Alessia's POVNAPATINGIN ako sa paligid at wala akong makitang lugar na pwede kong daanan. Nakapatong ang malaking pugad ng agila sa isang malaking sanga ng kahoy na tumubo sa bangin.Si Sushi ay hindi pa rin bumabalik sa tamang huwisyo nito. Ang alam ko lang ay apektado siya sa pagkawala ng tatlong necromancer, pero hindi ko inakala na magiging ganito iyon, na tila hindi siya nakakaramdam ng ano man sa kanyang paligid.Napatingala na lamang ako dahil narinig ko ang tunog ng agila. Mabilis akong tumayo at medyo umuga ang pugad kaya nakaramdam ako ng kaba. Hawak hawak ko si Sushi na nagdedeliryo at nilagpasan ko ang dalawang sisiw na alam kong hindi ito magdadala ng kapahamakan sa akin. Kailangan kong makaalis dito, bago pa bumalik ang agila. Mabilis akong humawak sa isang nakausling sanga sa may pugad at bumwelo ako para makalabas at makatuntong ako sa sanga. Pinanatili ko ang aking mga mata sa taas at hindi ako nagtangkang tumingin sa baba. Pakiramdam ko, oras na gagawin ko iyon ay
Alessia's POVMARAMING ikinuwento sa akin si Erigor patungkol sa naging buhay niya ng mga nakalipas na taon dito sa lugar na ito. Hindi niya alam kung ano ang pangalan ng lugar na ito kaya napagpasyahan niya noon na tawagin itong La Krispana kahit hindi iyon ang pangalan nito.Nalaman ko rin na may mga naliligaw ditong mga mountain goats na hinuhuli ni Erigor para maging pagkain niya sa araw-araw. Nakikita ko ang mga tuyong karne ng mga kambing at imbes na makaramdam ako ng gutom at takam ay tila bumabaliktad ang sikmura ko. Hindi ko alam kung pwede ba iyon at pasado ng maging pagkain. Pero ang alam ko, iyan ang naging pagkain niya sa pananatili sa lugar na ito.Pero ayaw tanggapin ng sarili ko na kainin ang mga iyon. Siguro kung wala na talaga akong mapagpilian ay kakainin ko na iyon. Ngunit sa ngayon, habang hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom ay hindi ako kakain."Ayaw mo talagang kumain? Mukha lang itong hindi nakakain, ngunit masarap ito. Para lang itong tuyong isda, mataban
Alessia's POV"TAHAKIN mo ang daan na ito at pulutin mo ang mga kahoy na makikita mo. Tahakin mo lang din pabalik ang daanan at makakabalik ka dito. Doon ako sa kabila para mas mabilis tayo." Saad naman niya sa akin kaya napatango ako.Agad na naghiwalay kami ng landas ni Erigor at tinahak ko ang daan na sinasabi niya. Hindi ko alam kung may mga kahoy ba akong makikita sa lugar na ito. Bato ang marami dito at hindi kahoy.Sa halip na magreklamo ay naghanap ako ng mga kahoy. May nakikita akong mga kahoy ngunit hindi iyon matino, parang malilit lang ito na mga sanga na tinangay ng malakas na hangin. Ngunit pinulot ko pa rin iyon dahil makakatulog na rin ito sa paggawa ng apoy. Malaki man o maliit, importante iyon lalo na at nasa ganitong sitwasyon. Kagaya nga ng sinabi nila, you will only see it's value in time when you already lost it.Patuloy ako sa paglalakad at namumulot ako ng mga kahoy. Hindi ko alam kung tatagal ba ang mga ito ng buong gabi dahil pakiramdam ko ay hindi. Kokonti p
