ARIANA FUENTESMangiyak-ngiyak kong sinulyapan ang bahay namin. Bitbit ang isang bagpack at isang maleta nilisan ko ang lugar na iyon.Nakarating ako sa highway. Nag-antay ako ng jeep na ipapara ko. Nangunot ang noo nang panay ang pagpara ko ng sasakyan pero hindi ako hinihintuan ng mga jeep.Nasa tamang sakayan naman ako? Dito naman ang babaan at sakayan pero bakit walang humihinto na sasakyan?Wala rin naman na masyadong sakay ang mga ito pero bakit hindi nila ako hinihintuan?Rented na ba ang mga jeep? Mas lalong nalukot ang mukha ko. Hindi ko alam kung mood swing ko na ba ito dahil buntis ako o sadyang nakakainis lang ang mga driver at hindi nila ako hinihintuan.Banas na napaasik ako. Mas lalo pang nalukot ang mukha ko nang sa kabilang banda ay humihinto ang mga sasakyan at doon nagpapasakay.Anak ng! Bawal doon ah?! Dito sa pwesto ko ang tamang sakayan at tamang babaan! Violation iyon! Hindi ba nila alam 'yon?! Nakakainit ng ulo!Banas na nagpunta ako doon. Kahit inis at gusto k
Special chapter;This is the story of Mariella Ally Rios A.KA. Riella and Euthace Monterealez.Entitled; M. Exclusive Island Series 4: Island Territory with the Heart.EUTHACE MONTEREALEZBilang panganay na apo ni Don Mateo Monterealez, sa kanya ipinaako ang pinaka-mabigat na responsibilidad. Ang sekreto ng kanilang Isla.Limang dekada na ang nakakaraan ng matagpuan ang Islang ito. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, hindi si Don Mateo Monterealez ang unang taong nakadeskubre sa Isla.__For the last time, humithit siya ng sigarilyo bago ito itapon at tapakan. Napahagod siya ng buhok at ngumisi. Muli siyang naglakad papunta sa basement ng kanyang mansyon. At tama nga siya! Malayo pa lamang naririnig na niya ang mga daing at pagmamakaawa ng isang taong may atraso sa kanya.Pinalagutok niya ang leeg. Marahas na binuksan ang pintuan at maangas na kumuha ng upuan paharap sa lalaking nakaluhod. Umupo siya doon habang nakadekwatro ang paa. Sa magkabilaang kamay at balikat ng lalaki ay may h
TAMIA NAVALPaglapat ng mga paa ko sa paaralan na aking pinapasukan iba na agad ang naramdaman ko.Kaba, takot, at pangamba.Bawat isa ay parehas ang nararamdaman. Walang makakapagsabi kung kailan mawawala ang ano mang kilabot na bumabalot sa kapaligiran. Ito ay dahil sa paligsahang Run Baby, Run.Sa pagkakaalam ko ang larong ito ay ginaganap bawat ika apat na taon. Subalit dalawampung taon na ang nakakaraan mula nang maluklok ang bagong hari, ipinatigil ang larong ito. Ngunit kamakailan lamang nang sumabog ang balitang binuhay muli ng kasalukuyang hari ngayon ang larong ito.Walang nakakaalam kung bakit.Siya ang nagpawala ng larong ito subalit siya rin ang nagpabalik.Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Kapwa puno ng takot at kaba ang lahat.Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at napabuntong hininga. Idinilat muli at napagdesisyunang pumunta na sa silid aralan.Malayo pa lang ako tanaw ko na agad sa bintana na walang tao. Marahil ay nangangamba din sila tulad ko na baka
