May tatanggap sayo Ten, medyo marami haha
‘She was just a job. A mission na kailangan kong protektahan laban sa mapang-aping mga tao na nanakit sa kaniya. That’s what my father-in-law ordered me..’Nakaharap si Ten sa puntod ng kaniyang asawa na si Atisha.Ngumiti siya at umupo sa damuhan. “Hindi ko alam kung sinong maswerte sa inyo, wife. Ikaw ba na nakasama ang totoo niyong ama, o siya na nakasama ang totoo niyong ina. Hindi ba pangarap mo na makilala ang totoo mong mama?"Humangin ng malakas at napangiti si Ten kasi pakiramdam niya sumasagot si Atisha sa kaniya.“She’s your twin sister at pareho kayong hindi kilala ang isa’t-isa. Should I ask dad kung bakit nagkawalay kayo ni Beth? Or should I detach myself nang sa ganoon ay hindi kita maalala sa kaniya?”Mahina siyang natawa kasi kung may makakita sa kaniyang iba, iisipin na nababaliw na siya at nagsasalita ng mag-isa.“Siguro naiinis ka na sa akin ngayon. Iniisip mo siguro na babaero ako. But wife, I am not. Kung ano man itong bumabagabag sa akin ngayon kapag nakikita ko
They were kissing. Nakapulupot ang kamay ni Rainah sa leeg ni Lucio.Her eyes were close, her nails were in Lucio’s hair. Pinapakiramdaman ang init ng mga labing hinahaIikan niya.Beth couldn’t move. Tila yata nablanko ang utak niya.She remembered, someone said, magsasawa rin si Lucio sa kaniya. ‘Sino nga ulit nagsabi no’n?’ she couldn’t remember.Parang may bumara sa lalamunan niya at pakiramdam niya ay sasabog ang puso niya. There’s pain and it’s too much na gusto niyang maiyak.Naging mabigat na rin ang kaniyang paghinga at yung mga paa niya ay nanginginig.Nakita ni Regar ang naging reaction ni Beth. Halos mapamura siya sa kaniyang isipan. Lalapit na sana siya kina Lucio para tulungan itong malayo si Rainah na kahit anong pilit na itulak ay ayaw talagang lumayo nang maunahan siya ng kung sino.“Tabi!”Nagulat na lang si Regar nang may babaeng humablot kay Rainah at sinampal siya sa pisngi.Sabay na napasinghap ang lahat nang makita nila si Lucinta na masamang nakaitingin ngayon k
Some of the visitors could feel the tension. Kahit na nakangiti silang harapin ni Beth, ramdam pa rin nilang may mali dahil sa mukha ni Lucio na nakasunod kung saan magpunta ang asawa niya.His friends are smirking dahil hindi naman nila madalas makita si Lucio na ganito.Gusto sana nila itong lokohin but opt not to dahil alam nilang seryoso ang nangyayari.“May matutulog labas kulambo mamaya.” Bulong ni Aris“Huwag mo ng gatungan…” Jed murmured. “Baka mapalayas pa. Galit yang asawa niya.” Sabay tingin kay Beth na kalmado lang kung kumilos.“Kakaiba siya magalit. She looked calm pero kung makareact si Lucio, makikita mo talagang he’s in big trouble.”“Because he knew na galit si Beth.”Halos hindi na magawang magsaya ng iba.. Yung mga katulong rin e hindi na nakiparty pa.Naghihintay na lang sila na kausapin sila ni Beth para sabihing iligpit na ang kalat.Maya-maya pa, pumasok si Loreen na galit na galit.“LUCIO!” Sigaw niya. “Pwede bang pagsabihan mo yang ina mo na huwag siyang pa-e
