Kapapasok pa lamang namin ni Tyrone sa apartment ay agad na niya ako na ikinulong sa mga bisig niya at isinandal sa may pintuan. "Hon, I miss you so much." bulong pa niya sa tainga ko.At alam na alam ko ang ibig sabihin ng mga salita na iyon. Sa mga pagkakataon na ganito ay pareho kami na walang sinasayang na oras upang iparamdam ang mga damdamin namin para sa isa’t-isa. Agad niya na sinakop ang labi ko upang ibigay sa akin ang mapusok na halik niya, at tinugunan ko ang lahat ng iyon sa pareho na intensidad. Halik pa lamang ay halos mabaliw na ako sa sensasyon na ipinaparamdam sa akin ng aking nobyo. Napapapikit pa ako habang padiin nang padiin ang halik niya at ang mga kamay niya ay naglalakbay na rin sa iba’t-ibang parte ng katawan ko."Royce." Hindi ko maiwasan ang paglabas ng mga halinghing na iyon na lalo lamang nagpapabuhay sa pagnanasa namin para sa isa’t-isa."Fuck, Rave, you're making me hard." Bumaba ang mga halik niya sa akin leeg patungo sa akin dibdib kaya naman lalo ako
Simula nang umalis sina Trey at Tyrone kanina ay hindi ko na rin nagawa pa na pumunta sa aking silid at nanatili na lamang ako rito sa sala habang wala rin tigil ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi na ako nakakilos pa at naestatwa na lamang ako sa kinauupuan ko habang unti-unti rin na para akong nawawalan ng lakas na harapin ang problema na kinakaharap ko ngayon. This is the reality that I am so afraid of, yet everything just seems surreal at this point for me. Hindi ko inaasahan at lalo na hindi pa rin ako makapaniwala na matapos ang mga pagtatago namin ay sasambulat na rin ang madilim na lihim namin ni Tyrone. Hindi ko akalain na walang kaabog-abog na malalaman ni Trey ang lihim ko.At takot na takot ako ngayon sa sitwasyon na kinasasadlakan ko. I saw the anger in Trey’s eyes, and I saw the uncertainty in Tyrone, and I know that at this point, the only possible outcome of all of this is that I will lose both brothers. I will lose a lover and a best friend. At pareho na masakit iyon
Matapos ang hindi inaasahan na paghaharap na iyon sa apartment ni Raven ay nagmamadali na umuwi si Tyrone sa bahay nila ng asawa niya. Kinakabahan siya sa pagbabanta ng kapatid niya, at isa lamang ang nasa isipan niya at iyon ay ang masigurado na walang sasabihin si Trey sa asawa niya na si Ivory.Gulong-gulo ang isipan niya habang pauwi siya sa kanila. Ayaw niya sana na iwan si Raven kanina, pero mas lalo na malaking gulo kapag naunahan siya ni Trey na magsumbong kay Ivory tungkol sa mga nalaman nito.His plan was to actually follow Trey and talk to his brother, but he had a change of heart and decided to ensure that his dark secret would be kept hidden from his wife. And he was so relieved when he got home. Nangangapa pa nga siya kung paano niya pakikiharapan ang asawa niya, pero wala naman nagbago sa pakikitungo nito sa kan’ya at masaya pa rin siya na sinalubong nito. And all he could do when he saw her was hug his wife tightly and still be grateful that Trey didn't say anything.Li
Napabalikwas at napatayo si Trey buhat sa pagkakahiga nang maalimpungatan siya. Agad siya na napasulyap sa orasan sa kan’yang silid at napahilot na lamang siya sa kan’yang sentido nang makita niya na late na siya sa trabaho. He had overslept and didn't want to go to work today, and at this point, he doesn't care at all what his brother has to say to him. Sigurado rin naman kasi siya na hindi siya direkta na sisitahin ngayon ni Tyrone dahil sa mga nalaman niya kagabi na sikreto nito.Napasabunot pa siya sa kan’yang buhok nang maalala niya ang tagpo na nakita niya sa apartment ni Raven kagabi. At kapag naiisip niya iyon ay parang sinasaksak ang puso niya sa sakit na nararamdaman niya. He had an inkling that something was going on between his brother and his best friend, but he tried to disregard those feelings and his intuitions, but in the end, the dark secret of his brother and the love of his life surfaced.Kinuha niya ang telepono niya at saka siya muli na bumalik sa kama. Patuloy si
