Thank you so much for coming this far!
ZANEVY FREALIZA DALAWANG LINGGO na ang nakalipas na makita ko ang pinakamasamang bangungot ng buhay ko. Ang mga pangyayari na hindi ko inaasan. Mga bagay na imposible pero posible. Mga pangyayari na makakapagpapabago ng buhay ng tao at maari rin maging katapusan ng buhay ng tao. Dalawang linggo na rin kaming magkasama ni Baby Fria. Para pa rin akong nanaginip na kasama ko ang anak ko. Sinusulit ko ang mga oras, araw, gabi, at buwan na hindi kami magkasama ng anak ko. Lumaki na nga siya at malaki rin ang pinagbago niya. Madami siyang kakayaan na hindi ko maintindihan na tanging si Tahn at Thyne lang ang nakakaintindi, hindi ko nga maiwasang hindi magtampo sa dalawa dahil sa mas hinahanap pa sila ni Baby Fria kaysa sa akin. Kahit ganu'n sobra pa rin akong nagpasalamat dahil sa kanila buhay pa rin ang anak ko at tatanawin kung isang malaking utang na loob.“Zane, tulog na si sweet bunny!” Bungad sa akin ni Tahn nang makalabas sa silid ni Baby Fria.Hindi ko ito mapatahan kahit ginawa
ZANEVY FREALIZADALAWANG araw na ang nakalipas na malaman kung nasa ibang bansa na siya at wala nang balak pang bumalik. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na hindi niya pagkaka-interesan na kunin sa akin si Baby Fria o dapat akong malungkot dahil hangang ngayon madami pa rin akong katanungan na kailangan ng sagot.“Kung talagang importante kayo sa kaniya tulad ng sinasabi mo, hindi siya aalis na para bang walang pakialam.” Inabot sa akin ni Ivan ang isang baso na may lamang strawberry juice. Ngumiti ako sa kaniya bago ito tinanggap.“Hindi sa ganu'n 'yon, kasalanan ko rin naman kung bakit umalis siya ng hindi kami nagkaka-usap, iniiwasan ko siya.”“Ilang luha pa ba ang papatak diyan sa mga mata mo nang dahil sa lalaking 'yan? Bakit ba kasi sa dami-dami nang matinong lalaki sa mundo sa kaniya ka pa nagkagusto? Tingnan mo, ginagago ka lang no'ng tao. Ang sarap niyang dikdikin at itapon sa dagat! Kapag nakita ko talaga ang pagmumukha ng lalaking 'yan isusubsob ko 'yan sa tae ng k
ZANEVY FREALIZANAIINIS na iniwan ko ang ginagawa ko nang mapansin ko si Thyme na papalapit sa akin at panay ang salita. Pumunta ako sa kusina at wala pang sampong minuto nasa tabihan ko at pinagpapatuloy ang mga kwento niya ganu'n rin ng pumunta ako sa sala.“Tumigil ka na!” Singhal ko sa kaniya.Humarap ako sa kaniya na bakas sa mukha na hindi pagkagusto sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Kahit isang linggo niya pa akong paliwanagan niyan wala akong pakialam dahil hindi 'yan ang gusto kung marinig mula sa kaniya.“I won't stop until I explain everything.” “Sige! Ipaliwanag mo, ginagamit mo pa rin ba ako hangang ngayon? Ano na naman ba ang makukuha mo sa pagkakataong 'to?” Walang alinlangan tanong ko sa kaniya. Hindi ko inalis sa kaniya ang mata ko kaya kitang-kita ko kung paano siya natigilan at napalunok bago sinalubong ang tingin ko. Sa dami-dami ng mga sinabi niya ni minsan hindi ko narinig sa kaniya ang tungkol sa bagay na 'to. Ikinu-kwento niya sa akin ang mga bagay na
ZANEVY FREALIZADALAWANG LINGGO na simula ng umalis kami sa mansion ni Mama. Maayos na kami ni Mama at ganu'n rin sila ni Thyme. Mas close pa nga sila ni Mama kung tutuusin dahil may pa bulong-bulong pa sila.Dumaan kami si Mansion nila Thyme para makita ang parents niya at higit sa lahat ang best friend kong si Bea. Nakakalungkot dahil hindi namin sila na abutan, lumipad na ang mga ito papunta sa ibang bansa kasama si Bea.“Kung mas maaga sana tayong umalis, naabutan natin sila.” I pouted.“Don't be sad, if you want to let's go there.” “Sira ka ba? Ang layo-layo ng abroad kung makapagsalita ka para namang ang lapit-lapit lang.” “Kung para sa kaligayahan mo... Walang malayo, walang mahirap. Malakas ka sa akin...” Where did he get this sweetness?Nalulungkot man ako na hindi ko si Bea nakita sa huling pagkakataon, masaya naman ako para sa kaniya na hindi pa huli ang lahat para sa kaniya ang magkaroon ng maginhawang buhay at maramdaman ang sarap ng pagmamahal ng isang pamilya.Nang mi