WELCOME TO THE RUN BABY, RUN YOU ARE NOW PART OF THE GAME MS. TAMIA NAVAL get ready to the inferno.Gusto nang tumulo ng mga luha ko dahil hindi pa ako handa pero pinigilan ko ito. Sa edad na labing-walo ay mararanasan ko ito.Napatuon ang tingin ko sa gurong nagsalita sa stage."Isang linggo mula ngayon gaganapin ang paligsahan kaya may pagkakataon pa kayong maghanda. Ang mag aaral na napili ay naitala na namin kaya hindi kayo makakaligtas dito. 'Yon lamang po at salamat."Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa aming tahanan sa sobrang lutang ko."Anak,"Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si ina kasabay nun ang sunod sunod na pagpatak ng mga luha ko.Tumakbo ako at yumakap sa kanya ng mahigpit at humagulgol ng iyak."I-ina h-hindi ako handa. B-bakit a-ako p-pa i-ina."Hinimas nya ang likod ko habang humihikbi "Anak ko magiging ok din ang lahat.""I-ina mahal na mahal po kita.""Mahal na mahal din kita anak. Magpakatatag ka lang anak ko,""I-ina pangako baba
"GET READY TO THE INFERNO!"kasabay n'n ang tunog ng malakas na pagbatingting at simula nang pagtakbo namin kung saan saan.Takbo lang kami ng takbo at hindi namin alam kung saan kami magsisitakbo.Hindi namin alam kung ilang minuto o nakaoras na ba kami sa pagtakbo basta napahinto kami sa pagtakbo nang may matumba na babae at may tama ng pana sa balikat.Napatingin kami sa likuran namin at ganoon na lang ang panlalaki ng mata namin ng makita namin ang mga kalalakihan na may kanya kanyang pana at ready na para magpaulan nito.Bigla kaming nagkagulo at nataranta. Kung saan saan kami nagpupunta.Sa sobrang pagkataranta hindi ko alam kung saan na ako napunta basta ang alam ko ay nasa gubat na ako at mag isa na lamang ako.Nakarinig ako ng kaluskos na syang ikinabahala ko kaya agad akong nagtago sa isang puno.Nakita ko ang tatlong lalaki na palinga linga. Kinabahan ako kasi baka makita nila ako. Sa sobrang panginginig ko at pagsiksik ng maigi sa isang sulok nakagawa iyon ng ingay
(1 week before the game)Third Person POVDi mapakali ang mid 50's na lalaki sa kakalakad nang pabalik balik sa kanyang sagradong library.Kinakabahan sya at paulit ulit na napapabuntong hininga sa mga bagay na gumugulo sa isip nya.Nabasag ang kanyang pag iisip ng kumatok at pumasok ang kanyang nag iisa at tagapagmana na anak."Why did you do that?" Nakatiim bagang at Nakakuyom ang mga kamao nitong usal."I don't have a choice, Son." Napaupo ito at napasabunot ng buhok.Napakunot ang nuo ng lalaking anak sa inasta ng kanyang ama."We always have a choice ama. hindi ko maintindihan kung bakit sinabi mo iyon sa council kanina. Ano po bang nangyayare? Bakit pinabuksan mo ulit ang pangahas na larong yon?""Kailangan kong sundin ang utos nya kundi mapapahamak ang iyong ina."Napamaang sya. "Hindi kita maintindihan si ina kasama mo lang sya kanina bakit naman sya mapapahamak?""She is not your mother." mahinang usal nito."W-what?" Utal na usal nito."Listen son we need to make a move to s
TAMIA NAVAL "Alejandro Santillan?" Napakunot ako ng nuo."Oo sya ang kauna unahang lalaki na nanalo sa larong ito dalawang dekada na ang nakakaraan." mahinang usal ni resya.Kasalukuyan kaming umaakyat sa itaas na bahagi ng bayan ng san silakayan. Mga ilang kilometro na lang at mararating na rin namin ang isang abandonadong paaralan. Mabagal ang pagkilos namin dahil hindi namin alam kung kelan at saan manggagaling ang panganib para sa amin."Hindi ko alam ang bagay na iyon sapagkat hindi pa ako buhay ng mga panahong iyon."Biglang napatawa si resya na ikinangiwi at nauwi sa nguso ko.Totoo naman eh hindi pa ako buhay non."Ang totoo sa larong dalawang dekada nang nakakaraan ang tumatak at hanggang ngayon ay pinag uusapan dahil dalawa ang nanalo na hindi naman dapat. Higit sa lahat isang trahedya ang naganap dahil don."Napakagat ako ng labi dahil sa kabang nararamdaman ko hindi ko alam pero bigla akong nanghihina."Alejandro and Mikaela..."Mikaela?Saan ko ba narinig yon?"Dahil sa