Alessia's POVRAMDAM ko ang init mula sa siga. Nakasiksik ako ngayon sa isang sulok habang si Sushi naman ay wala pa rin malay. Nakakaramdam na ako ng pagkabahala dahil sa hindi pa rin siya nagigising hanggang sa ngayon. Humihinga naman si Sushi, at wala naman akong makitang ibang senyales na mas lalong makakapagpabahala sa akin. Ang alam ko lang ngayon ay kailangan ko siyang protektahan.Siguro ay lilipas din ito at magiging maayos din ang lahat. Magigising din si Sushi na tila walang nangyari. Umaasa ako na pagkagising ko bukas ay maayos na siya.Naalala ko naman ang nangyari kanina mula ng makabalik ako galing sa lungga ng Cerberus."Ito lang ang nakuha ko." Pilit kong huwag mautal habang kaharap si Erigor na maraming dalang kahoy na higit pa na mas marami kaysa buong nakuha ko bago pa ako inatake ng Slither."Kaunti lang ba ang kahoy doon?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Nilapag naman niya sa sahig ang mga nakuha niya."Oo, ito lang talaga ang nakuha ko." Sagot ko sa kanya.Napa
Alessia's POVNAKAHARAP kami ngayon sa isang matarik na daan, o kung matatawag pa itong daan dahil literal na aakyatin ito kung gugustohin mo mang pumunta sa tuktok. Masyado itong matirik para sa isang daan."Dito tayo dadaan." Saad niya sa akin.Hindi mabilang ang mura na napakawalan ko sa aking isipan. Kakasabi ko lang sa sarili ko na hindi ako marunong umakyat sa mga matatarik na lugar at heto kami ngayon, aakyatin ito na ito."W-wala bang ibang daan dito?" Nagdadalawang isip na tanong ko sa kanya. Parang hindi ko na gustong makita ang lugar na sinasabi niya dahil sa matarik na daan."Walang madaling daan patungo sa magandang lugar, Ales. Laging mahirap ang patungo doon dahil hindi matawarang ganda ang sasalubong sa iyo oras na malagpasan mo iyon." Saad niya sa akin sa malalim na paraan. Pakiramdam ko, bawat katagang binibitawan niya ay may kahulugan. Totoo naman may kahulugan iyon, ngunit hindi ko ito inaasahan mula sa kanya."Sa bawat saya, may mapait na nakaraan...yan ba ang ibi
Alessia's POVNAKATULALANG kumakain ako ng inihaw na karne. Hindi pa rin ako makapaniwala na panaginip lang ang lahat ng iyon. Pakiramdam ko ay totoo ang nangyaring aksidente sa akin. Kahit pilitin kong kumbinsehin ang sarili ko, may kung ano sa kalooban ko na nagsasabing totoong nangyari ang mga iyon.Ngunit mas naging magulo ang isipan ko dahil sa hindi ko inasahan na panaginip—ang tungkol sa mga diwata na siyang unang nanirahan dito sa Wysteria.Ang Agamemnon na nasa panaginip ko ay malayong malayo sa inaasahan ko. Sa isipan ko o imahenasyon, punong puno siya ng kadiliman at nakakatakot. Ngunit kabaliktaran siya sa aking panaginip. Isa siyang napakagandang nilalang na kayang gawin ang lahat upang maprotektahan ang kanyang anak. Isa lang siyang ama na mahal na mahal ang anak. Ngunit ano ang sinasabi nila Sushi na si Agamemnon, ang hari ng dilim ay siyang maghahatid ng kapahamakan ng lahat?Pinaglalaruan lang ba ako ng aking isipan? Dreams are not real, kaya posibleng gawa gawa lang
Alessia's POV"NAKARATING na ako dito!" Halos maisigaw ko iyon na ikinahinto ni Erigor at napatingin pabalik sa akin.Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. "Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong niya sa akin habang ang kanyang mga kamay ay nasa mga isinumpang bulaklak. Hindi natatakot sa kamalasan na hatid ng mga ito.Napalunok ako. Hindi ko napigilan na maisigaw iyon lalo na at gumugulo sa isipan ko ang panaginip na iyon at ngayon, makikita ko ito dito. Hindi ko maiwasan na maisip na may makahulugang mensahe ang hatid ng panaginip na iyon."N-napanaginipan ko ito—kagabi. Ang lugar na ito, ganitong ganito, tapos may mga—""—diwata. Tama ba ako?" Natigilan ako dahil sa pagputol ni Erigor sa sinabi ko. Hindi lang iyon, kundi dahil din sa sinabi niya na tungkol sa diwata."P-paano mo nalaman?" Hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Masyado akong nagugulohan sa mga nangyayari. Mas lalong gumugulo ang lahat habang tumatagal.Ngumiti naman si Erigor sa akin na