ZANEVY FREALIZANASA isang private resort kami na pag-aari ng mga Sandoval para ipagdiwang ang kaarawan ni Baby Fria. Kasama namin ang mga magulang namin ni Thyme; masayang nagk-kwentuhan sa isang table na nakahanda para sa kanila. Hindi mawawala ang mga pinsan ni Thyme; always present yata ang mga 'to at hindi mawawala.Hindi rin mawawala si Ivan at Bea na malapit kung kaibigan. Pumunta ng banyo si Bea at si Ivan naman biglang nagkaroon ng emergency call kaya na iwan akong mag-isa sa duyan sa ilalim ng puno hawak ang isang baso na may lamang wine.Inilibot ko ang paningin ko sa paligid para hanapin ang asawa ko na kahit celebration ng birthday ng anak namin trabaho pa rin ang inaatupag niya. Nawala ang ngiti sa labi ko na makita siyang kasama si Cindy. They're laughing together like they are having a good communication than work. Inubos ko ang laman ng baso ko.Katrabaho niya ito dahil isa itong landscape engineer at alam ko naman na ang ginagawa nila ay trabaho pero masisi mo ba ako
ZANEVY FREALIZANagising ako na mag-isa na lang ako sa kama. Palubog na ang araw kaya inabot ko ang cellphone sa bedside table upang tingnan ang oras; 6:09 AM.Nagmamadali akong umalis sa kama ng hindi ko na makita ang maleta ni Thyme sa loob ng kwarto. Hindi alintana ang hilo na nararamdaman ko. Gusto ko siyang makita. Palabas na ako sa aming silid ng marinig ko ang ingay sa loob ng closet kaya agad ko itong tinungo.Bumungad sa akin si Baby Fria na naka-upo sa ibabaw ng dresser. Nasa harap niya ang kaniyang Daddy niya. Nakatukod ang dalawang braso nito sa magkabilaang gilid niya. Nakabihis na si Thyme tila may pinag-uusapan silang mag-ama para magpinky promise pa.Niyakap ko ang sarili ko habang nakamasid sa kanilang dalawa. Iniisip ko pa lang na sa pagsapit ng alas 10 aalis na siya at taon ang lilipas bago kami muling magkita.Tumikhim ako dahilan para mapatingin sila sa akin. Nakangiting nilingon nila ako. Binuhat niya si Baby Fria bago lumapit sa kinaruruonan ko.“Mommy!” Nag flyi
ZANEVY FREALIZA“Mommy, I'm getting late.” Tiningnan ko ang pambisig kung relo. “Yes, baby. I'm finish!”Mabilis akong nag-ayos ng sarili ko bago lumabas ng banyo. Tinanghali ako ng gising ngayon kaya double ang kilos ko sa paghahanda ng pagkain ni Baby Fria gusto ko palagi na lutong bahay ang kinakain niya para maramdaman niya palagi na walang kulang. Palagi kong inuuna si Baby Fria bago ko ayusin ang sarili ko. Isinukbit ko sa balikat ko ang sling bag ko bago ko hinawakan ang kamay ng anak ko na handang-handa nang umalis. Magkahawak kamay kaming lumabas ng condo at dumiretso sa elevator. Inayos ko siya sa child seat sa backseat at kinabitan ng seatbelt bago ako sumakay sa driver seat at nagtungo sa kaniyang school.“Mommy, don't stress to much okay?” Bilin niya sa akin ng ihatid ko siya sa tapat ng kaniyang classroom.Pinisil ko ang pisngi niya. “Baby, behave, okay?” Tumango siya. Umuklo ako at idinipa ang mga kamay ko para yakapin siya at hinalikan sa pisngi at labi. Daily rout
ZANEVY FREALIZAPagmulat ng mata ko. Purong puti ang sumalubong sa akin. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid kaya nalaman ko na nasa hospital ako. Kumunot ang noo ko ng makita si Tristan na nakaupo sa silya sa tabi ng hospital bed, hawak nito ang kamay ko habang nakasubsob ang mukha sa kaniyang braso na nakapatong sa kama at mahimbing na natutulog.Dahan-dahan kong binawi sa kaniya ang kamay ko at maingat na umupo para hindi siya magising pero mukhang kahit ihip ng hangin magigising si Tristan.Napahilamos ito sa kaniyang mukha gamit ang sarili niyang mga palad. Napansin ko ang benda ang kaniyang kamao. May galos ang kaniyang mukha. Magtatanong na sana ako sa kaniya kung anong nangyari ng maunahan niya ako.“Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?” Umiling ako bilang tugon sa kaniya. Nagmamadali itong tumayo at pinindot ang monitor sa may uluhan ko upang tumawag ng doctor. Inisip ko kung ano ang nangyari sa akin para humantong ako sa hospital. Hindi masyadong malinaw at p