YUMII drove to follow Elliot Hart. Hindi ako makakonekta kina Lorraine at Stefano kaya susundan ko na lang ang isa. I think there is wrong about what I am seeing, palayo nang palayo ang tinatahak na daan ng abogado.Kailangan ko talaga siyang sundan, may mali sa sitwasyon. "Call them again, Izzy..." ulit ko sa kasama ko, na nagsisi ako bigla bakit sinama ko pa. Kahit yata magkasa ng baril ay hindi nito alam."What's wrong with them?!" reklamo ni Izzy nang muli ay natapos na lang ang tawag na walang sumagot. "But wait... I thought we are just going to have a drive. Bakit parang nagmamadali ka at may hinahabol o tinatakasan? Are you hiding something from me, Mayumi?""May kailangan tayong sundan...""Si Sid?" tanong nito na ikinasulyap ko sa kaniya. "I mean si Isidro. Ang Ice mo.""I know what you meant, Izzy. But no... not like that. Si Elliot Hart ang sinusundan natin.""Don't tell me you fall for that guy just because of a dance... I can't believe it!" Izzy exclaimed in her overacti
ICEI sighed, recalling my talk and plans with Trace and his disciples. But in fairness with the triplets, they are outstanding. They could be young, but they have ways to win a fight.I was consumed with thinking while waiting for Elliot's car to pass me through. The moment I saw it, sinabayan ko na agad ang speed ng sports car niya."I got Elliot," I reported to Trace, who's still tracking us."Good. Just follow him at kasama niya ang triplets.""What the... fuck are you saying?! Why I wasn't informed na nasa kotse niya ang tatlo?!" asar kong tanong. Wala naman problema kung kasama ni Elliot pero nakakainis lang na hindi ako nasabihan. I hate being surprised."That's fine. May pinagawa lang ako sa kanila sa mansion ni Rex.""Where should we headed, Trace?" tanong naman ni Elliot na ikinatahimik ko habang ang mga mata ay nakatutok lang sa kalsada.Nakinig na lang ako sa usapan ng dalawa hanggang sa napansin ko ang apat na kotse na sumusunod sa amin. Kanina pa ang mga iyon at hindi ko
YUMIPalakad-lakad ako sa harap ng tatlong lalaking nakatingin sa akin. Sina Ice, Elliot, at Trace. Walang malay pa rin si Izzy at mas okay na iyon. Ang tatlo namang mga Bible Girls ko ay magkakatabi sa isang couch. “I will claim them back,” tukoy ko sa triplets. “No.” Trace stood up and walked to get near me. “They chose me as their new master. Better accept it.” “They are not pets that need a master!” asar kong tugon sa pinsan ni Ice, na ang guwapo pala talaga at mukhang sayang dahil nagkagusto lang sa gaya ni Madam Julianna.“We will stay with Master Trace, Dominus….” Genesis said those words softly. “What?!” gulat kong tanong. Nilingon ko sila. Alam kong matagal kaming hindi nagkita-kita pero harap-harapan nila akong ipagpalit sa lalaking ito? Na saksakan man ng guwapo pero hindi yata nagsusuklay. Unfair naman… “Incognito is targeting us, they sent their sicarius to kill us,” Exodus explained. “At kanina, hindi lang kami ang natunton ng mga sicarius ni Helio, pati na ikaw.”