Alessia's POVI WILL die...Pinanghihinaan ako ng kalooban dahil sa katagang iyon na lumulunod sa isipan ko. Paano kung oras na hawakan ko ang bato, mamamatay ako? Ano ang silbe ng pagpupumilit ko na mabuhay, kung sa huli ay masasayang lang din naman iyon? Nasa isang mahirap ako na sitwasyon na kailangan kong mamili. Kaya ko bang isugal ang buhay ko para makatakas ako? Aanhin ko pa ang kagustohan na makalabas dito, kung mamamatay din naman ako?"Is...there any other way for me to get out of here?" Hindi ko mapigilan na tanong. Natatakot akong tumaya. Alam ko na naduduwag ako, ngunit mahirap sumugal sa isang bagay na hindi mo alam ang mangyayari at walang kasiguradohan.That's the only way and choice thee has't, daught'r of eve.Pinanghihinaan ako ng kalooban at kinakain ako ng takot. Ngunit kung wala akong gagawin, habang buhay akong makukulong sa lugar na ito. Ni hindi ko na pinagkaabalahan ang pagtawag niya sa akin ng daughter of eve. That's the very least of my concern.Paano mo ma
Alessia's POVNATAPOS kaming pumasok sa courtyard kasama si Stefano ay nanood kami ng ipinagmamalaking sayaw ng Valeria. Ang sabi sa akin ni Stefano, ang sayaw daw na iyon ay Faerie Dance. Ang sayaw na ito ay hindi basta-bastang sinasayaw kung saan saan dahil kada blessing of the moon lang ito ginagawa.Totoong napakaganda ng sayaw na ito at ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakakita ako ng ganoon sayaw. Para itong lumilipad sa ere—no, they can really slightly fly, maybe they learned martial arts at kaya nila iyon gawin.Palakpakan naman ang lahat pagkatapos at nagsimula na din ang banquet. Mga alak at pagkain na sapat para sa lahat. Hindi naman ako uminom ng alak dahil alam ko na matapang ang kanilang alak dito. Kahit alam ko na isa akong imortal, ang katawan ko ay hindi pa rin sanay sa buhay dito. Hindi ibig sabihin ay hindi na rin ako malalasing."Lady Alessia, narinig ko mula sa Hari na isa ka pa lang mangagamot. Kung maaari, pwede mo bang matingnan ako?" Biglang tanong sa akin
Alessia's POVDUMATING na kami sa harap ng pintuan kung saan pansamantalang tumutuloy si Sudanni. Hindi na ako kinibo pa ni Stefano, mukhang nagtatampo ito sa akin pagkatapos ako nitong pagalitan.Ayaw ko naman siyang pilitin na maging maayos kami dahil ramdam ko na masama ang loob niya at ayaw na niya muna akong kausapin. Nailalarawan ko na rin sa isipan ko ang takot ng mga sentinels at tagapgsilbe dito kanina dahil sa pangyayari. "Salamat." Saad ko kay Stefano ngunit hindi man lang ako nito nilingon at tila wala itong naririnig.Napanguso naman ako kaya wala akong magawa at akmang kakatok na sana ako sa pintuan nang bigla naman itong bumukas at agad na nakita ko si Sudanni na maayos na maayos ang itsura. His pointy ears and glowing golden eyes are striking with his long black hair."Ales." Usal nito sa akin na tila inasahan na niya ang pagdating ko.Lumunok naman ako dahil mula sa Callora Grande ay ito ang unang beses na nakita ko siya ulit."Maaari ba kitang makausap?" Tanong ko s
Alessia's POVUMINOM ako ng pumpkin juice na hindi ko nakasanayan na lasa. Ito ang inomin sa kainan na ito at sarap na sarap ang lahat habang ako naman ay pinipigilan na mapangiwi. There is this distinguish pumpkin taste that makes me think that I am drinking a vegetable juice which I don't really like.Pero pinigilan ko na ngumiwi lalo na at nilibre na nga lang ako at magiging maarte pa ako. I'll just remind myself not to drink pumpkin juice in the future. I know that this is a healthy drink, but it doesn't suit my taste."Binibini, bumalik na tayo sa palasyo, baka hinahanap na tayo doon." Yaya naman sa akin ni Estrebelle.Napanguso naman ako. Hindi pa naman ako uwing-uwi. Gusto ko pang maglakad lakad at tumingin sa paligid. Not everyday, I can go to this place."Mamaya na. Masyadong abala ang Hari para malaman niya na tumakas tayo." Saad ko naman sa kanya at inilipat ko ang tingin ko sa gitna kung saan ang asul na bato nakaposisyon."Pero baka kasi hanapin kayo ng kamahalan." Tugon