“L-Let g-go!” nahihirapang sabi ni Nice, malalaki na ang butil ng luha na lumandas sa kaniyang pisngi.Kahit anong pagpupumiglas niya, hindi pa rin siya binibitawan ni Lucio.Sa higpit ng pagkakasakal sa kaniya, pakiramdam niya ay mamamatay na siya.Nag-iiba na rin ang kulay ng kaniyang mukha dahil nawawalan na siya ng hangin.“Lucio!” Sabi ni Lucinta habang nanlalaki ang mata. “Bitawan mo siya, anak!”“No ma! She’s planning to kill my wife, so I’ll kill her first bago pa niya magawa.”Napamura si Lucinta. Kita niyang hindi nagbibiro ang anak niya. Para bang sinapian ito ngayon.“Pero mapapatay mo siya kung ipagpapatuloy mo yan!”“Yun naman talaga ang plano ko! Ang patayin siya!” At mas humigpit pa ang pagsakal niya.Sa tindi ng galit niya, naitaas niya si Nice gamit ang isang kamay lang.Lumapit na si Lucinta at pinilit niyang bawiin ang kamay ni Lucio na nakakapit sa leeg ni Nice.Agad na napaupo si Nice sa sahig nang bitawan siya. Labis ang kaniyang pagluha habang habol habol ang hi
Umiiyak habang nakadapa sa kama si Rainah. Dalawang oras na siyang nakauwi pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak.Kanina, nang paalisin siya ni Lucinta, nakita niya si Lucio na nakatingin lang sa kaniya na para bang wala itong pakialam na pinapaalis siya ng mama niya.“Lucio! Helped me! Ayokong umalis!” Pagmamaakawa niya.Sinubukan pa niyang tumakbo palapit kay Lucio pero tinulak lang siya ni Lucinta palayo kaya napaupo siya sa lupa.Kahit isang beses, wala siyang nakitang awa sa mukha ni Lucio.Kaya heto siya sa kwarto niya, umiiyak at nasasaktan na trinato siya kanina bilang isang basura.“Ma’am Rainah!” Katok ng katulong.“ANO BA!?”“Nandito po si sir Lucio, hinahanap ka.”Natigilan si Rainah at bigla siyang napabangon sa kama. “Lucio is here?”“Opo ma’am. Hinahanap niya po kayo.”Agad siyang napatayo at napapunas ng luha sa kaniyang pisngi. “W-Where is he?”“Nasa labas po!”Nagmamadali niyang hinanap ang tsinelas niya, nang hindi niya ito makita, lumabas na lang siya nang n
Nang magising si Beth, si Lucinta ang una niyang nakita. Nagulat siya kaya agad siyang bumangon at umupo sa kama.“Ma, p-pasensya na po at nakatulog ako. K-Kanina pa po kayo?” Nahihiyang sabi niya.Lumapit si Lucinta sa kaniya. “Naku, huwag kang mahiya. Matulog ka pa. Ang sabi ng katulong sa akin kanina e masakit daw ang ulo mo.”Napapikit siya dahil bahagyang sumakit na na naman. “Sa pagod siguro ito sa byahe, ma.”Tumayo si Lucinta para kunin ang gamot na dinala ng maid kanina. Nasa mesa ito kasama ng tubig.“Take this.” Sabi niya at binigay kay Beth ang gamot.Agad yung ininom ni Beth at saka siya nagpasalamat.“Si Lucio, ma?” tanong niya dahil hindi niya nakita ang asawa niya sa tabi.“Umalis at may inasikaso lang siya kanina, anak. Gusto mo bang pauwiin ko na siya?”Agad siyang umaling. “Hindi na ma. Baka e importante ang nilakad niya.”“Mas importante ka naman ‘nak,” sabi ni Lucinta. Umupo siya sa tabi ni Beth at agad niyang hinaplos ang buhok nito.“Kanina, natulala ka na lang n
Next morning, when Beth woke up, wala na si Lucio sa tabi niya. Lumabas siya ng room niya, at nakita niya si Lucio na sinasayaw ang mommy niya kahit walang anong musika.Napatigil si Beth sa pagbaba at hindi niya maiwasang malungkot dahil minsan niya yung pinangarap na makita niya iyon sa mga magulang niya.Nalungkot siya kasi kahit minsan, hindi niya yun nasaksihan hanggang sa nawala na lang ang mama niya.Nang mapatingin si Lucio sa kaniya, agad silang tumigil ng mama niya sa pagsayaw.“Pwede ko bang isayaw sunod ang asawa ko, ma?” bulong niya“Oo naman…”Nagtungo na si Lucinta sa gilid, nilabas ang phone at kinuhanan ng video si Lucio na papalapit ngayon kay Beth.“May I have this dance, wife?”Beth giggled and happily accepted his hand. “Good morning, hubby.”“Good morning, wife. Nakatulog ka ba ng maayos?”“Oo. Nakatulog naman kahit na hinaIikan ka kagabi ng isang panget.”Nakagat ni Lucio ang labi niya. Nagsayaw pa sila hanggang sa hindi na talaga siya nakatiis. “Wala ka naman si
