"My gahd! I can't believe pinagkamalan tayong magboyfriend-girlfriend, like eww! Sinong magkakagusto sa lalaki na 'to." Sambit ni Bea sa kaniyang sarili.
Nakalabas na sila sa karinderya at nag-i-ice cream.
Napangisi si Dawn at halata sa hitsura nya na naiirita sya, "Wow, makasabi ka ng ganyan parang ang ganda mo ah?"
"Di ko naman sinasabing panget ka, ampanget lang sayo yang pagka-manyakis mo, hmp."
"Sabing aksidente lang yun diba? Tsaka wag kang feeling na gusto kitang pagsamantalahan, you're not my type." Natawa si Dawn na medyo sarcastic ang dating.
Napahinto si Bea at tinignan si Dawn mula ulo hanggang paa, "Don't worry, the feeling is mutual. Hindi rin kita type, at hindi din ako nagfi-feeling ha? Bwisit ka talaga."
"Tss, yeah whatever."
Nang matapos na silang kumain ng icecream ay bumalik na sila sa bus. Pagkabalik nila sa pwesto nila ay di na sila nagpansinan pa. Natanaw lang sa labas ng bintana si Dawn habang nagce-cellphone lang si Bea.
At nang makasakay na lahat ang mga pasahero ng bus, napansin ni Bea ang lalaking mukhang adik. Nanlaki ang mata niya ng makita itong humugot ng baril sa kanyang bulsa at sumigaw, "AKIN NA ANG MGA PERA NYO!"
Nagulantang ang katabi ni Bea, "Sino yun?!" Pabulong na tanong ni Dawn.
"Y-Yung adik na 'yun." Sagot ni Bea na pabulong.
"BILISAN NYO KUNG'DI PAPAPUTUKIN KO 'TO!" Banta ng lalaki.
Nagkatinginan na sina Dawn at Bea, parehas kabado. Nagsilabasan na ang iba ng pera at ibinigay doon sa lalaki, sila na lang ang dalawa na hindi binibigay ang pera nila. Tinutukan sila nito ng baril.
"Sh*t." Napamura si Bea.
"Ano? Hindi nyo ba ibibigay? Gusto nyo bang patayin ko kayo? Ha!?" Banta nitong muli.
Niyugyog naman ni Bea si Dawn, "Dawn, ibigay mo na ang pera."
Nag-alangan naman si Dawn, pero ang isinagot nya ay, "Hindi."
"Gusto mo bang mamatay kagad!? Pilitin mo yang boyfriend mo!" Utos ng lalaki kay Bea.
Tinignan ni Bea si Dawn na parang nagmamakaawa, pero ayaw pa din sumuko ni Dawn.
"Dawn, please lang!"
"No, hindi pwede Bea. Hindi pwede!"
"Bakit Dawn!? Please naman!"
"Kahit anong sabihin mo hindi ko magagawa yun!"
"Ah ganon ah? Wala kang paki sa buhay mo? Itong babae na lang kukunin ko." Hinila na ng lalaki si Bea. "D-DAWN!"
Nanlaki mata ni Dawn at agad napatayo, na-alarma yung adik at itinutok kagad ang baril sa kanya. "Bumalik ka sa upuan mo!"
"Ibalik mo sa'kin girlfriend ko!!" Mas malakas na sigaw ni Dawn.
Natigilan si Bea sa narinig, para syang kinilig na ewan pero takot ang mas lumalamang sa kanya dahil may baril na nakatutok kay Dawn. "D-Dawn, u-umupo ka na."
"Tch, ibalik mo sya sa'kin." Sabi ni Dawn.
"Pera? Kailangan ko pera!" Demanda nang adik.
Wala nang iba pang nagawa si Dawn, hinalungkat nya na ang kanyang bag at hinanap ang pera nya. Labag man sa loob nya na ibigay sa bwisit na adik na 'to ang perang ibabayad nya kay Bea, pero ayaw nyang mapahamak ang buhay niya at kay Bea.