Walang salita pero madidilim ang mga tingin na ipinupukol ng magkapatid na Tyrone at Trey sa isa’t-isa. May kung ilan minuto na rin sila na magkaharap, pero buhat nang dumating si Tyrone sa condo unit ng kan’yang kapatid ay wala silang ginawa kung hindi ang magtitigan lamang. At kung nakamamatay lamang ang tingin, kanina pa rin marahil bumagsak at nalagutan ng hininga ang magkapatid.Pareho na tensyonado sina Tyrone at Trey sa paghaharap nila na ito. At alam din ni Tyrone na maaari na hindi maganda ang kalabasan ng pag-uusap nila na dalawa, kaya naman siya na rin mismo ang nagdesisyon na sadyain ang kapatid sa condo nito. It is better this way than for Trey to make a scene either in the office or at his house, where Ivory would know everything.Hindi malaman ni Trey kung ano ang lubos na mararamdaman para sa kapatid niya na kaharap niya sa ngayon. Kanina pa siya napapakuyom ng kan’yang kamao upang pigilan ang matinding emosyon na lumulukob sa kan’ya. Paulit-ulit niya na sinasabi sa kan
"Raven!" Napakunot ako ng noo ko nang pumasok si Ashley sa silid ko at agad na binuksan ang ilaw. "You’re moping again." Agad ko na tinakpan ng unan ang mga mata ko at hindi kumibo. I wanted to have this day all to myself. I wanted to spend my time in darkness and wallow in my misery, but of course that is just wishful thinking on my part. "Raven, bumangon ka nga riyan at mag-ayos ka. Anong oras na pero nagkukulong ka pa rin dito.""Wala akong schedule ngayon, Ash. Wala akong trabaho kaya hayaan mo ako na manatili rito." Iritado na tugon ko sa kan’ya habang hindi pa rin inaalis ang nakatabing na unan sa mukha ko. "I want to rest and sleep the whole day."Nagulat na lamang ako nang hatakin niya ang unan at umiiling-iling pa na nakatitig sa akin. "Stop doing this to yourself, beshie. Stop punishing yourself. Ang mabuti pa ay bumangon ka na riya at kumain. Nagdala ako ng pagkain para sa’yo." "Ayaw ko kumain." Ipinikit ko na lamang muli ang mga mata ko at hindi na sumagot pa kay Ashley. I
There are a lot of unspoken words between us, and we both know how much we want to say something, but at this point we seem to have lost all our strength to do so. At aaminin ko na habang kaharap ko ngayon si Trey ay lalo lamang ang pagbigat ng kalooban ko. Ashley left at the same time that Trey arrived. She wanted to give us privacy and the time to talk things out, and I don't even know if that is a good thing or a bad thing. Nawawalan kasi ako ng lakas ng loob ngayon na simulan ang pag-uusap namin ni Trey dahil na rin sa hiya na nararamdaman ko. And the silence between us is slowly killing me. Mas gugustuhin ko pa na magalit na lamang siya sa akin kaysa ang hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.I kept fumbling in my place, at alam ko na nahahalata na rin ni Trey ang tensyon ko. But as much as I wanted to utter anything, I couldn't even find my voice to do so. And it should not be like this. Hindi ako dapat na kinakabahan ng ganito kung para sa akin ay tama ang pagmama
Kung inaakala ko na masasagot ko na ang mga katanugan ni Trey dahil sa naging tugon ko na iyon ay nagkamali ako. It only opened up a whole lot of questions for him after that truth."What? Nauna ka kay Ivory? How can that be, Raven? Hindi maaari na sabihin mo na ikaw ang nauna, Tyrone and Ivory were arranged to be married a long time ago.""I am telling you the truth, Trey. Hindi ko sinasabi na paniwalaan mo ako, pero iyon ang totoo. Ako ang inagawan, kaya huwag mo ako husgahan dahil kung may lubos na nasasaktan at nahihirapan sa sitwasyon na ito, ako iyon at hindi si Ivory."Wala akong balak na magpaawa kay Trey para maintindihan niya ang punto ko, pero wala rin akong balak na patuloy na masisi sa isang bagay na hindi ko naman ginusto. Walang kahit na sino na babae ang nais na maging kabit. Walang babae ang nanaisin na magkaroon ng kahati sa lalaking mahal niya. All women wanted to be the priority and not an option, kaya kung may iba lamang ako na pagpipilian ay hindi ko papahirapan a
Thank you sa lahat ng sumuporta at nagbasa sa story ko na ito. Sobrang sorry din po dahil natagalan sa pag-update dahil naging busy na sa work. Sana po ay i-support ninyo rin ang iba ko pa na story:Completed (Tagalog Stories)The Invisible Love of Billionaire - Colton and Atasha storyMarried to the Runaway Bride - Mikel and Tamara storyFalling for the Replacement Mistress - Kenji and Reiko storyThe Rise of the Fallen Ex-Wife - Evan and Harper storyEntangled to the Hidden Mafia - Zane and Serenity storyOn-Going (Tagalog Story)Framed the Prince to be My Baby Daddy - Aldrick and Russia storyComplete (English Story)My Back-Up Boyfriend is a Mafia Boss - Elliot and Ariella storyOn-Going (English Stories)The Dragster's Mafia Heiress - Calix and Kaira storyThe Runaways' Second Chance Mate - Blaze and Snow story
