Chapter 22Ilang araw ng walang tulog si Antonia kakaisip at kakahintay sa wedding of the year nina Ava at Richard. Nang malaman niya ang tungkol sa relasyon ng dalawa ay hindi niya na binigyan ng pagkakataon si Ava na makalapit kay Richard. Ngayon lang niya hinayaan magkalapit ang dalawa dahil araw ng kasal ng mga ito. Pero ang sinabi ni Richard kay Antonia ay sa susunod na linggo pa ang kasal nilang dalawa kahit hindi naman ito nagpa book. Ngayon nga ay excited na excited si Ava at hindi maitago dahil sa expresyon ng kanyang mukha. "Mukhang masaya ka Ava. Saan ba ang punta mo?" Tanong ni Antonia. Kakagising lang niya at nagkakape ng bumaba ng sala si Ava na pakanta-kanta pa talaga. "Ah, despida party na naming mag classmate ngayon Antonia. Tapos na ang training ko. Uuwi na ako ng Pilipinas." Masayang sagot ni Ava. Ha! May balak pa kayong iwanan ako at umuwi ng Pilipinas. Bulong ni Antonia sa kanyang sarili. "Oh, ganun ba. Enjoy and congratulations." Ngumiti si Antonia kahi
Chapter 23Umuwing lupaypay sina Richard at Ava sa bahay ni Antonia.At nadatnan nila ang kanilang mga bagahe na nasa labas ng gate."Ang mga make-up ko!" Napasigaw si Ava ng halungkatin ang kanyang luggage bag at wala ang mga mamahaling make-up na pinamili niya."Bakit?" Naiinis na tanong ni Richard.Mainit ang ulo niya dahil sa nangyari. At ngayon lang niya napagtanto na hindi ka papakainin ng pagmamahal. Bagkus ay sa basurahan ang punta niya ng piliin at sundin ang bugso ng damdamin."Mga lumang damit ko lang at gamit ang andito. Wala yong mga pinamili natin." Umiiyak na ngayon si Ava. Kung alam lang niya na mangyayari ito ay sana itinago niya ng mabuti ang mga gamit at alahas na nabili nila gamit ang pera ni Antonia.But it's too late! Balik-mahirap siya!"What?" Natarantang tanong ni Richard.Siya naman ang naghalungkat sa kanyang mga gamit. At wala ni isang alahas na kanilang binili kamakailan lang. Mga lumang damit lang din ang natira sa kanya.Pero andiyan ang lahat ng mga
Chapter 24 Nakarating kaagad sila sa bar sa bilis ng pagpapatakbo ni Ainaliv. "Hindi ko sinabi na gusto ko ng mamatay. Baliw ka talaga Ainaliv. What happened to my hair?!" Napasigaw si Antonia ng makita ang buhok niyang nagkagulo-gulo. "Hay naku bakla. Magsuklay ka nalang diyan. Diba nakalimutan mo si Richard dahil sa ka sisigaw mo?" Nakatawang tanong ni Ainaliv. "Haha! At ngayon ay naalala ko na naman. Baliw ka talaga!" Tumawa nalang ng tumawa si Ainaliv. Ano'ng magagawa niya? Eh, masaya siya! "Let's go at mag inuman na tayo!" Sigaw ni Ainaliv at kinaladkad si Antonia papasok ng bar. "Ang buhok ko!" Sigaw ni Antonia. Nang makapasok na sila sa loob ay ingay ng musika ang sumalubong sa kanila. "Whoah! Let's party bakla!" Tumakbo kaagad si Ainaliv sa dance floor at doon ay walang pakialam na nagsayaw. "Baliw ka talaga! Aayusin ko muna ang buhok ko no!" Hinayaan siya ni Antonia na magwala kahit hindi pa nalalasing. Naghanap si Antonia ng table na malapit la
Chapter 25"Ano'ng nangyari sayo?" Muling tanong ni Ainaliv. Napatigil naman sa pag-iyak si Margarette at tila nahiya sa ginawa niyang pagwawala."Galit ako, Naguguluhan, natatakot, nalilito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko!" Napasambunot nalang si Margarette sa kanyang buhok. "Nababaliw kana rin tulad ni Ainaliv!" Biglang sumulpot si Antonia na hawak ang kanyang suklay."Antonio?" Nagtaka naman si Margarette ng makita ang ayos ni Antonia.Naka make-up at naka mini skirt lang naman ito!"Oh my God!" Napasigaw pa si Antonia.Napatawa naman si Ainaliv. Kahit kailan ay panic attack kaagad si Antonia. Buti nalang at andiyan siya!"Hahaha! Katuwaan lang namin yan Margarette. Medyo nalasing na ako at nag dare itong si Antonio at yan na nga ang resulta. Bagay naman diba?" Nakangiting tanong ni Ainaliv.Napabuntunghininga naman si Antonia. Akala niya ay huli na siya! Bakit naman kasi lumapit pa siya kina Ainaliv. Eh, malay ba niya na si Margarette ang nasa kabilang table?"Ewan ko!
