Share

Chapter 31- Nice

Author: MeteorComets
last update Last Updated: 2025-01-20 00:48:41
Hindi pa rin humuhupa ang ngiti sa labi ni Lucio. Hindi niya mapigilan e.

Si Beth naman ay pulang pula pa rin ang mukha. Sa sobrang pagkapula niya, dinaig pa niya ang isang taong nagkaroon ng allergy reaction matapos makakain ng pagkain na bawal sa kaniya.

Naiserve na sa harapan nila ang kanilang pagkain. Si Beth, imbes kukuha siya ng mga ulam para ilagay sa plato ni Lucio dahil iyon ang nakikita niyang ginagawa ng asawa sa kanilang mga pares mula sa mga napapanood niya, ay unahan bigla ni Lucio.

Ito ang unang kumuha ng pagkain at nilagay sa plato niya.

Napatigil si Beth at napatingin sa asawa niya. Walang pagkakataon na hindi siya inuuna ni Lucio, tuloy pakiramdam niya ay nasasanay na siya.

“Thank you,” aniya at siya naman ang sunod na umasikaso dito.

Pakiramdam ni Lucio e mas lalo siyang idinuyan sa langit dahil alagang alaga siya ng kaniyang asawa ngayon.

‘So ganto pala magmahal ang Gen Z,’ aniya na hindi pa rin maka-move on sa kaniyang Gen Z theories.

Nagsimula na silang ku
MeteorComets

May mga puyaters pala dito. Hahahahaha.

| 30
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (5)
goodnovel comment avatar
MeteorComets
Thank youuuuu po. Happy reading!
goodnovel comment avatar
MeteorComets
Hahahahaha. Nice is not nice!
goodnovel comment avatar
Rosayaga Aida
hehehehe sulit
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 32- Huwag mo kong hayaan sa iba

    “Emergency?” mayroong pagdududa sa boses ni Beth. Alam niyang hindi palalagpasin ni Nice ang pagkakataong ito kung saan e kaharap niya si Lucio.“Oo, emergency.”Tumango na lang siya pero yung utak niya ay nasa kay Nice pa rin.“Here,” sabi ni Lucio at yung mga binalatang hipon ay nasa ibabaw na ng plato niya.“T-Teka, b-bakit mo binibigay sa akin ang mga ito?”“It’s yours. Just take it.”Ngumuso si Beth pero kalaunan ay ngumiti na rin. Yung nararamdaman niya kanina ay nawala na.Kapag kasama niya ang asawa niya, lahat ng isipin niya ay naglalaho na parang bula.“A-Alam mo Lucio, m-masaya ako na lumabas tayo ngayong gabi.” Nahihiya niyang sabi.Pero kailangan niyang ipaalam yun kay Lucio. Pakiramdam niya ay sasabog siya kung hindi niya masabi ang mga iniisip niya.“Are you happy that we’re dating?” Yung kunot sa mukha ni Lucio ay nawala na. Tumigil siya sa pagkain at sumundal sa kinauupuan niya at tumitig kay Beth na ngayon ay pulang pula ang mukha. He wanted to know more.“O-Oo… M-Ma

    Last Updated : 2025-01-21
  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 33- Dinner with daddy

    “Ma’am Beth, mukhang masaya po kayo ngayon ma’am ah. Siguro e may date kayo mamaya ng mister mo.”Napatingin si Beth kay Leah at napailing.“Paano mo naman agad naisip na asawa ko ang dahilan kung bakit ako masaya ngayon?” “Po? Kung ganoon may iba pa?”Nanlaki ang mata ni Beth at natatawang sinabi, “para namang may kabit ako nito.”“Ay naku ma’am, hindi po yan ang iniisip ko.”“Ano ka ba, binibiro lang kita.”Ngumuso si Leah. Hindi niya inaasahan na babanat ng ganoon si Beth.“Masaya lang ako kasi gusto makipagdinner ng papa ko sa akin. Medyo matagal na rin kasi na panahon nang lumabas kami na kaming dalawa lang.”Napatitig si Leah sa mukha niya. Habang sinasabi yun ni Beth, nahalata niya sa mata nito ang kasiyahan.“I’m sure mamaya ma’am e magiging okay na kayo ng papa niyo. Magiging maayos ang anumang hidwaan niyo sa nakaraan. After all, walang magulang na hindi mahal ang anak.”Iyon ang pinanghahawakan ni Beth. Na walang magulang na hindi mahal ang anak. Kung kaya kahit na mahirap,

