Maraming salamat po sa inyong pagsuporta! ♥️
Halos makiliti si Carmela ng halikan ni Joseph halos ang buo niyang katawan. Nakapikit siya at napapakapit na siya sa bedsheet ng kanilang kama."You're sexy, babe, I like it," anas ni Joseph saka dahan-dahan inalis ang lahat kay Carmela. Nakaramdam ng lamig si Carmela, kahit naman suot niya ang lingerie na binigay ni Bernadette ay nilalamig siya.Napadilat si Carmela at pinanood sa ginagawa nito sa kanya. Mas lalong nakaramdam siya nh excitement na gawin ang bagay na iyon.Ibinuka ni Joseph ang kanyang dalawang hita saka pasimpleng hinaplos ang gitnang parte niya. Napakagat si Carmela ng kanyang labi, nakikiliti siya at alam niya na basa na siya sa parteng iyon."You're wet, babe," Joseph whispered.Nakangiti ito na parang nasisiyahan sa kanyang nakikita. Mas lalo niya itong hinaplos na parang tinutukso niya ang bagay na 'yon."Ahh! Joseph, ano ba? nakakainis ka naman eh," angal ni Carmela.Nabibitin na siya dahil sa ginagawa ng kanyang asawa. Gusto niya ng gawin ang bagay na 'yon an
Halos lumutin na si Bernadette ngunit walang dumating na Enrique. Hindi siya makapaniwala na naman nito ito sa kanya. Kung sana ay nagsabi ito agad ay hindi na lamang siya naghintay ng matagal.Kinuha niya ang kanyang cellphone saka tinawagan ang numero nito ngunit nakapatay ang cellphone nito. Huminga ng malalim si Bernadette. Pakiramdam niya ay ginawa siya nitong tanga, naniwala siya mga pangako nito.Huminga ng malalim si Bernadette, balak niya na sana ay sagutin ito agad ngunit dismayado na siya sa pinapakita nito.Napalingon naman siya ng marinig niya ang pagsipol, nakita niya si Lance na nakangiti sa kanya at parang tuwang-tuwa na naabutan siya. Tumingin ito sa mamahaling relo nito saka ngumisi kay Bernadette."Ang tagal naman ng sundo mo, gusto ko pa naman makita kung sino 'yan," wika ni Lance. Nakaramdam tuloy lalo ng inis si Bernadette pakiramdam niya ay pinagtatawanan siya nito."Pinagtatawanan mo ba ako? masaya ba na makita akong ganito?" masakit na sabi ni Bernadette. Nagi
Hindi natuloy ang pagkain sa resto nila Lance at Bernadette. Nagyaya si Bernadette na uminom, wala na siyang pakialam kong stranger si Lance sa kanya."Easy-han mo lang, hindi ko alam kung saan ka nakatira," bulong ni Lance ng makita niya na parang hayok na hayok sa alak si Bernadette.Kumuha siya ng VIP room para walang makakita na press sa kanila. Wala naman pakialam si Lance kung may makakita, ang iniisip niya lang ay baka magalit si Bernadette sa kanya kapag na-issue.Kumuha ng tissue si Bernadette saka pinunasan ang kanyang ilong saka suminga pa ng malakas. Napangiwi tuloy si Lance sa pagiging unlady like nito. Ngunit gusto niya rin tawanan ito dahil magulo na ang itsura nito."Huhu, bakit ang sakit? no'ng kay Martin hindi naman ako nagkaganito," angal ni Bernadette. Halos maubos na niya ang tissue kaya lumaklak na naman siya ng alak. Bumuntong-hininga si Lance saka napatitig sa kanyang alak.Hindi naman niya ugaling mag-take advantage sa mga babaeng sawi, kaya mukhang hindi map
Napanguso naman si Joseph sa kanyang asawa na masyadong tutok na naman sa librong binabasa nito. Pagkatapos niyang pagurin ito, na akala niya ay nangyari ngunit hindi pala dahil may gana pa si Carmela na magbasa ng libro upang mag-aral."Babe," tawag niya agad kay Carmela. Lumingon naman ang asawa niya kaya niyakap niya ito. Pasimple niyang inamoy ang katawan nito."Bakit ang bango mo babe? Inaakit mo na naman ba ako?" malambing na sabi ni Joseph. Napairap naman si Carmela."Kahit naman hindi ako maligo ay parati kang naakit sa akin," bunyag ni Carmela na ikinalaki ng mata ni Joseph."Babe naman, grabe ka sa akin sinasabi mo ba na manyakis ako? napipilitan ka lang ba?" Inis na inalis ni Joseph ang pagkakayakap. Nagtatampo na naman tuloy siya.Pakiramdam niya tuloy ay napilitan lang si Carmela na makipag-wrestling sa kanya. Ibinigay pa naman niya ng todo ang performance niya upang masiyahan ito. Sapok ang ego na naman niya."Nag-o-overthink ka na naman," simpleng sabi ni Carmela saka ib