"D-don't!" Hindi ko pinakinggan si Resya. Sa halip, unti-unti akong lumingon sa gawing likuran ko kahit na sobrang kaba ang nararamdaman ko.Nahigit ko ang hininga nang lumingon ako dito. Kaliwa't kanan ang tingin ngunit kaagad na kumunot ang noo ko. Kumulo ang dugo ko at sinamaan ko ng tingin si Resya nang marinig ko siyang tumawa."You should see your face. Its epic!"Napatiim bagang ako. "Hindi 'yon nakakatuwa." Mariin kong sabi na ikinahinto niya sa pagtawa. Agad ko siyang nilampasan dahil tanaw ko na ang abandonadong paaralan at higit sa lahat naiinis ako sa kanya dahil hindi naman nakakatuwa ang birong 'yon."Wait! It was just a joke..."Hindi ko siya pinansin na ikinatahimik nito.Mahabang katahimikan ang namayani sa amin ngunit agad ding nabasag ng magsalita ito."I-i'm sorry," inirapan ko lamang ito. "I'm sorry it was just- I was- I think- I dont know if I just really saw him..." mahinang sambit nito na ikinalingon ko sa kanya dahil malabo ang sinasabi niya."What?" Naguguluh
THE GOVERNOR'S FAKE WIFE"Bitawan niyo ako!" Pilit nagpupumiglas si Elaina sa mga tao na gustong dumukot sa kanya. Kalalabas niya lamang sa trabaho sa mall bilang isang sales lady. "Malaki ang utang mo kay, boss. Nararapat lamang na magbayad ka." ngumisi ang lalaki na nasa kanyang harapan. Dalawa sa mga ito ang nakahawak sa bawat braso niya habang ang tatlo ay pinalilibutan siya. Nakaitim ang mga ito ng tuxedo. Malalaki ang katawan na masasabing mong batak na batak sa gym. Para silang men in black sa itsura at ayos nila. "Nagkakamali kayo! Hindi ako ang taong iyon. Nag-aaksaya kayo ng oras sa'kin."Hindi pinakinggan ng mga ito si Elaina at hinila na lamang papunta sa kanilang itim na ban. Sa takot ni Elaina, nakagat niya ang isang may hawak sa kanya habang ang isa naman ay sinapa sa pagkalalaki nito. "Habulin niyo! Mapapatay tayo ni Boss kapag hindi natin siya nadala!"Nagsisigaw ang mga ito. Mabilis siyang tumakbo palayo sa mga ito. Bumalik si Elaina sa loob ng mall at pumunta sa
IN BED WITH THE WRONG BILLIONAIRE"Malaki ang utang mo sa akin- kayo ng nanay mo. Panahon na siguro para bayaran mo ako." nakangising sabi ni Amanda kay Katarina. "Pero alam mo naman na wala pa akong pambayad sa'yo..." mahinang sabi ni Katarina. "Hindi naman pera ang kapalit ng pagpapagamot ko sa nanay mo. Iba ang gusto kong gawin mo." Amanda. Napapalunok sa kaba na sumagot si Katarina. "Ano?""Alam mo naman na gustong-gusto ko si Mateo. Ang gusto ko. Sirain mo ang relasyon nila ni Aniza. Ang gusto ko, sa darating na bachelor's party ni Mateo, ang araw din mismo na maghihiwalay sila ni Aniza.""Pero mabait na tao si Ma'am Aniza. Hindi ba pwedeng haya-" naputol ang kanyang sasabihin nang sumigaw sa kanyang harapan si Amanda. Labis siyang nagulantang sa pagsigaw nito. Bigla ay natakot siya sa kanyang pinsan. "Tumahimik ka! Don't you ever say that! Wala kang karapatan na sabihin sa akin ang mga dapat kong gawin. Tandaan mo Katarina, malaki ang utang mo sa'kin kaya wala kang karapatan
Maaga syang kumilos para makapunta sa bayan. Naisip kasi nya na magluto para sa ina nya. Sinigang, yan ang balak nyang lutuin. Masaya syang namili pero napawi ang ngiti sa labi sa narinig."Talaga busy ang palasyo para sa gaganaping kasalan ng nag iisa at tagapagmana ng Reyna't hari?"Para syang naistatwa sa kinatatayuan nya. Nanuyo ang lalamunan, ibinuka nya ang bibig para sana sumingit sa usapan nila pero para syang pipi na walang lumabas na boses sa bibig nya.Kael"Ay totoo ba yan? Aba sino namang prinsesa ang papakasalan ng prinsipe.""Hindi ko alam at walang nakakaalam pa, pero siguro yung prinsesa don sa timog ang pakakasalan nya.""Paano mo nasabi?""kasi dumaan kani kanina lang ang mahal na prinsipe sakay ng kalesa at maraming hukbong kasama at ang sabi papunta daw sa kaharian sa timog. O di ba!""Ay jusko nakakakilig naman yon."Agad nangilid ang mga luha nya at tumakbo paalis sa kinatatayuan nya. Kahit na tinatawag sya ng tindera ay hindi nya pinansin. Mas binilisan nya ang
