Few days later..."Boss! Boss! Ang mga hayop na ito! Wala na yatang katapusan ang panggugulo nila. Boss! Boss!" Hindi magkandatuto at malakas na tawag ng isang guwardiya.Dahil sa lakas ng boses ng guwardiya nila ay agad ding lumabas ang mag-asawang Isadora at Duncan."Maaga pa naman sa pagkakaalam ko. Bakit ba abot hanggang rooftop ang boses mo?" agad na tanong ng huli."Mamaya mo na ako sermunan, Boss. Ang monitor one hundred metres away umiilaw. Sigurado akong disgrasya na naman ang dulot nito kung hindi natin maagapan," tugon nito ay hindi inalintana ang amo.SA narinig ay agad ding kumilos si Duncan kaso nang maalala ang guwardiyang pumasok upang ipaalam sa kaniya ang kasalukuyang sitwasyon ay hinarap niya ito."Sige na, Hijo. Bumalik ka na sa puwesto mo. Ako na ang bahala sa monitor. Pakisabi sa kasamahan mo na maging alerto at ikabit ang earpieces devices," aniya."Masusunod, boss." Tumango muna ito sa kanilang mag-asawa bago tuluyang lumabas.Hinintay nilang nawala ito sa kani
"Ang mga anak nating mukhang kay bunso nagmana. Sala sa init sala sa lamig. Tingnan mo ang ginawa ng taong ito sa mga sumugod. Hindi man lang nagpalit ng damit." Nakailing na baling ni Duncan sa asawa."Well, sabi naman nina bunso at Hendrix, sa iyo raw nagmana ang panganay niya. Hmmm, sino kaya sa inyo ang pinagmanahan nila," saad nito."Kahit sino sa aming dalawa, asawa ko. Iisang dugo ang nanalaytay sa kanilang magpipinsan. Naalala ko pa ang salita ni Grandma noon, tatak na ng pamilya namin ang ganyang ugali. Kaya't don't bother yourself about that," tugon niya."Tama iyan, asawa ko. Since na nadisturbo na sila sa tulog ay sigurado akong papasok na sila sa opisina. Kaya't kahit ka na pupunta roon. Tayo naman ang mag-date---""Saan kayo mag-date, Daddy, Mommy? Ipapahanda ko po ba ang private chopper ni Uncle Piloto? Busy ang driver kaya't airbuses lamang ang available," saad nang bagong dating."Napaka-rude talaga ni twin brother oo. Umakyat ka na nga sa taas---"Subalit kung ng mga
***Kyle Brielle,Hindi ko alam kung saan at paano ako magsimula. Ngunit alam kong ito ang pinakatamang desisyong nagawa ko simula noong iniligtas mo ako sa mga bandido sa Basilan. Ang iwan sa iyo ang bunga ng gabing iyon. Dahil ang salitang salamat ay kulang upang ipahayag ko ang aking damdamin. Nagtataka ka siguro kung paano ko nalaman ang palangan mo. Pero maaring kaloob ito ng MAYKAPAL. Alam ng DIYOS na magbubunga ang gabing iyon kaya't ipinagkaloob niyang mahulog ang badge mo. Major Kyle Brielle De Luna. Noon ay hindi ko rin maunawaan kung bakit nangyari sa buhay ko iyon o ang pagpayag kong may mangyari sa atin kahit parehas tayong estranghero sa isa't-isa. Kahit pa sabihing iyon ang naging daan upang mailigtas mo ako mula sa mga bandidoNgunit ngayon ay alam ko na, naging daan iyon ng pagkakaayos namin ng Papa ko ngunit kung kailan kami nagkaayos ay saka naman muling naging malupit ang mundo. Pinaslang nila ang aking ama sa sa mismong bahay. Ngunit bago ito tuluyang nalagutan n
"So ano ngayon ang plano ninyo mga anak?" tanong ni Duncan kay Ian Jeremiah at ang kasintahan nitong buntis.Kaso dahil hindi pa rin makapaniwala ang binatang sinugod siya ng pamilya ng kasintahan dahil sa kaalamang buntis ito ay hindi siya agad