"Yeah, I will. Darating ako." Iyon na lamang ang huling sinabi ko tsaka ko tuluyan na pinutol ang tawag. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko at saka ako napasandal sa aking kinauupuan. Pumikit ako at hinimas-himas ang aking noo dahil sa balitang natanggap ko.I am having mixed emotions right now. Tumawag kasi si Trey upang ibalita sa akin ang plano nila na pagpapakasal ni Raven. I am not expecting that my brother will call me, but he did, and a part of me feels glad that Trey did, because I feel that my brother still respects my presence in his life.A year ago, Trey called me as well to tell me that Raven and him are finally together. Hindi ko rin inaasahan ang pagtawag na iyon dahil hindi naman na rin namin lubos na naibalik pa ang dating samahan namin bilang magkapatid, but that move from Trey showed me how much my brother still values me despite everything.At nang sabihin ni Trey sa akin sa tawag na iyon na sa wakas ay pormal na silang magkarelasyon ni Raven ay wala akon
"Hi, Raven."He is here. He is here in front of me. Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko ngayon habang kaharap ko ang lalaki na kanina lamang ay nagbibigay sa akin ng samu’t-saring emosyon. I was worried, I was frustrated, I was disappointed, but now all I am feeling is happiness. Masayang-masaya ako na makalipas ang ilang buwan nang pag-iwas namin sa isa’t-isa ay ito na kami ngayon at magkaharap na ng personal""So siyempre aalis na ako, hindi ba? Alam ko naman na hindi ako kasama sa dinner na ito." Pagsasalita ni Ashley sa may bandang likuran ko. "Ikaw na ang bahala kay Raven, Trey.""Yes, and as always, thank you, Ash." Sagot niya sa kaibigan ko pero ang mga mata niya ay sa akin pa rin nakatuon. Kagaya niya ay hindi ko rin maalis ang atensyon ko sa kan’ya. Hindi ko na nga rin nagawa na lingunin pa si Ashley upang magpaalam dahil ang nasa isip ko ay ibigay lamang ang buong atensyon ko kay Trey. Hindi maaari na mawaglit siya sa paningin ko dahil baka mawala na naman siya ka
Kanina pa hindi mapalagay si Raven. Hindi nga niya magawa na makapagpokus sa trabaho niya dahil naiinis siya. Alam niya na napapansin na rin siya ni Ashley pero gano’n pa man ay balewala iyon sa kan’ya dahil sa gumugulo sa isipan niya."Rave, anong problema mo?" tanong nito sa kan’ya. "Kanina ka pa wala sa focus. What’s wrong with you? Isang set na lang naman at matatapos ka na, kung ano man ang iniisip mo ay kalimutan mo muna. May sakit ka ba?"Umiling na lamang siya at hindi na sinagot ang kaibigan at isinenyas na lamang na ipagpatuloy na nila ang huling set para makauwi na rin siya. Wala siya sa mood ngayon araw dahil may kulang sa araw niya. Kanina pa siya na naghihintay simula nang magsimula sila pero last set na niya ay wala pa rin na dumarating.At aaminin niya na hindi siya sanay sa ganito. Pakiramdam niya ay may nagbago at ang pagbabago na iyon ay hindi niya gusto. Malimit ay hindi niya ipinapakita ang appreciation niya, pero ngayon ay hinahanap-hanap naman niya. Ito kasi ang
It has been more than six months, and Trey thought it would be easy to make it through, but things just get harder each day. Lalo siya na nahihirapan sa pagdaan ng bawat araw at ilang beses na rin siya na nagtangka na puntahan si Raven, pero sa tuwina ay naaalala niya ang naging takbo ng usapan nila, at sapat na iyon para mapigilan siya sa mga plano niya. Nangako siya na maghihintay siya, kaya kahit na mahirap ay pilit niya na kinakaya ang lahat. Ayaw niya na ma-pressure si Raven kung kaya't nagkakasya na lamang siya sa pagpaparamdam na nasa paligid lamang siya ng babae at naghihintay.Mahirap na maghintay lalo na at walang kasiguraduhan, ngunit pinanghahawakan na lamang niya sa bawat araw ang naging huling pag-uusap nila ni Raven, lalo na ang paulit-ulit nito na pagsabi sa kan'ya na mahal pa rin siya nito.---"Mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon, Raven. Hindi nagbago ang pagmamahal ko na iyon kahit na ano pa ang nangyari sa nakaraan. Hindi nag-iba ang nararamdaman ko para
