Natapos na akong sumayaw sa stage. Pagkalabas ko ng back stage nakita ko si tita na nakaabang. "Aalis na po ba tayo?" Tanong ko sa kanya nung nakalapit na ako. "Alam mo, hindi pa sapat yung kita natin kaya mas mabuting magpa-table ka." Nagulat ako sa sinabi niya. Okay lang naman sana eh pero baka mapunta ako sa mga grupo ng bastos. Malaking yung kikitain kung magpapa-table ka dahil minsan bibigyan ka nila ng malaking tip. Kailangan mo lang mag serve ng mga order nila pero meron rin namang nagsasamantalang mga manyakis."Pero kasi tita—" ayokong mag take ng risk. "Hindi mo naman ibebenta yung kaluluwa mo eh, kausapin mo lang yung mga nandun tapos yun na yun. Sundin mo lang yung gusto nila para bigyan ka ng malaking tip." Nagdalawang isip pa ako pero naisip ko rin na mas malaki yung kikitain namin pag papayag ako tsaka kailangan ko rin ng pera para sa requirements ko. Kumuha na ako ng table number."Number 4." Sambit ko pa sa numerong napili ko. Hinanap ko pa yung table four at sakto
"Rain Montreal.""Rain Montreal.""Rain Montreal."Pang ilang ulit kong narinig yung pangalan ko na binanggit ng isang gago na papunta sa direksyon na kinaroroonan ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil alam kong isang asungot lang ang may boses na ganyan. Simula nung tumuntong ako sa unibersidad na ito ay memoryado ko na ang itsura ng lalaking yun at maging boses nito ay kilalang-kilala ko na. Patuloy lang ako sa paghahalungkot ng gamit ko mula sa locker ko at nag-aalalang baka male-late na ako sa next class ko. "Ms. President."Hindi ko pa rin siya pinapansin dahil paniguradong mangugulo lamang siya. Wala yang ginawa kundi ang bwesitin ako. Nang sinara ko na yung locker ko ay naramdaman ko nang papalapit na ang hakbang niya sa likuran ko. "Babe." and this time ay nasa likuran ko na nga siya. Ramdam ko ang hininga niya sa may bandang leeg ko at ang pagdami ng mga labi niya rin doon na nagbigay naman sa akin ng kakaibang boltahe. Yuck! Mandiri nga ako sa pinag-iisip ko. Mul
Dominique Winter Jimenez... ang lalaking kinasusuklaman ko buong buhay ko dito sa unibersidad.Napapansin kong mukhang napakaseryoso niya this past few days. Sa aaminin ko o hindi mas mamabutihin ko pang hindi siya magseryoso. And take note, it's been two days na hindi ko siya nakikita simula nung last encounter namin sa loob ng C.R. I didn't miss him sadyang naninibago lang talaga ako sa kanya. Sabi nila busy lang daw masyado sa studies niya, pero kailangan ba talaga niyang umabsent para don?Magkaklase kami sa ilang subjects at pati ron wala siya. "Aray." Sigaw ko nung matamaan ako ng bola. Shit! Sa sobrang kakaisip ko napadaan na pala ako sa basketball gym kung saan madalas nagpapractice si Jimenez. Paminsan-minsan dumadalaw ako dito para makita ko yung crush ko. Siyempre tao lang rin naman ako, patunay na hindi ako abnormal at marunong ring humanga. Nakita kong papalapit si Fajardo sa direksyon ko. Siya yung vice captain ng basketball at siya rin yung taong gusto ko. Kahit magka
Summer Choice. Yan yung kasalukuyan kong binabasa ngayon. Umuupo lang ako sa may bench ng school ground. Nakakainis na nakakaiyak kasi yung story. They do have the not so happy ending na story. Okay na sana yung lahat pero huli na rin naman kasi para sa kanilang dalawa. Nakakainis yung bidang lalaki. My attention was focused on the book I'm presently reading when a black car suddenly caught my attention. It's Jake's car. Maya-maya pa bumaba na siya. Three days siyang absent at ngayon lang siya pumasok ulit. Napansin kong naka-jersey lang siya dala yung bag niya. He was heading in my way then stopped in my front tsaka siya umupo sa katapat na bench kaya magkaharap na kami. He looked at me for a moment as I looked at him too. I was the first who give up and looked away."Missed me?" he leaned on the table and his one hand at his mouth na tila ba may iniisip. Ngumisi siya ng nakakaloko nung tumingin ulit ako sa kabuuan ng mukha niya. Hazel eyes and a proud nose ever. "You wished." Sab
