Atanasha"Hello?" Bungad ko nang masagot ko na ang tawag.[Good morning, love! Nag breakfast ka na ba?] Masayang bati ni Red sa akin.Mukhang maganda ang umaga nitong mokong na to ah! Siguro dahil sa nangyari kagabi…"Kakain palang sana, kaso bigla kang tumawag."[Ay sorry! Akala ko ay kumain ka na, kanina pa kasi ako natapos kumain ng breakfast at hindi talaga ako mapakali kaya napatawag na ako sayo.] "Oo nga pala, wag kang tawag nalang nang tawag basta basta… Alam mo naman kung sinong mga kasama ko rito. Mas lalo tayong mahuhuli sa ginagawa mo."[I'm sorry, gustong gusto lang talaga kitang makausap ngayon. Missed na kasi kita…]Muntik ng lumabas ang kaluluwa ko ng bigla nalang may kumatok sa pinto ng aking kwarto. Agad kong itinago ang phone ko sa aking likuran, "Beshy? Ano pa bang ginagawa mo diyan? Nagugutom na ko, bilisan mo na at sabay tayong kakain!" Sambit ni Angel. Ilang segundo lang ay narinig ko na lamang ang yapak ng paa nito na papaalis na. Dali dali kong inilapit ang a
"Kanina ka pa ba naghihintay? Sorry medyo natagalan ako, hindi ko kasi talaga mahanap yung daan papasok dito, masyado palang tago ang lugar na ito." Napapakamot sa ulo na sambit ni Red.Napayuko na lamang si Atanasha at napangiti, "It’s fine, kailangan na pala nating umalis since two hours lang yung binigay na oras sa akin ni Angel para makagala at nagawa ko lang din makaalis dahil wala ang mga magulang ni Angel… at dahil na late ka ng thirty minutes ay isa at kalahating oras nalang ay mayroon tayo.”“Isa’t kalahating oras lang? Ano ba naman yan.” Angal ni Red at napapanguso pa ito dahil sa pag-aktong nagtatampo.“Oh sige, unahin mo pa yang paggaganyan mo at magiging isang oras nalang talaga yan,” Pinamaywangan ni Atanasha si Red. Agad na napakamot ng ulo si Red at ipinag bukas na ng pinto si Atanasha at inalalayan itong maka sakay. Nang siya rin ay makasakay ay agad niyang pinaandar ang sasakan, “Saan nga pala tayo pupunta ngayon? Kailangan doon tayo sa lugar kung saan walang makaka
Atanasha"Love!" Pasigaw kong pag gising kay Red ngunit hindi manlang ito natinag sa akin, "Red… Red!" Muli kong tawag sa kanya at sa oras na ito ay inuyog uyog ko pa siya para lang magising na siya at sa awa ng Diyos ay nagising din siya."Hmm? May… may problema ba?" Inaantok pang tanong nito."Problema? Sobrang laking problema! Four hours na akong wala sa bahay, paniguradong hinahanap na ako nila mommy. Sabi ko naman sayo na gisingin mo ako 'di ba?" Naiinis kong usal.Napakamot naman siya ng kaniyang batok at inayos ang kaniyang pagkaka upo, "Hindi pala tumunog yung alarm ko… Sorry, nakaramdam din kasi ng antok nang makatulog ka kaya nag alarm nalang ako sa phone kaso…" Ani nito at napakamot nalang sa kanyang ulo. "I'm so sorry, Love…""We need to go now!" Sambit ko at nag mamadaling inayos ang aking sarili at chineck ang aking mga dala. Nauna na rin akong nag lakad papalabas at nang makarating sa elevator ay napaka bagal pa nitong ayusin ang kanyang nagusot na damit dahil sa pag hi
"Just tell us kung saan pumunta ang kapatid mo, darling," kitang kita na ang pagiging frustrated ni Mrs. Martinez. Nag halo-halo na ang nararamdaman nito ngunit mas nangingibabaw sa lahat ang kanyang pag aalala."Mommy, I already told you everything. Kanina pa ako paulit ulit dito, nag paalam nga siya sa akin kanina na aalis siya kasi i don't know maybe she's bored here? She said na mamamasyal lang siya saglit at ayaw niyang may kasama so I let her but I said to her na two hours lang siya pwede sa labas at dapat makauwi na siya after two hours…" sambit ni Angel habang naka upo sa sofa at nakatingin sa sahig. Nakapalibot sa kanya ang kanyang mga magulang habang binabato siya ng iba’t ibang tanong tungkol sa biglang pag alis ni Atanasha na hindi manlang nagawang magpaalam sa kanila.“Anak naman, why did you do that? Alam mo naman na hindi pwedeng lumabas si Atanasha dahil sa Red na yun. What if kinidnap niya ang kapatid mo? What if naghahanap lang siya ng tyempo para makuha si Atanasha?