    Last Updated : 2025-01-21
  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 34- I trust my wife

    Nang makauwi si Bernardo, isang misteryosong tao ang nagpakita kay Rock at Hodel. “Boss, mukhang may bagong pagkakakitaan ng pera si Bernardo.”Tumingin ang misteryosong lalaki sa ilang bag ng pera na nasa mesa. Binuksan niya ang isang suitcase, at nakita niya ang bugkos-bugkos na perang naroon.“Sinong anak niya ang nakapag-asawa ng isang Floreza?”“May dalawa siyang anak boss, pero isa lang ang tunay na anak niya at yun ang nakapag-asawa ng isang Floreza.”Napatingin ang misteryosong lalaki kay Rock. “Itong tunay na anak niya ba yung Nice na sinasabi niyong paborito niya?”Umiling si Rock. “Hindi boss. Si Nice ang anak ng bagong asawa ni Bernardo. Yung tunay na anak niya ay si Lilibeth Maquiling na siyang lagi niyang pinamamalupitan.”Kumunot ang noo no’ng misteryosong lalaki. “Hindi ko maintindihan. Bakit mas mahal ni Bernardo ang anak ng iba kesa sa tunay niya na anak?”Wala siyang nakuhang sagot mula kay Rock at Hodel dahil hindi rin nila alam.“Pero boss, nagtataka ako kung sino

    Last Updated : 2025-01-22
  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 35- Insecurities

    Maaga pa lang, pumasok na si Beth sa trabaho niya. Hinatid siya ni Lucio.Kagabi, no’ng makapasok siya ng kwarto, hindi siya agad nakatulog dahil nag-ooverthink siya na paano kung malaman ni Lucio ang ginawa niya, baka e magalit ito at palayasin siya.Kaya masaya siya kanina na okay sila.Wala namang masiyadong ginawa si Beth at Leah dahil tapos na ang deadline ng trabaho nila. Kaya heto at nag-uusap na lang sila tungkol sa mga bagay-bagay lalo’t si Leah lang ang tanging kaibigan ni Beth sa trabaho.“So ma’am Beth, paano pala ang husband mo? Mabait ba siya?”Tumingin si Beth kay Leah at tumango. “Mabait ang asawa ko. Wala na akong nakilala na kasing bait niya.”“Pero hindi ba ma’am, consider as one night stand lang kayo tapos pinakasalan ka niya agad no’ng mahuli kayo nong ex at dad mo? First time niyo bang nagkakilala no’ng araw na yun ma’am?”Dapat e maging uncomfortable na siya sa tanong na iyon, pero dahil hindi niya maramdaman na may ill intention si Leah doon, sinagot niya ang ta

    Last Updated : 2025-01-22
  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 36- Ideal husband

    Pagdating ni Lucio ng bar, nakita niya ang asawa niya na lasing at nagsasayaw sa gitna.Kumuyom ang kamao niya. Galit na galit siya pero pinipigilan niya muna ang sarili niya. Kanina pa siya nag-aalala na baka ay napano na ito tapos makikita lang pala niya si Beth na nagsasayaw at naglalasing sa isang bar na hindi man lang nagpapasabi.“So this is what I’ve got for marrying a Gen Z.”Kikilos na sana siya para lapitan ito nang makita niyang may dalawang lalaki ang lumapit kay Beth at gusto makipagsayaw.Kumuyom ng husto ang kamao niya. Halos gusto na niyang takbuhin ang distansya nila nang makitang ina-aksyunang kaldagan ng dalawang college student ang asawa niya.Malalaki ang hakbang na nilapitan niya si Beth saka marahang hinablot.“Back off!” Dalawang salita lang iyon pero nanginig na sa takot yung dalawang lalaki at agad na umalis.Agad niyang iginapang ang matitigas niyang braso sa bewang ni Beth at bumulong.Kaya kahit na umiikot na ang paningin ay tumingin pa rin si Beth sa kan

    Last Updated : 2025-01-23
  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 37- WARNING!