Chapter 26Matapos ang pagwawala ni Antonia ay nalagpasan din niya ang break up mode. Naka move on na siya at focus sa pagpapatakbo ng kanyang kompanya. Ainaliv was there in every success and struggle of Antonia. Lihim siyang nagmamahal kay Antonia kahit bakla ito. Kaya, todo support siya sa mga ginagawa nito.Sumubok si Antonia ng panibagong pag-ibig pero bigo parin siya. Dahil ang bawat nakaka relasyon niya ay pera lang ang habol sa kanya.At tuwang-tuwa naman ang Lola ninyong si Ainaliv!And after 2 years... Ay tapos na ang kontrata ni Ainaliv. Parang kailan lang ay kadarating lang niya sa Paris. Lumipas ang mga araw ng hindi niya namamalayan dahil na busy siya sa pag assist kay Antonia. May pa thank you dinner sa kanya si Antonia sa isang mamahaling restaurant. And this is the moment of truth na makikiusap siya kay Antonia na magpakilala sa kambal. Kahit fake lang ay okay lang sa kanya. Basta maging masaya lang ang kambal. Miss na miss niya na ang mga anak. Parang kailan l
Chapter 27 Nag-impaki kaagad si Ainaliv at walang sinayang na sandali ng makabalik sa bahay ni Antonia. Kailangan hindi siya maabutan ni Antonia. Ayaw niya ng makausap pang muli si Antonia dahil baka magbago pa ang kanyang isipan. Kailangan ang kambal lang ang priority niya. Hindi pwedeng unahin niya ang kanyang nararamdaman! Nakapagsulat pa siya ng maikli bago tuluyang lisanin ang bahay ni Antonia. Para makatipid sa renta ay sa bahay na siya ni Antonia tumira. Ayaw niya sa boarding house dahil baka masakal niya ng tuluyan si Lorena na walang ibang ginawa kundi ang magpasaring sa kanya araw-araw. May taxi na naghihintay sa kanya dahil gusto niyang dumeretso kaagad sa airport at lumipad na pabalik ng Pilipinas. Meron namang flight papuntang Pilipinas pero kailangan maghintay muna siya ng two hours. Kinakabahan siya dahil baka sundan siya ni Antonia sa airport. Baka masyado ka lang feeling Ainaliv. Bulong niya sa kanyang sarili. Inamin na ni Antonia na diskarte at uta
Chapter 28Nakalapag na rin sa wakas ang eroplano ni Ainaliv. Excited na siyang makauwi at makita ang kambal.Welcome home! Sigaw ni Ainaliv habang naglalakad. Wala siyang pakialam kung pagtinginan siya ng mga tao. She's happy!Sumakay kaagad siya ng taxi pauwi sa kanilang bahay. Na mi-miss na rin niya ang kanyang kwarto at higaan.At hindi nga siya nagkakamali. Dahil sa mga oras na ito ay nagluluto ang kanyang Mommy na si Carmina. At ang paborito pa niyang sinigang na baboy ang niluluto nito.Na timing! Bulong ni Ainaliv habang papalapit sa ina.Busy ito sa pagluluto at hindi namalayan ang paglapit niya. Gusto sana niyang gulatin ang ina pero baka atakehin ito sa puso.Naupo nalang siya sa lamesa at pinagmasdan ang kanyang Mommy habang nagluluto.Malapit na ang tanghalian. Maya-maya ay darating na ang kambal at makikita niya na rin ang mga ito."Ainaliv?" Gulat na tanong ng kanyang Mommy ng paglingon nito ay makita siya."Mommy!" Masayang tumakbo si Ainaliv papunta sa ina.Niyakap