AtanashaMatapos ang iyakan serye namin ni mommy kanina ay bigla na lamang siyang tumawa sa kalagitnaan habang pinakalma niya ako at pinapainom ng tubig. Hindi niya raw inaasahan na magsisinungaling pa raw ako para lang makipagkita kay Red dahil pwede naman daw akong magpaalam ng maayos sa kanila at agad naman nila akong papayagan at ihahatid pa sa aking pupuntahan.Narito kami ngayon sa sala habang umiinom ng tsaa. Naikalma ko na rin ang aking sarili sa labis na pag iyak kanina. Hindi ko talaga inaasahan na ganito ang magiging bungad nila sa akin. Ni hindi manlang sila nagalit sa ginawa ko. Ngunit…Kung anong ikinaayos nila mommy at daddy ay siya namang pagiging weirdo ni Angel. Kanina pa siya nananahimik at wala manlang siyang sinasabi na kahit anong salita. Nanatili lang siyang naka upo sa sofa at parang walang pakielam sa amin.Siguro ay sobra ang galit niya sa akin dahil sa ginawa ko. Sabagay, hindi ko naman siya masisisi. "So… bakit hindi niyo naman agad sa amin sinabi na may
Matapos ang ilang araw ay naging maayos ang takbo ng buhay nina Atanasha at Red. Napagdesisyonan na rin ni Red na itago na lamang ang bagay na nalalaman niya tungkol kay Angel, ito ay dahil para respetuhin na rin ang kagustuhan ni Angel na huwag na itong ipaalam pa kay Atanasha.AtanashaNapayuko ako sa lamesa ng bigla na lamang gumulong ang aking lapis. Habang kinukuha ko ito ay bigla na lamang nag ring ang aking phone dahilan ng pagkagulat ko at dahil dito ay nagmamadali pa akong umangat kaya naman sa hindi sinasadyang pangyayari ay nauntog ako sa mesa."Argh!" Daing ko habang hawak hawak ang aking ulo. Matapos himas himasin ang parte ng ulo ko na nauntog ay kinuha ko na ang aking phone at sinagot ito, "Yes, Love?" Sagot ko sa tawag ni Red.Ano na naman kayang kailangan ng mokong na ito? Siguro ay namimiss niya na naman ako. Parang isang araw pa lang simula noong huli naming pagkikita, kahit kailan talaga ay hindi makatiis…[Hi, Love! May gagawin ka ba this afternoon? I mean, busy
Atanasha Matapos ang unang meeting namin with Lawyer Bueno ay may mga sumunod pa ito, hindi rin naging madali ang mga pinagdaanan namin sa mga nakalipas na linggo at sana ay mapatunayan na, na inosente talaga ako at hinding hindi ko magagawang manduga sa ganoong kalaking patimpalak. Saturday nga pala ngayon at usapan namin ni Red ay tuwing Saturday ay magkikita kami kaya naman maaga akong gumayak at talaga namang pumili ng magandang damit para sa date namin ngayong araw. Excited na ako dahil balak naming mag out of the country ngayon, well alam ko ang iniisip niyo, kung nakapagpaalam na ba kami kila mommy and daddy, the answer is yes! Kaya sobrang saya ko talaga ngayong araw dahil kasabay na rin ito sa celebration ng anniversary namin ni Red. Akalain mo yun? Aabot pa pala kami sa araw na ito. Parang kahapon lang nung una ko siyang nakilala sa bar. Hindi pa rin talaga mawala wala sa isip ko kung gaano siya kagwapo noong mga oras na iyon. Talagang laglag panty, mars! Kaya naman hindi