    Halos paliparin ni Lucio ang sasakyan para lang makauwi sila sa bahay nila.Si Beth ay nakayuko ang ulo habang ang pula-pula ng mukha. Matapos niyang akitin si Lucio, siya ngayon ang nahihiya.Nang makarating sila sa kanilang bahay, halos hindi na maipark ni Lucio ng tama ang sasakyan. Hindi na niya kayang pigilan ang init na gustong bumulwak kanina pa.Sa labas pa lang ng gate, lumabas na siya ng sasakyan at agad na kinuha si Beth sa tabi.“H-Hindi pa nakapark ang sasakyan sa g-garage.” Sabi ni Beth na gulat na gulat.“Pwede pa yang ma-park bukas pero ang bazooka ko sa loob ng pantalon ay sasabog na.”Agad namula si Beth nang marinig iyon. Alam niya kung anong bazooka ang tinutukoy ni Lucio.“Magandang-" hindi na natuloy ng mga maid ang sasabihin nila dahil nagmamadali si Lucio na makaakyat ng hagdan.Agad nagkatinginan ang mga katulong. Agad silang napatakip sa kanilang mga bibig ng mapagtanto kung ano ang gagawin ng dalawa.Sa kwarto, namumula si Beth at hindi makatingin sa mukha ni

    Last Updated : 2025-01-23
  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 38- WARNING 2!

    Is that thing will fit in me?Ang naglalarong tanong sa isipan ni Beth. Nasa paanan na niya si Lucio, nakatingin sa kaniya na puno ng pagnanasa ang mata.Kanina, para itong hayok sa kaniyang laman na kahit pa ilang ulit na siyang nagmakaawa na tigilan na siya ay hindi siya pinakinggan.Ilang beses siyang nangisay sa pagpapaligaya ni Lucio sa kaniya gamit lang dila at daliri.Hindi niya alam kung dapat ba niyang pagsisihan ang ginawa niya kanina sa bar o hindi lalo pa’t hindi niya inaasahan na hindi pala gentleman ang asawa niya sa kama.Tama nga ang sabi nila, be careful to what you wished for.“Are you scared?” may munting ngiti sa labi ni Lucio habang tinatanong siya.Napalunok si Beth. Nahihiyang sumagot dahil hindi naman takot ang nararamdaman niya. Iba.“Spread your legs,” utos ni Lucio sa kaniya.Kahit ang pasensyoso nitong pamamaraan sa kaniya habang kinakausap siya ay nawala na.Right now, he’s dominating her real good.Right now, he’s commanding her like a predator at siya iyo

    Last Updated : 2025-01-24
  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 39- Na engkanto

    No’ng magising si Beth, nakita niya si Lucio sa tabi na tulog na tulog at nakayakap sa kaniya.Dahan-dahan siyang umalis sa tabi nito.Sinuot niya ang damit niya at nagtungo sa kwarto niya.Agad siyang pumasok ng banyo at naligo. At habang sinasabunan niya ang buong katawan niya, kita niya na maraming red marks ang iniwan si Lucio sa kaniya kaya tuloy, maagang-maaga pa lang e namumula na siya.Bawat markang iyon ay may pinapaalala sa kaniya.Dahil masiyado pang maaga, naisipan niyang pumunta ng kusina at magluto.“Tulungan na po namin kayo ma’am Beth,” sabi ng mga katulong na may ngiti pa sa mga labi.Alam na alam nila kung anong mga nangyayari kagabi dahil kahit anong pigil sa ungol no’ng dalawa, may mga nakakawala pa rin.Tinulungan na nila si Beth kaya agad itong natapos.“Ah ate, kapag po nagising si Lucio, pakisabi na kumain po siya ah.”“Hindi niyo po ba siya hihintayin ma’am?”“Hindi na kasi may trabaho pa ako e.” Kahit na nahihiya lang siyang magpang-abot sila matapos ng wild s