"Fifty-five thousand." basa ko sa papel na hawak-hawak ko ngayon. Iyon pa ang kakailanganin kong pera para mabayaran ko yung tuition fee ko sa unibersidad na ito. Wala na naman sana akong babayaran kung hindi pa nila binawi sa akin yung scholarship ko. Hindi naman sana ganun kalala yung nagawa kong kasalanan para itanggal nila ako sa scholarship pero sadyang bruha lang talaga ang babaeng yun at dahil sa pera ay napaikot lamang nila ang sistema sa pamamahala dito. Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko nung tingnan ulit yung halaga ng perang kailangan kong pagtrabahuan. Kahit ano pang titig ang ginawa ko sa mga numero ay nanatili pa rin itong malaking halaga. Paniguradong pagagalitan na naman ako nito ng auntie ko pag nalaman niya ang gusot na pinasukan kong ito. "Saan naman kaya ako makakakuha ng ganito kalaking halaga?" isa iyon sa mga tanong na paulit-ulit tumakbo sa aking isipan. Mababaliw na ata ako sa kaiisip ko. Gusto ko na lang sanang itulog lahat nung may papel
Naglalakad ako ngayon sa kahabaan ng hallway ng main building papunta sa Arts and Culture room. Sinabihan kasi ako ng baklang propessor namin na may praktis daw kami sa sayaw pero pili lamang yung pinasali at isa na ako dun para sa darating na event ngayong susunod na buwan. Pinapauna na lang kami ng mentor namin dahil tutal naman daw kailangan naming magsimula ng maaga para hindi kami gabihin sa pag-uwi. Mahaba-haba rin ang nilakad ko nung naalala kong wala pala dito yung dala kong extra t-shirt at short ko para sa praktis namin. Napakagat labi na lamang ako sa katangahan ko. Ngayon ko lang natandaan na nilagay ko pala iyon sa locker ko. Dali-dali akong bumalik sa locker room kahit malayo at doon na rin nagpasyang magbihis. I started walking in the hallway of main building again. Malayo-layo rin at ilang minuto rin ang ginugol ko para lakarin mula doon hanggang dito. Nagtaka ako at wala pang estudyante sa loob ng pumasok ako. Akala ko pa nama
Mahinang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako umupo sa isa sa mga silyang nasa harapan namin. Naghintay lamang yung dean na umupo si Jimenez bago siya nagsalita."Alam niyo naman siguro ang batas na nilabag niyo dito sa institusyong ito." pagsisimula ng dean. "Mr. Jimenez" pagbaling niya ng atensyon sa lalaking kaharap ko ngayon. "Ms. Montreal" pagkilala rin niya sa akin at tiningnan rin ako. Nanatili lang kaming tahimik pareho. Mabuti na nga lang dahil yung paghalik lang sa akin ng lalaking yan yung nadatnan ni Professor Cieba sa room na iyon. "The offense you have both violated is analogous under category three. Doing indecent things and informalities in the school is prohibited." nakatuon lamang yung atensyon ko sa dean. "It's a must to have a conference with you. But because this is your first offense, I will have to consider this as a mistake but of course there will still be a detention for the both of you." ibinaling ko yung atensyon ko sa kanya pero
Tahimik lang kaming kumakain ni Chase ngayon sa cafeteria ng school. Nagulat nga ako at nagyaya siyang kumain daw muna kami. Tumanggi pa ako noong una pero sadyang mapilit siya kaya pumayag na lang ako. Inaamin ko rin namang natuwa rin ako dahil sa pagyaya niya sa akin."Whoa!! Bro! That's effin worst! Mas malala ka!" halos lahat kaming nasa cafeteria ay napaagaw yung atensyon sa grupo ni Jimenez na siyang pagpasok naman nila. Halos akalain mong kanila yung cafeteria dahil kung mag-usap ay sila lang yung nandito. "Chill! It isn't my intention. Sadyang nangyari lang ng kusa yun. Kasalanan rin niya yun!" nakita ko pa yung pagsapak ng balikat ni Ferrer sa nagsasalitang si Jimenez. Narinig pa namin yung malakas nilang tawanan at tudyuhan bago sila nakapwesto sa bandang likuran namin. Nasanay na rin yung mga estidyante na ganun palagi yung eksena kapag yung grupo na nila yung nakikita. Palagi na lang silang agaw atensyon."Sounds great at mukhang di