ICESinundan ko na si Mayumi nang lumabas siya mula sa kwarto para harapin muli si Trace. I just listened to her and Trace talking. Hindi na ako sumali pa sa usapan hanggang sabihin ni Trace ang plano na doon niya itatago sa isla ang mga bata at si Mira para hindi malapitan ni Julianna. Mayumi looked at me after that. “Isla?” “Agrianthropos,” I answered. “Island that Foedus owned.”“And don’t tell me you are part of it now…” wika niya habang nakatitig sa akin. Nasa mga mata ang pagtataka. “Are you?” kunot na ang noo na tanong niya. “Yes.” Ayoko aminin pero para saan pa ang itanggi ang bagay na ‘yon? At malalaman din niya talaga ang lahat sa susunod. “But for now, only few people know, including you.” “You have the FSO, Ice…” pabulong na sabi ni Mayumi, pagkatapos ay inikot ang tingin sa amin nina Trace at Elliot, bago inis na napabuga ng hangin at ibinalik ang tingin sa akin. “Why you need to enter another organization when FSO was already big and an empire?”“Because I need to.”M
YUMIThe wedding day. Ang araw na pinakahihintay nina Sir Rex at Miss Mira. Inalis ko ang kung anong panggulo na nasa isip ko. Ang kailangang gawin ko ay ang nasa plano. Lumabas ako sa kuwarto na nakalaan sa amin ni Reign dito sa mansion ni Don Gabriel Pellegrini. Ang sabi ay parating ang pamilya na umampon sa anak nina Sir Rex at Miss Mira na si Art. Noong inakalang patay na si Miss Mira at Art ay nagkahiwalay lamang ang mga ito at si Art ay napunta sa pamilya ng pinsan ni Ice Ferreira. Akalain nga naman maglaro ang tadhana."Yumi..." Ice started talking to me. I am connected to him with the airpods. Thanks to technology. But technology could be the thing to doom us in return once we were discovered, like how Madam J was monitoring Trace. "I'm ready," I informed Ice. "Saan kayo ngayon ni... Elliot?" pabulong na lang ang pagsabi ko sa pangalan ni Elliot Hart. "Sa usapan pero may problema," sabi nito sa akin na ikinasalubong ng kilay ko. "Problema?" kunot-noo kong tanong. "Wala pa
ICE I was simply checking the mansion of Don Gabriel Pellegrini. Kararating lang namin, sumabay ako sa magkapatid na Petrov-Silva, sina Brix at Hail. Sinadya kong sumabay para hindi naman mahalata kung mamaya ay lalapitan ko si Art. Kanina pa ako nakikipaglaro kay Art, ang pamangkin ko kay Brix. We are not blood related dahil alam naman ng lahat, maliban sa mismong bata, na ampon siya ni Brix. Noong tumakas si Mira kasama ang anak nila ni Rex, ay sina Brix at ang asawa niyang si Ali ang tumulong dito. The two helped without knowing na ang tinatakasan ay si Rex na anak ni Don Gabriel, na ninong naman nila Brix at Ali sa kasal. Sa kakatago ni Mira sa mga tao ni Rex ay hindi na nito nabalikan ang anak na iniwan sa mag-asawa. Hindi nabalikan kasi may kumuha rito. Kumuha na natakasan din nito pero nawala na ito na parang bula. Hindi ko alam kung ano pa ang kuwento at kung paano nakita itong muli ni Rex. At ngayon nga ay ang kasal nila na tag-limang milyon lang naman ang invitation brooch
