Tulala lamang si Red habang naka upo sa sahig. Dahil sa ingay na kanyang ginawa ay agad na nagising si Manang Fe at hinanap kung saan nanggagaling ang sigaw at hagulgol na kanyang naririnig."Jusmeyo marimar! Minumulto na ba ang bahay na ito? Sino naman ang mag iingay ng ganitong dis oras ng gabi," sambit ni Manang Fe habang isinusuot ang kanyang balabal. Nang makalabas ng kanyang kwarto ay nag tungo muna siya sa switch ng ilaw at binuksan ito. "Wala namang tao dito…" takang sambit ni Manang Fe at sumilip sa labas upang tingnan kung may tao ba roon ngunit wala rin siyang nakita. Maya maya pa ay nakarinig siya ng mahinang ingay sa likod bahay kaya naman dali dali niyang kinuha ang walis tambo upang gawing pamalo sa kung sino man ang tao roon."Diyos ko po, kayo na po ang bahala sa akin kung may dala mang armas tong magnanakaw na ito," bulong na panalangin ni Manang Fe at dahan dahang sumilip sa garden. Kadiliman ang bumungad kay Manang Fe at tila liwanag na lamang ng buwan ang nagsisi
Malapit ng sumikat ang araw ngunit hindi pa rin natutulog si Red. Tulala lamang siya sa kanyang phone at kung minsan naman ay napapatitig kung saan. Sa tuwing tumutunog ang notification sa kanyang phone ay dali dali niya itong tinitignan ngunit ilang beses na rin siyang na disappoint sa mga ito. Sinubukan niyang pakalmahin ang sarili at kumuha ng bottled water sa kanilang mini fridge na nasa kaniyang kwarto at ininom ito upang mahimasmasan ng kaunti.Sa pang walong pagkakataon ay tumunog na naman ang kanyang phone. Agad niya itong tinignan at napabuga na lamang siya ng hangin dahil sa wakas ay dumating na ang kanina niya pa hinihintay. Agad niyang binuksan ang mga files na sinend ng kanyang sikretarya. Nakapaloob sa mga ito ang mga yaman, mga tirahan, business, at iba pang pagmamay ari ng pamilang Martinez. Napangiti naman si Red ng makita ang isang folder na naglalaman ng mga litrato ni Atanasha kasama ang pamilyang Martinez. “Sydney, Australia…” Bulong na pagbasa ni Red sa address n
“Ipagpatuloy mo lang ang pagmamasid sa dalawang yan at baka may mga impormasyon pa tayong hindi nalalaman." Maawtoridad na utos ni Red sa kaniyang sikretarya na sinagot naman siya ng pag tango.Naging mabilis lang ang kanilang byahe papuntang airport dahil sa mabilis na daloy ng trapiko. Pagkarating na pagkarating nila sa airport ay sumalubong agad sa kanila ang dalawang pilotong magmamaneho ng kanilang sasakyang eroplano. Nasa likod naman ng mga ito ang dalawang cabin crew na kanilang makakasama sa pag lipad."Welcome aboard, Mr. Buenavista!" Masiglang bati ng mga ito.-Nang makarating ang mga kanilang sinasakyan eroplano sa Australia ay mapapansin ang dark circles sa ibaba ng mata ni Red. Sa mahigit walong oras kasi na kanilang naging byahe ay hindi manlang nagawang matulog ni Red o kaya ay makapag pahinga manlang kahit saglit.Mag damag na nakatutok ito sa kanyang laptop at kung matigil man siya ay phone naman ang kanyang nagiging pahinga. Habang pinapanood ni Miss Dein ang kanyan