His' PovI would have given the whole world to her long before if only I never did something stupid. Kung sana ay di ka lang tinakasan ang responsibilidad na magmahal at magpakatotoo sa tunay kong nararamdaman, kung sana ay di ko na lang dinaan sa biro at laro ang lahat, kung sana ay nagtino na ako noon pa, I would already have savored not just the world but the universe I never thought existing."Baby, ssssssh. Mommy's here Ash." I look at the both of them from afar and realized how lucky I was dahil sa kabila ng kagaguhan ko, mayroon akong masasabi kong akin lang hanggang matapos ang kailan pa man. Fudge the cheesiness but that was the hell truth.I tightened my gaze towards Montreal, never leaving a single part of her face to miss in my sight. College pa lang, mahal ko na siya kahit noong mga panahong di ko pa alam ang salitang yan. I love teasing her, underestimating the woman she is, arguing all the ideas the she has, those I called my life because I feel like
I scanned the four corners, kanya-kanyang grupo ang mga nag-uusap. Lahat naman kakilala ko subalit mas pinili ko lang na huwag munang masyadong makipaghalubilo sa kanila dahil naiilang lang ako sa hindi malamang dahilan.Jimenez is still busy socializing with our circle of friends na inimbitahan niya sa proposal niya. Nagmukha na rin naman itong reunion ng batch namin. Double purpose, ika nga nila.Masuyo kong kinakarga si Ash sa aking mga kamay. Mabuti na lang at nasa mood ang anak ko kung hindi ay nag-iiyak na naman ito at kailangan kong patahain."Montreal! What's up? Walang forever, alam mo yun?" yun ang unang bati agad sa akin nung barkada ni Jimenez. If you are guessing kung sino ang asungot noon na tumatawag rin sa akin sa apilyedo ko ay siya ring nasa harapan ko ngayon. "Tumigil ka Ferrer. Hindi ka pa rin nagbabago palibhasa wala kang lovelife, walang babaeng tumatagal sa iyo." diniinan ko pa ang salitang tumatagal para mas lubusan niyang maunawaan iyon
"Hush baby. Stop crying." Hindi ko man gustong umiyak ay hindi ko na mapipigilan ang pag-agos ng mga butil ng luha sa aking mata.Tila may buhay ang mga kamay ko at kusa na lang itong yumakap sa taong pilit akong pinapatahan. "I missed you Raine, so much. It's okay, bumalik na ang dating ikaw, ang babaeng minahal ko, yung palaban, yung kinakalaban ako. Stop it baby." I feel his lips planting kisses on my temple. Nanatili ako sa mga bisig niya. My head leaning his shoulder."I love you." Pilit ko na ring pinapakalma ang sarili ko. I admit, I am comfortable with him. He made me face him. He is trying to dry my tears. Hushing me to stop from being a crying baby."Ash might hear you, he'll be awake knowing his mommy is crying. Baka mamaya sisisihin pa ako ni baby." Without hearing what I want to say, his mouth landed unto mine.Savoring the moment like we were back from the old time. Seems we're lovers who longed for each other's warm, aren't we?"Maha
"You can. You can always go back to me Winter but only if you'll do the right thing first." Hindi ko na napigilan pang bitawan ang mga salita mula sa aking bibig. Napadapo ang tingin ko muli sa kanya. Hinintay ko ang magiging reaksyon niya. Mula sa mga matang titig na titig sa akin ay ibinaling niya ang atensyon sa paligid namin. Ayaw niyang magtama ang mata namin. Agad akong nanlumo, maybe he just can't do the right thing. Anong gusto niya? Kusa akong sasama sa kanya kahit alam kong hindi pa nase-settled lahat? I closed my eyes. "Winter, don't let me fail this time. You have already ample of times which you have failed me. Ilang beses kang humingi ng chances para tanggapin kita ulit kaya ngayon heto na, tinatanggap na kita ulit. Akin ka." Heto naman kasi ang matagal ko nang gustong sabihin. Heto naman kasi ang totoong gusto ko diba? "Hiwalayan mo siya. Ayaw ko nang may kahati ako Winter dahil kahit kailan walang babae ang gugustuhing maging option.
