nakauwi ka na. Sobra ang aking pag-aalala na hindi na kita matawagan sa cellphone mo,” kapagdakan ay saad ni Dolores na bahagya pang tumulo ang luha bagama’t mabilis din namang pinunasan.“S-sorry, Inay, naiwala ko po kasi ang cellphone ko,” ang mahinang tugon naman ng dalaga rito.Bahagya pang yumuko si Cassandra upang hindi makita
—One week laterNakapako sa kinatatayuan si Ian habang nakatunghay sa harapan ng gate kung saan nakatira si Cassandra. Lumipas na ang ilang minuto na nasa ganoong tagpo lamang siya na hindi magawang pindutin ang door bell na nasa harapan lang niya.Malalim siyang huminga upang alisin ang kaba sa dibdib. Sampung beses na nga yata niyang ginawa iyon subalit ayaw pa rin siyang lapitan ng lakas ng loob upang muling harapin ang iniwanang minamahal. “Damn it! Make up your mind, Ian Ramos!” kastigo niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Subalit hindi pa man niya lubos na nakokolekta ang sarili nang kuhanin ng isang boses sa kaniyang likuran ang kaniyang atensyon.“Excuse me po, may kailangan po ba kayo sa amin?” untag ng isang maliit na boses.Agad itong nilingon ni Ian upang magulat lamang nang makita sa harapan ang pamilyar na mukha datapwat iyon ang una nilang pagkikita—Si Rai, ang bunso niyang anak.Naestatwa ang binata habang matamang nakatingin sa batang nasa harapan na nakati
Hindi makapaniwala si Cassey nang bumulagta sa kaniyang harapan si James habang pumupulandit ang masaganang dugo nito sa gitna ng noo kung saan tumama ang bala ng baril ni Benjamine. “Shit! What’s going on?” bulalas pa ng dalaga na muling ipinaling ang ulo sa harapan ng monitor screen kung saan naroroon pa rin ang ginang habang prenteng nakaupo sa sariling upuan. “You don’t have to concern yourself with him, Milady. This is our job and our life. If our master wants us dead, we willingly sacrifice ourselves unconditionally to the Rostchild family,” ang pahayag ni Benjamine habang pinupunasan ang kamay na hindi naman nabahiran ng dugo ng kasamahan. Nanginig ang mga mata ng dalaga sa ipinahayag nito at wala sa loob na bumulong, “You psycho.” Biglang humakhak nang malakas si Benjamine na animo isang biro ang sinabi niya. Narinig din niya ang palatak ng matanda habang marahang napapailing-iling.“You still have a lot to learn, child,” ang saad ni Donya Esmeralda bago binalingan ang lal
“What the fuck!” Hindi naiwasan ni Cassey ang mapamura nang malakas sa isiniwalat ni Donya Esmeralda.Bagama’t may hinala siya una pa lang na may kailangan ito sa dalaga subalit wala sa hinagap niya na gusto siya nitong maging tagapagmana.“Are you kidding me?!” bulalas pa ng dalaga na hindi a rin makapaniwala.Gayunpaman ay walang makikitaang anumang ekspresyon ang mukha ng matanda na patuloy lamang na nakatingin sa kaniya na senyales na seryoso ito sa mga binitiwang salita. Makalipas nga lamang ang ilang segundo ay muli nang kumalma ang puso ni Cassey at mabilis niyang natakpan ang sariling bibig bago tumikhim. “Are... are you serious?” paninigurado pa niyang tanong sa matanda na marahan naman nitong tinanguan. “Why me?”“You have the potential to lead our family,” maikling tugon naman nito. Napalunok ng laway ang dalaga bago niya mariing naikuyom ang nanghihinang kamao. “You want me to lead your family but you tried to kill my own family,” matalim na protesta niya rito. Hindi
“Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin. Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating. Limang hakbang na lang ang layo nito.Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi. Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito. Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito. Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya. Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha
“Sir Benjamin?” anas ng isang bantay habang nakatunghay sa bagong dating na lalaki.“Yeah, it is Sir Benjamin,” tatango-tango namang tugon ng katabi habang mataman ding nakatingin sa lalaki.“Ha? Why is Sir Benjamin here?” tanong naman ng isa pa nitong katabi.Pare-pareho lang ang bulung-bulungan ng mga naroon habang nakatingin sa bagong dating na lalaki bagama’t hindi nito pinagtuunan ng pansin ang mga ito.“What? Why this bastard here?” ang hindi makapaniwalang saad naman ni Ian sa isipan habang napaatras pa ng isang hakbang sa pagkabigla nang makita si Benjamin.Tandang-tanda pa ng binata pagkatapos mamatay ng ama ay ipinagpatuloy niya ang pag-iimbestiga sa Black Organization na nasa likod ng mga hindi magagandang nangyayari sa kaniyang pamilya.Nagkaroon sila ng clue ni Supt. De Guzman nang mahuli nito ng buhay ang isa sa mga leader ng grupo na dumukot kay Cassey at sa mga bata. Noong una ay iginigiit nito na mga child trafficker ang grupo na kinabibilangan nito subalit hindi siy