nakasagot."Anak, hindi namin kayo pinalaking takot sa responsibilidad. Kung hindi ka pa handang lumagay sa tahimik ay bakit mo iyan ginawa? Sa ayaw at sa gusto mo ay kailangang iharap mo siya sa altar." Kaya naman ay hinarap ni Isadora ang anak."Tama naman ang Mommy mo, anak. Mula pagkabata ninyo ay wala ka namang tinakbuhang obligation ah. Bakit ngayon---""Saglit lang... Saglit lang po. Tama po kayo, wala akong balak takbuhan ang bunga nang kilos ko. Pero maari bang hayaan n'yo rin akong magsalita?" saad ng binata kasabay nang paglipat-lipat ng paningin sa mga magulang.Sa isipan niya ay mayroong mali. He could feel it. There's something strange feelings that attacking him. 'I must be mistaken but I am sure of it'. Sa kasalukuyang sitwasyo
"Gotcha! Sabi ko na nga bang walang nangyari sa amin ng gabing Iyon eh." Napapitik sa eri si Ian Jeremiah dahil sa tuwa."Ikaw naman kasi, kambal. Aba'y kung gusto mong mag-asawa ay pakasalan mo muna. Paano iyan ngayon nasa bahay na silang pamilya?" tanong naman ni Owen Liam kaso batok ang napala sa nakakatandang kapatid."Tsk! Tsk! Kailangan pa bang itanong iyan, brother? Kung totoong buntis ang nasa bahay ay nais lamang nitong ipaako kay Ian Jeremiah ang sanggol. Maaring planado ang pagyaya nitong dumalo sa birthday party ang kapatid natin upang mayroong pagkakataong maisakatuparan ang ninanais," saad pa nito."Kailangan pa ba ang batok, Kuya? Eh, masabi mo naman iyan ng---""Gusto mong dagdagan ko pa?!" Ingos tuloy nito."Tsk! Tsk! Maari bang manahimik muna kayong dalawa? Ayusin ninyo ang ebidensiya na iyan kung ayaw ninyong kayo ang ipakulong ko!" Angil naman ni Gabrielle Brix."Tama naman si Kuya, kambal. Baka hahang nandito tayong apat ay nakapaghasik na ng lagim ang mga iyon. K
"Hey, what the hell you are doing? Alam mo bang nakadisturbo ka?!" angil ni Gabrielle Brix sa dalagang nangalampag sa sasakyan."Hey ka ring lalaki---""Pogi, itago mo ako dali! Kapag maabutan ako ng mga lintik na iyon ay kayo ang makipagbakbakan!"Ang babaeng basta na lamang nangalampag ay biglang pumasok sa loob ng sasakyan. Animo'y kuting na namaluktot sa mismo compartment."Hanep ang babaeng iyon ah. Aba'y tao ba iyon o tigre?" Napataas tuloy ang kilay ni Gabrielle Brix saka sinundan nang tingin ang taong nasa compartment."Ang sabihin mo, Kuya, ay kung makahinga pa ba siya sa loob. Aba'y kung sa mismong upuan nagtungo at naupo ay walang problema kaso aba'y---""Kasalanan na niya iyon, brother. Aba'y nagkusa siyang nagtago roon kaya't huwag n'yo nang aalalahanin ang taong iyon kung tao nga ba." Muli ay ismid ni GB.Kaya naman ay nag-isang linya ang paningin ng tatlo. Nagkaisa ang kanilang mga isip. Kaso mas napaismid lamang ang kanilang kapatid. Tuloy ay nagkatinginan silang tatlo
***"Brother, smile na mula. Mamaya mo na pagpantasyahan si Miss Elizza. Dahil kailangan nating gumawa ng plano upang mapakulong ang mga hayop na iyon." Baling ni Kyle Brielle sa kambal na hindi maipinta ang mukha."Tsk! Tsk! Baka ikaw ang may type sa kaniya, kambal? Bakit mo ba ipinapasa sa akin?" Ingos nito sa kaniya."Correction, Kuya. Ang sabi ni Kuya KB ay mamaya mo na pagpantasyahan hindi niya sinabing may gusto ka. Aba'y baka naman mayroon ka talagang gusto kay Miss Elizza?" Panunukso pa