Natigilan sya panandali ng hindi nya makita sa loob ng bag nya ang perang kanina nya pa hinahalungkat, nang mawalan na ng pasensya kakahintay yung adik ay sinigawan sya nito ulit.
"Ano na!? KANINA KA PA AH!?" Nanggigigil nitong saad.
Ipinakita ni Dawn ang laman ng kanyang bag, "W-Wala akong pera."
Nagulat yung adik at si Bea, pero agad napalitan ng galit yung hitsura ng lalaki. "Loko ka ah! Pinaghintay mo ko tapos wala ka naman ding pera!!"
"I-Ibalik mo sa akin ang girlfriend ko!"
"Tang*na, umalis ka na dito! Walang pera gagu!" Pinapalayas na si Dawn sa bus.
"Yung girlfriend ko!!"
"Sabi ko sayo akin na sya!"
Dumukot si Bea sa bulsa nya at binato sa mukha ng adik yung limang daan nya. "Yan! Please ibalik mo na ko sa boyfriend ko!"
"Aba, bwisit kang babae ka!"
"B-Bitiwan mo na ko please!----Aray!" Tinulak na nung adik si Bea pabalik kay Dawn.
"Yan, umalis na kayong dalawa! Bwisit kayong magjowa kayo!" At nang pagkakuha nila ng mga gamit nila ay pinalayas na sila kaagad nung adik sa bus.
Mabilis na tumakbo papalayo ang dalawa sa bus.
Hingal na hingal ang dalawa ng malayo na ang narating nila. Napasalampak na si Bea sa lapag at, napabuga lamang ng hangin si Dawn.Nagulat na lang si Bea ng biglang tumawa si Dawn. "W-What's funny?""Mm, nothing." Aniya't mayrong napakalaking ngiti.Napa-iwas lang ng tingin si Bea, at patuloy na tumawa lang si Dawn."Tumigil ka nga dyan, nakaka-irita ka na.""Sorry na po----girlfriend ko! HAHAHAHA!"Namula si Bea sa sinabi ni Dawn, parang gusto nya balikan 'yung lalaki kanina at kunin ang baril nito tsaka pagbabarilin si Dawn. "Uuuugh! Manahimik ka nga! Nakakarindi ka na.""Pffft, okay-okay! Pero ano gusto mong tawagan natin? Bhebheqouh? Or babe lang? Hahahaha!"Nabatukan sya tuloy ni Bea, iritado na talaga sya sa pang-aasar ni Dawn."Aray naman bhebhe ko, maaalog utak ko sayo."
Nang makacheck-in na sila sa motel, medyo maliit na kwarto na may iisang kama ang ibinigay sa kanila. Ang gusto sana ni Bea ay yung may dalawang kama, ngunit mas mahal iyon. Kulang pa ang pera na dala nilang dala.Pagkapasok nila sa kwarto ay agad binato ni Bea ang bag nya sa kama at humiga rito. "I'll sleep here, sa lapag ka.""Ayoko nga! Ansakit sa likod pag sa lapag." Angal ni Dawn.Ibinaba nya naman ang bag nya sa isang tabi at naupo sa gilid ng kama. "Ikaw na lang sa lapag." Sabi nya.Napa-awang bibig ni Bea, "Hoy, babae ako. Ikaw mag-adjust since ikaw ang lalaki.""Mas bata ako, ate kita! Ba naman yan.""Kahit na! Ako dito, ikaw doon sa lapag." Nagtalo nanaman ang dalawa."Bwisit na yan, asaan na ang gender equality!? Nakakabanas naman! Ansakit kaya nung likod ko kagabi sa lapag ng apartment mo." Reklamo ni Dawn, hihiga sana sya sa