Chapter 29Masayang-masaya ang kambal dahil nakapasyal na rin silang muli."I'm so happy Mommy!" Sigaw ni Baby Xander.Wala itong ginawa kundi ang tumakbo ng tumakbo."Baby Xander. Stop running! Nahihilo na ako sa katatakbo mo!" Sigaw ni Ainaliv.Kung si Baby Xander ay takbo ng takbo. Si Baby Liam naman ay tahimik lang sa tabi ni Ainaliv."He's happy. After two years ay ngayon lang ulit kami nakapag mall." Seryosong sabi ni Baby Liam.Labis naman na nagtaka si Ainaliv. Hindi siya makapaniwala! Dahil palagi siyang nagsasabi sa kanyang Mommy na ipasyal sa mall every once a week ang kambal para makapaglaro. "Ano? How come? Sabi ni Mommy ay kada linggo kayo nagpupunta ng mall?" Sunod-sunod na tanong ni Ainaliv.Napabuntunghininga ng malalim si Baby Liam.At hindi ito nagustuhan ni Ainaliv! Nakakaiyak tingnan ang pitong taong gulang mong anak na tila pasan-pasan nito ang buong mundo sa bigat ng kanyang dinadala!"Bakit baby Liam? Ano'ng nangyari sa inyo ng kapatid mo? Tell me the truth!"
Chapter 51Nanlumo si Ainaliv ng makita ang kalagayan ng kanyang Mommy. Na comatose ito dahil may pumutok na ugat sa kanyang utak. Matagal na rescue si Carmina. Kung hindi dumating si Yaya Melba at ang kambal ay siguradong patay na si Carmina ngayon! "Bakit nagkaganito si Mommy?" Tanong ni Ainaliv kay Yaya Melba. Nakayuko si Yaya Melba habang umiiyak. Nanginginig siya sa takot. Hindi niya talaga inakala na mangyayari ito kay Carmina! "Hindi ko alam Ainaliv. Basta pag-uwi namin ng kambal galing sa mall ay nakita nalang namin na nakahandusay si Ate Carmina sa sahig at nagkalat ang kanyang mga gamot." Naiiyak na paliwanag ni Yaya Melba."Nakahandusay sa sahig? Bakit nagkalat ang mga gamot ni Mommy?" Sunod-sunod na tanong ni Ainaliv."Hindi ko alam," mahinang sagot ni Yaya Melba."Calm down, magiging okay din si Mommy Carmina." Gusto ni Antonio na kumalma si Ainaliv. Mukhang stress na stress na ito at baka ito naman ang magkasakit."I can't calm down! Okay pa si Mommy ng umalis tayo
Chapter 50Matapos magpa sarap ni Monica ay handa na siya para sa kanyang paghihiganti.Napangisi siya ng muling tumawag si Ripolito sa kanya.Wala siyang balak na sagutin ang tawag nito!"Mamaya pa ang uwi ko Ripolito. Hindi rin naman ako makakatulog kung hindi makakapaghiganti. Akala siguro ni Ainaliv na may happily ever after siya haha!" Malakas pa itong tumawa bago pinaharurot ang sasakyan papunta sa bahay nina Ainaliv at Antonio.Nag park siya ng kanyang kotse sa di-kalayuan ng bahay nina Ainaliv. Linggo ngayon at sigurado siyang andun si Ainaliv. Ang problema nalang niya ay si Antonio!Nakita niyang lumabas ng bahay ang kambal kasama si Yaya Melba. Pero wala sina Antonio at Ainaliv."Swerte ka ba ngayong araw na ito Ainaliv? Hah!" Naiinis na sabi ni Monica.Napahigpit ang hawak niya sa manibela habang nag-iisip.Napangisi si Monica at kinuha ang cellphone. Tinawagan niya si Ripolito!"Where have you been?' nag-aalalang tanong ni Ripolito."Hon, tulong! Nadisgrasya ako. Puntahan
Chapter 49Naawa nalang si Ainaliv sa sinapit ni Monica. Inintindi niya nalang na dahil sa sakit nito kaya hindi siya matanggap bilang nobya ni Antonio. Hindi rin naman niya masabi na asawa dahil hindi pa sila kasal. Naudlot ang proposal ni Antonio ng dahil kay Monica. Pati ang kauna-unahan niyang company party ay naudlot din. Lahat ay si Monica ang may kagagawan! Kakalimutan niya ang lahat ng ito para sa kanyang pamilya. Mommy parin ito ni Antonio. Ngunit isang araw... Habang busy ang