"Give me the key!" Pasigaw na utos ni Red sa kanyang driver na nag hatid sa kanya. Natigilan ito sa biglang pag sigaw ni Red at tila ba'y ikinanginig ito ng kanyang buong pagkatao. "I said, give me the key." Kalmado ng sambit ni Red ngunit pansin pa rin ang pagiging mainitin na ulo nito. Agad namang ibinigay ito ng driver. Mabilis itong kinuha ni Red at sumakay sa sasakyan.Agad niyang pinaandar ang sasakyan upang sundan ang sinasakyang kotse ni Atanasha. Nais niyang ipaharurot ang kanyang minamaneho ngunit napakaraming estudyante ang nagsisidaanan. Sa sobrang pagka dismaya sa mga nangyayari ay malakas niyang nahampas ang manibela."Hindi niyo mailalayo sa akin si Atanasha." Makikita ang galit sa mga mata ni Red. Kulang nalang ay mag labas ito ng usok sa kanyang ilong.-ATANASHA"Ano bang nangyayari? Akala ko ba may orientation tayo ngayon? Saan tayo pupunta?" Nag sunod sunod na lamang ang mga tanong ko kay Angel ng bigla na lamang akong paligiran ng mga bodyguard nila Angel na nakas
Isang kaguluhan ang masasaksihan sa bahay ng mga Martinez. Pilit nilang pinipigilan ang tangkang pag kuha ni Red sa kay Atanasha. "Mr. Buenavista, alam mo naman siguro kung ano ang ginagawa mo. Umalis ka na bago pa kami tumawag ng mga police para pwersahan kang paalisin." Usal ni Mrs. Martinez kay Red.Hinaharangan si Red halos sampung bodyguard ng mga Martinez upang hindi ito makapasok sa kanilang teritoryo. Para namang walang naririnig si Red at pilit pa ring itinutulak ang mga nakaharang sa kanya. Tila ba'y sarado ang isip nito sa kahit anong sabihin ng iba sa kanya at ang nais niya lamang ay ang makuha si Atanasha.Muling napatingin si Red sa kinatatayuan ni Atanasha at pansin nitong nakatingin din ito sa kanya. Nag tama ang kanilang mga mata at kitang kita sa mga mata ni Atanasha ang lungkot, awa, mga halo halong emosyon dahil sa kanyang nakikita.Maya maya pa ay hinila na ito ng kanyang kaibigan na si Angel papasok ng kanyang kwarto. Bago pa ito makapasok sa loob ay mapapansin
Nang makaalis si Red ay agad na nagsilapitan ang lahat kay Atanasha. Agad na nakaramdam ng pagka ilang si Atanasha sa mga ito na agad din namang napansin ni Angel, "Mommy, Daddy, hayaan na muna po nating makapagpahinga si Atanasha." Marahang hinila ni Angel ang kanyang mga magulang palabas ng kwarto ni Atanasha. Nang makalabas siya ay pinakatitigan niya muna ang kaibigan na para bang bigla na lamang nawala sa kanyang sarili, bago niya isinara ang pinto. Pagkalabas ng mga tao sa kwarto ni Atanasha ay bigla na lamang itong napa upo sa sahig na para bang nanghina ang tuhod nito at kanyang buong katawan.Napatulala na lamang si Atanasha sa sahig at maya-maya pa ay nag simula ng mag unahan ang kanyang mga luha. Umiyak ito ng umiyak hanggang sa mapagod ang kanyang katawan at makatulog sa sahig. -Pagkarating ni Red sa hotel kung saan nag checked-in si Miss Dein ay sinalubong siya ng kanyang mga bodyguard. Sinundan nya ang mga ito hanggang sa makarating sila sa harap ng isang kwarto. Pagka
"Pe-pero sir… Napaka delikado po ng gusto niyong gawin lalo na ngayon na may ideya na ang mga Martinez na gusto mong mapabalik si Ma'am Atanasha. Hindi tayo pwedeng kumilos nalang ng hindi manlang pinag iisipan lahat." Pagtutol ni Miss Dein sa nais ni Red na itakas mula sa pamilyang Martinez si Atanasha."But that's the only way para makausap ko manlang siya. Kahit ang mga Martinez ay ayaw akong palapitin sa kanya. Kahit makiusap pa tayo sa kanila ay hindi pa rin nila ako papahintulutan lalong lalo na ngayon na pinaninindigan na ng mag asawang Martinez na anak nila si Atanasha. Handa nilang ipag damot sa akin si Atanasha kahit anong mangyari. Sa tingin ko talaga ay may iba sa pamilyang iyon. Lalong lalo na sa kanilang iisang anak na si Angel…" Sambit ni Red at tumayo siya upang sumilip sa glass partition walls ng kanilang room. Bumungad sa kanya ang napakaganda at busy na city ng Australia. "So… papasukin po ba natin ang mansion nila mamayang gabi? Hindi po ba sobrang delikado ng bag