    Last Updated : 2025-01-24

Latest chapter

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 233- Atilla's journey

    ATILLA SHANEYA “ATISHA” SCHRUTZ Akala ni Lucio e makikita niyang reaction sa mukha ng babaeng nagpakilala sa kaniyang Isha ay gulat nang makarating sila sa bahay niya, pero bigo siya dahil wala itong kareact-reaction. Na para bang normal lang sa kaniya ang nakikita niya. Malaki ang bahay ni Lucio, maraming sasakyan, kaya nag-expect siyang malulula si Isha sa ari-arian niya, pero hindi pala. In fact, humikab ito tanda na pagod na. “Pwede bang manatili saglit sa bahay mo? Magbabayad ako ng renta.” Napatitig nalang si Regar kay Atilla. Ngayon pa lang siya nakakita ng babae na makapal ang mukha. “Regar, dalhin mo siya sa guest room.” Tumango si Regar at sumunod naman sa kaniya si Atilla. Nasa hagdan na sila nang magsalita si Atilla. “Ahm. Alam kong hindi niyo pa ako pinagkakatiwalaan pero maniwala kayo, hindi ako magnanakaw.” Sabi niya kaya tumigil si Regar at humarap sa kaniya. “Huwag po kayong mag-alala Ms. Isha, hindi ko naman iniisip na magnanakaw kayo.” “Salam

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 232- Atilla

    ATILLA SHANEYA ‘ATISHA’ SCHRUTZ‘Pakshet talaga ng mundong ito!’ Galit na sinipa niya ang batong nasa harapan niya kaya todo aray siya dahil hindi man lang gumulong ang bato, in fact, parang daliri pa niya sa paa ang nabalian.“Arrrrrggggghhh! Sakit!”Habang tumalon talon pa siya sa sakit, nasa likuran na niya ang mga bantay niya.“Ma’am Atisha!!”Napalingon siya sa likuran at nang makita ang limang bodyguards na nilayasan niya, bigla siyang nataranta.“Shit!” Agad siyang kumaripas ng takbo.At the young age, masiyado ng ganap na dalaga si Atilla, thanks to her foreign blood na galing kay Atisha at Bernardo kaya kahit pa isa pang teenager e napagkakamalang adult na.Dahil lumaki rin siya sa isang pamumuhay kung saan hindi siya salat sa pagkain at bitamina, lumaki siyang parang isang mamahaling bulaklak na inalagaan ng mabuti.She bloomed perfectly.. Ibang iba siya kay Beth na payat, sakitin at nasa attic.Kung ipagkukumpara ang dalawa, para tuloy nakakabatang kapatid ni Atilla ang ka

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 231- Twin sister

    NAKARATING NA SI BETH AT REGAR sa isang sementeryo, iyon ang sinabi ni Ten na lugar kung saan ay magkikita sila.Pagkababa niya, agad siyang sinalubong ni Ten.“Hi.”“Ten, ano yung sinend mo kanina?”Tumingin si Ten sa lalaking nasa likuran. Si Regar ang nakita niya, akala niya ay si Lucio ang kasama ni Beth.“I told you, she’s my wife and she’s here.”Nauna siyang maglakad, si Beth naman ay nagmamadaling sumunod sa kaniya. Pagdating nila sa puntod ni Atilla, gulat na gulat siya nang makita ang litrato nito.Kamukhang kamukha niya, pero batid niyang hindi siya yun.“Atilla Shaneya Schrutz Jung,” mahinang pagbasa ni Beth sa pangalan.“She’s your twin sister. She grew up with dad.”Nanlalaki ang mata na binalingan niya si Ten.‘What? Twin sister? I have a twin sister?’Bigla siyang napailing. Parang ang hirap para sa kaniya paniwalaan iyon.“I am c-confused.” Mahina siyang natawa. “Paano ito nangyari? Paanong wala akong alam ito. Kahit si Bernardo, h-hindi rin niya alam ang tungkol dito