Pagpasok ni Beth sa kwarto niya, agad niyang nakita na maayos pa ito. Buong akala niya at magulo at hindi nalilinisan.‘Hindi pa rin pala ako nalilimutan ni dad.’Napahawak siya sa pisngi niya na nasampal ng stepmom niya. Naroon ang konting sakit pero hindi na niya yun masiyadong iniisip dahil masaya ang puso niya na kinampihan siya ng dad niya ngayon.Iyon ang pangarap niya e. Ang kampihan siya ng daddy niya.Being protected by a father is every daughter’s dream.Kaya hindi niya masisisi ang sarili niya kung masasasabi niyang masaya siya ng konti na natikman niya ang sampal na iyon dahil naranasan niya ang pangarap na noon pa niya hinangad.Humiga siya sa kama niya at dinamdam iyon. “I miss my room.”She’s really happy. Pumikit siya hanggang sa nakatulog siya.Ilang oras rin siyang nakatulog sa kwarto niya at nang magising siya, nakita niyang alas sais na ng gabi.Agad siyang bumangon at una niyang tinignan ang phone niya. Nakita niyang tumawag si Lucio 10 minutes ago.Agad niya itong
Hindi inakala ni Loreen na mararanasan niya ito lahat. Wala sa isipan niya dati na aabot siya sa puntong ipagsisigawan nalang niya na sana ay tapusin na ang buhay niya.The pain is draining her. Sa sobrang sakit, pakiramdam niya ay impyerno ang napuntahan niya.Sobra siyang napakampante na hindi mabubunyag ang tungkol kay Rainah.Ngayon, she’s paying the price.Habang nasa loob siya ng kwarto, may lalaking pumasok at inabutan siya ng tubig.“Please, t-tulungan mo ‘ko.” Pagmamakaawa niya. “K-Kahit magkano, magbabayad ako. Triple pa ang bayad ko sa sahod niya sayo.”Tumingin sa kaniya yung lalaki pagkatapos ay napailing.“Bakit ko naman tutulungan ang isang criminal na kagaya mo?”Sunod-sunod na tumulo ang luha niya. Gusto pa niyang mabuhay.“Please… Hindi ko sinasadya ang nangyari kay Rainah. Maawa naman kayo sa akin oh.”“Mali ka ng binangga.” Sabi no’ng lalaki sa kaniya. “Hindi mo dapat pinakialaman si Ms. Rainah.”“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Kamuntikan na niya akong pinatay.
A week after…No sign of Loreen, no sign of Nice… as if they both are gone.Sa pagkawala ni Loreen, naging sanhi iyon para bumagsak ang katawan ni Sr. Floreza.Nag-aalala si Beth habang nakatingin dito na nakaratay sa kama. Mag-iisang linggo na itong may sakit dahil sa stress at pag-aalala kay Loreen.Pansamantala muna siyang bantay dito dahil marami pang inasikaso si Lucio lalo’t kaliwa’t kanan ang negosyo na inaatupag niya ngayon.Napatayo siya nang makitang nagmulat ng mata ang senior.“D-Dad,” agad niya itong nilapitan.Tumingin ang senior sa kaniya. “Is there no sign of my daughter?”“Wala pa, dad.”Makikita ang pagdaan ng lungkot sa mukha ng senior. Hindi na niya alam saan niya hahanapin ang anak niya.Kita sa CCTV footage ang ginawang krimen ni Loreen at Nice at kita rin ang pagtakbo ni Loreen palabas.Pero kahit anong hanap nila dito, wala na silang makitang bakas nito.“I’m sorry. I know it’s been hard for you.” Sabi ng senior kay Beth. “But I cannot help it. She’s still my da