Tulala syang nakatingin sa bintana ng bahay nila. Isang buwan na ang nakakaraan ng mangyare ang trahedyang yon. Hanggang ngayon hindi pa rin nya matanggap ang mga pangyayare."A-anak kumain ka na muna..."Hindi nya pinansin ang sinabi ng kinikilalang ina. Nagagalit sya dito dahil nagsinungaling ito sa kanya, pero sa tuwing naiisip nya ang mga bagay na sinakripisyo nito ay nakokonsensya sya sa hindi pagpansin at pagbalewale nya dito. Hindi na rin ito nagtatrabaho sa hari dahil pinaalis ko sya. Wala syang pakialam kung nasigawan nya ang hari. Galit sya dito, Galit sya sa lahat."N-nga pala si k-kael kagagaling dito pero pinaalis ko na rin sya."Umabot sa kanya ang buntong hininga ng ina nya.Agad na pumatak ang mga luha nya na agad nya ring pinunasan.Muling lumukob ang galit sa puso nya nang maalala si kael. Maging ito ay nagsinungaling sa kanya. Isa itong prinsipe, ito rin ang lalaking nakita nya sa room noon maging sa gym. Kaya pala ito naroon ay dahil nandoon ang hari't reyna.Sinun
Will the things be alright?Bumukas ang pinto kaya nagulat sya at nabitawan ang katana. Nalaglag ito sa lab holder ng lamesa. Sakto ang bagsak nito patayo na nakatutok sa kanya. Napalunok sya dahil muntik nang tumama sa kanya."Tamia!" Sigaw mula sa boses na kilalang kilala nya kahit na nakamask ito."K-kael!" Agad akong tumakbo sa kanya at yumakap. "N-nandito ka.."Yumakap ito pabalik sa kanya at hinimas nito ang likod nya. "We need to get out of here.."Tango lamang ang isinagot ko sa kanya."Sa tingin nyo hahayaan ko iyong mangyare?""Mikaela!" Tiim bagang na sambit ni kael "Traydor ka! Hindi ko hahayaang makatakas ka sa kasalanan mo."Ngumisi si Mikaela kay kael at naglabas ng mga katana. Hindi nya alam kung saan nito iyon nakuha. Naglaban ang dalawa, pinaulanan ng mga katana ni mikaela si kael pero agad naman ding naiwasan nito.Nag aalala sya para sa ina nya at sa binata. Please po gabayan nyo po kami.Napamaang sya nang makuha ni kael ang katana kay mikaela at itinapat sa leeg
"At saan mo naman balak pumunta?" Malamig na usal nito na syang ikinamutla nya."S-sino ka?"Bumulong ito sa kanya kasabay ng kung anong itinurok sa kanya dahilan para manlabo ang paningin nya. "Ako si heneral sandro." sabay ngisi nito "Matulog ka muna little bait.." kasabay non ang unti unting pagkawala ng ulirat nya.H-he's sandro...NAGISING sya at napadaing nang makaramdam ng pangangawit saka nya lang napagtanto kung anong itsura nya.Nakatayo sya habang nakatali sa kabilaang gilid ang mga kamay. Pinilit nyang makalas ito ngunit ayaw matanggal ng mga tali."So the little bait is finally awake.""S-sandro..." Sinamaan nya ito ng tingin "Pakawalam mo ako dito!""Why would I? You are my biggest asset, my way to become succeed sa matagal ko ng inaasam...""Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa sumapi sayo!" nginisian nya ito "At kahit kelan hindi ka mananalo sa kung ano mang binabalak mo dahil mag isa ka lang." Mariin nyang usal dito.Ngunit agad na napawi ang ngisi nya sa sinabi nito.