Alessia's POVMABILIS akong napalingon at agad na sumalubong sa aking mga mata ang nakatalukbong na pigura. Agad na lumarawan sa aking balintataw ang mukha na kay tagal ko ng inasam na makita simula ng napadpad ako dito sa Wysteria."L-lolo..." naibulong ko at biglang nangilid ang aking luha at mabilis akong lumapit sa kanya para yakapin siya."Apo ko..." ganting yakap naman ni Lolo sa akin. "Pasensya na kung ngayon lang ako nagpakita sa iyo. Masyadong komplikado ang lahat kaya natagalan ako." Saad niya sa akin na ramdam ko sa boses niya na naiiyak ito.Humiwalay naman ako sa kanya habang tumulo ang aking luha. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula sa dami ng gusto kong sabihin sa kanya."Lolo, ang daming nangyari...Ang daming katanungan sa isipan ko na hindi ko alam kung ano ang sagot." Humihikbing saad ko. Kay tagal ko ng ipinagdarasal ang tagpong ito. Dahil sa lahat ng katanungan ko, si lolo lang ang makakasagot.Hinawakan naman niya ang aking kamay at tsaka hinila ang ako patun
Alessia's POVABALA ang lahat sa paghahanda para sa darating na blessing of the moon. Ni hindi ko din nasisilayan si Elijah dahil palagi itong nasa siyudad ng Valencia para sa preparasyon dahil doon magtitipon tipon ang mga mamanayan ng Valeria.Inilipat din pansamantala ang mga taga Samona sa Valencia habang inaayos pa ang kanilang mga tirahan. Dito na din sila magsisilebra ng blessing of the moon.Gusto kong pumunta sa syudad, para makita ang ginagawang preparasyon. Alam ko na hindi ako nagpaalam kay Elijah ngunit wala naman masama kung lalabas ako ngayon. It's daylight at marami din Sentinels na nakakalat sa lugar."Estrebelle, gusto kong pumunta sa siyudad." Saad ko sa kanya habang nakatayo sa may gilid ko at si Sushi naman ay nakahiga lang at agad na gumalaw ang tenga nito nang marinig ang sinabi ko. Bukas na ang blessing of the moon at talagang inaasahan ko itong masaksihan."Pero binibining Alessia, kabilin bilinan ng mahal na hari na hindi po kayo pwedeng lumabas dahil delikad
Alessia's POVAGAD na hinanap ko si Elijah para kausapin siya. Hindi ako mapalagay hangga't hindi ko siya nakakausap tungkol sa pagpunta ko sa festival. Hindi ko rin alam kung ano ang magiging reaksyon ko kung hindi siya papayag.Nakita ko naman si Stefano na naglalakad at may bitbit itong isang kahon na hindi ko alam kung ano ang laman. Tumakbo ako papalapit sa kanya dahil hindi niya ako napansin."Stefano! Para saan yan?" Agad na tanong ko sa kanya kaya napalingon naman sa akin si Stefano at huminto.Itinuro ko naman ang bitbit niyang kahon kaya agad niyang naintindihan na iyon ang tinutukoy ko."Ito ba? Para to kay Sudanni. Hindi pala siya kumakain ng normal na pagkain natin at kailangan na siya din ang magluto ng pagkain niya." Sagot naman niya sa akin.Napakurap naman ako. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol kay Sudanni. Nawala na siya sa isipan ko noon nagkagulo sa Samona. Ni hindi ko na alam kung nasa digmaan ba siya o nauna dito sa Valencia."He's not normal to begin with..."