YUMIAgrianthropos City.Napakagandang isla... at nakakamangha na malaman na si Trace ang nagdisensyo ng buong isla. Ang mga matatayog na gusali. Ang malalapad na kalsada. Hindi aakalain ng kahit sinong makakarating dito sa unang pagkakataon na may ganitong lugar sa Pilipinas.Mali pala. Hindi pala ito sakop ng bansang Pilipinas. Government rules and laws are not applicable in this island. Sa lugar na ito ay ang mga founder ng Foedus ang batas. Ang mga members ay lahat may bahagi sa isla at lahat ng naririto ay kailangan sumunod sa batas ng lugar.And Isidro chose to be part of this organization... I sighed thinking of his reasons because I was one of those. Sa isang linggo namin dito ay inaamin kong unti-unti ay napapahanga na ako sa organisasyon ng Foedus. Nakakahanga ang kanilang samahan. Their alliance and founder's rules... They are truly an empire in an underground society. I chilled. Naistorbo ang iniisip ko dahil sa malamig na hanging dala ng madaling-araw. Ayoko pa sanang bu
ICEAfter I talked to Elliot over the phone, I looked for Mayumi but she was no longer in our room. Siguradong nasa mga bata na at gano'n talaga siya. Every morning ay pupuntahan agad ang mga bata."Magandang umaga po, boss," magalang na bati sa akin ni Ibarra na tinanguan ko bilang sagot. I went inside the kitchen to find Mayumi. Sinalubong ako ni Texas, ang lalaking leon ni Trace na agad nagpalambing."Hi, Texas!" bati ko rito na parang ordinaryong pusa na ikinukuskos ang ulo niya sa akin. I touched Texas' mane."Mabuti at close mo talaga ang mga iyan... kung hindi ay 'di talaga ako papayag na dito tayo."Nilingon ko si Mayumi na nasa likod ko na pala. "They're sweet beings," I said to her referring to the big cats of Trace."Yeah... I know now." Mayumi stood beside me and touched Texas' mane too. "Ang cute-cute niyo talaga," nanggigigil niyang sabi sa leon. She squatted to cuddle and kissed Texas next.Inakbayan ko si Mayumi nang tumayo na ulit at niyaya kumain ng breakfast. Habang
YUMI“Mommy!” tawag ni Courtney sa akin at mabilis na lumapit. Iniwan niya ang mga kapatid kalaro ang tatlong anak ni Trace. Nasa garden ng Doze’s Palace kami. Katatapos ng lunch ng tumawag sa akin si Izzy, nangangamusta. We did videocall at kaya ako napunta sa garden ay para mapakita ko kay Aleya ang mga ‘pusa’ ni Trace. Tuwang-tuwa si Aleya kaya naisip kong imbitahan sila rito sa isla sa susunod, especially dito sa Doze’s Palace. I will just asked Trace and Chloe’s permission at kapag pumayag ay yayayain ko talaga ang mag-inang Izzy at Aleya. Back to the day after malaman ni Ice na anak niya si Yara, hindi na siya pumayag na hindi kami madala rito sa isla ng Foedus. Hindi naman kami naisama ni Ice agad, tinapos muna ang blood transfusion na kailangan ni Yara at siniguradong okay na siya bago kami lumabas ng ospital. At two days lang pagdating namin dito sa isla ay dumating din sina Trace at Chloe. Kasama ng mag-asawa ang tatlo nilang anak. Dahil nasabi sa akin ni Ice ang nangyari
ICEI got all their attention, but my eyes went to Yara… there she was, sleeping serenely… so beautiful, so fragile. At ang magaling na Pellegrini ay nasa isip agad na mapapangasawa ng anak niya ang anak ko? Nakakagago ang tarantadong ‘yon!“Papa!” Ebony and Ivory duetly greeted me. Nilapitan ko sila. Kinausap. Idinaan sa pabirong pagsita ang kunwaring inis ko sa kanila na sumama sila sa mama nila at nakipagsabwatan. Then, I looked at Courtney… kahit siya ay kunwari sinimplehan kong pagsabihan. Only Axel and Anghel didn’t say anything. Pareho lang silang pinaglilipat-lipat ang tingin sa amin ng mama nila. The two from the moment I found them were still the same with their ways. Pareho pa ring nag-oobserba sa paligid palagi ang ginagawa dahil iyon ang bagay na kinalakihan nila kay Cent. In fact, iyon ang itinuro talaga ni Cent sa kanila, ang matuto silang mag-obserba para hindi sila mapahamak kay Louisianna. Kaya kahit matagal nang wala si Louisianna ay dala-dala pa rin nila ang ug