lahat ay walang nakapansin sa pagpuslit ni Monica!Nasa saktong pag-iisip na siya at nais niyang maghiganti kay Ainaliv.Wala siyang problema sa magiging asawa ni Antonio Marco dahil mayaman ito. Ang kinaiinisan niya sa lahat ay ang babaeng napili ni Antonio. At ito ay walang iba kundi si Ainaliv!Mahirap na nga, gold digger pa. Hindi niya alam kung bakit nagustuhan ni Antonio si Ainaliv. Sa dami ng babaeng inireto niya upang maging fiancee ay wala itong nagustuhan ni isa man lang!Bakit nga
Chapter 48X and L fashion has been born. At masayang-masaya si Ainaliv ng mag opening sila ng kanyang bagong kompanya.Hindi naman siya kalakihan. Sakto lang ang opisina na pinatayo ni Antonio. Pero para kay Ainaliv it's already an achievement. Kasalukuyan din silang naghahanap ng mga bagong designers ngayon. At natupad din ang pangarap niya na maging CEO ng sarili niyang kompanya! Ngayon ay ang opening salvo party ng X and L fashion. Naantala ito ng isang linggo dahil marami kaagad orders from online in different countries! Yes, they also cater internationally. At hindi biro ang mga designs ng online fashion shop ni Ainaliv. Nag focus siya sa clothing line which is her forte. At ngayon ay nais palagyan ni Antonio ng cosmetics na pampaganda ang kanyang online shop. Wala pang isang buwan ang kompanya ay mag expansion na kaagad sila!Parang nasa cloud nine si Ainaliv habang nagpapasalamat sa mga bagong tauhan niya. Andiyan lang si Antonio sa likuran niya at laging nakasuporta.
Chapter 47Samantalang sakto naman na lumabas ng sasakyan si Antonio at nakabangga niya si Monica."Sorry," paumanhin niya.Hindi siya pinansin nito at tuloy-tuloy lang sa pagtakbo. Hindi naman nakilala ni Antonio na si Monica ito dahil ibinalik nito ang kanyang bandana."Antonio! Nakita mo ba ang Mommy mo?" Humihingal na tanong ni Ainaliv.Hindi niya alam kung bakit tumakbo siya at hinabol si Monica."Mommy? Hindi ata magpupunta rito si Mommy Ainaliv." Nakakunot noong sagot ni Antonio."Nakita ko ang Mommy mo pero hindi raw Monica ang pangalan niya." Dinama naman ni Antonio ang noo ni Ainaliv kung may sinat ba ito dahil hindi niya maintindihan ang pinagsasabi nito."Totoo nga, ang linaw ng mga mata ko!" Iwinaksi ni Ainaliv ang kamay ni Antonio."Seryoso ka talaga?" Naguguluhan na tanong ni Antonio."Oo, Hindi mo ba nakasalubong yong babaeng naka bandana?" Tanong ni Ainaliv.Nag-isip saglit si Antonio at naalala niya na!"Nakabangga ko nga. Pero hindi naman si Mommy yon." Sagot ni A
Chapter 46 Laking tuwa talaga ni Ainaliv ng hindi na muling bumalik si Monica! May inner peace na rin siya. Si Ripolito nalang ang laging pumupunta sa bahay nila at ipinapasyal ang mga apo. Kahit kailan talaga ay hindi maintindihan ni Ainaliv kung bakit ayaw parin tanggapin ni Monica ang mga apo niya! Wala naman siyang pakialam kung ayaw nito, hindi siya namimilit. Pero misteryo parin sa kanya kung bakit hindi madama ni Monica ang lukso ng dugo sa kambal. O sadyang masama lang talaga ang budhi niya. Ewan! Kausap ni Ainaliv sa kanyang sarili. Maaga siyang nagising at naghanda na sila para sa pagpunta sa puntod ng kanyang yumaong ama. Ngayon lang din nalaman ni Antonio ang nangyari sa Daddy ni Ainaliv. Namatay ito sa isang trahedya kung saan ay nabangga ang sinasakyan nitong kotse. Pero palaisipan parin kay Ainaliv hanggang ngayon ang pagkamatay ng Daddy niya. Ang report ay nabangga daw ang kotse nito pero andun siya ng e rescue ang Daddy niya dahil sumama siya sa kanyang Mom