Nang makalabas si Dawn sa motel ay naglakad-lakad lang sya, medyo mainit pa rin ang mukha nya dahil nahihiya sya sa nagawa nya kay Bea. It was fun, pero matatanda na nga pala sila. Mamaya ang harutang ganun mapunta sa ibang bagay."Hi kuya pogi!" Napatingin sya sa babaeng tumawag sa kanya. Alam nyang sya yung tinatawag kasi bukod sa Dawn, handsome, gwapo, cutie isa din sa palayaw nya ang pogi."Ano 'yon?" Nakangiting tanong nito sa babae. Natuwa naman ang babae ng pansinin sya nito. Sabi na nga ba sya talaga yung pogi na tinatawag nito."Punta po kayo mamaya sa Happy Place Bar, masaya dun! Mayrong masayang ganap dun mamaya." Aya nito.Natawa lang si Dawn, "Naku, minor pa ko.""Weeeh, hindi po obvious kuya pogi." Nagbyutipol eyes pa ito."Pero sige, pupunta ako mamaya. Saan ba?""Daan po kayo dito then kakaliwa. Makikita nyo din kaagad ang
"Table for two, please." Sabi ni Dawn sa waiter."Okay sir, please follow me." Aniya't sinundan nina Bea at Dawn ang waiter.Nang makaupo na sila ay babalikan pa daw sila ng waiter para makuha ang order nila. Napahikab lang si Bea dahil nabo-bored sya. "Uy Dawn, anong oorderin mo?" Tanong nya"Hmm, hindi ko pa alam. Kita mo namang wala akong menu na hawak diba?" Pambabara niya kay Bea.Umikot ang eye balls ni Bea at kinuha yung bread knife, tinutok nya ito kay Dawn. "Alam mo kanina ko pa gusto putulin yang dila mo na yan.""Naku wag po ate Bea, mamimiss mo yung pagtawag ko sayo ng bhebhe ko.""Yan! Yan talaga ang dahilan kung bakit ko gusto putulin dila mo." Tumawa nanaman si Dawn sa kanya."Sabing wag mo putulin 'to di mo pa nga natitikman e.""Huh?" Di kagad nagets ni Bea yung sinabi ni Dawn, medyo slow ang ate nyo.
Pagkatapos nilang kumain, inaya naman ni Dawn pumunta sila sa Happy Place Bar, ang tinuro sa kaniya kanina ng babaeng tumawag sa kanyang pogi. Hindi pumayag si Bea nong una pero napapayag din ito kaagad ni Dawn dahil binantaan nyang babawasan nya yung ibabayad nya ka Bea."Speaking of that, bakit nga pala wala sa bag mo yung mga pera kanina? Did you lost it?" Tanong ni Bea."Wag mong alalahanin yun, nakalimutan ko lang ilagay yun sa bag ko nong nasa apartment tayo. Naiwan ko sa bahay mo, kaya kahit takasan kita meron ka pa ring pera." Natatawang sagot ni Dawn."Ah, burara ka pala.""Grabe! Nakalimutan ko lang yon, burara na ko kagad.""Pera mo na napakalaking halaga nakalimutan mo!? Grabeee, kailangan mo yata ng psychiatrist, may mali sa utak mo.""Oo nga eh, ikaw dahilan kung bakit ako ganito.""Manahimik ka na nga!" Uminit mukha ni Bea.