Bakit ganito parang lumulutang ang pakiramdam ko? Hinang-hina ako."Doc? Hindi pa rin po nagreresponce ang patay na pusa...""Buwisit ano bang mali? isang linggo na tayo dito pero wala pa rin. Baka mapatay tayo ni heneral Sandro kung hindi pa rin mabuhay ang pusa na 'yan. Akala ko ba nagmatch na ang lahat?""Hindi rin po namin alam kung anong problema.."Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na tinig sa akin.Sino ba sila?Isang linggo? Gano'n katagal ba akong pinapatulog nila? Kada magkakaulirat ako ay saka naman ang pagturok nila sa akin ng pampatulog.Lupaypay na ang katawan ko.Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Sa una'y malabo hanggang sa maging malinaw ang lahat. Nailibot ko ang paningin. Base sa pagmamasid ko nasa isa akong laboratory. Madaming mga machine ang gumagana at maraming mga nakaputi na sa tingin ko ay mga Doctor.Pinilit kong iginalaw ang mga kamay ko ngunit napamaang ako nang may napagtanto ako. Nasa loob ako ng isang lab incubator. Maraming tubo ang naka
Napamulat ako nang makaramdam ako ng may yumuyugyog sa akin. Napatitig ako sa kanya na puno ng luha ang kanyang mukha."T-tamia..." Niyakap niya ako ng mahigpit habang humahagulgol ng iyak. "S-sobra akong nag alala sa'yo."Nangilid ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Mabigat, sobrang bigat na akala mo parang pinipiga ang puso.Pero sino nga ba ang niloloko ko?Alam ko...Alam na alam ko kung ano ito.Napapikit ako ng mariin na ikinatulo ng luha ko.Mikaela...Umalis siya ng pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mukha ko. "Lets finish this game, hmmm?" Hilam ang luhang saad nya sa akin na ikinaiwas ko ng tingin at tumango lamang.Hindi ko siya kayang tignan.MABILIS kaming umalis sa kinapupwestuhan namin. Tumakbo kami para makarating sa templo.Konti pa...Kaunting-kaunti na lang malapit na kami.Nakikita ko na siya.Ang akala namin ay ok na, matatapos na, makakarating din kami subalit napahinto kami nang may limang lalaki na nag-aabang sa amin. Nagsingisian
Napamulat ako nang makaramdam ako ng may yumuyugyog sa akin. Napatitig ako sa kanya na puno ng luha ang kanyang mukha."T-tamia..." Niyakap niya ako ng mahigpit habang humahagulgol ng iyak. "S-sobra akong nag alala sa'yo."Nangilid ang mga luha ko. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Mabigat, sobrang bigat na akala mo parang pinipiga ang puso.Pero sino nga ba ang niloloko ko?Alam ko...Alam na alam ko kung ano ito.Napapikit ako ng mariin na ikinatulo ng luha ko.Mikaela...Umalis siya ng pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mukha ko. "Lets finish this game, hmmm?" Hilam ang luhang saad nya sa akin na ikinaiwas ko ng tingin at tumango lamang.Hindi ko siya kayang tignan.MABILIS kaming umalis sa kinapupwestuhan namin. Tumakbo kami para makarating sa templo.Konti pa...Kaunting-kaunti na lang malapit na kami.Nakikita ko na siya.Ang akala namin ay ok na, matatapos na, makakarating din kami subalit napahinto kami nang may limang lalaki na nag-aabang sa amin. Nagsingisian