“What... this crazy!” hindi makapaniwalang bulalas ng isang lalaki habang matamang nanonood sa dalawa.“Yeah, I can’t believe this too,” segunda naman ng katabi nito.“Well, is she really a normal girl?” singit din ng isa sa mas mahinang boses.“Yeah, I thought she’s just a kid who caught stealing here,” tatango-tangong sang-ayon naman ng isa pa habang nakakrus ang dalawang braso sa dibdib.“Hey, don’t underestimate her. Remember she’s the one who found me and buy me a gun,” sita naman ng firearm dealer na pinagbilhan ng dalaga sa back alley. “Yeah, you have a point, dude. And don’t forget that she killed our newbies,” sang-ayon naman ng isa na sumuri sa dalawang bantay na pinatay ng dalaga kanina.“But who really is she?” ang tanong ng unang nagsalitang lalaki na matamang nakatingin sa dalaga.“Who knows,” kibit-balikat na tugon naman ng mga kasamahan na itinuon na ang pansin sa dalawang naglalaban sa gitna. Of course, hindi iyon naririnig lahat ni Cassey sapagkat nakatuon ang pan
Mabilis at walang pag-aalinlangang dinaluhan ni Cassey ang ama na walang magawa sa pagkakasakal ni James. Dahil sa taglay na lakas ng lalaki kung kaya hindi makapanlaban si Ian. Maliban pang hindi ito makapaniwala na kayang saktan ng katiwala na nagbabantay sa binata. Maging ang mga bodyguard na nakapalibot sa dalawa ay laking gulat din sa ginawa ng leader ng mga ito kung kaya nang biglang pumasok sa eksena ang dalaga ay hindi agad nakahuma ang mga ito. Agad na pumuwesto si Cassey sa likurang tagiliran ni James. Pagkatapos ay kumuha siya ng buwelo at malakas itong sinipa roon upang mapakawalan ang ama. Ngunit mabilis din ang kilos ni James na sinalag ang mga binti niya gamit ang isa nitong kamay na animo ba ay inaasahan na nito iyon.Saglit siyang natigilan sa ginawa nito ngunit hindi siya nawalan ng loob.Dahil hawak-hawak ng lalaki ang kanang binti ng dalaga kung kaya ginamit niya ang dalawang kamay at mabilis niyang inabot ang ulo nito. Balak ng dalaga na baliin ang leeg ni Jam
“W-wha...” hindi na naituloy ng dalawang bantay ang gulat nang makita si Cassey dahil sa bilis ng galaw ng dalaga. Segundo lamang ang kinailangan niya nang baliin ang leeg ng isa habang malakas na sinipa sa mukha ang kasamahan nito. Bagama’t hindi napuruhan ang pangalawang lalaki ay na-out of balance naman ito dahil hindi inasahan ang pagtambang niya sa mga ito. Gayunpaman ay hindi nag-aksaya ng oras si Cassey at hindi niya hinayaang makahuma sa pagkabigla ang natitirang kalaban. Mabilis niyang dinaluhan ito at walang pag-aalinlangan na itinusok niya ang dalawang daliri sa gitna ng leeg nito.Nabutas niya ang malambot na bahagi ng katawang iyon ng lalaki at lumusot ang mga daliri ng dalaga. Nang hugutin niya iyon ay pumulandit pa ang masaganang dugo na mabilis niya namang iniwasan upang hindi siya madumihan.Nanlalaki ang mga mata ng lalaking nakatingin sa kaniya habang pinipigilan ang pag-agos ng sariling pulang likido.Hindi naman niya inalis ang paningin dito hanggang sa mawala
Muling inalala ni Cassey ang mga sinabi ng ama kanina. “It’s all about your lola,” panimula ng binata.“Lola Dolores?” nagtatakang tanong pa niya.“No, hindi mo na siya naabutan, and even me, hindi ko na siya nakita pa. My biological mother, Kristina,” tugon naman nito.“Oh, alright.” Tango naman ni Cassey na pinakinggan na muna ang sasabihin ng ama bago ito gambalain.“First of all, do you still remember when you kidnapped? Then someone shot your monther on her shoulder.”“Yes.” Tipid na tango naman niya.“Hindi iyon ang unang nanganib ang buhay niya... and me...” Napalunok ng laway si Cassey sa antipisasyon ng susunod na sasabihin pa ng ama. “Noong una ay ang akala namin ay kagagawan iyon lahat ng kaibigan ng lolo mo, si Ismael Alarcon. But when your lolo died, I investigated all the possibilities, at napag-alaman ko na isang misteryosong lalaki ang nasa likod ng Black Organization na kinabibilangan ni Uncle Ismael,” mahabang turan ni Ian. Sinabi ng ama na ipinangako nitong aali