Gabi na nang makauwi si Red mula sa kanyang inasikasong bagay para sa kaniyang surpresa sa kanilang anniversary ni Atanasha. Nang makauwi ay na upo muna siya sa sofa at isinandal ang likod sa sandalan upang doon ay makapagpahinga muna saglit. Matapos ang mahigit kalahating oras ay napag desisyonan niya ng tumayo at ihanda ang kaniyang maleta na dadalhin sa kanilang magiging out of the country ni Atanasha. Inilapag niya ito sa mesa at isa isang inilagay ang kanyang mga gamit doon. Isang maleta lamang ang kanyang balak dalhin kaya naman maigi niyang pinagkasya ang lahat ng kanyang importanteng gamit. Habang abala sa pag aayos ay bigla na lamang kumalam ang kaniyang sikmura, naisipan niyang umorder mun ng pagkain kaya naman agad niyang kinuha ang kanyang phone at na upo sa sofa at nag hanap na ng pagkaing kanyang kakainin sa gabing ito. Nang matapos ay ilalapag niya na sana ang kanyang phone sa sofa ng bigla na lamang itong tumunog, hudyat na may nag message sa kanya. Napangiti pa siya
Atanasha "Well I found a woman, stronger than anyone I know, She shares my dreams, I hope that someday I'll share her home, I found a love, to carry more than just my secrets, To carry love, to carry children of our own, We are still kids, but we're so in love, Fighting against all odds, I know we'll be alright this time, Darling, just hold my hand, Be my girl, I'll be your man, I see my future in your eyes.~" Pagkanta ni Red, “It is a song made by Ed Sheeran at gusto kong gamitin ang kantang ito para malaman ng babaeng pinakamamahal ko na siya lang ang nais kong makasama sa hirap at ginhawa. Alam kong marami na tayong pinag daanan pero tignan mo naman tayo ngayon, heto na tayo nandito na tayo sa parte kung saan unti-unti na nating natutupad ang mga bagay na pinapangarap lang natin. Ayoko ng mag sayang ng taon na wala ka sa buhay ko. You deserve the world and all the good things it has to offer. If I fail to find that world for you, I promise to give you mine! Atanasha Felise Martinez
Atanasha “The day has finally arrived. Two whole years with what feels like a lifetime's worth of the best memories. I used to believe that partnerships with this much love could only be found in the romantic movies that you always mock me for viewing. But here we are, a year later, and you have shown that you are wrong (despite your argument that rom-com gives me and the rest of the female population false hope — so I guess you have proven yourself wrong as well). I've never felt more at ease with anyone, mentally, physically, or emotionally. You are my refuge when I need it. You've given me so much over the last year, but what I value most about your love is the sense of security and reliance. You're my best friend, and I know you'll be there for me no matter what. Never let me face it alone. But you've also taught me how to be self-sufficient. This is something I will always treasure. Before you, I craved the attention of others and despised the prospect of ever being alone. But
AtanashaIsang buwan na ang nakalipas matapos i announced sa lahat ng tao ang pagbuo ng big 3 companies. Hindi ko pa rin makalimutan ang reaksyon ni Red nang malaman niyang ako ang isa sa mga tumulong upang maibalik niya ang kanyang kumpanya. Sobra sobra ang pagpapasalamat niya sa akin. At ngayon masasabi kong tama talaga ang naging plano ko dahil makikita naman ngayon ang resulta ng ginawa naming partnership. Mas lumago ang aming mga kumpanya dahil sa aming pagtutulungan at nakilala individually sa iba’t ibang bansa.Mayroon na kaming branch sa iba’t ibang bansa at talagang masasabi kong sobrang nagpapasalamat ako sa mga magulang ko na tumulong sa akin para maabot ang lhat ng ito at syempre kay mama na ansa heaven na hindi ako kinalimutan at patuloy akong ginagabayan.