"D-Dawn, anu ba! Ayoko nga sabi!" Sabi ni Bea ng mahila sya ni Dawn.Napanguso ito sa kanya, "Pag ayaw mo hahalikan kita.""Yuck, no way!""Edi sayaw na lang tayo!" At napilitan syang sumakay sa trip ni Dawn.Gusto kitang isayaw ng mabagal,Gusto kitang isayaw ng mabagal.Hawak kamay, pikit mata,Sumasabay sa musikaDi magawang makipagtinginan si Bea kay Dawn, titig na titig ito sa kanya. Feeling nya nga malulusaw na sya sa mga tingin nito eh. Hinawakan sya ni Dawn sa bewang at napahawak naman sya sa mga balikat nito."Ayiieee, kinikilig ako bhebhe.""Baliw ka Dawn!""True, nababaliw ako sayo."Gusto kitang isayaw ng mabagal,Eto na ang kantang hinihintay natin,Eto na ang pagkakataon na sabihin sa iyoAng nararamdaman ng puso koMatagal ko ng gusto
"...then sinabi sa akin ni Audrey, baliw daw ako! *hik* Kasi nagkagusto ako sa guy na may gf na pala hahaha!...""Bea, i think you're drunk." Nag-aalalang saad ni Dawn."Tch, no way! Hindi pa ah." Tapos kinuha ni Bea yung bote ng alak at tinungga, agad itong inagaw sa kanya ni Dawn."Akala ko ako yung malalasing nang ganyan, ikaw pala. You have low alcohol tolerance dude." Sabi sa kanya ni Dawn. Tumawa lang si Bea na parang baliw."I told you *hik* hindi pa ko lasing!""Kung ganon ilan 'tong daliri ko?" Aniya't nagpakita ng isang daliri kay Bea.Naningkit pa ang mata ni Bea habang binibilang ang daliri ni Dawn. "Uhh... dalawa! Dalawa yang daliri na yan!""Confirmed, lasing ka na Bea. Tara balik na tayo sa motel.""Bwisit ka Dawn, uubusin ko lang yung nasa bote *hik*." Sabi ni Bea at pilit na inaabot yung bote ng alak.
May bukol tuloy si Dawn ng sumapit ang umaga. Nakatulog nga si Dawn sa malambot na kama, habang si Bea naman ay nakatulog sa bath tub ng cr. Gigil na gigil si Bea kay Dawn dahil sa pagkagising nya ay masakit ang likod nya sa bath tub."Grabe ka talaga sa'kin bhe, baka bangkay na ko pagdating ko kina ate Audrey.""Hindi naman siguro, kung magpapakatino ka lang." Maagang pagtataray ni Bea.Nag-aayos na silang muli ng gamit nila para makapagbyahe muli. Sinusubukan lang kausapin ni Dawn si Bea dahil sobrang tahimik nito, pero ayaw talaga nya mamansin dahil naiinis sya sa sakit ng likod nya."Sana lang, 'yung masakyan nating bus hindi matutulad sa bus na nasakyan natin kahapon." Pang-limang beses nya na 'tong sinabi pero hindi pa rin sya pinapansin ni Bea.Napanguso lang si Dawn, gusto nyang mapansin sya ni Bea. Kulang kasi sya sa pansin."Tch, ang snob-snob kala
Kapos hininga si Audrey ng pumunta sya sa ospital para bisitahin ang matalik nyang kaibigan na si Bea. Dali-dali kasi syang pumunta doon dahil sa nareceive nyang mensahe mula sa mga nakatagpo sa kaibigan nya. "Nasaan na si Bea? Asan na yung kaibigan ko!?" Pasigaw nyang tanong."Ah, kayo po ang kamag-anak ni Mrs. Salazar?" Tumango na lamang sya sa tanong ng nurse. Wala din kasing ibang mapaghihingian ng tulong si Bea kung'di sa kaibigan nyang si Audrey. Nang madala na sya sa morgue, matinding kaba ang nararamdaman ni Audrey para sa kaibigan nya.Ang tanging iniisip nya ay sana hindi nga ito si Bea, ngunit nanlumo sya sa sunod na sinabi ng nurse sa kanya. "Di na po namin maipapakita sa iyo ang asawa ni Mrs. Salazar, unrecognizable na po kasi ang mukha nya dahil sa aksidente. Pero macoconfirm na din po yung identity ng nila pag nakita mo na po si Mrs. Salazar."