ICE“Sir, are you okay?” muling tanong ng nurse. Nagtatakang nakatingin sa akin dahil natulala na ako.And who wouldn’t? Sa daming kalokohan ni Mayumi ay dapat hindi na ako magtaka pa sa panibagong sikreto na itinago niya sa akin. Pero iba ito? Ninakaw niya ulit ang pagkakataon kong makasama siya habang nagdadalang-tao siya sa anak ko. At ang masakit… pinaniwala niya akong kay Fumagalli si Yara unang beses ko pa lang nalaman ang tungkol dito.“Sir?” muling kausap ng nurse sa akin. I nodded. I gaped. “Thank you.” Sa wakas ay nasabi ko. I sighed heavily and looked at the nurse’s face. I smiled at her. “May I know kung saan ang room ni Ya—” I stopped and clicked my tongue. “I mean… saan ang roon ni Ysidra Ferreira?”I saw hesitation in the nurse’s eyes. Nasa mga mata niya rin ang katanungan kung bakit ko gustong malaman ang kuwarto ni Ysidra Ferreira ay kanina ibang pangalan nga naman ang hinahanap ko. “Sir…” the nurse said awkwardly. Umiling siya. Nag-aalangan ibigay sa akin ang numero
YUMI“See you later, Izzy…” paalam ko sa kausap sa telepono habang inaayos ang mga dadalhin kong mga gamit ni Yara. Ang sabi ni Izzy wala pang nahahanap na kapareho ng blood type ni Yara kaya gusto kong kabahan. AB negative si Yara at ang pareho niya ng blood type ay ang quadruplets pero hindi naman pwede ang mga ito mag-donate.I needed to look for some donor at kung kailangan ko ipa-hack lahat ng computer system ng mga ospital sa buong mundo ay gagawin ko para lang masigurado na makakahanap ako ng pwedeng donor para kay Yara. I could ask Ice to help me pero para ko na ring inamin sa kaniya na siya ang tunay na ama ni Yara. Not now. Malapit na matapos ang problema ni Gigi. Once okay na ang lagay ni Gigi sa La Falange ay magagawa ko na rin magpaalam sa kaniya. I could no longer use Gigi. Unfair iyon sa kaniya. At kahit pa paulit-ulit niyang sabihin na tanggap niya ang kung anong kaya kong isukli sa pagmamahal niya ay mali pa rin paasahin ko siya. “Everything Gucci?” tanong ni Court
ICEThree. Two. One. Time’s up. I’m done with my count down.“Tara,” aya ko kina Leviticus at Exodus. Lumakad na kaming tatlo papunta sa chopper na sasakyan namin pabalik ng Manila.“Saan tayo?” tanong ni Levi na nanalo sa rock, paper, scissors game nilang dalawa ni Exo kanina. Ang pustahan nila ay kung sino ang nanalo ay siyang magpipiloto. “Bulacan. Sa mansion ni Alguien,” sagot ko. Mas okay na doon kami dumiretso para makausap ko pa si Trace bago ko sugurin si Mayumi.“Call Gen, Exo!” malakas ang boses na utos ni Leviticus sa kambal dahil naka-aviation headset na ito at umandar na rin ang elisi ng helicopter. “Sabihin mo sa Bulacan na niya tayo kitain at kailangan natin makabalik agad. Sabi ni Paige ay paalis siya bukas papuntang Paris kaya samantalahin natin na sa atin iiwan ang Big 3.”“Kailangan magpaalam muna tayo kay Alguien,” tugon ni Exodus. “At alam mong OA ‘yon, kailangan personal ang paalam. Hindi rin ‘yon basta maniniwala na iiwan sa atin ang Big 3 kaya kailangan kumbin