-Ngayong araw ang kaarawan ng pinakamamahal kong lalaki sa buong mundo. Syempre hindi ako papayag na hindi maging special ang birthday niya, kaya naman pinaghandaan ko talaga ito. Pinag piring namin siya para naman hin
AtanashaNgayon ko palang nabalitaan ang nangyari sa mama ni Red. Hindi ko alam na ganun karami pala ang naging biktima ng masamang pag uugali niya. Mabuti naman nakulong na siya. Kahit kailan ay hindi na talaga babait ang ugali nun at mas lalo lang siyang maraming mabibiktima.At dahil wala na ang nangunguna sa mga problema ko ay oras naman para ayusin ang mga nasira. Lumipad ako papuntang Manila kasama si Red at pinatuloy na muna siya sa hotel room ko. Hindi pa rin kasi tumitigil ang media sa paghahanap sa kanya at baka may iba pang mangyari kung makita nila si Red, mahirap na sa panahon ngayon dahil mainit pa sa mata ang apelyido nila at baka madamay pa si Red dahil sa kagagawan ng kanyang ina."Dito ka na muna, may kailangan lang akong asikasuhin kung may kailangan ka tawagan mo lang agad ako at pupunta agad ako dito, okay?" Paalam ko kay Red.Tumango naman ito at agad na akong umalis ng hotel. Nang makasakay ako ng sasakyan ay mabilis itong pinaandar ng aking driver at nag punta
Atanasha“Bakit hindi na kita matawagan? Ilang beses kitang sinubukang tawagan pero ni isa sa mga social media mo even yung number mo ay hindi na ma reach out…” Malungkot kong usal.Nandito na kami sa loob ng bahay ni Manang Fe. Hindi pa rin makapaniwala sila Manang Fe na nahanap ko ang location nila ngayon. Syempre, hindi ko naman sinabi kung kanino ko nalaman ang impormasyon. Ang sabi ko lang ay nag hire ako ng private investigator para mahanap kung nasaan sila."Susundan pa sana kita sa Australia pero nag simula na ang pag bagsak ng company. Kahit na inaasahan ko naman na babagsak ang company ay hindi ko inaasahang ganito kabilis. Para bang pumikit lang ako at pag dilat ko ay wala na sa akin lahat. Nang bumagsak ang kumpanya ay maraming nagpapakalat ng mga fake news na kaya raw bumagsak ang kumpanya dahil kinakarama na ito dahil sa mga empleyadong pinatay namin. Kahit kailan ay hindi namin magagawang pumatay ng mga inosenteng tao, pero may iilan naman akong narinig na dati na may m
AtanashaPangalawang araw na sa paghahanap ko kay Red. Mahigit limang private investigator na rin ang mga na hire ko para lang hanapin siya. May mga lugar naman silang mga ibinibigay sa akin ngunit kailangan pa nilang siguraduhin kung nandoon nga ba talaga si Red. Habang naghahanap kay Red ay unti unti ko na ring pinapakita sa Pilipinas ang mga produkto ko. Kaya naman sobrang abala rin ng aking secretary sa pag aasikaso nito. Si Jake naman ay palaging nakasunod sa akin sa kung saan ako mag punta.Sa mga araw na ito ay sobrang ingay pa rin ng media tungkol sa issue at problemang nangyayari sa mga Buenavista. Patuloy pa ring lumalabas ito sa mga balita at marami na ring mga chismis ang kumakalat ngayon at ginagawan ng kwento ang pamilya nila. Ginagawa ko naman ang makakaya ko upang mai take down lahat ng mga fake news na ipinakakalat nila, ngunit sa dami nito ay nahihirapan na rin akong isa isa itong mapatake down ng basta basta. Malaki na rin ang nagastos ko para lang doon.“Ma’am, tu