ATANASHA“Anong tinitingin tingin mo diyan?” Nagtatakang tanong ni Angel nang makita niya akong nakatitig sa kung saan. “Ah— wala, tara na…” Aya ko sa kanya at hinila na siya papasok ng grocery store. Pag pasok palang namin ay hindi ko pa rin magawang maialis ang paningin ko sa kotse na nakita ko kanina. Parehong pareho kasi ito ng sasakyan na gamit ni Red noong araw na pumunta siya sa bahay. Hindi ako nakakasigurado na sa kanya nga iyon dahil ilang araw na rin ang lumipas simula noong pangyayaring iyon.Kanina pa rin ako pinagmamasdan ni Angel na tila ba’y inaaral nito ang mga kilos ko. Siguro ay nakakaramdam na siya sa kakaibang ikinikilos ko ngayong araw. Lumapit ako sa kuhaan ng shopping cart at kumuha ng isa roon. “Saan muna tayo?” Nakangiting tanong ko sa kanya.Tinitigan nya naman ako ng ilang sugundo at matapos iyon ay bigla na lamang siyang napa iling at napa yuko. Maya maya pa ay inangat nito ang kanyang paningin sa akin at sumilay ang matamis nitong ngiti. Patakbo siyang
Atanasha "Well I found a woman, stronger than anyone I know, She shares my dreams, I hope that someday I'll share her home, I found a love, to carry more than just my secrets, To carry love, to carry children of our own, We are still kids, but we're so in love, Fighting against all odds, I know we'll be alright this time, Darling, just hold my hand, Be my girl, I'll be your man, I see my future in your eyes.~" Pagkanta ni Red, “It is a song made by Ed Sheeran at gusto kong gamitin ang kantang ito para malaman ng babaeng pinakamamahal ko na siya lang ang nais kong makasama sa hirap at ginhawa. Alam kong marami na tayong pinag daanan pero tignan mo naman tayo ngayon, heto na tayo nandito na tayo sa parte kung saan unti-unti na nating natutupad ang mga bagay na pinapangarap lang natin. Ayoko ng mag sayang ng taon na wala ka sa buhay ko. You deserve the world and all the good things it has to offer. If I fail to find that world for you, I promise to give you mine! Atanasha Felise Martinez
Atanasha “The day has finally arrived. Two whole years with what feels like a lifetime's worth of the best memories. I used to believe that partnerships with this much love could only be found in the romantic movies that you always mock me for viewing. But here we are, a year later, and you have shown that you are wrong (despite your argument that rom-com gives me and the rest of the female population false hope — so I guess you have proven yourself wrong as well). I've never felt more at ease with anyone, mentally, physically, or emotionally. You are my refuge when I need it. You've given me so much over the last year, but what I value most about your love is the sense of security and reliance. You're my best friend, and I know you'll be there for me no matter what. Never let me face it alone. But you've also taught me how to be self-sufficient. This is something I will always treasure. Before you, I craved the attention of others and despised the prospect of ever being alone. But