YUMI“Are you sure we will bring her?” tanong ni Rex at sinulyapan si Courtney. Napatingin ako kay Courtney, ayokong marinig niya ang sinabi ni Rex at mabuti na lang nakasuot ito ng headset at kumakanta kasabay ng pinapakinggang musika. I smiled looking at her. Mabuti na lang at mukhang wala itong pakialam sa paligid. Courtney was a typical teenager. Actually, sa sobrang walang pakialam niya sa paligid ay kahit nag-aaway na sina Ebony at Ivory at nagsasabunutan ay hindi man lang nito iniintindi.“Yes,” sagot ko sa tanong ni Rex sabay kuha ng pinag-aawayang stuffed toy nina Ebony at Ivory para tumigil ang dalawa. “And we are already heading to Manila…” I rolled my eyes. “Dapat sana kanina pa ang tanong mo na ‘yan, ‘di ba?” “Nagmamadali ka kanina kaya hindi na ako nagtanong. Just realize it now…” Muling nilingon ni Rex si Courtney. “Kaya ka pala nagmamadali kasi pati ‘yang anak na isa ni Ice itatakas mo.”I frowned. “Alam mong anak siya ni Yelo?” tanong ko dahil wala naman akong sinas
ICEBumangon ako nang makalabas na si Mayumi. I heard all she said. She said she loves me, but I also heard her concern with Gigi when she was talking to Rex. Nalaman lang na umalis ng bansa ang isa ay parang nanay na nag-alala na sa anak.Asar akong bumangon. Kanina pa ako gising, doon pa lang sa pagtatakip niya ng kumot sa akin ay nagising na ako at pinapakiramdaman na lang siya. Kinuha ko ang mga damit ko sa sahig at nagbihis. Dinampot ko na rin ang mga damit ni Yumi at basta na lang ipinatong sa luggage niya. She was into something. Tama ako na may pakay siya kay Isagani. Malinaw niyang sinabi kay Rex na bukas na nito siya puntahan dahil wala pa rin siyang nakuhang buhok ng isa. And if I want to know the truth of Mayumi’s mission, I should not follow her downstairs. I need to act normal. Kunwari tulog na ako kaya dapat hindi niya ako makita sa baba.Mabilis akong lumabas ng kuwarto para bumalik sa kuwarto na tinutuluyan ko pero agad akong nagtago nang makita ko si Yumi na palaba
YUMITawag mula sa telepono ang gumising sa akin. Si Izzy. Tiningnan ko si Ice na tulog sa tabi ko at dahan-dahang inalis ang braso niyang nakayakap sa akin at saka tumayo para lumayo sa kama para kausapin si Izzy. “Hi…” namamalat ang boses kong sagot sa tawag ni Izzy. “Bakit hindi pa kayo pumupunta rito?” tanong ko pero nang maisip na wala pa pala akong nakuhang buhok ni Isagani ay napatingin ako kay Ice ng masama. Kung hindi niya ako inistorbo ay sana nakakuha na ako ng buhok ng isa. I looked at the time on my phone, alas-onse ng gabi. Kung gano’n ay thirty minutes akong nakatulog. “We’re in hospital,” wika ni Izzy na ikinakunot-noo ko. “Dinala ko si Yara at nag-worry ako masyado.”“Ospital? Why? Hindi ba bumaba ang lagnat niya?” tanong ko na nagtataka at nag-aalala.Nang iwan ko si Yara kay Izzy ay napainom ko pa iyon ng paracetamol. Ngipin ni Yara ang dahilan kaya nilalagnat ito at nagdudumi. Normal iyon sa baby pero hindi ko maiwasan hindi mag-alala kasi bakit kailangan dalhin
ICEThe party started. Hindi ko napigilan ang pa-party ni Paige lalo na at hindi dumating sina Trace at Chloe.“Kuya Ice!” tawag ni Paige sa akin mula sa baba. “Join us! Bring Courtney here!”I only nodded. Ang utak ko ay nando’n kina Trace at Chloe ngayon. Ano kaya ang nangyari at hindi sila dumating? Kanina pa ako tumatawag kay Trace pero walang sagot.Nang matanaw ko si Isagani papunta ng pool area at pasimpleng sumunod si Yumi ay naagaw na naman nila ang atensyon ko. Yumi was truly into something. Tama ako na hindi normal ang mga pasimple niyang pagsulyap-sulyap sa isa kanina. May kung anong plano siya at dapat kong malaman.Bumaba na ako. It’s time for me to join the party.Nasa pool area na ako when I scanned everyone and counted them. More or less ay nasa fifty ang mga taong naroroon, hindi ko kilala lahat. Ang dinig ko ay may siyam na artista na naroon, pitong modelo, eleven politician, limang singers, and the rest ay mga kakilala ko na, puro mga taga-Foedus at kung saan-saang