Natulala lang si Bea nang mawala na si Dawn.She felt sad, but she had the urge to know something. Parang may kailangan syang imbestigahan. Kinuha nya ang kahon na binigay sa kanya ni Dawn at tinignan ang mga laman nito. Naalala nya din ang isang bagay na hindi nya nagawang itanong kay Dawn.Paano ako nahanap ni Dawn?Pagkakalkal nya sa kahon, wala na itong iba laman kung'di ang litrato at papel. Napahiga sya sa sahig nya at napa-isip. Parang may kakaiba syang nararamdaman eh. Tinignan nya yung kahon ulit pero wala na talaga itong laman.Napa-irap na lang sya at nabato ang kahon sa pader sa inis. Yun lang? Ba naman yan Audrey. Isip-isip nya, feeling nya talaga may kailangan pa syang malaman eh.Pagkatayo nya ay dinampot nya ulit ang kahon, pero nasira pala ito sa pagkakabato nya. Nanlaki mata nya ng makita nyang nabukas ang ilalim ng kahon, may laman pa itong ilang litrato at pap
Habang naglalakad kami ni Dawn, parang gun machine ratatat combat bibig nya kung makadaldal ng kung anu-ano. Pero di naman ako nagsawang makinig. Mayamaya ay napatingin sya sa kung ano at bigla na lang ako hinila sa isang shop."D-Dawn, ano ba yan. Muntikan na ko madapa.""Eheheh sorry." Aniya."Ano ba kasing bibilhin mo dito?""Singsing lang naman." Napanganga lang ako, then kinausap nya yung babae sa counter at pinakuha yung napili nyang singsing. After nya mabayaran yung singsing ay dinala nya ko sa may garden ng mall. "P-Para sa'kin yun Dawn?""Ay hindi, para sa akin yun." Pamimilosopo nya.Napa-irap lang ako.Nang tumigil kami sa isang magandang pwesto ay napaluhod sya sa harap ko at kinuha ang kamay ko. I began to feel emotional again, "Joke lang yung kanina, para sayo talaga 'to."Natawa ako. "Yeah, alam ko."
Nang matapos na ang date nila Bea, umuwi na sila sa apartment nila. Di maiwasang makaramdam ng lungkot ang dalawa. Ayaw ni Dawn, ganun din si Bea kaso sa ayaw at sa gusto nila ay babalik at babalik pa rin si Dawn sa panahon nya.Pagkapasok nila sa apartment ni Bea, halos natahimik lang ang dalawa. Nagsalita naman si Dawn para mawala ang lungkot nila. "Ambilis noh? Parang kelan lang tayo nagkakilala tapos ngayon patay na patay ka na sa kagwapuhan ko." Natatawang sambit ni Dawn.Pagkaharap nya kay Bea ay nakita nyang tahimik itong umiiyak. "B-Bea, wag ka namang ganyan. Stop crying..." pakiramdam naman ni Dawn ay maiiyak na din sya."Andaya lang Dawn," napahagulgol si Bea at pumunta sa sofa nya para maupo. "Sana pala, noong una palang... sana di ako nagkagusto sayo..."Mas nasaktan si Dawn sa nasabi ni Bea. Pero hindi nya ito masisi, hindi nya din namang ine-expect na magkakagustuhan sila. Umupo na lang
BEATRIX POINT OF VIEW"Oy! Beaaaaa!""Mmm...""Bea gising naaaa!""5 more minutes, please...""Gigising ka? Or ako na lang magpapaligo sayo?" Nagising ako sa banta na 'yon. Pagka-upo ko ay nakita ko si Dawn na naka-ayos na at mukhang ready na ready na.Nagtaka pa ko kung bakit sya naka-ayos ng ganun. "Saan ka pupunta?"Napangisi siya, "May date tayo Bea, anu ba! Gisingin mo na nga diwa mo!"Naalala ko na magd-date nga pala kami ngayon, napamadali naman ako mag-ayos. Sinabi nya na sya na daw bahala gumawa ng almusal. Sana naman magaling sya magluto, at mas lalong sana di masunog ang apartment ko.Nang matapos ako maligo, namili naman ako ng susuotin ko. After a half hour later, napagdesisyunan kong mag-suot ng floral dress at kinulot ko din buhok ko para bongga. First da