ni Owen Liam na agad ding ginatungan ng kambal niya."Elizza Hailey Young, hmmm... Kung hindi ako nagkakamali ay hindi apelyidong Pinoy. Saka wala namang problema kung magkagustuhan kayong dalawa. Well, masungit ka sa kaniya at taklesa naman siyang humarap sa iyo. Kaya't quits na kayong dalawa." Nakangisi rin nitong pang-aasar.Kaya naman ay kahit nasa loob sila ng sasakyan ay maugong na tawanan ang ang pinakawalan nilang apat. Subalit nagseryoso sila. Dahil kailangan nilang makagawa ng maganda
"So, how it did go? I mean, ang mga mapaglinlang na tao," ani Isadora sa anak na sumama sa Camp Villamor.Nang nasa aktong tatakas na sana ang mga ito ay eksakto ring pagdating ng mga taga-Camp Villamor kaya't ipinaubaya na nila sa mga ito ang full investigation ukol dito. Sasang-ayunan at igagalang nila kung ano man magiging desisyon ng mga alagad ng batas."Maari na tayong mag-relax, Mommy. Maghapon lamang naganap pero animo'y ilang buwan. Lintik kasi ang mga iyon eh. Kung humingi na nga lang sana sila ng tulong ay wala namang problema. Kaysa ang idinaan pa nila sa papikot-pikot, huh!" Napailing na sagot ni Ian Jeremiah.Paanong hindi siya mapapailing samantalang animo'y mga sira-ulo ang mga ito na basta na lamang sumugod. Mabuti sana kung totoong nagalaw niya ang kasintahan ngunit hindi naman. Dahil kahit kailan ay hindi sumagi sa isipan niya ang bagay na iyon. Isa pa iyon sa naging depensa niyang inosente siya sa paghahabol ni Mariel.'Hindi man lang sila nag-isip ng mas convincin
Many years later..."Ano ba, bilisan mo! Dinaig mo pa si miming na laging buntis. Ano ba iyan!""Anak ng diyaheng babaeng ito. Anong akala mo sa akin, pusa? Saan ka ba ipinaglihi ng Mama mo at lagi kang nakasigaw? Aba'y mas mainam na ang nag-iingat kaysa laging disgrasya ang naidudulot ng pagmamadali.""Ang sabihin mo ay inatake ka na naman ng kabaklahan mo, Liam! Aba'y kung hindi ka nababakla ay mas mabilis ka pa sanang kumilos kaysa sa akin!""Hoy, Kylie Rose Brielle Gomez De Luna! Sa tinis ng boses mo ay dinig na dinig hanggang gate. Ah, mali hanggang kalsada. Baka akalain nilang totoo ang sinasabi mong babae ka. Saan ka ba kasi pupunta at makautos ka ay wagas?""Kung hindi ka totoong bakla ay samahan mo ako sa Ma--- basta! Samahan mo ako sa labas. Dahil kung hindi ay muli akong haharang sa lintang kapit nang kapit sa iyo.""Kita mong babae ka! Ikaw na nga ang may kailangan ay ikaw pa ang may ganang manakot. Isumbong kaya kita kina Uncle Kyle at Auntie Juliette. Kasalanan mo kung w
Few years later..."Sa wakas ay nagwakas din ang pagbabangayan ng aso at pusa. Well, ano kaya ang sasabihin ko..." Imbes na batiin ng magkakapatid ang isa pa nilang kapatid na muling ikinasal ay kinantiyawan pa."Twin brother, aba'y madali lang iyan. Humayo kayong dalawa at inyong dagdagan si Liam. Dahil hindi na baby talk ang salita at naghahanap na ng kapatid." Panggagatong pa ni Gabrielle Brix sa kambal na si Kyle Brielle.Kaya naman ay napatingin ang groom sa kambal niya. Dahil sa hitsura pa lamang nito ay talagang may balak din itong gatungan ang mga kapatid nila. Ay hindi nga siya nagkamali dahil bago pa lamang niya maibuka ang labi ay nagsalita na ito."Grade school na si Liam, twin brother. Malinaw na rin ang pananalita niya. Hmmm, even my own child is growing so fast. Aba'y huwag mong sabihing mali ang sinabi nina Kuya KB at GB? Well, kung ako sa iyo ay tumakas na kayo ni hipag Shantal. At magparami ng lahi. By the way, heto na ang regalo naming tatlo, I mean our brothers. Ro