Alessia's POVAGAD na nakauwi kami sa Palasyo. Pinasuot ako ni Elijah ng isang itim na talukbong upang hindi ako makaani ng atensyon sa palasyo. Gusto kong magpahinga at kung makikita ako ng mga tauhan sa palasyo ay alam ko na hindi matatahimik ang araw ko.Nakasunod lang din sa akin Sushi at hindi naman kami napansin ng mga tauhan sa palasyo. Mas binigyan nila ng atensyon ang mga Sentinel na kailangan ng atensyon dahil sa mga dumi sa kanilang katawan. Hindi din ako pinayagan ni Elijah na tumulong sa paggamot dahil kailangan ko muna daw unahin ang sarili ko dahil kulang na kulang ako sa pahinga. Hindi ko na magawang makipagtalo pa sa kanya dahil kahit ang katawan ko mismo ay bumibigay na din.Dumerecho na ako paitaas dahil kailangan ko ng maligo at nang makatulog na ako. Hindi ko na alintana kung hindi pa ba ako kumakain dahil mas malakas ang impluwensya ng pagod ko kaysa sa gutom na nararamdaman ko.Agad na pumasok ako sa aking kwarto at nilanghap ang pamilyar na amoy ng bulaklak. Ag
Alessia's POVPIPING dasal ko na sana ay hindi pumasok ang demon sa wasak na bahay ni Honey. Dahil kung mangyayari man iyon, sigurado akong wala na akong takas. Hindi ko alam kung nasaan si Sushi ngayon kailangan ko siya. Elijah is impossible to rescue me because of the on-going crisis at naiintindihan ko iyon. They cannot prioritize me especially when the town is in crumble. Mas importante ang nakararami kay sa isang tao lang.Naitakip ko sa aking dalawang tenga ang aking mga kamay nang marinig ko na tila kinakain ng demon ang katawan ng bangkay. Pinuno ng kilabot ang buo kong katawan at walang humpay ang aking mga luha. Pigil na pigil ko ang aking iyak dahil natatakot ako na mapansin ng mga demons. Gustong gusto kong pumalahaw sa takot ngunit mas natatakot akong mapansin ng mga demons at ako ang susunod na kainin.Kumalat ang amoy ng dugo sa paligid na naging dahilan para mas naging masama ang pakiramdam ng tiyan ko na gusto kong masuka. Iba ang dating ng dugong naamoy mo sa hayop,
Alessia's POVWHO could have thought that death itself will come to me. To take away my soul without any reason? Hindi dapat ganito ang nangyayari. Ang isang reaper, kumukuha lang ng isang kaluluwa kung patay na ang isang imortal. Buhay na buhay ako at hindi pa ako patay para sunduin na niya! Does his eyes been defective somehow?"N-no. Why are you taking someone else soul who's not even dead in the first place!" Hindi ko mapigilan na maisigaw. I am very much alive to be treated this way. I am not dead and definitely will not be! This reaper might be dreaming or something.You believe that in this world, you are alive. You are a scarped soul, child. It's time for you to go back to where you are supposed to be. Defying your fate will only cause misery to the living. Saad ng reaper at napaatras ako dahil sa sinabi niya.I am what? A scarped soul? Anong ibig niyang sabihin? Anong ibig niyang sabihin na isa lamang akong takas na kaluluwa? Hindi ako patay para sabihin niya iyon. Paanong is