AtanashaIsang buwan na ang nakalipas matapos i announced sa lahat ng tao ang pagbuo ng big 3 companies. Hindi ko pa rin makalimutan ang reaksyon ni Red nang malaman niyang ako ang isa sa mga tumulong upang maibalik niya ang kanyang kumpanya. Sobra sobra ang pagpapasalamat niya sa akin. At ngayon masasabi kong tama talaga ang naging plano ko dahil makikita naman ngayon ang resulta ng ginawa naming partnership. Mas lumago ang aming mga kumpanya dahil sa aming pagtutulungan at nakilala individually sa iba’t ibang bansa.Mayroon na kaming branch sa iba’t ibang bansa at talagang masasabi kong sobrang nagpapasalamat ako sa mga magulang ko na tumulong sa akin para maabot ang lhat ng ito at syempre kay mama na ansa heaven na hindi ako kinalimutan at patuloy akong ginagabayan.-Ngayong araw ang kaarawan ng pinakamamahal kong lalaki sa buong mundo. Syempre hindi ako papayag na hindi maging special ang birthday niya, kaya naman pinaghandaan ko talaga ito. Pinag piring namin siya para naman hin
AtanashaNgayon ko palang nabalitaan ang nangyari sa mama ni Red. Hindi ko alam na ganun karami pala ang naging biktima ng masamang pag uugali niya. Mabuti naman nakulong na siya. Kahit kailan ay hindi na talaga babait ang ugali nun at mas lalo lang siyang maraming mabibiktima.At dahil wala na ang nangunguna sa mga problema ko ay oras naman para ayusin ang mga nasira. Lumipad ako papuntang Manila kasama si Red at pinatuloy na muna siya sa hotel room ko. Hindi pa rin kasi tumitigil ang media sa paghahanap sa kanya at baka may iba pang mangyari kung makita nila si Red, mahirap na sa panahon ngayon dahil mainit pa sa mata ang apelyido nila at baka madamay pa si Red dahil sa kagagawan ng kanyang ina."Dito ka na muna, may kailangan lang akong asikasuhin kung may kailangan ka tawagan mo lang agad ako at pupunta agad ako dito, okay?" Paalam ko kay Red.Tumango naman ito at agad na akong umalis ng hotel. Nang makasakay ako ng sasakyan ay mabilis itong pinaandar ng aking driver at nag punta
Atanasha“Bakit hindi na kita matawagan? Ilang beses kitang sinubukang tawagan pero ni isa sa mga social media mo even yung number mo ay hindi na ma reach out…” Malungkot kong usal.Nandito na kami sa loob ng bahay ni Manang Fe. Hindi pa rin makapaniwala sila Manang Fe na nahanap ko ang location nila ngayon. Syempre, hindi ko naman sinabi kung kanino ko nalaman ang impormasyon. Ang sabi ko lang ay nag hire ako ng private investigator para mahanap kung nasaan sila."Susundan pa sana kita sa Australia pero nag simula na ang pag bagsak ng company. Kahit na inaasahan ko naman na babagsak ang company ay hindi ko inaasahang ganito kabilis. Para bang pumikit lang ako at pag dilat ko ay wala na sa akin lahat. Nang bumagsak ang kumpanya ay maraming nagpapakalat ng mga fake news na kaya raw bumagsak ang kumpanya dahil kinakarama na ito dahil sa mga empleyadong pinatay namin. Kahit kailan ay hindi namin magagawang pumatay ng mga inosenteng tao, pero may iilan naman akong narinig na dati na may m
AtanashaPangalawang araw na sa paghahanap ko kay Red. Mahigit limang private investigator na rin ang mga na hire ko para lang hanapin siya. May mga lugar naman silang mga ibinibigay sa akin ngunit kailangan pa nilang siguraduhin kung nandoon nga ba talaga si Red. Habang naghahanap kay Red ay unti unti ko na ring pinapakita sa Pilipinas ang mga produkto ko. Kaya naman sobrang abala rin ng aking secretary sa pag aasikaso nito. Si Jake naman ay palaging nakasunod sa akin sa kung saan ako mag punta.Sa mga araw na ito ay sobrang ingay pa rin ng media tungkol sa issue at problemang nangyayari sa mga Buenavista. Patuloy pa ring lumalabas ito sa mga balita at marami na ring mga chismis ang kumakalat ngayon at ginagawan ng kwento ang pamilya nila. Ginagawa ko naman ang makakaya ko upang mai take down lahat ng mga fake news na ipinakakalat nila, ngunit sa dami nito ay nahihirapan na rin akong isa isa itong mapatake down ng basta basta. Malaki na rin ang nagastos ko para lang doon.“Ma’am, tu