Atanasha Nang makarating ako dito sa Sydney, Australia ay agad akong pinag aral nila mommy at daddy sa kung paano ko mapapatakbo ng maayos ang kumpanya na hawak hawak ko ngayon. Halos buong dalawang linggo na puro libro at mga teachers na ang nakakasalamuha ko. Wala na tuloy akong balita kay Red kung ano na ba ang nangyayari sa kanya. Wala na kasi akong oras para maisingit pa na matawagan siya, pinagbabawalan din kasi ako nila mommy at daddy na gumamit ng aking phone. Confiscated lahat ng gadgets ko at pinapagamit lamang sa akin kapag kailangan ko sa aking pag aaral. “Hi, sweety! Don’t forget your next class. It is Marketing and ang professor mo para doon ay si Mr. Jimson. Isa siya sa mga mauutak sa mundo ng marketing at naging ka business partner din siya ng daddy mo kaya naman siya ang napili namin para maturuan ka dahil sa mundo ng business anak ay maiinvolve ka talaga sa marketing. Hinding hindi mo matatakasan iyan.” Nakangiting usal ni mommy. Argh! Kakatapos lamang ng three hou
Atanasha Nang matapos ang usapan namin Dalia hanggang sa pag uwi ko rito sa bahay ay talagang tinupad ko ang ipinangako ko sa kanya na hindi ko ipapaalam kay Red ang lahat ng nangyari kanina. Pag uwi ko ay abala pa rin si Red sa kaniyang ginagawa. Hindi naman na kwinestyon ni Red kung saan ako pumunta at mukhang wala pa rin ito sa kanyang sarili kaya naman hindi manlang nagawang mag tanong sa pinuntahan ko kanina. Habang tumatagal ay mas lalo akong naaawa sa kaniya. Hindi ko maatim na makita na ang pinakamamahal ko ay nagkakaganto. Nais ko mang aminin sa kaniya na nakita ko na si Dalia at alam kong nasa maayos siyang kalagayan ay pinipigilan naman ako ng konsensya ko dahil sa pangakong binitawan ko kay Dalia. Sinubukan ko naman siyang kausapin tungkol sa nangyari kanina ngunit ang sinasabi niya lang sa akin ay hindi naman daw iyon importante, tungkol lang daw sa pangungulit ng mama niya sa kanya. Tinanong ko rin siya kung ayos lang siya at kahit na sinasabi niyang oo ay alam kong iti
Atanasha“Paano ba kayo nagkakilala ni Kuya, Ate? Alam mo kasi yan si Kuya Red, hindi yan mahilig sa babae at sobrang ilap niyan sa babae. Tignan mo yan si Ate Sofia, matagal na yang umaaligid kay Kuya simula noong bata pa sila pero wala manlang naging chance kay Kuya at ni hindi manlang pinagbigyan ni Kuya kahit na puppy love lang. Akala nga ng lahat ay may pagka silahis si Kuya pero kilala ko siya alam kong wala lang talaga siyang oras sa mga ganoong bagay kaya ng malaman ko na may asawa na siya ay sobrang curious talaga ako sayo, ate..” Sambit ni Dalia.“Hindi ko alam kung saan sisimulan pero… ganito kasi ang nangyari,”—Flashback—"Hayop ka Mark..." lasing na lasing na usal ko habang tumutungga ng beer. Nandito ako ngayon sa bar pagkatapos kong hiwalayan yung hayop kong boyfriend. Nahuli ko siyang kahalikan ang kapatid ko na si Faye. Mga walang hiya! Sobrang baboy nilang dalawa. Bagay na bagay sila sa isa't isa pareho silang makati. "Akala mo kapag iniwan kita ay hindi na ako mak