CELINE3 years later..."Ma'am Celine, saan po ba namin dadalhin ang mga 'to?" tanong sa akin ng kasambahay ko na si Mia. Tinanong niya ako kung saan dadalhin ang mga damit na inilabas ko sa closet. Hindi ko na kasi nagagamit ang mga 'yon kaya inilabas ko na lang. Punong-puno na ng mga damit ang closet ko kaya nagbabawas na ako."Sa inyo na lang ang mga damit ko na 'yan, Mia. Marami 'yan kaya pagpilian n'yo na lang nina Lora at Janine kung ano ang gusto n'yong damit sa mga 'yan. Sa inyo na 'yan, okay?" sabi ko sa kanilang tatlo. Ibinibigay ko na ang mga damit na 'yon sa kanilang tatlo. Nagkatinginan sila pagkasabi ko na sa kanila na 'yo. Hindi sila makapaniwala."Talaga po ba, Ma'am Celine?" tanong ni Lora sa akin.I smiled at her and said, "Oo. Sa inyong tatlo na ang mga 'yan. Hindi ko na kasi nagagamit 'yan, eh, kaya binibigay ko na sa inyong tatlo. Puno na kasi ang closet ko kaya sa inyo na lang 'yan." Natuwa naman sila sa sinabi ko na sa kanila na lang ang mga 'yon na damit ko na
DAVIDMatapos kong pumunta sa sementeryo ay tumungo ako sa condo unit ng best friend ko na si Rafael na kahit alam ko na pagagalitan na naman niya ako ay pumunta pa rin ako. Alam na alam niya ang nangyari sa akin kaya ganoon na lang niya ako pagalitan."Saan ka pumunta, huh?" seryosong tanong niya sa akin habang nakaupo sa couch na problemadong-problemado. Namumugto ang mga mata ko na halatang umiyak ako kanina. Nagpakawala muna ako nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa tanong niyang 'yon sa akin kung saan nga ako pumunta. "Pumunta ako sa sementeryo, bro," mahinang sagot ko sa kanya na hindi nakatingin sa kanya. Kahit tumingin ako sa kanya ay alam ko na nakakunot na naman ang noo nito."Pumunta ka na naman sa sementeryo? Ano naman ang ginawa mo doon, huh? Kinausap mo na naman ba si Tita Ronaldo? Humingi ka na naman ba sa kanya ng tulong?" sunod-sunod na tanong niya sa akin na dahan-dahan ko naman ngang tinanguan."Oo, bro. Humingi ako kay daddy ng tulong..." mahinang usal
CELINE"Ba't ka napatawag sa akin, Derek?" tanong ko sa kanya pagkasagot ko sa tawag niya. I heard him gasped for air before he speaks to me. "Gabi na. Hindi ka pa ba natutulog, huh?""I know it's getting late now, but I really want to talk to you, Celine," seryosong sagot niya sa akin sa kabilang linya."Bakit naman, huh? Bakit mo naman ako gusto na makausap, huh? Hindi ka pa ba inaantok, Derek?" tanong ko pa sa kanya."Hindi pa nga, eh. Hindi pa ako inaantok sa totoo lang, Celine. Kaya kita gusto na makausap dahil hindi pa ako inaantok. Kung inaantok na sana ako ay hindi na ako tatawag sa 'yo ngayon, 'no? I have to sleep now," sagot niya sa akin.Huminga ako nang malalim at binasa ng aking laway ang aking mga labi na nagsisimulang matuyo."Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin, huh?" tanong ko pa sa kanya."Wala lang. Kung ano ang mapag-uusapan natin ay 'yon ang pag-usapan nating dalawa, Celine. Kahit ano ay puwedeng pag-usapan nating dalawa. Ano pala ang ginagawa mo, huh?" sabi ni
DAVID "Kailangan mo akong tulungan, bro. Tulungan mo akong mahanap ko siya, please. Kahit 'yon lang ang gawin mo para sa akin. Matulungan mo sana ako, bro. Tulungan mo akong mahanap ko si Celine. Siya lang ang tanging naiisip ko na makakatulong talaga sa problema ko na 'to. Tulungan mo ako, bro," sabi ko sa best friend ko na si Rafael na kahit 'yon lang ang itulong niya sa akin ay walang problema. Tulungan niya ako na mahanap ko si Celine.Seryosong tinapunan ako ng aking best friend ng tingin. "Bro, hindi na kita matutulungan pa n'yan na hanapin si Celine. Hindi na kita puwedeng samahan n'yan, bro. Aalis na ako next week patungong Canada, right? Kaya hindi na talaga kita matutulungan pa," nakangusong sagot ng best friend ko sa akin. "Alam ko naman 'yon, bro. Alam ko naman na aalis ka na next week. Ang ibig kong sabihin sa 'yo ay tulungan mo ako na hanapin siya gamit ang mga koneksiyon mo kung meron man kasi wala na akong ganoon, eh. May kilala naman nga ako ngunit wala naman akong