Chapter 45Kinabukasan din ay nagpa paternity test si Antonio at ang kambal kasama sina Ripolito at Monica. Syempre, sumama rin si Ainaliv. Kakatawag niya lang sa kanyang Mommy Carmina. Sinabihan niya na hindi pa pwede umuwi ang mga ito. Dahil andiyan parin ang witch mother ni Antonio! "Makikita na rin natin sa wakas ang katotohanan." Tila nangungutyang parinig ni Monica kay Ainaliv. Palabas na sila ng ospital at tapos na ang paternity test ng kambal at ni Antonio. Napairap nalang ng kanyang mga mata si Ainaliv. Kever! Hiyaw niya sa kanyang isipan. Alam niya na ang ginawa ni Monica. Talagang napakasama nito! Nagpaiwan si Antonio kasama ang kambal dahil gusto niyang malaman kung may gagawin nga bang milagro ang kanyang Mommy.At meron nga!Binayaran ng kanyang Mommy ang doktor ng limang milyon. Kaka-text lang ni Antonio at dismayadong-dismayado ito sa ginawa ng kanyang Mommy. Hindi niya alam kung bakit ganito ang pinaggagawa nito. Para lang magpakasal siya sa mayamang angkan
Chapter 44Kinabukasan ay maagang nagising sina Antonio at Ainaliv. Hinatid muna nila sina Carmina at Yaya Melba. Pagkatapos ay dumeretso na sila sa ospital para sa paternity test. Ang naiwan sa bahay ay sina Monica at Viola lamang!"Antonio! Gutom na kami!" sigaw ni Monica. Pero walang sumagot sa kanya. "Antonio!" muling sigaw niya."Sa tingin ko, wala nang ibang nandito. Tayong dalawa lang ata, Tita," sabi ni Viola."Sumusobra na yang gold digger na yan! Mula Paris hanggang Pilipinas ay nakadikit pa rin siya kay Antonio," naiinis na sabi ni Monica."Calm down, Tita," sabi ni Viola. "Do you know how to cook?" Tanong ni Monica. Kanina pa siya nagugutom. Ang buong akala niya ay may maid sa bahay ni Antonio. Pero nagkamali siya! Pati ang Mommy ni Ainaliv ay wala rin na dapat siya sana ang tatanggap at e welcome ang mga bisita.Well, sino naman ang may gusto na e welcome siya?At wala siyang pakialam. Hindi siya uuwi ng hindi pumapayag si Antonio na makasal kay Viola!"I'm sorry,
Chapter 43"Mommy is not a gold digger!" Naiinis na sigaw ni Baby Liam."Ow, the bastard son of the gold digger?" Nakangising tanong ni Monica.At hindi ito nagustuhan ni Ainaliv. Pagdating sa kanyang kambal ay hindi niya kayang magpatalo! Ayaw niyang apihin ang kambal dahil mahal na mahal niya ang mga ito.At sariling Lola pa talaga ang humamak sa mga anak niya!"You're a bad Grandma!" Galit na sigaw ni Baby Xander.Naunahan pa si Ainaliv ng mga anak.Good job boys! Sigaw ni Ainaliv sa kanyang isipan.Magsasalita na sana siya pero naunahan din siya ni Antonio. She's proud and feel loved that her three boys loves her so much."Theya are not bastards. They are my kids!" Galit na sigaw ni Antonio."Ha! Talagang inangkin mo na mga anak itong mga bastardong bata?" Matalim ang dila ni Monica at hindi na ito nagustuhan ni Carmina. Ayaw niyang tumayo lang at pagmasdan na apihin ang kanyang anak at mga apo."Mawalang galang na Madam. Pero anak sila ni Antonio. At apo mo rin sila. Hinay-hin