"Mom! Dad! Where are you?!" ang boses na gumulantang sa buong kabahayan.Paanong hindi sila magugulat bukod sa may kalaliman na ang gabi ay dinaig pa ang boses ng commander in chief na kasalukuyang nagbibigay ng parusa sa mga nahuling iskalawag. At dahil sa gulat ay agad-agad ding lumabas ang mag-asawang Duncan at Isadora."Hey, man! Have you gone mad? What's on that screaming in the middle of the night? If you are not sleepy, just go quietly in your room and stay there alone not to wake up everyone," agad na saad ni Duncan.Kaso ang bagong dating ay hindi pa rin maipinta ang mukha. Hindi rin pinansin ang paninita ng ama."Did you sent me in that place purposely, Dad, Mom?" tanong nito saka pinaglipat-lipat ang paningin sa mga magulang."Aba'y maari mo namang itanong iyan sa amin ng Daddy mo bukas ng umaga. O, 'di naman kaya ay sa taas mo kami sinugod at doon nagtanong. Hindi ang bulabugin mo ang lahat." Nakatawa at nakailing ang Ginang dahil sa tanong ng anak."Sa reaksyon mo, Mommy
One year later..."At sino ka namang herodes kang nakahararang sa dinaraanan ko?! Kapag ang batang iyan ay nakalabas sa gate ay ikaw ang ipasagasa ko sa kaniyang ama!" galit na saad ni Shantal patunay lamang ang lakas ng boses."Ako ang dapat magtanong sa iyo sa bagay na iyan babae ka! Ano ang ginagawa mo rito? Siguro may masama kang binabalak sa anak ko ano?!" ganting-sigaw ni Owen Liam."Aba'h! Aba'h! Kung pagbibintangan mo lamang ako ay maari ka nang umalis ngayon din! Aba'y sa akin na nga nila ipinagkatiwala ang bubwit na iyan ay ikaw pa ang may ganang manigaw at magparatang! Malay ko ba kung ikaw talaga ang ama niya! Baka naman balak mo siyang kidnapin? Kung ganoon ay lumayas ka sa harapan ko dahil kahit lalaki ka ay kaya kitang pitikin!""Teka lang---""Teka lang ang mukha mo! Oh, alam ko na! Ikaw iyong kapatid ng asawa ni Doktora---tama! Bakit ngayon ko lang naalala. Tama nga naman ikaw si Owen Liam De Luna!"Ayon! Ang newest version ng Tom and Jerry ay nagsimula na namang magb
"Damn that man! Let's go!" Sa galit ay biglang napatayo si Duncan. Ngunit dahil nasa pagamutan ay agad naharang ng mga anak."Daddy, hayaan mo na ang youngsters na kumilos. Si insan General na ang bahala sa hayop na Major Kernel na iyon. Dahil kung kikilos tayo as family ay revenge ang tawag doon. Ngunit kung si General ay hindi kundi military disciplines---""Tsk! Tsk! Mali ang ginamit mong salita, kambal. Military action kamo or punishment for being a greedy traitor." Nakangising pamumutol ni Ian Jeremiah sa kambal na humarang sa amang namumula sa galit.Tuloy! Ang pasyente nilang sightless ay napahagikhik. Kahit hindi ito nakakakita ay nauunawaan naman ang usapan. Kaya't hindi nila ito masisisi kung nakitawa sa kanilang harutan.Kaso!"Daddy! Kylie Rose Brielle is here!" Bigla na ngang bumukas ang private room door ay tumili pa ang maglimang taong gulang na bata."Grabe naman ang energy mo, baby girl. Did you sleep well with your Mama Elizza?" masayang salubong ni Isadora sa apo.