DAVID Kinabukasan nga ay umalis na ako patungo sa probinsiya kung saan ko matatagpuan si Celine. Nagpaalam na ako kay Rafael na best friend ko. Sinabihan ko siya na mag-iingat siya sa biyahe niya sa Tuesday patungong Canada. Sinabi ko na 'yon sa kanya dahil baka hindi pa ako makakauwi nito sa Tuesday. Hinatid pa nga niya ako sa terminal ng mga bus. Pinuntahan muna namin ang puntod ng mga magulang ko bago dumiretso sa terminal. Sinabi ko kay daddy na pupuntahan ko si Celine sa probinsiya kung saan ito nakatira. Hindi na ako nag-eroplano pa para makatipid ako sa pamasahe. Sampung oras ang tagal ng biyahe papunta sa probinsiya nila.Nakahinga ako nang malalim pagkasakay ko sa bus. Makikita ko na rin muli si Celine sa wakas. May kaunting kaba ngunit kailangan ko na talagang gawin ang sadya ko sa kanya. I really need her help. Kahit ano ay gagawin ko basta tulungan lang niya ako na makabangon muli sa pagkakalugmok kong 'to. Nakaidlip ako sa biyahe. Tamang-tama isang oras na lang ay nasa b
CELINE Ilang minuto muna ang lumipas bago siya nagsalita muli sa harapan ko. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko habang magkaharap kaming dalawa ni David. He took a deep breath first and said, "Huwag mo nang alamin pa kung paano ako nakapunta dito sa probinsiya n'yo at paano kita nahanap. Ang importante sa akin ngayon ay nahanap na nga kita, Celine. Kaya ako pumunta dito ay...""Ano?" kunot-noong tanong ko sa kanya."Pumunta ako dito sa 'yo para humingi ng tulong sa 'yo. I really need your help, Celine. Sana ay matulungan mo ako, please. I badly need your help, Celine," sabi niya sa akin at mas lalo pa akong napakunot-noo.Bakit naman niya kakailanganin ang tulong ko? Mayaman siya, 'di ba? Hindi dapat siya humihingi ng tulong sa akin. Galit siya sa akin, 'di ba? Bakit ngayon ay kailangan na niya ang tulong ko? Naalala ko tuloy ang mga masasakit na salita na sinabi niya sa akin dati. Tatlong taon ang nakalilipas ngunit ngayon na nandito siya sa harapan ko at naalala ko ang mga sinab
CELINE "Ngayon ay naranasan mo na ang naranasan ko dati nang nagmamakaawa ako sa 'yo na huwag mo akong paalisin sa mansion n'yo. Naranasan mo na talaga, David. Ngayon ay tatanungin kita, ano sa pakiramdam ang nagmamakaawa, huh? Masarap ba sa pakiramdam, huh? Nawala na sa 'yo ang lahat, David. Hindi ka na makakapagyabang pa. Naputulan ka na ng buntot. Dati ako ang minamaliit mo, 'di ba? Ngayon mamaliitin mo pa ba ako? Baliktad na ang takbo ng mundo natin, David. Gusto mo rin ba na maranasan pa ang ibang naranasan ko dahil sa 'yo, huh?" tiim-bagang na sabi ko kay David. Sa sinabi kong 'yon ay pinapaalala ko lang sa kanya ang mga ginawa niya sa akin na hindi maganda na nararanasan na rin niya ngayon. Kung ano ang naranasan ko ay 'yon na rin ang nararanasan niya.Hindi siya nakapagsalita matapos ko ngang sabihin 'yon sa kanya. Napangiwi siya matapos 'yon. Napatungo pa nga siya. Siguro napahiya siya sa sinabi kong 'yon sa kanya.Ilang minuto muna ang lumipas bago siya nagsalita sa akin. H
DAVID Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga nang iwan ako ni Celine sa kuwarton na tutulungan ko habang nandito ako sa bahay niya. Malaki naman ang kuwarto. Hindi na ako nagreklamo pa. Wala naman akong puwedeng ireklamo sa kanya. Tutulungan na nga ako niya, eh. Bibigyan pa niya ako ng trabaho. Dito pa ako sa bahay niya matutulog habang nandito ako sa probinsiya. May kailangan pa ba akong hingiin sa kanya? Wala naman na, kailangan na makuntento na lang ako sa binibigay niyang tulong sa akin. Imbis na magreklamo pa ay magpasalamat na lang ako sa kanya dahil hindi niya ako tinanggihan. Tinulungan pa rin niya ako kahit hindi ako naging mabait sa kanya dati. Hindi naman niya ako natiis, eh. Hindi talaga ako nagkamali na tutulungan talaga niya ako. Siya lang talaga ang makakatulong sa akin at wala nang iba pa. Sana ay mapatawad pa rin niya ako sa nagawa kong hindi maganda sa kanya. Hindi man ngayon, sana sa tamang panahon ay mapatawad niya ako.Naluluha tuloy ako habang nakaupo