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 230- Helping Roween in the shadow

    Loreen’s body buried in her coffee shop’s small yard. Sa mala berdeng damo na naroon, walang mag-aakala na bagong bungkal ang lupang naroon kung nasaan nakalibing ang bangkay niya.Dinadaanan ng mga customers at ng mga empleyado ang parteng iyon, na parang wala lang.That kind of death na walang sinumang magnanais.Si Roween, nasa malayo, nakatingin.This is his revenge for his daughter.Binalik lang niya kay Loreen lahat ng binigay nito kay Rainah.And now, habambuhay hahapin ng mga Floreza kung nasaan ito, without knowing na nasa malapit lang ito, patay na.“Let’s go to the hospital. I need to visit her before I leave.” Sabi niya kay Neo at agad na nagmaneho patungo sa hospital kung nasaan si Beth.Pero hindi sila makalapit dahil nagdagdag si Lucio ng security. Halos lahat napapaligiran na ang buong building.Kaya nanatili na lamang siya sa kaniyang sasakyan.Mahihirapan na siyang lapitan si Beth at ayaw niyang masira ang plano na nilatag niya.As much as possible, gusto niyang mana

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 229- Lonely

    “Wife,” pagtawag ni Lucio kay Beth pagdating niya sa bahay ng dad niya.Nagmamadaling tumayo si Beth at lumapit sa kaniya. HumaIik siya sa labi nito at niyakap. “How’s dad?”“He’s fine pero hinahanap niya si Loreen.”Natahimik siya doon. Kahit pa kapatid niya ito, the fact remains na gusto niya itong pagbayarin sa ginawa nito sa asawa niya.“Galit ka pa rin ba sa kaniya?” tanong ni Beth nang mapansin na natahimik siya.“Hangga’t hindi ko sila nakikita ni Nice, hindi mawawala ang galit ko sa kanila.”Sumandal si Beth sa dibdib niya, tila pinapakalma siya.“Kung makita man natin sila, ipakulong mo nalang sila. Huwag mo ng ilagay sa kamay mo ang batas.”Huminga siya ng malalim dahil hindi niya alam kung kaya ba niyang makontrol ang sarili niya oras makita niya ang kapatid niya at si Nice.“Bakit ang tahimik mo? Magpromise ka sa akin hubby.”“Wife.” Nahihirapan na aniya. Paano siya mangangako?Isipin pa lang niya ang mukha ng dalawa ay kumukulo na ang dugo niya.Humarap si Beth sa kaniya

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 228- Loreen's karma is too painful

    Hindi inakala ni Loreen na mararanasan niya ito lahat. Wala sa isipan niya dati na aabot siya sa puntong ipagsisigawan nalang niya na sana ay tapusin na ang buhay niya.The pain is draining her. Sa sobrang sakit, pakiramdam niya ay impyerno ang napuntahan niya.Sobra siyang napakampante na hindi mabubunyag ang tungkol kay Rainah.Ngayon, she’s paying the price.Habang nasa loob siya ng kwarto, may lalaking pumasok at inabutan siya ng tubig.“Please, t-tulungan mo ‘ko.” Pagmamakaawa niya. “K-Kahit magkano, magbabayad ako. Triple pa ang bayad ko sa sahod niya sayo.”Tumingin sa kaniya yung lalaki pagkatapos ay napailing.“Bakit ko naman tutulungan ang isang criminal na kagaya mo?”Sunod-sunod na tumulo ang luha niya. Gusto pa niyang mabuhay.“Please… Hindi ko sinasadya ang nangyari kay Rainah. Maawa naman kayo sa akin oh.”“Mali ka ng binangga.” Sabi no’ng lalaki sa kaniya. “Hindi mo dapat pinakialaman si Ms. Rainah.”“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Kamuntikan na niya akong pinatay.