Tumulo ang luha ni Leah.Dahil likod, braso at hita ang nasaksak ni Nice kanina, nagkaroon pa siya ng oras para harapin ito.Pero hindi ibig sabihin no’n na hindi na siya nanghihina.Nanlalabo na ang paningin niya. At hindi niya mapigilang hindi umiyak dahil alam niyang hindi niya na maipagtatanggol ang kapatid niya.Nagtataka siya bakit nakalagpas sila Nice sa security. She wondered anong nangyari sa labas. “Stop hoping for back-up. Patay na lahat ng iniwan ni Lucio sa labas.” Sabi ni Loreen. Tinulak siya ni Nice kaya nakawala ito sa harapan niya.Tumingin siya kay Loreen kung saan nakatutok pa rin ang baril sa kaniya.“Ako nalang ang patayin mo, huwag na ang kapatid ko.” Pagmamakaawa niya.Tumawa si Loreen.“Ikaw at si Beth, malaki ang ginawa niyong kasalanan sa pamilya namin. That wench ruined my family. Lucio crushed Joliever’s leg because of her at IKAW! ANONG KARAPATAN MO PARA SIRAIN ANG PANGALAN NG PAMANGKIN KO? YOU PUT OUR FAMILY NAME IN SHAME!”“Kill that b*tch Loreen!” Sab
Pagkapasok ni Leah sa loob ng kwarto ni Beth, nakita niya itong nagpapahinga sa kama pero gising.“Leah?” gulat na gulat ito at hindi makapaniwala na nakita siya nito.Agad siyang tumakbo at niyakap ang kapatid. “I’m sorry.” Unang sinabi niya.“Huh? Pero bakit ka humihingi ng sorry? Wala ka namang mali na ginawa.”“Sa video. Alam kong napanood mo na yun.”Huminga ng malalim si Beth. “Iyon ba ang dahilan kung bakit umiyak ka noon?”Tumingin siya sa sahig, nahihiyang salubungin ang mga mata ni Beth.“Isa yun sa dahilan. Matapos kong malaman na ama ko si Bernardo, nagpatong-patong yung guilt ko. Ayoko kasi masira ang friendship natin kaya natakot ako.”“Well, hindi ko sasabihing hindi ako nasaktan kasi umiyak ako nong nakita ko yung video na yun noon. Pero kung titignan, naging eye-opener ko yun noon para humiwalay ako sa kaniya.”Nag-angat siya muli ng tingin.“Bago pa yung video, alam ko na talagang nagloloko si Joliever sa akin, wala lang ebidensya. Kaya kahit ilang ulit na akong nasak
Marami ang nagulat sa nangyari lalo na iyong mga taong humusga noon kay Beth. Sa caption ng video, ibinunyag na kaya naghiwalay si Joliever at Beth ay dahil unang nagloko si Joliever.Yung mga taong inakusahan na nagloko si Beth at biktima si Joliever, ay nakakaramdam na ng hiya ngayon.Hindi sila makapaniwala sa kanilang napanood.Kahit si Monique na siyang anonymous na nagpost no’ng video ay gulat na gulat pa rin.Tinanong niya si Leah kung sigurado ba ito sa gagawin, pero si Leah pa mismo ang nag-udyok sa kaniya na gawin iyon.Walang nagawa si Monique kun’di sundin ang pabor na hinihingi nito.Kaya kalat na sa social media ang nangyari at halos pagpyestahan na ng lahat ang mga Floreza.Kung nakarating iyon sa ibang tao, nakarating rin iyon kay Sr. Floreza.Because of this, he came up a decision na alam niyang hindi papaboran ni Roviech.He will send Joliever abroad, at hindi niya ito pababalikin ng bansa hangga’t nabubuhay pa siya. It’s his way of protecting him at huli na rin niyan
Napasinghap sina Loreen matapos buksan ni Lucio ang pinto.Sumigaw agad si Ashanelle at agad nilang nilapitan si Joliever na wala ng malay ngayon.Lucio just walk freely, like he did not do wrong.Nilapitan siya ni Lucinta. “Come, bukas ka na pumunta ng hospital. Hindi ka dapat makita ni Beth na ganito at baka matakot yun at mag-alala.”Nagpatianod si Lucio sa mama niya, walang pakialam sa masasamang tingin ng mga kapatid.Nang mawala sila, agad tumayo si Loreen.“Are you happy now dad?? Tignan mo ang apo mo!”Tumingin ang senior kay Joliever at para siyang kinakapos ng hininga sa kaniyang nakita.Dinala nila agad si Joliever sa hospital.Umiiyak si Ashanelle at Loreen habang si Roviech e nagpaiwan. Nang tumingin ito sa dad niya, agad niya itong kwinelyuhan.Umalma ang mga bodyguards pero tinaas ng senior ang kamay niya para pigilan sila.“Pinakita mo lang sa amin kung gaano ka kawalang kwentang ama!”Nalungkot ito pero hindi niya yun pinakita. Paano niya magawang mamili sa anak niya a