ACCIDENT, SHADOW AND ISKALAWAG"Huwag, anak. Huwag mong gawin iyan. Dahil oras na gamitin mo ang pagiging general mo upang gantihan ang nagkasala ay wala ka na ring ipinagkaiba sa kanila!" Mariing pagsalungat ni Duncan sa pamangking si Prince Tommy nang ipinahayag nitong tanggalin sa trabaho ang mga suspek sa pagka-ambushed ng anak niyang si Kyle Brielle."I'm sorry to tell you these words too, bayaw. Ngunit hanggang sa huli ay makatao ka pa rin. I mean it, bayaw. Anak mo ang agrabyado ngunit si Tommy pa rin ang iniisip mo," ani Allick Francisco sa pinsan ng mahal na asawa."Wala naman kasing mangyayari kung pananaigin natin ang galit, bro. Tama, bilang magulang ni Kyle Brielle ay masakit at shocking news ang nangyari sa kaniya samantalang hindi naman siya pala-away na tao. Ngunit kagaya nang sinabi ng asawa ko ay wala na tayong ipinagkaiba sa mga suspek kung gantihan natin sila kagaya nang ginawa sa atin. Instead, gawin nating legal. Advantage na rin nating si Prince Tommy ang genera
"Why you people are following my Boss?" tanong ng lalaking humarang sa magkakapatid."Ha? Sigurado ka? Aba'y public cemetery ito ah...!" Taas-kilay ding hinarap ni Ian Jeremiah ang humarang sa kanila."I know and I am aware of it. And I also know that you are not here to visit any grave. Since you entered this place you directly came here," anitong muli."Alam mo naman pala eh! Tumabi ka kung ayaw mong samain sa akin. Mali ka dahil pumarito kami upang dalawin ang Mommy ng pamangkin ko!" singhal na rin ni Owen Liam.Hindi naman sa hindi siya marunong mag-english dahil mas mataas pa ang grado niya sa English kaysa Filipino. Ngunit naaalibadbaran siya sa pagkakataong iyon. Aba'y English ito nang English samantalang tagalog naman sila."Bro, ako ang ama ni Kylie Rose Brielle Gomez De Luna. At tama ang mga kapatid ko, nandito kami upang dalawin ang puntod ng Mommy niya. Huwag kang mag-alala dahil mga propesyonal kaming kausap." Alam niyang nawawalan na ng pasensiya ang mga hapatid niya kay
"Huwag n'yong sabihing excluded ako sa misyong binabalak ninyo?" tanong ng tinig na nagmula sa kanilang likuran."Kuya!""Kambal!"Sabayan nilang sambit saka patakbong lumapit dito. Saka mag-unahan sanang yayakap kaso pabiro rin itong tumakbo sa hagdan upang aakyat sana sa ikalawang palapag ng kabahayan."Wait for your turns, my dear brothers. Dahil ako ay yayakap muna kina Mommy at Daddy," saad pa nito.Kaya naman ay nagkatinginan silang tatlo. At bago nito mahulaan ang nais nilang sabihin ay tinawid na rin nila ang pagitan saka ito hinila pabalik sa upuan."Tsk! Tsk! Huwag kang mag-isip na nasa alapaap ka, brother. Dahil alam mo namang sa ganitong oras ay tulog na sina Mommy at Daddy with my beloved kid," nakangising ani KB."Kami na muna ang makibalita sa iyo, Kuya. Alright, ano may nabuo na ba?" mapang-asar ding saad ni Ian Jeremiah.Kaso sa tinuran nito ay agad na sinapak ng kambal."Tsk! Tsk! Ano'ng akala mo sa bagay na iyan, kambal? Porke't nagpulot-gata na sila ay nakabuo agad
***"Magandang gabi po, Tita. Maari ko po bang makita si Kylie Rose?" tanong ng bagong dating na babae."Same to you, Hija. Bago ko sagutin ang tanong mo ay magtatanong din ako. Sino ka ba? Bakit mo kilala si baby Kylie? Paano mo nalamang nandito siya sa pagamutan?" sunod-sunod ding tanong ng Ginang."Sure, Tita. At sasagutin ko po ang lahat ng mga iyan. Juliette Joyce Cordova ang pangalan ko. Nakadaupang-palad ko ang mag-amang Kyle Brielle at Kylie Rose sa park few months ago. Ngunit matagal ko ng kilala si KB dahil kamag-aral ko sila ng kambal niya noong nasa sekondarya pa lamang kami. Subalit naghiwalay ng landas noong nagtungo ako sa UK at doon nagpatuloy sa pag-aaral. And accidentally few months ago I met him and his daughter. Nalaman kong nandito ang anak niya dahil ako ang general pediatrician dito sa hospital. Kaya ko nalaman ang room number ninyo ay nakita ko ang admission papers ni Kylie Rose," mahaba-habang pahayag ng dalagang doktora.Natigilan si Isadora dahil sa naging p