Atanasha Nang makarating ako dito sa Sydney, Australia ay agad akong pinag aral nila mommy at daddy sa kung paano ko mapapatakbo ng maayos ang kumpanya na hawak hawak ko ngayon. Halos buong dalawang linggo na puro libro at mga teachers na ang nakakasalamuha ko. Wala na tuloy akong balita kay Red kung ano na ba ang nangyayari sa kanya. Wala na kasi akong oras para maisingit pa na matawagan siya, pinagbabawalan din kasi ako nila mommy at daddy na gumamit ng aking phone. Confiscated lahat ng gadgets ko at pinapagamit lamang sa akin kapag kailangan ko sa aking pag aaral. “Hi, sweety! Don’t forget your next class. It is Marketing and ang professor mo para doon ay si Mr. Jimson. Isa siya sa mga mauutak sa mundo ng marketing at naging ka business partner din siya ng daddy mo kaya naman siya ang napili namin para maturuan ka dahil sa mundo ng business anak ay maiinvolve ka talaga sa marketing. Hinding hindi mo matatakasan iyan.” Nakangiting usal ni mommy. Argh! Kakatapos lamang ng three hou
Atanasha Nang matapos ang usapan namin Dalia hanggang sa pag uwi ko rito sa bahay ay talagang tinupad ko ang ipinangako ko sa kanya na hindi ko ipapaalam kay Red ang lahat ng nangyari kanina. Pag uwi ko ay abala pa rin si Red sa kaniyang ginagawa. Hindi naman na kwinestyon ni Red kung saan ako pumunta at mukhang wala pa rin ito sa kanyang sarili kaya naman hindi manlang nagawang mag tanong sa pinuntahan ko kanina. Habang tumatagal ay mas lalo akong naaawa sa kaniya. Hindi ko maatim na makita na ang pinakamamahal ko ay nagkakaganto. Nais ko mang aminin sa kaniya na nakita ko na si Dalia at alam kong nasa maayos siyang kalagayan ay pinipigilan naman ako ng konsensya ko dahil sa pangakong binitawan ko kay Dalia. Sinubukan ko naman siyang kausapin tungkol sa nangyari kanina ngunit ang sinasabi niya lang sa akin ay hindi naman daw iyon importante, tungkol lang daw sa pangungulit ng mama niya sa kanya. Tinanong ko rin siya kung ayos lang siya at kahit na sinasabi niyang oo ay alam kong iti
Atanasha“Paano ba kayo nagkakilala ni Kuya, Ate? Alam mo kasi yan si Kuya Red, hindi yan mahilig sa babae at sobrang ilap niyan sa babae. Tignan mo yan si Ate Sofia, matagal na yang umaaligid kay Kuya simula noong bata pa sila pero wala manlang naging chance kay Kuya at ni hindi manlang pinagbigyan ni Kuya kahit na puppy love lang. Akala nga ng lahat ay may pagka silahis si Kuya pero kilala ko siya alam kong wala lang talaga siyang oras sa mga ganoong bagay kaya ng malaman ko na may asawa na siya ay sobrang curious talaga ako sayo, ate..” Sambit ni Dalia.“Hindi ko alam kung saan sisimulan pero… ganito kasi ang nangyari,”—Flashback—"Hayop ka Mark..." lasing na lasing na usal ko habang tumutungga ng beer. Nandito ako ngayon sa bar pagkatapos kong hiwalayan yung hayop kong boyfriend. Nahuli ko siyang kahalikan ang kapatid ko na si Faye. Mga walang hiya! Sobrang baboy nilang dalawa. Bagay na bagay sila sa isa't isa pareho silang makati. "Akala mo kapag iniwan kita ay hindi na ako mak