Pain. Iyan ang nararamdaman ko ngayon. Unti-unti na akong kinain ng paghihinayang sa aking nakikita. Ganun pa man, I will stand up with my decision. Sapat na sa akin kung anong ugnayan ang mayroon sa amin ni Winter. He is the father of my child. That is all what he means for me. Iyon na lang. Hanggang doon na lang. We already have this kind of settlement. Anytime, pwedeng dalawin ni Winter yung anak namin... wala akong problema doon. Hindi ko ipinagkait sa kanya ang maging ama para kay Ash. Sapat na siguro iyon para maging okay na ang lahat. It is been three months na rin mula nang mapagkasunduan namin ang tungkol dito. And well, they are happily living together. Hindi na rin naman kasi tutol dito si Maxine. She already knew about our child at wala iyong problema sa kanya since magiging mommy na rin siya. She is just making a favor for Ash's sake. I heaved a sigh as I dismissed my sight towards Winter who is carrying Ash at the moment. He seemingly enjoy the
Walang tigil sa pag-aalsa itong puso ko. Pilit kong nilalakasan ang aking loob sa bawat paghakbang papalayo sa iskandalo kani-kanina lang nangyari na kinasasabwatan ko. Hindi maiwasang manginig ng tuhod ko dahil siguro ay dala na rin sa kahihiyan na maari kong maani nito kalaunan. I am hesitant whether I should follow Winter or not. Kung susundan ko naman siya ay baka mas lalo ko lang pinatunayan na kabit ako na wala namang katotohanan. Kapag hindi ko naman siya susundan ay wala naman akong ibang alam na pupuntahan o ewan ko na nga ba kung may mapupuntahan ako. "Raine! Get in." Napatingin ako kay Winter na hanggang ngayon ay iritado pa rin ang mukha. Nasa loob na siya ng kanyang sasakyan habang hinihintay akong pumasok. "Bilisan mo. The media is fast approaching towards us." Bigla akong napalingon sa likod ko. Halos nakikita ko na ang mga nag-iilaw na camera na kanilang dala kahit ang layo pa lang nila. Kahit ano mang minuto ngayon ay pwede nila akong
Patuloy pa rin sa pagtakbo sa hindi matinong direksyon yung isipan ko ngayon. Tila wala akong naiisip na paraan para gumawa ng excuse. Sige pa rin sa pagtibok ng mabilis itong puso ko. Why does it happened so soon? Natatakot ako sa pwedeng mangyari. Natatakot ako na baka ay kukunin niya si Ash sa akin. He has a power over everything. Sobrang advance ko mag-isip at tila nakakalimutan ko nang sumagot sa mga tanong niya. I can't afford to loss my baby. Naiinis ako sa katangahan ko. Nagkaroon ako ng Ash dahil sa katangahan ko tapos ay maari rin siyang kunin sa akin dahil pa rin sa aking katangahan. "I want to see my son." Seryoso niyang sambit habang nakatitig lang siya sa akin ng taimtim. Inoobserbahan ang bawat reaksyon ko sa sinasabi niya. Parang may sariling utak ang ulo ko na kusa na lang itong lumingo-lingo. I shook my head as no as an answer. "Raine, please." Mabilis pa sa alas kwatro ay nahawakan niya ang kamay ko na ngayon ay sobrang lamig sa kaba.
I stared myself at the mirror before I decided to go out and proceed to the lobby where Winter had told me to meet him.Habang papalakad ako ay di ko maiwasang tumingin sa labas ng hotel. Kitang-kita ang madilim na kalangitan mula sa labas, senyales na gabi na nga talaga. Maging ang mga ilaw na nagmumula sa mg istraktura at sasakyan ay naaanigan ko na rin.Saka ko lang talaga napagtantong mahigit isang oras rin akong nagtagal sa bathtub para makapagrelax man lang saglit. It is my first day here yet I really want to go home.Hindi ko maiwasang isipin ang aking anak. Paano na lang kaya kung umiiyak si Ash ngayon? What if he's missing me? Paranoid na kung paranoid pero yan ang tumatakbo sa isip ko. Nananabik na akong makita si Ash. Tila pakiramdam ko ay ilang buwan ko na siyang hindi kasama. Heto pala talaga yung feeling kapag ganap ka nang isang ina. Yun nga lang ay hindi ko naramdaman ang presensiya ng isang magulang nung bata pa ako. Ni ama ko nga ay hindi ko m
Wala akong pakialam kung nasa ilalim kami ngayon ng araw. Nanatili akong nakatayo sa labas.Hindi ko alam kung ano ang isasagot kay Winter. Will I let him in my life? Will I introduce our child to him? Naguguluhan na ako sa kung alin ang alam kung tama at mali. I must think first. I tried to open my mouth but no words will eventually came out from it. Paulit-ulit na nagbukas-sarado ang bibig ko. I don't know what should I say right now. Idagdag mo pa ang titig niya sa akin. Kahit simpleng "ewan" ay hindi ko mabigkas. Walang boses ang lumalabas sa lalamunan ko. Kinuha niya ang dalawang kamay ko. Hindi niya binibitawan ang mga matang nakatitig sa akin ng maigi. His gaze sends a chill to my system. "Raine, let me---" He was cut off with the voice we hear just aloof from us. "Winter!" dala ang payong para sa proteksyon sa araw ay nakatayo si Max ilang pagitan lang ang layo sa aming kinaroroonan. Ngumisi siya sa amin p