Lucio and Joliever are now inside the room. No one can open the door.Kaya hindi nila makita anong ginagawa ni Lucio kay Joliever para sumigaw ito nang sobrang lakas.Pigil pigil ni Roviech ang sarili. He’s powerless. He cannot help his son, na sumisigaw para humingi ng tulong sa kaniya. Kung tutulungan niya ito, takot siyang mawalan siya ng mana.“D-DAAAAAAAD!!!!” Nagmamadaling pumasok si Ashanelle at halos mahimatay siya nang marinig ang sigaw ng anak.“Roviech, our son!” lumuluhang sabi nito.Tumingin si Asha kay senior Floreza. Agad itong lumapit at hinawakan niya ang kamay nito. “Dad, have mercy… Please..”But Leo just stared at her blankly. “Muntik ng mamatay si Beth dahil sa ginawa ng anak mo.”“Why are you siding that woman? Joliever is your grandson!”“Beth is my son’s wife. I did help your son Ashanelle. Kung hindi ko kinausap si Lucio, baka kamatayan ang inabot ng anak mo!”“AAAAAAHHHHHH!!!” Napatingin sila muli sa kwarto nang sumigaw na naman si Joliever.“Dad please…. Pigi
Hindi alam ni Loreen bakit iba ang mood pag-uwi niya galing ng coffee shop.Aligaga ang lahat ng katulong at pakiramdam niya ay may hindi magandang nangyayari.“What happened?” tanong niya sa isang katulong na nakasalubong niya.“Ms. Loreen, may n-nangyari po kasi kay sir Joliever.”Nang marinig niya yun, nagmamadali siyang pumunta ng sala. Naabutan niya si Joliever na maraming pasa sa mukha.Agad nanlaki ang mata niya at nilapitan ito agad.“Hijo, what happened to your face?”Agad yumakap si Joliever sa kaniya, parang isang spoiled na batang napagalitan ng nakakatanda.“Get away from that bastard Loreen. Wala na yang ginawang tama kun’di ang suwayin akoat bigyan ng problema.” Sabi ni Roviech.“Kuya! Ano bang nangyayari sayo? He is your son. Kahit pa anong nagawa niyang mali, hindi mo dapat siya sinasaktan ng ganto.”Inakala niyang kapatid niya ang naglagay ng pasa sa mukha ni Joliever.“He got that from Floyen!”“What? Magsasampa tayo ng kaso! Sino siya para saktan ang pamangkin ko ng
Takot na takot si Beth sa sinabi ni Joliever. Parang hindi siya makapaniwala na nasasabi nito ngayon ang mga bagay na yun.“L-Let’s talk about it paglabas natin ng elevator.” Aniya at pinilit pa niyang ngumiti.“Kung ganoon, p-payag ka ng patayin natin yan?”Humarap si Beth sa front door para maiwasan niya ang mga mata ni Joliever. Hindi niya alam paano itago ang tunay na nararamdaman niya.“Y-Yeah…” Aniya sabay hawak sa tiyan niya.Niyapos siya ni Joliever ng yakap mula sa likuran at napatalon siya sa gulat.Hindi sinasadyang napalayo siya dito.Sumama ang mukha ni Joliever sa kaniya.“Why?”“N-Nagulat lang ako.”Tinitigan ni Joliever ng mabuti ang mukha niya. Pagkatapos ay umabante ito palapit sa kaniya. “You’re lying.”“H-Huh? W-What do you mean?” Beth tried to act like everything is fine.“Hindi mo ipapalaglag ang baby…”Hindi na alam ni Beth kung anong gagawin niya. Hindi niya kayang itago ang kaba niya.“Beth, sabi ko diba kailangan kita?”“O-Oo J-Joliever. B-Babalik naman ako sa