"No... way..." napatitig si Bea kay Dawn.And he was serious. Really serious."H-How... why... did you..." madaming tanong si Bea para kay Dawn, pero di nya alam kung ano muna ang itatanong kay Dawn.Malungkot lang na napangiti sa kanya si Dawn at inabot ang letter na hawak nya kay Bea. "Tsaka ito nga pala yung letter ni mama na binigay nya sa'kin, kasama ng box na 'to. Hindi ko mabasa ng maayos sulat nya kasi hindi na maayos ang kalagayan nya nung 8 pa lang ako, parang nastroke sya, sinulat nya daw ito sa akin noong mag-t-ten na ako. At sinabi nya sa akin na basahin ko ito pag nag-eighteen na ko, pero nito ko lang nakita yung box eh.""Si Audrey, n-nastroke?""Yeah... sana mabasa mo, di ko kasi maintindihan eh."Nang basahin ni Bea ito, hindi nya din maintindihan ang sulat. Magulo ang pagkakacursive nito, pero sinubukan nya pa rin intindihin. She tried to ma
Malungkot man ang dalawa. Pinilit pa rin nilang maging masaya, ayaw nilang maging malungkot ang natitira nilang oras. Habang pauwi na sila, nagkwentuhan lang ang dalawa para mawala sa isip nila na limitado na ang oras ng pagsasama nila.Kinuwento lang ni Dawn ang buhay nya noong bata pa lang sya kasama si Audrey, hanggang sa kaniyang paglaki at kung papaano sya nakapag-time travel. Sa panahon kasi ni Dawn, maraming imbensyong di inakalang ma-iimbento talaga pagdating ng panahon. Isa na doon ang time travelling watch na ginamit ni Dawn upang makapunta sa panahon na 'to.Na-amaze lang si Bea sa kaniyang mga kwento at parang na-e-excite na lang sa future."So... hanggang kelan ka na lang dito?" Tanong ni Bea."Hmm, i only have 1 week. Yun na ang pinaka-max na araw na mabibigay sa'kin eh.""So you still have one day with me?" Nalungkot si Bea.Niyakap ito kaagad
Muling nagka-usap sina Audrey, Bea, at Dawn. Masayang nakita muli ni Dawn ang taong pinaka-importante para sa kanya, di rin sya makapaniwala na nagagawa nya ito at nakakausap nyang muli.Nang aalis na si Audrey kasama ang pamilya nito, nagpaalam na din na aalis na sina Bea at Dawn. Sinabi lang nila na nagbakasyon lang sila sa Baguio ng ilang araw at napadaan lang sa Greenfield Hotel para bisitahin siya.Pagkaalis nila Dawn sa hotel, napunta muna sila sa restaurant na nasa tabi lang nung hotel para mag-lunch. Pagkatapos nun ay aalis na sila. "Ano nang gagawin mo, Dawn?" Tanong ni Bea habang kumakain sila."I... I don't know. Basta ang alam ko, nafulfill ko na ang dapat kong gawin.""Pero di mo man lang inisip kung anong gagawin mo pagkatapos nito." Napa-iling lang si Bea.Napatitig sa kanya si Dawn, at pakiramdam nya na parang may gusto itong sabihin sa kanya pero di nya magawa. M
Nang makarating na sila sa Greenfield Hotel, nakalimutan na ni Dawn sapakin yung driver. Niyakap sya ng kaba ng mapatingin sya sa hotel... andito na sya... andito na si Audrey..."Dawn, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Bea kay Dawn ng mapansin nitong natulala lang sya."No, Bea.... i'm not... do you think she'll listen to me? S-She doesn't even know who i-i am..."Hinawakan lang ni Bea ang kamay ni Dawn, napatingin naman si Dawn sa kanya at napahinga ng malalim. "Dawn, we already made it here. There's no turning back."Napatango lang si Dawn. "O-Okay... okay, sure...""Oh look! Si Audrey anduon sa loob!" Hinila naman ni Bea si Dawn papasok sa loob ng hotel.Nakita nilang nagce-cellphone lang si Audrey sa waiting area, agad silang lumapit at parang gusto himatayin ni Dawn ng mapatingin sa kanila si Audrey.Napanganga si Audrey ng maki