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 227- Loreen's nightmare

    A week after…No sign of Loreen, no sign of Nice… as if they both are gone.Sa pagkawala ni Loreen, naging sanhi iyon para bumagsak ang katawan ni Sr. Floreza.Nag-aalala si Beth habang nakatingin dito na nakaratay sa kama. Mag-iisang linggo na itong may sakit dahil sa stress at pag-aalala kay Loreen.Pansamantala muna siyang bantay dito dahil marami pang inasikaso si Lucio lalo’t kaliwa’t kanan ang negosyo na inaatupag niya ngayon.Napatayo siya nang makitang nagmulat ng mata ang senior.“D-Dad,” agad niya itong nilapitan.Tumingin ang senior sa kaniya. “Is there no sign of my daughter?”“Wala pa, dad.”Makikita ang pagdaan ng lungkot sa mukha ng senior. Hindi na niya alam saan niya hahanapin ang anak niya.Kita sa CCTV footage ang ginawang krimen ni Loreen at Nice at kita rin ang pagtakbo ni Loreen palabas.Pero kahit anong hanap nila dito, wala na silang makitang bakas nito.“I’m sorry. I know it’s been hard for you.” Sabi ng senior kay Beth. “But I cannot help it. She’s still my da

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 226- The torture

    Tumulo ang luha ni Leah.Dahil likod, braso at hita ang nasaksak ni Nice kanina, nagkaroon pa siya ng oras para harapin ito.Pero hindi ibig sabihin no’n na hindi na siya nanghihina.Nanlalabo na ang paningin niya. At hindi niya mapigilang hindi umiyak dahil alam niyang hindi niya na maipagtatanggol ang kapatid niya.Nagtataka siya bakit nakalagpas sila Nice sa security. She wondered anong nangyari sa labas. “Stop hoping for back-up. Patay na lahat ng iniwan ni Lucio sa labas.” Sabi ni Loreen. Tinulak siya ni Nice kaya nakawala ito sa harapan niya.Tumingin siya kay Loreen kung saan nakatutok pa rin ang baril sa kaniya.“Ako nalang ang patayin mo, huwag na ang kapatid ko.” Pagmamakaawa niya.Tumawa si Loreen.“Ikaw at si Beth, malaki ang ginawa niyong kasalanan sa pamilya namin. That wench ruined my family. Lucio crushed Joliever’s leg because of her at IKAW! ANONG KARAPATAN MO PARA SIRAIN ANG PANGALAN NG PAMANGKIN KO? YOU PUT OUR FAMILY NAME IN SHAME!”“Kill that b*tch Loreen!” Sab

  • I'm Married To My Scumbag Ex's Uncle   Chapter 225- You want them dead?

    Pagkapasok ni Leah sa loob ng kwarto ni Beth, nakita niya itong nagpapahinga sa kama pero gising.“Leah?” gulat na gulat ito at hindi makapaniwala na nakita siya nito.Agad siyang tumakbo at niyakap ang kapatid. “I’m sorry.” Unang sinabi niya.“Huh? Pero bakit ka humihingi ng sorry? Wala ka namang mali na ginawa.”“Sa video. Alam kong napanood mo na yun.”Huminga ng malalim si Beth. “Iyon ba ang dahilan kung bakit umiyak ka noon?”Tumingin siya sa sahig, nahihiyang salubungin ang mga mata ni Beth.“Isa yun sa dahilan. Matapos kong malaman na ama ko si Bernardo, nagpatong-patong yung guilt ko. Ayoko kasi masira ang friendship natin kaya natakot ako.”“Well, hindi ko sasabihing hindi ako nasaktan kasi umiyak ako nong nakita ko yung video na yun noon. Pero kung titignan, naging eye-opener ko yun noon para humiwalay ako sa kaniya.”Nag-angat siya muli ng tingin.“Bago pa yung video, alam ko na talagang nagloloko si Joliever sa akin, wala lang ebidensya. Kaya kahit ilang ulit na akong nasak

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status