"Delivery for Ms. Raven De Ocampo."Ang buong paligid ay napuno na naman ng mga bulong-bulungan at pagkakilig buhat sa mga kasamahan ni Raven dahil sa pagdating na naman ng delivery na ‘yon. At dahil nakasalang pa si Raven sa set niya ay si Ashley na lamang muna ulit ang tumanggap nito, pero ang mga mata ni Raven ay nakatuon na naman sa dumating na padala na iyon.This has been the constant scenario whenever she is at work. Lagi na lamang siya na may natatanggap na iba’t-ibang padala at hindi na niya kailangan pa na hulaan kung kanino iyon nanggaling. Isang tao lamang naman ang malimit na nagpapadala sa kan’ya ng kung ano-ano: Si Trey Lorenzo.Nang maisip si Trey ay bahagya na nagsalubong ang kilay niya. Nawala na naman siya sa kan'yang pokus pero pilit pa rin naman niya na ginampanan ng maayos ang kan'yang trabaho. Hindi maaari na muli siya na mawala sa kan'yang mga prayoridad. Iwinaksi muna niya sa kan'yang isip ang tagpo na iyon at tinapos na lamang muna ang trabaho.Nang matapos an
"Are you going somewhere, Rave? I'm sorry for coming here unannounced, but can we talk? Puwede mo ba ako bigyan ng kahit na sandali lamang na oras mo para makapag-usap tayo?"Trey standing in front of me is really unexpected at this point. Hindi ko inaasahan na darating siya ngayon at nanaisin din na makausap ako. Are we really on the same wavelength that he is also thinking of the same thing that I was thinking?"Rave, I really wanted to talk to you.""Where have you been?" Iyon lamang ang naging tugon ko sa kan’ya dahil hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat ko na sabihin ngayon nasa harapan ko siya. Lahat ng mga inihanda ko na sasabihin sa kan'ya ay bigla na lamang nawala sa aking isipan at blangkong blangko ako ngayon."I know that you are mad, and I am sorry for leaving again. I just needed to clear my mind off of things. HIndi iyon sapat na rason at alam ko iyon, pero iyon lamang din ang dahilan ko kung bakit ako biglaan na umiwas sa'yo. I honestly got scared about a lot of thin
Several days had passed, and both Trey and Raven decided to give themselves time away from each other. Alam nila na marami silang dapat na pag-usapan, pero pareho sila na napupuno ng takot sa puso nila kahit na marami ang nag-uudyok sa kanila na kausapin na ang isa’t-isa. And in those days that they chose to be away from each other, a lot of realization came through them. Pareho nila na napagtanto na walang magagawa ang pag-iwas nila na harapin ang isa’t-isa. Walang mangyayari kung pareho lamang nila na pipiliin na layuan ang isa’t-isa nang wala man lamang sapat na eksplanasyon. Patuloy laman nila na masasaktan ang bawat isa kahit hindi iyon ang nais nila kung pareho sila na mag-iiwasan dahil sa mga takot na gumugulo sa isipan nila.Kung tutuusin ay wala naman talaga silang problema, ngunit ang matinding takot nila na sinamahan pa ng kung ano-anong mga katanungan sa isipan nila ang siyang dahilan ng pagkakalayo nila. Kaya saan nga ba sila magsisimula para putulin ang distansya na iyon
Wala siyang nagawa nang iwan sila ni Roxy at magpumilit ang kapatid na kausapin siya. Kagaya na nga sa sinabi niya kanina ay ayaw niya ng confrontation. Hindi siya handa na mag-usap sila dahil pagod na pagod na siya sa pakikipagtalo sa kapatid at sa tingin din niya ay wala na rin naman silang dapat pa na pag-usapan."Saan ka nanggaling? Ilang araw ka na nawala. Hindi ka nagsabi kina mama kung saan ka pupunta."Nakasandal lamang siya habang nakapikit at hinihimas ang kan’yang noo kahit na kinakausap siya ni Tyrone. Tahasan niya na ipinapakita na hindi siya natutuwa sa paghaharap nila na ito at wala siyang balak na makipagplastikan. And he just hoped that Tyrone would take the hint and just leave him alone."Trey," tawag nito sa kan’ya. Hindi siya dumilat para tingnan ang kapatid at patuloy lamang na nakapikit at nagpapanggap na walang naririnig. "Alam ko na ayaw mo ako na makaharap pero nandito ako dahil kay Raven.""Wala tayong dapat na pag-usapan patungkol sa kan’ya." tipid na sagot n