Natigilan si Enrique ng marinig ang mommy niya na sinabi ang katagang iyon. Anong ibig sabihin nito? Dati ba itong kasintahan ng daddy ni Bernadette?"Honey, hindi porke may ginawa si Alexander na mali ay kasalanan din ng anak niya. Anong klase isip ang mayroon ka? Paano pala kung ikaw ang may mali tapos sinisisi sa anak mo?" inis na sigaw din ng daddy ni Enrique. Ito ang unang beses na nasaksihan niya na nag-away ang mga magulang niya."Akala mo ba dahil lang 'yon do'n? nalaman ko na ang lahat kay Bernadette kaya ayaw ko sa kanya. She was a bully! At hindi tagasalo ng tira-tira ang anak natin. Nag-iisang anak ko siya!" galit na wika ng mommy ni Enrique.Pinikit ni Enrique ang kanyang mga mata, alam naman niya ang nakaraan ni Bernadette ngunit tanggap niya ito. At ngayon alam na niya kung bakit umiwas si Bernadette sa kanya. Kahit siya ay nasaktan mismo dahil sa mindset ng mommy niya."Honey, ano ka ba talaga! Walang taong perpekto ang mahalaga ay nagbago siya!" galit na sabi ng daddy
Halos hindi na magkandaugaga si Carmela at Joseph sa pag-aaral. Wala nga silang pasok ngayon ngunit hawak pa rin nila ay libro. Napakamot na si Joseph, minsan sinusumpa na niya ang kanyang sarili kung bakit naglakas loob siyang kunin ang kurso tungkol sa negosyo."Ahh! Parang hindi ko naman yata kailangan nito sa buhay ko, si daddy naman papirma-pirma lang," yamot na angal ni Joseph sa kanyang utak. Pumangalumbaba siya at nakita niya ang kanyang asawa na seryosong nagbabasa at nagsusulat."Hays! dapat baby time namin ngayon, ang kaso hays h'wag na lang kaya kami mag-aral," reklamo na naman ni Joseph. Hindi siya makapag-concentrate dahil mas gusto niya lambingin si Carmela kaysa ipasa ang pag-aaral niya. Mas gusto niya makipagkulitan sa kanyang asawa kaysa magbilang ng mga kung anu-anong ka-ek-ekan upang pumasa.Napasulyap naman si Carmela ng palihim sa kanyang asawa na si Joseph. May pigil na ngiti sa kanyang labi at saka napailing siya. Alam niya na pinipilit ni Joseph na magmukhang
Hindi nakapagsalita si Enrique ngunit nakatulala lamang siya kay Karina. Bilang kaibigan, nakaramdam siya ng lungkot."May cancer ako, and malapit na rin naman akong mawala. Don't worry, hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sa'yo dahil may mahal naman na akong iba," bulong na sabi ni Karina. Napailing si Enrique, hindi niya kaya dahil si Bernadette lang naiisip niyang papakasalan niya."Kung sinasabi mo ito para mapapayag mo ako, hindi mo ako mapapapayag Karina, kaibigan lang ang turing mo sa'yo," sagot ni Enrique. Huminga ng malalim si Karina saka napatungo."Hindi ko ito sinasabi para kaawaan mo ako, pwede mo akong ipatingim sa ibat ibang doktor para makasigurado ka," mahinang sabi ni Karina. "Bakit gusto mo akong tulungan?" tanong ni Enrique pakiramdam niya ay baka ginogoyo lang siya ni Karina upang magpakasal siya rito."Bata pa lamang tayo, alam ko na gusto mo talagang makuha ang kompanya niyo. Iniwan na rin ako ng lalaking mahal ko," anya ni Karina. Tumango naman si Enrique sa
Natapos ang klase ni Carmela at dumiretso na siya sa bilihan ng kakainin niya. Nasulyapan niya si Ezekiel na seryosong nagbabasa sa laptop nito. Napatingin siya sa mga putahe na pagpipiliin, napapansin niya na masyadong simple lang ang kinakain ni Ezekiel kaya dinalawa niya na ang pagkain na binili niya.Naglakad siya papunta kay Ezekiel at ng nasa tapat na siya ay ilang minuto bago napansin ni Ezekiel ang kanyang presensya. Sumulyap ito sa kanya habang hinihilot ang sentido nito."Ito ang sinasabi mo na libre ko ha?" mahinang sabi ni Carmela saka inilapag ang pagkain na binili niya. Napakunot naman si Ezekiel ng makitang kare-kare iyon. Napalunok siya."Hindi ka ba kumakain ng kare-kare? favorite ko ito eh napansin ko kasi na hindi ka naman mapili sa pagkain kaya naisip ko na parehas na lang tayo," nakangiting sabi ni Carmela. Hindi namalayan ni Ezekiel na napapangiti na rin siya dahil sa babaeng nasa harapan niya.Napalunok siya ng makita ang kare-kare, hindi pa siya nakatikim ng pa